Skip to content

Magpalamig muna

Kung hindi garapal, tanga.

Ito ang impresyon na nakukuha ko ng mga opisyal ng pamahalaan habang pinapanood ko ang hearing tungkol sa Legacy firms ng Senate Committee on Trade and Commerce sa pamumuno ni Sen. Mar Roxas.

Dahil sa recess na, tatlong senador lang ang dumalo ngunit maayos ang hearing. Kasama ni Roxas sa pagtatanong sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Rodolfo Biazon.

Maliban kay Celso de los Angeles, may-ari ng Legacy Plans, na hanggang ngayon ay hindi uma-amin sa kanyang kasalanan at nagpupumilit na inosente siya, ang isang natalupan ay si Commissioner Jesus Enrique Martinez ng Secuties and Exchange Commission na siyang dapat magbantay ng mga insurance at pre-need companies na nagtitinda ng mga educational plans.

Si Martinez, ang opisyal na siyang may oversight supervision sa Legacy Plans, ay dikit pala kay Angeles. Sabit siya sa dalawang transakyon. Ang isa ay pagbili ng bahay sa BF Parañaque at ang isa naman ay pagbili ng kotseng Expedition.

Grabe. Sa kwento ni Carol Hiñola, chief operating officer ng Legacy at ni Samsana Santos, ang fnance officer ng Legacy, pinapaikot-ikot lang nila ang papeles.

Nagbayad ang Legacy ng P3.2 milyon kay Michael Lirio, para daw sa isang bahay sa BF Parañaque na regalo ni Martinez sa kanyang anak na si Lirio nga. Sobra-sobra naman ang swerte nitong si Martinez. Magre-regalo siya ng house and lot sa anak niya, Legacy planholders ang magbabayad.

Sinabi rin Hiñola na noong November 9, 2007, nagkita sila ni Martinez sa Linden Suites sa Ortigas Avenue at sa instruksyon ni de los Angeles, nagbigay siya ng P1.475 milyon kay de los Angeles.

“Tinanggap ng personal ni Martinez ang pera,” sabi ni Hiñola. Bayad raw ito sa isang Expedition na sasakyan. Nanggaling ang pera sa Rural Bank of San Jose, isa sa mga bangko ni de los Angeles na nalugi. Si de los Angeles ang gumamit ng kotse.

Sabi Atty. Nograles ng Philippine Deposit Insurance Corporation na siya ngayon ang may kontrol sa mga ari-arian RBSJ, hindi raw nila makita ang Expedition.

Umaalingasaw na ang baho ng kabulukan ng mga kumpanya ni de los Angeles, ang SEC, PDIC, BSP at DOJ ay parang nawala ang pang-aamoy. Nililimitahan ang mga sarili sa kung ano lang ang isusumite sa kanila ni de los Angeles. Hanggang papel lang sila.

Sabi ni Enrile, i-attach na ang bahay sa claims dahil binibenta ni de los Angeles ng P200 milyon sa kanyang kaibigan. Puntahan ang LTO ay hanapin ang Expedition. Hayaan mong maghabol si de los Angeles sa korte.

Ito namang si Fe Barin, chair ng SEC, ngayon lang niya alam ang pinaggagawa nitong si Martinez daw. Clueless pala ito sa kurakutan sa loob ng Commission niya.

Ito namang DOJ, tuwing may anomalya, magbubu-o lang ng task force para mag-imbestiga. Patong-patong na ang mga task force na magi-imbestiga.

Mukhang puro delaying tactic.

Sabi ni Hiñola at Santos, noong nabulgar na ang anomalya ng Legacy, sinabihan sila ni de los Angeles na “magpalamig” muna sa abroad o dito sa Pilipinas kung saan hindi sila maabot ng mga imbestigador.

Nang tanungin nila si de los Angeles hanggang kailan, ang sagot raw ay “hanggang lumamig.”

‘Yan ang karaniwang ginawang nina Gloria Arroyo at ng kanyang mga galamay. Ganyan ang ginagawa ni Mike Arroyo. Ganoon din ni dating Comelec Commisioner Virgilio Garcillano. Ganoon din kay dating Agriculture Secretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante.

Paniwala kasi nila, maigsi ang atensyon ng Pilipino, at kahit galit ngayon, makalimutan na bukas. Pwedeng lokohin ulit.

Sa atin na yan kung patuloy tayong magpapaloko.

Related articles from Inquirer:

Ex-Legacy officials says SEC official took bribes from de los Angeles

Enrile tells Martinez to resign

From ABS-CBN:


Who is SEC commissioner Jesus Martinez?

Published inEducationGovernance

59 Comments

  1. vic vic

    And tomorrow Madoff will be pleading guilty in u.s. court for the fraud and in the Philippines the whistle blower maybe the ones getting the blows, as the fraudsters are really good in dribbling the balls..and where is the Ombudsman in this case, still fast ASLEEP???

  2. It is very sad and frustrating indeed. Those who knowingly defrauded honest, hard-working people should be lined up and shot with pellet guns to prolong their sufferings.

  3. Isagani Isagani

    Ellen, hindi naman sa gusto natin magpaloko. Sa totoo lang, kahit na tutukan natin ang mga aniamal na yan saan man sila pumunta, e wala naman tayong kapangyarihang umaresto sa kanila. Ngayo, paguwi nila galing sa pagpalamig, e ano? Yun sila-sila rin ang humahatol sa isat-isa.

    So, ano ang dapat nating gawain na nasa loob ng batas? E, hindi ba puro butas ang batas ni GMA sa mga kabarkada niya? Kung ikaw at iba pang laban sa katiwalian ni pandakekok ang kasuhan, iyan malamang na walang butas na malulusutan.

    Sumali na tayong lahat kung sa ano-ano mang samahan diyan, wala tayong mahihita kung sa kamay ni Merciditas at Siraulo lang ang bagsak ng kaso.

    So, one thing though, 2010, diyan may laban tayo diyan. Let us be vigilant na mabawasan ang dayaan.

  4. Elvira Elvira

    Hayan na ,Ellen, may 2 na naman naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan. Salamat sa mga katulad n’yo! From there, siguro naman, tuluy-tuloy na ang pag-aaksyon para sa mga katiwaliang ito! Grabe as in SERIOUS na talaga ang pinaggagawa ng mga taong nasa pamahalaan ngayon!
    Sana naman, maparusahan na ang mga garapal at mga nagtatanga-tangahan na mga opisyales na ‘to!

  5. Bobitz Bobitz

    Mukhang iisa ang coach ni Delos Angeles at ng malacanang.
    Sobra Kapal din talaga ng pagmumukha nitong hayop na De los Angeles na yan.
    Ang Ipinagtataka ko lang , Bakit walang posisyon sa gobyerno ni Arroyo itong si Delos Angeles, gayong pare-pareho silang mga magnanakaw ?

  6. Bobitz Bobitz

    Dapat ka grupo ni Mike Arroyo yang si delos Angeles, pareho silang Makapal ang pagmumukha.
    Sa kapal ng balat nila hindi na puedeng gawing chicharon!

  7. rose rose

    Well-Gutierrez was a batchmate of Tabby in,ATENEO..Martinez was a batchmatch of Neri in ATENEO…indeed it pays to be a batchmate in ATENEO..

  8. rose rose

    Well-Gutierrez was a batchmate of Tabby in,ATENEO..Martinez was a batchmatch of Neri in ATENEO…indeed it pays to be a batchmate in ATENEO..

  9. parasabayan parasabayan

    I watched the hearing from beginning to end. It was a good thing that the two witnesses were able to get the original copies of the checks paid towards the house and expedition supposedly given to the son of SEC Martinez. Panay pa ang depensa ni Martinez na hindi daw niya alam ang business transactions ng anak niya sa anak ni de los Angeles. Wow! Do not tell me that his son never mentioned these big transactions to dad. HELLO!

    It amazed me how de los Angeles was able to siphon money from all his companies into his personal bank in the millions in a matter of months.

    Dedma naman ang SEC, parang walang alam sa nangyayari and the DOJ lawyers were clueless.

    This is the sad state of the country. Suhulan is the game. From top to bottom! If the head of the country, her spouse and her children are involved in big time corruption and are able to get away with it. What do you think can be done to criminals like de los Angeles(Anghel pa naman ang pangalan ironically)? NONE!

    I was also shocked that Zialcita, a tongressman received 1.8 million in consultacy fees! Doing what? Tongressmen are lucky indeed! Kaliwa at kanan ang grasya galing sa mga crooks!

  10. parasabayan parasabayan

    Nabuking pa si de los Angeles na yung bahay niya sa Alabang na ibinigay na niya kuno sa Mrs niya bilang settlement sa kanilang separation(if there is such a thing in the Philippines) ay ibinebenta ni de los Angeles sa isang kaibigan ni Enrile sa halagang 200 milyon. Heh,heh,heh… Buking na sa kanya pa rin ang bahay sa Alabang at hindi sa Mrs niya. Paanong masasabi na hiwalay sa asawa eh and Legacy pa rin ang nagbabayad ng electric bills and laundry bills ni Mrs?

  11. parasabayan parasabayan

    Ang mga Ateneans and PMAers sa panahon nitong si evil bitch at ang kanyang fatsong asawa eh nagbibigay ng kahiyaan sa mga taong nagtapos din sa mga eskwelahang ito but are not necessary as corrupt as they are!

  12. chi chi

    Talaga naman palang Commission-er si Martirez. Meron ng kumisyon na P3.2 milyon na bahay ay meron pang Expedition na P1.475 milyon ang presyo.

    Walang’ya ang garapal na Martirez, nagpapasarap sa pawis ng mga magulang na nagtiwalang mag-ipon sa Legacy ng perang pampaaral sa mga anak para lang matunaw na parang bula ang kanilang pinaghirapan.

    Mukhang kontrolado nga ang hearings dahil tiyak na marami pang opisyal at kaibigan si Gloria ang tatamaan. Hinay-hinay, palamigin muna gaya ng mga isyus na nagdaan sa Senado. Punyemas!

  13. PSB: What do you think can be done to criminals like de los Angeles(Anghel pa naman ang pangalan ironically)?
    ****
    For all you know, PSB, the devil and his legions are known as angels, too. They are called “fallen angels.”

  14. Naaalala ko ang hilatsa ng mukha nitong si Martinez. Diba ito yung karay-karay ni Winston Garcia noon sa Stockholders’ Meeting ng Meralco na pumirma ng Cease and Desist Order para hindi maiboto ng proxies ng Lopezes ang shares na iyun? Tama ba, Ellen?

  15. Nakikita ba ang pattern na itong si Martinez ang hitman ng mafia diyan sa SEC at tila itong si Delos Angeles ay may koneksyon din sa mafia?

    Gaya ni Pidal, parehong money laundering-after-a-scam ang modus operandi nitong mga baboy na ito!

  16. You are correct, Tongue.

    Here’s from an ABS-CBN background on Martinez:

    Controversies

    * Meralco

    In May 2008, during the contentious annual stockholders meeting of giant power distributor, Manila Electric Co. (Meralco), Martinez single-handedly signed a SEC-issued Show Cause Order that favored a Meralco major shareholder then.

    The state-owned Government Service Insurance System (GSIS) and the Lopez family and their allies were in a well-publicized battle for control of the power company.

    Martinez’s Show Cause Order essentially gave GSIS—which then had less proxy votes to help it clinch more Meralco board seats than the Lopezes—the chance to elevate the corporate battle to a legal war.

    GSIS eventually sold its Meralco shares to San Miguel Corporation.

  17. Another controversial case he ‘regulated’:

    * College Assurance Plan (CAP)

    When the ailing pre-need company was facing congressional investigations and public outcry in 2005 about unpaid tuition fees of almost one million educational pre-need clients, Martinez was one of those who was still willing to give CAP a chance.

    In the Senate and House hearings, he backed CAP-led proposals to relax financial and actuarial standards, which were the reasons CAP was found by SEC line managers to be already bankrupt. By relaxing SEC’s existing reporting standards, CAP would have been able to buy more time to entice additional clients whose fresh funds would pay for CAP’s obligations to old clients.

    The SEC has not issued CAP a new dealers license since CAP was not able to find a white knight when it was financially hemorrhaging from 2003 onwards.

  18. Nakakahiya siya, member pala siya ng CIBAC (Citizen’s Battle against Corruption) ni Brother Eddie.

    Pa text-text pa raw siya ng biblical verses every morning, that’s the reason daw he was asking for the new number of de los Angeles from Carol Hiñola.

  19. Everybody knows about the dirty tricks the Atenean couple have been engaged in since powwer grab with graduates of PMA, etc. Point is how serious is Mars Roxas, et al, in taking action against these people involved in these scams and pin down the mastermind, who is a civilian?

    Tangnanay nila, puede namang utusan ang korte na mag-issue ng warrants of arrest para doon sa mga civilians who should not be privileged with any immunity or executive order while the politicians involved get investigated, too, in the Senate and eventually get stripped of their privileges and immunities themselves when proven to be criminally responsible for their actions. Bakit wala bang ganoong batas sa Pilipinas?

    Abaw, huwag na silang magmalaking maraming abogado sa Pilipinas who know their law. Anong klase bang batas meron sila ngayon? Only laws to protect the criminals? Ganoon ba?

    Time and time again, my observation as an outsider doing what I can for the land of my birth is they are either bobo or tanga. Same observations as Ellen’s.

    Sabi nga, nagdudunung-dunungan, bobo naman!

  20. Thanks, Ellen. Hitman nga siguro itong si Martinez. Puro “kaibigan” ng administrasyon ang pinapaboran ng mga desisyon ni Martinez. Si Delos Angeles ng Legacy (na ang political party ay partido ni Gloria), si John Sobrepeña ng Fil-Estate (na nagkamal ng proyekto sa gobyerno sa pamamagitan ng Camp John Hay, MRT, atbp.), at si Winston Garcia ng GSIS.

    Dalawa ang common denominator, suportado at kinunsinti ng SEC sa pamamagitan ni Martinez, at dikit sa mga bata o sa Mafia Boss mismo sa Malakanyang.

  21. He is Gloria Arroyo’s appointee. He would not be there at SEC if he does not have strong connections in Malacañang.

  22. Ganun ba? Aba e dapat ng i-disown ng Jesus is Lord Movement yang si Martinez. Nakakahiya at nakakasira ng kredibilidad ni Eddie Villanueva at ng anak niya. Kumbaga sa INC, itiwalag agad yan!

  23. Ayan na naman, Arroyo appointee pala. Connect the dots lang yan, gamitin yung straight kong ruler at siguradong ang puno’t dulo niyan at yung nunal, este, tuldok sa NUMBER ONE!

  24. This Eduardo Zialcita, congressman-consultant of de los Angeles, is one of the avid supporters of Gloria Arroyo.

    Barkada ng mga corrupt!

  25. Hindi lang si Zialcita, Ellen. Remember, si Delos Angeles din ang financier ni Kabayang Noli nung 2004 at ang mga Legacy branches nationwide ang na-convert na campaign headquarters ni Noli De Castro sa bawat bayan na merong branch?

    Binayaran naman siya ni De Castro nung i-appoint siya sa National Home Mortgage Financing Corp. kung saan siya inireklamo ng mga empleyado ng korapsyon. Duda ko, kinuwartahan din niya ang pondo ng NHMFC para maisagawa ang mas malaking scam ng Legacy.

    Parehong pondong garantiya ng gobyerno gamit ang puhunan ng mamamayan ang sentro ng operasyon NHMFC at Legacy.

    Isa pa, nasa listahan ni Chavit si Delos Angeles na isang jueteng operator. Iisa ang lakad. Iisa ang modus operandi ng mga kawatan.

    Pidal na Pidal ang tabas, diba?

  26. parasabayan parasabayan

    Yuko, ano ang dapat gawin dito kay de los Angeles? Sa panahon ni evil bitch malamang “WALA” dahil lahat ng appointees niya eh “protected” species. Kaya lang magandang umpisahan ng kaso si Martinez now na. Then later, investigate him and the son. Mukhang marunong si Martinez at ng anak niya ng “living in luxury” at the expense of the companies the father oversees. Magaling ang modus operandi niya pati, hah. Knowing all the telephone numbers of the “sources” of his funds para padalhan ng religious verses! MAMA MIA!

  27. chi chi

    Talaga, pagkahaba-haba man ng prusisyon nila ay dun din sa impaktang may nunal ang dulo!

    Tumatagal si Gloria ay lalong gumagrabe ang kababuyan niya at ng mga alaga at barkada! Wala nang natirang kahit na katiting na delicadeza at kahihiyan ang mga punyetang ito!

  28. parasabayan parasabayan

    It would be interesting to see who else is on the payroll of de los Angeles once his bank statements are uncovered. Kaya lang, ngayon pa lang, yung mga sangkot eh maguunahan ng mag-block nung pagpapalabas ng mga bank statements. I wonder kung alin sa mga companies si de los Angeles ang nagbigay naman ng pera kay Kabayad at kay Nognog. Ituloy ang kabanata…

  29. parasabayan parasabayan

    Ang mga alipores ni pandak ay isa isa ng bumabagsak. Kaya lang sa dami ng appointees niya, mahuhuli kaya nating lahat ang mga kriminal na ito? Remember the evil bitch has been in her stolen position for over 8 years now. Katulad nilang magasawang magnanakaw,mahaba na ang panahon na nangungurakot ang mga alipores nila!

  30. parasabayan parasabayan

    Nakupo Tongue, nasa listahan si Sabit? Lalong lagot!

  31. susmaryosep….

  32. PSB: Yuko, ano ang dapat gawin dito kay de los Angeles? Sa panahon ni evil bitch malamang “WALA” dahil lahat ng appointees niya eh “protected” species.
    *****

    Pag may nangyari pihado si Pidal din ang may pakana, kind of falling out of grace kung baga. But if this Martinez pledge full allegiance to the Pidal flag, ligtas na siya. Diyan natin ngayon makikita ang abilidad ni Roxas. But the way I see it, gaya mo rin, as long as the Filipinos allow them to continue to fool them, hanggang blogging na lang iyong matiyaga. Kahit papaano nakakalakas din ng loob noong mga wannabe witnesses.

    At least, kami sa Japan, may nagagawa like stopping the ODA for some projects proposed by the dummies of the big Fat Ganid in Mindanao. Taragis, mga abogadong hapon din kasi ang mga kasama namin sa movement namin. Kita mo naman ang suot ng mga kasama namin sa mga protests namin in front of the Philippine Embassy. Pormal na pormal-di puedeng ignorin ni Siazon.

    In short, banat lang ng banat. Kaya nga iyong mga Internet Brigade ng mga magnanakaw active na naman lalo na ngayon na wala yatang magawa iyong anak na buntis! 😛

  33. …if this Martinez pledges full allegiance…

  34. Di ba, we’ve just talked about this in length???

    AY SORI!

    Bayaran pala yon sa Department of Justice.

    Hmpt!

    Ano na naman kaya ang susunod nito?

  35. Sarap naman ng buhay ng mga animal na iyan. Nagkakabahay, laway lang ang puhunan di gaya natin na kayod kabayo para umunlad.

    But I thank my father for all his sacrifices. At least, I did not have to be a puta (Japayuki) in order to survive. Sabi nga ng nanay ko, “Magdildil na asin kesa magputa!”

    Hindi naman kailangan sa totoo lang. At saka bakit ko naman aagawan pa ng trabaho iyong mga elementary school and high school dropouts na recruits ng DOLE para magbenta ng katawan nila sa Japan.

    Isang oras ko lang ang mga sueldo niyan sa isang gabi sa totoo lang, setting aside modesty ‘ika nga. Hindi naman ako kasing-swapang ni Gloria at Miguel!

  36. Wala namang bago sa totoo lang. Ang dami nang wannabe witnesses na iyong karamihan nga sa kanila, kung saan na nagtatago para hindi ma-salvage pero nothing doing pa rin. Kaya nga si Gloria Tapalani nakakangisi pa. Kita ninyo ba iyong picture niya sa Boracay na buhat-buhat niya iyong brand shoes niya? Nakakasuka!

    Ngayon, tignan natin ang husay ni Mars Roxas. I hope he is doing his job not because he wants to sell his name (tawag namin diyan “baimei koi”) para sa presidential election next year kundi dahil iyan ang dapat niyang gawin, and for love of country and people. Pag wala pa ring mangyari, batuhin din siya ng tae–huwag itlog o isda kasi nakakain din iyon kahit bulok!!!

    What? Sabi ng staff ko, maski daw tae di na puede kasi iyon na lang daw ang puedeng kainin ng mga baboy sa Pilipinas dahil iyong mga kababayan noong dugong aso, ibinebenta na ang mga kaning baboy para pagkain ng tao! Yuck!

  37. PSB:aya lang, ngayon pa lang, yung mga sangkot eh maguunahan ng mag-block nung pagpapalabas ng mga bank statements.
    *****

    Sinabi mo pa. Sa amin iyan, di makakalusot. Iyong mga pulis kasi namin di naman madalas nakasahod ang mga kamay. Kundi tanggal sila sa serbisyo.

    May inimbestigahan nga ngayong bribery case dito involving the secretary, et al noong head ng Democratic Party ng Japan. May nagbigay ng tip sa Prosecutor’s office ng bribery involving some construction companies, etc. recorded as donations to the political party. Sumobra ang figure doon sa allowed by law. O di huli. Walang exception/exemption to the rule.

    Iyong secretary ng politician ay considered civilian pa rin kaya puedeng dakpin agad ng pulis based on a warrant issued by the court on the recommendation of the Prosecutor’s Office. Iyong politician ngayon, dahil may political immunity, puede lang tanungin sa Diet dahil answerable siya doon, pero pag nalamang kasangkot siya, sibak siya, and he will have to be held legally responsible for any criminal offense he may have committed regardless of whether or not he is aware of it. Hindi puedeng magpalusot di gaya sa Pilipinas na pati iyong civilian puedeng mag-invoke ng executive order basta protected ni Gloria Talandi.

    Bakit ba di magawa ang ganyan sa Pilipinas? Tangnanay nila, baboy na baboy na ang bansa nila, hindi pa rin sila natitinag?!

  38. Kaya ako hanga kay Jun Lozada kasi puede naman niyang gamitin iyong sinasabing executive order to protect his hide, pero hindi talaga malulon ng tao ang pinaggagawa ng mga katulad nina Pidal at iyong baklang kaibigan niya. Pinili niyang maging refugee kesa sumama sa mga walanghiya. At least, may natitira pa siyang dignidad, puri at dangal. Iyan ang may delikadeza!

    Mabuhay ka Jun Lozada! May your tribe increase! Sana dumami pa ang mga katulad mo.

  39. This is a good business for publication company and bookstores.I am sure these people involved in scandals are going to write a book.

    Ronald Reagan the 40th president of the United States, is remembered for his clever quips. Here is one of his gems: “Politics is not a bad profession. If you succeed, there are many rewards; if you disgrace yourself, you can always write a book.”

    By a book, I presume he meant a memoir he could pen in retirement.

    Applying Reagan’s dictum,Jun Lozada,Joc-Joc Bolante,Abalos,Garci,Bedol,Euro Generals and now Celso Angeles seemed about to reach for their pen.

    The breadth of politics is always narrower than the breadth of real life.

    I am sure many Filipino people today are eager for an election, but feel that neither camp is worth entrusting their future to.

    Disgraced politicians can write their books, but for the common folk, life just goes on. We, the people, have had enough of being disillusioned and stuck with paying for the mistakes made by politicians.

  40. syria syria

    The President ordered the immediate leave of absence for Com. Martinez. How dumb, the later is due to retire this week.

  41. parasabayan parasabayan

    Com Martinez is due to retire? Wow, paldong paldo ang retirement niya ah! They better block him from leaving the country. Magala Joke joke na naman yan. Biruin mo kaliwa at kanan ang kabig niya! Magaling talagang mentor si evil bitch at yung kanyang asawang ganid. Lahat halos ng alipores nila eh “clone” nila.

  42. syria syria

    Ellen, yung sinabi mong pagpapaalamig ay ugmang ugma sa kasabihang “justice delayed is justice denied”. Isa ito sa mga paboritong estilo ni GMA at ng kanyang mga alipores para makalusot sa kaso.

  43. Yes, he is due to retire March 14. That’s this coming Saturday.

  44. tru blue tru blue

    Jun Lozada’s tribe need not increase. There are too many of them in Gluerilla’s queendom, and they’ll only creep out from their caves when anyone of them is short-changed. Abalos/Yoda junior (joey DV) clearly applies, $130 million for Abalos and Junior $10 million only. I’ll become a turncoat in a heartbeat myself with this shitty deal!

  45. tru blue tru blue

    PSB 6:43am – >>It amazed me how de los Angeles>>hahaha!
    Those types of thieveries are no longer amazing. When it comes to dipping their sticky fingers into the kitties, somehow their minds work at it’s best. The Philippines is a failed state, there’s lawlessness in every corner, it’s a Mardi Gras! They don’t even have to improvise their jokes – they do their stupidities infront of the poor filipino people unmindful they’re being watched
    globally.

  46. tru, these crooks are not even human. They are pachyderms! They know they can get away with it, with impunity. Look, who’s in jail, them or their enemies?

  47. tru blue tru blue

    TT – >>Look, who’s in jail,them or their enemies?<< This phrase takes me back to the low-profile activists/farmers such as Jonas Burgos, James Balao, and others who just disappeared only for issuing moral challenges to this regime. How could these activists be a virtual “threat” to her throne when they’re only armed with shovels and rakes???

    Sometime ago, didn’t Honasan and Lacson went into hiding on separate ocassions and supposedly a posse of Arroyo henchmen were hunting them down? Fast forward, what happened to their cases?, flushed down the Pasig River never to be heard of again – they even became senators again! Another Shakesperean play in the world of Philippines politics. Nothing new, then again, we can only hope na sana “balang araw eh”………..

  48. Mon Mon

    Martinez, Joc-Joc, Garci, Abalos, et al.

    Padami ng padami ang pangalan; wala namang napaparusahan…

    Kaya, papaano nating mahihikayat ang taong bayan na “manindigan” at “ipaglaban” ang buod ng demokrasya na napakatagal ng ginagahasa ng mga nakaupo sa pamahalaan?

    Ano ang maipapakita nating magandang halintulad sa mga kabataan na kapag nanindigan at pinaglaban ang wasto, ang makikinabang ay ang sambayanan?

    Sir BGen. Danny Lim, nakakulong. Nanalong Senador si Trillanes, nakakulong.

    Yung mga dating nakulong sa kanilang paninindigan at pakikipaglaban isang henerasyon na ang naraan? Yung hindi bumigay, nanahimik na sa pribadong buhay. Yung ilan? Nakisali na sa pandarambong. “Kaliwa” man, o “Kanan.”

    Hindi na nga makaugapay ang mga Pilipino sa paghahanap ng ipapakain sa kanilang pamilya, kaya papaano pa sila mapapapaniwala na nasasa kanilang mga kamay ang ikagaganda ng kanilang kinabukasan.

    Ang mga may *pinag-aralan* at may kaunting ikinabubuhay upang hindi sila mataguriang maralita o kahig-isang tuka – papaano natin sila matutulungang makita ang halaga ng pakikibalikat para sa pagbabago? EDSA 1 & EDSA II? Ano ang bunga?

    At aasa pa tayo na ang komputerisasyon ng halalan sa 2010 (kung mayroon man) ay gagawing patas at wasto? Isusulong para sa ikabubuti ng sambayanan?

    Hindi pa nga tayo nagigising sa bangungot na ang Pilipinas ay matagal ng bulok, at lalo pang nabubulok sa tuwing nababago ang pamunuan. Ang pangsamandaliang *euphoria* ng EDSA 1 ay parang nagising, bumangon, umihi,sumarap ang pakilasa, at bumalik ulit sa tulog at bangungot.

    I was young enough and idealist enough to literally have stayed on EDSA 1 the whole stretch of that event; my personal lesson?

    My very biased personal view – There are only two ways to usher in a rebirth of our aborted sovereignty and reshape the bastardized culture:

    1. The people strive to personify the very virtues they wish their leaders must have. This is the long and arduous way, but a far lasting “medicine.*

    2. A few good ladies and gentlemen lead the creation of an atmosphere wherein people will and can do *# 1.* a little bit faster, before we bury whatever is there of Iniibig kong Pilipinas.

    Martinez, Joc-Joc, Garci, Abalos, et al. Tanong ng taong-bayan: “eh ano ngayon?”

  49. Eggplant Eggplant

    I like the title of this post, “Magpalamig Muna.” Kung baga sa mga kawatan at kriminal kapag nakagawa sila ng kalokohan o krimen at mainit na naman sa mata ng mga parak, magpalamig muna. Kapag nakalimot na ang madlang tao, lalabas na naman ang mga tinamaan ng magaling at gagawa na naman ng katarantadohan.

    Ang hirap kasi sa atin kukunti lang ang mga matitino, oposiyon man o maka-administrasyon. Kapit bahay nga natin kung walang nakakakikita sa kanila ay nagtatapon ng basura sa harap ng iyong bakuran. This is how desperate we are in this country.

    Kung bakit hindi ang mga buwiset na scammers na iyan ang nakakakulong at patawa-tawa at pangisi-ngisi lang sa mga imbestigasyon ng Senado at Kongreso sa halip na sina Trillanes, Lim, at mga iba pang magigiting nating sundalo.

    Mukhang cycle lang itong lokohan na ito; ngayon ay adminstrasyon, bukas oposisyon naman marahil. At hindi lang iyan pati itong mga KB (Kabataang Barangay) officials kuno ay marunong na ring mangurakot at nagpapagamit sa mga lokal na pulitiko.

    Kapag tumanda na at hindi na humihinga pa ang isang korap ng opisyal, bukas makalawa may bata-bata diyang papalit.

    Ano ba talaga kuya Eddie ang ating gagawin? Kung wala naman maglalakas loob diyan para sila kontrahin wala na tayong ipinag-iba pa sa isang magulang na basta na lang natin ibibigay sa mga buwaya ang ating mga anak para sila’y sagpangin.

    Tuloy lang ang laban kahit hanggang ngawa lang tayo. At least alam nila na may nagmamatyag at lumalalaban sa kanilang pagmamalabis.

  50. Eggplant Eggplant

    Kung puwedi na nga lang na daanin na lang sa suntokan, kapag natalo ang mga kurakot kulong sila. Kung hindi hampasan na lang ng silya. Kung sino ang babagsak dalhin sa Munti. At kung maari sa utotan na lang, kapag sinong hindi na humihinga pa (sana itong mga korap at kurakot) itapon lahat sila sa kumonoy.

    Kay ganda ang bansang ito na binaboy at pinagsamantalahan ng mga halimaw na iyan.

  51. Eggplant Eggplant

    Mon sunogin mo na lang ang iyong listahan.

  52. chi chi

    For a ‘temporary’ rebirth of Pinas, there’s only one way to achieve it. Putulan ng leeg ang mga garapal at baboy with Gloria and Mike Pidal as sampols first. The citizens can take it from there.

  53. Retirado na siya sa 14, so puede na siyang dakpin, no executive order para sa immunity from prosecution kung sakali. Kaya siguro dini-delay ni Gloria Tapalani ang pagre-retiro ng unggoy na iyan. Let’s see what happens sa ginagawa ni Roxas.

  54. Mon Mon

    Hehehe… Egglplant, matagal na akong tumigil maglista. Ika nga ng dating mga sari-sari store, lista na lang sa tubig, wala din namang nagbabayad (sa krimen).

    Gaya ng sabi mo, malaking tulong ang pag ngawa. Bagama’t sinubukan ko na dati ang lumampas sa ngawa, wala ding nangyari. “God will not change the condition of man, unless man himself change the condition of his heart.”

    Ang sakripisyo nina BGen. Danny Lim, et al ay hindi bago. Mahigit sa isang henerasyon na ang lumipas, sinubukan na din ito. Ang problema, kahit madami ang umaamin na bulok ang sistema at baluktot ang kultura, iilan lang ang handang “mag taya bato.” Ibig sabihin, ang iaalay kasukdulan, hindi lang buhay [hindi ito kahirapan], kundi ang mga mahal sa buhay – ito ang pinakamahirap gawin.

    The danger to oneself is easily acceptable for one who has a steadfast belief on what is the right thing to do. It is the threat on loved ones that easily complicates everything. Tama si Gat Jose Rizal – nasasa kabataan ang kinabukasan; sapagkat dala nila ang puso at isipan na puno ng pangarap, nang walang bibiting mga anak o asawa.

    There is no half-measure to address the decay our country is in today.

    Hindi popular at kahit kailan man yata ay hindi magiging popular ang nasa isip ko. Katanggap-tanggap lamang ang ganito kapag tapos na at pangita na ang kahihinatnan o kinahitnan.

    It is human nature to embrace and appreciate what is *profitable* in any sense. The incarceration of the few good men is a big blow to the sense of our people that this country is worth fighting for. Sadly, the same people are mostly incapacitated to act in support of what BGen. Danny Lim and people like him did.

    It is utter insensitivity to expect people to give all they’ve got when even those who had the guns to back up their ideals simply end up behind bars.

    Kaya kahit ano pa man ang itawag natin sa mga kagaya ni GMA, hindi nito mabibigyan ng lunas ang ating kinsadlakan. What we all face today is way beyond personalities. Name-calling may help us vent out the frustrations, but the bottom line is – the problem is systemic.

    Either we trust the evolutionary process, or be prepared for a revolutionary approach. The old set of beliefs and accustomed-preferred manner of doing things need to be set aside if we do wish this country to find the collective sense of direction.

    Critical mass simply follows the lead of the few – who succeed.

    To stay with the thread, we may need to cool our heels. Magpalamig muna, not because we are fed up, but to assess what needs to be done. SEC’s connivance with the “mighty and powerful* is not new. What is *new* is, the sh*t that hit the fan happens to be too big to sweep under the rug. But the bigger sh*t? Mas malakas ang ginagamit na deodorant…

    Pag nakulong si Marinez, I owe a pizza 🙂

  55. Mon Mon

    Oops! *Martinez*

  56. Valdemar Valdemar

    Wawa naman sila Hinola at Santos. they could be new history. The senate investigation is very serious but after that, no one is serious at all.

  57. rose rose

    “Beware of the Ides of March!” Pag retire the Martinez sa March 14..he will be handed not only a first class ticket but also his retirement papers..at magpapalamig na siya sa America…o kaya sa Russia.. dapat bantayan ang mga kilos niya at ang mga nakapaligid sa kanya.

  58. vic vic

    But can you believe this? who will be investigating who? Yes the Head of SEC, Fe Barin will be investigating Martinez and now we can conclude that this is another punch and judy show..

  59. MPRivera MPRivera

    gusto nilang magpalamig?

    ‘langya talaga ‘tong mga galamay ni senyora gloria dela cara mi garapata, oo! ano’ng gusto nilang palamig, libre?

    o, sige. kahit libre. para matapos na ‘yung mga kasuwapangan nila, ipagtitimpla ko sila ng libreng MURIATIC ACID SHAKE!

    mga hidhid! damihan n’yo inom, ha? dapat bottoms up!

Comments are closed.