Skip to content

P20 milyon bawat isang boto sa ConAss

Manloloko talaga itong si Gloria Arroyo.

May nagsabi sa amin na ayun sa isang kongresista na nandun sa Manila Hotel noong Huwebes sa pormal na pagsanib ng Lakas at Kampi, tinawag raw sila ni Arroyo sa isang kwarto at sinabihan na kailangan mapasa na ang House Resolution 1109 para sa Constituent Assembly na hindi kailangan ang Senado para mapalitan ang Constitution.

Ipinangako raw ni Arroyo na bibigyan siya ng tig-P20 milyon sa bawat kongresista na boboto para maipasa ang HR 1109.

Kailangan ni Arroyo ang boto ng three-fourths ng House of Representatives. Mga 200 na kongresista yun. Kung bibigay siya ng tig-P20 milyon para sa 200 na boto, aabot yun sa P4 na bilyon.

Kayang-kaya, maraming pera sa kaban ng bayan. Perang buwis ng taumbayan. Pera galing sa pawis at dugo ng mga OFW.

Dito makikita natin na sagad sa buto talaga ang pagka-manloloko ni Arroyo. Sa kanyang talumpati, pinaglandakan niya na may eleksyon sa 2010.

Ito ang sinabi niya: “Cynics and detractors love to paint grim scenarios about a cancellation of the 2010 elections. Let this merger of LAKAS and KAMPI be tangible proof of the Administration’s readiness, nay determination, to help ensure that the elections do push through.”

Ito ang translation: “Sa mga mahilig manira, palagi nilang nilalarawan na ang pagkansela ng 2010 na eleksyon. Hayaan niyong itong pagkaka-isa ng Lakas at Kampi ay magiging malakas na ebidensya ng kahandaan nitong administrasyon na matuloy ang eleksyon.”

Paano naman maging ebidensya ang pagkakaisa ng mga manloloko na hindi na matuloy ang kanilang panloloko? Kung may pinatunayan ang okasyun noong Huwebes, iyun ay garapal talaga sila.

Hindi sinabi ni Arroyo na ang eleksyon na gaganapin sa 2010 ay sa ilalim ng bagong Constitution na ang sistema ng pamahalaan ay parliamentary system at siya ay tatakbo bilang kinatawan ng Pampanga. Kapag miyembro na siya ng Parliament, hihirangin na siya na Prime Minister.

Garapal talaga kasi karamihan sa mga kongresista na pumalakpak kay Arroyo sa kanyang talumpati ay siya rin ang pumirma para mapunta na sa plenary ang HR 1109.

Pinipilit talaga nilang itinutulak kasi gahol na sila sa oras. Alam nilang may kukwestyon niyan sa Supreme Court kaya kailangan makapagdesisyon na ang mataas na hukuman sa loob ng buwan ng Hunyo. Karamihan na ng miyembro ng Supreme Court ay hawak ni Arroyo kaya kampante silang makukuha nila ang boto kahit labag sa batas ang kanilang ginagawa.

Hindi problema ang paggawa ng bagong Constitution na gusto ni Arroyo. Gawa na yan. Sa Septiembre magkaroon na ng referendum. Walang problema sa local governments. Nabusog na niya ang karamihan sa mga mayor at gubernador.

Kapag na-aprubahan na ang bagong Constitution, magkakaroon na nga ng eleksyon sa 2010 para sa miyembro ng parliament. Yan ang sinasabi ni Arroyo na eleksyon.

Manloloko talaga, ano.

Published inAbanteCha-Cha

67 Comments

  1. If the people don’t act now to put a definitive end to this evil bitch, they will be taken for a long, long, very long drive to hell.

    Remember the Caucescus?

  2. Maurice Maurice

    Ano ba ang magagawa natin para mapigil ang pamamayagpag ng mga alipores na nasa malakanyang? Lagi tayong nag-iingay pero wala namang nakikinig sa atin. Mas marami ang walang pakialam at pumapansin. Paano ba natin sila gigisingin? Nawawala na talaga ang mga nagmamahal sa bansang ito.
    Bakit ang Diyos nagawang isakrispisyo ang sariling Anak na si Hesukristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan pero bakit ang Kanyang mga nilikha ay hindi man lang maisakripisyo ang kaunting nakaw na yaman para sa kapakanan ng bayan?
    Ang pagiging GANID ay isang kasalanan para sa Panginoon. Sana unang magising ang mga Tagasunod ng Panginoon na ituro ang pagiging GANID ay isang kasalanan sa tuwing sila ay magmimisa sa malakanyang. Gigisingin natin ang ating mga Pari, Pastor, Jacono at kung sino sino pang nagpapalaganap ng salita ng Diyos na ipangalandakan na ang pagiging GANID at KASAKIMAN ay napakalaking kasalanan sa sangkatauhan.

    Pilipino bangon, gising at maki-alam.
    Pilipinas umasenso ka…

  3. Between now and 2010, more money will be poured by Malacanang.
    The Evil Bitch will use all the remaining government resources to remain in power. Do we hear anything more about the gambling or jueteng campaign? No. Because the jueteng lords have been given the go signal to operate part of the money of which should be contributed to Malacanang. Atong Ang, a convicted criminal who’s out on bail, is now actively operating unhindered. As usual, compadre Bong Pineda continues to be active. And what happened to those Bishops who recently met with the Bitch at Malacanang? Why the silence again?

  4. marlon marlon

    iilan lang sila (mga aso ni arroyo) at 90 million tayong pilipino siguro naman makkaqha tayo ng mga 100,000 na pilipino na handang makikabaka’t mamatay para sa ating mahal na inang bayan. at isa na ako jan na handang mamatay para sa ating inang bayan at sa mga ssunod na hinirasyon..

  5. florry florry

    Never expect an addict to stop at nothing to satisfy his/her cravings, such as the power-addicted Arroyos to do anything to hang on to it.

    Pleas to congressmen for their conscience definitely will not work considering the amount offered and maybe more to come. Bringing to the SC, maybe there’s a little hope, but that’s only the best people can have. The only real road block against such an evil scheme rests with the people and so it’s up to them if they want some changes in their life or continue living in hell under the devil herself-Gloria.

  6. saxnviolins saxnviolins

    Remember the Caucescus?

    Yes I remember. Nicolae Ceauşescu and his wife Elena were executed after a two-hour military trial.

  7. Elgraciosa Elgraciosa

    Very alarming ‘tong news na ito, Ellen! Aba’y dapat na talaga mag-alsa balutan ang mga tao at pumunta sa dating tagpuan! But how???? People seem to be pre-occupied in monitoring the Sex Video scandal rather than monitor Arroyo’s crazy activities! Even the Opposition is busy. Each one seems to focus more on how to win the so-called election next year. There’s NO unifying LEADER to gather the people!
    Medyo, whole-hearted na lalo ang dasal ko ngayon. PERO,

    Lord, are you still listening to us?

  8. Wait for the Supreme Court’s twisted ruling. That will be the day.

  9. isagani gatmaitan isagani gatmaitan

    eh, asaan ba si jose ma. sison at ang alex boncayao group? ito na ang pagkakataon para ipakita ang kanilang kabayanihan. kaso ang kaya lang nila ay yong mga maliliit na tiwaling pulis at kawani ng gobyerno sa mga probinsiya.

  10. kabkab kabkab

    Mangyayari yan taxj, putulin mo man ang batuta ni Hayden. Mga halang ang bituka lahat ng mga may kapangyarihan ngayon. Kung ang mga pare nga ay nalalagyan yan pa kayang mga Justices? Tamaan na sana ng kidlat ng Malakanyang para maubos na lahat ang mga nagpapahirap sa ating Bayan.

  11. boyner boyner

    Ang ganitong balita ay hindi na nakapagtataka. Kaya seguro hindi na release ang buong 300 BILLION pesos na stimulus money dahil sa kinupitan na ito ng 4 BILLION pesos para sa mga Kongresistang makakapal ang mukha na walang pagmamahal sa bayan.
    Itong sociopath na evil bitch na ito ay dapat ipabarang.

  12. Mga tuso rin itong mga Tongressman,ang 20 million pesos ay barya lang sa kanila,wala pang isang taong collection ng jueting sa kanilang nasasakupan.

    Alam ng mga Tongressman na kapag kakagat sila sa 20 million na offer ni Nunalisa,iyan na ang huling matatangap nila,dahil kapag magiging Prime Minister si Nunalisa sa bagong saligang batas wala na siyang susuhulan na Tongressman,lahat sila ay luluhod at iiskubahin ng kanilang dila ang sapatos ng nunal.Wala na silang matatangap dahil kontrolado na ng mga Pidal ang Pilipinas.

    Sa palagay ko naman kung isusulong ng mga Tongressman ang Con-ass na hindi kasama ang senado,malaking gulo ang naka ambang.Ang magiging kalaban ng mga loyal na Pidalista ay ang madlang pipol at mga makabayang militar.

    Kayong mga Tongressman,kung bibigyan kayo ng 20 million,kukunin ninyo,tapos huwag kayong bumuto sa Con-ass para madala si Nunal na magbigay sa inyo ng suhol,palaos na iyang bossing ninyong pandak.

  13. kabkab kabkab

    Palagay ko nga maiisahan ang mga Tongressman ng mga Senatong. Tignan niyo na lang ang ginagawa ng mga butihing mga Senator, Kho-Halili scandal pinakialaman, sila sila ay nagkakainan, kampi sila noon ngayon mortal na magka-away. Dati ang taas ang tingin ko sa kanila pero ngayon …. tae na sila. Wala na tayong asahan pa kahit kanino. Da best ay tayong mga mamamayan ang magka-isa para alisin ang mga taong walang kuwenta sa ating lipunan.

  14. taga-ilog taga-ilog

    Habang ang mga botante ay nabibili, ang mga sundalo ay nababayaran ang katapatan, ang mga baboy sa kongreso ay may tali sa ilong, wala na tayong pagasa.
    Ang mga matatapang na Filipino ay naubos na noong nagdaang digmaan at dalawang EDSA, ang natitira na lamang ay puro DUWAAAAAAAAAG AT MUKHANG PERAAAAAAAAA!!!
    Alam ni GALORA yan kaya magdusa at magtiis kaaaaaaa, bayang magaling lang sa bunganga, PWEEEEEE!

  15. This is news is pretty scary. Gloria is controlled by Greed. No human can do the things she does. Doesn’t she have a heart? How can we stop that Gloria if the Senate’s mind is filled with the Hayden Kho Scandal? Probably Gloria is using the situation in the Senate. Until the Senators are only minding the sex scandal issue, Gloria will continue working for her evil plan. I thing the problem with some senators is that they are using the sex scandal issue to publicize themselves for their own political intentions. As we all know, the 2010 election is on its way. Almost all politicians in this country are preoccupied with their own political intentions. Someone save the Philippines!

  16. dapat dito magpakita ng tapang si afuang hindi si kho na wlang laban bugok sukat pasimple siyang binuhusan ng tubig sa ulo ung tao bastos.ung katapangan nya ay sa mga manluluko sa taong bayan at mga ganit at mga linta.kami na ofw na bayani daw kung hindi kami magsikap dito hindi namin maibigay ang magandang edukasyon sa aming mga anak.kung mabait ang amo mo swerte ka pag hindi kawawa ka katulad ng isa naming kasama dito namumulot ng basura para mabuhay dahil termenate siya.ganito ang buhay ng isang ofw kya dapat ung tapang ng taong un sa mga ganit na nagpapahirap sa atin hindi ung taong umaming nagkasala na pinagkaisaan dahil sa kanyang nagawa.ikaw ba papayag na na ikalat sa buong mundo ang maling ginawa mo syempre hindi.sori ellen sinabi kolang ang naramdaman ko kc napanood ko ung pagbuhos ng tubig,at ung isa binabasa ung sinasabi sa hearing

  17. kabkab kabkab

    Heheheheehe … ayos yan taga-ilog. Dagdag ko …. sige lang Glorya banat pa. Tira lang ng tira. Samantalahin mo habang tulog pa si Diego Silang. Kung gusto mo sa iyo na lahat ng pera ng Bayan. Paghati-hatian niyo lahat kasama ng mga tuta’t general mo. Magpakasawa kayo. Mga ganiiiiiiiid!!!!!

  18. Why is the US Secretary of Defense Gates arriving to the Philippines? He’ll be here for two days. Before Marcos and even Erap were ousted, several US officials openly and secretly visited the two leaders. What’s Obama’s message through Gates/

  19. Zeny,
    Si Afuang? Buwang! galit daw siya sa taong mang-aapi.Sige nga ipakita niya ang tapang niya,dahil ang numerong mang-aapi at manloloko ay si Nunalisa.

    Gusto lang makakuha ng five minutes fame.

    Hindi matutuloy itong Con ass ni Nograles.Papasa man sa Tongresso,papano na sa Senado? ipapadaan pa sa plebesito iyan na pagbobotohan ng madlang pipol ng YES or No.Sigurado ako na ire-reject ng mga botante iyan,dahil iyan na ang huling lako ng kanilang boto.

    Kapag election,parang pista ng patron sa mga botante iyan,at diyan sila lumiligaya dahil nabubusog sila.Sa oras na iyan lang sila nakakapag pakodak sa mga kandidato.

    Halimbawa man na matuloy at maging parliamentary.Hindi pa rin nakakasiguro si Nunalisa na maging Prime minister,dahil pwedi ring kumandidato si FVR,Cory,Erap sa kanilang distrito para representatives,marami siyang makakalaban sa plenario.

  20. Kung manalo pa si Pakyaw,baka siya ang magiging prime minister kung labanan lang sa plenario ay pera.Ang darating na laban niya kay Mayweather ay sobra-sobra ng panuhol na boboto sa kanyang mga kuarta de representatives sa Tongress.Ambisyuso ang loko at igogoyo siya ng mga tarantado lalo na si Chavit para siya ang kanang kamay ni Pakyaw.

  21. Iyung murder este merger ng Lakas at Kampi,wala si FVR,JDV,Bayani Fernando at Gordon.Mga pawn lang at lampa ang nandoon.

  22. Elgraciosa, you said “People seem to be pre-occupied in monitoring the Sex Video scandal rather than monitor Arroyo’s crazy activities!”

    I suspect Malacañang is encouraging the public’s pre-occupation of the Hayden Kho sex videos to divert our attention from the crime that they are executing on the Filipino people at the Lower House.

  23. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Taragis!

    Hindi kaya biling baliktad sa kanilang kinahihimlayan ang mga magulang nitong si gloria makapal arrovo?

    Aba’y sobrang kawalanghiyaan na ang pinaggagagawa at hindi na iniisip kung itong kanyang kabalbalan ay dagdag karangalan o batik sa kanilang pangalan.

    Walang tao, lalo’t sinasabing merong mataas na pinag-aralan ang gagawa ng ganitong pang-aabuso sa tiwala ng kapwa tao, maliban na lamang kung sagad buto ang kasakimang hindi kayang supilin ng matinong isipan. Ipagpalagay nang ang mandatong kanyang hinahawakan ay hindi binasbasan ng tao, bakit hindi niya mapatunayang kaya niyang paunlarin ang sambayanan at hindi ganitong inilulublob niya sa mas lalong kahirapan sa paglulustay ng laman ng kaban hindi para sa kapakinabangan ng taong bayan kundi sa kanyang walang hanggang pamamalagi sa kapangyarihan sa tulong ng kanyang mga BINABAYARANG “mararangal” na kinatawan ng kanikanilang distrito sa buong kapuluan?

    Marami pa siyang sinasabing kung ano anong pagtatakip sa kanyang maitim na balakin at hangarin, subalit lantad ang nagsusumigaw na katotohanang wala siyang balak na bitiwan ang kapangyarihan hanggang may natititirang kusing na laman ng kaban at may mamamayang nakakatayo pa at kayang tanggapin ang kanyang mga kawalanghiyaan.

    gloria, hindi ka lamang isang salot kundi isang delubyong ni sa pinakatagong bahagi ng guniguni ay hindi kayang ilarawan ang lawak ng kayang lamunin ng iyong kasakiman.

  24. _So that’s why the midget is coming to Japan. She expects Aso to sign right away the ODA Japan has allocated for the Philippines despite protests by concerned Japanese taxpayers so that she can pay the creeps she has promised to give bribes to in her bid to stay in the palace by the murky river. Ang kapal talaga! Di pa ba nagsawa ang mga pilipino sa trick ng animal na iyan? Yuck!

  25. Trublue Trublue

    If Gates’ visit comes to fruition, Ellen should tell him “you know, Philippines is the only country that promotes an AWOL colonel to Brig General and promoted again to Major General”.

    Kiss ass na naman lahat ang mga alipores ni Gluerilla.

    Kristy Kenny’s days should also be coming to it’s end. Wonder how she will ship all those gifts given to her by the many thieves she met.

    Bob Gates is visiting to ensure “his troops in Mindanao are alert” and not frequenting the red light districts.

  26. taga-ilog taga-ilog

    Masakit isipin na ang mga mas mahihirap na nakararami na ating ipinagtatanggol ay siya mismong naglulublob sa ating bayan sa burak ng kahirapan!
    Isipin na lang na sa mga distrito na kilala ng mga mamamayan ang mga kandidato para sa kongreso….kung gaano man kasama at kasuwapang ang mga ito ay ibinoboto pa rin —-mabigyan lang ng konting salapi.
    Ang nakikita ko ay kailangan na magkahirap-hirap ang mga mamamayan na halos ay di na lumalamon upang magising sa katotohanan, tulad ng nangyari noong panahon ng kastila at panahon ni marcos. Malapit na ito sa tingin ko…malapit na!

  27. ocayvalle ocayvalle

    eto na po yung sinabi ni quezon..
    ” i would rather see the philippines run like hell by filipinos,
    than run like heaven by the american`s..”
    talagang papunta na tayo sa impyerno,gawa na rin ng ugaling
    pilipino na crab mentallity, tapos na paka onion skin natin..
    konting birong banat at joke ng mga dayuhan, pinagtatalunan
    sa senado at sa tongress.. remember actor alec baldwin joke`s?
    at yung joke na isang soap opera na.. pilipino rin ako,
    pero bakit ganito ang buhay ng pilipino sa bayan natin..
    naghihirap, iyong mga pilipino na nasa labas ng bayan,
    mahirap din pero kumikita sila at nabubuhay nila ang pamilya
    nila sa pilipinas…!!!!

  28. ron ron

    Mga PI talaga! me pera silang pambili ng boto habang maraming pilipino ang naghihikahos sa buhay dahil sa kahirapan..saan nila kukunin ang panggastos? sa tax natin! ang kapal talaga!!
    Di na sila nahiya sa taong bayan!dapat talaga kumilos tayo ngayon eleksyon..wala dapat manalo sa mga tuta ni Gloria!

  29. saxnviolins saxnviolins

    You think there is no time for a cha cha? If it is to take effect before the presidential elections, yes.

    BUT

    What if the ratification is submitted with the presidential ballot, like Proposition 8 of California? Tuloy ang presidential circus, so appeased ang masa. But they will work for a yes vote to a change to a parliamentary system, with the president as a mere ceremonial official. So the presidentiables expend all their energy clawing at each other, but are blindsided by an amendment that renders the office powerless.

    Ta daaaaa. Gloria forever.

    OOOPS, there is a wrinkle in the plan. You need ordinary legislation to put the amendment to the ballot. That would need the vote of the Senate.

    Foiled again? That depends. If the price is right…..

  30. Galing kay Michael, concerned OFW sa Saudi:

    Nabasa ko po ang inyong column, dated May 31, 2009 at talaga naman pong kami dito na magkakasama ay nalungkot at nadismaya sa mga kalokohan, kawalang-hiyaan at kakapalan ng mga mukha ng nasa gobyerno, ang immoral na si gloria “makapal” arroyo na yan!

    Mapatawad sana ninyo ako sa sinabi kong ito, ito lang ang tangi kong magagawa para mailabas ko, sampu nang aking mga kasamahan dito ang aming sama ng loob sa gobyernong yan. Walang pag-asa at walang pagbabago ang aming nakikita sapagkat sila mismong gobyerno ay hindi nakikitaan nang tunay na pagbabago at kalinisan ng kanilang mga konsensya. Sana man lang, isipin nila ang mga taong nagkakasakit at namamatay na lang dahil hindi na sila kumakain, na habang sila’y nananalasa ng magandang buhay, kumakain sila ng masasarap na pagkain, ang iba nama’y lugmok na sa kahirapan ng buhay dahil na rin sa kagagawan ng mga namumuno sa gobyerno. Naway maisip nila (Arroyo at mga kawatan niya) na nasa kanilang mga sarili mag-uumpisa at magwawakas ang lahat.

  31. Valdemar Valdemar

    It might help a bit if a name or two or many are listed here so we can watch their lifestyles starting now. For all we know, money has flowed since.

  32. Former President Fidel V. Ramos was finally appeased and even congratulated the merger of Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) and the Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) after a meeting with senior Malacañang officials Saturday night.

    …..See? Ramos is good at bluffing and blackmailing. I wonder what he got in return for his approval and congratulation.

  33. Balweg Balweg

    Ano ba ang magagawa natin para mapigil ang pamamayagpag ng mga alipores na nasa malakanyang?

    Ang sakit damhin Maurice, more than 9-years na tayong pinaglalaruan ng mga kurap at ganid nating mga tongresman…grabe na ang hirap’t dusa na tinitiis ng marami nating kababayang Pinoy including us, but still nawika mo nga na walang pagbabago at heto patuloy na winawaldasa ng pera ng bayan.

    Sukdulan na ang kaninalang katampalasan at panggagago sa ating lahat, imagine 9-years tayong nakikiusap sa nakakarami nating kababayan na kumilos na upang supilin o tapusin na ang mga kahayupan na pinaggagawa ng rehime. Datapwa’t wala tayong makitang pagkilos o suporta sa ating mga kababayan kundi puro reklamo sa buhay, but ayaw naman magsikilos at tumulong sa pakikipabaka upang tapusin na ang pagmamalabis nitong mga kurap.

    Magkagayon man Maurice, tandaan mo…pagbabayaran nila di man dito sa lupa but after life e dito nila pagbabayaran ang lahat ng kasakiman at kawalang pagmamahal sa bayan at kapwa-Pinoy.

    Tuloy ang laban at wag tayong susuko sapagka’t nalalapit na ang kanilang wakas. God is alive forever more!

  34. Balweg Balweg

    …..See? Ramos is good at bluffing and blackmailing?

    BE, sa totoo po lamang…since 2001 e deleted na sa aking hard drive si Tabako at di na maaaring marestore o marecover pa.

    He is the master and manipulator ng lahat ng mga nangyayari sa ating bansa since 2001 pa. Yan ang utak ng kawalanghiyaan ng mga kurap at ganid nating mga pulitiko at taong gubyerno.

    Walang konsensiya, akala nila e hawak nila ang panahon…kita mo darating din ang kanilang wakas at binibilang na lamang ang taon na kanilang ilalagi dito sa mundong ibabaw.

    Ang kasaysayan ang siyang huhusga sa kanilang paghuhudas sa ating bayan at pagpapahiram sa nakakarami nating pobreng kababayan.

    Wala akong believe sa matandang yan…di pwedeng pagkatiwalaan!

  35. Sa tingin ba ninyo dapat ma-exhile si Gloria o magarote after her term….

  36. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: P20 milyon sa bawat kongresista na boboto para maipasa ang HR 1109.

    Parang may sariling Mickey Mouse money printing machine si Gloria Arroyo. Hindi lahat sa Lakas-Kampi ay hawak niya sa leeg. Siguradong may titiwalag at isingaw ang lantarang suholan sa Manila Hotel. Hudasan na!

  37. Balweg, I think Ramos is even worse than the Evil Bitch. Ramos betrayed his own cousin (Marcos), mastermind of Dagdag-Bawas scheme, conspired to oust Erap, supported Gloria,
    and a US puppet. There are reports that he has something to do with the Ninoy Assassination and the Dacer murder case.

  38. Balweg Balweg

    Alam ni GALORA yan kaya magdusa at magtiis kaaaaaaa, bayang magaling lang sa bunganga, PWEEEEEE!

    Taga-ilog,

    Oppsss lakas ng tama eh…aray natin po! Ang sakit damhin di ba kapatid, ang taong-bayan e masyadong polarize at biktima ng samo’t saring pangako at pangarap upang mabago o paano babaguhin ang kawalang direksyon ng gobyerno de bobo ng rehimeng arroyo, di ba.

    Alam mo yan ang ipinagpuputok ng butse ng Masang Pilipino ng ilunsad nila ang EDSA 3, but inalimura at tinudyo KAMI ng mga eletista; civil society; KSP & SSP party; rightist; leftist (legal and underground movements); walang PAKI party; OFWs and Migrant Pinoys et. al.

    Akala nila heaven kung si gloria ang kanilang maging mayordoma sa malacanang…so nagpatuloy ang panahon, at ngayon na nga di ba yaong nag-luklok kay GMA ang siya ngayong nagsasabi na AYAW na nila.

    Well, ang tanong ngayon eh…paano natin ito maipapaliwanag sa Masang Pilipino na siyang kumakatawan sa malaking portion ng ating lipunan.

    Noong panahon na nakikipagtunggali ang Masang Pinoy e wala isa mang dumamay kundi yaong nagmamahal sa bayan, at ang militar at kapulisan na sa halip e kakampi ng bayan e siya pang pagprotekta sa mga kurap at magnanakaw.

    I’m product of EDSA 3 at dito ko naranasan ang aglahiin, pagwikaan na amoy lupa at uneducated people…how come ano akala nila sa Masang Pinoy, kung tutuusin e di hamak ang laki ng sweldo ko sa mga kurap na senador/tongresman na yan e akala nila ang lahat ng Masang Pinoy e poor.

    Kaya kaming Masang Pinoy e naninindigan sa katotohanan at magkagayon man na ninakawan ng karapatan e nananatili ang pag-asa na matatamo lamang ang pagbabago at pag-unlad ng bansa kung matututong igalang ang aming karapatan.

    Kung sino ang ihahalal at iluluklok ng Masang Pinoy e dapat igalang ng sinumang Pinoy anu man siyang sektor napapabilang. Yon lang!

  39. roger roger

    puro drama lang yan c ramos..tao nya yan c ermita, as long as you c ermita at malacanang , its clear as daylight that ramos is running the show.

  40. Balweg Balweg

    Natumbok mo BE……simpleng logic, kaya yang si Tabako e inggit kay citizen Erap, aba naman isang PMaer at west point graduate e wala isa mang kampo ng mga rebelde sa Mindanao ang nabawi.

    So heto si citizen ERAP, walang background sa military warfare except sa mga movies niya e naging effective ang kanyang military tactics nang sakupin niya almost 40 MILF camps all over Mindanao.

    Diyan nagsimula ang lahat kaya patraydor nilang niyari si Erap, at pagkatapos na makuha ang Malacanang e ibinalik lahat ang kampo sa mga rebelde.

    Yaks…ganoon lang, paano yong mga bayaning sundalo na nagbuwis ng buhay.

    Di ba magkakaroon lamang ng true development ang isang lugar kung unahin munang marestore ang peace and order, at it will follows na yong development kasi tahimik na.

    So, insecured lahat yong mga kurap at sinungaling sa ating lipunan kaya heto nagmadunong na kaya nilang paunlarin ang Pinas.

    Hay naku…sa hinagap man e di natin inaasahan na ang Pinas e lalong maghihirap, pero bukang bibig ng mga pasaway e gumaganda ang ekonomya. Yaks, kung nataon na walang OFWs and Migrant Pinoys e for sure bangkarote ang Pinas at nagkakagulo na ang kapinuyan.

    Bantayan…. maisahan uli tayong lahat, expert sa psywar ang matandang yan. Pagnagkataon e sising Tuko uli tayo.

  41. Nung nakaraan, si Cris Hill ang ipinadala ng America para pigilan ang Martial Law na itatatag sana nung Feb. 2006 ng magplanong mag-withdraw ng suporta sina Gen. Lim, Miranda, at Col. Qurubin. Agad namang sinang-ayunan ni DND Sec. Avelino Cruz ang “pakiusap” ni Hill at sinigurong hindi siya papayag na gamitin ang AFP para sa kqalokohan ni Gloria. (Maging si Sec. Romulo ay ipinadala sa Foggy Bottom upang tutukan si John Negroponte para ipaliwanag ang “benepisyo” ng Martial Law, kaya lang habang hina-hunting niya si Negroponte sa Washington DC ay sinalisihan siya nito at diretsong pumunta sa Pinas at kinausap din si Avelino Cruz)

    Dahil dito’y nasipa sa Malakanyang ang mga abugado ng The Firm na noo’y nakaupo sa mahahalagang puwesto gaya ni Cruz, Ombudsman Simeon Marcelo at Arthur Villaraza na pribadong abugado ni Pandak at pinsan pa. Ang hindi lang nakanti ay si Antonio Carpio dahil nauna nang na-appoint si ito sa Supreme Court at di na kayang patalsikin ng walang impeachment.

    Ang pagdating ni Robert Gates, lalo sa mga araw na wala si Gloria dahil nasa ASEAN+Korea, ay si DND Sec. Teodoro ang pakay nito. Mas mahalaga ang misyon niya ngayon dahil kung tutuusin mas mataas ang posisyon niya kay Cris Hill na siyang nakatutok sa paninindak ng North Korea sa rehiyon.

    Ano’ng napakahalagang bagay ang pakay ni Gates na mas mahalaga pa kesa sa sitwasyon sa North Korea?

    Ito ay upang pigilan ang isang krisis kung saan ay mawalan ng kontrol ang pamahalaan ng RP dahil sa gulo ng nagagalit na taumbayan at mahihirapan ang US na humanap ng kausap na mga lider upang isulong ang kanilang iteres sa panahong may namumuong gulo na maaring sumiklab gawa ng Nokor at upang buhayin ang palubog nilang impluwensiya sa rehiyon na dahan-dahang inaagaw ng China. Ang America ay mas gugustuhing makipagusap sa isang diktador kesa sa isang lider ng isang bansang nasa anarkiya.

    Hindi ako natatakot na ipilit ng Malakanyang ang Con-Ass sa kabila ng magiging malawakang protesta laban dito. Sa aking palagay, hindi papayag si Obama na bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng isang kleptocrat gaya ni Arroyo lalo’t kailan lang ay nasukat na sa US survey ang malaking halaga ng kontribusyon ng mga Fil-Am sa ekonomiya ng US. Kailangan niya ang suporta ng mga FilAm para sa pagbangon ng ekonomiya ng US. Malaking iskandalo rin na nalaman ng State Dept. at Defense Dept. ng US na ang pondong para sa Balikatan ay kinupit ng mga makakating kamay ng mga magnanakaw sa gobyerno. Iyan ang mahalagang misyon ni Robert Gates.

    Ang kinatatakot ko ay mukhang si Gibo Teodoro ang “binabata” ng America para sa susunod na eleksiyon at kung mangyayari iyan ay walang pag-asang makakuha ng hustisya sa mga naging biktima ni Gloria. Wala tayong pag-asa kay Gibo.

    Dapat na ipaalam sa America na ang pagsuporta nito kay Gloria o sinumang alagad niyang papalit sa kaniya kung sakali man, sa 2010, ay hindi tatanggapin ng mahusay ng mga Pinoy, sa America man o dito. Mahihirapan si Obama na makuha ang suporta ng mga FilAm na mas nakakarami yata ang maka-Republican, kung ang kanyang susuportahan ay sinuman sa kandidatong maka-administrasyon ni Gloria.

    Dapat ding ipaalam kay Obama na hanggang ngayon ay hinihintay ng mga Pinoy ang kanyang aksyon, at di lamang laway, sa mga “kleptocrats witch clenched fists”.

  42. Duda akong tanggap na ni FVR yung merger ng mga Kampon. Ang bagong merger na iyan ay nagsisilbing isang bagong partido sa ilalim ng bagong prinsipyo at hindi ang mga prinsipyong pinalawig ni FVR sa Lakas.

    Napanood ko pa lang sa News na sinabi ng kanyang spokesman na si Ed Malay at si Sdel Tamano na nakikipagusap si FVR sa oposisyon.

    Tuso si Tabako at alam niyang wala nang kapana-panalo ang mga bata ni Gloria kays alam niya kung saan lalapit at kakapit para sa susunod na administrasyon. Inunahan nga lang siya ni Pandak at isinulong ang merger na 3 taon nang niluluto habang wala siya sa bansa. Alam ni Gloria na kung sakaling mai-commit ni FVR ang Lakas sa kaninuman sa oposisyon, sa kangkungan dadamputin ang kandidato ni Gloria.

  43. I don’t think FVR is acceptable to the true opposition. They already know his true color. For one thing, he’s still not in good terms with the Erap camp. When we speak of the opposition, we cannot ignore Erap’s group.

  44. Maurice Maurice

    Nananawagan ako sa mga blogger dito, mag-isip naman tayo at mag-suggest kung ano ang dapat nating gawin para magising natin ang mga nagtutulugtulugang mga mga Pilipino na inuuna pa ang mag-shopping, mag-bakasyon sa mga beach, at magsawalang kibo dahil para sa kanila ang pag-iingay ay walang patutunguhan. Magka-isa tayo sa pag-iisip kung papaano natin mababago ang kanilang mga panananaw. Kung sinoman sa inyo ang may mga kakilalang miyembro ng mga malalaking samahan tulad ng mga samahan ng mga jeepney, taxi, at bus driver, pakiusapan natin ang mga lider ng mga samahang ito ng sa tuwing magkakaroon sila ng malalaking mga meeting ay mang-imbita ng mga magsasalita tulad ni Ellen Tordesillas upang gisingin at hikayataing huwag tuulog tulog at makiisa sa ating mga ipinaglalaban. Ganoon din ga mga homeowners association na sa tuwing magkakaroon sila ng malawakang meeting ay mang-imbita ng mga speaker na bubuhay sa kanilang mga diwa upang makiisa sa ating ipinalalaban para sa kinabukasan ng ating mga anak at magiging anak ng ating mga anak. Kilos tayo ng sabay sabay habang may pagkakataon pa…

    Bayan Gising!!!!
    Pilipinas umasenso ka…..

  45. Maurice, we’ve been making such a “call” for the last nine years…but it all fell on deaf ears.

  46. fenix fenix

    Let whosoever has balls as big Gloria’s throw the first stone.

  47. jocjoc jocjoc

    Baka kaya gustong matuto ni Obama kay tiyanak kung paano magnakaw sa gobyerno, kaya pupunta dito si Gates.

  48. Rose Rose

    mahirap gisingin ang gising..

  49. Golberg Golberg

    Uy ang ganda!
    Mid year bonus na. June na nga naman kasi. Kailangan ng pang tuition para sa mga exclusive skuls.

  50. The Evil Bitch went to South Korea not only because of Kim Chi but she wants to ask how to jump from the building without hurting herself.

  51. sampip sampip

    jocjoc – June 1, 2009 6:36 am

    Baka kaya gustong matuto ni Obama kay tiyanak kung paano magnakaw sa gobyerno, kaya pupunta dito si Gates.

    LOL! Kung baga, si gloria ay si master yoda. (halos magkahawig naman e)
    si obama ay magiging potential jedi knight? 🙂

  52. many thnks cocoy,aywan ko bakit nakapasok sa senado gagawa pa siya ng eksena para sikat,kada umaga nagbabasa ako sa blog ni ellen.i like ellen vri much,shes really true person.isa akong ofw ng 18years dito mahirap trabaho namin dito kaylangan magtipid para may maipadala sa familya pag holiday noodles.ang mga ganid,linta ng lipunan lang mapupunta.

  53. habib habib

    Ano’ng malay natin, baka si tabako ay binigyan ng 1 baka kaya ganu’ng biglang nag-thumb’s up kay gloria? Ikumpara ninyo ‘yun sa 20 manok lamang, di ba?

    Hindi na niya mauubos ‘yun kahit mamamatay pa (sana) siya ngayon!

  54. habib habib

    Sorry if am being the opposite of what my handle means, an Arabic term for “good friend”.

    Nakakabanas na kasi, eh.

    Walang kapag-a pag-asa sa ilalim ng pamunuan ni gloria. Malinaw na niloloko lamang niya ang buong sambayanang Pilipino sa pakikipagkutsaba ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso. Puro sila pangako at pasinungaling sa mga katotohanang inilalabas ng mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng mga datos ng kanilang kapalpakan. Hindi nila maaming wala silang kakayahan upang maiangat ang ating pamumuhay.

    Walang pag-asa na matigil ang exodus ng manggagawang Pinoy sa lahat ng sulok ng mundong merong pagkakataon upang makapaghanapbuhay.

    Talo pa nating ang mga Israelita noong mga unang panahon. Tayo ang sila ngayong modernong panahon. Nangangalat tayo sa buong daigdig hindi dahil tinutuligsa KUNDI walang pag-asa sa sariling bansa!

  55. LG,
    Yung district 2 ang nakakasakop sa bayan ng Lubao kung saan botante ang kutonglupa may garapata sa mukha.

    Malinaw na ang pagbabalik-bali niya doon (14 times this year) at may kasama pang proyekto ay sa dahilang kakandidato siya uli sa 2010. Bilang Congresswoman! At pagkatapos, Prime Minister.

    Kung ako ang mga Kapampangan, ihahanap ko na, ngayon pa lang ng katapat iyang si Putot at siguradong susuportahan iyan ng mga matitino, kagaya ng suporta nila kay Among Ed, na itinaob ang milyun-milyong kwartang itinapal ng mga sindikato ng jueteng sa mga botante.

  56. Mukhang tama ang kutob ko, ang pagbisita ni Gates kay Gibo ng wala si Pandak ay mistulang isang silent endorsement.

    Mukhang may maganda din namang ibinunga dahil mukhang nagbabala si Gates nung tanungin kung ano ang kanyang reaksyon kung sakaling walang eleksiyon sa 2010, ang sagot niya ay:

    “We assume that the elections will go forward and that the Philippines will choose a democratically elected president. I do hope we will not have to address any extra-constitutional change in government.

    http://midfield.wordpress.com/2009/06/01/us-defense-sec-gates-warns-no-to-no-el/

  57. Balweg Balweg

    Maurice, tama ka kailangan nating magkaisa sapagka’t walang mangyayari kung iaasa natin sa galit at sama ng loob ang ginawang pagpapahirap sa ating lahat ng rehimeng arroyo.

    Remember, tagumpay ang Masang Pinoy last 2004 sa senado except nadaya si FPJ. Kung nagkataon na nakopo ni GMA ang senado at kongreso e tapos ang lahi natin.

    Bakit kamo, kasi ganito yon…ang AFP/PNP, Judiciary/Ombudsama, Tongress e kontrolado ni GMA, except ang Senado.

    Atleast kahit papaano e malaki ang tulong ng Senado to neutralize yong mga masasamang balakin ng mga kurap. So, ito ang tamang oras to educate our families backhome, friends, and fellow kababaryo di ba.

    Kita mo si Hon. Sen. Sony Trillanes talagang isa kami na nagkampanya thru WWW throughout the world, so panalo ang pobre. Yan ang gagawin natin sa mga mapipili nating tapat at totoong kandidato.

    Marami ang magbabalatkayo, kita mo may padyak pa o many more…yan ang tunay na kulay nila.

  58. saxnviolins saxnviolins

    I do hope we will not have to address any extra-constitutional change in government.

    That is the operative word, extra-constitutional. So lalong magiging urgent ang cha-cha, dahil ito ay hindi extra-constitutional, kung aakyat sa Korte Suprema. This is a thirteen-year pay, not thirteenth month pay (20 Million / 156 months = 128,205 per month).

    So sa pagsalubong sa Glue, siya ay babatiin ng “Bonus dias Madam”.

  59. Tongue has a point:

    Ano’ng napakahalagang bagay ang pakay ni Gates na mas mahalaga pa kesa sa sitwasyon sa North Korea?

    Ito ay upang pigilan ang isang krisis kung saan ay mawalan ng kontrol ang pamahalaan ng RP dahil sa gulo ng nagagalit na taumbayan at mahihirapan ang US na humanap ng kausap na mga lider upang isulong ang kanilang iteres sa panahong may namumuong gulo na maaring sumiklab gawa ng Nokor at upang buhayin ang palubog nilang impluwensiya sa rehiyon na dahan-dahang inaagaw ng China.

    America needs a subservient and weak Philippines but subservient and weak to America and not necessarily weakened in terms of “democratic processes.”

  60. ghost whisperer ghost whisperer

    Mas nakakaiyak ang mga kababayan natin na nagbebenta ng kanilang mga boto sa panahon ng eleksiyon. kaya nagkakaletse letse ang gobyerno natin dahil din sa marami nating mga kababayan na walang mga dangal at garapal magbenta ng kanilang dalawa bente singkong boto.so it just right to say that in this god forsaken country of ours, we have two enemies: a corrupt leader and a corrupted citizen.

  61. Garcillano Garcillano

    Hindi pa man tao si Kristo ay isyu na yán – mga nasa kapangyarihan na ayaw tungkabin ang tumbong sa pwésto. Mawala man si Arroyo, tulad nina Marcos-Ramos-Erap, ay may tulad pa rin nilang hahalili at ang isyu pa ring yán ang kababalahuan ng marami. 🙄

  62. bitchevil bitchevil

    Not all all, Garci. This nation can be great again. One day, we may be able to have a leader that would save the country. Have faith in our country.

  63. Tongue, re Gates’ comments:“We assume that the elections will go forward and that the Philippines will choose a democratically elected president. I do hope we will not have to address any extra-constitutional change in government.”

    Gloria Arroyo has no problem with that because what they are doing is change the Constitution to fit her sinister plan. So, it’s still within the Constitution.

    Don’t bank on the Americans. As long as there is no violent reaction from the people, just like what happened in Edsa Dos, they will continue to support any president as long as that he/she serves their interest.

  64. I presume Gates was here to remind or warn the Evil Bitch about about resorting to unconstitutional mean. But it was more directed to the people and opposition. US doesn’t want another People Power. That means Uncle Sam approves of the Bitch’s continuous stay. Why did Gates’ visit coincide with the Con-Ass passage?

  65. Ellen, I get it Gate’s message was clear. “Democratically-elected president” does not necessarily mean “MP-elected Prime Minister” does it? To me it also means “let the people decide who they want for president and not change the rules in the middle of the game”.

    As for wishing not to “address any extra-constitutional change in government”, Gates statement was a double-bladed sword. He vaguely warns against those who may take the route (whether an Esperon-concocted coup-me or a genuine, anti-Gloria one) at the same time does not encourage Gloria to provoke such situation. It could have been aimed to even discredit Gloria who herself was a beneficiary of extra-constitutional change the first time, and massive cheating, the second time.

    I’m dismayed that none of the reporters present did not squeeze him for an unequivocal explanation.

  66. “Why did Gates’ visit coincide with the Con-Ass passage?” – bitchevil

    Well, it did change the tenor of the sponsors (and hardcore ConAssholes), well, at lest two of them – Ortega and Garcia. Villafuerte said the two bungled the purpose of the no-need-for-the-Senate ConAss when they announced in plenary that the resolution was an “invitation” for the Senate to convene with the House for ConAss. In the first place, the text of the resolution did not say so. And originally, the intention was to do away with the Senators. Only Cong. Barzaga stood with the original intention. Villafuerte might have been told earlier about Gates’ mission, but who knows? He suddenly resigned from Kampi and withdrew his signature as main sponsor.

    Gates’ arrival might have prodded them to change their tact.

Comments are closed.