Skip to content

BGen Lim: For what is right, for what is true, for what is just

Message of Brig. Gen. Danilo Lim delivered by Mrs. Aloi Lim at the Stop Con-Ass rally in Makati, June 10, 2009

Aloy Lim
Aloy Lim
Ang Hukbong Sandatahan ay instrumento ng taong bayan.
Protektor ito ng mamamayan at ng estado.
Hindi nito obligasyon ang sang-ayunan ang katiwalian ng administrasyon.

Hindi trabaho ng AFP ang mandaya sa eleksyon.
Hindi dapat binibigyan ng premyo ang mga heneral na mahilig magbenta ng serbisyo sa mga politico.

At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.

Nuong isang linggo, nag issue ako ng statement at sinabi ko duon, “I, therefore, call on every officer and enlisted man to follow your conscience and do what is right – PROTECT THE PEOPLE AND THE STATE!”

Nakikita natin ngayon na habang tumatagal, mas lumalakas ang loob ng administrasyong ito.
Hindi na sila nahihiya.
Hindi na sila nagaalala na lumalabag sila ng batas.
Hindi na rin sila nahuhuli. Hinuhuli na lang ang mga may prinsipyo.

Nang nag-issue ako ng statement nuong isang linggo, nagalit sila. Humahamon ba daw ako ng coup d’etat? Nananawagan ba ako ng barilan?

Mga kababayan, isa lang ang hamon ko sa mga kapatid ko sa Hukbong Sandatahan:
Sundan ang Saligang Batas.
Igalang natin ang Constitution.
Lakasan nila ang loob nila.

Kasama sa paggalang sa Saligang Batas ang paggalang sa mga provisions nito ukol sa term extensions.

You know that at this time,
by this President,
for her reasons…
Constitutional amendments are wrong.

You know what is Right.
You know what is Just.
I trust that you can see the Truth should the times call for protecting the people.

Arlene Trillanes and Joyce Gonzales
Arlene Trillanes and Joyce Gonzales
Published inCha-ChaMilitary

67 Comments

  1. She’s brave! Good!

  2. Hindi trabaho ng AFP ang mandaya sa eleksyon.
    Hindi dapat binibigyan ng premyo ang mga heneral na mahilig magbenta ng serbisyo sa mga politico.

    At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.

    HINDI TALAGA!

    Dapat lang na isampal kay Gloria ang pambabastos ni Gloria sa mga officers at sundalo ng AFP!

  3. I might add:

    I trust that you can see the Truth should the times call for protecting the people [and the Republic]

  4. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    That speech is short and sweet!

    Salamat po sa pag relay ng message ng kagalang-galang na asawa mong si Gen.Lim , Mrs. Aloy Lim.

  5. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    “Hindi trabaho ng AFP ang mandaya sa eleksyon.
    Hindi dapat binibigyan ng premyo ang mga heneral na mahilig magbenta ng serbisyo sa mga politico.”

    Posible ito, KUNG may kahihiyan ang mga namumuno sa hukbo. KUNG pinaiiral nila ang tawag ng prinsipyo at hindi ang pagkagahaman sa salapi at pag-asam ng wala ring hanggang pamamalagi sa puwesto kasunod ng kanilang pagreretiro sa pagtanggap ng sibilyang kapasidad sa gabinete bilang pabuya sa kanilang pikit matang pagsunod sa hindi makatarungang kapritso ng suwapang na si gloria.

  6. We need a leader who will unite people including the NPA,someone who leads us in revolution who values peace and neutrality……

  7. We need to throw the puppets in the government when we change our president….

  8. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    “At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.”

    Sa ilalim ng administrasyong pawang pansarili ang iniisip ng mga namumuno, IMPOSIBLE ba ito lalo’t ang mga heneral ay parang mga asong ulol na handang lapain ang mga inosenteng mamamayan kapalit ng pabuyang yaman at kaginhawahan habang buhay?

  9. Liwayway,

    I like this very much: “At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.

  10. “At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.”—BGen Lim
    *****

    Kapapatay lang ng isang aktibistang magsasaka. Hugas kamay agad si Pandak. Wala daw siyang kinalaman doon! Susmaryosep!

    Kailan daw ang coup d’etat sa Pilipinas, tanong ng mga peryodista dito lalo na iyong mga kinukumbida ng Philippine Embassy on order of the punggok pagdating niya! Sabi ko naman, Kahit bukas gusto ko, “To see is to believe.”

  11. Yuko,

    Sabi ko naman, Kahit bukas gusto ko,

    Whaaaaaat? Hindi puwede basta na lang coup d’état ay payag na!!! Puwede ba yan?

    Depende kung sino ang mag co-commit ng kudeta! Kung ang mag co-commit ay iyong mga officers at sundalo na ass lickers ni Gloria NGAYON, eg., Martir, Boygee Pangilinan, at ang mga alipores nila, no way! They will be worse than the worst!

    But if a coup d’état is committed by those who are ANTI-GLORIA and is backed by honourable intentions, i.e., topple Gloria to give back democratic rule to worthy civilian leaders, then, I’m all for it.

  12. Well,kaya ganon si Gloria is because she is a US puppet and corrupt politicians like to be puppets….

    Tignan ninyo ang SoKor nakapaghalal ng presidenteng di ayon sa mga ginagawa ng america,we can do that as well,kaya natin yan!

  13. We must ALL be clear! A coup dӎtat is no joke!

    You all saw what happened in 2001! That was a full pledged coup d’état! And see where it got the country? Violation of the Constitution, bastusan in the Republic, lawlessness across the archipelago, corruption quadrupled several times over.

    Be very careful with what you wish for…

  14. chi chi

    Wala na akong maidadagdag sa mensahe ng aking paboritong General Lim. Malaman ang bawat kataga na idiniliber ni Mrs. Aloy Lim. Mabuhay Bgen. Lim! Mabuhay Mrs. Aloy Lim!

  15. Balweg Balweg

    Kapapatay lang ng isang aktibistang magsasaka. Hugas kamay agad si Pandak. Wala daw siyang kinalaman doon! Susmaryosep!

    Kapatid na Grizzy…sa hinagap e deny to death ang rehime na wala daw silang kinalaman sa pagtodas sa mga kritiko.

    E ang tanong di nga nila pinatay pero ang utak sila-sila sapagka’t ang daming tirador na mamamatay tao sa ating lipunan. At ang iba pa niyan e still nasa kulungan, illogical talagang mahuli kasi nga pagkatapos ng misyon e ibalik uli sa selda.

    Akala nila e wala tayong kamag-anak o kaibigang militar o kaya kapulisan, mismo sila din naman ang nagkukwento eh.

  16. chi chi

    I become very emotional with this message of Bgen. Lim, parang guston kong maghuramentado at putlin ang leeg ni Gloria Arroyo, ang salot sa bansang Pilipinas!

  17. Mike Mike

    Agree with you AdeBrux, “be careful with what you wish for…”. I forgot who said it in a recent interview who said that if the military would stage a coup, it is hope that after wresting control from Gloria, they will voluntarily relinquish it (power) to the next elected civilian authority. And he also said that, “what if they do not give it (power) back to the poeple?”

    Patay tayo diyan.

  18. Mike Mike

    These con-assers really don’t get the point. It is not because majority of the Filipino people don’t like cha-cha per se, what they don’t like is Gloria. They don’t trust her and her lackeys in congress amending the constitution for them. If ever the constitution will be changed, it should be through constitutional convention. Di mo tuloy alam kung mga bobo sila o nag-tatangahan lang.

  19. Mike Mike

    If I had my way, I would have a mural of all the con-assers faces painted on a large wall. And beside the wall, I will set-up a booth and I will be giving away rotten eggs & tomatoes, old shoes and any garbage that can be thrown at the faces of those con-assers faces in the mural. And on top of the booth, I will put a sign that reads. “ILABAS NINYO ANG GALIT NIYO! BATUHIN NIYO NG BASURA ANG MGA ……………..”

    Note: the reason I put a blank space after MGA is to let all you bloggers to fill in the blank. (free for all) 🙂

  20. marlon marlon

    sir saludo po ako sa inyo.mabuhay po kayo sir.

  21. duggong duggong

    “At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.” — BGen. Lim
    Para ka namang bago BGen. Lim, yan lang po ang kaya ng ating militar — yong mga taong walang baril at walang kalaban-laban. Bigyan niyo po ang baril ang sampu katao at kita niyo isang batalyong militar ang kalaban. Tignan niyo na lang noong sa Peninsula Hotel … ilan ang humarap kila Trillanes …. buong militar na yata … at ang siste ang yayabang pa. Puweeee!!!!!!

  22. duggong duggong

    “Shameless abuse of power” — Cory.
    Yan ay tagos sa buto ng Putang Arroyo.

  23. duggong duggong

    “Stealing presidency for 3rd time” … Erap.
    Pewede na.

  24. duggong duggong

    Hindi na kasi Presidency ang gusto nitong putang Glorya kundi Prime Minister na … lol

  25. What is ‘salot’ again, please?

  26. Kim Kim

    ——-yong mga taong walang baril at walang kalaban-laban. Bigyan niyo po ang baril ang sampu katao at kita niyo isang batalyong militar ang kalaban. Tignan niyo na lang noong sa Peninsula Hotel … ilan ang humarap kila Trillanes …. buong militar na yata … at ang siste ang yayabang pa. Puweeee!!!!!!————-Duggong
    ___________________________________________________________

    Tama ka, kaibigang Duggong, it was really an overkill, plain and simple. And besides, it was a case the police can handle and not the military. Apparently, since gloria and her goons are so jumpy inspite of their pronouncements that everything is under control, they had to call the military to put into submission 4 un-armed men. Sadly, the military seemingly didn’t know the fine art of negotiation. Good thing there was no firefight. I’d hate to see these soldiers firing away oblivious of the rules of engagement.

  27. chi chi

    Salot is plague, Anna.

  28. Ah… thanks Chi!

  29. vic vic

    OTTAWA – Embattled Natural Resources Minister Lisa Raitt apologized today for privately calling the medical isotope shortage a “sexy” story and a chance to shine in the political limelight.

    “I wish to personally communicate my deep regret for the wording I used in a private discussion earlier this year,” said Raitt said in a hastily-scheduled news conference today.

    Visibly moved, a tearful Raitt explained she has been personally affected by cancer. She has lost a grandmother, grandfather, father and brother to the disease.
    She explained she never intended “to show any disrespect” to cancer sufferers and their families.

    http://www.thestar.com/news/canada/article/648585

    (Medical Isotope is used for aid in clinical diagnostic for Cancer and Heart illness and Canada supplies close to half of the World’s supply. The shortage was due to temporary closing of the Nuclear Plant producing the Isotope due to safety issues).

    The same Aide to the Minister who inadvertently left some sensitive documents in a Restaurant, and was fired, also forgot the Recorder which also “inadvertently recorded” her private conversation with her boss and asked a Halifax Daily Reporter to keep it for her, but don’t bother to take it back, not knowing that there were these recordings… and it was published as the court dismissed the injunctions sought by the Aide.

    A very Minor mis steps for a High Government Official as compared to the ones committed by the Con-ASSES and the GMA Ministers and Gloria Arroyo Herself, yet humble enough to sincerely (I hope) to apologize before the House of Commons and to the Public…the same Minister tendered her Resignation but was not accepted by the PM.

  30. vic vic

    But I Agree with the Public Sentiment that she should be Fired and let a Competent MP run the Ministry…the Isotope Shortage is a Very important issue and should be Fixed Permanently as the World’s Medical Community depends on it for its supply…and Apologies and Tears would not be able to Fix these issues…a very competent Aide had already been sacrificed..and all her faults just so caught up taking all the cudgels for her Boss that she so stessed up and keep forgetting things…

  31. myrna myrna

    I sincerely hope that the message of Gen Lim be heard once and for all.

    Thank you for the very emphatic and intense message.

    May your faith sustain you all throughout.

  32. Is Arlene Trillanes the wife of Sen Trilanes? She looks charming.

  33. Anna:

    A coup may be the only option now to remove the midget. A Filipino businessman I know in fact supports a civil war.

    We’ll see!

  34. Duggong: “Shameless abuse of power” — Cory.
    Yan ay tagos sa buto ng Putang Arroyo.
    *****

    I doubt. Wala nang tumatagos sa ungas na iyan. Sementado na ang mukha niyan.

    Kapal nga ng mukhang nanghihingi ng audience with the Emperor and Empress of Japan, who cannot be saddled with politics as a matter of fact. To be confirmed pa raw ang appointment with the monarchs of Japan na gingugulo pa ang annual schedule para lang sa kapritso niya.

    Gusto lang magpasikat na taeng-tae na makabilang sa mga monarchs sa buong mundo, including iyong reyna ng England na ipinangalan pa doon sa anak ni Pakyao. Ngeeeeeeeek!

    Tindi talaga ng sapak sa ulo ng animal!

  35. 58 ang kasama ni Tapalani sa Japan. Hinihingiin pa ng appointment ang mga unggoy to make their visit here valid para daw huwag magreklamo ang mga taxpayers sa Pilipinas. Wow, nanloloko pa!

  36. Balweg: Akala nila e wala tayong kamag-anak o kaibigang militar o kaya kapulisan, mismo sila din naman ang nagkukwento eh.
    ******

    Sinabi mo pa. Hindi lang nga makahirit kasi pag natanggal sa trabaho gutom ang labas. Option nila magtrabaho na lang sa ibang bansa, pero sa totoo lang, iyong mga kamag-anak ng mother ko ayaw umalis ng bansa nila. Kahit mamatay daw sila na dilat ang mata nila, di sila aalis sa Pilipinas!

  37. ofw ofw

    kapuri puri ka general lim,isa kang tunay na sundalo na nagmamahal sa taong bayan,may paninindigan i adore you gen.lim bilang ofw ang aming sandata sa trabaho ay being honest,at hindi magsinungaling,dapat tularan si gen.lim ang mga sundalong naliligaw ng landas dahil sa kinang ng salapi.may the lord bless you.

  38. Yuko,

    “A coup may be the only option now to remove the midget.”

    You are throwing caution to the wind! Are you actually exhorting and are prepared to deal with a Martir and the lkes of Martir and his friends or the gang of PMA Class 78 in committing coup just to remove the midget?

    (Remember, a coup d’état can be struck by either side, by either pro or anti-Gloria forces!)

    Let’s say for the sake of argument that you are exhorting the incarcerated officers to do it on your behalf, i.e., launch a copu d’état… (I said “on your behalf” because like it or not, I don’t believe you will be in Pinas at the first shot of gunfire or when it happens!), are you sure that the incarcerated officers will and can do it?

    Are there enough members of the military who are sympathetic to the cause of these incarcerated officers today to commit the coup d’état and eventually fight agaisnt the forces loyal to Gloria?

  39. With regard to your businessman friend who says he supports a civil war: He is out of his mind! Does he realise at all what he is saying? Just to remove midget? He is grossly and maniacally irresponsible! Civil war? What a dastardly thought!

    It is amazing how easily some people could dispose of the lives of those na walang kalaban laban (there will be horrendous collateral damage and casualties among innocent children, the old, the invalid, the sick, etc. if a civil war erupts) as if they themselves have the courage of a thousand Davids… and for all you know, when it comes to the cruch, your friend will be the first to jump ship, fly away, escape to a distant land because he will be so struck by fright/fearful of the sound of roarign and blasting guns and bombs!

    Amazing that there are many keyboard warriors among us who will utter the grotesque with such nonchalance just because we are safely tucked away in front of our computers somewhere far away.

    Let us give the citizens of the Republic a chance to solve the problem… A coup d’état will happen when all else fails but mark my word, when it happens, a coup d’état can and will be a double edge sword. (And I hope you’ll be there in Pinas to fight alongside the righteous people when a coup d’état happens.)

  40. And how sure are we that if a coup d’état is committed by these new found heroes (who happen to be incarcerated today), they will not be fascistic when Gloria is finally ousted, will not commit human rights abuse, will not abuse their authority, or will return power to the people, etc.?

    Remember, the military by the very nature of their training, their vocation, their ideology, is a martial — virtually non-democratic — institution among and unto themselves.

    The military cannot operate in a vaccum –no matter their good intentions, member of the military, no matter how noble some of them can be, many of them who hold the power and the authority during a social crisis, eg., national strife, could be the worst bandits and scumbags, a total nightmare for the civilians.

    A civil-military strife can bring out the good in people but it can also bring out the worst and the ugliest and often, even in the most well-intentioned men. Proof, Iraq!

  41. If we kick out Gloria we should stop america from making us their puppet again….

  42. AdB: Are there enough members of the military who are sympathetic to the cause of these incarcerated officers today to commit the coup d’état and eventually fight agaisnt the forces loyal to Gloria?
    *****

    That’s why I said, “To see is to believe.” I am just echoing the sentiments of most of my friends in the Philippines and Japan, who are fed up of the system and Gloria Dorobo.

    As far as I am concerned, I’ll wait and see who among the members of the Philippine Military are no “sundalong labas ang tumbong” and ready to heed the call for action by BGen. Lim.

    I agree with them that if they can muster enough courage to do a coup to remove the punggok, why not? I’ll support them, and so do my friends!

  43. Mahirap ang urong-sulong. Kung aarya, arya na!

  44. Come to think of it, a coup may not even be bloody! Something like the coup d’ etat they did in Thailand to remove Thaksin.

    “Take it or leave it,” sabi nga!

  45. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Anna,

    Madaling sabihin ang mag-kudeta lalo’t hindi tuwirang sangkot at apektado ang magsasabi. Subalit, sa katulad nating mamamayan ng bansang pinatutungkulan, hindi basta na lamang ang paglulunsad ng kudeta.

    Maraming aspeto ang dapat isaalang-alang. Unang una ay kung meron bang sapat na puwersa at ano ang posibilidad na maging matagumpay. Pangalawa, sakaling mangyari, dapat isaalang-alang kung sino ang dapat mamuno. At pangatlo, hanggang kailang mananatili ang transition government na ihahalili pansamantala. at, marami pang iba na kung ating tutukuyin ay kailangan ang mahabang pagpaplano.

    Kung ura-urada, mawawalan ng direksiyon, lalo tayong babagsak!

  46. An assasin or a suicide bomber will be less expensive and have fewer collateral victims. But can you find ONE, just one patriot who will do it for this country?

  47. Rose Rose

    Mabuhay ka General Lim! Hindi ba West Pointer si Gen LIm? Wala bang paki ang America sa isa nilang kahanga hangang alumnus? Bakit si putot ang sinasamba ni barakrak? Wala nga paki si Obama barakrak sa isa nilang graduate na isang model of what a soldier should be..but there lies the difference between PMA class ’78 and a West Pointer! Night and Day..

  48. Ka Enchong Ka Enchong

    An assasin or a suicide bomber will be less expensive and have fewer collateral victims. But can you find ONE, just one patriot who will do it for this country? – Tongue

    Finding one won’t be that difficult, he does not even have to be a patriot. Somebody who has enough reasons to be a mere mercenary is enough. Halimbawa, yung may taning na ang buhay. Just assure him of a decent starting capital for those he’ll leave behind.

    Ang mahirap is getting through security cordons.

    Hindi pa naman siguro kailangan ng karahasan sa mga panahong ito. May mga pamamaraang hindi pa lubusang nasususbukan. Kabilang rito ang lantarang pagtatakwil sa sinumang may kinalaman sa kasalukuyang pamunuan (ostracism), o ang hayagang pagtuligsa sa mga talipandas sa bawat sandaling masalubong o makaharap sila.

  49. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    ‘Yun na lang kayang apo ni General Antonio Luna?

    Di ba matapang ‘yun?

  50. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Kahangahanga itong si Gng. Aloy Lim sa pagpapaabot ng mensahe ng butihin at magiting na heneral.

    Palibhasa ay alam niyang isang makabuluhan at makabayang adhikain ang ipinaglalaban ng kanyang kabiyak hindi siya natatakot na maging tulay upang maipabatid sa mga tagapagtaguyod ang ganitong saloobin upang pukawin ang nahihimbing na kamalayan ng ating mga kababayan sampu ng mga kawal na hindi magkalakas ng loob sumuway sa mga utos na ilegal.

    Ma’am Aloy, mabuhay po kayo.

    Umasa po kayo, kaming mga dating kasamahan ni Gen Lim ay hindi bibitiw sa kanyang ipinaglalaban hanggang sa huling hibla ng aming hininga!

    Para sa bansa!

  51. Yes, Anna, Arlene is the wife of Sen. Trillanes.

    Joyce is wife of Capt. Eugene Gonzales, also a Magdalo.

    Arlene has resigned from the military ( I think she was captain) and I understand takes charge of a foundation that the Senator has put up.

  52. Liwayway,

    “Madaling sabihin ang mag-kudeta lalo’t hindi tuwirang sangkot at apektado ang magsasabi. Subalit, sa katulad nating mamamayan ng bansang pinatutungkulan, hindi basta na lamang ang paglulunsad ng kudeta.”

    Spot on! or borrowing from Capt James Layug, “Mismo!”

    Akala mo naman na iyong mga gustong may kudeta, sila ang lalaban…

  53. Thanks, Ellen!

  54. potpot potpot

    sundalong tulad ni kasperong lamang at ang kanyang tutang bayaran lalo na c palpalan na my tuberculosis ang pumamatay ng mga taong walang kalabanlaban,….pwe bakla shhiiit

  55. Wasn’t Arlene Trillanes an instructor in the Academy? I wonder how her cadets react the first time they meet in class. I guess they would want to hear more about AT4 than whatever lessons that have been prepared.

  56. dandaw dandaw

    How did the Pinoys got rid of Marcos? Di ganon din ang gawa-in para mapa alis iyang Pandak. Kong dapat kayong mag hingi ng tulong kay Barack si Archie si True Blue at si Grizzy malapit ata kay Barack. Seguro isang missile lang ang Malacanang. Maski kaunting RPG puede na. At kong mahuli ninyo si Pandak wag ng ipada-an pa sa court dahil kangaroo court iyong courte diyan sa Pinas.

  57. chi chi

    TonGuE-tWisTeD – June 11, 2009 2:19 pm

    An assasin or a suicide bomber will be less expensive and have fewer collateral victims. But can you find ONE, just one patriot who will do it for this country?

    Kung milyunaryo lang ako ay matagal na akong kumuha ng assassin na Swiss mercenary para ipatigok si Gloria Arroyo.

  58. Liwayway,

    “‘Yun na lang kayang apo ni General Antonio Luna? ”

    Sinong apo ni Gen A Luna?

  59. Tongue,yes Arlene was instructor in the PMA.

    I talked with some young officers and they said Capt Trillanes during those Oakwood days conducted herself with utmost professionalism.

  60. Rev Rev

    Be careful with what you’re wishing for… coup? Why don’t we aim for a coup cum revolution… ellen can you write an article on this please?

  61. habib habib

    Arlene was a captain when she resigned her commission after she came from her masteral studies in Australia.

    It only shows there are a few who still consider their oath to the flag a sacred calling.

    When a leader is not worthy of respect, it is right and just to turn back from him/her.

  62. habib habib

    Anna,

    Ang sinasabi ni Starch ay ‘yung haponesa (daw siya) na laging “yuck” at “kawawang bansa” ang sinilangan ng “mga puta” sa Japan.

    Kamag-anak daw siya nina Macoy, Tabako, Enrile.

    Ewan ko lang kung totoong pamangkin naman niya si Ben Tumbling.

  63. habib habib

    Puwede ngang siya na lamang ang mag-suicide bomber dahil matapang naman ang mga Hapon, di ba?

    Nagha-harakiri nga sila, eh!

  64. habib habib

    Kung alam kaya nitong mga asawa nina Gen Lim at AT4 na walang katuturan, batayan at hindi makatao at hindi para sa kapakanan ng nakararami ang adhikain ng dalawa sampu ng mga kasamahang nakakulong, susuportahan kaya nila?
    Itataya kaya nila ang kanilang seguridad sa pagsusulong din ng ipinaglalaban ng kanilang mga kabiyak ng dibdib?

    Meron silang mga anak. Kung mali ang simulain, bakit suportado din ng mga supling? Sa kabila ng maaaring lihim na banta sa kanila ng mga asong ulol ni gloria, bakit sila nakakatulog nang mapayapa at mahimbing? Bakit taas noo pa rin sila sa pagharap sa kapwa at walang gatol kung paano nila isatinig ang pagtutol sa anumang pagmamalabis ng mga nasa poder?

    Hindi ba’t malaki ang kaibahan mga sinusupil na may dangal kaysa mga nagmamalinis na abusadong pusakal?

  65. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Anna,

    Tama si Habib.

    ‘Yun na nga. Siya na.

    ‘Yung laging “yuck”, “gago”, “tanga” at “kawawang bansa” ang laging sinasabi tungkol sa ating kalagayan sa ngayon.

    ‘Yung laging malulutong na “puta” ang tawag sa mga Pinay na nagtatrabaho sa Japan.

    Siya ang bagay na mag-suicide bomber. Sobrang tapang, eh!

  66. I just thought of it now. I should have taken photos of all the wives of military detainees there at the rally together. Pong Querubin, wife of Col. Ariel Querubin, and her son Martin, were also there.

Comments are closed.