Nagsampa noong Martes ng petition para sa Writ of Amparo para kay Navy Lt. Nancy Gadian ang kanyang kapatid na si Nedina Diamante. Tinutulungan siya ng Law Center Philippines nina Atty. Harry Roque.
Sabi ni Atty. Roque, kinaka-ilangan ito dahil sinabi ni Nedina nag text sa kanya si Nancy noong Sabado at sinabing may nagsabi raw sa kanya na may ”shoot-to-kill” order para sa kanya. Pinabula-anan ito ng spokesman ng AFP na si Lt. Col. Romeo Brawner Jr.
Sinabi ni Navy spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo na binibigyan nila ng assurance si Gadian na ligtas siya at gagalangin ang kanyang karapatang pantao.
Kapag nabigyan ng Supreme Court, ang writ of amparo ay magbibigay ng kaagarang lunas o proteksyon sa humihingi nito. Sabi ni Roque, sa ngayon, hindi niya masasabi kung tama o mali si Gadian sa isyu ng kurakutan ng pondo sa Balikatan, ang military exercise ng Pilipinas at Amerika.
Ang mahalaga, sabi ni Roque, ay masigurado na ligtas si Gadian at siya ay payagang makapagpahayag ng katotohanan dahil ang isyu ng Balikatan dawit ang buong sambayanan.
* * *
Ang pamilya at mga kaibigan ni Caloy Conde, isang journalist, ang nababala na kasama siya sa Order of Battle ng military.
Ang Order of Battle ay listahan ng mga target na kailangan nilang lipulin.
Sinabi ng The National Union of Journalists of the Philippines na nakakuha sila ng PowerPoint presentation na ang pamagat ay “JCICC Agila, 3trd Qtr 2007 OB Validation Report,” na naka-classify na “Secret”. Mukhang gawa daw ito ng 10th ID na naka-base sa Southern Mindanao.
Luma itong listahan kasi 2007. Hindi natin alam kung may bago at kung nandoon pa rin ang pangalan ni Caloy ngunit ang isyu dito ay bakit nandun ang pangalan ni Caloy?
Kilala ko si Caloy dahil maliit lang naman ang industriya ng journalists dito sa Pilipinas. Sumusulat siya ngayon sa international na pahayagan katulad ng New York Times at International Herald Tribune. Meron din siyang Online publication- Pinoy Press. Sumusulat din siya sa mga lokal na pahayagan.
Si Caloy ay dating coordinator ng NUJP sa Davao at Southern Mindanao. Ang NUJP ay organisasyon ng mga journalists para mabigyan ng proteksyun ang miyembro ng propesyun at ang kalayaan sa pagsusulat.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng NUJP na malaking katangahan ang Order of Battle at hiningi kay Defense Secretary Gilbert Teodoro na tanggalinsa serbisyo ang lahat na may kinalaman sa paggawa ng
iresponsableng Order of Battle.
Hindi ko alam kung sino pa ang nasa listahan ngunit sinabi ni Caloy at ng NUJP na ang isa doon, si Celso Pojas, ay pinatay na. At ang iba rin doon ay nakaranas ng pahirap.
Walang kabutihang magagawa ang mali-maling impormasyon hindi lamang kay Caloy at sa mga journlists kungdi na rin sa military at sa mamamayang Pilipino.
Saludo talaga ako kay Atty Harry Roque ng UP College of Law. Maliban sa pagbubunyag ng mga katiwalian sa gobyerno at sa personal na pag-asikaso tungkol sa ating territorial boundaries, inaalalayan pa niya ang mga katulad ni Lt Gadian.
Tungkol kay G. Conde na isang mamamahayag, tulad sa nauna ko nang payo, humingi siya ng tulong sa National Press Club o kung ano mang media organization siya kasapi para kumatawan para sa kanya kay Hen. Victor Ibrado na pinuno ng militar at harapin ang mga bintang para ipatunay na hindi siya sangkot sa mga NPA. Dapat ipahayag kung saan galing ang bintang laban sa kanya at kung ano ang prueba o batayan.
Dapat marami tayong abugado tulad nila Atty. Roque and Judge Loredo na me malasakit at paninindigan,yung hindi nagpapadala sa sulsol ng malakanayang at sana mai grant kay Navy Lt Gadian ang Writ of Amparo, para sa ikakatahimik nya at ng kanyang pamilya..Pader kasi ang binangga nya at siguradong hahanap ng butas ang mga yan para sirain sya at baliktarin.
Kay Mr. Conde,hingan mo ng paliwanag AFP kung anong basis nila at napasama ka sa OB.
Ganoon? Ang saklap naman…pag magsasabi ka pala ng KATOTOHANAN at pawang katotohanan lamang e shoot to kill ang parusa.
WAG naman mga SIRs, para sa inyo rin yang kabutihan sapagka’t mayroon tulad ni LTsg Gadian. The more na pagtakpan nýo ang kabulukang yan e lalo lang magagalit sa inyo ang taong-bayan.
Well, deny to death ang spokeman ng Navy na wala daw order na s2k….kung ganoon mga Sirs e relax lang sapagka’t nakamurilat ang eyes ng Kapinuyan at widely open ang mga tainga sa pagsubaybay sa isyung ito.
Off topic but related sa kabulastugan ng ilan natin tiwaling alagad ng batas….kita nýo isang bagitong SPO2 e nangholdap, yaks kabaro pala isang retiradong opisyal ng PNP.
Ipaliwanag….sa hinagap e wala namang aamin sa mga ka Ek-ekan na yan except kung masakote on the spot. Buking na nga e deny to death pa. Guniguni daw yon ng nag-aakusa, at pag binuweltahan ang pobre for sure ERASE siya sa mundong ibabaw o kaya maghihimas ng rehas na bakal.
RON, si Atty. Roque e subuk na yan at talagang maka-bayan…NAWA e magkaroon pa ang Pinas ng tulad niya na di puro PISO at pakinabang ang iniisip sa buhay.
Lalahatin ko na but still may mangilan-ngilang MATINO sa sa hanay ng mga Abugado, but di ako believe sa mga nakakarami sapagka’t mga sinungaling din ang mga iyan. Ang huhusay maglubid ng kasinungalingan…akala nila ko mo mga abugado sila e mga BOBA tayong Kapinuyan.
Hay naku ang daming row four sa kanilang hanay binabasa na yong batas e bobo pala sa logic kaya heto NOT ONCE, BUT TWICE e pasan natin ang VAT at ka ek-ekan ng gobyernong ito.
Wala na sanang magiging LTsg Gadian kung tapat sa tungkulin ang mga SIRs natin…well, kung ito man e pawang kathang-isip e IN naman ang I AM SORRY!
Pasensiya po mga SIRs…tao po lamang na pagka minsan e row four ang takbo ng diwang sikil sa tunay na pagmamahal.
Ang ibig bang sabihin ng “shoot to kill” order ay pag hindi magsusurender si Lt. GAdian ay papatayin siya?
Atty. Roque saludo ako sa iyo for being a staunch advocate for truth and always being there to defend the victims of abuses done by our corrupt government. Sana dadami pa ang mga katulad ninyo ni Cheif Justice Renato Puno and Judge Lorredo. With your presence in the judiciary, babalik at babalik din ang tiwala namin na may pag-asa pang makamit namin ang minimithi nang lahat: Mapatunayan ang mga abuso at corruption ni GMA.
Sen. Trillanes should be vindicated by now. The corruption within the Phil. Navy which he had exposed was validated by another expose’ of LtSg. Gadian.
Boyner, please take note that I changed the case of your comments to lower caps. Please don’t capitalize your comments. Pangit tingnan.
As to going to National Press Club, I don’t think that’s worth the effort.
The National Union of Journalists of the Philippines is taking up the cudgels for Caloy.
Statement of the Center for media Freedom and Responsibility
Targeting Journalists
The inclusion of anyone in the so-called “Order of Battle” of the Armed Forces of the Philippines has not only been threatening. It has also time and again proven fatal for many political activists. The abolition of “OBs” which include the names of legal and unarmed political activists is among the recommendations of UN Special Rapporteur Philip Alston, precisely because inclusion in them has too often led to the assassination of the person listed.
The inclusion of the name of journalist Carlos Conde—a 15-year practitioner who currently writes for the New York Times and the International Herald Tribune and who was formerly secretary general of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)—in the “Order of Battle” of a 2007 Armed Forces document must thus be regarded as threatening.
Given its traditions of secrecy, the Armed Forces of the Philippines has denied authorship of the document, and would naturally refuse to answer questions on whether a 2009 version of it exists. But such denials, as the escalation of extra judicial killings (EJKs) in the last four years has shown, are as sinister as they’re meaningless, since, in a number of cases, the denials have not prevented EJKs. Under these circumstances journalists’ and media groups have no other recourse but to assume the worst– i.e., that Mr. Conde’s life is in danger.
The AFP document accurately lists Mr. Conde as a former officer of the National Union of Journalists of the Philippines, but claims that he is being “targeted” for influence or organizing by the Communist Party of the Philippines, which by itself justifies neither his inclusion in the list nor the threat implied in it. In addition, however, the inclusion of Mr. Conde in that “OB” is troubling in the context of the continuing killing of journalists.
The harassments, threats and other assaults on critical and independent journalists and media organizations already constitute a pattern of government intimidation that has eroded free expression and press freedom in the Philippines.
While the consensus is that the killing of journalists cannot be blamed on government except as a result of its inefficiency and indifference, the case of Mr. Conde suggests that journalists and media groups may have to rethink that assessment. Are journalists being included in so-called “OBs” to justify attacks on their persons as well as on the freedom the Constitution guarantees their profession?
Ellen, naputol yung third paragraph mo.
Oh, thanks for calling my attention to it. It’s about the assurance that she will be safe and her human rights protected.
“…….kita nýo isang bagitong SPO2 e nangholdap,….”
Padir,
PO2, hindi SPO2 dahil ang una ay katatapos lamang sa pagiging rookie samantalang ang huli (SPO2) ay isa nang merong matigas na tahid sa pagkalespu.
‘Yan naman ay binawi ng isang batambatang police inspector na nakipagbarilan sa mga holdaper kahapon sa may Kamuning kung saan dalawa ang napatay at nasugatan ang pangatlo na nagresulta sa kanyang pagkatiklo.
Sa mga ganyang pulis, saludo ako, pati na ang byuti ko, no?
Magiting na mamang pulis, mmmmmmwwwaaaahhhh!
Sa iyo, kawatang tulis, isang round house kick na may kasamang sabunot, sampal, kurot at kalmot!
Order of Battle – Malicious Forgery or Conspiracy to Murder? , a commentary by Alan Davis,director of the Philippine Human Rights Reporting Project and the Special Projects of the Institute for War and Peace Reporting.
“Just as there is a law against sedition, so equally there must surely be some law against inciting or conspiring to murder.
“The Army’s reputation is either being maliciously attacked here and the document is a forgery –or it is genuine but its contents have been misinterpreted – or the claims made by those who have presented it are true.
“Either way, the story needs following up and is a matter of concern for us all –including the entire diplomatic and donor community.
“If the army is being falsely maligned by communist propaganda, let us prove it. Likewise, if it is real, let’s find out once and for all. It is not so hard to do. Sadly, it is much easier than finding a body.”…
Read the full article here:
http://www.rightsreporting.net/index.php?option=com_content&task=view&id=6356&Itemid=130
Liwayway,
Itigil mo nga yang kakahalik mo, naaalibadbaran ako. Amoy hininga ng camel. Hehehe. Pero saludo din ako kay Inspector. Sapul yung tatlo, dalawa ang natigok. Asintado. Dati pag ako ang pumutok, laglag na sa clip yung paper target, hindi pa nasasapul sa gitna. Pero pag mahaba, ibang usapan iyan. Ituro mo kung kaliwa o kanang mata, zero-zero sigurado.
He he heeh!
Mr. TT, oo nga! Zero zero dahil nakatutok na ‘yung barrel sa target. Kahit madilim at walang night vision ay sapul at durog ang bull’s eye.
Ngyaaaah ha ha haaah!
Para sumaya naman tayo dito. Sobrang tensiyon na’t nagungulot na mga nguso natin sa pagkabuwisit sa sinalibad na mga lintek!
I like Carlos Conde’s news items and regularly read them. It is appalling that he should be on the hit list of the AFP.
Terribly disgusting.