Skip to content

Sammy Ong

Ayan, pwede na ipatupad ng mga galamay ni Gloria Arroyo ang kanilang arrest warrant kay dating NBI Director Samuel Ong sa kasong sedition dahil sa kanyang pagsiwalat ng pandaraya ni Gloria Arroyo sa 2004 na eleksyon.

Matagal na nilang pinaghahanap si Ong. Pumunta lang sila sa punerarya kung saan siya nakahimlay..

Siguro masaya na rin ang Court of Appeals na kamakailan lang ay binuhay ang kasong kriminal na serious illegal detention kahit na ibinasura na ni Judge Benjamin Pozon ng Makati Regional Court.

Lalo pa siguro si Arroyo na kahit nabuking sa inilabas na “mother of all tapes” ni Ong na siya mismo ang nagdi-direk ng pandaraya sa eleksyon sa Muslim Mindanao ay namamayagpag pa rin sa Malacañang.

Namatay noong Biyernes si Ong sa Chinese General Hospital. Cardiac arrest ang kanyang ikinamatay. Mga anim na buwan na raw na labas-masok si Ong sa ospital dahil sa kanyang sakit na lung cancer.

Namatay si Ong na biktima ng baluktot na hustisya na pinapairal ng administrasyong Arroyo.

Maala-ala natin na noong Hunyo 10, 2006, lumabas si Ong sa isang press conference sa Metropolitan Club sa Makati at winagayway niya ang orihinal na casette tape ng tinaguriang “Hello Garci”. Nawindang si Arroyo noon at ilang linggo ring hindi siya nakapagsalita (Baka daw mabosesan).

Nang nagsalita siya, iyon na ang “I am sorry.” Hindi alam hanggang ngayon kung ano ang kanyang pinag-sorihan.

Nagkaroon ng demoralisasyon sa military dahil narinig sa pag-uusap ni Arroyo at ng Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kung sino ang mga militar na tumulong sa kanya sa pandaraya. Ngayon 28 na opisyal kasama ang dalawang may Medal of Valor, ang pinakamataas na medalya sa mga sundalo, ang nakakulong sa bintang na tinangka daw nilang magprotesta kay Arroyo noong Pebrero 2006.

Pagkatapos ng presscon ni Ong sa Metropolitan Club, nagsilong sila sa San Carlos seminary kasama si Master Sgt. Vidal Doble at ang kanyang girlfriend. Pina-alis sila doon at kinuha si Doble ng military.

Kinasuhan si Ong, ang artistang si Rez Cortez, ang driver ni Ong na si Angelito Santiago at ang isang Wilson Fenix ng kidnapping. Pinagpipilit ng pamahalaan na kinidnap daw nina Ong at Cotez si Doble samantalang sinabi mismo ni Doble na hindi siya kinidnap.

Walang piyansa ang kidnapping.

Kaya hindi pa nakakulong sina Ong, Rez, Santiago at Wilson dahil nag-file sila ng motion for reconsideration.

Kahit anong gagawin ni Arroyo, nakau-kit sa paniniwala ng sambayanang Pilipino na siya ay nandaya at nagnakaw ng botong hindi kanya noong 2004 na eleksyon. Para sa katotohanang ‘yan pasalamat tayo kay Sammy Ong.

Published inAbanteHello Garci scandal

113 Comments

  1. chi chi

    Hindi nagsalita ng ilang linggo si Gloria Arroyo ng iwagayway ni Sammy Ong ang original tape ng Hello Garci “baka daw mabosesan”.

    “Nang nagsalita siya, iyon na ang “I am sorry.” Hindi alam hanggang ngayon kung ano ang kanyang pinag-sorihan”. (Ellen, ang galing ng linya mong ito).

    Iyan ang original sin, ang lintik na itik sa Malacanang ay “I am sorry” noon, most corrupt leader ngayon!

  2. chi chi

    Sadya nilang hindi dinakip si Sammy Ong kahit alam nila ang kinalalagyan dahil umiwas si Gloria na marinig ang kanyang original voice from the original tape of Hello Garci. Kung baga ay pinalamig nila ang sitwasyon, baka sakaling malimutan ng pinoy ang bahaging ito ng kasaysayan o kahit habang si Gloria ay naliligayahan sa nakaw na trono!

  3. chi chi

    My heartfelt condolences to the family of Atty. Sammy Ong.

    Have a nice eternal peace with the Great Maker, you are one person I admire and will never forget in my lifetime. Good job, Sammy!

  4. chi chi

    “Matagal na nilang pinaghahanap si Ong. Pumunta lang sila sa punerarya kung saan siya nakahimlay..”

    Malungkot ako, Ellen, pero na-ha!ha! sa iyong banat. Classic!

  5. No dice, hindi bababa si Gloria Burikak sa kinauupuan niya. Truth is when I heard of the sudden and mysterious death of former Korean President Rho, who served as president from 2003 to 2008, I wondered when the cheat would do a similar exit, but then, of course, it was wishful thinking for Rho of Korea is different from the kapalmuks of the Philippines. Iyong isa may hiya, pero iyong punggok, wala!!! Parang semento na ang mukha sa kawalanghiyaan!!!

    Kawawang Pilipinas!

  6. Rose Rose

    grizzy: just like you when I read what the Korean leader did, I wondered kailan kaya si Gloria? Now when I read about Sammy Ong’s death..I wondered does she feel any remorse? or is she happy that he died? nawala ang isang harang sa kanya..is God on her side? It seems that He is..isa isang nawawala ang mga lumalaban sa kanya? hindi tumalab sa konsensya niya ang guilt…Oh Lord Save Thy People! Ang lakas talaga magdasal ang mga pari na kampi sa kanya..what money can do..WMCD!

  7. Rose Rose

    They should play the Hello Garci tape loud and clear now..that would be Sammy Ong’s legacy..ang pakingan natin lahat ang katotohanan…truth and justice..

  8. Rose Rose

    Is she sorry that Sammy Ong died? or is she singing Glory be to me?

  9. Malaki ang utang na loob ng sambayanang Pilipino kay Sammy Ong. Kung pumayag lang siya noon na manahimik na lang ay siya na ang magiging NBI Deirector at siguradong bubuhusan pa ng sandamukal na kwarta. Sa halip ay nanindigan siya na isiwalat ang katotohanan na ang kapalit ay pang-aapi at paghihirap.

    Ang kanyang buhay ay may naging katuturan at iwan man niya ang mundong ito ay nagawa na niya ang kanyang misyon.

    Maraming salamat, Sammy.

  10. Malacanang now says the “Hello Garci” issue is now closed with Ong’s death. What kind of argument is this? Is Ong the only witness in that case? Let’s not allow the Evil Bitch to get away with this biggest crime of the century.

  11. ocayvalle ocayvalle

    nagising ako sa tuwa.. akala ko si gloria na iyong tumalon sa bundok ng arayat..mali pala..di pala, si roh pala ng south korea.. matulog na nga ulit.. baka pag gising ko.. si FG natulak ni GMA pati si GMA nahulog din.. sana totoo na..!! goodnight..!!

  12. Will the Evil Bitch commit suicide after she leaves Malacanang? My answer is a big NO. She needs to be killed and will never commit suicide.

  13. kabkab kabkab

    Bakit walang maglakas ng loob na ilagay sa Youtube yong “Hello Garci”? Para malaman ng buong mundo na ang ating Bansa ay pinapatakbo ng isang Pangulong mandaraya.
    Eto palang si Pangilinan “Mr. Noted” ay tatakbo sa pagka-Bise. Bakit kaya? Akala niya siguro nakalimutan na ng tao ang ginawa nila ni Gunggungzales noong 2004 eleksiyon. Bakit hindi natin tanungin kung magkano at sino ang nag-utos na puro “Noted” ang gagawin nila. Kung ayaw niyanbg magsabi ng totoo, bakit pa natin iboboto ang isa pang opportunista.

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    What Gloria Arroyo is waiting for? The sooner, the better for the country. Former South Korean president Roh Moo-hyun, a suspect in a multi-million corruption scandal that implicated his wife and family has committed suicide. Mas grabe ang kaso ni Gloria sa taumbayan-lantarang pandarambong at panloloko. Akala niya tapos na ang Hello Garci political scam. Sige Gloria, talon talon na!

  15. Rose Rose

    With all the more reason now, Hello Garci tapes should be played every day..sa umaga, sa tanghali at sa gabi..at kung puede pa sa You Tube..dapat ipagtuloy ang naumpisahan ni Sammy Ong.. Juans Change Gloria..itulak na lang siya palabas at mukhang hindi tatalon… sa mga radio, TV, etc.

  16. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Okay, itulak siya diyan sa Pasig River.

  17. The most tragic part of his suicide was that it involved his family members and not he himself. Yet, he thought he was responsible and as guilty. Let’s turn around and see this Evil Bitch whose husband and children continue to be corrupt; but she herself was accused of massive cheating, lying and corruption…not a word of remorse and repentance.

  18. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kapal muks at manhid si Gloria. Parang kanser walang gamot. Sabida: Itulak na lang.

  19. andres andres

    My condolences to the family of Sammy Ong. Another hero who died not seeing the fruit of what he fought for. I am sure ang saya ni GMA at mga alipores niya dahil nabawasan nanaman sila ng kalaban.

    Hindi namin malilimutan ang iyong paninindigan, Atty. Samuel Ong!

  20. andres andres

    Buti hindi ulit naging aktibo ang mga pakawala ni Gloria na propaganda brigade dito sa Ellenville. Sa goodbyegloria.com, aktibo ang panggugulo ng mga brigada ni Evil Bitch at binabastos ang mga kabataan na gumawa ng site.

  21. andres andres

    Mga kaibigan, huwag nating kalimutan na si Cardinal Rosales ay nag-utos na wag bigyan ng proteksyon si Sammy Ong kung kaya’t ito ay umalis ng San Carlos seminary at tago na lamang. Habang si Bishop Suck Villegas naman, dinukot si Sgt. Vidal Doble upang hindi ito mag testigo laban kay GMA.

    Ano na ba ang nangyayari sa mga Obispo natin? Bakit sila pa ngayon ang nagtakip sa mga kawalang hiyaan ni Gloria???

    Will someone please explain, why???

  22. chi chi

    andres,

    Madali yan….the brown bags are delivered to them en punto personally by Rosales’ niece Medy-prensya Poblador, Gloria unana’s tagabitbit ng kwarta.

    Naiyak ako noon ng sabihan ni Rosales ang San Carlos seminary na pabayaan si Sammy Ong while Suck Villegas kidnapped Doble. Buhat nun ay nawalan ako ng tiwala sa kanilang mga prinsipe daw ng simbahan, prinsipes pala ni Gloria ang reyna ng impierno!

  23. The Bishops are largely to blame for those witnesses of “Hello Garci” tape. The influence of the late Cardinal Sin remain in these evil Bishops. His protege Sucks Villegas is very much alive today enjoying the benefits from the gambling lords in Bataan.

  24. chi chi

    Soc Villegas is not my kind of bishop, but in fairness his faults does not include being a beneficiary of money from the gambling lords. Sa bribes ni Gloria….bahala na s’ya!

  25. Sucks Villegas used to suck the late Cardinal Sin until the later died. I mean sucked Sin out of his power and money (you dirty mind).

  26. Bakit kasi di na lang natin kulamin si Gloria…

  27. I tried. I looked for and tried to hire witches who could curse the Evil Bitch but they all said she’s too strong and too evil to handle.

  28. Balweg Balweg

    Buong puso po kaming nakikiramay sa buong pamilya ng Kgg. Samuel Ong…tunay kang Pilipino at ang iyong alaala ay mamaling buhay sa alaala ng Sambayanang Pinoy at sa darating pang henerasyon ng lahing Pinoy.

    Sumaiyo ang biyaya ng Kapayapaan at babaunin mo ang aming mga dalangin na sumalangit nawa ang iyong kaluluwa at ang patnubay ng Dios na Buhay ang papatnubay sa iyong mga maiiwang mahal sa buhay.

    Wag kang mabahala sapagka’t kaming mga nagmamahal sa Inang Bayan ay patuloy na ipaglalaban ang Katotohan upang may bagong umaga na tumanglaw sa ating bansang Pilipinas na ngayon e pinaghaharian ng kampon ng kadiliman.

    Tanggapin mo ang aming mga dalangin at sumaiyo ang patnubay at basbas ng ating Panginoong Hesukristo.

  29. Ong died unable to reveal the whole truth to the joy of the Malacanang criminals. How many would end up like him before the Evil Bitch could be prosecuted?

  30. Balweg Balweg

    Ano na ba ang nangyayari sa mga Obispo natin? Bakit sila pa ngayon ang nagtakip sa mga kawalang hiyaan ni Gloria???

    Will someone please explain, why???

    Ka Andres, sang-ayon sa Banal na Tipan: “Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka’t ang kaniyang binhi ay nananahan sa Kanya: at siya’y hindi maaaring magkasala, sapagka’t siyaý ipinanganak ng Dios. Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.”(1Jn.3:9-10)

    Ang nagsasabing, Nakikilala ko Siya, at hind tumutupad ng Kaniyang mga utos, ay SINUNGALING, at ang Katotohanan ay wala sa kanya.(1Jn.2:4)

    Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapwa’t ang ipinganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hind siya ginagalaw ng masama.(1Jn.5:18)

    Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, itoý kasalanan sa kaniya.(James 4:17)

    Sapagka’t ang mga ibaý nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.(1Tim.5:15)

    May daan na tila matuwid sa tao, Nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.(Prov.16:25)

    Alam mo bro. ang pangako ng Dios sa mga umiibig sa Kanyang Kadakilaan e ayon sa nasusulat:”At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa.”(Roman16:20)

    Ibig sabihin pati yang mga Obispo o sinumang nangangalakal ng salita ng Maykapal e subject yan sa mga tunay na anak ng Dios base sa Rom. 16:20.

  31. Buhawi Buhawi

    Manong Sammy…I know it wasn’t worth the wait for you and you’ll not witness true redemption ever at all but we assure you that what you started for the fight of truth is not yet over and will soon prevail.

    I admire this man for what he has done and I will never forget what he once told me, “nagawa ko na ang dapat gawin, kayo na magpatuloy”. Yes manong, tuloy ang laban…maski anong paraan!

    Mabuhay ka manong, sampu ng iyong angkan! Agkita tan tu manen!

  32. Not everyone can claim to be children of God. They have to be the chosen ones. Just because one believes in God is already saved. Even the devil believes in God and trembles.

  33. chi chi

    Buhawi,

    You must be very proud that you talked and walked with your Manong Sammy. 🙂

    Minsan ay nahihinaan ako ng loob pero dahil sa mga may prinsipyong pinoy na gaya ni Sammy Ong ay muli at muli akong nagkakaroon ng pag-asa na magwawakas rin si Gloria.

  34. nahnah nahnah

    Isama mo na sa listahan mo ng mga oportunista, habkab, sina Villar at Cayetano. Hindi pa man presidente si Villar, himod ng himod si Cayetano sa puwit ni Villar, sa pagtatanggol sa kaso ng Cpag at Taga.

  35. Buhawi Buhawi

    Chi,

    Tama ka. When I read the news about his untimely demise, I had goose bumps! I can’t explain pero siguro dahil sa paghanga ko sa kanya. For the whole day I kept recalling the time we had a deep conversation. Kaso lang, pag uwi ko nangamoy usok ako ng yosi kasi matindi talaga siya manigarilyo.

  36. Rose: Now when I read about Sammy Ong’s death..I wondered does she feel any remorse? or is she happy that he died? nawala ang isang harang sa kanya..is God on her side?

    ******
    Nope, Rose, God cannot be on the side of evil, for God is good.

    We should think it more as God’s mercy when He takes away good people like Sammy Ong to ease their burdens and sufferings especially when their sacrifices are seemingly just wasted by a people who probably deserve to suffer more so they can learn.

    As for the evil bitch having any feeling of remorse for hastening the death of Mr. Ong, you can bet your bottom dollar, she has none but glad that one of the people she must have considered as her tormentors is gone. But as they say in Tagalog, “Lintik lang ang walang ganti.”

    The creep will definitely be made answerable for all the ills, sufferings, etc. of the Filipino people at Judgement Day. No doubt about that!

  37. Siguro pagkatapos ng libing ni Sammy Ong ay ipapaaresto siya ni Raul Gonzales.Hinayaang lang muna niyang magluksa para kunyari nakikidalamhati ang Malacanang sa pagkamatay ni Ong para hindi mag-alsa ang tao.

    Ganun pa man Condolence sa pamilya ni Sammy Ong.Dating kasama ng utol ko iyan ng nasa NBI pa sila under Jolly Bugarin,nakita ko na iyan dahil nagpupunta sa bahay ng utol ko.

  38. I think Jolly Bugarin was the NBI Director under Marcos regime. When Erap was the President, he promoted Sammy Ong. Erap was at Ong’s bedside before he died. Ong pressed Erap’s hand hard as if to say thanks and goodbye.

  39. andres andres

    Please visit goodbyegloria.com, medyo maganda din mga articles doon. Make some comments din para mapahiya mga blog and text brigade ni Gloria.

  40. habib habib

    Sammy, your legacy shall always remain among us.

    We pray for the eternal repose of your soul.

    Tuloy ang laban!

    Para sa bansa!

  41. andres andres

    Ka Balweg, Chi at BE,

    Salamat sa pagbibigay linaw kung bakit ganito ang inaasal ng mga obispo. Dati kasi niririspeto at sinusunod ko sila, pero ngayon parang hindi na kaya ng kaluluwa ko na sikmurain ang ginagawa nila Rosales at Suck Villlegas.

  42. That’s why many are leaving the Catholic Church, andres. Many have turned to Protestantism or joined Iglesia Ni Cristo. The Catholic Church has self-destroyed herself long ago. To some people, they say the Roman Catholic Church is the apostatized church.

  43. boyner boyner

    Taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Bro. Sammy Ong na nagpamalas ng kanyang katapangan at pagmamahal sa bayan ng ibunyag niya ang tunay na Hello Garci tapes. Ipinakita niya ang kanyang pagpapahalaga sa katotohanan (Truth) hindi tulad nina Hermogenes Esperon at Arturo Lomibao na mas ninais pang lokohin (Deceive/DeceitT) ang mamamayang Pilipino at pinakita kung gaano sila ka ipokrito (Hypocrite).

  44. Elgraciosa Elgraciosa

    May you rest in peace Atty. Ong! You may not receive justice here on earth but there will be one in heaven!

  45. patria adorada patria adorada

    Nasa tao ang gawa,nasa Dios ang awa:
    Ang karaniwang problemas ng Filipino ay gawang tao lamang.
    Nasa tamang pag-iisip,kilos,ang ikalulutas nito.
    Huwag iasa sa Dios ang lahat ng bagay.

  46. Rose Rose

    Doon sa kabilang thread ang topic ay Tour of Hope…it made me wonder ..sa pagkamatay ni Sammy Ong…magkaroon tayo na mas malakas na pag asa sa ating bayan…he left us with a legacy to work for truth and justice..though the future seems dim we have hope that inspite of the cloud, there is a silver linning at magising na tayong lahat! magkakaisa at united in the fight for truth and justice

  47. This will make your BP goes up:

    In an astonishing decision, the House committee on agriculture cleared former Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante of involvement in the alleged P728-million fertilizer procurement scam.

    Palawan Rep. Abraham “Khalil” Mitra, chairman of the committee, said the clearing of Bolante was based on the report submitted to the panel by the Commission on Audit (CoA) in which no document showed Bolante had committed irregularities in the disbursement of funds intended for the purchase of fertilizer for nationwide distribution close to the 2004 national elections.

  48. Rose Rose

    BE: The decision surprised me too..”no documemts…” hindi kaya nawala ang mga documents that linked him?..hindi kaya kulang ang sinabmit?.. hindi kaya na hokus pocus?all that investigation for nothing?..kaya pala ang tagal tagal ng decide ma milagro1

  49. Rose Rose

    Nakita ko ang caption sa isang news,,”ang mga binabawal ng simbahan:..dali dali kung binasa..akala ko kasi ang sabihin ng mga obispo ay :thou shalt not steal” thou shalt no bear false witness..thou shalt not kill..at ant ten commandments..hindi pala bawal daw maghawakan ng kamay, etc.another frustration!

  50. Rose, please bear in mind that the House (Congress) is completely controlled by Arroyo’s allies. By clearing Joc Joc, it would influence further legal actions against him even at the Ombudsman. Many big people were involved in this scam. The missing funds were related to the Bitch’s 2004 election. Malacanang just can’t afford this case to continue. It’s now the turn of the Senate to overturn the House’s findings. Unfortunately, the former Chair of the Committee who investigated Bolante has never released the resolution. Alan Cayetano is now with the side of the minority and we cannot expect any cooperation from them. The Senate is in chaos right now which greatly favors Malacanang. Joc Joc could not now be touched until after 2010 assuming there’s another administration from the opposition.

  51. Maurice Maurice

    Ellen kung magkakaroon ka ng pagkakataon na makakausap si Bong Revilla, puwede bang makuha mo ang opinion niya sa pagkakaiba ng pagso-sorry ni Hayden Kho at sa pagso-sorry ni Gloria Arroyo? Paki-tanong na rin kung sino ang may mas matinding krimen na nagawa si Hayden Kho ba o’ si Gloria Arroyo?
    Kung pakikinggan kasi natin ang mga pahayag ni Bong Revilla ay parang napakalaki ng naging kasalanan ni Hayden Kho sa sambayanang Pilipino. Bakit hindi siya nag-react noon ng pumutok ang Hello Garci? Hindi ba napakalaking kasalanan ang nagawa ni Gloria Arroyo kaysa kay Hayden Kho dahil ang binaboy ni Gloria ang buong sambayanang Pilipino kumpara sa ilang babae lamang nababoy ni Hayden Kho.

  52. Elgraciosa Elgraciosa

    Ang bilis nakapag-decision ng House of Tongress sa Joc-joc case! Innocent pala si Jocjoc eh bakit nag hide and hide pa sa US? Di ba additional KABABUYAN na naman ang pinaggagawa ng mga hayop na Tongresman? Ay, talagang kahit normal ang BP ko ay tumataas ng di oras!

  53. nahnah nahnah

    How about the result of the investigation by the Senatongs? Naging isang Maalala kaya ng Bayan (katulad ng dramang MMK) ang kaso ni Jocjoc, just that a drama? Ang dami namang nakabitin na mga investigations sa senate, wala pang mga tuldok. May bagong flovour of the month sila ngayon, iyong kay Villar na C5 na tinawag ni Banayo na ‘cpag at taga’ case. Dati naging flavour of the month din iyong sa legacy (o lagay see), at iyong kaso ng euro generals.

  54. myrna myrna

    ito sagot sa comment ni maurice***
    🙂

    si senator bong revilla, nag react ng husto sa ginawa ni kho kumpara sa mga kalapastanganang ginawa at ginagawa ni gloria, kasi kay kho, wala siyang napapala. unless isali lang na modelo yata siya ng belo medical clinic, whatever connection there is.

    though i do not condone what happened in kho’s scandal.

    yun ang principal na pagkakaiba: kay gloria, nakikinabang bulsa niya; kay kho, baka kokonti, kaya umalma!!!

    hehehhe

  55. baguneta baguneta

    Mang Sammy, maligayang paglalakbay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. History will be nice to you, for you have chosen what is right, moral and legal.

  56. May the GAOTU bless you Bro. Ong.

  57. Golberg Golberg

    From Balweg:
    “Ano na ba ang nangyari sa mga Obispo natin? Bakit sila pa yata ang nagtakip sa mga kawalanghiyaan ni Gloria.”
    Sabi nga ng Our Lady of La Sallete, “Rome will lose its faith and it will be the seat of the anti-christ.” Inulit iyan ng Our Lady of Fatima. Nakita na rin ni Blessed Catherine of Emerich, “to my shock most of these men that I saw destroying the church from within are clergys (Cardinals and Bishops) Malinaw na?
    Barilin mo ang isang tao sa ulo, ano kaya ang mangyayari sa kanya? Mamatay diba? O kaya ay comatose?
    Huwag kang mangamba, pagdating nung hinihintay naming huling hari, pati mga obispo na iyan na mga mason, papatayin iyan kasama ng mga tinatawag na infidels. Sasagasaan ang mga maling idelohiya at papaslangin ang 2 klase ng lahi kasama na ang mga grupo na mayroong lahi na iyan.

  58. Golberg Golberg

    Kay Sammy Ong!
    Kahanga hanga ang tapang at prinsipyong ipinaglaban mo.
    Di gaya ni Mateo Mayuga na isasama niya sa hukay niya ang lahat ng alam niya sa hello garci scandal.
    Kaya lang, tulog pa rin si Juan. Sampalin mo nga o buhusan mo ng ubod ng lamig na tubig para magising ng hindi naman mapunta sa kawalan yung minsang mong ipinaglaban.
    Mateo Mayuga, bakit di kapa mamatay?

  59. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Hello Garci ‘di maililibing

    http://www.abante-tonite.com/issue/may2509/news_story5.htm

    Gagong cerge remonde! Dapat sa hudas na ito ay pinuputulan ng dila.

    Bakit nagkakaganito ang ating pamahalaan? Bakit kailangang mamayani at mangibabaw ang ganitong uri ng mga opisyal?

    Mga manhid at walang damadamin sa paghihikahos ng sambayanan at mga hidhid na limatik na walang kabusugan kahit sasabog na ang mga tiyan sa pamimintog ng nilamong hindi nila pinaghirapan.

    Sakaling dumating ang sandaling magising at kumilos upang tuldukan na ang lahat nilang kawalanghiyaan, ang mga katulad ni remonde at itali sa puno at batuhin hanggang sa mamamatay!

  60. Enciong Enciong

    Kaibigang Golberg,

    Mabait na tao yang si Mateo Mayuga. In fact, he has a pleasing personality, if only you’d get to know him.

    Maybe yan na rin personality niyang iyan ang dahilan kung bakit tikom ang bibig niya hanggang ngayon sa nadiskubre niya. Ayaw niyan ng kaaway. Mga kabaro na niya, seniors pa niya. Kaya dinaga lang siguro.

    Alam mo ba na nung marinig niya sa TV na nasabi nung boss niya na papaimbestigahan niya yung dayaan ng 2004 ay Mayuga kaagad took that as his Commander’s intent? Being a good staff officer, nag-create siya kagad ng investigating body to do it. Ang kaso, pang-TV lang pala yung nasabi ng boss niya. Plano palang paikutin lang ang taum-bayan. Pero dahil created na yung Committee at alam na ng buong mundo, wala nang naging atrasan. Kaya damage control na lang ang nangyari. Hindi lumabas yung Mayuga Report. Kasi nga, damaging to the powers that be.

    Katulad nga ng sabi ni Pacquiao: “Naw yu noh!”

  61. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Enciong,

    Meron ba naman siyang paninindigan sa kanyang tungkuling sinumpaan?

    Does his loyalty and obedience directed only to his commander-in-thief and not to the Constitution and the whole Filipino people he had sworn to protect and defend?

    Walang magagawa ang sinuman kung pinanindigan lamang ni Mayuga na maisapubliko ang kinalabasan ng kanyang pagsisiyasat gayundin ang kanyang tungkulin hindi para sa kapakanan ng iisang tao lamang kundi ng buong sambayanan.

    Paanong aalalahanin si Mayuga at mga katulad na naging duwag upang labanan ang katiwalian sa kanilang panahon?

    Ano’ng uri ng pagkilala at pag-alala ang nararapat iuukol sa kanya sa sandali ng kanyang pagpanaw?

  62. Enciong Enciong

    Kung si Hayden Kho ay may nakatagong video kasama yung unanong may nunal, tapos inilabas ito sa mundo, mapapatawad ko na si Hayden. Kahit papano, kahit ilang saglit, mapapatawa niya ang taumbayan.

    Hayden… baka naman meron kayo niyan… ilabas mo na! Para naman makabawi tayo kahit konti!

    Ma’m Ellen, pasensya na, ha? Naaaliw lang akong isipin ang possibility na ito. Hello Hayden Scandal! Hehe!

  63. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Minsan lamang dumating ang pagkakataon upang patunayan ang kagitingan at pagiging makabayan. Sa panahong ito ng pamamayagpag ng mga tiwali sa pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng isang pusakal na mang-aagaw, sinungaling, mandaraya, kawatan at walang kahihiyan, Ang sino mang opisyal na merong nalalaman tungkol sa mga kawalanghiyaan ng mga magnanakaw sa malakanyang ay pagkakataon na nilang masulat sa pahina ng ating kasaysayan.

    Ang masaklap nga lamang, mas pinipili nilang manahimik at namanamin ang tamis ng lasa ng salaping sa bibig nila ay nakabusal!

  64. Enciong Enciong

    Kaibigang Starch…

    Precisely naiisip ko din yan. Kaya nga naaawa din ako diyan kay Mateo Mayuga. Mabait ngang tao but history will not judge him kindly… Not unless, ilabas niya iyon ngayon o sa darating na mga araw o panahon.

    Sa tanong mong: “Mayron ba naman siyang paninindigan sa kanyang tungkuling sinumpaan?”, my answer is: I still want to believe na yes, he does. Its just maybe (Yes, maybe. This is all conjecture on my part now.) na sa kanyang pagtimbang ng mga bagay-bagay, the report would be so damaging and confirmatory sa mga haka-haka ng taumbayan that it could trigger a very tumultous event… at ayaw niyang maging trigger noon. Maybe is is not made of such sturdier stuff.

    Anyway, my gut-feel is, may kopya pa siya nung report na yun. Hindi bobo yan. Siyempre, kailangan pa rin niya ng alas na panapat, kahit pa retired na siya. Alam niya ang takbo ng Dirty Tricks Department ng mafiang ito. So, marami pa ring possibilities na pwedeng mangyari.

  65. Myrna, Maurice,
    Tsismoso din ako, heheh. Pero ang umuugong na balita sa Roxas Blvd., sa dating white elephant na PNB bldg. na ngayon ay Senado na, isusunod nang ilalabas yung sex video ng rumored ex-lover ni RBR Jr na si RMQ na nauna pang natsismis na may sex video kasama si Hayden. Pag online na ay ibubulong ko sa inyo.

    Hindi ko rin dati nakonek kung bakit nanggigigil si Bong ng ganun. Wala kasi yung ruler kong madalas nakawin ni Cocoy.

  66. ron ron

    grizzy,
    Of course she is happy with Sammy’s death,ang kapal nya if magcondolence pa sya!!iisipin nya nawalan sya ng tinik sa lalamunan kahit papano..baka magpapary pa yun sa malakanyang!

    Ms.Ellen, hirap mag access ng site mo today.. ; (

  67. norpil norpil

    bakit ba ang mga dapat na matodas ang hindi matodas todas.

  68. chi chi

    Si Mayuga, “tikom ang bibig”. E di supot (coward)!

  69. So, the secret of Gloria is safe now?

    Btw, Ellen, did they serve the warrant of arrest? Or natakot sila baka magmulto si Ong?

  70. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Enciong,

    Naaawa ka kay Mayuga? Eh, milyones ang kapalit ng kanyang pananahimik? Tolongges na parepareho silang mga heneral na nangungunyapit sa salawal ni gloria, walang mahalaga sa kanila kundi KUWARTA, SALAPI at PERA!

    Tsk. tsk. tsk. tsk.

  71. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Balita ko, pinosasan ‘ata ‘yung bangkay ni Sammy Ong at kakasuhan ng panibago dahil resisting arrest daw bukod pa sa threat to the arresting officer.

  72. Liwayway,

    Napatawa naman ako sa balita mo.

    Btw, di ba may sakit din si Mayuga? Everyone who got anywhere near the Hello Garci case seems to be on the road to eternity — north and south nga lang ang choice (don’t who goes to which direction nga lang).

    Imagine, if Mayuga dies of leprosy (is it leprosy), then Gloria is all the more safe in her enchanted chair.

  73. OOOps, “don’t KNOW who goes to which direction nga lang).”

  74. habib habib

    Palace: ‘Hello Garci’ issue should now be buried with Ong’s death

    http://www.tribune.net.ph/nation/20090524nat1.html

    In gloria’s death the Hello Garci issue will haunt her soul (is she still has) unless she answers for all her abuses and excesses while alive.

  75. kabkab kabkab

    Pahuhukay daw ni Gunggungzales ang katawan ni Atty. S. Ong baka daw yong “Mother of all Tape” ay nadala niya. Takot daw si Glorya baka kung anong gawin niya sa tape.

  76. bitchevil bitchevil

    According to Sgt. Doble, he gave the tape to a certain Colonel who he expected to reveal but had no balls.

  77. bitchevil bitchevil

    BAGHDAD – Iraq’s prime minister has accepted the resignation of the country’s trade minister, who agreed to step down following allegations of widespread corruption in his department, the government said Monday.

    ….Just imagine, even Iraq’s official has the decency to resign. Never in the Philippines.

  78. “even Iraq’s official has the decency to resign.”

    What do you mean by “even”? Nothing wrong with Iraqis. Most of them are better than Bush the American.

  79. What I meant by “even” was the Iraqi government was installed as the puppet regime by the US and despite her political instability, officials have the decency to resign. And the word “even” was used to emphasize one thing about this Arroyo government. I can’t explain better than that. If your question is about perception, then nothing much I could do.

  80. Explanation accepted!

  81. Thanks AdeBrux. Yes, most of the people are not like Bush…but dandaw doesn’t agree.

  82. parasabayan parasabayan

    Those involved in the “Hello Garci” are dying one by one. Bakit hindi pa yung “subject” of the tape. Mala-demonyo kasi.

    To Atty Ong, you are now resting in peace. But the real “villain” eh namamayagpag pa sa kapangyarihan. Paki-multo mo nga, please.

  83. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    parasabayan,

    Pambihira ka din naman, oo!

    Sabi mo nga, resting in peace na ‘yung kaluluwa ng yumao, tapos ngayon eh gusto mong multuhin pa ‘yung reyna ng mga demonyo sa bahay na bato sa may tabing bulok na ilog. Gusto mo pa ‘atang makipagrambulan ‘yun sa kaluluwang itim ni gloria, eh napapaligiran pa ‘yun ng masasamang espiritu at maging si Kamatayan ay hindi makalapit kahit gusto na siyang kunin bukod pa sa ayaw pumayag si Lucifer dahil magkakaroon siya ng kaagaw sa kanyang trono sa impiyerno.

  84. parasabayan parasabayan

    Wiah ko lang naman Starch. Mukhang tayong mga tao eh walang magawa. Baka sakaling yung espirito eh meron.

  85. AdB: Imagine, if Mayuga dies of leprosy (is it leprosy), then Gloria is all the more safe in her enchanted chair.

    *****
    Nobody dies of Leprosy, Anna. It is not the same as cancer though it is a terribly debilitating disease. People who die with the disease in fact die more from complications as in the case of those who have contracted AIDS.

    Whadyaknow, baka magmulto nga si Sammy Ong! I bet you, lalong di nakakatulog si Gloria Tapalani kaya doble ang bantay niya ngayon! 😛

  86. BALUGANGGALA BALUGANGGALA

    Kasuki, hindi tatalaban ng kulam si gloria, protektado yan ni Luceifer at satanas! Ayaw ng dalawa na yan na madedo si mandaraya dahil pagnadedo yan tiyak sa impyerno ang tuloy nyan. They wouldn’t like a tricky bicth like her to be around, baka mawala sila sa puesto, remember she got lots of cash to dispense with. Si Lord naman ang nais niya siguro ay pagbayaran ni gloria ang mga pandaraya, kasinungalingan at mga anu-ano pang kabuktunan nagawa nya sa bayan habang siya ay humihinga at may pakiramdam. Kailangan maramdaman nya ang sakit ng parusa ng taong bayan, habang hinahabol sya ng hininga !!!!!!
    Hindi kaya lalong kumapit sa puesto si gloria pagnabatid nya how the people hated her. Kasi sa ngayon lahat ng naririnig ni gloria sa mga nakapaligid sa kanya ay puro papuri, as in wala sa realedad, tulad ng – Galing nyo ma’m, bilib na bilib sila sa yo ma’m, ang talino nyo talaga ma’m, bravo ma’m. Ayan nabubo tuloy ang kanilang ma’m. Puro lapse in judgement.
    If my idol, the late Lino is still alive, I could have ask him to do a movie titled “Takbo, Gloria, tago Gloria, tago.”
    Saan nga kaya magtatago si gloria?

  87. Yuko, ganoon ba? Hehe!

  88. Sammy Ong’s remain is at Funeraria Paz.

  89. It’s De Castro-Teodoro for the Administration Ticket. Whether you agree or not, the best team to match them is Erap-Escudero.

  90. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Amen.

  91. “Hello-Garci issue should now be buried with Ong’s death”

    Dapat ang kasamang ilibing ng buhay, si Garci at yung kausap niya!

    ***************

    “Balita ko pinosasan yung bangkay ni Sammy Ong…” – starch

    Yung ulyanin na abnormal sa DOJ, nag-issue pa yata ng Hold Departure Order. Baka raw pumunta sa langit si Sammy at magsumbong!

  92. bitchevil bitchevil

    Guess who cried the loudest on Sammy’s death? Sam Milby.

  93. bitchevil bitchevil

    Anyway, sorry I should not joke on our hero’s death. Recently, another Regional Director who testified against Joc Joc also died. Why are witnesses dying while not one of the Malacanang crooks die? Garcillano is enjoying his life in the South and Abalos plays golf everyday at Wac Wac.

  94. Balunganggala, pangit talaga basahin ang daming capitalized words sa iyong comments. parang nagsisigaw.

    As I have said time and again, readers in this blog are intelligent. They can read and understand your message without writing them in capital letters.

    Palitan ko ngayon. Huwag mo nang ulitin please, ha. Napapagod ako sa kaka-ayos.

  95. Ellen, that’s why his or her name is Balunganggala. As I earlier mentioned, more and more new members are joining this blog. I hope we should make it a policy or request new bloggers to introduce themselves briefly.

  96. chi chi

    Hayaan natin na si Ellen ang gumawa ng guidelines/policy dito, kanya ang blog na ito at tayo ay mga guests/commenters/supporters lang…hindi tayo kasama na may-ari nito.

    Sori, Ellen…I have to clarify. Akala yata nung iba ay kasosyo mo sila.

  97. chi chi

    OK, bitchevil umuna ka na magpakilala…..

  98. habib habib

    Pambihira!

    Ano ba ito? Imposition of policy not even thought by the owner?

    Aba’y kung ganitong palagi na suspect kaming mga bagong pangalan dito, eh SOLOHIN mo lamang bitchevil/artsee katulad nang ginagawa mo noon guna dito bago ka nagpalit ng handle at ‘yung ginagawa mo sa kabilang site kung saan palagi mong ipinagtatalampakang ikaw ay kasosyo at financer.

    You are alway putting words into Ellen’s mouth. Talo mo pa ang diktador.

    Marami silang matatalino dito, hindi ka makasabay sa kanila at ang mga poste mo ay kalimitang wala sa tema. Nagnanakaw ka pa ng kinatha ng iba mapalabas lamang na katulad nila.

    Apo ni Ungasis, huwag kang umastang maton, nagpapalitan lamang tayo ng mga komento dito. Matitino at may kabuluhang komento.

    Puwedeng magpatawa basta’t nakakatawa.

  99. Liwayway-Gawgaw Liwayway-Gawgaw

    Bago ako magpaalam, magpapakilala muna ako, gaya nang gusto ni bitchdevil.

    Ako ay isa sa mga advisers ni Gloria Labandera. Kasama ko rin sina Mr. Clean, Mr. Tide, Bb. Breeze at G. Clorox.

    Ang inyong abang lingkod, Liwayway-Gawgaw, para sa makinis na plantsadong kasuotan.

    Siguro naman, masisiyahan ka na Mr. Bitchdevil, hmmmm?

    O, ikaw naman! Pakilala ka na rin.

  100. BE, bakit mo pinu-problema ang mga new visitors? What’s your problem with new visitors?

    I welcome new visitors.

  101. heartfelt condolence…

  102. Takot lang ni Gunggonzales na posasan iyong bangkay ni Sammy Ong. Baka for the first time makakita siya ng kalansay na naglalakad. Harinawa sana!

    I bet you may naririnig na si Gloria Burikak na yabag sa palasyong katabi ng mabahong ilog. Balita ko, pinaputol pa iyong matandang punong balete doon.

    For Sammy Ong, may he rest in peace! Hindi naman siguro masasayang ang mga sakripisyo niya para sa bansa niya.

  103. My gosh, such a reaction to my suggestion. What’s wrong with suggesting that new bloggers introduce themselves? It doesn’t have to be detail. We’re not questioning their joining the group. Since there are lots of new and unknown bloggers lately, curiosity drives me to know who these people are. Why all of a sudden so many? What’s wrong? Since when does a suggestion become a violation of this blog?

  104. BE, I don’t require first timers to introduce themselves.

    Tapos na tayo sa issue na yan. First timers don’t have to introduce themselves. What is important is the substance of the comments.

  105. bitchevil bitchevil

    Got Ya !

  106. bitchevil bitchevil

    I heard that for representing Dra. Belo in the controversial Hayden-Katrina case, UNO Spokesman Atty. Adel Tamano has either resigned or fired from the party. Tamano has reportedly joined another party.

  107. norpil norpil

    Bro Samuel Ong, a true mason. from 2 lodges, Salug valley lodge in zamboanga del sur ang kagitingan lodge in makati.

  108. Unknown to many, a lot of those witnesses who are upright and with integrity belong to Freemasonry. Maj. Marcelino, Col. Querubin, SC Chief Justice Puno are some of the names. May the GAOTU bless them all.

  109. Buhawi Buhawi

    Also unknown to many, Hermogenes Ebdane is also a Mason…but he is NOT upright.

  110. Ebdane is downright.

  111. Gabriela Gabriela

    Sammy Ong, malaki ang utang na loob ng sambayanang Pilipino sa ‘yo.

Comments are closed.