Ano pa ba ang magagawa nating mamamayan sa mga halos 50 na walanghiyang congressman na nasa Las Vegas ngayon para manood ng Pacquiao-Hatton fight sa gitna ng kahirapan ng sambayanang Pilipino?
May isang namatay na sa swine flu sa Nevada.
Sinulat ko sa Facebook ang aking muni-muni, “Masama ba kung hilingin ko na sana magkaroon ng swine flu ang mga congressman na nandun sa Las Vegas para manood ng laban ni Pacquiao?”
Sabi ni Michael Victor Ong, siyempre daw masama ang nag-iisip ng masama para sa kapwa tao ngunit alam niyang gawain yun ng marami. Ngunit hindi raw siya sasali dun.. “We’ve got to pray that the virus doesn’t infect more people to stop the progress toward a pandemic; I know this ill-wish is borne by emotion and deep discontent and even disgust but rationally speaking, No. it’s wrong really to wish such a thing.”
Iba naman opinyon nina Julie Alipala, Ivy Nicanor at Neil Bernardo. Sabi nila, hindi masama dahil ganun din daw ang hiling nila. At pwede ba huwag nang bumalik yung mga kongresista dito sa Pilipinas.
Sabi ni Joel Andes, hindi yun masama dahil kinulong nila si Jun Lozada.
Sabi ni Annie Villasin, kahit raw hindi natin hilingin, nandyan ang batas ng karma na kanilang haharapin.
Matindi ang hiling ni Butch Espere. Gusto raw niya magiging baboy yung mga congressman para kakatayin para sa Macdo hamburgers (ayaw mo para sa Jollibee, Butch?) o “whatever”. Basta lang huwag bumalik sa dati bilang tao dito sa Pilipinas.
Agree si Arthur Piccio na taga Bacolod kung saan ang congressman ay si Monico Puentebella na hindi nawawala sa lahat na laban ni Pacquiao, mayroon daw isang congressman na gusto niyang i-process “into fertilizer.”
Ito naman si Arthur. Gawin mo pang abono. Di lalong kakalat yun ng lagim dahil mapupunta ang virus sa mga tanim katulad ng gulay na kaka-inin natin at ng mga hayop rin.
Agree rin kay Butch si Ramil Rosales Aninon. At gusto niya talagang didikdikin. “ground to pulp.”
May inisip na negosyo si Chaminade Gallares Paguia na inspired ni dating Comelec Chair Benjamin Abalos: “Igiling giling (parang Wowowie naman ito)at gawing “Swine Burjer.”
Sabi ni Merlinda Manalo Montevirgen, “Palagay ko di tatablan yan ng swine flu, ang kakapal ng balat eh.”
Disagree naman si Joel Saracho. Sabi niya ,”Huwag naman sana sila magka-swine flu. 1) matagal na nilang binaboy ang pulitika ng bansa; 2) matagal na silang nahawa sa kababuyan sa palasyo; 3) masyadong madaling parusa ang swine flu at kamatayan para sa mga pambababoy na ganyan.”
Disagree rin si Ferrum Mann. Mali daw ang aking hinihiling dahil kung uuwi sila dito na may dalang swine virus, ikakalat lang nila dito ang lagim.Ganoon din ang sabi ni Anton Dulce.
Sabi ni Judy Che Sabellano, sana sumalpok ang eroplano na sinasakyan nila sa flock ng mga malalaking ibon o kaya makabangga sila ng solid ice sa alapaap (parang Titanic on air! Wow ha.).
Mas matindi ang suhesyon ni Ferrum: “Better, shoot the plane down.”
Ellen:
Just pray for Divine Justice.
Be patient.God’s timing is perfect.
Look what eventually happened to the conjugal dictatorship.
EQ
Huwag naman sana sila tamaan ng swine flu virus at baka hawain pa tayo ng mga yan pag uwi nila dito sa atin. Dapat tamaan nalang sila ng kidlat ng sabay sabay. O kaya, matalo sila sa milyun milyong pustahan sa Vegas at atakihin sa puso ang mga lintek na yan. Huwag lang swine flu, dahil mga swine sila.
huwag naman swine flu, mahihiya ang mga baboy na ikumpara sila kasi buwaya ang ating magagaling at matutuwid na mambabatas???
sana matalo sila ng milyones at pag-uwi nila ay nagkakaisa na ang masang pilipino na patalsikin si gloria o di kaya ay pulpak ang mga masamang plano nila na at sa 2010 election ay walang lumusot sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.
dami nila pati mga local politicos at govt execs nakisakay sa junket trip, charge to other expenses nila.
umpisa na sana ng karma nila.
There’s double posting on this thread. Anyway, those solons allied with Malacanang should not only get Swine Flu but all perish on the plane as they return.
off-topic: pati noodles at feeding program walang pinatawad overpricing (as usual) at iilan lang ang piling supplier.and the supplier owner is closely associated sa isang loyalist ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration..hindi ka na magtataka…sobrang masisiba, walang patawad.
saan na kaya ang bilyong pondo na iniyabang to alleviate kuno the poor? naalala ko yung sagip bicol caravan ni gloria after devastating typhoons 2006-2007 yata yun…200 trucks daw punong puno ng tulong mula sa national govt, at foreign aid pagdating ng bicol wala pa sa 20trucks dumating at siyempre yung tulong ninakawan na pinalitan pa…yung mga imported na dela pinalitan ng local-made sardines.
yan ang kagalingan ng ating pangulo(daw) at local politicos…una yabang sabay panloloko at pandurugas pa.
buti na lang kahit simpleng kawatan ang batang gobernador ay di nagmana sa trapo niyang ama,umuusad na kahit paano ang kabikulan.
trapo talaga ang problema ng bansa natin na pinalala pa ng uri ng politika ng rehimeng ito.
Even seedlings…the culprit is Dato Macapagal. Everything…anything…this Arroyo crooks’s dirty hands are on it.
sana malaman ng taongbayan ang mga pangalan ng ating magigiting at matutuwid na mambabatas??? local politicos???? at govt officials???? na nagpunta sa las vegas para manood lamang ng pacquiao-hatton fight.
manila-las vegas and las vegas-manila (business class) + hotel accomodations (3star & 5star hotels) + shopping money + boxing bets + casino visit x members of the family = US$$$$$$ + taxpayers money (kawawang juan dela cruz)
di masamang maglimayon at gumastos basta sa sariling bulsa galing…sabi nga ng isang staff ni congresman???? ng isang distrito sa metro manila sa kapwa staff, gawan daw ng cash voucher agad sabi ni boss at need this week, isama mo na lang daw sa operation expenses items…after two days lang nagpakuha ng tiket with his family papunta US…sabay bulong sa kasamang staff “akala ko ba di manonood sa laban ni pacman?”…”hindi kasi makatanggi eh, niyaya ni speaker”
US$$$$ na gastos samantalang daming problema ng bansa dahil sa kakulangan sa pananalapi.
umpisa na sana ng karma ninyo
We also need a list of those solons who went to Las Vegas to watch the fight. They caused the cancellation of the impeachment hearing of Gutierrez for lack of quorum.
Sabi ni Michael Victor Ong, masama ang nag-iisip ng masama
sa kapwa tao.
Eh Hindi naman tao yun mga tongressmen na yun.
Google ifiwasthepresidentofthephilippines to find out what to do about swine flu lol.
We’re not thinking bad or evil. We’re wishing they all perish.
That is very discriminating, the dominant factor in our talangka culture. Lets leave them alone to savor the swine flu. Thats their constipational right.
kung ano man mangyari sa kanila dahil sa swine flu…. they all did it to themselves… wala ng iba…
all i do is wish it upon them… it’s not like i have been granted 3 wishes by a genie anyway? 🙂
There was double posting of this article. I’m transferring all the comments in the excess thread here.
1. Diego K. Guerrero – May 3, 2009
Re: May inisip na negosyo si Chaminade Gallares Paguia na inspired ni dating Comelec Chair Benjamin Abalos: “Igiling giling (parang Wowowie naman ito)at gawing “Swine Burjer.”
Parang hindi bagay sa kanila ang Swine Burjer. Dapat Crock Burjer. Siguro sa Batasan Pambansa may oulet ng Crock Burjer.
2. syria – May 3, 2009
Mas masahol pa sa swine flu ang mga congressmen na iyan. Ang sakit na ito ay magagamot, sila hindi.
Sila ay kanser na kalat na sa bansa. Marami ng namatay, nagkasakit, naghihirap, nagdurusa at nagugutom dahil sa sakit nila.
Ang hiling ko lang, huwag na silang iboto.
3. Glorya – May 3, 2009
Ellen, hindi masama, sana nga ipag-pray natin silang 50 Tongressman na sana ay tamaan na sila ng Kidlat. Now na, sure na.
Ipag-pray na din natin na sana matalo si Chavit. Ang Deputy ng Security ni Pesteng Glorya. Parang asong ulol na buntot ng buntot kay Pacquiao. Pati na din si Nognog-rales sana tamaan na din ng Kidlat at sana huwag madamay ang mga anak niya. Pero puwede na din para mabawasan ang soon-to-be Buwaya. Kung hindi nga lang sana masama ang mag-wish na sana isama ng mapeste lahat ng mga pamilya nila … para wala ng mga soon-to-be .. pero wag na lang … bahala na lang sila.
4. SULBATZ – May 3, 2009
Matagal ng may swine flu sa Pilipinas. Di ba binababoy na tayo ng baboy na pamilya sa Malacanang? Hanggang ngayon, di pa makita ang lunas kung papano gagamutin ang mga kababuyan nila.
5. john – May 3, 2009
sana di na makabalik ng pilipinas ang mga tonggressman na yan..bakit kasi di pa namantay nung mga bata pa..pera na naman ng bayan ang inuubos ng mga yan…dyan na lang kayo..wag na kayong bumalik sa pinas…
6. TonGuE-tWisTeD – May 3, 2009
Maiba ako Ellen. Yung Party-List ni Marilou Arroyo, yung Kasangga, at yung asosasyon ng mga journalist, ang NUJP, ay magkapartner?
Paanong nangyari yon samantalang ang scholarship pala ng Kasangga ay para sa mga anak journalists na napatay o malubhang nasugatan ng rehimeng ito? Kasama sa mga scholars ang anak ni Merlene Esperat na napatay sa pagbubulgar ng Fertilizer Scam ni Jocjoc Bolante.
Paanong naging nominee si Marilou Arroyo na kapatid ni FG na nagsampa ng libel sa 43 journalists, kasama ka?
Isa pa, ang major donor nila ay ang Bevel Mabey Study Foundation, isang organisasyon sa UK na pinaghihinalaang conduit ng money laundering ng kumpanyang Mabey and Johnson na siyang gumawa ng overpriced na “bridges to nowhere” na dahilan upang paimbestigahan ang pamilyang Mabey ng Reyna mismo ng UK ng panunuhol sa mga gobyerno, kasama na ang Pilipinas at Iraq.
Anong klase ng liderato meron ang NUJP, hindi marunong kumilatis ng mga patron/donors kahit na galing sa mga pumapatay sa kanila o yung nagsusuhol sa mga pumapatay sa kanila, tinatanggap?
Tapos sasabihin ni Marilou representante siya ng mga magbabalut?
Nahihilo ako. Sintomas ba ito ng swine flu?
7. kazuki -May 3, 2009
Wag na nating botohin lahat ng mambers ng lakas at kampi sa 2010 kahit sa lowest position.
8. xman – May 3, 2009
Job 20: 5-7 (New Century Version)
5 The happiness of evil people is brief,
and the joy of the wicked lasts only a moment.
6 Their pride may be as high as the heavens,
and their heads may touch the clouds,
7 but they will be gone forever, like their own dung.
People who knew them will say, ‘Where are they?’
http://www.biblegateway.com/passage/?search=Job%2020:%205-7;&version=78;
9. jocjoc – May 3, 2009
Hindi kaya gawa gawa lamang itong swine flu na ito? Sigurado sa Pinas pagkakwartahan na naman ito ng mga ganid. Opportunity ito na naman para ma divert ang mga issues against the Pidals.
Ang sabi ng Abante on line, inuuto lang daw ng mga tongressista si Nunal tungkol sa chacha, para maibigay na ang mga pork barrel nila. Kaya nga, ang nabubuhay sa pang uuto, mauuto rin, ha ha ha.
10. Elgraciosa – May 3, 2009
Pag nag-wish daw ng masama, opposite ang nangyayari. Kung totoo ito, ipagdasal natin sila na walang masamang mangyari sa 50 na mga walanghiyang Tongressman sa Las Vegas kasama na ang kanilang mga alipores!
Sabi ko,iexpose lahat ng mga anumalya ng mga members ng kampi at lakas para wala nang bumoto sa kanila.
kazuki,
matagal ng naka expose ang mga baho ng mga swine na yan. kaso ang kakapal pa rin ng mga mukha nila, panalo pa rin sila sa eleksyon sa pamamagitan ng 4 G’s (goons, guns, gold & garci).
Grizzy, re sexy add, I think it’s Google ad. so I have to ask someone to teach me how to remove it. Thanks for calling my attention.
Kazuki, although I appreciate bloggers sharing and informing other of information and good articles in other sites, I don’t encourage copying articles or blog entries and pasting it here. Just provide the link.
In another thread, I deleted the lengthy, senseless blog entry you copied from another site and pasted here.
I hope that does not happen again.
Congrat to Pacquio just 2 round land ang Briton ..
Catherine, please refrain from capitalizing your comments. It doesn’t look good. Readers here are intelligent. Even if it’s not capitalized, they understand the message.
Thank you.
congrats to pacman…no doubt he is one of the best boxer, tuwa na naman ang mga tongresmen dami milyones mauuwi sa panalo sa pustahan.
galing din ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…hanep sa timing ng campaign ads ni sec. teodoro at senatoriables buboy syjuco, kuya efren genuino at sec. gary teves…mukhang naungusan na naman ang oposisyon sa timing, ang taas ng audience share ng pagpasok ng tv ads ng mga damuho laki na naman gastos sa pera ni juan dela cruz.
mukhang laging nakatunganga ang oposisyon sa diskarte ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…at si kabayan medyo naungusan na ni teodoro mas paborito ng evil regime.
Nawawala ang sakripisyo
Editorial
Tila hindi ramdam ng mga opisyal ng gobyerno ang paghagupit ng pinansyal na krisis sa buong mundo. Malinaw na pruweba rito ang mahigit limampung mambabatas na lumipad patungong Las Vegas, Nevada, USA.
Hindi pa kabilang sa ating tinukoy ang mga lokal na opisyal at mga miyembro ng gabinete kaya malamang papalo sa isangdaang opisyal ng gobyerno silang lahat.
Kagaya ng palusot ng maraming opisyal ng pamahalaan na sa sariling bulsa raw nila nagmula ang perang gagastusin sa biyahe kaya’t hindi sila dapat tuligsain pero hindi ito kinagat ng publiko.
Sabagay kahit sinong indibidwal na may malasakit sa bayan ay hindi papatulan ang palusot ng mga opisyal ng gobyerno na tumulak pa-Estados Unidos.
Masyado nang gasgas ang linyang iyan.
Kung ganyan lagi ang kanilang palusot, ‘wag na lang silang tumakbong opisyal ng gobyerno dahil hindi naman pala nila kayang ibigay ang buong oras nila sa pagseserbisyo.
Dapat pakatandaan ng mga mambabatas at mga lokal na opisyal na kalakip ng kanilang pagtakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ay sakripisyo.
Kung igigiit ng mga halal na opisyal ng ating lipunan ang kanilang mga baluktot na dahilan, nasa kamay na ng taumbayan ang desisyon.
Ipakita natin ito sa pamamagitan ng hindi na pagboto sa kanila na wala silang karapatang kumatawan sa atin sa gobyerno dahil sa kawalan nila ng kakayahang isakripisyo ang kanilang mga kapritso.
http://www.abante-tonite.com/issue/may0309/opinions_edit.htm
Akmang akma. Tamang tama. Napapanahon.
Subalit, meron pa ba silang HIYA?
Mga kababayan, gising ka na ba? O sobrang himbing pa rin ng iyong pagtulog? O, dili kaya nama’y gising ka paro kunyari’y tulog?
I’d like to think and dispell the notion every solons who went to Las Vegas bet on Pakyaw. There’s got to be at least one or two who thought otherwise that Hatton would be ko’d, let alone the second round. As I promised to one Fil-Canadian blogger, I will take the brunt of carrying Manny’s picture in my wallet until my wallet gets lost or stolen. I’m optimistic it will happen soonest.
Congrats to him. It’s quite impressive. The unity for a day is over, let the kurakotan resume or the normal life of the greedy. Mangurakut ka rin lang, eh kurakotin ninyo na lahat.
Bida na naman si Pakyaw. Masayang masaya ang malakanyang mafia dahil tumabo sila ng panalong limpak limpak na datung mula sa pustahang ang puhunan ay mula sa kabang bayang ang dapat ay ginagastos sa kapakanan ni Juan.
Saan ka ba nakakita ng mga hinalal ng bayang naghihakahos na nga ang mamamayan bunga ng kanilang kawalang kasibaan ay nagagawa pang dumayo sa tate upang saksihan ang laban ni Pakyaw? Katwirang bulok na palusot na galing sa sariling bulsa ang ginagastos. Kung hindi ba sila nagkakamal ng salapi mula sa kanilang pork barrel at mga businessmen-handlers, magtatagal ba sila’t hindi magpapabalikbalik sa kotonggreso? Dito sila yumayaman at mayroon pang blanket of immunity, hahayaan ba nilang mapasakamay ng iba?
‘And’yan pa si ninang, magkakahiwahiwalay ba sila?
“………bunga ng kanilang walang kapantay na kasibaan……”
Alam nating lahat na masama sa dios. ngunit hihilingin ko parin. pagkat alam ko na ika sasaya ng mamamayang pilipino at higit sa lahat ikauunlad ng ating bansa. kaya kahit magkasala ako sa dios hinihiling ko na sana magka swine flu silang lahat..
Bill Dwyre of LA Times:
“Manny Pacquiao can no longer be identified as a boxer. Lethal weapon, maybe. Or destroyer missile. Whatever the definition, he is unquestionably the sport’s top gun…”
“…A measure of how dominant Pacquiao has become is that this victory marked his fourth different weight-class win in the last 14 months…”
“…The only thing that might stop Pacquiao now is his desire to become a prominent government official someday soon in his beloved Philippines. There is even talk of the presidency someday.”
“Were that to happen now, it would make Pacquiao the answer to the trivia question: Which country has a president even more popular than Barack Obama?…“
Marlon, please take note. I edited your comments. Hindi ko ginawang capitalized. Please huwag gawing capital words ang mga comments. Hindi maganda basahin.
Salamat.
Once again, Pakyaw made the great swine-dler millions of pesos richer. And also his ever ass licking kumpadre, Swab-it Swings-on.
sino’ng maniniwalang walang pusta ang swine-dler na ‘yun? Eh, adik sa sugal ang ‘ung’ang na ‘yun?
For all we know, Pakyaw is their bull with golden eggs.
Kahit nanalo si Pakyaw, hindi ako masaya dahil hindi naman ako kasali sa napanalunan niya. At lalong hindi talagang para sa bayan ang panalo niya kundi para sa kasiyahan nina gloriang katulad niya (Pakyaw) ay mas lamang ang panloloko sa taong bayan sa pangingibabaw ng pansariling interes.
Sino ba ang nasa paligid niya palagi? Di ba’t ang kriminal na si Singson? Ang kumpare niyang ismagler ng mga kabayo? Ano ba ang mga ito ng taga palasyo?
Anyway, congratulations na lamang sa kanya dahil napasaya na naman niya ang buong sindikato ng mga sugarol na buwaya!
Bilang isang Pinoy ay karangalan din sana natin ang panalong ‘yan ni Pakyaw kung totoong ang bawat pagpagitna niya sa lonang parisukat ay labang para sa bayan at nababawasan ang utang sa iba’t ibang lending institutions and donor countries, pero hindi eh. Tayong karaniwang mamamayan ang bumabalikat sa pagbabayad habang ang mga kapanalig ni Pakyaw ang nagkakamal at nagpapasasa sa kaban. Utang na loob pa ng mga kababayan natin ang amutan sila ng mumong mula sa kanilang pinagpiyestahan.
Mga hudas silang habang namimintog ang mga bundat na tiyan sa kabusugan ay nagkalat sa bawat sulok ang mga animo’y butiking abong mga kababayan nating luwa ang mga mata sa kagutuman.
Nasaan sina gloria? Nandu’n sa Ehipto at nagpapasarap. Lilipad papuntang Syria pagkatapos. Baka bibisita muna sa pyramid ni Cleopatra. Gumuho sana ang pyramid at malibing ng buhay ang hayup na reynang buwaya kasama ‘yung kanyang mga de trenta sentimetrong HB sa kapal na mga mukhang tsutsuwa!
I really hate dugong aso like Sikatuna and Juan Macapagal aka white worshipers ang dahilan kung bakit tayo nasakop ng mga kastila,now these dugong aso are making sipsip to the foreigners again.
Talo na naman ako.
That’s the good thing about having representatives in Congress. Represented nila tayo sa panonood ng live sa Vegas. LOL
Pero masama na hilingin na magka swine flu sina Congressman. Bad yun.
Sana diarrhea na lang na walang katapusan. Para lagi silang nasa kubeta kung saan sila nababagay.
Thanks, Ellen. Allergic kasi ako sa mga ads on Filipino women as sex objects. Nakakadiri! Hindi ko tuloy mapagmalaki ang lahi ng nanay ko!
Kahit ano pang sabihin ng mga plastik, there’s nothing to be proud about the Filipino putas being pimped by the mama-san at the palace by the murky river then to Japan and now to the USA as consenting rape victims daw!!! Yuck!!!
Just asked the Lord why He has allowed the Pakyaw to win again when he has made a lot many people as addicted gamblers, including my own siblings and other relatives who betted on him in Reno and Las Vegas.
My sister in fact won 5,000 dollars betting on Pakyaw.
Never heard Pakyaw say though that he would give all his wins (20M dollars) to the poor in the Philippines. Para lang daw sa pamilya niya (per his interview on CNN). I doubt if by family, he has included his kabits and anak sa labas!!!
@Grizzy
-Pareho ang iniisip natin actually.
I am really tired of the traitors in our government.
ano ba kayong lahat? unfair sa baboy ang gusto niyong gawin sa mga walanghiyang mga kongresista na iyan. dapat sa kanilang lahat ilibing ng buhay pero kailangan kasama ang nuknukan ng kasamaan na si gloria at jose pidal para maramdaman nila ang paghihirap ng sambayanan
Am I happy because Pacquiao won? I don’t like the sport..he is being used…and wala naman akong napala? hindi naman ako na balatuhan ni sino man…Nanalo ang mga congressmen na sumama..libre ang gastos nila…nanalo ang kanilang ma nga asawa..na kapag shopping sila kasama ang mommy ni Paquiao sa Beverly Hills…lalo at mahigit sa lahat..nanalo si Mike Arroyo nanalo si Singson..nanalo si Atienza..am I proud that I am a Filipino? ang tinuro sa amin years ago “I love the Phil..it is the land of my birth…it is the home of my people..” I am happy to be old and retired and to enjoy and live on what I learned years ago..sour grapes? ok lang isawsaw ko na lang ang grapes sa suka..the left overs of tuba..hindi ko kaya bilhin ang alak na iniinom ng mga mayayaman…ano nga yong iniinom ni Gloria? Quo Vadis Philippines? Paquiao for President? for Senator? for Congressman? for Governor? for Mayor? what is your choice? Abangan na lang natin sa 2010…who will he vote and campaign for President….Mama Gloria!
@rose
we should not let dugong asos just destroy our country.
Susmaryang garapong butas butas ang saya!
Ano ba naman ‘yan? Wala na bang katapusan ang panlalait sa mga Pinay?
Dami din namang putang haponesa, ah?
(UPDATE) RP leaders salute Pacquiao
“………….Remonde, who is also acting executive secretary, added that Mrs. Arroyo “is joining the entire nation in thanking God and in jubilation over this spectacular victory of Manny Pacquiao.”
“May his victory inspire all Filipinos to triumph against all odds,” Remonde said. “May his example of continuing to learn and improve be emulated by our people especially the young,” he added in a text message………….”
http://www.abs-cbnnews.com/nation/05/03/09/
Why pass to others who triumphs in their respective fields the responsibilities of leaders who should set example to emulate the youth?
Sus, ginuu!
@PUGONG_GALA
nagpapanggap lang si dugong aso.
About the question of this post kung ok lang bang humiling ng swine flu for the useless congressmen…
Pwedeng pwede.
Hahahah…
Congratulations to Manny. His victory is indeed sweet because of swift left hook KO to Ricky Hatton (kinabahan pa ako dun dahil talagang nawalan halos ng hangin ni Hatton. Kamuntikan na siyang mag50/50 dun ah)
Pero sana, wag na isipin ni Manny na pumasok sa politika. Naggamitan lang ang mga tao dun. Yang mga politikos na nakadikit sa kanya, asus, parang mga janitor fish na sipsip ng sipsip sa kasikatan ni Pacquiao. Pati din yung ibang wannabes dyan. Tinatake-advantage si Pacquiao porket galante.
Lalo na yang sina Chavit Singson at Lito Atienza, parang kulang na e sila ang magturo ng boxing kay Manny sa kakadikit.
Remember Onyok Velasco? Our sole silver medalist sa Olympics nung 1996? Pagkauwi ng pinas, ayun daming sumalubong, daming dumikit. pero wag ka, nung nagkaroon ng problema si Onyok, isa-isang naglaho ang mga yan pati ang mga pinangako ni FVR noon sa kanya.
Talagang thick ang face ng ilan dyan. kaya dapat wag na silang umepal pa. hmpt.
teka, bakit nga ba laging nilalait ang mga pinay? ano bang perwisyo ang nagawa nila’t parang wala na itong katapusan?
kahit naman saang bansa makarating ay merong mga babaeng ito ang ikinabubuhay. gayundin naman ang kalalakihan. di ba’t meron g mga bansang ang pagbebenta ng laman ay legal?
sana naman ay tigilan na ito. ipokus na lamang ang pansin sa isyu.
kung sa kanila’y nakakasuka ang ginagawa ng ilang hindi naman kusang loob kundi napilitan lang, alin kaya ang mas maige, umalis dito o isara ng maybahay ang pintuan nito?
pasensiya na kung sa alinmang mungkahi ay maipit ka, ms. ellen. subalit, kung iyong mapapansin, marami kang masugid na mga tagasubaybay ang matagal nang hindi nakikilahok sa talakayan bunga ng pagkadismaya sa diskriminasyong ipinapataw para sa mga pinay lamang.
tama si pugong_gala, ‘andaming mga putang haponesa, bakit hindi ‘yun ang tuligsain? di ba’t itong si kasamang grizzy ay japanese citizen?
bakit nga pinay lang ang tinitira?
nakow! napapalayo na naman ang tema.
muli, pasensiya na.
gusgusing-asong-utuuto! hai!
tama ba itong nipponggo ko?
As usual, the Evil Bitch and Malacanang are riding on Pacman’s victory. Expect Pacman to visit the Palace again for some photo ups with the crooks. If I were Pacman, it’s high time to distant himself from Arroyos as 2010 election approaches and if he really wants to run for public office again.
Nakakainis ang mga alipores ni pandak! Habang ininterview si Pacman galing sa locker room, si Tonypwet Albano, ang spokesman na bastos ng Team Unity, pinipilit isingit ang sarili. Medyo nanahimik siya ngayon dahil nagantimpalaan na ng Ninang niya bilang presidente ng RPN 9, at ang laki daw ng masyon sa Alabang ni Tonypwet!
Si Sabit Singson naman parang anino ni Pacman, kahit saan pilit din dinidikit ang sarili.
Napanood ko sa Araneta ang laban ni Donaire, pagpasok ni Erap nagsigawan ang mga tao ng “Erap, Erap!” Si Chavit pag akyat ng ring, na-boo!
Sayang si Pacman napapaligiran ng mga walang hiyang alipores ni GMA!
bwhahahahaha! nakalimutan ko comments ko! hahaha! humor blog na ba to?! hahaha! i’m sure go sila dun sa mga pinoy resto in the city at hopefully, budburan nang isang kabang betsin ang kinakain nila para masarap ang kain nang mga swine hahaha
While the Evil Bitch declares “National Day of Celebration” the day Pacman arrives, many think he should be quarantined so that the Big Pig from Malacanang could see him one on one inside.
After Pacquiao was declared winner of the fight, lots of congressmen and even cabinet members climbed up the ring to join the fun. We don’t blame these idiots for being jubilant but they should have behaved better. And while singer Martin Nivera was singing our national anthem, many Filipinos remained seated, looking around and joking. No respect for our flag and anthem!
The Brit (Hatton) was a disappointment. But they did well in one item of the show – Tom Jones singing their anthem.
Kung hindi lang kabastusan, I was going to request “Green Green Grass of Home”, para sa mga nangungulilang OFW.
What those RP government crooks in Las Vegas missed was the biggest Swine…FG Mike Pidal !
“My sister in fact won 5,000 dollars betting on Pakyaw” – Grizzy. Wow! Really? Your sister must be a highroller or a real gambler with lots of dough. At Pakyaw’s average odds of -250, your sister would have to fork out $12,500 to win $5,000. That’s how prohibitive favorite Pakyaw was.
naiinis ako sa mga swinedler na mga iyan.
nanalo rin ako sa pustahan sa mrs.
it’s proven na naman na if we compete globally,we can win.basta may disiplina,may tapang,tiwala sa sariling kakayahan,we can be more than what we are now.
I really hate that pacquiao won nasusuka ako sa mga gumagamit sa kanya.
Patria Adorada and Kasuki, I deleted some words in your comments. Foul yun ha.
Please keep those things to yourselves.
A BBC commentator said yesterday that Pacquiao just might be the next president of the Philippines.
Pacquiao for President under whose control? As commander in chief he will teach new fighting techniques to the losing command. Mano-a-mano sa mga stubbornly winning side.
Under Chavit Singson’s and Jose Pidal’s control, parbleu ! Who else?
Ang ayaw ko lang sa tuwing may laban si Pacquiao ay lagi akong talo sa pusta.Kahit kay Pacquiao ang pusta ay lagi naman akong talo sa round.Ang ginagawa namin kung papano ang pustahan ay parang lottery.Maglagay ng 12 numbers sa baso at bubunutin $ 20,50 at 100 ang taya.Kung nabunot mo ang number 8 halimbawa at knock-out na ang kalaban ni Pacquiao sa 8 round ikaw ang panalo.
Talo ako kay Hatton,walang gustong pumusta sa kanya,katuwaan lang para may makapusta ako.Talo rin ako sa round kay Pacquiao dahil number 4 ang nabunot ko sa baso.
Ang mahirap nito baka wala na tayong mapanood ng laban ni Pacquiao dahil wala na siyang makakalaban.Si Mayweather na lang ang natitira.Kapag pinataob pa ni Pacquiao ang katribu ni Obama,tapos na ang boksing para kay Pacquiao.
Masustansya talaga ang dahon ng malungay.Dapat si Mayweather ay pakainin ng maraming balut para matigas ang tuhod niya kapag sagupain niya si Pacquiao.Si Darlene Custodio lang ang tumalo kay Pacquiao.
Balita ko syota na raw ni Chavit Singson si Aling Dionisia kaya ganoon na lang kung papano siya ka-close kay Manny.Pagkatapos ng laban ay naghoneymoon raw sina Chavit at Dionisia sa Las Vegas.
Ang sabi naman ni Pareng Joeseg,Ayon sa news report, ang laban ni Pacquiao ay isang araw na walang naitalang krimen o nakawan sa Kamaynilaan.
Pero ayon sa isang text message na natanggap ko:
Walang malaking nakawang naganap sa Pinas dahil ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan ngayon, nasa Las Vegas nanonood ng laban ni Pacquiao vs. Hatton!
I kinda pity Hatton. I think he’s a nice guy but not his big mouth black trainer.
Vice President Noli de Castro was in Las Vegas to watch the Pacquiao fight. He said he is travelling at his own expense. Who paid for it? Is he that rich now to afford at least P500,000 for the trip? Did he get a free hotel suite, too? For sure he will be accompanied by an aide and one or two security men. Did the government pay their trips or did the Vice President also pay for them with this “personal funds?”
congrats kay pacman. nawalan lang ng sustansya panalo nya nung sumali na mga pulitiko natin. kung ako sa kanya di na ko pumayag na sumama sila sa grupo ko. wala naman silang kinalaman sa panalo ni pacman. tagapusta lang sila. tska kung tutuusin di naman niya sila kailngan anuman plano nya pagdating ng eleksyon. mayaman naman na siya tska sikat. bka nga mas madami pa sumuporta sa kung iiwasan nya makita na kasama ng mga magnanakaw. pano mo pagmamalaki na tropa mo sila chavit at atienza?na kasama ka sa dasal ni gloria at bata sya ng asawa ni bansot?tska payo ko lang sa kanya sana wag na sya magendorso ng mga kandidato kung di siya tatakbo.
tska sana ipost dn d2 tska sa mga pahayagan listahan ng mga nagpunta sa tate para manuod ng laban. pra malaman ng mga constituents nla kng nasan ung mga opisyal n binoto nla. mas maganda pa sana kng pati listahan ng mga kasama nila. tska sna kng mrn nakakaalam magkano rate ng hotel nila pra meron tyo idea magkano nasunog ng bawat isa sa kanila.
pahabol lng…wag naman sana sila madale ng swine flu… mukha kasi mabilis pumatay ung virus n un…mas maganda sana kung ibang sakit na lang na matagal na hirap… ung tamang wala ng pag-asa o kaya makina na lng bumubuhay…pra din meron p sila pagkakataon magbalik-loob at magsabi ng totoo…tapos matagal na gamutan para masuka nila lahat ng ninakaw nila…ung maghihirap sila para wla na ipamana sa mga anak nila…peace.
I’m always turned off seeing Chavit Singson and Lito Atienza behind Pacman. Those two idiots must be eliminated by the Mafia mob in Las Vegas…or are do they belong to the group?
Popular singer Martin Nivera is now in trouble for rendering his own version of National Anthem when he sang during the Pacquiao-Hatton fight. He explained it was Pacman who asked him to sing his style. The song began very slow and then became very fast (marching). When it reached the ending, he totally changed the tune. That’s a violation of the law, according to the National History Institute.
well masasabi ko lang, buhay pa sila, sinusunogn a kaluluwa nila sa impyerno. habang nagpapakasarap sila sa las vegas, naghihirap naman mga kapwa natin. insensitive ang mga congressman na yan
marami nagsasabi OA daw nhi. pano naging ok yun eh inaalagaan lang nila ang kultura ng bansa natin. importante kaya ang role ng pambansang awit natin nun nakalaya tayo.
Martin Nivera is a Fil-Am. He grew up in the States. So, it was alright for him to do his own version of the song.
With Pacman’s popularity and wealth, what if he’s kidnapped by the Abu Sayyaf? How would the government deal with it?
Las Vegas is called the Sin City. It’s the gambling place of the world. Many sports are involved in gambling. From basketball to football, the syndicates have a hand on it. Needless to say, many gamble during boxing bouts. They don’t forget to bet on big events as big as the recent Pacquiao-Hatton match. Pacman’s victory was expected by many including Hatton’s fans. What they were betting on was what round Hatton would lose. Many bet on 6th Round. Surprisingly, trainer Fred Roach predicted that Manny would win within three rounds. Was it a prediction or Roach knew something?
mas matindi bumalik ang karma, sigurado yan, sa mga magnanakw sa bayan maaring magkakanser ang asawa o mga anak, di lang basta kanser maaring kanser sa utak, or will experience violent death alin man sa pamilya nila, o kaya masusunugan ng bahay tapos may mamaatay dahil sa sunog, maaring mabulag, mag-ka- AIDS, diabeties na may malalang kumplikasyon. o di kaya mara-rape yung anak, o kaya yung asawa nilang babae eh kakabit sa driver o hardinero nila yung bang maiiputan un pagkakalale nila hahahahahahah, o kaya yung mga anak eh adik sa droga, tiyak yan, makakarma yang mga yan.
From Ernie Maceda’s Mr. Expose:
……….New lifestyle. Vice President Noli de Castro was in Las Vegas to watch the Pacquiao fight. He said he is travelling at his own expense. Who paid for it? Is he that rich now to afford at least P500,000 for the trip? Did he get a free hotel suite, too? For sure he will be accompanied by an aide and one or two security men. Did the government pay their trips or did the Vice President also pay for them with this “personal funds?”
Certainly, the Vice President with his expensive suites has learned to like the life of the rich and famous. Will he be transferring to Dasmariñas Village soon?…………
http://www.tribune.net.ph/20090505/commentary/20090505com4.html
top 5 sumpa para sa mga hinayupak na yan
5. sana tubuan sila ng bird sa noo
4. sana tubuan ng pigsa ang kanilang mga mata
3. sana lamunin na lang sila ng lupa
2. sana idura sila ng lupa bilang tae
1. sana tubuan ng tatlong betlog ang mga pipi nila (kung babae)sana tubuan ng kuko ang mga bayag nila (kung lalaki)
Here’s what Manong Ernie says:
The House of Representatives secretary general’s record shows that the 50 or so congressmen now abroad led by Speaker Prospero Nograles are on official mission.
It means that they are not counted as absent. It also means that while most claim they are using personal funds for the trip, they are still being paid their salaries and allowances. Many of the congressmen who were at Vegas cannot really afford the estimated P400,000 to P500,000 expense for the trip if they went alone. Somebody must be paying. If it is a gift from some financiers, then technically it is a gift that must be reported.
Recall several US senators and congressmen who were disciplined by the US Congress for accepting free trips.
The same question goes for GMA and her Cabinet members who travel with her. How much do they receive from big businessmen who pay for their bills and give them pabaon. If some big businessmen-crony pays for their hotel bills, why is a Palace finance officer reporting expenses in the tens of millions for every foreign trip?
How about Senators Miguel Zubiri and Ramon “Bong” Revilla Jr.? Did they go to Las Vegas also on official mission?
Read from another blog:
Kaya pala zero crime rate sa Pilipinas – lahat ng criminal nasa Vegas.
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090506-203354/Why-reps-in-Vegas-are-not-Pacquiao