Skip to content

Desperada

Palagi natin tinatanong kung bakit sa dami-daming kasalanan ni Gloria Arroyo sa taumbayan – pagnanakaw ng boto, pagnanakaw ng kaban ng bayan, pagnanakaw ng kinabukasan,pagnanakaw ng pag-asa – bakit hindi siya napaparusahan?

Nakikita natin na patuloy siyang sa pwesto samantalang sa buong mundo, ang mga lider na kalingkingan ang kasalanan ikumpara sa ginawa at patuloy pang ginagawa na krimen sa bayan ay natanggal na.

Palagi nating tinatanong kung ano ba ang malaking kasalanan ng sambayanang Pilipino bakit pinaparusahan tayo sa pamagitan ni Arroyo sa Malacañang?

Ngunit sa nakikita ko ngayon na kanyang mani-obra para lang manatili siya sa kapangyarihan lampas pa ng Hunyo 2010, mukhang pinaparusahan na siya ng Panginoon.

Ang mga galaw ni Arroyo ngayon ay halatang galaw ng isang taong desperada.Siya na siguro ang pinakamayaman na nilalang dito sa Pilipinas kasama na ang miyembro ng kanayng pamilya. Hawak niya ngayon gobyerno ng Pilipinas ngunit ang kilos niya parang kumakapit siya sa patalim.

Katulad na lang itong planong tatakbo raw siya para sa congressional seat sa Pampanga. Kung hindi ba anman sabog ang pag-iisip, bakit naman ang isang presidente ay gustong magkongresista? Ano na ang nangyari sa sinabi ng kanyang anak na si Mikey Arroyo, kongresista rin sa Pampanga, na pagbaba raw ng kanayng nanay sa Malacañang sa Hunyo 2010 ay gusto na lang nyang magiging titser?

Matagal nang pinapalutang ng Malacañang ang balitang tatakbo si Arroyo bilang kongresista at ito ay kinumpirma ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman noong isang linggo na sinabi raw ni Arroyo sa isang miting ng Legislative-Executive Development Coordinating Council.

Sinabi sa akin ni Rep. Rodolfo Antonino noong isang linggo na kaya raw gagawin ni Arroyo yun para protektahan ang sarili niya. Kapag kongresista ka kasi, hindi ka mahuhuli habang may session.

Ang tanong: proteksyun laban saan?

Takot nga talaga siya sa taumbayan. Alam niya kasi ang mga krimen na kanyang ginawa. Kaya lahat-lahat na paraan ginagawa niya, kesehodang yan ay pambabastos sa Saligang Batas.

Nai-imagine ko lang, para maisip ni Arroyo ito lahat, hindi na siguro ito makakatulog sa pag-iisip kung ano ang mangyari sa kanya. . Hindi siya makapag-retire ng matahimik katulad ni Cory Aquino.Kaya ayan, desperada na.

Ang delikado lang sa ganitong sitwasyon ay kapag ang isang tao ay desperada, magulo ang kanyang pag-iisip at ang desisyon ay maaring delikado. May suspetsa akong ang balitang pagtakbo niya bilang kongresista ay pampagulo lang. Mas nababahala ako sa balitang emergency rule or martial law.

Published inAbanteCha-ChaGovernance

57 Comments

  1. Rose Rose

    May kasabihan tayo na “ang masamang damo ay hindi kaagadagad na mamatay” or as we say sa English “only the good die young”. Kahit sabihin natin na wala siyang qualms of conscience dahil wala tayong nakikitang magbabago sa kanyang mga ginagawa para lang manatili sa puesto..natatakot rin yon..ang mga hayop nga may takot din..sa tindi ng takot niya ngayon, hindi ako magtataka kung mabasa ko bukas na nakatulog siyang mahimbing at hindi nagising kahit dilat na dilat ang mga mata at ngiwi ang baba.. akala niya seguro naisahan niya ang Dios at tumatawa siya ng tawang Satanas…Uusok seguro ang mga incense sa pagdasal ng kanyang mga Obispo at kaparian kung siya ay tulog ng himbing..rest in peace and lie still..

  2. Rose Rose

    sorry folks kung bakubako ang Tagalog ko..bisaya ako..talking of bakubako I am reminded of the road from Iloilo to Antique..ang mga kalye sa lugar who did support her ay bakubako..but that is life under her administration.

  3. I really don’t know what’s in her to be able to continue living despite all the sins she has made. She will really do everything to manipulate the people, and I believe that we should always be ready, for she might be playing tricks. We should not let that gloria fool us.

  4. Maurice Maurice

    Hindi lang si Gloria ang gustong manatili siya sa kapangyarihan. Ang lahat ng nakikinabang sa panunungkulan ni Gloria ay gusto siyang manatili sa kapangyarihan habang buhay kaya hindi papayag ang mga general na mawala ang sinasandalang haligi sa malakanyang. Lalaban ng patayan ang mga general na nasa kapangyarihan ngayon dahil sa oras na mawala si Gloria sa kapangyarihan ang mga accomodated position nila ay mawawala din. Gustuhin man o’ hindi ni Gloria na bumaba sa kapangyarihan ay hindi niya magagawa dahil may mga pagbabanta sa kanya at sa kanyang mga kapamilya mula sa mga general na nasa kasalukuyang accomodated positions. Magkakasama ang mga congressmen at mga general ng mga militar para mahostage ang pangulong Gloria Arroyo kasama ang kanyang mga kapamilya. Kaya dapat ay maging handa tayo sa anomang mangyayari. Kahit patay na si Gloria ay pilit itong itatago ng mga magkakasabwat na mga congressmen at mga general para palabasing buhay pa si Gloria para lamang manatili sa kani-kanilang mga kasalukuyang position at kalagayan para magpatuloy sa pagpapasarap sa buhay.

    Iyang ang abangan ninyo at dapat bantayan….

  5. Balweg Balweg

    Di ba ang turo ng ating mga magulang e maging mabuti tayong anak, masunirin at magalang. Halos lahat e nangarap na bigyan ng magandang edukasyon ang bawat isa…so marami ang nabiyayaan at heto nga, sila ngayon ang nagpapatakbo ng Pinas.

    Karamihan sa kanila e graduate ng prestihiyosong schools at mga honor students pa…may master degree at doctorate pa, but heto ang saklap isipin na ang Pinas e ginagawang gatasan.

    Kung kailang naging edukado ang Pinoy e naging salbahe at walang natutuhan during their school days o kaya walang kabutihang napulot sa kanilang mga magulang at kahit na sa kanilang pagsisimba o samba e walang moral na natutuhan.

    Papaano natin maipapaliwanag ito sa mga bagong henerasyon ng Pinoy, graduate ng UP, Ateneo, La Salle, PMA o iba pang famous schools e kurap/magnanakaw/sinungaling…hay naku nakakaalarma talaga.

    Like GMA, nag-aral pa sa Tate e walang natutuhan kundi kabaligtaran ng mga pangaral ng mga matatanda. Ibig sabihin e cancer ito ng lipunan na dapat e bigyan ng atensyon upang masugpo ang ganitong kalakaran.

    Walang tulak-kabigin ang Pilipino, so ngayon heto’t dedma na lang at ang katwiran e bahala na. Survival of the pity ngayon ang labanan. Sila dapat ang maging magandang ehemplo sapagka’t sumakanila ng biyaya ng karunungan pero mga hudas.

  6. Rose Rose

    Balweg: Nakakalungkot tunay..Noong kapanahunan ni Rizal ibang klaseng cancer ang dumapo sa atin..pero mas matindi ata itong cancer na ito..kaya dapat alisin ang ugat ng cancer na ito..at isa pang nakakalungkot is the fact many of those serving the administration ni Gloria are products of “prestigious” schools as you said..I am sure itinuro sa kanila ang ten commandments…but as they went up the ladder of higher education..”Stateside” pa naiwan ang pinagaralan sa catholic schools..or is it the catholic education that has failed? What sayest thou Rev. Fr. Joaquin Bernas? Did Ateneo lose their mission?

  7. Rose Rose

    And to His Excellency Arch. Lagdameo..I am just wondering did the Catholic Church in the Phil. also failed in it’s mission in shepherding their flock..this is not only pathetic..it is tragic! I hope to retire in the Phil. and I would like to continue and teach cathechism..paano ko ituturo ang ten commandments sa atin ngayon? paano ko ituturo ang bagong teachings ng catholic church?…kailangan ko ba magaral ng Corruption 101?

  8. Maluluto na ang atay niya kaiinom ng cognac para madaling makatulog. Kaso kahit sa panginip ay hinahabol siya ng mga kaluluwa ng mga naging biktima ng kanyang mapanupil na rehimen. Ang mga ninakawan niya ng edukasyon, ang inagawan niya ng karapatang mabuhay ng maayos.

    Paano ka naman makakatulog ng ganyan?

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Sigurado ba siyang manalo sa Pampanga? Palagay natin siya’s manalo dahil hocus-pocus ng Comelec. Baka sa daming kaso laban sa kanya, wala siyang panahon sa Kongreso. Siguradong araw-araw siyang nasa korte. Sa kasong plunder sa kulungan siya mag-session.

  10. bitchevil bitchevil

    Let’s face it, Pampanga is Evil Bitch’s territory. All the local officials except Among Ed are her allies. Most of all, the number one gambling lord there is her compadre, Bong Pineda.

  11. andres andres

    Punong-puno na ako! Grrrr!!!!! Gusto kong batuhin ang mga Arroyo kapag wala na sila sa poder!

  12. The reason why we allow our selves to be punished by Gloria or big G is because we Allowed ourselves to be conquered by the spanish and americans and allowed ourselves to be brainwashed by them.

  13. DonDavid DonDavid

    “Sa ambush interview sa Pampanga kahapon kung saan muling bumisita si Pangulong Arroyo na ika-17 na beses ngayong taon, sinabi ni Deputy Presidential Spokeswoman Lorelei Fajardo na tulad ng ibang pulitiko partikular ng ilang partylist representatives na tatakbo umano bilang senador ay may karapatan din si Arroyo na patuloy na magsilbi sa taumbayan kahit sa ibang government position na naisin nito.”

    http://www.abante.com.ph/issue/june1609/news07.htm

    My goodness….walang ba’ng kabusugan ang mga taong ito? Magsilbi sa taumbayan???

    Lore-LIE… Hello!!!!!

  14. bitchevil bitchevil

    Mumbaki – June 16, 2009 1:47 am

    The reason why we allow our selves to be punished by Gloria or big G is because we Allowed ourselves to be conquered by the spanish and americans and allowed ourselves to be brainwashed by them.

    …and that included religion and other unnecessary and expensive traditions taught to us by those foreigners.

  15. Nagpapagawa na nga ng bahay si Mikey sa kabilang distrito para silang mag-ina ang representative ng 2 distrito ng Pampanga.

    Juicekopo. Parang isinumpa ang probinsiyang yan.

  16. Madaling makita ang bahay ni Bong Pineda sa Lubao. Sa highway papuntang Norte, nasa kaliwang bahagi ng kalsada ang bahay niya. Madaling makilala dahil ang konkretong bakod niya ay mataas pa sa bakod ng Camp Crame o Camp Aguinaldo.

    Bumaba kayo sa kotse sa tapat ng bahay at pansinin yung security camera, tutok kaagad sa inyo.

    Amuyin ang paligid, pag amoy tuta, iyon na yon!

  17. DonDavid DonDavid

    “Madaling makita ang bahay ni Bong Pineda sa Lubao. Sa highway papuntang Norte, nasa kaliwang bahagi ng kalsada ang bahay niya. Madaling makilala dahil ang konkretong bakod niya ay mataas pa sa bakod ng Camp Crame o Camp Aguinaldo.

    Bumaba kayo sa kotse sa tapat ng bahay at pansinin yung security camera, tutok kaagad sa inyo.

    Amuyin ang paligid, pag amoy tuta, iyon na yon!”

    Harharharharhar!!!!

    Pasensya na… di ko mapigilang tumawa!!!!

  18. GALORE GALORE

    Hindi lang si Gloria ang dapat mawala sa poder ng pamahalaan, dapat lahat ng mga nakikinabang sa pananatili ni Gloria ay dapat mawala. Sinasabi ko sa inyo na kahit anong mangyari ay mananatili sa kapangyarihan si Gloria dahil ipagtatanggol siya ng mga taong nakikinabang sa kanya tulad ng mga general na in-accomodate ni Gloria. Gagawa at gagawa ng gulo ang mga heneral na iyan para mapilitang madeklara ang martial law. Sa ayaw ninyo o’ hindi magkakaroon ng martial law sa Pilipinas. Sa tingin ba ninyo papayag ang mga heneral na maalis sila sa kanilang mga kinalalagyan ngayon? Saan ka nakakita na ang pagbabayaran ng mga illigal deals ng mga general ay nakakarating pa ng Russia? Akala ba ninyo ay may dalang pera ang mga heneral ng umalis sila ng Pilipinas? Wala silang dalang perang inilabas ng bansang Pilipinas dahil doon sa Russia nila kukunin ang pera bilang bayad sa mga illigal transaction nila. Nakakatawa na ang Russian government pa ang kusang nagpapasok ng perang nakaw ng mga heneral, ang galing talaga ng naisip ng mga heneral na ganid.

  19. duggong duggong

    Sa dami ng mga isyu ngayon hindi natin napapansin yong nanalo sa bidding ng computerization sa COMELEC. Sa laki ng halaga ilang porsiyento ang napunta sa mag-asawang ganid. Isa sa kasosyo ng Smartmatic sa atin ay isang matalik na kaibigan ng mag-asawa. Palagay ko hindi desperado si Glorya, nag-iingat lang na hindi mabulilyaso.

  20. chi chi

    Gloria Arroyo can run as Pampanga representathieve, luka-luka naman siya! I don’t really care as long as she does not mess up again with the highest post of the land.

    Kahit na manalo siya, naniniwala ako na hindi niya basta makukuha ang speakership dahil hindi na siya presidente (kuno). By then, naihalal na natin ang bagong pangulo na tiyak na hindi bibigay sa kapritso ng putang si Gloria. Kahit si Kabayad at Gibo pa ang manalo, hindi sila napakatanga para magpa-ilalim kay Gloria na isa na lang Tongreswoman sa mga panahong yun. Mahabang panahon bago mangyari ang kanyang mga plano na maging speaker and proceed (again) with her cha-cha, kung mangyayari (ano, palagi s’yang siniswirti?).

    Ang priority ay maghalal ng karapat-dapat na bagong pangulo kaya maging palagi tayong handa dahil ‘wagging the dog’ ngayon si Gloria. Gaya ni Ellen, mas pinangangambahan ko ang martial rule na pwedeng ideklara ng tangnang desperadang unana.

  21. The Macapagal family has a bad reputation in history bakit hindi iyon sinulat sa text books

  22. chi chi

    Sinabi sa akin ni Rep. Rodolfo Antonino noong isang linggo na kaya raw gagawin ni Arroyo yun para protektahan ang sarili niya. Kapag kongresista ka kasi, hindi ka mahuhuli habang may session. – Ellen

    ___

    Alam ni Antonino ang maling balak ni Gloria pero patuloy siyang nagpapagago! Ahhh…manhid nga pala siya!

    Maraming araw ang walang session na pwedeng ipadakip si Gloria, kung may balls ang magiging presidente. Besides, nabomba nga si Basilan sa harap mismo ng Tongresso! Anything can happen to the bitch once she’s no longer in power.

  23. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Protection?? Maliban kung ang bagong administation ay hawak niya sa leeg. Siyempre ang Philippine National Police, NBI at DoJ sunod-sunuran lang sa pangulo ng bansa. Hindi habangbuhay siyang sinu-suerte. Lahat na bagay may katapusan.

  24. nahnah nahnah

    Gloria has best of both worlds. Sa kunyaring may election, may tongpats siya sa billiong pesos na halaga ng election automation. Kung wlang election, may conass, may martial law, failure of election at iba pa. Reyna ng switik, at ang kakapal ng mukha ng kanilang pamilya, second to none. Dapat balatan ng buhay ang mga iyan.

  25. taga-ilog taga-ilog

    kung merong dapat sisihin sa pagdami at matagal na panunungkulan ng mga hudas sa pamahalaan ay walang iba kundi ang mga TARANTADONG BOTANTE sa isang sector ng ating lipunan na IPINAGBIBILI ang kanilang mga boto.

    Ito ang grupo na pag may kandidato ay walang hiya na nanghihingi ng pera. Kung ang botante natin ay matitino ang nakararami, siguradong makakakuha tayo ng matinong lingkod ng bayan.

    Kung puede nga lang sana ay may batas tayo na ang di nagpa file ng income tax ay di dapat bomoto palagay ko ay gaganda pa ang ating bayan!

    Ito ang malungkot na katotohanan sa ating bayan….NAKAKAHIYA ang mga ganid at utak alipin na ito!!!

  26. Rose Rose

    Kailangan talaga niyang protection…sa galit ng mga tao sa mga ginawa niya..hindi na siya aabot sa international court o ano mang court..sa tennis court pa lamang o maski sa basket ball court ginawa na siyang bola at sisipasipain talaga siya..she will be hanged upside down or tadtadrin ang katawan niya na parang hamburger…pagkatapos isugba sa impierno..at ganoon din mangyari sa familia niya at sa lahat ng alipores niya…will her generals of class 1978 defend her?.. they all lost their balls baka hindi nila kayang mag masacre sa kapwa..aywan lang kung may yagbols pa ang mga ito..

  27. Kejotee Kejotee

    Ay, taga-ilog … ang mga “TARANTADONG BOTANTE ” na iyong binanggit ay nagpapahiwatig lang sa kandidato na ibalik sa kanila ang ninakaw sa kanila. Nabalitaan mo yong kuwento tungkol sa isang hold-ap na nanagyari? Lumapit ang hold-apper sa isang tao at sinabing, “money or life!”. Sabi ng tao, “hindi mo alam ang ginagawa mo. kongresman ako”. Sagot ng hold-aper … “ah, ganoon ba? sige, ibalik mo ang pera ko”.

  28. As you know, a group of solons as usual went with the Evil Bitch to Japan and Brazil on tax payers’ money. Most are the same people who often accompanied the Bitch previously. Example is QC Congresswoman Susano who brought with her two female companions. Don’t ask why there are two chicks with her.

  29. ofw ofw

    taga-ilog,huwag mong sabihan na tarantado ang mga butante dahil wala silang kasalanan,hindi mo ba alam na ginawa lahat ni gloria para manalo,hindi mo ba alam na pati general ginamit para mapalitan ang mga boto ng mga butante para manalo si gloria,hindi mo ba alam ang hello garci?hindi mo yata alam ang pinag sasabi mo nakaka high blood ka!

  30. taga-ilog was only being honest when he said the voters were stupid. He clarified those who sold their votes. However, he should not make a general statement. That are still lots of wise and patriotic voters…only their votes were robbed by the evils.

  31. Enciong Enciong

    Ang Pampanga sa Kuko ni Arroyo…

    Jueteng Operations sa ngayon…
    ,
    PAMPANGA – P6 Million daily gross
    Financier/Operators:
    1. Rodolfo “Bong” Pineda operating in Lubao, Bacolor, Guagua and Angeles City (P2 Million daily gross)
    2. Melchor Calauag alias “Ngo-ngo’’ – operating in San Fernando (P1.5 Million daily gross)
    3. Paris Tolentino (henchman of Mayor Lazatin) – operating in Angeles City and Arayat (P1 Million daily gross)
    4. Otto Balboa – operating in Apalit town
    5. Mario Garcia alias “Marga” – operating in San Fernando, Mabalacat and Mexico (P1 Million daily gross)
    6. Ex-Mayor Tetangco – operating in Macabebe town
    7. Mayor Lacap of Masantol (wife of Health Undersecretary Lacap)—operating in the 4th District of Pampanga

    Pag kongresista ng Pampanga o Prime Minister na si nunal, mas lalaki pa ba ito?

  32. andres andres

    Sana mangyari sa mga Arroyo ang kinahinatnan ng mga Ceasescu sa Romania. After years of being under Nikolai Ceasescu’s dictatorship, the Romanians stoned the whole family to death after they were out of power.

    Ganito din ang galit ng mga Pinoy sa mga Arroyo.

    Nag-aantay lang ng tamang panahon.

  33. srcitizen2000 srcitizen2000

    Tunay na hindi kagalang-galang na gawin ng isang naging pangunahing lider ng bansa na gaya ni GMA ang bumaba ng kategoriya para lamang manatili sa poder.
    Kung talagang gusto ni Arroyo na maging “buhay” sa larangan ng pulitika ay udyokan niya ang mga grapata niya sa kongreso na sa halip na isulong ang conass(o) ay magpasa ng isang batas na magsusulong ng isang constitutional convention na maisasabay sa may 2009 election ang paghalal sa mga delegado.
    Dito siya dapat tumakbo, kasama siguro ni Ramos, de Venecia, Davide, Panganiban at iba pang kilalang tao. Sa con-con pwede siyang mag-ambisyon na maging pangulo nito para maisulong niya kung ano man ang gusto niyang gawin sa bansa.
    Para maging balanse ang con-con sana tumakbo rin si MVP (manny panganiban), danding cojuangco, isa sa mga ayala, isa sa mga lopez, ilan sa mga lider ng masa – si renato reyes, casino, ocampo, at iba pa. mas maraming grupo mas masaya.

  34. myrna myrna

    and ikakamatay ni gloria ay ang usig ng kunsensiya niya. kahit sabihin pa niyang marami siyang pera dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, hindi rin tatagal at ang lahat naman, may katapusan.

    hintay-hintay na lang. konting tiis pa sa paghihintay, at pasasaan ba yan…kundi sabi nga, “matsutsugi” rin yan.

    guess who reminds me of her….. yung fictional character ni jose rizal…si SISA!!!!

  35. Golberg Golberg

    Nagsalita si Sammy Ong tungkol sa kalokohan ni Gloria.
    May nangyari ba? Nakinig ang mga mas mataas sa kanya o wala lang? Sabi ni Norpil, Mason si Ong ang tanong anong degree?
    Ang magandang tanungin ay yung mga nasa 30th hanggang 33rd degree. Sigurado may sagot ang mga iyan. Ang tanong nga lang ulit, sasagot ba sila? Masyado ng top secret ang assignment ni Gloria.
    Hindi pa kasi pansinin yung mga nasa 1st hanggang 29th degree. Ganyan si Jim Shaw noon.

  36. chokaran chokaran

    PGMA IF SHE RUNS FOR CONGRESS WILL BECOME SPEAKER OF THE HOUSE. she will the be nancy pelosi of the philippines. sosyal. matalino siya, pwedeng itapat kay nancy pelosi.

    tapos pag nangurakot ang susunod na pangulo and vp, the people will clamor for their resignation, then VOILA PGMA WILL BECOME PRESIDENT AGAIN!!! BONGGA DIBA!!! I LOVE IT!!! I PREFER GMA THAN THE OTHERS. AT LEAST SI GMA ALAM NA NATIN ANG BUHAY BUHAY NIYA YUNG IBA, MGA DANGEROUS NA EWAN. MGA AMBISYOSYO

    BRAVO PRES. GLORIA!!! YAN ANG SUKATAN NG LEADER, HINDI TUMATAKBO, POWER IS POWER!!! SHE IS NOW LEVEL WITH ALEXANDER THE GREAT, ATTILA THE HUN, JOAN OF ARC, GANDHI, ETC. a true leader will never give up power because he knows that power could be transferred in the wrong hands!!! i salute gma, mas nakakatakot if the power is transferred to the others. let pgma hold on to power until we find a suitable replacement. saludos!!!

  37. Golberg Golberg

    Siguro ngayon, alam na ni Sammy Ong ang mga ginagawa ng mga nakatataas sa kanya.
    Yung mga nasa 30th hanggang 33rd degree kung may isiniwalat kahit maliit na detalye, tinatrabaho ng Moussad. Kung makakaabot ang Moussad dito.
    Yung dumalaw na kano dito minsan, yung defense scretary ba yun?
    May sinabi na kay Gloria yun. Kung papalya siya, ilalaglag siya. Kaya nga kailangan ng proteksyon ni Gloria. Kasi mukhang tagilid siya sa kanyang assignment.

  38. If the Romans stoned their evil leader, we turn the Evil Bitch into stone and throw it at the sea.

  39. Golberg Golberg

    Chokaran, sumasaludo din sa iyo ang moussad.

  40. Golberg Golberg

    At malamang chokaran, nasambit na rin nila yung “May the GAOTU bless you.”

  41. Golberg Golberg

    Kailangan niya talaga ng proteksyon.
    Kapag pumalya kasi siya sa assignment niya, iiwan din siya sa ere ng mga ito. Si Estrada iniwan sa ere. Bumati pa siya sa kanila noon. Inilaglag din.
    What goes around comes around! Tama ba?

  42. hKofw hKofw

    May ‘people’s power” ngayon sa Iran. Baka maging rebolusyon na ito dahil lumabas sa lansangan ang halos milyong mga tao para ipakita nila ang galit nila dahil nanalo sa eleksiyon sa pakapangulo si Mahmoud Ahmadinejad na napabalitang nandaya dito. Hindi sila makapaniwala na natalo ang paborito nilang kandidato na si Mir Hossein Moussavi. Ang utak ni Ahmadinejad ay pareho kay gloryang bruha. Pareho silang psychopathic o sociopath. Mandaraya, hibang, manhid at parehong makapal ang pagmumukha. Ayaw umalis sa pagkakaupo. Sana gayahin ng mga Pilipino ang mga Iranian. Lahat ng tao sa atin lumabas sa lansangan at ipakita kay bruha ang pagkasuklam ng bayan sa tangka nito na manatili sa ninakaw niyang poder.

    Special Report on Iran Election:
    http://edition.cnn.com/SPECIALS/2009/news/iran.election/

  43. The violent protest in Iran was instigated by the West. That’s Uncle Sam’s way of getting rid of another country’s leader who’s unfriendly to her.

  44. hKofw hKofw

    “The violent protest in Iran was instigated by the West.”

    Any evidence?

  45. You sound like Malacanang, hkofw. Learn from history. Panama’s Gen. Noriega was kidnapped by the US Marines right in his own country. After spoiling Marcos for 20 years, the US decided to remove Marcos. Coups against Cory did not succeed because of Uncle Sam’s protection. Bin Laden and Al Qaeda were CIA’s creation. And many more…

  46. hKofw hKofw

    Nagtataka ako mas matindi ang ginawang pandaraya ni gloria dimonya noong 2004 pero heto nagtitiis pa rin ang mga Pilipino. Hindi ako makapaniwala. Kahit na ano ang dumating tinatanggap ng mga Pilipino. “Bahala na’ at ‘ganyan talaga ang buhay’ ang pinapairal sa kanilang buhay. O may kinalaman dito ang simbahang Katoliko? Matagal ko nang tinalikuran ang sektang ito. Para kasing mga hudas ang maraming pari sa atin. Mga mapagkunwari. Hindi tunay ang mga palilingkod nila sa Diyos at bayan. Kapag nandiyan na ang mga brown envelop ni Dole-out Queen o reyna ng tong-pats nalilito na sila at sa bandang huli matatagpuan na nilang bitbit na nila ito at kuno ay para sa mahihirap ito. Ang perang tinaggap kapag galing sa nakaw, gaano man kaganda ang hangad, ay nakaw pa rin at masama ang bunga. Ang mga Iranian Muslim clerics ay may tunay pananalig sa kanilang relihiyon at nagmamahal sa bansa nila. Ang pari sa atin? Una pilak, pangalawa simbahan nila, pangatlo lamang ang bayan.

  47. hKofw hKofw

    “You sound like Malacanang, hkofw.’ – bitchevil

    Hey, that’s foul. What makes you say that? Did I offend you? Masama bang magtanong? Honestly, there’s no malice in it. Please read all my entries here in Ellenville. Even Ellen will tell you all my entries here were all against the EvilBitch in Malacanang and her minions. I don’t sound even one of them. Please respect the bloggers here if you want them to respect you. By the way, your name sounds like the ONE IN MALACANANG.

  48. Phil Cruz Phil Cruz

    Magkano nga ang cost ng isang drum na semento? Pati na ang fuel for a fishing boat trip two kilometers off the coast of Navotas? Plus the labor cost for 5 people?

  49. Point e bakit iboboto naman ng mga taga-Pampanga si Gloria Dorobo e alam naman nilang magnanakaw siya? Iyan ang malaking katangahan na kagaguhan pa at kabobohan! Batu-bato sa langit ang tamaan, huwag magagalit! Pag nagalit, gago nga!

  50. bitchevil bitchevil

    hkofw, I said you sounded like Malacanang because of your “evidence” question. Where is the evidence? File it in court! All these are Malacanang’s lines.

  51. bayong bayong

    Sa dami ng adviser ni bansot na galing ng AFP at PNP di malayo ang kinatatakutan nating Martial Law. Kapag militar ang nag plano tira pasok yan bahala na o labo muna bago linaw. ngayon medyo usapang legal kuno pag di lumusot barakuhan na.

  52. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Huwag ninyong pakaseryosohin ang mga komento ni chokaran. Katulad natin, alam kong asar na rin siya sa mga nasa malakanyang, wala rin lang magawa dahil ang taong bayang mas apektado sa mga kabulastugan nina gloria ay ayaw kumilos at nakukuntento na lamang sa mga pangako at limos ng bruha.

    ‘Yung mga binitiwan niyang mga salita tungkol sa pagtakbo ni gloria bilang kinawatan ng Pampanga ay isang uri ng pang-iinis, kung inyong papansinin.

  53. Wala ba tayong ellenite na taga-Pampanga? Hinihintay namin ang litrato ng mga tarpaulin na may nakalagay na “GMA PM”.

  54. hKofw hKofw

    be:
    Could’nt believe this. What is now happening in Iran is spontaneous as reported by various news orgs – that means the ongoing turbulence is without apparent external cause. It’s just the Iranians could’nt accept the result of the presidential election. They were cheated it seems. The pressure is so high that even their current lunatic president’s backer- their Ayatollah seems backing out and could’nt believe how liberal and brave this new generation of voters. News media orgs -most of them perceived as tools of the west were constrained from reporting this ongoing event. Internet and mobile phone services were interrupted. Yet Iranians continue to pour out on streets. I know you know this. Even Pres. Obama, unlike extremist Bush who will just grab this opportunity to advance his agenda of alienating Iran, is shying away from criticizing Iran’s Gov’t., just not to be accused of meddling in Iran’s internal affairs. I’m not asking from you ‘concrete” evidence but just any reference, or your basis for belief were you got your idea of your “conspiracy theory”. JUST an elaboration. The connection. Do a court necessary? I regret using the phrase ‘any evidence?’ which vexes you so it seems as if you are allergic to it and caused to raised your BP. And so with this useless argument. In this case you blame the evilish one in Malacanang. The opposition, the majority of our people are also sick of this hellish government of pidals. I can’t blame you. Siguro mas magandang sabihin sa tagalog – ‘meron po ba kayong pagbabatayan?’

    – Ordinary OFW from HK.

    “…As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant, they too have their story…” – from Max Ehrmann’s ‘Desiderata: A Poem for a Way of Life’.

  55. TEHRAN, Iran (June 17) – Iran accused the United States on Wednesday of “intolerable” meddling in its internal affairs, alleging for the first time that Washington has fueled a bitter postelection dispute. Opposition supporters marched in huge numbers through Tehran’s streets for a third straight day to protest the outcome of the balloting.

    The Iranian government summoned the Swiss ambassador, who represents U.S. interests in Iran, to complain about American interference, state-run Press TV reported.

  56. Fuc** News or was that Fox News??
    June 17, 2009

    If there ever was a television station that is setting out to stop
    America from a country trying hard to recover from all the damage done
    to it by the trio of Rumselfed, Cheney and Bush Evil Empire, and
    revert back to the good old days at the Bush Ranch, it is the Fox News
    Channel. Just in the beginning of their show, where they claim to be
    “fair and balanced” any neophyte will notice that in less than 10
    minutes of air time, this twisted group of Americans, or that’s what
    they seem to call themselves, immediately start to snarl and growl
    and tear apart whatever semblance of respect any other person who has
    seen America in a different light. Their agenda is their own. They
    dare not mention any of the atrocities committed by their idols like
    Rumsfeld Bush and Cheney. Instead, they put halos on the heads of
    these tyrants who almost brought the USA down. It is not hard not
    miss them on TV; No other station has so many so-called fake
    journalists; in our days they were called Ronnie Nathanielsz but
    twice as bad. And he was really bad. Their vile mouths spit poison
    and evilspeak. Bad words, angry words that would have been probably a
    wake up call for Cheney and Bush et al. But they are probably on the
    payroll. Then there is their very own “Roger Arrienda”who used to
    lambast our own local officials bar none and leave nothing out. And as
    if to drive his point home, he hung a cardboard bomb behind him in his
    stage set, to make sure sure we did not forget his purpose in life.
    Anyway, Fox’s O’Reilly pretends to be a all-American, stand by the
    flag guy, when in reality all he is is a salesman of books and T-
    shirts and coffee mugs to his viewers. Now if that isn’t making
    monkeys out of his followers, I don’t know what is. And he is a
    staunch beleiver in his own “fair and balanced” news. Firstly, they
    don’t give us the news, they give us their own twisted opinions, which
    are obviously not thought out too well. Secondly, instead of trying
    to encourage the Americans, who are at their worst economic situation
    since the thirties, they only help but to drag down the people’s
    morale even less. It is they who do not deserve democracy, for they
    are seeking to destroy it using their much abused freedom of speech.
    Yet when anyone else tries to use their freedom of speech, the lambast
    that person. So the deal is, they can call the shots, but only they
    can call the shots. I don’t know who has it worst, the Philippines,
    with the tiny Gloriettas proffesing their love for GMA, or a TV
    station that is trying very hard to destroy America from within.
    Funny, how people who lack the cerebral capacity to comprehend the
    most basic of right and wrong opt not to use what they obviouslly
    what they do not possess to pretend an even basic uncerstanding of
    the simple. The Ugly American. You just can’t get rid of him.
    Posted by araymanila

Comments are closed.