Kung nabasa ni Gloria Arroyo ang nangyari sa Honduras kahapon, dapat manginig siya sa takot. Dapat rin simulan na niya ang pag-empake at kung malasin siya baka hindi na siya umabot sa Hunyo 2010.
Sa balita kahapon na ang presidente ng Honduras na si Manuel Zelaya ay pinatalsik sa isang military coup. Dinala daw ng eroplano ng military sa bayan ng Costa Rica si Zelaya.
Matatapos na raw ang termino ni Zelaya at ayon sa kanilang Constitution, hindi na siya pwedeng tumakbo. Pinipilit niyang palitan ang Constitution at marami ang pumapalag kasama na ang military.
.Noong isang linggo, tinanggal ni Zelaya ang military chief na si Gen. Romeo Vasquez dahil ayaw niya magpagamit sa hindi naman opisyal na referendum na siyang gustong gamitin ni Zelaya para mapanatili siya sa kanyang pwesto kahit tapos na ang kanyang termino.
Kaya ayan, na-kudeta siya.
Nakakatawa kasi kapag binasa mo ang balita, kung palitan mo ang pangalang “Honduras” ng “Pilipinas”, halos pareho ang sitwasyon. Ang diperensya lang, sa Honduras, kumilos ang military laban sa pangulong walang kabusugan sa kapangyarihan. Dito naman sa Pilipinas, nagbubulag-bulagan at nagbingi-bingian ang mga matataas na opisyal.
Ngunit mukhang wala si Zelaya sa tapang ng apog ni Gloria Arroyo. Ayaw rin niyang bumitaw sa kapangyarihan sa Hunyo 2010 kaya ngayon, sinusulong nga mga anak niya House Resolution 1109 na magsagawa ng ilegal na Constituent Assembly para palitan ang Constitution.
Hindi katulad ni Zelaya, si Arroyo ay matagal na niyang ina-alagaan ang military at pulis. Busog na busog ang mga heneral kahit wala na sila sa serbisyo. Ginagawang ambassador o binibigyan ng matataas na pusisyon sa civilian bureaucracy kapag retired na sila.
Ang karamihan sa mga naninindigan para sa Constitution at sa sambayanang Pilipino ay nakakulong.
Marami pa rin tayong mga military officials na propesyunal at hindi nabibili ni Arroyo. Mukhang maayos itong AFP Chief na si Gen. Victor Ibrado. Sa confirmation hearing, tinanong si Ibrado kung siya ba ay tatanggap ng pusisyon na sibilyan kapag sa kanyang pag-retire sa marso 2010. sabi niya, “Hindi.”
Kaya tuloy may balita na sa Oktubre o Nobiembre alisin na siya para maka-akyat si Army Chief Delfin Bangit na talaga naman masunurin kay Arroyo dahil dating puno yun ng Presidential Security group.
“Oplan August Moon” daw ang sabi ng mga report.
Maraming mga balitang kumakalat tungkol sa mga coup ngayon. Mayrong kontra-Arroyo, merong coup-me ni Arroyo. Unahan lang daw.
Kaya, talasan natin ang ating pagtingin-tingin at pakinig-kinig sa ating paligid.
29 June 2009
I doubt it very much, coz it’s the Honduran military who acted against Zelayan (is it correct??), while here in the Pinas, tsk, tsk, tsk…. the military is all for the leprechaun. so how can it happen? they (the AFP) will, but only to protect their patron saint of all “DOROBOS”.
And VOILA!!!! the military coup is for the leprechaun.
prans
The Armed Forces ni Pidal (AFP) and Police ni Pidal (PNP) are castrated. The top honchos (PMA class ’78) have no balls to fight Malacanang unless patriotic junior officers and men will make their move. They are paid to protect their Queen Gloria.
Tama sila Diego at Prans. Iba na yata ang mga AFP (Army for Pay) ngayon. Our only HOPE are the junior officers!
Do miracles still happen? Sa mga teleserye na lang daw yun. Kung May Bukas Pa ang kawawang mga Pinoy, tanging si Lord lang ang nakakaalam!
I would like to see people power at work rather than banana republic peeling. The military have got lots of bananas from gloria and therefore a monkey rebellion is unlikely. It is about time that people power show its muscle and national character, otherwise the next pretender in the palsce by the murky river will be just another gooria clone.
Sa sinundang thread, ay may comment ako tungkolsa nangyayari ngayon sa Argentina. Presidenteng tumakbo sa Kongreso, natalo!
Ang saya-saya, no?
DKG…wala akong tulak-kabigin, nakakasakit ng kalooban ang ating mga Kawal/Kapulisan. Sa halip na sila ang maging pundasyon ng katatagan ng Pinas e sila pa ang kapural sa kagaguhan, bakit ka mo…kasi ganito yon, di kayang panindigan yong iniatang na tungkulin sa kanilang mga balikat.
Sunod-sunuran sa kurap na rehime, kaya wala silang binatbat at never na matulad sila sa Honduran soldiers. Sa kayabangan, e diyan mo sila mapipintasan, kaya wala amor ang Kapiyan sa kanilang hanay.
Kita mo till now di nila masugpo ang pag-aalburuto ng ilan nating mga kababayan na until now e nakikibaka laban sa diktadurya.
Mahirap kasing pagkatiwalaan ang AFP/PNP sa dami ng paglabag sa karapatang pang-tao? Akala mo wala silang pamilya na tulad din nating mga sibilyan. Hay naku….!
TonGuE-tWisTeD,
Buti nga, dapat yan ang mangyari sa Pinas ng wag nang pamarisan pa ng mga kurap/sinungaling/magnanakaw/ksp sa ating lipunan.
Puro sila pahirap! Pagnagmilagro yong prayer ni igan Kim ewan ko lang, tapos ang kanilang lahi at bagsak nila e 10ft. below the ground.
Ang Honduran Supreme Court pala ang nag-utos sa Army para arestuhin si Manuel Zelaya. Malayong mangyari ito sa Pilipinas dahil maraming tuta ni Gloria sa Korte Suprema.
Pag umalis si Gloria sa bansa natin ay huwag ng pabalikin at maganda ay pati ang mga amuyong na dala niya katulad ng mga TONGRESSMAN ay huwag na rin papasukin sa bansa natin.
Mga junior officers kayo na lang ang pag asa ng bansa natin.
I freezeeeeee ang mga asset na nakaw nila at ibitay si Baboy……Gayahin ng mga Junior Officer ang Honduras na kinikilala ang batas nila. Dito sa atin ay walang batas batas. Mga Ulupong ang nasa Supreme Court at bayaran.. nakaka hiya na tayo. Nakakasuka na ang mga ito. nasabihan mo pa naman na matatas na tao at nag tapos sa mga magagandang paaralan pero kinalalabasan ay MAGNANAKAW LANG PALA.
I hope this will serve as an encouragement to our fellow Filipino people and Filipino Soldiers to show that they still care for the country. We as a people cannot just sit down and accept all the lies from the the Administration.
Hindi hinding mangyayari ito kay Gloria hawak.. niya sa pantalon ang PMA Class 1978 na under ng falda niya…and to top it all adding insults to the people..may mga retired generals na para sa bayan kuno na takot naman to come out in the open where thery actually stand in regards to Gloria..mukhang naging retarded at nakalimutan ang sinumpa nila..For the Nation, For the People…what can Senator Trillanes do? what can Gen. Lim and the Tanay Boys do?
They are detained…even if they want to do something..there is nothing they can do…our military is a hopeless case…matulog na lang kaya tayo at hintayin na bumagsak ang eroplano na sinasakyan ni Gloria…at ang mga 40 tong grease men na buntot niya..let us just sing ay ay kalisud..kalisud sang kina pabay-an kag kina lapakan!
DKG…wala akong tulak-kabigin, nakakasakit ng kalooban ang ating mga Kawal/Kapulisan. Sa halip na sila ang maging pundasyon ng katatagan ng Pinas e sila pa ang kapural sa kagaguhan, bakit ka mo…kasi ganito yon, di kayang panindigan yong iniatang na tungkulin sa kanilang mga balikat.
********************************************************
I second your opinion, ‘igan BALWEG. Professional morality (kung meron mang ganyang pananalita) among the ranks of the police and the military is DEAD. But to be fair to those who still cling to their solemn oath of patriotism however few they may be in numbers, what I have to say does not apply to them. Doon lamang sa mga “takaw-pera”.
Alam natin na karamihan sa mga nagtatapos sa PMA ay kun’di sa AFP ang punta, ay sa kapulisan. Either way they so choose, honesty, honor, and integrity are the main battle-cry of these highly trained professionals to give credence to their lofty and (supposed to be) respectable positions of power.
Ang nangyari, due to the brutality of corruption dealt by the shit-hole in the palace called, gloria, and add to this the very weak character and misguided principles of those concerned when it comes to money, the erthswhile professional soldier became a MERCENARY. And once they became a mercenary, technically (borrowing the term from cerge remonde), these soldiers CEASED to be soldiers of the Filipino people. They became, instead, “soldiers for hire” whose allegiance they un-questionably give to whosoever gives them the blood money. Who knows, they may even fight for the Abu Sayyaff for as long as the price is right. Eh pagka ganyan ay palitan na natin ang PMA as Philippine Mercenary Academy. Otherwise close it for good if it would only breed traitors ! Why do we have make scholars of these people if, after spending for them, they would turn against us ! Haven;t they heard of the saying, “you do not bite the hand of that who feed you” ?
What irks me is that hindi na nga sila mga sundalo ng Pilipinas, makapal pa rin ang mga mukha nila na isuot ang uniporme ng TOTONG sundalo ni Juan de la Cruz. It is like adding insult to injury. Pinapa-suweldo pa rin NATIN sila, habang bina-bagyo sila ng limpak-limpak na salapi ni pandak. Aba eh double-compensation pa !
Ang isa pang malungkot, even as there MAY be truly patriotic few in the military and the police, and assuming still that they know they are obeying orders inconsistent to what they are supposed to be fighting for, they still choose to aim the barrels of their guns to the oppressed people who could barely buy a stash of noodle for a day’s meal.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRGHHH !!! Ngitngit ng pitong dwende !
Sa palagay ko lahat sila (mula kay gloria hanggang doon sa pinakamababang corrupt na opisyal sa Pilipinas ngayon) ay iisa ang kinuhang kurso noong nag-aaral pa sila. Lahat sila kumuha ng CRIMINOLOGY (pun intended). Kita niyo lahat sila ngayon ay puro KRIMINAL ! Puwah !
Let us hope that Ibrado follows the Vasquez move before he gets booted out to be replaced by Emperor Bangit. He only has a very small window of opportunity to stand by the people. Ginawa na rin lang siyang “extender” in order not to make so obvious that the pandak is favoring the emperor, totohanin na niya na siya ay isang tunay na “chief of Staff”! Na hindi siya panakip butas lang sa ngayon. Napakaliiit ni bulilit para hindi mailagay sa isang maliit na helicopter at ibagsak sa Pacific Ocean o dalhin sa isang bansang tatanggap sa kanya.
The Magdalos and the Tanay Boys are clipped. They are heavily guarded. Yung mga nasa pwesto naman ngayon ang dapat kumilos kung tunay silang may “balls”. Those who are incarcerated have done their part. Nakulong na nga sila at nagdurusa ang mga kapamilya. Let us not expect them to do more. Hanggang ngayon nililitis pa rin ng kangaroo court ang kaso nila.
The last witness was the John Rat. He had to master his piece before he sat on the witness stand. That was his chance to show pandak that he is worthy of the Commandant’s position. I have a gut feeling that instead of Sabban, the rat is favored to be the Marine Commandant.
Kim, Criminalogy is more apt.
TOUCHÉ, mon ami.
Iba ang militar dito ngayon sa atin…wais! Ano nga naman mapapala nila kung magpalit ng presidente? Baka malasin pa sila at ang pumalit ay makunat, not unlike pandak, galante! Kaliit na babae pero parang alkansyang baboy na puno ng biyaya.
“Ma-Honduras kaya tayo?”
Hindiiiii!!!!!!
Bakiiiiit!!!!!!
Itanonong niyo kay Bangiiiiiiit!!!!
Inutil ang karamihan sa military …PMA clasS 1978 ata ang pinaka inutil…pinaka useless to expect to protect the people..to protect the nation..wala na tayong maasahan..ang mga “kaunti” na nasa labas ay tulog at inutil din..kung sinuportahan sana ng mga tao sila Trillanes at Gen. Lim hindi sila nakulong ngayon..if those who could walked with them to Peninsula Hotel but did not…hindi seguro sila nakulong..it is more than too late now…useless na at wala ng magagawa…might as well just say Hell to the Cheat and bow saying…oh watanassiam….
Ang pagtalaga sa puwesto sa lahat ng Batch ’78 ay alam nila Teodoro at Puno. Ngayon lalaban daw sila sa darating na eleksiyon? Tangna nila … may plano talaga sila … nililito lang nila ang mga tao.
Basta’t ang sa akin hindi aalis si Glorya sa puwesto. Gagawa at gagawa siya ng paraan. Bakit nga ba natin tinatanong kung siya ay bababa … hindi naman siya talaga ibinoto ng tao. Nakaw ang puwesto niya kaya aalagaan niya ito. Ano kayo hilo???????
One of the very few comments that give justice to those who are still out of Malacanang pockets. Two thumbs up!
Oftentimes, in the heat of our passion, we tend to generalize our reference to institutions just because their leaders are ‘evil’. We need to realize that there are still people in these institutions who are upright, noble and are worthy of our trust. If we need their heroic participation in our pursuit for a better Philippines, we must not antagonize them through our careless generalizations.
well said,ka Enchong.
Well,kinasuhan ngayon ang government ng fake president sa america ng isang fil-am because of torture.
good development!
Ang mapabilang sa class 78 ay hindi karangalan kundi kahihiyan, maliban lang sa iilan na tulad ni Gen. Lim.
Para sa mga bloggers, lubayan na natin si Gloria at ang mga talamak na sinungaling na baboy niya tulad nila ermita, remonde at ang gaga na si fajardo. Katukin natin ang mga puso ng mga junior military officer, ito na lang ang natitirang pagasa natin na makapagliligtas sa bayan.
Matagal ng kinakatok ang puso ng mga junior officers. Ang mga bumukas ng puso nila eh ang mga Magdalo at Tanay Boys lang.Yun pare-pareho silang nakakulong. Yung iba eh napakawalan na kaya lang may nakataling pisi sa kanilang mga leeg at ito ay hawak ni asspweron. Piyon na ni asspweron sila ngayon. Kung ano ang gusto niyang pagawa sa kanila, marahil sunod-sunuran na lang sila kay ass.
Based on comments of Rose and Kim, we cannot follow the pattern of Honduras. I do not know their history. We can not diagnose a patient with a chronic illness based only on the present circumstances and present symptoms. Good physicians always look into the history of their patients.
In like manner we need to look at our history for the illness of our nation is chronic. Ours is a pattern of lack of love by us, for our nation. Since they are capable, those who have access to power and wealth have their actions create a greater impact on the nation than those among us who are poor.
The common pattern is loss of love. The underlying cause is the corruption of our system by the Americans when they invaded us in 1899 to turn our attitude of from fierce resistance to invasion to worshipping dependents of American invasion. Our identity was corrupted. Our love for our nation was corrupted. It was replicated from one generation to the next.
That is why generations of us Filipinos lost our love for our nation and became worshipping dependents of the American invasion still being continued today in more subtle methods. Because of lost of love, those who have access to power used them for personal gains as long as they remain puppets of the Americans.
But as Ka Enchong said, not everybody has been infected. those who have not been infected can reverse the situation. History of France in World War 2 is nearer to our situation. Gen de Gaulle led a resistance movement to expel the German invasion and the French puppet government the Germans installed. A few years after the liberation of France from the Germans and its puppet government, De Gaulle removed the US base from France.
Filipino generals should appreciate the nationalism and professionalism and above all, the courage of De Gaulle.
“Bombs found in Metro Manila; destabilization on?” — Phil. Star
Inu-umpisahan na mga kababayan ko.
Kaibigang jose Miguel, foremost, I want you to know that I agree with you with the Pinoy’s “lack of love of country” syndrome.
But I beg to cut this short for now as I have to work. I’ll be back in a few hours to continue what would be an expanded and interesting discussion of what you have started.
Be back later, da-barkads………….
Sabi ni Barack na ang military ng Honduras na nag coup d’tat ay mali daw dahil ang Presidente nila ay legitimate president and was voted by the Hondurans fair and square. Alam ba ninyo na si Barack malapit sa Castro brothers at hinahanga ni Barack si Hugo Chavez. Mahirap espellingin itong si Barack. Baka kumampi ito kay Pandak. Lagot ang Pinas.
Dandaw, posibleng kampihan ni BO si pandak as long as pandak follows his wishes. The charter change actually works best for the American business. Maraming mga businesses ang mga Kano sa Pilipinas. Never mind the Filipinos. Matiisin naman daw tayo! Kung meron nga tayong matinong presidente at hindi naman masaya ang mga Kano, tatanggalin din nila ito.
hehehe! natawa talaga ako!
mag-pabigote na rin si gloria para talagang parehas na hehehe
Super liit si pandak pero super glue ang kapit!
Kaya malakas ang loob ni pandak dahil siguro alam niya na kakampihan siya ng Kano.
Gaya na ng nasabi ng ilan nating mga kaibigan dito sa ellenville to which I also agree, for as long as any leader of a country serves the interests of america, uncle sam will always cast its menacing shadow behind that leader. And yes, even if it means supporting a tyrant like gloria. Like it or not, that is the bitter reality.
“Filipino generals should appreciate the nationalism and professionalism and above all, the courage of De Gaulle.”
Not only the generals, but also the whole soldiers which also covers the generals.
Go ahead Kim, I will watch out for your comments.
Kim:”…I agree with you with the Pinoy’s “lack of love of country” syndrome.”
This is a symptom of American Imperialism Defilipinization Syndrome or Alienated Identity and Defense Syndrome.
A true-to-life scenario in a banana republic:troops ousted the president after a power struggle over plans to change the constitution.
* Presidential elections are scheduled in 2010 to elect a NEW president.
* Incumbent president not legally allowed to run in 2010 elections.
* Incumbent president wanted to defy the Constitutional limit by conducting referendum on charter change .
* Critics said it was part of an illegal attempt by the incumbent president to defy the Constitution’s limit of a single four-year term for the president.
* In the last few weeks, supporters and opponents of the president have held competing demonstrations.
Ma’am Ellen and to all the bloggers here may I also participate in your discussion. I am HaydeenKoi a retired janitor not the popular cosmetology doctor. My education is limited only to high school level. I am a late bloomer in computer and a newcomer in blogging ativity.Kaya po pagpasensyahan na lang ninyo.
I find your blog madam very interesting and get plenty of ideas from intelligent blogger people here.
Ako po ay mahilig sa mga usapan about politics in the country since the late 60’s to present.
My first comment is for the “Mahonduras kaya tayo.” You know I have learned in life that there is nothing sweeter than freedom. Di ba pinag-aralan natin sa elementary at high school ang tungkol sa freedom. The constitution guarantee our freedom to elect our leaders. But many of our votes do not count because the COMELEC failed in arithmetic. That’s why Glueria is in power. Sabi nila you don’t have to be a scientist to know that Gloria should not be in power. This is bad to your health. Sabihin ko sa inyo na lumala pa ang high blood pressure ko because of the Con Ass.
But the question is this. Is Glueria going to be ousted like that Manuel Zelaya. Why not we have capable military and police people. Sa madali, madali pero where is now the loyalty of these armed authorities. Many of them are already anti-people. Why they support whoever gives them money and position. A soldier should be faithful daw to the constitution not to the person. But that is baloony right? In their elementary and high school education they learned good manners and right conduct but now they do not practice it. The more they learned the more they become ignorant of the laws. Instead of calling them AFP now, puwera lang iyong mga iba diyang may integridad at mabubuting opisyales, a lot of them represent the ABP which means Armed Bandits of the Philippines. Why people perceive them that way so? Is because many of them are already corrupted by the corrupt politicians.
No kudeta for Glueria yet. But do not discount also the mounting anger of the people plus the growing number of junior officers in the army and police who are already for the truth and consequence.
Kaibigang Kim and Ka Enchong,
Inuulit ko rito ang sinabi ninyo…
“But to be fair to those who still cling to their solemn oath of patriotism however few they may be in numbers, what I have to say does not apply to them.”
“Oftentimes, in the heat of our passion, we tend to generalize our reference to institutions just because their leaders are ‘evil’. We need to realize that there are still people in these institutions who are upright, noble and are worthy of our trust. If we need their heroic participation in our pursuit for a better Philippines, we must not antagonize them through our careless generalizations.”
Sana maunawaan ng lahat ang mga nasabi ninyo sapagkat iyan ang katotohanan. Marami pa ring matitinong sundalo. Why then don’t they move? Kasi po they have so many things to consider.
Hindi komo’t hindi gumagalaw ay wala nang “balls”. Hindi pwedeng puro “balls”. Tuso ang kalaban. Dapat tuso din ang isip ng tatapat. Otherwise, ang mga makabayang sundalo will end up the ones incarcerated.
Sad to say this pero bakit behind bars ngayon ang mga magigiting na sundalong tumindig at lumaban para sa bayan? Sapagkat kulang sa planning. Puro tapang ang ginamit. Walang fall-back position. Mis-coordinated ang galaw and mis-calculated ang kalaban. Hindi sinunod si Sun Tzu.
Mahabang kwento and I would not want to be judgemental. Pero yan po ang realidad.
More realities. Yung unang Coup was in 1986. Ang mga nakaupo ngayon ay yung mga junior officers noon. Nasa hanay nila ang mga gumalaw noon laban kay Marcos. In short, may experience factor na sila. Alam nila ang isip at galaw ng mga junior officers ngayon na may planong lumaban kay nunal.
Ang ibig ko pong sabihin, mas kailangan ng gagalaw ngayon ng mas masinsinang pagpapalano. Yun pong Edsa 86 took months of planning and coordination. Inspite of that, nagka-aberya pa rin dahil naamoy kaya napaaga ng kaunti. Ngayon pa kaya?
Let us not lose hope. The PMA still produces soldiers for the Filipino people… soldiers who still live by the tenets of courage, integrity, and loyalty — even up to their retirement age. Hindi po lahat nabibili at nagiging corrupt.
Haydeenkoi, welcome to Ellenville!
Tama ka Enciong. We need to plan. Si pandak, nag-plano ng mahigit isang taon para patalsikin si Erap. Plinano ulit niyang mandaya noong 2004 at lumusot naman. Yung hindi pagtuloy ng computerization sa 2010 elections eh naplano na rin niya. Sa totoo lang, malaki siguro ang hinihingi ni fat pig na tongpats sa mga contractors kaya umayaw ang mga ito. Kaya lang may fall back position sila. Lahat na lang ng klaseng plano meron siya-con-ass, martial law, tatakbo na congresswoman, August Oplan atbp. Malay natin kung ano ang matutuloy sa mga planong ito.
But the will of the people will always prevail in the long run! Medyo mabagal nga lang ang kilusan but it will come. Puputok din yan!
Tama ka rin Enciong, marami pa ring PMAers na may paninindigan. I know a handful of them and I am so proud of these PMAers na may paninindigan pa!
could happen if those in the higher positions will initiate.
enrile and ramos moved out in EDSA1
mercado and reyes moved out in EDSA2
who will initiate now?
Pag si gloria dapat talian ipahila sa kabayo at dalhin sa Plaza Miranda, ibitin, batuhin para wag nang pamarisan, yan ang kailangan, sampulan ang mga walanghiya, magnanakaw, manloloko at mandaraya!!!!
Sounds brutal di ba? but the worst lesson should be carried out so that future leaders may learn, and never to commit simiral behaviours again !!!!!!
Si delfin bangit, bangit ba o pangit? Matagal na yan humihimod sa talampakan ni gloria. Kaya pipilitin nyang tumagal sa puesto si gloria.
Let,s just hope responsible and upright military groups will do the right thing in the next days, few months.
The period between now and christmass eve is crucial to all of us freedom loving Pinoys.
Correct Ka Ms. Ellen, “Kaya, talasan natin ang ating pagtingin-tingin at pakinig-kinig sa ating paligid.”
Tama ka rin Enciong, marami pa ring PMAers na may paninindigan?
Igan PSB…korek ka diyan, but ang punto ngayon e nasaan yong paninindigang yan sapagka’t NOW NA kailangan natin ang kanilang tulong e saan sila nangangamote?
Aanhin pa ang kabayo, kung patay na ang kabayo! Common sense more than 9-years na tayong sukdulang ginagago at ginagawang utu-uto e nasaan yong mga pinagpipitaganan nating PMAer except Gen. Lim’s and co.?
The end is near ng rehime e playing safe pa din yang karamihan PMAers.
Tongue: Sa sinundang thread, ay may comment ako tungkolsa nangyayari ngayon sa Argentina. Presidenteng tumakbo sa Kongreso, natalo!
******
Aba e, kung manalo pa si Gloria Dorobo sa Lubao, bilib na talaga ako sa pagkagago ng mga tao doon. Hopefully, di naman siguro sila kasing dugong-aso ni Gloria Makapalgal. Dapat labanan siya ng mga kapatid niya sa ama na taga-doon.
Yup, PSB, siguro nga mahal ng mga kano si Gloria Dorobo. Er, di pala “mahal” ang tamang salita kundi akala nila mapapakinabangan nila kasi nga lahing dugong-aso. Kapag tinapalan nila ng dolyar, pihado ipagkakanulo na ang lahi niya gaya ng ginawa ng mga nuno niya sa sinauna. Yuck!
Ma-Honduras kaya tayo?
(Taytol sa itaas)
Palagay ko, may kalabuang maganap sa Pilipinas ang ginawa ng Honduran Army kung saan sila mismo ang bumitbit sa kanilang abusadong presidenteng hindi nakuntento sa isang terminong isinasaad ng kanilang Saligang Batas.
Mas malamang pang mangyari sa atin ang ma-HUDAS tayo dahil nakapuwesto ang karamihang PMA class 78 na puro WALANG BAYAG at SUPOT. Sila ang nagkakanulo sa atin habang binibigyang proteksiyon ang kanilang adopted mistah na si gloria macapagal-arroyo DE PUTA.
Putang ina nila!
Hehe! Nakakatawa yang gitil mo, Starch. Ramdam na ramdam.
Maraming magaling sa PMA ’78, Starch. Sayang nga lang at marami nang nasira ni nunal. Kaya nga nakakatakot ang mga possibilities come 2010. Pag magaling at na-corrupt…
It was only for a brief period in our history that we had our so-called national identity- starting off with the execution of Fathers Gomez, Burgos and Zamora and eventually succumbing to the pressures of American colonization at the turn of the last century.
More basic than the absence of a patriotic concept, I think, is the absence of the Filipino’s love for himself and his capacity to fight for his due.
He gets to be treated as a doormat in some foreign countries and he never raises his voice in protest. He meekly conditions himself to accept it as an immovable reality.
He gets to be treated as a second class citizen in his own country and he simply reacts with a shrug. He does not hold himself and his government accountable for any anomaly, political or otherwise.
OFWs are sought after for their knowledge and skills? This is generally a lie. OFWs are sought after only for their capacity to be eternally submissive while being satisfied with relatively ‘cheap’ monthly paychecks.
In contrast, those who lead our nation possess an almost delusional sense of self-importance. I would not wonder if, in the next 24 hours, Malacanang will come up with a statement condemning the events in Honduras, playing ‘chuwariwap’ to Obama’s singing. Not too long ago, Aling Gloria also issued a condemnation of North Korea’s nuclear tests and Myanmar’s crackdown on protesters- as if, her condemnation counts…
Before we enable our sense of patriotic duty, let us first love ourselves and respect our own dignity.
Ilabas ang ‘full report’
(Eralyn Prado/Bernard Taguinod/Rose Miranda)
“……Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay binasag ng Pangulo ang kanyang pananahimik sa binabatikos na foreign trips at sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Hong Kong ay sinabi nitong, “At the end of the day, trabaho ang hinahanap natin kahit ako investment ang hinahanap natin. Trabaho pa rin ang hinahanap natin para sa ating mga mamamayan,” ani Arroyo. ”
http://www.abante.com.ph/issue/june3009/news03.htm
Anaknamputang gloria ito, oo!
Tangnamuka! Hindi paghahanap ng trabaho ang sinabi mo noon, PUTA!
Maliwanag na sinabi mong LILIKHA at MAGBIBIGAY ka ng MILYONG trabaho para sa mga Pinoy at ihahanay mo ang Pilipinas sa FIRST WORLD countries in twenty years. Pero ano ang ginagawa mo? Lamyerda dito, lamyerda doon? Magkano na ang ginugol mo kasama ang iyong pamilya at mga alagang aso? Isama na rin ang mga suhol sa kanila? BILYON BILYONG PISO na, di ba?
Kung ang halagang ito ay inilaan mo sa local investments, ilang daang libong tao ang mabibigyan sana ng trabaho?
Tangnamuka, mahusay ka lamang sa pangakong kasinungalingan pero hindi mo kayang pangatawanan. Iginigisa mo kami sa sarili naming mantika. Bruha ka! BILYONG DOLYAR ang utang ng Pilipinas, sino ang magbabayad nito? Ikaw ba? Ang baboy mong asawa? Ang anak mong kabayo? ‘Yung isa mong anak na gago? O, ang anak mong babaeng mukhang ostrich? Lalo naman sigurong hindi ‘yung iyong mga apo? Hindi ba’t kaming mga karaniwang mamamayang tinatarantado mo?
Putang ina mo, gloria!
Hindi na baleng maging bastos ako’t magmukhang walang pinag-aralan, maisampal ko lamang sa mukha mong ubod ng kapal sa pamamagitan ng pagmumura sa iyo dahil NINAKAW mo na ang aming kinabukasan gayundin ang para sa magiging kaapuapuhan namin.
Patay na kaming lahat at magiging abo na, subalit hindi pa matatapos ang pagbabayad sa lahat ng mga inutang mong pera!
Kasamang Enciong,
Palubog na ang aking araw. Mula pa sa aking ama na naging political leader noon sa ilalim ng Liberal Party at presidente pa si Mr. Fool, este Poor Boy from Lugaw, este Lubao, pareho kaming umasa ng pagbabago, pero awa ng Diyos, abo na ang tatay ko WALAAAAAAAAANG naganap na pagbabago.
Kumbaga, ang nangyayari sa Pilipinas ay LUMALAO’Y BUMUBUTI, SUMASAMA NAMAN KAYSA DATI.
Sana naman, bago ko ipikit ang aking mga mata at maging pantay na ang mga paa ay mapuksa na at mawala itong salot na pumepeste sa atin. Kumilos na sana ang mga kinauukulan upang masilayan naman natin kahit banaag man lamang ng pagbabagong napakatagal na nating inaasam.
Sana!
Wow Starch, I never read you fume as much as you did now!
Your categorizing these kapal muks as animals is superb!
Madoff got 150 yrs in prison for squandering 50 billion dollars from his investors. This amount is so small compared to the trillion dollar economy of the US. Compare this to the pandak’s billion pesos travelling spree, tongpats and what have you! She should be jailed more than three lifetimes! Unless the Philippines prosecute plundering leaders (not the same detention Erap had where he was detained in his luxury ranch), every leader we have will always loot the treasury because they know they can get away with it!
Kasamang parasabayan,
Mababasa sa itaas, sagot ko kay Kasamang Enciong ang isang dahilan kung bakit.
Namatay ang tatay ko, ilang taon na ang nakakalipas subalit hindi ko man lamang nasilayan ang kanyang labi dahil wala akong pamasahe pauwi sa Pinas. Matagal siyang umasa, mula pa kay diosdado macupal, ang kanilang sinuportahan noon sa Liberal Party, inabot pa siya ng panungkulang nakaw at ipinandaya ni gloria, ngayon ay abo na, pagbabagong pangako ay wala pa.
Malapit na rin akong pumanaw, hindi ko pa rin ba masisilayan ang banaag? Paano na ang aking mga anak? Ang aking mga apo? Kayo? Tayong lahat? Ganito na lamang bang magtitiis tayo at sisikmurain ang lahat ng kanilang mga pagmamalabis at kawalanghiyaan?
Kaibigang Starch,
I cry inside me as I read your response sapagkat tutoo lahat ng mga hinaing mo. Walang mangyayari sa bayan natin, walang pag-asa hanggat walang pagbabagong mangyayari.
Ngunit paano? Wala pa rin akong maaninag na liwanag ng pagbabago sa nalalapit na hinaharap.
Gusto ko na ring magmura…
To the Cadet Corps, Armed Forces of the Philippines…
Sana’y hindi mabura ang integridad na nakaukit sa mga Bull Ring ninyo pag nakapagtapos kayo. Sana’y hindi mabura ng korapsyon ang apoy ng integridad na itinatanim sa inyo.
Paglabas ninyo ng PMA ay mararanasan na ninyo ang tutoong buhay na iba sa kapaligiran ninyo diyan ngayon. Korapsyon ang bubulaga sa inyo. Either you fight it with all your might or you let it destroy your moral fiber. Those are your only options.
Bakasakali, sa henerasyon ninyo, may makitang pag-asa ang bayan ni Juan.
Coup d’etat undermines the majority rule of each nation. That said, just WHO would Pinas install as the new Prez when there is indeed a “coup d’etat”??
To me, the single most over-riding reason why this administration thrives is: “these so-called ex-generals and admirals who are just plain spineless and poodles to Gluerilla”. Their eyes bulged as big as it can be when they’re given cushy positions in her queendom, all pretexts for each to cart away the peoples’ money. Just quite a sad way of life.
Well, at least George W. Bush’s life is also cushy. A powerful ex-US Prez who is content with giving “inspirational commencement speech” to a high school graduation, mahirap din espelingin ang pagiisip. Gluerilla should one day do the same but on the “Kindergaten” level.
To the bloggers na may contact o may kamag-anak na Kadete ngayon sa PMA…
Sana’y iparating ninyo sa kanila itong Ellenville. May access sila sa internet. Magandang habang maaga ay mamulat sila sa tutoong nangyayari sa labas ng PMA. Idealistic pa ang mga batang iyan. let us fire up their idealism. Let us help strengthen their moral fiber. Let us offer them a window to reality apart from their cloistered lives. Nasa kanila ang pag-asa ng bayan.
Maganda ang site na ito sapagkat matalino ang palitan ng kuro-kuro. Maraming mapupulot na aral at hubad na katotohanan.
there is always the possibility na ma honduras din ang pinas.the good thing in honduras is that the military is united and that there was no bloodshed so far.in pinas the generals and the supreme court ay hawak ni gma. in the lower echelons however, one cannot be sure of the people who have direct contact with the soldiers. they may be divisions so that there is the possibility of bloodshed.it really does not matter for me as long as the blood is from the present occupants of the palace that had become a symbol for powersick people instead of people’s power.
Ka Enciong: Before we enable our sense of patriotic duty, let us first love ourselves and respect our own dignity.
*****
Sinabi mo pa. Iyan ang dapat itanim sa tuktok ng mga pilipinng dumadayo pa sa ibang bansa para magkalat, at doon ipahiya ang lahi nila. Daming ganiyan dito sa totoo lang. Takbuhan pa ng pag-attend sa mga pabongga ni Gloria Tapalani paid with taxpayers’ money para makalibre daw ng tsibog. Yuck!
Inaasahan ba nating ibuyangyang nila ang kanilang mga balak at pamamaraan? Walang sinuman ang tahasang makapagpapatunay na walang binabalak ang mga ‘pinagpipitaganan nating PMAers’. Wala ring sinuman ang tahasang makapagsasabing may binabalak sila.
Kung may mga PMAers man na nagbabalak tumubos sa pagkakasangla ng sambayang nais magtagumpay, makabubuti sa kanila ang manahimik muna sa ngayon.
Nasa ating mga sibilyan ang tungkuling mag-ingay at ihayag ang ating pagkasuklam bilang isa sa mga karapatang nakadambana sa ating Saligang Batas. Nasa sambayanan ang pasyang isuko ang kanilang karapatan bilang mamamayan. Nasa kanila rin ang pasyang bawiin ang anumang karapatang naisuko na nila. Ang malaking agam-agam lamang ay kung handa ang sambayanang panindigan at ipagtanggol ang anumang kapasyahang kanyang nanaisin.
Basically dugong aso rin si Angara at Villar dahil may mga cabalen background sila at kurakot like Gloria.
Bakit di na lang natin patakbuhin si Katrina Halili bilang congresswoman sa pampanga cabalen naman si Katrina Halili.
Mumbaki, kung tatakbo si Katrina Halili katapat ni gloria, ano ang labanan?
Ang hubad (o tuwad) kontra huwad?
Puwede, for a change.
PMA’ers na lamang ba ang ating sasandigan?
Alalahanin ninyong meron din tayong mga reserved officers sa active service. Nariyan din ang mga direct commissioned officers next to PMA’ers being in the Regular Force, AFP. At higit sa lahat ang ating mga enlisted personnel na siguradong init na init na sapagkat sila ang mas nakakadama ng paghihirap at mas gumaganap ng tungkuling pagsasakatuparan ng kanilang sinumpaan. Ang mga opisyales ay tagamando lamang.
Let us not count them out. Mas marami sila, kumpara sa iilang kupal na PMA Cl ’78 aka as Makatarungan Class (masusuka ako).
‘Yung mga tulis, este pulis pa puwera lamang ‘yung mga kotong, di ba General Rasyon?
Sa eleksyon po,Liwayway.
50,000 Pinay maid ipapadala sa Malaysia
“……Maliban sa makataong pagtrato, mataas din umano magpasahod ang Malaysian employers na umaabot sa 800 ringgit kada buwan o katumbas ng US$228.60 o P11,200….”
http://www.abante.com.ph/issue/june3009/abroad03.htm
Susmaryopes!
Hanggang kailan matatapos ito?
Sumpa ng inang duwendeng asawa ng baboy at ina ng mga kabayo!
You guys talk about the dwendes, do you know that there are white and black dwendes. The black dwendes are evil, corrupt, and power hungry. Their queen is in the palace with retarded generals for protection. The black dwendes are happy and politically secured with their queen Glueria. Because of so much favor they get from her they do everything to protect her, they cast spell against the kalaban sa pulitika. They make those who oppose her vanish. But anything evil will come to an end. And queen Glueria is no exeption. The white dwendes on the other hand are not doing enough to bring down the queen. They can not unite because each of them have their own political ambitions. They are not of use to the people either. The military, they will only act when they know they are already sure of victory. This is the situation of the country today. Like a toilet bowl that can not be clean by ordinary cleanser, you need muriatic acid to get rid of that dirt. So who will pour the muriatic acid to that makapit na dumi sa Malacanang? It is a one million dollar question that we keep on discussing everyday in this blog. In my simple mind, I know this is no time to retreat. This is no time to surrender. Losers are quitters. I am glad you people here are not. And so I am.
Well sana doon sa pampanga mag run against Gloria si Katrina malay mo mas maraming boboto kay Katrina Halili.
It was Smartmatic that conducted the referendum of Venezuela. The exercise, and the count, was considered clean by the Carter Center
http://www.cartercenter.org/news/documents/doc1826.html
as well as other international observers.
As explained by Ms. McCoy, the machines tallied the votes on the computer. A printout was, however, provided to the voters, which they could inspect, if reflective of their votes. The printouts were deposited in ballot boxes, like regular manual ballots. The machine results could be audited by counting the printouts (they are machine readable, so there is no manual count). The machine results, presumably, should match the count of the printouts.
The Jimmy Carter center did audits, and found the results accurate, and reflective of the will of the people.
So bakit umatras ang TIM? They wanted control of the machines. The TIM are the Pinoys; sila ang may motive na mandaya. The Venezuelans could care less if a dog (or pig) won the elections. But they, I presume, would want a credible result, dahil yan ang negosyo nila; and they want long term benefits, not the short-term relief of a tongpats. Smartmatic, through Sequoia, is in at least 17 states of the US. May US elections din sa 2010, and again in 2012.
Possibleng may lagay kay Pidal, so they could get the business. So what? As long as the results are clean.
Maaaring diyan nagmula ang away; dahil ang Noypi, gustong ma-control ang bilangan. That is where the business interests diverged. The Smartmatic wanted to showcase another clean elections, so they can continue marketing. The Pinoys, wanted to conduct their unggoy kalakalan (monkey business).
BTW, does anybody remember the much ballyhooed Kalakalan 20 of Cory bright boy Oca Orbos?
Ma-Honduras kaya tayo? It is easier to count the stars and the moons in the sky than wishing this would happen to Pinas with the kind of AFP leadership we have.
Malayo tayong ma-Honduras pero palagi tayong na-Huhudas!
Malakas ang boses ni Pareng Barak at Mareng Hil na ibalik raw si Zelaya sa Honduras, that is without making any investigations as to why the people don’t like him anymore and he was ‘binitbit’ by his military out of the country.
Hmmm…alam na natin kung ano ang gagawin ni Barak at Hil kapag nangyari yan sa Pinas. Matsunurin rin ba si Zelaya kay Uncle?
ma Honduras kaya tayo? HINDI, kasi ang mga opisyales na matataas dito galing ng PMA na kapag naretiro ay nagkakaroon pa ng mas magandang puwesto.
In 1986, the Philippines was hailed by the whole world for the bloodless coup that ousted former President Marcos popularly known as People Power or Edsa 1.
Subalit hindi alam ng buong mundo na ang dating pangulo ay hindi lamang nakinig sa bulong (sulsol) ng kanyang punong ayudanteng si Gen Fabian Ver na bombahin na ang mga taong natitipon sa harapan ng Kampo Aguinaldo at Crame sapagkat hindi maatim ng kanyang kalooban na mamamatay ang mga wlang kalaban-labang taong bayan kaya ipinasiya na lamang niyang tahimik na lisanin ang Malakanyang. Sa pagkakataon lamang na iyon lumabas sina Ramos, Enrile at Gringo na buong kasiyahang ipinagbunyi ng mga tao, subalit (ngayon ko lamang natanto) na ang tatlong ULUPONG na ito ay naghihintay lamang ng tamang oras at WALANG INIISIP kundi iligtas ang kanilang mga sari-sarili at ginamit lamang ang taong bayan bilang kalasag.
Sa palagay ba ninyo, kung sinunod ni pangulong Marcos o itinuloy ni Gen Ver (kahit tutol ang pangulo) ang pagbomba at pagkanyon sa Edsa, lalabas kaya ang tatlong itlog na ito at makikihalo sa binobombang mga tao?
Kaya nga nagtago muna, eh.
Sa panahong ito, kung maganap ang pag-aaklas ng mga tao, suportahan man ng mga kawal nating sukang suka na sa mga kawalanghiyaan nina gloria kasama na ang mga asong heneral, alam nating parang buwitreng gutom sa kapangyarihan ang babaeng mandaraya, magdadalawang isip ba siya upang hawanin ang kumpol ng mga taong nagsasatinig ng pag-ayaw at sawa na sa kanyang mga kabulukan? Hindi kaya parang nagpa-planting rice ang bala ng mga kanyon at mortar at parang ulan ang bagsak ng mga bombang pamatay?
Habib,
“Sa palagay ba ninyo, kung sinunod ni pangulong Marcos o itinuloy ni Gen Ver (kahit tutol ang pangulo) ang pagbomba at pagkanyon sa Edsa, lalabas kaya ang tatlong itlog na ito at makikihalo sa binobombang mga tao?”
Heh! Si Ramos at si Enrile, nagtago sa Camp Aguinaldo — halos maihi sa takot.
Duwag ang dalawang gago na yan! Nasa loob sila ng isang kuwarto sa Camp Aguinaldo.
Pinagtatawanan sila ng maraming officers noon.
Sa totoo lang, tayong mga Pinoy ay lahing duwag. Alam ko marami ang magagalit sa akin pero tanggapin natin na ito ang katotohanan. Tingnan niyo lang itong mga abuso ni Gloria kaya natin tiisin at wala tayong nagagawa kungdi ngawa ng ngawa. Wala ba tayong mga suicide bombers katulad sa mga Middle East countries? Dito sa blog ni Ellen ang dami nating matatapang . . . sa pagsulat lamang. Anong say mo my dear Grizzy, Chi, Cocoy, AdeBrux, Balweg, Ka Enchong, Parasabayan, Rose, LiwaywayGawgaw, Patria Adorada, etc. etc.?
Bakit naman dapat ikagalit yan, eh totoo naman, ‘di ba?
Pero, hindi kaya higit na katapangan ang magsulat at ngumawa kaysa magpakamatay at sumuko sa hirap ng buhay? Ano ba ang sukat ng tunay na katapangan? Ang sumugod sa laban kahit alam nating pagkatalo lang ang kasasapitan? Sa karahasan lang ba nakabatay ang katapangan?
Violence is the vision of those without imagination, the argument of those without reason.
Ed,
Ikaw naman, walang magagalit sa sinabi mo unless isang ipokrito/a. But I agree wholeheartedly with Ka Enchong: “Pero, hindi kaya higit na katapangan ang magsulat at ngumawa kaysa magpakamatay at sumuko sa hirap ng buhay? Ano ba ang sukat ng tunay na katapangan? Ang sumugod sa laban kahit alam nating pagkatalo lang ang kasasapitan? Sa karahasan lang ba nakabatay ang katapangan?”
Tingnan mo si Ellen at mga journalists na ang laban ay panulat. O, simulan natin kay Lolo Jose. Di ba mas tumalab sa kaibuturan?
Bakit ang Ellenville ay every second nasa radar ni Pidal? Yan ay dahil sa ating ‘kadaldalan’.
Oo nga naman.
Bakit nga ba ikakahiya itong pagngangawa natin, eh para naman mamulat ang ating mga kababayan.
Saka hindi mangyayari ang hamon ni Ka Eddfajardo dahil ang matatapang dito, karamihan ay nasa ibayong dagat katulad ko.
Pero ako kahit hindi niya hinahamon, papayag akong maging suicide bomber, kailangan lamang dalawa kami ng tiyuhin ni LoreLIE.
Payag ka ba, Sir?
Unang problema natin, paano tayo makakalapit kay gloria. Daming asong ulol na nakapalibot doon, kasama na ang pamangkin mong parang sungay ng usa ang dila.
Problema, kapag merong mag-suicide bomber sa mga hinahamon ni Ka Eddfafardo, mababawasan na tayong matatapang dito.
Pilay na tayo, di ba?
Dito lang muna. Darating din tayo diyan. Kailangan diyan, pinaplano. Hindi basta sugod nang sugod.
Sabi nga ni Habib, daming asong ulol na nakapalibot kay gloria. Matatalas ang pang-amoy ng mga ‘yun. Lalo na daw ‘yung merong dilang parang sanga ng usa.
Habib, Adebrux & eddfajardo,
I beg to disagree my friends. It is still vivid in my mind that way back in 1986, Enrile, Gringon & FVR broke away from the clutches of the Marcos regime and opted to make a last stand in Camp Aguinaldo. Soon, fellow officers and civilians followed. During those tenseful moments, these three were really ready and willing to give up their lives.
When there were reports that Gen Ver gave the command to Gen Ramas of the Army to get ready to bomb Aguinaldo and Crame with their howitzers, the three heroes and officers braced themselves and were ready to die at that very moment.
When I asked Gringo for instructions before the bombing, he just said, “Hijo, stay put lang tayo. If we die, at least this will open the eyes of the Filipinos and our cause in not useless”.
When Gen Ver ordered two fighter planes from Basa airbase to bomb Camp Crame, Gringo, FVR, Enrile and the rest of the officers did not withdraw — they just waited and opted to face death.
Soon I found out that these two fighter pilots were classmates of mine from PMA and they defied Ver’s orders to bomb Camp Crame.
Why I know these things? Because I was there. I am sorry but I believe it is not fair to judge the three heroes as “ulupongs”. During those traumatic moments, everyone was willing to sacrifice ones career, family and life.
Let us not lose hope my friends. Just like during the Marcos era, we waited for 20 years until the 1986 revolution. We should be thankful to Grizzy, Chi, Cocoy, AdeBrux, Balweg, Ka Enchong, Parasabayan, Rose, LiwaywayGawgaw, Patria Adorada — they are here to stir and motivate each of us.
Just like what happened during the 1986 revolution, soon there will come a time when the situation will ask each of us to sacrifice our careers and lives. Are we all ready for that? Or we will just be fence-sitters and wait whoever wins.
Sa likod mo lang ako Liway kung dumating ang tunay na pisikal na laban, hehehe!
“….Eddfajardo…..”
“Lalo na daw ‘yung merong dilang parang sungay ng usa.”
Nabulol ako sa hamon ni Ka Edd, ah!
“Sa likod mo lang ako Liway kung dumating ang tunay na pisikal na laban..” – chi.
Ano ka, mare? Sinusuwerte? Sa likod ko ikaw pupuwesto tapos, itutulak mo ako? No way!
He he he heeh!
Ha!ha!ha! That’s the idea, Liway. Galing mo talaga!
Sax, pakibasa mo ang comment ko sa previous thread.
Tongue:
Mukhang naghahabulan tayo. I just did, and reposted there, so that other inputs may be located in that thread.
Hindi natin masisi si eddfajardo, wala talagang matapang na Pinoy. Kahit sundalo duwag, e. Kung yung mga Muslim dito walang suicide bomber.
Ang problema kasi, ginagamit ni Pandak ang kasundaluhan at kapulisan, kapalit ng pera at posisyon. Hindi natin kayang tapatan yan. Kaya bang lumaban ng tirador at balisong sa mga tangke?
************************
Pero Anna, LG, kung nakalapit ako kay Makoy sa Malakanyang nung last day niya, matatapos niya ang EDSA 1 ng walang patay. Matagal ko nang pinanukala at marami na rin ang nakapulot ng ideya ko simula pa noong 1987.
Di ko kasi nasabi kay Makoy na imbes na mga tanque de guerra ang ipadala sa Ortigas, dapat ay mga tangke ni Malabanan ang itinutok niya sa mga usisero doon. Siguradong walang lalapit at yayapos doon sa mga tangkeng iyon! Lalo na yung mga madreng nakaputi!
Tongue,
Totoo namang karamihan sa nasa Edsa noon ay mga usisero lamang at habol ay libreng tsibog.
Baho naman ng ideya mo! He he he heeh!
Sino ba naman ang lalapit sa tangkeng ang laman ay kayamanang galing sa poso negro? Okey ka nga. Ayaw mo ng violins, este violence dahil gitara at drums (pati torotot ‘at) ang hawak mo sa banda. He he he heeh!
Sa totoo lang, tayong mga Pinoy ay lahing duwag.
Oppsss Igan Eddfajardo…hay salamat at busog ang Pinoy bago ko nabasa ang iyong thread, katatapos ko lang tsumibog e kaya kalmado pa ang kukote.
E paano mo napagtanto na tayong mga Pinoy e duwag kabayan EF, marami ng buhay ang dumanak sa Perlas ng Silangan at alam mo yan kung nakapag-ukol ka ng panahon upang pakasipiin ang katapangan at katapatan ng Pinoy.
Ok, granted…mayroong traydor at balimbing sa ating lipunan pero iilan lamang sila sa bilang kumpara sa mga nagmamahal sa ating Inang Bayan.
Kita mo naman ilang libo na ba ang biktima ng extra-judicial killings? Halos lahat ng Pinoy na magpahayag ng kanilang saloobin sa kabulukan ng bawat rehime especially si gloria e kakasuhan ka na komunista?
Ang alam lang nilang bukabolaryo e “MILITANTE”, at pagnasabihan kang militante e ang pasok kaagad sa kukote ng rehime ay komunista ka.
Kung idadaan mo naman sa kamay na bakal e puputaktihin ka ng AFP (Armed Forces of Pidalismo) o kaya PNP (Pahirap Na Pidalismo) upang tapusin ang lahi ninuman.
Sa madaling salita, ke sihoda na kurap o palpak ang rehime e sila ang tumatayong tama sa ating lipunan. Ang dami kasing gago at utu-uto sa rehime, kita mo naman naka barong at maria clara kung manamit ang karamihan diyan.
Kaya mahirap natin iparehas ang ating pagkatao sa mga iyan sapagka’t di naman permanente sila sa poder ng kapangyarihan at weather weather lang yan.
So, dapat maging mature na tayo sa larangan ng pakikibaka at kung simpleng paraan ng Pinoy e magtiis sa hirap kahit na ginagago ng mga nakaupo sa gobyerno de bobo ni gloria, but still they have faith in themselves and Almight God na may bukas pa na darating sa ating mga buhay or else tumanggap na ng diploma 10ft. below the ground.
Nagbabago ang panahon at pasasaan ba e matututo ang lahat sa ating mga kahinaan at pagkakamali…at someday e maging ehemplo ito ng pagiging matured nating mga Pilipino.
Yon lang!
“Heh! Si Ramos at si Enrile, nagtago sa Camp Aguinaldo — halos maihi sa takot.” – Anna
That’s true, regardless of what Isser explained. I know that because two of my uncles were also senior officers and they were with loyalist forces already in both camps Crame and Aguinaldo. You cannot even speak to any of Ramos, Enrile, and Gringo since they know the presence of their “enemies” among them. They were in one room heavily guarded and all the top RAM leaders were with them. They have no choice but to face death if Marcos gives the order. I saw the pictures and aside from the 3, the Generals and the RAM leaders, there were only 2 civilians, Roilo Golez, and Raffy Andaya, who was my HS classmate.
The place was highly-charged and shooting can commence anytime but both sides were holding back since it was not clear who among those uniformed men were friends or foes.
Palpak ang coup nung 1986. Maaga pa nabuking na na may balak sila nung natimbog yung RAM sa security detail ni Min. Bobby Ongpin. Tapos na-abort yung pag-capture nang AFP top brass na mga ninong sa kasal ng anak ni Gen. Piccio sa Nichols Chapel nung hapon ding iyon. Talo na ang coup di pa nagsisimula.
But what did we learn from all these power grabs?
In EDSA1, the soldiers started it, when they failed, the PEOPLE supported them.
In EDSA2, they failed to convict Erap by impeachment, the people started it, the SOLDIERS supported them.
In EDSA3, again, the people started it, but the SOLDIERS failed them.
In Oakwood and Manila Pen, the soldiers started it, but the PROPLE never came.
It’s a deadlock. Kaya ngayon hintayan na lang.
Kaibigang Isser,
Okey, sige. Bayani ang tingin mo at ng mga tao kina Ramos at Enrile noon. Kasama na si Gringo.
Pero pagkatapos niyon, ano ang mga pinaggagawa nila?
Nasaan na sila ngayon?
Noong panahong kailangan natin ang suporta nila dahil sa pandraya ni gloria? Ng pagnanakaw niya ng botong hindi naman para sa kanya?
Nirerespeto ko ang paniniwala mo, pero hindi ko masisikmurang tanggapin at tawaging bayani ang tatlong traydor na ito.
Pasensiya na.
Tongue,
‘Yung pinsan ko ay kasapi din ng RAM noon. Ang ilang kababata ko at dating mga kasamahan sa Jolo ay naroon din, assigned sa PSG at nagsibaliktaran at sumama sa RAM.
All they could tell were disappointments towards Ramos and Enrile. Pati kay Gringo.
Isser, coming from an ex-PMA’er like you who was at Camp Aguinaldo during the first people power initiative, I, for one, am convinced (with just a wee bit of reservations) that you are honestly telling it like it really was.
Meron lang akong tanong sa iyo, kaibigan. I understand from a past exchange that you called it quits from the active service out of disgust of the present regime. As an ex-officer of the AFP and an ex-PMA’er yourself, I am pretty sure your mindset is still of the idealistic PMA’er. Being so, how would you gauge the psyche of the present crop of junior officers relating to their corrupted mistahs?
Marami pa sana akong nai-isip na tanong that might eat up a large space of this blog, but they might undermine whatever is brewing in these active officers’ minds, if any. If you feel I am putting you on the spot, then I will understand and I would have to rest my case.
Oppsss mga Igan Kimchi at Isser…sure ba na may dugong PMAers kayo, kasi nga base sa mga nota nýo e talos nýo ang inyong mga kabaro kung talaga bang naninindigan ng totoo o ang gusto lamang e makilala na may nakasabit na stars sa kanilang mga balikat.
Sayang yong 4-years na paghahasa ng katalinuhan upang gamitin sa maayos na pagpapatakbo ng Armed Forces/PNP? Pag kasi nagkatahid na e kita nýo naman ang ugali-asal di na na ma reach.
Sayang yong buwis ng taong-bayan na ginamit nila upang makatapos ng pag-aaral sa PMA? E walang kwentang, kasi nga puro pahirap sa bayan ng mapwesto na sa de aircon na opisina.
Kaawa-awang mga NCO hayon naikikipagbakbakan sa Mindanao o kaya ipinaambus lang sa mga rebelde.
Barkadang Balweg, I’m sorry hindi ko nilinaw ang sarili ko. I am NOT (and I say again, NOT) nor WAS, a PMA’er. Sa panaginip siguro, pero sa totoo lang, NEVAH. I am just curious as to what, if any, kung meron pa ring idealism itong barkada nating si Isser kahit na siya ay wala na sa serbisyo. Gusto ka rin malaman from an ex-PMA’er’s point of view what it would take for the better breed of graduates to rise up in arms against their “terminated” (in-anay) or corrupted colleagues in arms.
Igan Eddfajardo…pahirit pa ha, kasi nga e di ko ma take yong winika mo na duwakang ang Pinoy? Weather weather ang antas ng pakikibaka, ok granted yong sapantaha pero wag mong kalilimutan ang kabayanihan ng mga ninuno natin na nag-alay ng buhay para sa Inang Bayan at yong mga biktima ng extra-judicial killings plus Macoy martial rule.
Bigyan kita ng ilang ehemplo ng mga Kapinuyan na nanindigan para sa Bayan:-
Gen. Gregorio del Pilar – Hero of the Battle of Tirad Pass and the Youngest General.
Marcelo H. Del Pilar – (1850-1896) In 1882, he founded the nationalistic newspaper, Diariong Tagalog. In December 1889, he became the editor of La Solidaridad and became the moving spirit behind the propaganda movement.
Trinidad Tecson – (1848-1928) Mother of Biak-na-Bato. Even though women-members of the Katipunan were exempted from the pact, she participated in Sanduguan(blood compact). She fought fearlessly in 12 bloody battles of the revolution in Bulacan, including the famous Battle of Biak-na-Bato.
Pedro Paterno – (1858-1911) He was the negotiator/mediator of the Pact of Biak-na-Bato. He helped prepare the Malolos constitution.
Emilio Jacinto – (1875-1899) Brains of the Katipunan.
General Antonio Luna – (1866-1899) The greatest general of the revolution.
Trece Martirez – The 13 martyrs of Cavite, who were executed by a firing squad on September 12, 1896.
General Emilio Aguinaldo – (1899-1964) He officially proclaimed the Philippine independence in Malolos, Bulacan, on January 23, 1899, with him as the first president.
Apolinario Mabini – (1864-1903) Sublime paralytic and the brain of the revolution. Born in Talaga, Tanauan, Batangas, on June 22, 1864.
GOMBURZA – Three intellectuals who crusaded for reform. Killed by garrote in Bagumbayan, Manila on February 17, 1872, for allegedly instigating the Cavite mutiny.
Melchora Aquino – (1812-1919) Better known as Tandang Sora.She helped the Katipuneros under the leadership of Andres Bonifacio by providing them food, shelter, and other material goods. She is recognized as the Grand Woman of the revolution and the Mother of Balintawak.
Graciano Lopez-Jaena – (1856-1896) Founder and first editor of the newspaper La Solidaridad, which became the vehicle of expression for Filipino propaganda in Spain.
Panday Pira – (1483-1576) First Filipino cannon-maker. He forged the cannons which Rajah Sulayman used in defending the Muslim Kingdom of Manila against the Spanish invaders.
Mariano Ponce – (1863-1918) Researcher, historian, bibliographer, propagandist, diplomat, physician, folklorist, and an outstanding reformist. Born in Baliwag, Bulacan, on March 23, 1863. While in Spain, he joined the propaganda movement and became one of the initiators of La Solidaridad, later becoming its managing editor.
Gregoria de Jesus – (1875-1943) One of the brave and patriotic women who played a heroic role in the Philippine revolution.
Fernando Ma. Guerrero – (1873-1890) When the revolution broke out, General Antonio Luna invited him to join the editorial staff of La Independencia, the organ of the revolution. Thus, he fought for the Filipino cause with his pen.
Felipe Agoncillo – (1859-1941) Outstanding diplomat of the Philippine revolution.
Rafael Palma – (1874-1939) He was involved in the propaganda campaign against the Spaniards. He cofounded with Gen. Antonio Luna the revolutionary newspaper, La Independencia.
Artemio Ricarte -1866-1945) The unconquerable hero of the revolution.
Isabelo delos Reyes – (1864-1938) Last of the propagandists.
Marcela Mariño Agoncillo – (1859-1946) Maker of the first Philippine flag.
Galicano Apacible – One of the founders of La Solidaridad.
Jose Ma. Panganiban – (1863-1890) He was Bicolandia’s greatest contribution to the historic campaign for reforms, more popularly called the Propaganda Movement.
Diego Silang – (1730-1763) He led the revolt of the Ilocanos in opposition to the tribute and abuses of the Spanish officials.
Maria Josefa Gabriela Silang – After the death of Diego Silang on May 28, 1763, the fight was carried on by his wife. She too lost her life for freedom’s sake on September 30, 1763.
Lapu-Lapu – (c. 16th century) Chief of Mactan who led the first successful Filipino armed resistance against Spanish aggression.
Francisco Dagohoy – (c. Mid-18th century) He led the longest revolt in Bohol against the Spaniards.
Teresa Magbanua – (1871-1947) The first woman in Panay to fight in the Philippine revolution. Known as the Visayan Joan of Arc.
Agueda Esteban – She commuted from Cavite to Manila to buy saltpeter, lead, and copper which where used to make ammunitions. She also carried secret messages about the planned offensives against the Spanish posts.
Julian Felipe – (1861-1941) Composer of the Philippine National Anthem.
General Francisco Makabulos – (1871-1922) Leader of the revolt in Tarlac.
Kita mo, ng dahil sa kanilang katapangan e heto nasa panahon tayo ng rehime na kapwa-Pinoy ang manggagago at maghuhudas sa ating lahat.
Kung nagawa nila noon na magbuwis ng buhay para sa bayan, e magagawa natin ito sa ngayon…bakit hindi, di ba!
Ang masakit lamang e kapwa-tayo Pinoy na magpapatayan ng dahil sa kapirasong buto, ang sakit damhin di ba..kaya kung kaya natin na maayos ito ng masinsinan pag-uusap e so be it.
Ang kaso e nagmamatigas ang rehime at heto ginagamit ang AFP/PNP, Judiciary, Tongres at ali pa.
Isang malaking hamon sa atin lahat kung papaano natin maisasayos itong kawalanghiyaan ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan.
Granted Igan Kimchi…well, sorry sa mga tapat nating PMAers kasi nga ng dahil sa mga pasaway sa kanilang hanay e ofcourse apektado silang lahat, but still respetado pa din natin yong mga idealist nating PMAers.
Ang ating lamang hinaing at pinagpuputok ng butse e sa halip na sila ng maging patnugot sa peace & order sa ating bansa, heto napapagamit sila sa mga kurap/sinungaling/magnanakaw sa ating lipunan.
Ang atin lamang na gustong makita sa kanila e yong prinsipyo na kanilang natutuhan sa PMA, at kundi nila kaya itong yakapin at panindigan e wag nilang isiksik ang kanilang mga sarili sa tawag ng tungkulin.
Maraming Pinoy ang gustong magsilbi sa bayan, ang kaso itong mga may vested interest e anak ang iba diyan ng mga nakinabang sa bawat rehime na naupo sa poder ng kapangyarihan.
Kailangan wakasan nila yong ANAY sa kanilang institusyon upang muling magbalik-loob yaong tiwala sa kanilang lahat or else pasensiyahan na lang.
Wala silang suporta o tiwala na maaasahan sa balana.
norphil: dito sa Filipinas united din ang military and How! united para kay Gloria! siya ang pagasa sa promotion; siya ang pagasa para makakuarta sila! Pagasa ng Military is Arroyo…PMA!
After we gained our Independence, it looks like we lost our heroes and had villains instead. Kung baga, yung mga magulang eh nagpayaman para may maibigay sa mga anak. Yung mga anak eh winaldas lang lahat ng naipundar ng mga magulang at nangutang pa! Ngayon baon na baon na tayo sa utang. Thanks to all the vultures in our governemnt.
Kaibigang Habib,
Mga tunay na bayani ang tingin ko sa kanilang tatlo nong kasama ko sila noong ’86 revolution. However, after several years after the revolution, that is another story.
In fact, I am really disappointed that the objectives we were fighting for were never materialized. After Marcos, mas naging corrupt pa ang gobyerno! Personally, EdsaI never achieved anything. Nanghihihanyang lang ako kasi a lot sacrificed their careers (including myself) and walang nangyari.
Kaibigang Kimchi,
You asked me how would I gauge the psyche of the present crop of junior officers. Honestly, in my opinion, most of our junior officers are still idealistic and trust-worthy. In my opinion, the Academy, has never failed in trying its best to produce leaders. Ang problema ay nasa GOBYERNO and SOCIETY. If the government is corrupt, there are two things that could happen — a) the young officer could fight the system, end up in jail or leave the service. Or b) adapt to the corrupt government and society.
So, huwag tayong mawalan ng pag-asa. A lot of junior idealistic officers are still there willing to change our society. They are just waiting for the right leader to come and lead them. I firmly believe that the Senior Officers still have in their hearts the ideals they learned from the Academy — hintay-hintay lang tayo and bigyan natin sila ng chance. If there will be a “change” this time, I think it would be bloody. Parang vulcan yan na bigla na lang sasabog. If that day happens, be ready to take sides — it is better than being a fence-sitter (“balimbing”).
Kapatid na Balweg, salamat at binigyan mo ako ng dahilan para ilahad sa iyo ang sa akala ko eh “out-of-topic” na pag-usapan. Isa pa, pangako ko rin ito sa isa nating ka-barangay na si Mr. Jose Miguel. Sabi kasi ni Mr. JM, “In like manner we need to look at our history for the illness of our nation is chronic. Ours is a pattern of lack of love by us, for our nation”. I mean tama siya sa isang banda. Ang sa akin eh ganito naman.
If ever there is this so called “lack of love” of pinoys about the Philippines, I’d rather say it may be more of “lack of pride” of being Pinoy.
Like you aptly laid it out for Mr. Fajardo, ours is a history as colorful and as heroic as the men and women who fought for our freedom. However, how many of the new generation of Pinoys today know exactly what took place in our country centuries ago ? Hindi ko nilalahat pero, I am almost sure not everybody knows our basic history as a people. Case in point, I once asked a high school student in our neighborhood who Teodora Alonso was and he said, “isa sa mga naging GF ni Pareng Joey (Rizal). WHAT ??? I mean he was almost correct. Hindi niya alam (o baka nakalimutan niya) na nanay ni pareng Joey si Aling Teodora.
My point is, if the Filipino is ignorant, or shall we say, oblivious of his own history, how can he even appreciate his being a Filipino ? Is this the result of our perennial colonial mentality after 400 years under the Spaniards and 50 years under the Americans (not to mention 3 years under the Japanese)?
Ang sa akin lang if we, as Filipinos, do not even know the heroic deeds and struggles for freedom our forefathers went through in our own histories past, how can we even appreciate our identities being Filipinos ? Without this conscious awareness of who we really are, how can we even look up to the high heavens and take pride in being Pinoys ?
Summing it all up, hindi ko matanto kung ang sinabi ko eh siyang dahilan ng “pagka-duwag” ni Juan o sa kaniyang attitude na “bahala na”……..que sera-sera, what will be, will be. I guess it all depends on your individual points of view.
Ang mga tao na kumakapit no-on kay Marcos ay kumakapit na rin ngayon kay Gloria. Iyong mga ta-o na kumakapit kay Ramos at Cory, kumakapit na rin kay Gloria. Ang ibig sabihin kong sino ang nasa puesto at may hawak ng militar ay du-on sila. Itong klasing ta-o ay ang tunay na duwag. No morals, no decency, no back bones. Itong and dapat pag ingatan sa buhay.
Hoy mga pulis at sundalong makabayan bakit kayo nagpapakatuta sa isang ganid magnanakaw at ambisyosang kapit tuko sa posisyon dati sabi nyo makabayan kayo asan kayo ngaun? wala ba kayong awa sa susunod na henerasyon ng pamilya nyo?
kung kami ay di magbayad ng buwis may mapapakain ba kayo sa pamilyat kabit nyo? lalo na mga galamay ni gma hindi lahat ng pulis at sundalo ay tulad nyong ganid sa posisyon. andyan sim karma kayo rin wag nyo nang hintayin pa na magsisi kayo sa huli.
tax revolt now!no to gma alis dyan…..
Magandang balikan ang kahapon at pagkunan ito ng tapang at tatag ihaharap sa darating na bukas. Nguni’t higit sa tapang at tatag, mahalaga ring tunghayan natin ang aral ng kasaysayan.
Our history, even in its brightest moments, had its share of less heroic, even treacherous, characters.
One of the most glaring controversies in our history was the rivalry between Andres Bonifacio and Emilio Aguinaldo leading to the mysterious death of Bonifacio and the rape of his widow, Aling Oriang, by one of Aguinaldo’s men.
Lesser known, but equally controversial, was Antonio Luna’s squealing of the erstwhile secret society, Katipunan, to then Gov. Gen. Ramon Blanco, implicating Dr. Jose Rizal in the process. Luna disclosed that Katipunan, was actually La Liga Filipina, which was founded by Dr. Rizal. Luna’s testimony was one of the nails that sealed Rizal’s conviction and eventual execution.
Diego Silang was assassinated by a Spanish mestizo named Miguel Vicos. What gave Vicos a clear shot was Silang’s trusted aide, Pedro Becbec, who agreed to act as Vicos’ accomplice by engaging Silang in a conversation while Vicos aimed his gun.
The Macabebes were mostly maligned, especially in this blog, for being instrumental in Aguinaldo’s capture. I am not saying these Macabebe scouts are faultless- but what can be expected from mere mercenaries? The biggest traitor in this episode was an Ilocano courier, Cecilio Segismundo. Segismundo, instead of delivering Aguinaldo’s documents to Gen. Urbano Lacuna, surrendered them to the Americans. These documents turned out to contain a request for troop reinforcements and a map leading to Aguinaldo’s camp grounds in Palanan, Isabela.
Pedro Alejandro Paterno, who claimed having descended from pre-Hispanic nobility proclaiming himself Prince of Luzon while he was in Madrid, brokered the Pact of Biak-na-Bato. He befriended Aguinaldo, eventually convincing him to accept a ceasefire and exile in Hongkong in exchange for money. For his ‘efforts’ he demanded that Spain officially grant him either a Prince or a Duke title. He also sent the Spanish government a bill for his services. When Filipinos threatened Spain anew in 1898, he issued a manifesto of collaboration asking Filipinos to support the Spanish government.
Why am I citing all these?
Even in our quest for idealism, we need to accept that there are certain inescapable realities. But, these should not stop us from dreaming, asserting and struggling for a better Philippines.
Again, more basic than patriotism and national pride, we must learn to love ourselves, treasure our personal dignity and seek to understand our identity as a nation.
Pasensya na po kung medyo off-topic at may kahabaan. Hindi ko lang mapigilang makisawsaw sa usapin.
I love reading the history of our country so I read Jose Miguel’s and Ka Enchong’s and all the other historians’ account of who were our real heroes and the traitors. I even watch the “Explainer” regularly because it bridges the old and the new Philippines.
I am one of those who took for granted reading our rich heritage. I am just catching up now. But I love my country of origin and I would do everything I can to make sure that the next generation will have a better Philippines!
Maraming nakalistang heroes sa itaas. Kaya lang hanggang panahon ng Kastila lang.
Sa modernong kasaysayan, sino ang mga bayani ng Pilipinas? Meron ba? Yung heroes in the real sense of the word – nagpakamatay para sa bayan. Mabibilang lang yata sa daliri.
Funny but I just got a note from my Communist friends in the USA asking for signatures for a petition to submit to Obama re comeback of Zelayo, whom they say should be returned to his position.
Now, I wonder if Obama will support Zelayo knowing that he is a leftist wanting to stay in power for a longer period of time than what the Honduran Constitution allows.
Bibilib na sana ako doon sa mga sundalo sa Honduras, iyon pala, dahil lang sa ayaw nila iyong komunistang presidente nila lalo na nang paalisin ni Zelayo iyong pinahepe nila.
I share your frustration, Eddfajardo. You bet, marami diyan, matapang lang pag may hawak na baril, balisong, palakol, etc. at kung may kasamang mas matapang sa kanila! Worse, namamahamak pa. Pag nalagyan, wala na! Tawag ko nga, gago na tanga pa!
Balweg:
Bakit mo sinama si Aguinaldo sa listahan mo? Walang kuwentang tao iyan sa totoo lang. Naging bayani iyan dahil lang kay Macapagal who wanted an absolution for his ancestor, the original dugong aso.
Pero banggitin mo ang pangalan niyan sa kung may buhay pang dating Katipunero, baka habulin ka nila ng itak! 😛
I love the Phil. it is the home of my people. Edd… kung duwag man ako at matapang lang sa pagsulat it is simply because it is all I know..I can express myself better thru writing..hindi ako marunong mag cha-cha nor mag tango..hindi rin ako puedeng mag suicide bomber kasi being catholic kasalanan ang mag suicide…limited talaga ang katapangan ko, ano Edd? Ay, ay kalisud!
What would be a good Phil. history book to read? I am one of those who really don’t know Phil. history…In High School we took World History, Oriental History, and American History, but I don’t remember having read Phil. History except the one by Zaide in College..Noli and Fili were not read at all…bawal…I may not know Phil. history much but I am proud to be a Filipino..Bisaya pa!
Mga katoto:
Sometimes, maganda rin na maging controversial ang sasabihin ko. Basta totoo lang ba, eh, bahala na kung may masaktan. At least, I stirred the pot, hindi ba? Ang dami ninyong sumagot at siyempre, sumikat lalo itong Ellenville. Tumaas yata ang rating nito nang dahil sa sinabi kong duwag ang Pilipino. Hanga ako sa pagkabayani ng kaibigan nating si Fr. Balweg, Ka Enchong, Parasabayan, Kim,Kimchi, Tongue-Twisted,LiwaywayGawgaw,Chi,Isser,Rose(ay,ay kalisud),Habib,Grizzy at sa inyo lahat, tunay kayong mga professional . . . na bloggers. Toast muna tayo, kahit tuba lang!!!
Agree with Rose. Can’t remember History as articulated above in our high school nor in college as part of the curriculum. Unless na absent ako everytime these kinds of discussions were argued and debated. What I do remember were JR’s Noli mi Tanga-re and El Fili-Bust-erismo, kasama na rin si Lapulapu at Magellan.
With regards to the notion that “duwag ang mga noypis”, it never dawn on me that there are such genre of nationality who are called cowards or brave. This thinking borders idiocy at best.
During the big earthquake of July 1990, all of those “Thugs” and “Matons” in Baguio got down to their knees to pray since to them, it was the end of the world. Ngayon, they’re brave one more time preying on the helpless.
Kasamang Isser,
Ganyan din ang pagkakilala ko sa kanilang tatlo, noon.
Kaya nasabi kong “ngayon ko lang natanto”.
Si Ramos, nang mahalal na presidente ay lumabas ang pagiging lagalag. Meron namang investments (yata) na pumapasok noong kanyang panahon subalit mas matindi pala ‘yung mga “milagrong” palihim niyang ginagawa. Isa siya sa mga huwaran ni gloria, pangalawa kay Diosdado Macupal.
Si Enrile, matapos ang Edsa 1 ay nagparang tipaklong. Talon dito, talon doon. Kung saan merong masisila, pakinabang, doon siya. Mas masahol pa sa peste!
Si Gringo? Mataas din (katulad mo) ang pagkilala ko sa kanya, NOON. Hinangaan ko siya sa kanyang naging papel noong 1986. Bilib na bilib ako sa kanya. Idol na idol pa nga, eh. Huwag akong makarinig ng salitang laban sa kanya, kulang na lang itutok ko ‘yung baril sa kumakalaban sa kanya (tapang ko, ‘no?).
1987. August coup. Ang battalion namin ang unang ni-recall sa Headquarters, Philippine Army, purposely to augment troops to repel Gringo’s forces. But our inner unspoken purpose is to join him due to disappointment over Cory’s administration dahil sa pagmamalabis ng Kamag-anak, Incorporated.
Openly, kapag nakakaharap namin ang mga estudyante noon lalo na ‘yung mga kikay na sobrang patay na patay sa kabayanihan ni Gringo (kasama na rin ang pagiging macho niya, tisoy kasi), sinasabi namin na kami ay kasama niya sa kanyang purpose at kung kinakailangan ay babaliktad ang buong battalion. We were then under the command of the then Major Jovito Palparan, Jr.
In 1989, the unit joined the last coup attempt of Gringo (Palparan was sent to schooling to take up Command and General Staff Course) when it was placed under then Major Alfredo Oliveros, PMA Class ’71, a RAM member.
Hindi doon natapos ang paghanga ko kay Gringo kundi nitong sumama siya’t nakipagtanan kay gloria. Iniwan niya kami sa grupo at ibinasura niya ang sumpaang “Para sa bansa”. Mas pinili niyang isalba ang sarili at niyakap ang “Para sa bulsa”.
Kaibigan Habib,
Tama Ka. Mga idolo ko rin sila noon 1986, but they changed when they got drowned with wealth and power.
Si FVR, kunwari malinis pero during his term as President, nawala yoon 7 BILLION pesos na gagamitin para sa modernization ng AFP. Corrupt siya, pero “malinis” magtrabaho. hehehe. Hanggang ngayon, there is no trail to the missing 7 BILLION pesos.
Si Gringo, bilib na bilib ako diyan dati. With his charisma, maraming junior officers ang sumunod sa kaniya and sacrificed their careers (isa na ako doon sa mga naloko). Yoon pala — parang wolf disguised as a sheep. Ginamit lang ang mga junior officers. Tignan mo ang nangyari sa mga young officers ng “Magdalo” — pinabayaan na lang niya. Ibang-iba na si Gringo ngayon – masyadong tahimik as Senator. He got transformed into a “Yes-Man”. Sa totoo lang, kung sa paninindigan lang, mas bilib pa ako kina Lacson and Biazon as Senators kaysa kay Gringo! Tama ka, yoon “Para sa Bansa, naging Para sa BULSA”.
Kalikasan, welcome.
House rules lang.Huwag natin i=capitalize ang ating comments. Hindi maganda basahin.
Inayos ko ang iyong comment. Thanks.
To Kim, parasabayan, and all the brothers/sisters in this site under one mother- Ellen!:
We are nearing the identification of our problem. Einstein said something like, ‘once the problem is identified, the solution is a matter of routine.’ A good physician looks at history of the patient and not just the symptom in diagnosing a serious ailment. We are nearing because we are now turning our focus on history. Thanks to the topic posted by our blogsite mother- Ellen! It is comparing Honduras with our national situation. This would naturally stimulate us to touch on comparing our selves with other nations as well as re-examining ourselves as a nation.
Yes, pride of nation drove France, Israel, Germany, Japan and Vietnam to be one of the most respected natons in the world today. We also have our sources of pride but unfortunately were supressed by the invading Americans who until this very moment is still invading us.(http://jmgpatria.blogspot.com/2009/06/american-invasion-continues_7055.html)
As soon as I have completed and digested my researches from different sources on our heroes like Gen Antonio Luna, Gen Lukban and others who would really make us proud to be Filipinos, I will share them to you. This takes so much time. Meanwhile I have some articles from other authors or researchers which could be a source of our identity and pride as a nation. I share them with you thru http://jmgpatria.blogspot.com/2009/06/alas-filipinas-la-constitucion-politica.html and http://jmgpatria.blogspot.com/2009/06/filipino-biz-malolos-constitution_20.html.
After we have realized our source of identity and pride, we can have a basis for our common standard of what should be a good Filipino nation. We can have an organic and historical basis for our national vision. Once we know the what should be, we will know the problem. Knowing the problem will lead us to the basic cause of the problem. I would like to share it with you thru http://jmgpatria.blogspot.com/2009/06/developmental-basis.html.
May all of us contribute and unite to finding the problem and the solution. May all of us disseminate it.
Then, we can all finally come back to our own home!
makisali na nga ako dito sa mga duwag na pinoy. hindi naman mga pinoy lang ang duwag. karamihan ng mga tao sa mundo ay duwag. may mangilan ngilan na kahit kaharap na ang nguso ng baril ay may dangal pa rin na humarap. ilan na nga diyan ang ating mga bayani. hindi rin naman lahat ng nagbigay ng kanilang buhay ayon sa kanilang prinsipyo ay naging bayani. itong si quisling ng norway na nagtraidor sa kanyang bayan nitong ikalawang digmaang pangdaigdig ay humarap din sa mga bumaril sa kanya. ok din ang duwag pero kailangang makabayan at hindi makasarili lang.
May I add my two-cent’s worth to what Kim said yesterday at 3:11 AM. He (or is it a she?) said, “Ang sa akin lang, if we, as Filipinos, do not even know the heroic deeds and struggles for freedom our forefathers went through in our own histories past, how can we even appreciate our identities being Filipinos ? Without this conscious awareness of who we really are, how can we even look up to the high heavens and take pride in being Pinoys ?”
Sa palagay ko, personal pride or a sense of national pride is by itself the rallying boost to measure whether a person is a coward or not in the light of what is now happening to the Philippines. But then again, there is still the question of “timidity” which most pinoys unwittingly display most of the time. These are the people who know they are right but won’t move unless others will. And even if the others had already moved, some of these people still won’t.
If it is plain and simple timidity that stops the pinoy from doing waht is right, then that is the end of it. Wala na talaga. One can be teeming in pride, love of country, and lofty ideals but may be seriously lacking in confidence to go all the way. Duwag ba ito ? I don’t think so. Torpe ? Baka pa. Bakit ? Because he doesn’t know the dsifference.
On the other hand, if one is a coward maski na anong baligtad ang gawin natin, o maski na takutin nating tu-tuliin siya ulit sa pangalawang beses, he would perhaps choose the second opition than be persuaded to go out and smash the balls of his enemy. Is this the Pinoy we are talking about ? Naaaah. No way, Jose. So ano ang conclusion ?? HIndi tayo mga duwag. Sigurista lang marahil. Pero sobrang sigurista kung baga.
Still some others fall under the hypnotic spell of “analysis paralysis”. Meaning, people who over-analyze the situation to the point that when they thibk they finally come up with the solution, the fire had already been extinguished and another fire is just kindling and is sadly entirely different from the first. And then the never-ending analysis starts anew. Is this the Pinoy ? Maari. Siuguro. Malamang. Ah ewan !
Which brings me to the topic Kim raised. I believe it is indeed this pride in being Filipino that will automatically stir up one’s defenses when provoked. Because one has to protect this pride, coward or not, one will defend it to the hilt. Without which, tyrants will come and go and the pinoy will be resigned to merely scartching his balls while suffering in utter silence.
sayang sana nangyari na iyan sa Pilipinas kung itinuloy ni mike defensor ang kaso kay lozada. Yong manila judge ang mag-uutos na arestuhin ang boss ng sindikato sa palasyo.