Skip to content

Gloria Arroyo forever

Ang balita, nai-insecure na raw si House Speaker Prospero Nograles dahil mukhang hindi bilib and kanyang mga padrino sa Malacañang sa kanyang liderato sa Kongreso. Hindi raw niya naitutulak ng husto ang charter change.

Kaya kinaka-ilangan pumunta si Mikey Arroyo, anak na kongresista ni Gloria at Mike Arroyo, kay dating House Speaker Jose de Venecia para hingi-in ang kanyang tulong dahil kulang pa raw sila ng mga 20 na boto.

Ang usap-usapan nga si Mike Arroyo mismo ang kuma-usap kay JDV at ang ipinangako raw ay ibalik siya sa pagka-speaker.

Pinabula-anan ito ni JDV. Si Mikey, hindi si Mike ang pumunta sa kanya noong mga huling linggo ng Pebrero bago mag-recess ang Kongreso. Kasama raw ni Mikey si Rep. Martin Romualdez ng Leyte na isa ring nababalita na pwede din daw ipalit kay Nograles.

Sa panayam ng Philippine Star, inamin ni Mikey na nag-usap nga daw sila ni JDV kasama si Romualdez.

Sabi ni Mikey nasalubong daw sila ni De Vencia sa corridor ng Kongreso at niyaya daw sila sa kanyang opisina. Kumustahan lang daw at napag-usapan ang cha-cha dahil tinanong ni JDV.

Sa kwento din mismo ni Mikey sa Star, pinalabas ni Romualdez ang resolution ni Camarines Sur Luis Villafuerte na gagawing Constituent Assembly ang Kongreso ngayon para mag-amyenda ng Constitution.

Galing naman nila. Hindi raw sadya ang miting nila. Kumustahan lang daw pero may dala-dalang kopya ng resolution.

Sabi ni JDV, sinabi raw niya sa dalawa na kailangan, sabihin nila sa taumbayan ang tunay na pakay nila bakit isinusulong ang pag-amyenda ng Constitution. Noong siya ang ang nagtutulak nito, prangka siya na gusto niya ay parliamentary ang sistema ng gobyerno.

Hindi raw umimik ang dalawa. Sinabi ni JDV, walang usapan tungkol sa kanyang pagiging speaker ulit. Hindi rin daw siya na nangako na tutulong iya. Dagdag pa niya, “Kung ang pakay lang nila ay mapalawig sa kapangyarihan si Gloria, lalabanan ko yan.”

Sa resolution ni Villafuerte, kung may 176 raw na kongresista sa kanyang resolution, hindi na raw kailangan ang Senado. Siyempre sabi ng mga senador, labag sa Constitution ang sinasabi ni Villafuerte.

Gipit na sina Arroyo sa panahon. Dapat kasi nakapasa na yan bago nag-recess ang Kongreso at nang ma-umpisahan na nila ang sila-sila lang na Constituent assembly. Alam nilang may magki-question niyan sa Supreme Court. Kaya dapat ngayong buwan, makuha na nila ang suporta ng mataas na hukuman para maidaos ang referendum Hunyo.

Kapag na-amyendahan ang Constitution, ayos na ang Gloria Arroyo forever.

Published inCha-ChaWeb Links

50 Comments

  1. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    chacha…plan a
    pupuede pa rin, kaya mismo si mikey”multi-millionaire”arroyo na ang kumikilos
    senate president cant be trusted

    coup me/ military takeover kuno…plan b
    the next afp chief of staff will play a major role
    the sudden surge of military initiative for an all-out war offensive against npas, renegade milf & mnlf is alarming

    crisis-scenario…plan c
    with the support and back-up of the malacanang mafia and arroyo corrupt-poration, nagawa na nila with the rice crisis and the destabilization/ assasination plot kuno
    malacanang media brigade and propaganda machinery is fully operational

    election 2010…plan d
    i doubt pero baka sakali ituloy din nila,maagang kumilos ang mga magicians ni gloria at umaapaw ang pera nila to sustain yet another massive cheating and electoral fraud

    abangan ang mga susunod na kilos nila….

  2. deanr deanr

    Talagang walang katigil-tigil ang mga kamag anak ni gloria! Pwede ba pag binitay nyo si gloria, paki sama na ang buong pamilya at ng hindi pamarisan!

  3. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    gloria forever? NEVER!

  4. andres andres

    deanr,

    Talagang mukhang Gloria Forever na sa Pinas! Ang lahat ng mag retirong opisyal ng PNP at AFP ay naipwesto na sa iba’t-ibang sangay at departamento ng pamahalaan! Sobrang sugapa sa kapangyarihan, di bale ng hindi mga expert ang nilalagay sa mga pwesto, basta lamang manatili siya sa poder.

    Sila na halos may-ari ng Pilipinas, nabili na nila ang Petron, Transco, at ang pinakahuli ay ang Meralco! Buti na lamang at nanggulo si Manny Pangilinan kundi ay kontrolado na nila ang buong sektor ng enerhiya! Mga swapang!!!

    Bayan, kelan ba tayo kikilos at gigising sa patuloy na pansamantala ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kamag-anak???

  5. Elvira Elvira

    Pumapayag na ba ang buong bayan na si Gloria na forever? Tahimik na tahimik ang buong kapaligiran! Busy sa pagsa-shop ang mga richie ng mga branded bags! No keber na ba?

    Hoy, GISING na kayo!!!

  6. Siguro iniisip na ni Gloria ng seryoso paano niya magagawang speaker ang punyetang junior piggy niyang anak — and in the Philippine politics, anything is possible, I mean anything, i.e., dagdagan, bawasan, balimbingan, pakapalan, baligtaran, so wactch out folks, very soon, Pinas might wake up with a junior pig for a Speaker of the House!

    Wanna bet, the greedy couple, the duwende and the ugly pig, are already beaming ear to ear — they know that in the Enchanted Kingdom, there is a possibility that before Glorias fake term ends, their shit of a son could become Speaker Mikey “baby pig” Arroyo and it will be La Vie en Rose, La Vida Loca or power, ad vitam eternam… P$$$££ina nila!

    Hah!

  7. felemun felemun

    lahat na lang ng nauupo sa puwesto sa gobyerno ayaw na umalis kahit sa baranggay captain at mga konsehales na lang nakikipag patayan para lang makapag lingkod sa bayan
    pag natapos na ang termino kunin asawa, anak, pamangkin pinsan kapatid para lang lumawig ang kahilang termino

    kailan matututo ang mga tao na sa isang lata ng sardinas isang balot ng noodles pede na nila ibigay ang boto nila sa mga kurakot na pulitiko

    kung sa bagay si ramos din eh nangarap na lumawig ang termino nya diba nga may Philippines 2000 sya sa likod ng tiger economy malas lang nya at pinaboran ng masa si erap na pinatalsik naman nila at inupo ang huwad na pamahalaan ngayon lahat sila nag sisisi na pero di sila makapalag dahil hawak ng administrasyon ang mga sikreto nila
    isang pea-amari deal lang bagsak na agad si fvr, si cory naman isang banta lang ng hacienda luisita tatahimik din sila pati ang mga kaparian wala na ipipinid nila ang mga mata nila at yayakapin ang korapsyon ng lipunan

    kailan magagamot ang kanser na panahon pa ni Rizal eh inuuod na ang sistema ng lipunan

  8. deanr deanr

    2002 ng bimisita ako sa PMA sa baguio. Kasi BF ng niece ko ay isang cadet sa PMA. Nag stay ako for a few hours at nakita ko ang maraming cadet doon. Nakatingin ako sa kanilang lahat. Natawa ako kasi para silang mga robot at mga mukhang mababait! One time, may dumaan na mataas na cadet sa harap namin. As tumiggil sya at sumaludo sa cadet na mas mataas. At nag comment ako:) ” Ang babait nyo pala dito sa loob ng PMA compound! pero bakit pag CORONEL na kayo pare-pareho na kayong mag nanakaw”. “Ilan lang sa mga galing dito na mataas ang rank ang hindi magnanakaw”? And then tumawa ang bf na niece ko.

    @andres,

    Ang masakit nito! Ang mga magnanakaw na militar ang matataas ang nuo ng mga hayop! Ang mga hindi corrupt na tulad ni marcelino ay naiimbistigahan pa:) baliktad ang mundo ng pilipinas….

  9. xman xman

    Hindi na talaga bababa si pandak sinabi na mismo yan ni taba noon sa golf buddies nya. Ganoon din si Imelda noon sinabi nya na hindi na sila bababa, totoo nga dahil nag martial law si Macoy.

    Kung ano ang kasaganaan ng puso ay sinasalita ng bibig. Kung ano ang nasa loob ng puso ay lumalabas sa bibig. Yan ang patunay ng biblia (Lucas 6:45).

  10. xman xman

    Dalawa lang ang target talaga ni pandak at bansot: cha cha at martial law.

    Lahat ng nakikita nating mga lumalabas na balita ay ingay lang yan. Kung sakali mang magtagumpay ang pidal mafia sa ingay na galing kay Mancao, halimbawa ay naipakulong nila si Erap at Lacson (dahil kontrol nila ang mga prostitute na justices at military) ay bonus na lang yon sa kanila. Ang talagang puntirya nila ay cha cha at kung walang mangyari sa cha cha ay siguradong martial law.

  11. xman xman

    Ang tanong ay natatakot ba si pandak na mag declare ng martial law?

    Nasa plano na ng pidal mafia ang martial law mula ng ma coup d’etat nila si Erap. Pinag aralan na nila lahat yan. Pinag aralan na nila ang history ng Cuba, Venezuela, at Myannmar. Mga walang suporta ng US yong mga dictador sa mga bansang yon pero kontrolado pa rin ng mga diktador ang bansa nila.

    Ito namang Mindanao ay parang tayong ginagaya sa nangyari sa India, Pakistan, at Bangladesh.

    Pero ang lahat ng ito ay ingay lang. Unti unting pumapasok ang cha cha, below the radar ika nga.

  12. Tedanz Tedanz

    Papauwiin nila nitong si MancaO o DumlaO tapos tetepokin nila ala Ninoy …… tapos isisi nila sa mga kalaban sabay declare ng Martial Law. Kip in mayn … buhay pa ang nag-plano doon sa pagpatay kay Ninoy at pati na din yong ibang General nong panahon ni Marcos.

  13. bitchevil bitchevil

    First of all, to make the record straight, former UK PM Tony Blair’s primary reason for his trip to the Philippines was not to meet the Evil Bitch. He was here for a speaking engagement…to lecture the CEOs. Malacanang was quick to grab this opportunity for a photo up as if Blair’s trip was to see the Evil Bitch.

    Nograles is now being kicked out as House for his refusal to push Cha-Cha. If this is the reason, I salute him. If JDV agrees to return as House Speaker in support of Cha-Cha, then let’s cut his two ears off.

    Malacanang is bragging that fewer Filipinos are now hungry. Of course…many already died of hunger.

  14. @bitchevil,

    (on your 1st par) kaya pala nalilito ako sa news kase eto ang sabi sa inquirer:

    the proposal was never brought up during the luncheon which lasted for almost an hour… Malacañang officials, including Ms Arroyo, were ostensibly careful not to surprise Blair with the proposal, which had been announced over the weekend by Presidential Peace Adviser Avelino Razon.

    kundi ko pa nabasa comment mo, di mabuo sa isip na something was not adding up!!! hahaha!

  15. An adviser of Arroyo was fuming mad yesterday because of the announcement of Razon and Remonde. Referring to Remonde, he said, “Stupid! Stupid!”.

    This was what the DFA sent to Remonde as info that he should tell the media:

    “DFA Euopean Affairs informed that PGMA will receive Blair at 1130am on Monday and then lunch.

    With pgma SFA Romulo and Usec Seguis. Possible agenda would be the offer of british side to impart best practices in peace negotiations,,including visits of grp and mlf panels to northern Ireland as well as update on the mideast process, where blair is the representative of the quartet composed of us Russia eu an un. Blair originally made the offer on best practices when he and pgma met in London in 2007.”

    Nothing, nothing on Blair’s participation in the GRP-MILF talks.

  16. andres andres

    Loaded talaga ang mga Arroyo, kahit na bumaba na siya sa 2010, sobrang dami ng perang nakamkam nila na pwede silang mag coup d’ etat kapag sila ay ginipit ng susunod na administrasyon at sa dami ng mga heneral na kanilang pinayaman.

    Kaya hinawakan ni Mikey “Askal” Arroyo ang Committee on Energy ay sa dahilang ito ang sektor na kanilang balak hawakan para tuloy-tuloy ang ligaya! Ang Petron ay napasok na nila, ang Transco at Meralco, inaayos nila kaya lang nanggulo lang si Manny Pangilinan. Pero kasabay ng pagpasok ng San Miguel sa Meralco ay kasama na ang pagpasok ng pamilya Arroyo dito.

    Sobra na ang kasakiman!!!

  17. chi chi

    Ahh, shitty-shitty EK! Trying so very hard to use Blair. I hope that Tony Blair is not stupid to accept any peace immisary jobs from the putang Little One.

    Hay naku, follow up lang ng best practices in peace negotiations pero pina-ikot na naman ng EK idiots. They are using Blair’s visit to prop up Gloria!

    So, nag-uunahan pa na mag-sepsep kay Blair si Razon at Remonde. DFA is useless because Gloria makes it so!

  18. talaga naman! hahaha! mas lalo ata akong natawa sa quoted par mo Tita Ellen hahaha pag wala ka nga namang credibility, you will have to do every photo op nang me credibility hoping na me ma-transfer sa yo nang konti! like this is going to work!

  19. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    uy, ‘wag kayong ganyan, ha?

    can’t you imagine how our lives will be with gloria around our necks forever? we’ll all lose what we yet to have.

    there is already a $3b loan that obama wants the world bank to release to gloria’s admin which for sure will be added again to their hidden accounts.

    paano pa ito mababayaran samantalang wala namang pagbabago ang kabuhayan ng mga pinoy, bagkus ay lalo pang hilahod sa hirap dahil walang hanapbuhay ang karamihan?

  20. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    teka, babati muna ako bagamat huli na at magpapaalam na tuloy kung puwedeng makipaghuntahan sa inyo ngayong narito na ako sa loob ng inyong bahay.

  21. nga pala: i have no idea who wrote this article on Wikipedia, but I have a feeling na mga promotor to ni You Know Who. If you read the part on the ECONOMY, it says:

    The Philippines is a newly industrialized country…

    http://en.wikipedia.org/wiki/Philippines

    ~*~kablag~*~
    (hinimatay)

    NIC = “Never Improved Country”

  22. Blair must have proposed that as some kind of lip service to the unano.

    Anyway, Blair has absolutely no credibility today in Europe.

    True, he is earning millions as bank consultant of some sort and is making a mint giving speeches but that is all done abroad!

    Blair’s gutter credibility makes him an unwanted person in the UK and in Europe. He wanted to be president of the EU Council but there was a Europe-wide petition against it and his “nomination” was shot down even before his name was officially submitted.

    Matter of fact, common question in the UK, and by extension in Europe, is:

    “Who’s as pure as pure horseshit? Why, Blair of course!”

  23. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Blair is best to be compared to a prophet as no one likes to open a door for him in his own land.

    Not a prophet of good teachings but of doom. And only the likes of goyang and her swine partner can give Blair a company. George Bush, too.

  24. After 2010, mami-miss ko si Pandak. Hindi ko na alam kung paano na ang bloglife ko kung wala na si Pandak!

  25. Tongue, this blog will continue after 2010 when the Bitch is gone. Our topics and discussion would be centered on charges for all the crimes she and her family have committed.

  26. chi chi

    I thought so, too, Anna. Blair is making himself relevant in Asia especially in Gloria’s Lalalaland because he carries no more weight in UK and EU. Well, in Pinas he’s always welcome, kahit sino ay papatulan ni Gloria madenggoy lang ang pinoy at makapogi points kay Barack.

  27. reynz,
    I’m writing an update to the wiki. I believe we just lost that NIC status. Look at the spiralling export figures and the rate that factories which helped us make the cut are either closing or moving to China or Vietnam.

    Newly Industry-alis Country siguro ang bagong classification.

  28. @ TonGuE-tWisTeD,

    yeah, someone has to correct that statement on NIC kasi it’s ridiculously misleading, baka dun lang nag-iikot sa Global City ang writer kasi granted NIC tayo, we must for sure is the only uber defective NIC hahaha

  29. parasabayan parasabayan

    Huwag kayong magalala kung wala na si evil bitch, siguradong maraming maiiwang galamay yan na pwede nating pagusapan.

    Besides, the bitch is trying all her tricks again to extend her illegal presidency. Let us be watchful!

  30. It’s encouraging to note that the Ombudsman has been able to come up with its findings and conclusions and actions on the controversy on the case within a relatively short time,” Secretary Gabriel Claudio, presidential political adviser, told reporters here.” – Gabriel Claudio

    Two months lang daw ang inabot pagkatapos bigyan ng order to file cases, may resulta na.

    Gago ka pala, Claudio. Taon na ang binilang nung ireport yan ng World Bank, mabilis pa ha? Kunsabagay, si Nani Perez, ang kasong dalawang araw pa lang ang gobyernong ito, nangikil na, hanggang ngayon wala pang hearing e. Mabilis nga kung doon ikukumpara.

    E yung ZTE? Yung Northrail? Yung sandamukal na iba pang nakakasawa’t nakakapagod na ilista?

    Muli, GAGO ka Claudio, nasaan ang pangalan ni Mike Arroyo sa mga kinasuhan? Ha? Asan? Ha?

  31. Parang hindi namin alam na ang purpose ng mabilis na filing na yan e para ma-subjudice na yan at hindi na mapag-usapan, baka kasama pa rin iyan sa bagong privilege speech ni Lacson at lalong mababaon si Mike Arroyo.

    Alam na namin ang isasagot ninyo pag tinanong ang tungkol sa WB projects’ anomalies: “The case is now in court, we cannot discuss that anymore”. Tama ba ako?

  32. Re: “Gago ka pala, Claudio.”

    When I met Gabby Claudio, I thought he was one decent fellow, one of the sort of promising young men with a bright political future… iyon pala, promising nga kung may promise ka sa kanya along the lines of “dagdag, dagdag”…

    He is undoubtedly one of the deadliest and morally corruptest young men this government ever produced.

    A corrupt creature lurking in the corridors of power, with his hand doled out begging for corrupt hand outs in exchange for doing the deadliest and dirtiest tricks!!!

  33. Bakit wala din si Ebdane sa kakasuhan? Dahil daw walang ebidensiya! Ang galing, nanakawan yung opisina niya ng mga papeles (at handgun), ngayon walang ebidensiya! Parang ZTE, nanakaw ang kontrata!

    Ang nakakatakot, nung may nawalang baril, biglang napatay si Usec. Aquino. Sino kaya ang bumaril? Anong scenario ang niluluto?

  34. Let’s not allow another clown get elected to the Senate. I’m referring to this Willie Revillame. Edu Manzano is fine. He not only was once Makati Vice Mayor, the guy graduated from La Salle.

  35. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Forever Gloria, Forever greed=FG. Bakit hindi kinasuhan si Fatso? Ay naku! ang mga tunay na kriminal pa-easy easy lang.

  36. Further, re NIC-status, EU’s Ambassador Alistair McDonald on Tuesday gave businessmen a blunt assessment of RP’s falling numbers in EU investments while the rest of the region was increasing. The latest ones showing our neighbors losing 2% of EU investors while RP decreased by 6%.

    The EU member states have not forgotten the shabby treatment of the Germans in Piatco and the French in the Senate which reflects this government’s overall closeness to the Americans, Japanese, Chinese and Koreans at the expense of the affluent Europeans.

    They said: “Foreign chambers and local business associations in the country have repeatedly complained of “a comparatively business-unfriendly environment, with abundant red tape, an unpredictable policy and legal climate, corruption in customs and government procurement, poorly enforced Intellectual Property Rights (IPR), poor infrastructure and inadequate human capital, all working to limit growth and investment.”

    McDonald will surely be ignored by Malacañang again.

  37. andres andres

    Ang swerte naman ni FVR, one of the most corrupt presidents probably next to Gloria but got away with all his loot! Bakit ang dalas niya sa Zurich, Switzerland kaya? Your guess is as good as mine.

    FVR never got the respect of the people even if he is a former President because we know too well his character. Remember PEA-AMARI, sale of National Steel Corporation, a vital industry, Petron, Centennial Expo Multi-Billion Scam, and Fort Bonifacio Land sale,etc…

    Walang binatbat ang mga sinasabing mga mansyon ni Erap, ang bahay ni FVR sa Alabang isang ektarya ang lupa, ang kabit niyang si Baby Arenas mahigit 30 ang bahay sa Forbes at Dasmarinas.

    Bakit hindi man lang nakasuhan si FVR???

    Paki-explain!!!

  38. Statement from Black and White:

    CHA CHA AS ZARZUELA

    We are in the midst of another zarzuela. The resolution of Rep. Louis Villafuerte seeks to waylay us and hide its true intent through the provision prohibiting term extensions. There will be no need for term extension because we will indeed have elections in 2010. The Constituent Assembly he so ardently wants will ensure the transformation to a parliamentary form of government, and so the elections we will have in 2010 will be held to elect members of parliament.

    Imagine this nightmare – the new parliament opens its first session on 30 June 2010, and sitting happily inside the Batasan is the newly elected Representative from Lubao, Pamapanga, Gloria Macapagal Arroyo.

    The Black and White Movement reiterates its position clearly – we will not stand for any further desecration of our democratic rights. This blatant move by the House of Representatives to give GMA immunity from accountability adds insult to injury. Let us not forget that she, of all presidents, is the least trusted and loved. We demand our right to have 2010 presidential elections so that we can rid our country of this most unloved of leaders and finally make a move toward positive, meaningful change. Remember, GMA has lied before, and who is to say that she will not invoke divine providence again to justify her pernicious hold on power?

    How much more evidence do we need to prove that GMA’s political allies in the House just don’t get the real meaning of politics – the combination of active citizenship and accountable leadership. They have instead initiated moves to save themselves the hassle of good governance.

    We have said it before and we say it again – STOP Cha Cha! Ibasura ang Cha Cha! Now na!

  39. James Triguero wrote this in my Facebook wall:

    “I noticed the Daily Inquirer came out with the story today about Mikey Arroyo approaching JDV to support Charter Change. They are only a week late after you broke the story with your Vera Files report.”

  40. From Johnny de Leon:

    Nakakapag-init ng dugo ang pagpipilit ng cha-cha at lalo ring nakakakulo ng dugo na itong si Kabayan Noli ay nangunguna sa survey. Mula ng mapuwesto sa gobyerno itong si Noli, naging bulag, pipi at bingi ito sa mga nakawan sa gobyerno at sa kaniyang buong panunungkulan ay wala akong nabasang magandang nagawa ito. Ano na ba nangyayari sa kapwa natin Pilipino, wala na ba talaga tayong mapagpipilian pang iba.
    Masugid mo rin akong taga basa ng iyong article Ellen, walang nakakalampas sa mga sinusulat mo na di ko nababasa, ultimong website mo ay binabasa ko rin pati mga comments doon. Hanga ako sa tapang at paninindigan mo kaya enjoy na enjoy akong basahin ang mga sinusulat mo. Keep up the good work.

    Johnny
    Winnipeg, Canada

  41. andres andres

    The Philippine Daily Inquirer is GMA’s ally since they were given business by the Bitch through the Inquirer Libre! The Prietos and the Romualdezes are also one of the favored families of this administration. If you noticed, PDI has not been harsh with GMA the way they have been with Erap. Any opportunity to pounce on the guy they put to jail they will do it just to cover up for all the anomalies of their patron, GMA.

    Nasaan na ang tapang ng PDI? Si Doronilla wala ng ginawa kundi umupak kay Erap at pagtanggol si GMA, si Belinda Olivares Cunanan ganon din habang nakikinabang sa pwestong binigay ni Bitch!

  42. pugong_gala0101 pugong_gala0101

    Ang problema sa karamihang Pinoy ay ang mapaghanap ng bloated credentials ng isang lider. Nariyan na nga at nagkaletse letse na ang ating mother native land of the morning mula noon hanggang ngayon dahil sa mga singkolars na merong mga minaster at dinoktor na degrees (turns around), politically experienced, law experts at economic masters, hindi pa sila nadala?

    Sa kotonggreso na la’ang ngayon, dahil kayang bayaran ang isang distrito, sino ang kinatawan ng hindi dapat pangatawanan? Ang nanay taga Pampamga, ang tatay taga Visayas, tapos ‘yung anak daw ay doon nag-aral sa Bikol? ‘An layo, ah?! Malabo pa! Anak ng anak ng dating presidente, ang tatay ay isang asongdero, este haciendero doon pag-aaralin sa probinsiya? No bilib me!

    Tama’ng si Gen Lim ang himuking tumakbong presidente, hindi na baleng magmukhang military junta ang gobyernong ang gabinete ay Magdalo members, masigurado lamang nating matino ang pagpapatakbo.

  43. Andres, you forgot to mention Alex Magno and some of the guys at Phil. Star.

  44. “Tama’ng si Gen Lim ang himuking tumakbong presidente, hindi na baleng magmukhang military junta ang gobyernong ang gabinete ay Magdalo members, masigurado lamang nating matino ang pagpapatakbo.”

    Hmmm… members of the military are by nature not the most democratic leaders.

  45. andres andres

    BE,

    Yup! Alex Magno was appointed DBP director since 2001. His monthly salary is more than P200,000 excluding perks and signing privileges in posh restaurants, travel abroad with allowance, etc…

    Kaya nga when he defends GMA ang attacks the personalities in the opposition ganun-ganon na lang eh!

    From an activist to a capitalist… That is Alexander MAliGNO este Magno pala! hahaha!

    Deo Macalma of DZRH naman is a board member of RPN 9 appointed in 2001, receiving perks and privileges too.

    The husband of Marichu Villanueva of the Philippine Star was likewise given a juicy position in one of the GOCCs

    Kung hindi pulis at militar, media personalities na sikat din nga ang inalagaan ni Evil Bitch!!! Mga busog na ang media ngayon kaya naman hindi na sila ganun katapang sa pagsulat, may laman na kasi ang mga tiyan!!!

  46. I’m also disappointed with Ninez Olivarez of Tribune who now seems to push for Villar and hit Lacson. That leaves Malaya and Abante as the only credible papers today.

Comments are closed.