Skip to content

Mga api ba talaga ang pinuprotektahan ng partylist?

Sa isyu ng mga taong malapit sa mga Arroyo na nakasama sa bagong sectoral representatives katulod ni Maria Lourdes Arroyo at retired Gen. Jovito Palparan, sabi ni Press Undersecretary Anthony Golez na kahit ano pang ngak-gnak ng mga kritiko, yun ay batas at wala na silang magagawa.

Oo nga naman, ano naman ang magagawa ng mga tao kahit alam nilang binabastos na ang diwa ng batas nitong batas sa partylist.

Noong Martes nadagdagan ng 55 ang 22 na partylist representatives sa Kongreso ng inutusan ng Supreme Court and Commission on Elections na sundin ang bagong formula sa pagsunod ng batas para sa partylist.

Nasa Constitution kasi na 20 porsiyento ng miyembro ng Kongreso ay manggagaling sa party list. Ang ideya ng partylist ay para mabigyan ng representasyon ang mga sektor na “marginalized” o yung mga api na nasa normal na eleksyon ay hindi mananalo.
Sa 22 na nakaupo ngayon sa Kongreso, marami doon ang duda ako kung talagang nagtatrabaho talaga para sa mga naapi. Ngayon sa 55 ngayon na bagong partylist members, nandyan ang kapatid ni Mike Arroyo na si Maria Lourdes Arroyo. Mga maliit daw na negosyante ang kanyang nire-representa katuld ng mga balut vendors.

Ay ewan.

Nandyan din si retired General Jovito Palparan, Jr ng partidong Bantay. Hindi ko alam kung kaninong interes ang binabantayan ni Palparan. Ang alam ko lang ay maraming pamilya ang nagdadalamhati dahil kay Palparan.Isa na dito ang pamilya ni Jonas Burgos, anak ng peryodista na si Joe Burgos, na hindi na nakita mula ng dinampot ng mga suspetsang mga asset ng military.

Ngunit masaya ako na nakapasok ang Kabataan at makaka-upo sa Kongreso si Mon Palatino, na aktibo sa blogging, si Walden Bello ng Akbayan na isang intellectual at nationalist. Nakasama rin si Jonathan de la Cruz, dating columnist ng Malaya.

Kung mapapansin nyo, karamihan sa mga nanalo ay mga grupong ang pangalan ay nagsimula sa letrang A o B o mga letrang nasa una ng alphabet katulad ng Akbyan, Abakada, Anak Pawis, Bayan Muna. Maliban sa malawak ang organisasyon ang karamihan sa mga grupong ito, madali ito makita sa listahan sa balota.

Marami sa ating mga botante ay hindi alam kung ano itong partylist, kaya kapang bumuto, kung ano lang ang nasa unahan, yung ang i-check nila.

Nag-apply ang Magdalo para sa party list. Sana ma-approve sila.

Published inAbanteGovernance

67 Comments

  1. It’s easy for Malacanang to create as many party-list groups as it can using the government resources. A point in case is Palparan’s Bantay group. What “Bantay”? Guarding people’s interest or the Evil Bitch’s. Palparan is an extreme rightist General who wants to neutralize the Left. Without any intention of defending him, we can also criticize the militant party list groups that don’t really protect the whole interest of the masses but just their ideology. It’s only now that leftist groups are able to enter the politics.
    Some of these leaders have already enriched themselves. I’m no fan of the likes of Palparan and I hate this guy; but why stop the anti-communist groups to join the Congress when many militant leftist groups are already there?

  2. Malinaw kasi kung sino ang constituents ng leftists – farmers, fisherfolk, urban poor, youth, regardless kung anong ideolohiya nila . Yun ang mga underprivileged na siyang tunay na purpose ng party-list representation sa Kongreso.

    Pero yung Bantay? Anon’ng constituency nila? Yung retired police/military? Hindi naman underprivileged yung mga iyon dahil lahat sila pensiyonado. Yung FPJPM nadisqualify dahil walang malinaw na constituency daw kahit alam nating mahihirap ang malaking mayorya sa mga fans ni FPJ.

    Dapat ang allocation ng party-list congressmen igaya sa Batasan nung panahon ni Makoy. Meron dapat sapat na bilang para sa youth, farmers, urban poor, seniors, etc. at ibang mahahalagang sektor. At saka paglalabanan ng mga grupo ang allocated na seats na iyan para sa sector lang nila. e.g., 5 ang youth sector reps, lahat ng youth party-list orgs ang maglalaban para sa limang silya na yan.

    Hindi rin ako boto diyan sa women’s groups. Underprivileged ba sila? Kung tutuusin labag yan sa konstitusyon sa larangan ng equality rights. Dapat meron ding men’s party-list. Inaabuso na ang mga uri ng sektor kaya dapat na iyang i-identify ng malinaw. Kundi, darating ang araw merong kanya-kanyang grupo ang mga tindero ng taho, mga labandera, janitor, mga bading sa mga parlor, drayber ng padyak, etc etc etc.

    Dapat identified ang sektor. At limitahan ang bilang.

  3. Suggest ko lang, para mapunta sa itaas ng listahan yung Magdalo, gawin nilang “Ang Partido Magdalo”. Kung sa ilalim ng “M” iyan at halos isang page na yung nakalistang letter “A” nagsisimula, mababaon sila at baka hindi na mapansin ng hindi nakakaalam o nakalimot.

  4. OT: Mukhang totoo ang hinala noon ng mga militante pati na ang ilan sa ellenville na hindi naman talaga nakakulong si Smith sa US Embassy at sumusulpot lang pag may inspection si Marius Corpus. Nung araw ng decision ng CA biglang nawala si Smith at kumpirmado ng DFA na hindi dumaan sa proseso o immigration agents si Smith.

    Kawawang Pilipinas, tao-tauhan lang, tsk tsk tsk.

  5. ..si Maria Lourdes Arroyo. Mga maliit daw na negosyante ang kanyang nire-representa katuld ng mga balut vendors.

    Yuck! Hindi pa ba nagsasawa ang mga pilipino sa mga dorobo? Bakit binoboto pa nila ang mga dugong aso iyan? Sorry, pero talagang di ko maintindihan ang mentality! Unbelievable talaga ang mga katangahan! Kawawa iyong mga walang magawang patalsikin ang mga animal.

  6. chi chi

    Ay ewan talaga si Maria Lourdes Arroyo, puro bugok na balut malamang ang niri-represent.

    Sektor ng mga pandak. Tongue, hala ka, you gave the first pandak another idea how to stay in power forever. E kung hindi umubra ang chacha, magpapalista yan to represent the Kapandakanan and would become the speaker of the lower house of hell, forever Gloria na talaga. Ay Ewan!

  7. chi chi

    Ellen, what is Jonat representing?

  8. chi chi

    Over the puta’s dead body na ma-approve ang Magdalo na sectoral representative. Ayan nga at pinaghuhuli na naman ang mga nasa labas na Magdalo. http://www.tribune.net

    Hindi malilimutan ni Gloria si Trillanes at Magdalo hanggang kamatayan, alagang-alaga e…palaging binabantayan.

  9. nahnah nahnah

    Ano kaya ang maliit na negosyo ni Lourdes? Sino sino kaya ang miyembro niyang maliliit na negosyo at magkano ang maliit sa kanila? Hindi ba bilyones ang tinotongpats ng mga Pidals, so aantukin sila sa milyones lang na negosyo.

  10. Ano’ng drama na naman yang kesyo may Kiwi mercenary at Aussie Special Forces na trainer ang Magdalo. May alingasngas na naman sigurado dahil sa pagretiro ni Yano ng maaga.

  11. Small business ni Lourdes Arroyo? Nagtitingi siya ng mga barko, diamante sa sachet, at nag-uukay-ukay ng mga submarino.

  12. Mike Pidal Arroyo can also put up a party-list group representing the big businessmen.

  13. Oo nga ‘no chi, baka magtayo ng partylist yan. Yung “Ang Korap”. O “Ang Unano”.

  14. Yung party list daw ay para sa underprivileged.

    Hindi sa undergrown.

  15. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Puwede ba tayong magtayo ng sarili natin …. Ellenville Party List. Sigurado ko mas marami pa tayo.

  16. Bagay si Gloria at Mike sa partidong “Ang Kapal”.

  17. syria syria

    Sino ang mga constituents ng party list Bantay na pinamumunuan ni Gen. Palparan?

    Si Bantay ay isang asong mamamahala sa mga lapdogs na namamahala sa paghakot ng pera at lakas ng wala nang iba kundi si GMA at ang kanyang mga alipores.

  18. Ay naku dumami naman,ang mga “AKYAT KABAN ng BAYAN”,ang karamihan ay SPECIAL BELOT ni HUMAN EXPORTER,by the way on the 30th of this month international day of DOGS,why not celebrate with those belots of GLORIA,on thier day of recognitions??

  19. JuanTamad, I already asked that question, but got no answer yet.

  20. Doc O Doc O

    @grizzy

    sa tingin ko ay hindi lang sawa kundi sawang sawa na ang ating mga kababayan sa mga mandarambong, problema lang ay hindi nila kilala ang nasa likod ng mga party-list na yan. Even I had a hard time gathering info or knowing who are the people behind those party lists, paano pa kaya ang mga simpleng tao na wala ng oras para dito, Ignorante pa ang sambayanang Pilipino pagdating sa partylist system, pinipili lang nila kung sino ang una nilang mabasang pangalan sa balota.

  21. luzviminda luzviminda

    Kung matitino ang mga nakaupo sa Commission on Elections ay hindi makakapasa yang mga ‘palusot’ na marginalized party kuno. Dapat salang-sala talaga ang mga nag-aaply na party list para kumandidato. Kung talaga bang ‘marginalized’ sector of society ang nire-represent nila at pati na rin yung mga taong mag-rerepresent sa partido. Boses nga ba sila ng mga maliliit at aping mamamayan. Eh ang masaklap nito eh mga BOBO, INUTIL kundi man TANGA at mga ‘TUTA’ ang mga nagdedesisyon sa pag-approve sa mga kadudadudang mga grupo sa party list.

  22. marlo marlo

    sana ma approve ang MAGDALO. mam ELLEN qng karamihan sa mga nanalo ay mga A-B na nasa una ng alphabet sana gawin nalang (ANG SAMAHANG MAGDALO). isa po aqng OFFICER ng SAMAHANG MAGDALO INTERNATIONAL COORDINATOR.

  23. fenix fenix

    Going over the Party list, there seems to be no representation for a gaggle of these marginalized sectors: those with low IQ (morons, idiots, imbeciles), freaks (perhaps because they are now in Congress, just like the IQ group) fairies and lesbians.

  24. syria syria

    Isa sa mga party list ay Partido Magdalo. Baka mapagkamalan na party list ng Samahang Magdalo soldiers ito.

    Tama kayo, maganda kung magsisimula sa letrang A ang pangalan nila.

  25. Tongue, I don’t really know the circumstances of those Magdalo officers training with the Aussie mercenary. But I suspect it’s for a job abroad securing US and other foreign private contractors in Iraq and Afghanistan like Blackwater. Remember I wrote a few articles about that a few years back? Here’s one article: “Life in a private army in Iraq” (http://www.ellentordesillas.com/?p=343)

    Tongue, did you check your email?

  26. Chi, Jonats(Jonathan de la Cruz) party is ABAKADA. Education daw.

  27. parasabayan parasabayan

    The sudden partylist dilution of tongress is a “suspect” as I said in a prior blog. This may come is handy for the cha-cha. Marami namang pera si pandak to pay them for their votes for the charter change. Wow, maganda ang “entry” ng mga ito. Pera kaagad ang nagaantay sa kanila. Of course they will be paid less for their votes but nonetheless, they will be paid!

  28. parasabayan parasabayan

    I like the “PANDAK” party list!

  29. Damn! Mike Defensor’s perjury case against Jun Lozada was quickly decided and warrant of arrest is soon being issued against Jun. On the other hand, many cases that were more serious filed against Malacanang crooks are not even being investigated yet.

  30. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    BE, di kaya ini-inis lang nila ang sambayanan para mag-aklas at boom …. Martial Law na?
    Wala na talagang pag-asa sa mga hinayupak na Pekeng Gobyerno natin. Pati mga Justices hawak nila. Sana itong mga Tutang Justices na ito ay ilista sa talaan para balang araw tayo naman ang huhusga sa kanila. Hindi lahat ng araw ay kanila.

  31. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Sana naman huwag pabayaan si Jun Lozada. Kahit papano itinaya niya ang buhay at buong pamilya niya lumabas lamang ang katotohanan. Pero ano ang napala niya ….. Tamaan na sana ng kidlat yong Malakanyang at diretso sa bumbunan ni pesteng Glorya ….

  32. jojovelas2005 jojovelas2005

    I’m upset kasi FPJPM disqualified kahit na 301,000+ votes ang nakuha nila…natawa na nga lang ako ng na interview ang sister ni mike arroyo ang sagot lang niya para raw makatulong sa magbabalot ang kanilang layunin…ano naman kaya ang bill na ipapasa sa pagbabalot.

    Magulo at nakakainis dahil ako ay naniniwala na ang FPJPM mas deserving sila sa mga ibang party list kung layunin lang ang paguusapan at ang kanilang representative ay hindi isang politiko. Ang KAKUSA di ba kay Jalosjos yan?

    Para sa akin unfair they should allow the FPJPM and I hope sana ma appeal pa nila ito.

    Sa tingin ko sa 2010 marami ng sasaling party-list…mag-isip ka lang ng puwede mong matulungan at kung yun sister ni Mike Arroyo sa magbabalot siguro puwede rin yun mga nagtitinda ng mani, newspaper, isaw-isaw…basta siguraduhin mo lang ang representatives mo ay isang relative ng politiko sigurado pasok yan sa comelec.

  33. They won’t leave Jun Lozada alone. He’s among the biggest thorns in this evil administration. They failed to kill him but are now resorting to legal maneuver to make it very hard for him. As I mentioned earlier, declaring “failure of election” is very possible to keep the Bitch in power.

  34. chi chi

    Thanks, Ellen. Jonats is one brilliant guy as far as I know him. Nagtataka ako kung bakit education (daw) ang kanyang napili na i-represent. He can serve the working sector better, baka ayaw na niya sa kanyang nakalipas o baka mas madaling ma-approve ang kanyang napiling sektor dahil hindi kontrobersyal. Hmmmnnn…..

  35. Mike Mike

    Hindi ba specified kung ano ang mga marginalized sector sa party list law na ito? Like sa 50 seats na ito, di ba dapat nakalista at very specific na? ie…
    1. urabn poor
    2. fisher folk
    3. students/ education
    etc……
    Then let the groups fight it out which sector they want to represent. Di dapat yung nagiimbento lang ng marginalized sector kuno like sa grupo ni Palparan.

  36. parasabayan parasabayan

    Jojovelas, yung kapatid ni fatso eh tutulong sa “magbabalut”? Baka “magbabalot” ng pera!

  37. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    ang kaduda-dudang sc decision sa partylist ay isang hayagang pambabastos sa ating saligang batas…ang timing ay mali, ang proklamnasyon ay napakabilis at ang karamihan sa mga nominado bilang kinatawan ng partylist ay nakatanggap ng tulong pinansiyal sa malacanang mafia at arroyo corrupt.

    masyadong malaking sugal ang ginagawa ni gloria at alipores manatili lamang sa puwesto, isinasabay ang plano sa paraang legal daw at shortcut sa tulong ng kongreso, local politicos at suporta ng mga ahensiya ng gobyerno…at sa isang banda ay sinasadya ang mga polisiya, desisyon, at aksiyon upang magalit ang sambayanan at humantong sa isang political unrest kuno. bukod pa dito ang mga special ops ni n.gonzales at ronnie puno upang lalong pilayin ang oposisyon at pagkawatak-watak ng sambayanan.
    masusi nilang pinag-aralan ang lahat ng kilos at reaksiyon ng masang pilipino kaya hindi sila natitinag upang subukan muli ang isang malaking panlilinlang upang patuloy na manatili sa puwesto.

    hanggang walang tunay na nagkakaisang pagkilos at pagkakaisa ng masang pilipino ay isusulong nila ang plano na manatili sa kapangyarihan at ipatupad ang pagpapalit ng saligang batas, magkakaroon nga ng eleksiyon pero isisingit pa rin ang tunay na plano…parliamentary form of govt na kung saan ipinangako ni gloria sa mga kapanalig na politicos ang political dynasty at decentralization ng pamamahala…sila sila habangbuhay.

    maraming divertionary issues pero ang hangad ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration ay dagdag na panahon upang maisaayos ang kanilang plano at isa muling malaking panlilinlang sa masang pilipino.

    nagawa na nila at gagawing muli…magbantay, makialam at kumilos na bago mahuli ang lahat.

  38. Why did the Supreme Court release its decision on the additional party-list groups with only one year before the national election? That’s the million dollar question.

  39. syria syria

    be, you now have a very idea on how the SC will handle the cha-cha issue.

  40. Party List representatives in Congress need to be abolished.
    They don’t represent the marginalized sectors.Most of these Party list representatives are millionaires.

    What do BUHAY represnt? these is a charismatic group El Shaddai, headed by Mike Velarde owns and chairs the Amvel Land Development Corporation.

    Pati pa ba pananampalataya nila ay gagastusan ng aking TAX.

    Like ALAGAD Alagad is the wing of the Iglesia ni Cristo (INC), a religious-political group with an influential voting bloc that has been courted by presidential and senatorial aspirants for decades.

    Marginalized ba ang grupong ito? Naglalakihan ang mga simbahan nila dito sa California.

    Kung minsan naisip magtayo kaya kami ni Kumander Pipi ng Party list namin at tiyak makakakalap kami ng maraming member at palista namin sa COMELEC para maging Representatives na rin ako,tiyak marami ang magpapalista.
    SAMAHAN ng POGI. Marginalized sector kami dahil mas maraming pangit kesa POGI

    O Kaya’y iyung suggestion ni Kimuchi na SAMAHAN ng UNDER DE SAYA–tiyak marami kaming makukuhang members na mister ng mga OFW na DH.

    O kaya SAMAHAN NG MGA HERBAL–(albularyo) dahil inaapi sila ng mga mangkukulam.

  41. kabute kabute

    There are always the good and bad side of the partylist system. Now we are seeing how GMA/FG and her dogs are using the partylist system to further their selfish interest. For sure these partylist such as Bantay, KASANGA, and other dubious partylist groups are born out of the dark womb of gloria. Many of these partylist groups really do not have any constituency. Most just create a partylist name using letters A and B as their acronym and register these with the SEC, go to COMELEC and register with the blessing of FG and viola you have a partylist group. There are many legitimate partylist whose acronyms unfortunately starts with letters C to Z and can be located at the second page of the partylist roll. Your chance of being seen by the voters dims as you enter page 2 onwards. That’s right, almost all winning partylist groups start with letter A and B. Take the case of the coconut farmers. They really represent a marginalized group. What with the cocolevy and other issues. The price of copra has dropped so low that the coconut farmers are reeling from the impact of fast falling copra price. Some form of legislation can really benefit the coconut farmers. And they deserve to be represented in congress. Between Bantay with no apparent contituency and the coconut farmers I’d rather have the coconut farmers win.

  42. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    samahan ng mga pogi. he he he heh!

    cocoy, alam ko na ang tinutumbok mo! gusto mong mapabilang ang samahan ninyong orig na parekoys, ha? tama ka. lamang talaga ang mga pangit kesa mga pogi dahil doon sa bahay mo ay tatlo lamang kayo. meron mga sumasabit ng mga pogwaps pero mga miyembro naman ng takusa at tigasin.

    kami naman ay magtatayo din ng samahan para sa partylist na ‘yan. tatawagin namin itong ang SANSUWI dahil ito ang tunay na dehadong bahagi ng ating lipunan. mga lalaki itong kinakawawa ng asawa at biyenan, ng mga hipag at bayaw.

  43. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    naku! kabute? ibig sabihin ‘yung partylist namin ay malamang na hindi mapansin dahil letrang S ang umpisa’t mapapalagay sa ikalawang pahina?

    das anpeyr!

  44. Aba, kung tatakbo rin para sa kongreso iyong atribidang anak ni pandakikak e, baka hindi na Philippine Congress ang labas ng kongreso ng Pilipinas na naging Tongreso na nga. Tawagin na lang nilang Arroyo Tongress pag majority ng ilalagay diyan mga kadugo noong pandak.

    Puede ba, doon sa mga bobotong mga pilipino, huwag na huwag ninyong sayangin ang boto ninyo para doon ngayon daw sa representante ng nagbebenta daw ng bulok na balut at penoy! Please, maawa naman kayo sa bansa at mga kababayan ninyo na kung saan-saan tinataboy para maging katulong, etc., ma-rape, ma-kidnap, ma-pirate, at kung anu-ano pa.

  45. Pati partylist, kinurakot na. Lahat na lang itong si pandakikak talaga sawsaw ang kamay at braso sa kasakiman. Partylist, my ass, iyong anak na babae. Ngeeeeeek! Suka, suka, suka, suka……..

  46. Tanong ni Ellen, “Mga api ba talaga ang pinuprotektahan ng partylist?”

    Sagot: Hindi na kung sinawsawan na naman ni Pandak at ng asawa niyang ganid. Pinuprotektahan nila bulsa nila! Pwe!

  47. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Eto pa ‘yung isang binubuong isang grupo na kung amihahabol pa sa registration ay malaking tulong sa mga kinauukulan. Ito naman ay yung mga hindi under the saya. Tatawagin natin itong BAGSIK. Sa titulo pa laang, kakabahan na ang madlang pipol at tipong maghahasik ng lagim. Ang pakilasa ko, second place ito sa POGI kapag umarangkada na.

    B – agong
    A – lyansa ng mga
    G – inoo na
    S – inasaktan at
    I – naapi ng mga
    K – ababaihan

  48. pugong_gala,
    Tama si Pareng Joeseg,kailangan may “A” ang unahan ng samahan para mapasali sa “Front Page” at mabasa kaagad ng mga botante,kung “U” nga naman ay sa hulihan at hindi na bubuklatin ng mga voters dahil nagmamaadali na silang bumoto para mas mapadali ang kubra nila ng “Pay-off” sa mga kandidato.Gawin na lang namin ni Kumander Pipi ng:ANG POGI.

    A – Ang
    P – Pinagkaisang
    O – Organisasyon ng mga
    G -Ginoong
    I – Inaapi ng mga pangit, etc.

    Kung sasama ka sa Party-list namin Pugong_Gala, lima na tayo,ilang libo na lang ang kailangan natin para mabuo.Mag-recruit ka pa ng mga members.Kahit na hindi gaanong GUAPO basta’huwag lang mukhang baboy at kabayo ay pwedi ng maging members.Pwedi mo na ring recruiten si Tongue at siya ang gagawin nating spokesman.Kailangan din natin si Artsee para may financier tayo.Kaya kayong mga Pogi,application for memberships is now available.Contact Joeseg or Mrivera.
    Hehehehe!

  49. Off Topic:

    Many Americans (Democrats and Republicans) grade Pres. Obama “A” for his 100 days in office.

    What do we grade the Evil Bitch in her nine years of office? F-.

  50. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    numbers game. lahat ng bagong congresman boboto para sa cha-cha.

  51. andres andres

    Sobra na talaga ang garapalan! Hawak na nga nila ang Kongreso, dinagdagan pa ng kapatid ni Fat Guy Arroyo at ang Berdugong si Palparan! Hay Bayan, hanggang kailan ba tayo magpapa-gago kay Gloria Arroyo???

  52. Instead of increasing the number of congressmen, I prefer that they increase the number of senators by shifting to a different system like that of the US. I mean instead of representing the whole nation and be elected by all, why don’t senators represent their regions and be elected by their constituents? One who is not so popular has little chance of winning and getting the votes from the entire country. But if a candidate runs in his territory/region as senator, his chance is bigger and truly represents the people in his district. Having said this, returning to the old political two-party system is a good idea just like the old Nationalista and Liberal parties. But, what happens to the many party-list groups then? They could either join Nacionalista or Liberal parties.

  53. Even in the first place, hindi ako naniniwala sa idea ng partylist na ito. I have a bad hunch from then na itong sistema e aabusin lang ng ilan.

    If the congressmen and the rest of the government really do their jobs, walang marginalized sectors na lalabas – kasi if they are doing their jobs PROPERLY, then everyone under their jurisdiction will benefit from their rendered public service.

    Dun palang sa local government, kung tinutukan nila ang mga concerns ng taong bayan – e di sana, wala yang mga sinasabing marginalized sectors kuno.

    Why not the Philippines adopt a 2-party system just like sa United States – their democrats and republicans – para di magulo ang system pagdating sa congress.

    Halata namang they did this for their cha-cha equation. Ika nga: one plus 28 is equals to cha-cha.

  54. At the outset, I hate this Palparan and he has no place in politics. But to be fair, he has as much right as any other party-list nominees. If militant groups that are perceived to be communists or communist sympathizers were allowed to join the Congress, why not retired military officers even if they’re believed to be anti-communist?

    Just a comment on Jun Lozada’s inevitable arrest on perjury charge. Why him? There are many Malacanang officials charged with perjury but nothing is being done on them.

  55. A bit on Ted Failon’s case: The cops are now charging his household from obstruction of justice to conspiracy. It’s obvious that the cops are not convinced it was a suicide.

  56. Ellen:Chi, Jonats(Jonathan de la Cruz) party is ABAKADA. Education daw.

    Education, diba columnist siya ng Tribune?

  57. Kabute : “Between Bantay with no apparent contituency and the coconut farmers I’d rather have the coconut farmers win.

    Kabute, pasok na ang isang rep ng Cocofed.

  58. Hindi makakatulong sa pagboto sa chacha yang mga bagong partylist reps. Ipinaliwanag na ni saxnviolins na sa madadagdag na 32, kulang sa 3/4 ang maka-administrasyon dahil 9 ang sa oposisyon. Lalo lang nadagdagan ang bubunuin ng mga tuta dahil nadagdagan pa ng 1 point yung dapat bumoto sa kanila.

  59. Valdemar Valdemar

    Our Dominated Husband Partylist never made it for the simple reason we are not marginalized group at all. We could easily dominate the additional proclamation in the lower house.

  60. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    “Noong Martes nadagdagan ng 55 ang 22 na partylist representatives sa Kongreso ng inutusan ng Supreme Court and Commission on Elections na sundin ang bagong formula sa pagsunod ng batas para sa partylist.”

    Akala ko 55 ang dinagdag. 33 lang pala? Sigurado ba na yang 9 na oposisyon ay hindi boboto sa cha-cha? Hindi naman yan makakaupo kung walang blessing sa itaas. Utang na nila yan na maging reps.

  61. Jake,
    55 lahat ng partylist reps. ayon sa computation ng SC na (220/80%) x 20% = 55. Sabi kasi sa Consti, 20% ng total legislative districts ang dapat na bilang ng partylist reps. In simple math, 1/4 ng dami ng distrito ang maximum na numero ng party list. (220/4=55) Dahil may nakaupo nang 22 sa ngayon, 33 na lang ang madadagdag.

    Nalito lang siguro si Ellen sa Math, hehehe.

    Kung bumoto man sila sa cha-cha e mas magaling, mas maagang magkakaalaman.

  62. norpil norpil

    with good intentions sana itong creation ng mga party list pero huwag di nating kalimutan ang kasabihan sa english na the road to hell is often coated with good intention.

  63. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    norpil,

    We will feel better if this party list would be cremated, instead.

  64. norpil norpil

    i donot know how this party lists started but i think that the previous 22 was already more than enough even though some are doing a good job as representatives.

  65. The Observer The Observer

    My suggestion para sa party-list system?

    Dapat may isang kinatawan para sa mga ss:
    1)Farmers and fisherfolks
    2)Transport groups
    3)Students and youth
    4)Labor
    5)Business
    6)Health workers and teachers
    7)OFWs
    8)indigenous people
    9)professionals (engr., CPA)
    10) environmentalists

    Among the ten, dapat yung mga sectors na nabibilang doon e mamili ng isang kinatawan para isang boses lang ang napakikinggan. and the candidates must not be affiliated to any politician or party.

    Kung mararapatin, dapat yung mga so-called representatives of marginalized sectors e busisiin muna qualifications nila. Baka naman kung anu-anong ideology lang pakay nila. And the most important of all, dapat ang pondong ibinibigay sa kanila e talagang napupunta sa mga makabuluhang projects…hindi dun sa mga walang katapusang rally at pansariling interes.

    When it regards to Magdalo..well, di ba mutiny ginawa niyo dun sa Peninsula at Oakwood? No matter how you justify what you did, it is plain wrong and against the law. And if ever got elected, how will you guarantee that the funds you will receive in Congress, by taxpayers money, will not be diverted to coups, destabilization, etc…instead of genuine intentions like giving compensation for wounded/dead soldiers. You can win but at the end of the day…you still are law-breakers.

  66. habib habib

    Ahem!!

    The Observer, are you the mouthpiece of either raul gonzalez or sergio apostol?

    Just asking because your arguments were not different from the two mold brained ass smelling trusted of gloria’s.

  67. Observer is not observing. If Palparan’s Bantay group was allowed by Comelec, why not the Magdalo? Palparan committed lots of human rights violations while the Magdalo only fought for truth and justice.

Comments are closed.