Skip to content

Prusisyon ng sakripisyo ng Panginoon

preparing-dolorosa-for-parade dolorosa-ready-for-the-procession finishing-touches-for-the-santo-intiero1

Noong Biyernes Santo, sumama ako sa prusisyon doon sa aming baryo.

Doon sa amin sa Guisijan sa bayan ng Laua-an, probinsiya ng Antique, dalawang relihiyon ang maraming miyembro: ang Iglesia Pilipina Indipendiente o Aglipayan church at Romano Katoliko.

Mas malaki ang Aglipayan, ang simbahan na itinatag ng makabayang si Fr. Gregorio Aglipay dahil gusto niya ang relihiyon na hindi lamang nakabase sa Kristiyanismo kungdi na rin sa kasaysayan ng Pilipinas at kaugalian ng mga Pilipino.

Dalawa ang prusisyon sa amin at tuwang-tuwa naman ang mga tao dahil para na ring entertainment sa kanila ang parada ng mga santo. Para bang pabonggahan ng damit, dekorasyonsa karosa at ilaw.

Dahil sa makitid ang kalsada sa amin, hindi sabay ang prusisyon. Nauna ang sa Katoliko. Nagsimula ng mga 6 p.m. Ng sinundo ng kura paroko at ng mga 12 mga dispulo and Santo Intiero, na nagkataon naman na poon ng aming kapitbahay. Labin-walo lahat-lahat ang santo ng Katoliko at bawat isa ay nagpapakita ng iba’t-ibang antas ng pasakit sa Panignoong Krus kasama na ang mga tao na nanindigan sa kanila.

Natanto ko tuloy ngayon na ignorate pala sa maraming bagay sa relihiyon. Ang daming santo ang hindi ko kilala. Ang alam ko lang at ang Dolorosa, ang nagdadalamhati na imahen ni Birheng Maria. Si Santa Veronica na may hawak-hawak na telang may imahen ng HesuKristo (pinunasan niya ang Panginoong Hesus habang pasan-pasan ang krus paakyat sa kalbaryo. Napansin ko rin si San Pedro dahil may kasamang manok na tumilaok ng pinagkaila niya ang Panginoong Hesus sa mga senturion sa na hardin ng Getsemane.

Mas marami ang nakaparadang santos ng Aglipayan. Dalawangpu’-dalawa ang bilang ko. Merong Santa Magdalena na may hawak na bote ng oil na kanyang ipinanghugas sa paa ni Hesu Kristo. Mron din akong napansin na isang santo na may pasan na hagdanan. Siguro yun ang kumuha sa Panginoong Hesus sa krus.

Ang nauuna sa prusisyon ng Aglipayan ay ang mga batang dala-dala ang tala-tala, ang palakpak na kawayan. Sa pinakahuli naman ay banda.

Nakatuwa kasi kapag Huwebes at Biyernes Santo, ito ang pinaghandaan ng lahat. Ang hindi makasali, nanood sa tabing kalsada at nagsisindi ng kandila sa parehong prusisyon ng Aglipayan at katoliko.

Inabot ang apat na oras ang dalawang prusisyon at mas mabagal ang Aglipayan dahil maraming kapilya sa halos bawat kanto na hinhintuaan ang pari.

Sa tagal at haba ang prusisyun. Kahit papaano, nakakapagpa-alaala ng panitensya ng Panginoong Hesus.

Natuwa naman ako na buhay pa rin at tradisyon na ito sa probinsiya. Nagpasalamat ako na nakasama naman ako.

Photo captions:

1. Our neighbor Georgelin Vista and her daughter Diane help dress up the Mater Dolorosa.

2. The Dolorosa all ready for the prossession.

3. The Santo Intiero, all being taken care of by the family of Georgelin Vista.

Published inReligion

9 Comments

  1. Sorry, I still can’t post pictures.

  2. Valdemar Valdemar

    Di kaya napunta sa Rome ang dapat ibili sa kulang-kulang na mga idolo? Sana the more the merrier to watch. KJ naman mga money laundry watchers. Dito naman sa amin mga sasakyan ng mga barangay na red plates ay pabongahang announce ng announce kung saan dadaan ng prosisyon at paghandaan ng mga kandila. Mga redplate pa nang-uuna sa vanguard ng religious activity. Kala ko separate ang obligasyon para sa official gas, pang-colorete ni mam, at sa church alms boxes.

  3. andres andres

    Paano kaya mag gunita ng semana santa ang mga Arroyo? Sila kaya ay nagdarasal din at nagsisisi sa mga kasalanan, o di kaya ay nagpapahinga at nagrirelax dahil pagod sa isang taon na maraming kausap at mga transaksyon?

    Si Juan Dela Cruz ay matagal ng naghihirap sa ilalim ng mga Arroyo, habang sila ay patuloy na nagpapakasasa. Sana ay kahit sandali maisip nila ito ngayong mahal na araw.

  4. Ay naku Andres, ang Easter message the Gloria, adhere to turth daw. Dapat siguro sabihin niya sa sarili niya yun.

  5. Wow, I can post pictures already!

  6. andres andres

    Ellen,

    Did you hear about the protesters in Bangkok that greeted GMA? I heard she had to be airlifted by chopper! Haha! She can’t hide from the TRUTH!!!

  7. andres andres

    Palagay ko siya talaga ang pakay ng protesters dahil siya ang pinaka corrupt sa mga ASEAN leaders!!!

  8. Yung pamilya ng Mommy ko sa Bicol may life-size na Santo Intierro. “Hinulid” ang tawag sa Bicolano. Natatakot akong pumasok sa kuwarto Niya, nakakulambo Siya at kung magmamano ka ay ipapasok ka sa kulambo. Kaya takot na takot ako nung maliit pa ako. Pikit-mata ako kung magmano.

    Mabuti na lang at ipinagawa na siya ng sariling kapilya ng clan dahil tuwing papasok ako sa kuwartong iyon ay giniginaw akong hindi ko alam kung bakit.

  9. dandaw dandaw

    Ang mga pinsan ko myron din Santo Intiero. Ang tangus nang ilong ng Santo Intiero nila. Seguro dahil si Jesu Christo ay (Jewish decent) Alagang alagang nila ang Santo Intiero. Hindi ako sumasama dahil kami ay Aglipay. Mayroon din kaming Santo Intiero pero hindi kasing tangus ng ilong ng mga pinsan ko. Pag Holly na pagandahan na ng decoracion para e procession ang mga Santo Intiero at ibang pang Santa Marias. Pagandahan din ng decoracion iyong mga Station of the Cross. Pag pahahon na ng procession mag sindihan na nang kandila ang mga bahay na dinada – anan ng procession. Mayron kaming Tio na Mason na hindi naniniwala sa kandila. Baka daw masunog iyong bahay. Tama nga siya, nong du-on ako nagpunta sa Bethlehem napakaraming kandila at may nasunog ng buhok iyong dalawang babae. Siksikan du-on kong Holly Week. Iyong asawa ko tinatawanan ang religion ko. “Ugly Pay” Gayon, hindi na siya makatawa dahil “Presbyterian” na ako.
    Mas maganda nang pakingan.

Comments are closed.