Skip to content

Gusto ni Arroyo proteksyun

Mukhang nararamdaman ng mga adviser ni Arroyo na mahirap nilang ipilit ang Charter Change para manatili si Arroyo sa kapangyarihan, sabi ng isang kakilala namin sa Malacañang.

Kaya ngayon daw, ang kanilang strategy ay hindi para mapalawig pa ang kanyang kapit sa Malacañang kungdi kung paano siya maprutektahan kapag hindi na siya presidente.

Ang gusto lang daw niya ngayon ay magkaroon ng immunity from suits o hindi siya sasampahan ng kaso kapag hindi na siya presidente.

Talaga namang putaktihin siya ng kaso. Sa dami ba naman ng kasalanan niya sa taumbayan. Umpisa sa “Hello Garci” tapes na nagbulagar ng kanyang pandaraya sa eleksyon. Nandyan ang fertilizer scam, ang swine scam, ang NBN/ZTE, ang anomalya sa public works projects at marami pa.

Ngunit para siya mabigyan ng immunity kahit hindi na siya prpesidente, kailangan amyendahan ang Constitution. ‘Yan ang pinagpipilit ngayon ng mga alagad niya sa Kongreso.

Naha-highblood na ang mga kaibigan ko nagbabantay araw-araw sa Kongreso para harangin ang charter change .Sabi nila ang garapal daw ng mga kaalyado ni Arroyo at mukhang ngayong araw ipipilit talaga nila.

Hindi ako magtataka dahil gipit na sila sa panahon. Sa kanilang timetable kasi, dapat maipasa na nila ang kung ano mang resolusyon o batas sa pagmeynda ng Constitution ngayong buwan para may mag-question sa Supreme Court.

Kumpyansa silang papanigan ng Supreme Court sila dahil maka-Arroyo na ang karamihan ng mga miyembro.Dapat raw Hunyo tapos na sa Supreme Court . Madali naman ang pagpalit ng Constitution. Plebiscite sa Septiembre. Kaya magkaroon sa eleksyon sa 2010, nasa ilalim na ng bagong Constitution.

‘Yan ang sinasabi ni House Speaker Prospero Nograles at Rep. Luis Villafuerte na tuloy ang eleksyon. Ang hindi nila sinasabi ay nabago na ang Constitution. Kung hindi man parliamentary system kung saan maaring kumandidato si Arroyo bilang kinatawan ng Pampanga at magiging prime minister, pwede ring presidential system na walang ng limitasyon ang termino ng presidente. Pwede siya habambuhay.

Alam nilang ayaw ito ng taumbayan. Kaya maraming silang modelo. Kung hindi pwede ang isa, mayroon din iba pang options. At yun na nga ang provision na magiging immune siya sa mga kaso habambuhay.

Kung hindi raw talaga makalusot ang cha-cha, ang plano nila ang kausapin ang isang kandidato para presidente na tutulong siya sa pera at makinarya (kasama na siguro ang dayaan) sa kundisyon na hindi siya uusigin.

Hindi ako magtataka kung karamihan sa mga kandidato sa oposisyon ang papayag. Ang alam ko lang na hindi papayag siguro ay si Senador Ping Lacson.

Galing talaga ni Gloria Arroyo, no.

Published inAbanteCha-Cha

57 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ano siya sinusuerte? Ilang buwan na lang ang kanyang nakaw na kapangyarihan. Siguradong sangkatutak na kaso ang isampa. Mahirap mangyari ang GMA puppet president. Kung sino man siya, may sariling interest din. Maliban kung si Fatso Pig Mike ang kandidato at manalo bilang pangulo.

  2. andres andres

    Kaya gusto ni Arroyo ng Proteksyun ay dahil alam niya ang dami at laki ng kasalanan niya sa ating bayan!

    Papayagan pa ba nating makatakas ang mga pamilyang garapal???

  3. Elgraciosa Elgraciosa

    Andres:”Papayagan pa ba nating makatakas ang mga pamilyang garapal???”

    Good question onli da Pinoys can answer! Baka this time MAGIGISING na sila at sipain ng palabas ang pamilya garapal!
    Ibalik sa Pampanga where they rightfully belong! Mga bwisit sila!

  4. Rose Rose

    She is asking too much. OK bigyan siya ng protectionn…magpagawa ng fortress sa gitna ng ocean..in the deepest part of Sulu sea..na gaya ng Sing sing at paligiran ng bantay that should they attempt to escape barilin, panain, tiraturin, bombahin…just put her there without trial so they will have a taste of their own medicine…ipakita sa kanila ang kahirapan na ginawa niya sa kapwa niyang Filipino… a life that no money can buy…kaya natin gawin yon..that is the protection that we can give sa kanila with our love…Unchristian? hindi ah..we will give them our love..

  5. Rose Rose

    huwag siyang eexile sa ibang country…doon siya eexile sa kadagatan..

  6. Yan ba ang pinaglaban ng mga tao nung EDSA Dos? Yan ba ang sinasabing messiah kuno from corruption etc? Yan ba ang sinasabing mas better pa kay Erap?

    Kaya hindi ako naniwala sa Edsa Dos. Obvious naman dun ang paggalaw ng mga elitista at kapanalig ni Arroyo.

    O eto, pagkatapos ng pangako niya nung Edsa Dos, nagdurusa na ang bayan.Tsk.

    Nagmamadaling magpalit ng uri ng gobyerno, bakit hindi na lang iimprove ang current government? Tingnan nyo ang mga lecheng kongresista na yan – ni hindi nila ineexplika sa common juan kung para saan ba talaga ang CHA CHA na yan..

    Obvious na may mga taong hayok sa kapangyarihan at mukhang pera. Grabe.

  7. Rose Rose

    ano ba ang pinakamaiit na island at pinakalayo sa atin?
    An island that is small and so remote na walang nakatira..doon siya itapok..Nogas Ialand in Antique is but 65 hectare sa low tide..na kung high tide naman ay iisang bahay ang maitayo…but don’t send them to Nogas Island..bawal magtapon ng bassura doon..that size of an island…so remote, so isolated…itapok sila doon..huwg sa Pampanga baka ipasundo sila ni Barack..pagdala sa kanila sa isla iwanan at mahala na sila mabuhay sa sariling kayod..kung ma survive nila ito believe na ako sa tibay niya. kahit dalhin niya ang lahat na ninakaw nila with such a life used in luxury they will not live long…walang katulong tingnan natin kung mabubuhay pa siya!

  8. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Mga asong ulol na yong mga Tuta ni Glorya. Sino ang magliligtas sa atin sa mga ULOL na ito?

  9. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Kumakanta na ngayon si Glorya ng “How much is the Doggie in the Congress?”

  10. chi chi

    Gusto ni Gloriang puta ang total protection?! Talk to the hands and pockets of the Tongressmen, ganun kadali!

    Sige na, parang awa na ng mga Tongressmen, ituloy na ninyo ang chacha at nang magkaalaman na kung kikilos o mananatiling pipi, bulag at bingi si Juan at Juana!

  11. chi chi

    Rose,

    Mahirap maghanap ng isla na tutugon sa panlsasa ni Gloria ng total proteksyon from the Pinoys. Saka maaabala pa tayo, the bitch is not worth our effort.

    Friend naman na sila ni Barack, she should ask him to award her the title of Gitmo, tutal ay lilinisin na yun ni Barack at wala ng gamit. Siguradong protektado sya dun kapag ginawa niya iyon na kanilang tirahan kasama ng pamilya at amuyongs.

  12. chi chi

    Sus, dahil sa bwisit kay Gloria e nalimutan ko na sabihin kay Ellen na napakaganda and friendly ang new face ng Ellenville.

    Ellen, super super and iyong blog!

  13. talakitok talakitok

    Matagal na yan issue na immunity. Pag labas pa lang ni erap, yan na ang request ni gloria sa kanya. Very reliable ang nag sabi sa akin. dpat sa mag anak na arroyo ay ikulong sa munti kasama ang mga kosa doon!
    dpat gawin sa kanila ang ginawa k saddam! bitayin!

  14. Thanks, Chi. There are some problems with other bloggers like Schumey and Yvonne Chua and few others who can’t access this blog since I changed design. Ploghost is still looking into it.

    There are still some things to be done here. Like changing the image in the masthead. Dalawa-dalawa naman ang mukha ko. But later na.

  15. myrna myrna

    nakakatulog pa ba si bansot?

    doubt it!!!
    hehehhehe

  16. Expect this scenario weeks or days before the 2010 election: Those accused and involved in scams such as Abalos, Bolante, De los Angeles, Euro Generals, etc. will leave the country. They have or are now preparing for this scenario. Remember that when Marcos was ousted, many of his men also left the country. Considering that Marcos’ ouster was not so much expected, this time the Arroyo administration is certain to be gone by 2010…by hook or by crook. So, her criminal allies have prepared for such scenario.

  17. isagani gatmaitan isagani gatmaitan

    “Sa loob at labas ng bayan kong sawi

    Kaliluha’y siyang nangyayaring hari”

    — sipi sa florante at laura ni balagtas

    kailan pa kaya matatapos ang kalbaryo ng mga pilipino? matanggal man sa tungkulin ang tiwaling arroyo at kanyang mga kampon, ang bulok na sistema at kultura natin ay magluluklok ng panibagong berdugo na magpapatuloy sa dating gawi – pagnanakaw sa kabang bayan at pagdusta sa anumang magaling at mabuti. wala nang kabuluhan ang anumang eleksyon o konstitusyon na maganda lang sa papel. ang kailangan ay himagsikan, himagsikang madugo upang mahugasan ang dumi at kasalanan sa ating lipunan na naipon ng mga nakaraang panahon.

  18. Golberg Golberg

    Wala rin pala siyang tiwala sa mga mason na nagluklok sa kanya sa pwesto.

    Kung sa bagay, hindi nga dapat pagkatiwalaan ang mga ito.

  19. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Ano ang gusto niya “Excuse Me” na lang. Hindi siya kasing pulidong gumawa ng kabuktutan gaya ni Fidel Ramos. Dapat harapin niya kung ano mang demanda kagaya ng pag-harap ni Erap sa mga ibinibintang sa kanya.

  20. JuAnTaMaD JuAnTaMaD

    Ano ang gusto niya “Excuse Me” na lang. Hindi siya kasing pulidong gumawa ng kabuktutan gaya ni Fidel Ramos. Dapat harapin niya kung ano mang demanda kagaya ng pag-harap ni Erap sa mga ibinibintang sa kanya.

  21. florry florry

    Gusto ni Gloria ang protection. By all means ibigay sa kaniya, sa kaniyang pamilya at mga alipores. Tutal hindi naman tatapusin na ang paggawa sa Bataan Nuclear Power Plant, paligiran na lang kaya ng mga rehas na bakal at doon na lang sila ikulong. Sigurado safe na safe sila sa galit ng mga tao.

  22. andres andres

    Ellen,

    Question lang bakit ang Philippine Daily Inquirer at yang grupo ni Yvonne Chua na PCIJ hindi kasing bangis ngayon sa panahon ni Gloria? Eh higit namang maraming kabalastugan ngayon kaysa noong panahon ni Erap pero tila tahimik sila.

    Dati nga naaalala ko to the point na ginagawan nila ng istorya ang pamilya ni Erap ngayon naman ay tahimik sila sa mga pagpapakasasa ng mga Arroyo.

    Bakit kaya? Guilty ba sila sa pagkakaluklok kay Arroyo? O ayaw lang nila tanggapin ang malaking pagkakamali?

  23. habib habib

    gloria wants protection?

    use condom, este revise the constitution as what her bayarang amuyongs sa pangunguna nina datumanong, villabuwitre at nognogales are doing!

    pero dapat maghanda sila kapag naghalo na ang balat sa laman.

    mga istupidong gago ang mga aso ng asawa ng baboy sa palasyo!

  24. parasabayan parasabayan

    Yung pagpasok ng mas maraming party list eh “suspect”. Ano kaya at pinagaralan muna ni pandak at ng kanyang “komolek” at ng kanyang korte suprema kung sino and mga nanalong party list na ipwepwesto nila. Yun pala eh mas marami pala ang maka-pandak. Ito na siguro yung Plan D o Plan E nila. Pasukan ng mas maraming tongressmen ang lower house para mas maraming pumirma sa kanilang Cha-cha. Matagal ng kaso itong party list na ito, bakit ngayon lang lumabas ang desisyon ng korte suprema? Hmmm. Baka in cahoots na lahat sila. Ayaw nilang lahat mawalan sa “power”. Mga ganid!

  25. parasabayan parasabayan

    Kaya nga ako duda diyan kay Enrile. Bakit niya kinundisyon ang mga tao sa karagdagang mga party list. Siguro alam na niya kung ano yung plano ni pandak! This is why tinabangan ako sa ticket ni Erap at nasa top of the senatorial candidates niy si JPE at Miriam. Parehong mga alagad ni pandak! Erap is playing with fire! I am not surprised if in exchange for winning the presidency, he will be a “softie” to the pandak. Grabe ang kamutan nila ng kanilang mga likod.

  26. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    psb,

    erap seems testing the fire (or people’s ire) when he included the two deranged dried heads of the senate.

    naku naman! wala na bang pagbabago sa mundo ng ating pulitika? nakakasawa na mga mukha nila, ah? itong si erap dapat nananahimik na lamang. he MUST put himself at the backseat and let the fresh heads do what he failed to do during his reign.

    wala namang ginawang matino ‘yang sina enrile at miryam, ah? meron ba? para silang mga palaka. talon dito, talon doon. kung saan merong masisila, doon sila. kapag nagsawa lipat sa kabila. meron pa bang hiya ang mga huklubang ‘yan?

    mga henyo daw sa batas?

    hunyango siguro!

  27. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    naghahanap kayo ng isla upang pagdalhan kina gloria?

    du’n sa snake island sa sulu sea. doon sila nababagay kasama ng mas mararangal na ahas na sa sariling pagsisikap nila nabubuhay.

  28. Andres, Yvonne Chua is no longer with PCIJ. Yvone anmd five other friends including I, have formed VERA Files. We do indepth reports on current issues.

  29. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    doon, maaaring matanto nila na naging walang kuwenta silang mga tao sapagkat mas karapatdapat na pangalagaan nag mga ahas sa naturang isla kaysa kanilang mga naturingang nag-aral at nagkukunwaring marangal ay mga walang kahihiyan at hindi marunong magpahalaga sa kapakanan ng iba.

    mas mabuti pa sa kanila ang mga ahas sapagkat kaya lamang nanunuklaw ay kapag sila’y sinaktan samantalang ang mga hudas sa ating pamahalaan ay katulad ng mga limatik na walang kabusugan at tila mg buwayang walang patumanggang sisilain ang sinumang kanilang magustuhan mairaos lamang ang pita ng kasibaan!

  30. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Ma oposisyon o administrasyon, PANGUNAHING layon nila ay PANSARILING pagkilala sa bawat ayudang ibibigay sa ating mga kulang palad na kababayan. Wala na ‘yung lantay na diwa ng paglilingkod sa bayan. Ginagawa nilang circus ang pamahalaan, hanapbuhay ang pulitika at sandalan at kalasag ang kapangyarihan ng poder na hinahawakan.

    Mulang mapalitan ang dating Pangulong Marcos, HINDI NA HALOS nabago ang mga mukha ng ating mga pulitiko. Kung hindi asawa, anak, kapatid o kamag-anak ang pumalit nandiyan ang kaibigan at pagkatapos ng ilang panahon, balik na naman ang nauna’t mga sumunod, nagkakasabaysabay at nagkakasamasama pa nga. Tingnan ninyo sa palasyo, sa kongreso at sa senado.

    Kung kailan ito mababago ay nakasalalay sa matino at nasa katinuang hakbangin at pagpapasya ng botanteng Pilipino. Hindi kapalit ng pangako, hindi kapalit ng bayad, KUNDI kasama ng LANTAY at BUSILAK at WALANG PAG-IIMBOT na layuning paglilingkod sa bayan ng mamumunong may takot sa Diyos, may pagkalinga sa kanyang nasasakupan at may pagpapahalaga sa sariling DANGAL at hindi iniisip na unahin ang pagpapayaman habang nasa katungkulan.

    Mangyayari lamang ito kapag TUNAY na nagkaisa at nagsamasama ang watak watak na GUTOM na mamamayang Pilipino!

    kailan? Itanong natin sa buwan!

  31. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    congrats sa maybahay.

    ‘anlamig sa pakiramdam ng bagong disenyo.

    nakakaluwag sa dibdib.

    sign and color of prosperity.

    mabuhay ka, ellen!

  32. jocjoc jocjoc

    Si Luli pala magiging congresswoman na rin. Bakit hindi rin si Mr Pidal?, o kaya ay lahat na ng kanilang kamaganak. Sobra talaga sa mga kapal.

  33. Jocjo, it’s not Luli. It’s the sister of Mike Arroyo.

  34. Valdemar Valdemar

    There should be no other member of the dynasty at any one time in office. I will vote for that amendment to the constitution.

  35. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    lourdes arroyo (FG younger sister), butcher palparan and most nominated party-list rep are known recipient of financial support from malacanang mafia and arroyo corrupt-poration during campaign period…its part of the grand plan at sa mga kilos at galaw nila ay alam mo na naniniguro lang sila na hindi sila mabibigo sa kanilang mga plano at balakin.

    ang isyu ng dagdag na representasyon sa kongreso ay pinalutang ni enrile para makondisyon ang mamamayan na kailangan dahil sa lumalaking populasyon kuno, at sinabayan naman ng isang house bill sa katauhan ng isa pang alipores na kinatawan ng iloilo na anak ni injustice sec.
    galing ng timing,bigla naman ang sc decision to implement their ruling on 20% membership of party-list sa kongreso.
    pero short-cut na naman ang gagawin ng senado at lower house to revise the lawand accomodate the additional party-list nominees.

    hindi pa nga nag-iinit ang bagong paraan ng charter change na agad isinalang ni nognograles ngayong linggo, heto na na naman ang isang pang isyu na lalong nagpapalito sa masang pilipino.

    ok lang ang party-list kung totoong representasyon ng ibat-ibang sektor pero karamihan sa nominado ng party-list ay nakadikt sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration kaya lalong kaduda-duda.

    habang tuloy-tuloy na ang tv ads ng mga opposition presidentiables, ay handang-handa naman ang solidong grupo ni gloria para sa isang golpe-de-gulat.

    alam nila na kaya nila ang masang pilipino dahil watak-watak sa hanay ng oposisyon, civil society, mga negosyante, simbahan at iba pang grupo sa lipunan
    ilang beses na nilang natantiya at tinatiya ang ingay ng masa, at sa pagkakataong ito ay alam nila na bentahe sa admin ang kasalukuyang situwasyon.

    sa dinami dami ng isyu ay naparamdam ba ng masa ang tunay na galit nila sa administrasyon ni gloria? nakagawa na ba ng solidong hakbang upang pilayin man lang ang pamamahala ni gloria? hindi…mas maagap ang counter moves nila, ang kanilang pre-emptive policies kaya nanatiling nakatunganga lamang ang karamihan sa mga pilipino.

    isa-isa ng lumalabas ang mga plano at balakin nila at sa pagkakataong ito ay masyado ng garapalan dahil alam ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration na puro pag-iingay lamang naman sa bawat isyu ang ginagawa ng masang pilipino…isang malaking trahedya at isang malaking panlilinlang na naman ang isinasagawa ni gloria at alipores.

    sa mga susunod na araw at panahon ang mas garapalan at agresibong pagkilos ni gloria at alipores with full support ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.

    malaki masyado ang kapakinabangan ng mga nakaupo at alipores kaya ilalaban nila si gloria sa huling baraha sapagkat subok na nila si gloria, may isang salita sa kanilang mga kauri.

    mauubos pa ba nila ang daang milyon na kinamkam nila sa bayan? samantalang malaking bahagi ng populasyon ay nakikipaglaban sa buhay araw-araw mairaos lang ang maghapon sa noodles, tuyo at kalahating kilong bigas?

    may katapusan din ang lahat ng kasamaan, pero depende pa rin sa kilos at aksiyon ng masang pilipino, kung patuloy na nagbubulag-bulagan at pikit-matang tinatanggap ang bawat isyu ng pagmamalabis ng kasalukuyang pamunuan..malamang ang nagbabadyang malaking trahedya ay hindi na maiiwasan.

  36. Those twerps in Congress? OMG!

  37. jocjoc – April 23, 2009

    Si Luli pala magiging congresswoman na rin. Bakit hindi rin si Mr Pidal?, o kaya ay lahat na ng kanilang kamaganak. Sobra talaga sa mga kapal.

    ….The Evil Bitch will place all her family members in Congress to protect her when and if she’s gone. Their only chance is in Congress. No way can one Arroyo get a Senate seat.

  38. edfaji edfaji

    The way things are going now, I won’t be surprised if these notoriously-known amoebae of Philippine society like Joc Joc Bolante, Celso delos Angeles, all of the Euro Generals, Rose Bud, Siraulo Gonzales, Alabang Boys, John Resado, Usec Blancaflor, Ben Abalos, Avelino Razon, Hermogenes Esperon, Gen. Atutubo, Mike Defensor, Manuel Gaite, Nassir Pangandaman, head of Abu Sayaf and soon-to-be star witnesses Glen Dumlao and Mancao, will end up members of the Hall of Congress! Onli in da Pilipins!!!

  39. Pinoys shouldn’t vote for them. Instead they should flog and hang those bastards from the highest posts in the halls of Congress.

  40. Since most party-list groups are presumed to be from opposition, I think it might turn out better for us. That would neutralize or minimize the control of the Malacanang allies in Congress. Let’s just cross our fingers.

  41. Magaling talaga si Arroyo at ang kanyang mga tuta, magaling sa palusot, malalaman natin kung may magagawa pa ang rehimen niya sa paghawak sa poder. Sa naging kasaysayan ng mga lider sa buong mundo lahat ng lider ay bumababa, ibinababa at ang worse ibinabagsak. Para masiguro na hindi na makakababalik dapat may gawin ang mamamayan. I put a blog at blogcatalog where anybody can say something with regards to the coming election. I invite anybody its

    http://www.bloggersunite.org/event/2010-philippine-election-new-hope

  42. BE, of the 32 new partylist representatives, only nine are identified with the opposition. One is blogger Mon Palatino (Mongster in Twitter), who is first nominee of Kabataan.

  43. saxnviolins saxnviolins

    BE, of the 32 new partylist representatives, only nine are identified with the opposition. One is blogger Mon Palatino (Mongster in Twitter), who is first nominee of Kabataan.

    Three-fourths of 32 is 24. Subtracting 9 from 32 gives 23. So they are down one vote fromt the 32, in addition to the current minus 22 (175 of 197),

    Foiled again. Bwahahaha.

  44. andres andres

    I hate the Philippine Daily Inquirer talaga! Masyadong halata na protektor sila ni GMA! Halatang napagbigyan ng negosyo ang mga Prieto kung kaya’t ganun na lang pagtatakip sa mga kasalanan ng mga Arroyo!

  45. Humanda ang sambayanan PILIPINO,sapagkat dumami na raman ang mga”Buwayang” katihan,wala na bang ma-isip ang ang pamahalaan ito kundi hagupitin ang sambayanan ng puro pasanin ng paghihirap,dagdag nakaw na naman sa kaunting isusubo ng mamayanan ay ilalaan pa sa mga Buwayang na bagong iuupo ng mga hangal.Di biro ang pondo ilalaan ng pamahalan,70 miliones ang bawat isa,ay mukhang mayaman ang Pinas sa ibang bansa.Ang batang di-pa isinilang ay obligasyon ng mag-bayad ng utang na ninakaw naman ng kasalukuyan administrasyon.Lhat na yatang bansa,inutangan na pamahalaan.

  46. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: 32 new party list representatives

    Are they really representing the marginalized sector? May ilan diyan ay front ng Malacanang Mafia. They become millionaires in three years if they spend their allowances/salary wisely plus 20% from pork barrel and tongpats. Kaya pala maraming gustong maging tongressman.

    Pork Barrel Funds; P70-Million /year
    Basic Pay: P27,000/month
    Minimum Monthly Allowance: P50,000
    Christmas Bonus: P200,000
    End of the session Allowance: P200,000

  47. saxnviolins saxnviolins

    Are they really representing the marginalized sector?

    No they represent the marginalizing sector.

  48. Ellen – April 23, 2009

    BE, of the 32 new partylist representatives, only nine are identified with the opposition. One is blogger Mon Palatino (Mongster in Twitter), who is first nominee of Kabataan.

    ….Thanks Ellen. I think we could also apply at Comelec as a party-list group using Ellenville. We have more than enough members. If you don’t want to be a Congresswoman, maybe we could select one loyal and deserving blogger here.

  49. habib habib

    puro kasuwapangan ang iniisip nitong mga alipores ni gloria at mismong si gloria.

    ano’ng silbi sa gobyerno itong pagdagdag nila ng partylist reps samantalang malapit na ang eleksiyon? sa halip na ‘yung bilyong dagdag badyet na kotong lamang ang labas ay gamitin sa pagbibigay serbisyo sa taong bayan.

    maliwanang na ‘yan ay para lamang sa kapakanang ni gloria na hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga ay pagnanakaw at pagsisinungaling ang mangingibabaw sa kanya.

    patay na nga siya sasabihin pang natutulog lamang siya.

  50. Comm. Melo said the SC made minor errors in the ponencia like FPJPM has been disqualified and another in the SC list is facing disqualification.

    Has FPJPM been disqualified? I may have not noticed it but I know the FPJ fanatics will not allow it.

  51. saxnviolins saxnviolins

    Much ado about nothing – these machinations to maximize their share of party list reps.

    Even if they get all 32, that totals 207 (175 + 32). Adding the 32, the new total is 262, yielding a three-fourths of 220. They would still be short thirteen votes.

  52. andres andres

    Where is PCIJ and Inquirer???

    I don’t read about their “fearless” reporting anymore!

  53. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Hipag ni Gloria lusot na sa Kamara

    Nina Jun Tadios, Bernard Taguinod at Rose Miranda

    http://www.abante-tonite.com/issue/apr2509/news_story2.htm

    o, ayan, ha?

    ‘wag na kayong magsentimyento. lalong ‘wag ninyong kukuwestyunin ang desisyon ng korte sorbena at maka-administrasyong kotongresmen sa house of representathieves sa pagkakalusot ng partylists na magiging karagdagang aso ni gloria arrovo.

    alalahanin ninyo, para sa kapakanan at kabutihan ng taong bayan kaya ayaw nilang ibigay sa iba ang pamamahala sa gobyerno.

  54. Guess where Evil Bitch is going this time? Egypt and Syria. She has become the most traveled fake President. Abusing her last term of office.

  55. gapoboy gapoboy

    We should dissolved this house of representathieves. these corrupt tongressmen are adding misery to our lives. at para mabawasan ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.
    IBOBOTO KO SI MAR AT LACSON!!!

Comments are closed.