Skip to content

Samahan ng mga kurakot

May kasabihan tayo na, “Sabihin mo sa akin kung sino mga kaibigan ko, at sasabihin ko kung sino ka.”

At sa English may popular na kasabihan, “Birds of the same feather, flock together.”

Oo nga naman, hindi ka naman magti-tiyaga makipag-dikitan sa isang taong hindi mo type ang pag-uugali. Ikaw ba, gusto mo makipag-ibigan sa magnanakaw, sinungaling at mandaraya?

Kaya, hindi nakakapagtaka kung sa lahat na mga anomalya na umaalingasaw ngayon, lahat sila malapit kina Gloria at Mike Arroyo. Tingnan nyo na lang ang mga pangalan na sabit sa anomalya ng Legacy group of companies ni Celso de los Angeles kung saan libo-libong mga ordinaryong mamayan ang naloko na bumili ng educational plans para sa mga anak na wala naman pala pagdating na mag-enrol na ang mga anak dahil nalimas na ni de los Angeles para sa pansariling luho.

Libo-libo ring mga depositor ang miserable dahil naloko sa mataas na interes na pinangako ng mga bangko ni de los Angeles na ngayon ay wala na ring laman.

Sa mga nabulgar ngayon ng mga dating opisyal ng Legacy group of companies na si Carol Hiñola at Samsana Santos, ang kadikit ni de los Angeles sa Securities and Exchange Commission na siyang nangangasiwa sa mga pre-need companies katulad ni Nograles ay si Commissioner Jesus Martinez.

Binilhan ng kumpanya ni de los Angeles ng bahay na nagkakahalaga ng P5 milyon sa BF Parañaque ang anak ni Martinez. Binayaran din ng isang naluging bangko ni de los Angeles si Martinez para sa isang Expedition SUV na personal namang gamit ni de los Angeles.

Si Martinez ay pinsan ni Parañaque congressman Eduardo Zialcita na taga-pagtanggol ni Arroyo sa lahat na impeachment complaint at iba pang mga isyu.

Si Zialcita ay kahanay rin ni House Speaker Prospero Nograles na tumulong rin kay de los Angeles na kausapin si Ric Tan, dating presidente ng Philippine Deposit Insurance Corporation, na siyang nagbibigay ng insurance sa lahat na depositors ng mga bangko hanggang sa halagang P250,000. Ang kapatid ngayon ni Nograles na si Jose ang presidente ng PDIC.

Kaibigan rin ni de los Angeles si Vice President Noli de Castro na forever loyal kay Arroyo.

Si Martinez ang karay-karay ni Winston Garcia sa stockholders meeting ng Meralco noong isang taon. Nag-isyu si Martines ng order na nagpapahinto ng stockholders meeting. Mabuti lang nakita ng mga abogado ng Meralco ang maraming depekto ng order ni Martinez kaya naituloy rin ang meeting.

Ganoon din sa kaso ng kurakutan sa public works project na pinu-pondohan ng World Bank. Si Edgardo Luna, ang contractor na siyang taga-ayos ng bids ay kaibigan ni Mike Arroyo. Si Public Works Secretary Hermogenes Ebdane, bata ni Mike Arroyo.

Sa illegal drugs: mga prosecutor sa DOJ sa pamumuno ni Jovencito Zuno, protektado ni Justice Secretary Raul Gonzalez, na malaki ang papel sa pagka-upo ni Gloria Arroyo bilang presidente noong 2004 kahit hindi nanalo sa eleksyon. kasma si ngayon Sen. Kiko Pangilinan, ni-railroad ni Gonzalez ang canvassing para hindi mausisa ang mga palsipikadong certificate of canvass. Kanino dikit si Raul Gonzalez?

Marami pa yun. Kaso ng fertilizer scam, NBN/ZTE at iba pang anomalya. Kung pagdugtungin ang mga tuldok, makikita nating ang direksyun na pinpuntuhan- Malacañang.

Published inGovernanceWeb Links

41 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Dapat itapon sa basura ang Kurakot Gang ni Gloria.
    We must admit that Gloria Arroyo and her Kurakot Gang are well-entrenched and protected by the State. The Office of the Ombudsman and the Department of Justice are GMA partisans. They want to maximize their greed until Gloria’s stolen presidency expires in 2010. We are waiting for patriotic Filipino soldiers and citizens to end institutionalized kleptocracy in our motherland.

  2. SULBATZ SULBATZ

    Let us add to the list the name of Sec. Teodoro. He seeks the anointment of Gloria as presidential standard bearer. What a shame! A snake has to shed his skin one time or another. Teodoro has just done that and the color of his skin reeks of lies, deceit and thievery. One good thing about this though is that he unmasked himself this early. Ambition, really, knows no bounds.

  3. hKofw hKofw

    Samahan ng mga kurakot ay samahan din ng mga walang ethics. Mga walang modo. Ang kakapal ng mga mukha. “Why ethics?” Sabi ni Nograles. Para na ring sinabi niya: “Anong ethics? Sa libro lang iyan. Palamuti lang sa House namin iyan. Guni-guni lang sa isipan ninyo iyan. Kalimutan ninyo na.” At pabulong na sasambitin niya: “Mga buwisit. Mahilig magtanong at magkomento ang mga TAO. Haayyy.” Sabay kamot sa tenga na parang ASO.

    Oo nga naman, kung ang Presidente niya walang ethics sila pa kayang mga TUTA. Mga HAYUP lang ang walang ethics. Buti pa ang mga tunay na hayup alam nating hayup sila at makikita natin na okey lang na ‘gumagawa’ sila kahit saan kapag nakaramdam ng libido. Itong gobyerno natin mga tao nga pero asal hayup ang mga hangal.

    Kapag ginustong magnakaw, magnanakaw. Kapag ginustong magsinungaling, magsisinungaling. Hindi na iniisip ang mga gawi’t salita. Wala silang pakialam sa sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Wala silang pinag-iba sa asal at gawi ng mga tunay na hayup. Mga manhid. Walang mga kaluluwa. Kawawa ang mga tao sa Pilipinas, pinaghaharian ng mga ANIMAL.

  4. parasabayan parasabayan

    Loyalty to a “cheat” pays big time! Teodoro knows that. The bitch will probably foot the billion campaign funds in exchange for the “charter change” which he says is his priority paving the way to the “come back” of the “corrupt duo”.

    I even liked this Teodoro but now I will flush him down in my “inidoro”!

  5. parasabayan parasabayan

    Diego, huwag ka ng umasa pa sa “patriotic” dahil tulog sila o “nakapon” na!

  6. parasabayan parasabayan

    Ang lahat ng big time crooks ay may bendisyon ng mga pidals. Mga UNTOUCHABLES ang mga yan. Bundat na bundat na sila kaya lang gusto pang sumipsip ng sumipsip ng dugo na parang mga SUROT!

  7. parasabayan parasabayan

    Yun daw “Baseline Bill” na inapprove ni pandak eh hindi daw ikinasasaya ng China! Oh really? Tell that to the marines! Isang bagay lang ang PHD ni pandak, ang gumawa ng istorya at mag-spin ng propaganda para gumanda ang image niya. In other words, magaling magpalapad ng papel! Hoy pandak, bistado na ang kartada mo!

  8. Sulbatz: Teodoro a SNAKE
    hkOFW: Aso, Tuta, Hayup, ANIMAL
    parasabayan: SUROT

    Ang PESTENG gobyerno ng Pilipinas na namumugad sa MALAKANYANG ZOO at ang reyna nitong MAKAPAL ang mukha kesa sa ELEPANTE ang tunay na pahirap sa buong bansa, kahihiyan at dusa ang idinulot ng mahabang walong taon na pagpapasailalim sa mapagsamantala at makahayop na pamamalakad ng makamandag na mga kampon ng mga LINTA, BUWITRE, BAYAWAK, at BUWAYANG nagpapanggap na gobyerno.

  9. Sabi ni Emmanuel Velasco ng DOJ tungkol sa imbestigasyong gagawin sa Legacy at kay Delos Angeles, “There will be ‘no sacred cows’ in the conduct of its inquiry”.

    Putris, ano’ng sacred cows? Ang imbestigahan mo ay iyong mga garapata, baboy at mga tuta. Hindi yung mga baka sa animal kingdom na ang pangalan ay Pilipinas!

  10. Valdemar Valdemar

    Our government is of the people and run on SOP.

  11. chi chi

    Ang pekeng gobyerno ng putang animal na Gloria ay samahan ng mga mga kurakot na ang mga meimbro ay purong mga garapal na aral sa pekeng pangulo. Kung ano ang pinuno ay siya ang mga galamay!

    Si Teodoro raw ay magpi-presidente. Sobrang yabang naman ng taong ito, parang may nagawa syang mabuti para kay Juan! Kung lalaban si Amay Bisaya, sa kanya ang boto ko kesa kay Teodoro, sa totoo lang!

  12. perl perl

    Teodoro for president! malaking kalokohan na nman na palabas to ng Malacanan… i think, it is another diversionary tactics, nakita nyo ba huling pulse asia survey? Nangunguna si Noli…
    http://www.gmanews.tv/story/152347/VP-Noli-una-pa-rin-sa-Pulse-Asia-survey-sa-mga-presidentiables

    Kung titignan mo list of presidentiables, si noli lang ang pumasok from admin at number 1 pa!

    got my point?! pinalalabas nila na si Teodoro standard bearer kuno, para hindi isipin ng mga tao na talgang ang manok ng Malacanan e si Noli de Castro!

    Kung sasabihin nila na standard bearer ng Malacanan e si Noli explicitly, malamang bababa rating ni Noli sa survey…

    yan ang hindi nakikita ng marami nating tangang kababayan na naniniwala kay Noli!

  13. MPRivera MPRivera

    “………..At sa English may popular na kasabihan, “Birds of the same feather, flock together.”

    baguhin na natin ito, o dagdagan kaya.

    gawin na nating “birds of same feather flock together and breed to last forever.” ganyan naman ang ginagawa ng mga hinayupak, di ba?

    kunyari, magtatanggal ng isa sa gabinete pero sangkatutak ang mas makakapal ang mukha’t lalong walang kahihiyan ang lulutang. meron pang mga nakapila’t umaasang mapasama sa brigada.

    ‘tanginamoka, gloria!

  14. May punto ka, perl. Kung kaya naman si Mar Roxas, walang humpay ang pitik kay Delos Angeles, na isa sa mga multong nasa anino ni Noli De Castro. Ang isa pa ay ang pagkakaroon ni Noli ng dalawang asawa, hindi naman siya Muslim.

    Pero ang totoo ay hindi rin sila nakakasiguro kay Noli. Dati nang mabaho si Noli sa US, Republicans pa ang nakaupo, lalo na siguro ngayong Democrat na. Plan B lang si Teodoro, pero kung lulusot at maidikit lang ng konti kay Noli sa survey, baka ipilit at ilaglag nang tuluyan si Kababu…, este, Kabayan. Kay Noli o kay Teodoro nakasalalay ang pag-iwas ng mga Pidal sa kalaboso pag dating ng 2010.

    Pansinin ninyo ang bilyun-bilyong perang ibinabato ni Danding, tiyuhin at financier ni Teodoro, sa mga negosyong pinaggigigilan ng mga Pidal at mga alipores nila. Oil, Electricity ar Telecoms – mga negosyong malayo sa experience at expertise ni Danding Cojuangco, pero malapit sa negosyo ng Mafia.

    Si Danding nga ba ang labandero ng mga Pidal kapalit ng pag-upo ng pamangkin?

  15. MPRivera MPRivera

    perl says: “……..Kung titignan mo list of presidentiables, si noli lang ang pumasok from admin at number 1 pa!”

    mga tanga lamang at utu uto ‘yung kinunan ng sarbey na ‘yan. baka nga binayaran lamang ni baby ape faced kabayad.

    kabayad. teodoro. kahit sino pa sa kanila ang manukin ni gloria macakapal arrovo, TANGANG GAGO lamang ang boboto at hindi gustong makawala sa kuko ng mga demonyo!

  16. parasabayan parasabayan

    Madrama talaga ang politiko sa Pilipinas. Kunyari hindi nagkakasundo si Danding at si Teodoro. BULLSH*T! Pwede bang hindi gusto ni Danding na yumaman pa lalo? Danding knows that Teodoro’s closeness to the Bitch may work against him sa 2010 elections so kunyari he is blessing Chiz instead (kunyari lang-palabas) pero yung funds at suporta eh siyempre ibubuhos niya kay Teodoro. Who would know that? Si Danding lang at and kanyang pamangkin and of course the Pidals who want to continue pulling the strings on the PUPPETS even after they are booted out! Orchestrated lahat yan!

  17. MPanelos MPanelos

    Teodoro’s admission that he is seeking the endorsement of GMA for his bid to the Presidency is a diversionary tactic to shield Noli De Castro from criticism and eroding his survey ratings. Noli De Castro is the dark horse of GMA’s administration. No effort is being spared to shield de Castro just to make sure he becomes President and ultimately serve as protector of GMA and syndicate. What they have not anticipated is the potential fallout from the Legacy crime of Celso delos Angeles where de Castro is a big beneficiary of the crimes committed. De Castro’s strategy is just to keep quite about the Legacy issue and wait for it to tide over till he is in the clear. It will be foolhardy for Sen. Roxas and the rest of the opposition Presidential aspirants if they will let off de Castro in his involvement as beneficiary of the Legacy scam. As for Gordon saying the GMA’s endorsement does not mean a “death spell” to his ambition, well let him try. I for one will campaign vigorously against him in any position he aspires for.

  18. perl perl

    TonGuE-tWisTeD Says:
    Kay Noli o kay Teodoro nakasalalay ang pag-iwas ng mga Pidal sa kalaboso pag dating ng 2010.
    =====================================================
    Korek! pero malabo talaga to si Teodoro, si noli talga for winnability. at tong si noli, kung talgang beneficiary nung 2004 election cheating, kahit manalo to sa 2010, hawak pa din nila to sa leeg… sige nga… may yagbols ba tong si noli para banggain ung mga tutang heneral ni Gloria?

    haay naku, noli will just use the same formula of gloria on how to maneuver everything!

    MPRivera,
    kung totoo survey, marami talgang tangang pilipino! akalain mo, kaliwat kanan na alingasaw… hindi pa din natuto…

  19. syria syria

    Obviously, the names of persons listed below are not friends and does not belong to GMA’s flock. They are being used by GMA to make her regime look good. They are also being used to drown current issues of Ombudsman Guttierez, WB-DPWH bid rigging involving FG and the issues of immoralities on GMA’s regime.

    1- Comm. Martinez – an Erap appointee. Walang pakinabang sa administrasyon.
    2- Gen. Garcia – he made his own stealing. Walang pakinabang sa administrasyon.
    3- C. de los Angeles – only Sen. Roxas is aggressive. Si admin. Sen. Nognog, prinoprotectahan pa si Celso.
    4- Capt. F. Valerio – one of the accused in the assasination of Ninoy. Bakit tiniyempo ngayon? Ano ba naman iyan?
    5- Mancao – being extradited to name Erap/Lacson in the Dacer-Corbito slaying. Takot ang adminstrasyon kay Erap dahil malakas ang impluwensiya sa 2010 eleksyon at kay Lacson dahil di sila tinatantanan sa pagiimbistiga.

  20. Elvira Elvira

    Tongue:
    Sulbatz: Teodoro a SNAKE
    hkOFW: Aso, Tuta, Hayup, ANIMAL
    parasabayan: SUROT
    pls.add this: LINTA

    Sino ba ‘yan si Teodoro?

    Am wondering bakit laging no. 1 si Noli sa survey? Binabayaran ba ang mga sinusurvey nila kunyari? Tama si Mrivera. Napakarami na ngang Pilipinong tanga kung totoo ang surve-survey na ‘yan!

  21. MPRivera MPRivera

    mga kanguso, kafamilya at kabraso,

    kapag natanggal na sa poder ang mga hudas sa gobyerno ay magtatayo uli sila ng panibagong samahan matapos samsamin ang mga ninakaw nilang yaman mula sa kaban ng bayan. at hindi lang ‘yung halaga ng ninakaw kundi kasama na pati ang tubo (dapat lang, nakinabang na sila ang lagay ganu’n na lang?).

    dahil sila ay pandidirihan na at pangingilagan ng buong sambayanan, ang magiging pangalan ng kanilang bagong grupo ay……. dyaraaaaaaaan….. tatatataraaaaaan……boooom..

    SAMAHAN NG MGA KULANGOT….o, di ba, bagay sa kanila?

  22. tama ka perl,

    mahihiya ang mga cinderblocks sa kapal nang mukha nang mga p_!@&^%g_n~!@#$%G yan. kumakapit sa posisyon na sobra pa sa alkitran.

  23. chi chi

    Si Danding nga ba ang labandero ng mga Pidal kapalit ng pag-upo ng pamangkin? -Tongue

    Gawin na nating statement ang sentence mo, Tongue.

    Spot on!…sabi nga ni Anna.

  24. chi chi

    Hate na hate ng ‘merika si Kabayad kaya ang animal na putang
    Gloria ay nandyan pa!

  25. chi chi

    Definitely ay kasama sa Kulangot Inc. si Fe Barin, ang upuan (chair) ng SEC. Nagiiyak raw sa Malacanang dahil ayaw mag-resign. Para huminto ay sinabihan naman ni tandang Edong na nagtitiwala pa sa iyo sa Gloria. Iyakin ang mga kulangots, mana kay Asspweron!

  26. Tedanz Tedanz

    Headline ng ABS-CBN ay eto “Noli, Chiz, Erap, Manny in close race”. Saan kayo ngayon?
    Kahit ano pang sabihin niyo mga ka-blog ko … kay ERAP na ako. Alam kung may mangyayari sa mga Tangnang SKG (Samahang Kurakot Gang) pag siya ay naging Pangulo natin ulit. Si Chiz puwede siyang maging Titser kasi kung magsalita ay parang nakakaloko at isa pa ina-anak ni Tangnang Arroyo. Bakit hindi niyo itanong sa kanya kung papano namatay si FPJ. Kung si Noli naman … ano ang alam nito? Numero unong kurakot din ito dahil kahit nung newscaster pa siya, namba-blackmail na siya sa mga kumpanyang may anomalya. Kung si Villar naman .. bakit siya gagastos ng Bilyon sa eleksiyon? Para susuweldo lang siya ng 60T/month na suweldo kung ikaw ay Pangulo? Papano niya mababawi yong bilyon niya?
    Kaya “ERAP is my guy”. Alam ko na kung siya’y papalarin ay hindi na uulitin kung ano man ang nagawa niya noon.
    Kaya etong mga SKG ay pilit inu-ugnay si Erap at Lacson dito sa kaso ni Dacer at Corbito. Gusto nilang ikulong ulit si Erap para isa man lang sa tatlo ang lumabas sa Pagkapangulo para sila’y ligtas sa kapahamakan. Tuso talaga etong mga SKG.

  27. eddfajardo eddfajardo

    Off topic tayo: In the next few days, headlines will be on Mancao testifying and naming either Erap or Ping as the mastermind in the Dacer-Corbito murder case. As we all know, kagagawan ito ni Evilbitch using her office and resources to extract an affidavit from Mancao who is currently helpless, penniless and homeless here in the US. Pag nakulong ka dito sa America sigurado kahit anong offer ni Evilbitch tatanggapin mo. Next huge headline that will rock the world will be the re-opening of the Ninoy Aquino murder case. Danding will be pinpointed by a couple of witnesses and I will tell you after this, the Philippines will not be the same again. Tanduay-an niyo ito.

  28. Off topic:

    Bernie Madoff, the American investor charged with fraud and other crimes for stealing billions of dollars from his clients, pleads guilty and faces up to 150 years in jail.

    I don’t expect our version of Bernie Madoff, Celso delos Angeles, to plead guilty, much less face trial for his crimes as long as the Pidals are in power.

  29. etcetera etcetera

    Maiba ako sandali, ang alam ko kay FPJ ay namatay dahil sa atake sa puso. Ngayon kung may duda kung ano talaga ang kinamatay ni FPJ sana ay nagpa autopsy sila noon. Too late na para gawin yan ngayon pero mayroon naman na tinatawag na “medical forensic” para ma trace kung ano ang kinamatay ni Poe. May pera naman sila siguro para kumuha ng medical foresinc sa Australia, Europe, o America. Siguro baka pede rin silang mag request sa FBI ng US baka libre pa yon.

  30. parasabayan parasabayan

    Process of elimination ang ginagawa ni evil bitch para sa ganun eh yung tuta niya ang lalabas na presidente. Di siyempre parang victory na rin ng mga ganid kung ang lalabas eh yung kaaliado nila.

    Si Erap ang gusto nilang ilaglag talaga at siyempre si Lacson dahil itong dalawang ito ang hindi nila kayang diktahan. Si Legarda, ewan ko kung totoong opposition yan. Si Escudero eh sobrang bata at marami na ring pagkakataon na may “questionable” asociations kay pandak. Si Villar, parang bamboo yan. Kung saan ang hangin, yun ang direction niya. Si kabayad, sus di ba nga at mukhang nabayaran na niya yung mga anak ng asawa niya sa una at mukhang hindi na naghahabol sa kaso.

    Sa tototo lang kung si Teodoro eh hindi lang loyalist ni pandak, malaki ang pagasa niya. Kaya lang yung lantarang loyalty niya kay pandak ang sisira sa kanya. Pwera na lang kung uulan ng pera sa mga nagbebenta ng boto courtesy of pandak at ang kanyang mayamang tiyong si Danding.

    Parang walang itulak kabigin sa mga presidentiables!

  31. parasabayan parasabayan

    The fact that Susan Roces is not making a big issue on the cause of death of FPJ, she probably does not care to know what killed him. She simply came to terms that her husband passed on. She just wants a peaceful life and move on. I admire her stand. Kung malalaman nga naman niya na pinatay ang asawa niya eh lalabanan pa niya yung mga gumawa. With a justiis system that we now have, baka sumunod pa si Susan kaagad agad kay FPJ.

  32. parasabayan parasabayan

    Mami kung si de los Angeles eh business partner ni Sabit Swingson, ni kabayad at ni Nognog, UNTOUCHABLE yan! Moro moro lang ang lahat ng hearings kuno. Kita mo, parang Hello Garci, ZTE/NBN, Euro general, Pidal case, Nani case, WB atbp yan. Makakalimutan din ng mga tao. Hot na hot lang ngayon, bukas, wala ng nakakaalam. JUSTIIS SYSTEM pa rin ang iiral!

  33. kitamokitako kitamokitako

    Yes ako diyan, na si Chiz ay parang nakakaloko kung magsalita! At saka may kasama pang pag roll ng eyes niya na mas nakikita ang mga puti, ngeee, nakaka turn off.

    Kung si Teodoro naman ang maging presidente, nakupo, baka maging inidoro lalo ang Pinas.

  34. MPRivera MPRivera

    PEKENG PERA PINAGAWA NG SOLON

    http://www.abante.com.ph/issue/mar1309/default.htm

    sa palagay ninyo, hanggang saan ang dulo nito?

    ang tanong ko ay nagtapos sa kuwestiyon mark, di ba?

    ‘yun kayang balita na ‘yun, hindi kaya sa piryud umabot ang treyl? baka naman kaya sa garapata sa pisngi ng aso?

  35. parasabayan parasabayan

    Magno, I thought that too. Dahil malaki ang nawala nila sa mga stocks tapos bantay sarado sila sa kanilang mga “tongpats” operations, how else will they be able to produce the dough?

  36. bitchevil bitchevil

    The Church is as corrupt…..

    WASHINGTON DC, United States — The US Roman Catholic church paid out $436 million in 2008 for sex abuse cases involving clergy members, showed an official report Friday aimed at healing deep wounds of the scandal that blew up in 2002.

    The bulk of the money — more than $374 million — was paid out in settlements to victims, according to the report that tracks how well the church is implementing a charter to protect children.

  37. MPRivera MPRivera

    parasabayan, wala na talagang kahihiyan ang administrasyong arroyo dahil sila MISMO ang mga promotor ng lahat ng anomalya sa gobyerno.

    kung mangagsalita at umasta ay akalo mo kung sinong mga napakalinis na mapagkawanggawa subalit sa likod pala ng kanilang KAGALANGGALANG na kaanyuan ay natatago ang bulok nilang tunay na pagkatao.

  38. Rudolfo Rudolfo

    Ang lahat-lahat na bagay ay may katapusan…Walang bagay sa daig-dig na di nababago.Kunting panahon na lamang ( maybe 2010 ) at baka maka-hinga na rin si JUAN de LA cruz…Kailangan nga lang talaga ay MAKATAGPO ang Bansa ng tunay na PINUNO ( sa aking paki-ramdam, ang mga Tunay na pinuno ay nilipol at binilango. Sila ay ang mga MAGDALO..Gen Lim. Sen. A. Trillanes, Gen. Miranda, at iba pa…di nila matangap ang mga pangyayari noon, na sa harap nila, at gising sila, gina-gamit sa KALUKUHAN,..para ilagay ang mga pamunuan na,.. Walang Diyos, Di-Makatao, at di-maka-bayan…nasaan na si Gen Gudani ?? isa ring bayani )…ANG TOTOO, dahil “lent season ngayon “, Si JESUS CHRIST, ay ganyan ang nangyari sa kanya. Kinulong, pina-hirapan, dinusta, winalang hiya, ipinako sa crus, at Pinatay.. NG MGA WALANG KALULUWANG MGA PAMUNUAN NOON ,na siyang gina-gaya ng mga namumuno ngayon sa ating bansa…Mga mapag-kunwaring madasalin, at pala-simba, ngunit hunyango naman ( mga plastic )…anong mahihita kung sobra ang yaman, sa daig-dig na ito,..KUNG WALA NAMANG KALULUWA, katulad sila ng mga pating ( shark ) sa dagat, na matakaw sa dugo ni JUAN de La Cruz…( mahal ko lang ang bayang tinubuan, kaya ako’y naka-kapag-comment ng ganito, at awang-awa ako ki JUAN de la Cruz,niloloko ng gising…Ipag-patuloy na lamang ang pag-darasal natin ( with the Power of Prayer ) baka sakaling mabago din ang takbo ng ating pamunuan…sa nalalabing kunting panahon, sana bumawi naman sila, at magsisi, lalo na ngayong mahal na araw…di pa huli !!!..

  39. bitchevil bitchevil

    Since the topic lately is about the presidentiables, let me share with you a quote from one presidentiable who may be considered a dark horse.

    “There what it takes to be. Then we shall so be it because it is. To do or not to is in the what, now or what else. Without which there never to you!” – words of wisdom from Senator Lito Lapid.

  40. Re: ““There what it takes to be. Then we shall so be it because it is. To do or not to is in the what, now or what else. Without which there never to you!””

    Did he provide sub-titles or a translation?

Comments are closed.