Let’s pray for the two officials of Legacy Group of companies who have come out, despite threats to their lives, bringing with them documents that would prove the crime of Celso de los Angeles against the thousands of investors of the company.
Carol Hiñola, Legacy’s senior vice president and Namnama Santos, the chief finance officer, sought the help of Philip Piccio of the Parents Enabling Parents (PEP) Coalition that is helping victims of pre-need companies who have failed to meet their obligations to their members.
Piccio described the documents that Hiñola and Santos have as “smoking submachinegun.”
It’s horrifying, he said in terms of the brazenness of the crime and people in government who are involved.
That’s probably why despite the fact that he has been on TV the whole day yesterday, none of the members of the Bangko Sentral ng Pilipinas and the Securities and Exchange Commission have contacted Piccio to find out about those documents. Those government agencies are supposed to be investigating Legacy.
Probably because they are afraid to confront the truth. Piccio said the documents showed that some members of Congress, an official of the SEC, and some in the Executive Department are getting consultancy fees from Legacy.
One of the names mentioned was Parañaque Representative Eduardo Zialcita, who was allegedly receiving P100,000 a month. ABS-CBN showed a pay-to-cash cheque dated Dec. 6, 2006 from the account of Legacy Consolidated Plans Inc. encashed by Leila Omana, a member of Zialcita’s staff.
There was also a request for payment from Zialcita’s office.and a check dated April 11, 2007.
But this is what scared me. Zialcita appeared on TV denying the allegation about consultancy payments from Legacy. He didn’t fidget or evade the issue. He looked at the TV camera straight and said, “No that’s not true. There’s no such thing.”
Our traditional picture of thieves is that with half-covered faces. What we are dealing with are a different breed.
Hiñola and Santos said de los Angeles urged them to go abroad but they refused and decided to tell the Filipino the truth.
They, together with Piccio, need our support.
OMG, Ellen, kinilabutan ako sa kwento mo kay magnanakaw na Tongressman Eduardo Zialcita! Sino-sino pa kaya ang mga animal na involved dito na nagnakaw ng kinabukasan ng mga bata? Pangalanan na!
Pinas needs more Piccios Jimeolas and Santoses, siguradong tataob ang pekeng gobyerno ni Gloria sa dami ng ““smoking submachinegun.”
Yung mga nagtatago, lumabas na kayo, gayahin ang tapang ng mga pinoy na ito!
Dasal…dasal…dasal pati para sa kanilang kaligtasan.
Palpak yata ang mga tauhan ng Bangko Sentral at ang Securities and Exchange commission.Bakit napabayaan nila itong pinag-gagawa ni Delos Angeles sa kanyang pagatasang companya na Legacy Group of companies.Wala na yatang binatbat ngayon ang mga Legal and investigating team ng Central Bank.
Ng panahon pa ng kuya ko ng nasa Legal and investigating team pa siya diyan sa CB panahon ni Licaros,kalaboso na iyang si Delos Santos at naliit na ang mga ninakaw niya at sampung padlock na ang nakapasak sa lahat ng pintuan ng opisina niya sa kumpanya.Mabuti kung sisikatan pa ng araw iyang si Delos Santos na iyan.Maburo na siya sa selda.Noong panahon ni Marcos kapag guilty ka ay kulong ka lalo na kapag ang kaso mo ay pamunta kay Judge Pamaran.Hindi nababayaran ang mga huwes noon at piskal sa ganyang kaso.May mga integridad noon ang mga abugado.Ngayon binaboy na nila ang hustisya,kaya iyung mga matitino na marurunong noong panahon ni Marcos ay nandito na sila sa America at nag-umpisa munang maging security guard.Ngayon ay tumatangap na sila ng Social Security pension.Maraming mga kuwento na kapupulutan ng aral ang maririnig sa kanila habang nagmamajong.
cor::Delos Angeles pala.Hindi Delos Santos.My finger mistake.Hehehe!
Ang nakakagalit ay Pre-need industry ito. Bakit kailangang ang mga magnanakaw na government officials at Tongressman ay magsawsaw ng kanilang very dirty fingers dito. Wala silang patawad sa kasakiman, kapatid sila ni Madoff!
Chi – saka lang lalabas ang mga ipokritos/ipokritas kung yong “cut” nila eh, kulang na kulang. Yan ang pinaka-normal sa mga kawatans. Just look at Neri, father and son JDV, and others.
What this country needs is a “Marcos” without his corruption. Or a “no Fear” General who would rally his entire troops, round up Gluerilla, her piggy and whole cabinets then shoot them all in Public’s view. Only fear will change this country’s direction, until then the poor majority will just have to look up to the almighty and silently say “balang araw, aahon di ang bayan natin”.
Ang mahirap kapag hindi sila (Hiñola and Santos) makokontrol o mapatahimik ng mga Ganid Gang, ang mga pamilya’t kamag-anak nila ang pag-iinitan. Babantaan silang dalawa na kapag hindi sila tumahimik, kikidnapin o lilikidahin ang mga malapit sa kanlang buhay. Iyan pamamaraan ng sindikatong gobyerno natin para huwag kumata ang mga witnesses. (Heto, ayon sa balita ng ‘Unang Hirit’ sa Broadband TV meron na namang isang newsman ang tinambangan sa Cagayan de Oro City para tumahimik. Buti na lang at nakaligtas siya).
Kawawa ang dalawang ito kapag walang tutulong sa kanila kontra sa mga nagti-threat dahil lamang sa paglalahad ng katotohanan. Hindi na maasahan ang CBCP dahil nasobrehan na ang mga pag-iisip nila. Wala na tayong maasahan sa mga Pulisya at Militar para magtanggol dahil wala na silang balls dahil kinapon na ni Gloria Ganid (di ba yaya Yano?).
Makakatulong ang mga News Organizations sa kanila sa pamamagitan ng pag-iingay sa balitang ito. Ilagay lagi ang mga updates sa frontpage, sa kanilang websites, sa TV News and Documentaries. Huwag silang matakot sa ‘Right of Reply’ bill. Walang dapat makialam sa malayang pamamahayag ng mga tagahatid ng mga katotohanang mga pangyayari.
Dapat nang gumising, bumangon at magkaisa ang mga Pilipino na palayasin sa Malakanyang ang mag-asawang Ganid na modelo ng mga kawatan at siyang nagpasimuno at nagpalala sa walang tigil na kurakutan at nagbaboy ng lahat ng institusyon sa ating bansa.
Bow ako kay Philip Piccio. He could’ve just dismissed his experience in Pacific Plans as an investment blunder and charged it to experience. He instead chose to lead the fight and taking it a notch higher now by including Legacy victims under his crusade, which, for a long time, looked like a quixotic adventure.
God bless my friend Philip in his fight against the greed of crony businesses. Ditto to the witnesses who came out to expose the crooks and their patrons.
Nothing new as a matter of fact. Kaya nga sabi ko sa ibang loop, nakakasanayan na ng mga pilipino ang pangungurakot that the criminals there in fact now make the non-criminals now look like the bad guys.
Iyan ang talagang legacy ni Gloria Macapalgal, et al,— pakapalan ng mukha!
Kawawang bansa! Labas niyan Sodom and Gomorrah!
Piccio? May lahing Italiano? No wonder matapang siya!!! 😉
Chi – saka lang lalabas ang mga ipokritos/ipokritas kung yong “cut” nila eh, kulang na kulang. Yan ang pinaka-normal sa mga kawatans. Just look at Neri, father and son JDV, and others.–Trublue
Agree ako diyan sa sinabi mo ng siento dies porsiento Parekoy.
Bakit nga ba nating tatanghaling bayani itong mga tiga-pito samantalang alam nila noong una na mali na ang ginagawa nila.Ngayon at wala ng tubig na umaagos sa gripo ay saka sila magreklamo.Ang tawag ko sa ganyang tao ay mga lipi ni Hudas.Sana kahapon pa ang panahon ng hapon.
Agree ako sa pananaw mo na takot sila kay Marcos noon.Tinanghal na Bayani sina Enrile,Ramos at Honasan dahil kumalas sila kay Marcos,mga hudas din ang mga iyan dahil nagtamasa rin sila sa mina ni Marcos.Sabi nga ng Kuyang ko,pag-alis ni Marcos ay mag-aaway away na ang mga hudas.Iyan na nga ang nangyari.May pusong manon din si Marcos ang sumira lang sa kanya ay bumili ng maraming sapatos si Imelda.Pero may buti ring nagawa si Imelda,naging role model siya sa mga babaing gustong pumuti at gumanda,Kuinulang lang sa taas si Gloria kaya ginagawa niya ang lahat para tumangkad siya.Ang magsakit si Marcos ang nagtanim si Pandak ang nag haharvest.Sabi nga ni Ay-Ay iba ang kumain dahil diet siya.Palpak ang comedy ni Delas Alas.Malayo sa bituka ang ibig sabihin.Mas mabuti pa si Pokwang sa kanyang “Ekscalibos,Ekscalibos,Go!” mabuti na lang at lagi siyang naka short sa ilalim ng palda at pinapatungan ng christmas decor lagi ang ulo niya.Hinihintay ko na ang Big Ben ang gawin niyang kuwentas at tignan ko kung maisipa pa niya ang paa niya sa ere.
ORIMUS,AMIGO!!!!
By now, dapat maghanap na ng refuge ang mga witnesses gaya ng La Salle that has provided Jun Lozada and family sanctuary. Siguruhin lang nilang di sila doon pupunta sa mga pari at madreng nakasahod ang mga kamay kay Gloria.
Come to think of it. Baka mamaya magising na lang tayong nagtatayuan na ng mga refugee camps sa Pilipinas with this kind of harrassment, etc. ng gobyerno ng mga kriminal. Heaven forbid! Pero di malayong mangyari! >:-0
Hiñola and Santos qualifies as whistle blowers of some sort… and all know how whistle blowers are treated nowadays…
let’s pray for their safety…
From Gener Espino:
Paano na kaming maliliit na mamamayan kung walang katulad nyong media na sumusubaybay at bumabatikos sa garapalang nakawan at tiwaling Arroyo administration and family
Salamat po sa inyo at sa lahat ng kasamahan nyo sa media.
Ang dapat gawin dito kay Celso Delos Angeles ay kunin ang lahat ng mga ari-arian niya para kahit kaunti ay may balik sa mga investor.At kung kulang pa ay sa kulungan lang ang pahinga niya pagdating ng alas dose ng gabi,paghukayin siya ng imburnal na may nakakabit na bolang bakal sa paa hangang sa makabayad siya sa lahat ng mga atraso niya hanga sa pinakahuling sintimos.Isama na rin iyung lahat ng mga kakuntsaba niya.
Including Hinola and Santos.Let them suffer.Sa totoo lang ay wala akong awa sa dalawang iyan kahit na isang trak na puno pa ang naipon nilang mga ebidensya.Alam na pala nila ng kalahati lang ang laman ng kahon bakit hindi na sila pumito noon at hinayaan pa nilang manloko ng mga maraming kawawang nilalang.Sakalin ko pa ang dalawang iyan.Anong ipagdarasal ko sa kanila,sana maghirap din sila para maranasan nila ang hirap na kinahaharap ng mga nabiktima nila.
Marami na akong nakitang ganyang modus operandi wa epek na sa akin ang mga drama na pa crying crying pa at gustong maging bida.Sige nga,papano na ang mga nabiktima ninyo?
Lumaban kayo ng patas para wala kayong problema sa batas.
Nauuna na naman ang balita, kaya may chance na makidnap o maliquidate o magkabaliktaran later on. Kung haharap sila sa investigation, saka nila ilabas ang mga smoking gun, right then and there, hindi iyung ibinabandera muna sa balita. Nakupo, hindi na mga natuto.
On the other hand, their coming out will prevent the perpetrators of the scam from doing them harm.
The reason why they want to harm those upright Legacy officials is to prevent them from telling the truth. Now that they have started telling the truth, what incentive is there for them to harm these two. Besides those that have been mentioned would be suspects if anything happens to the two.
Problem, Ellen, as you have stated in the above article, they can face the camera straight and can never feel shame.
Just look at those pictures of the criminal couple. Parang nakakaloko pa ang ngisi like the picture in Boracay of Gloria the Puts as if saying, “Com’on, catch me if you can!” >:-0
Wala sa bokabulario ng mga magnanakaw ang SHAME
Kung mayroon silang SHAME ay hindi sila magnanakaw.
Baka magaya sila doon sa Sammy something ba iyon? The guy who went to hide in a convent in Guadalupe pero pinagkanulo noong mga pari at itinaboy? Kawawa naman. Hopefully, may magtatanggol din sa kanila like the LaSalle priests and nuns who are protecting Jun Lozada kahit na lagyan pa ng surveillance something sa harap ng convent na kunyari pa raw para sa traffic control.
Sabi nga, “Tuso man daw ang matsing ay napaglalanganan din!”
You don’t have to worry about Sammy Ong.He knows what he is doing.He was a former NBI agent and I know all his friends who are living here in America we always play majong.
grizzy,
hindi mo na basta basta malalansi ngayon ang matsing. Sa mundong ito panalo iyang mga magnanakaw na iyan. Hanggat walang kongkretong ebidensiya na magdidiin sa kanila, hanggang walang ngipin ang mga ahensiya ng pamahalaan lalo na ang korte na lilitis at maghahabol sa kanila, nakatawa lang ang mga iyan habang tayong lahat ay puro himutok na lamang. Tumataas tuloy ang benta ng mga botika sa mga gamot na panlaban sa hypertension. Ayan nabanggit mo si Lozada being protected by the priests and nuns, wala pa ring nadidiin sa kaso ng ZTE bagkos ang kawawang mama pa nga ang sinampahan ng katakot-takot na kaso.
At hanggang nagkakawatak-watak ang mga Filipino at laging pansariling interest lang pinagtutuonan ng pansin, malakas pa sa diablo ang halakhak ng mga kurakot at magnanakaw na iyan. At tayo naman araw-araw na nandito tayo ngawa ng ngawa para tutulan ang kanilang ginagawa. Ngunit sagad na yata sa buto ang kanilang kasakiman na kahit ano pa ang ating sabihin ay musika na lang ito sa kanilang pandinig.
Action hindi lang ngawa ngunit papaano, kailan, at sino ang mamumuno?
Pare Cocoy,
Wala nga sa bokabolaryo nila ang salitang SHAME, kaya ang nararapat sa kanila ay FLAME. Ang dagat-dagatang apoy ng impierno.
Tama si Pareng Cocoy, si Sammy Ong ay matalino pa sa matsing, marunong iyang lumaro. Nasa kanya ang huling baraha pagdating ng panahon.
Pareng Cocoy
Buhay na naman ang negosyo mo, nagbalikan na naman ang iyong mga parokyano. Congrats. Regards na lang sa lahat ng mga katropa doon.
Wow, hindi lang pala ang mga nasa gobierno ang nagnanakaw, pati na rin yung nasa pribadong kalakalan. It is an epidemic! Seeing the pandak and her piggy husband setting the example of cheating, stealing, killing etc and getting away with it, sets a very bad example for all.
I was watching de los Angeles when he was being interviewed and he was in complete denial of what he did leading to the collapse of the Legacy Group of Companies.
parang napanuod ko na yata yang tungkol sa dalawang star witness
at parang pumaparehas sa napanood ko ang nangyari
pinaniwalaan ng hustisya/gobyerno ang kawatan
sa napanood ko eh
in the end nakikitira na lang yung star witness sa mga madre kasi sinira ng kalaban nya yung career nya
yung mga kawatan nakagala padin at kasalukuyang kawatan pa din at gumagawa na ng plano para daw sa istimulus pands na malamang eh tig 500pesos para sa mga mahihirap na pipiliin pa ng kapitan ng barangay kung kakampi at willing lumuhod sa harapan ng pang(gok)ulo
isa pang komento eh
maniniwala kaya ang hustisya sa dalawang ito
eh yung world bank nga eh hindi nila pinaniwalaan yung report
These tongressmen will never be exposed. Take the case of the Bolate, none of the governors and tongressmen who benefitted from the fertilizer money were named and prosecuted. Paano ang mga tongressmen ang nagtatakipan ng kanilang mga kasalanan!
Corruption has become more that a terminal cancer in the Philippines. Grabe na talaga. Everytime a big time corruption is uncovered, there is a senatong or a tongressman or head of the state dipping their fingers in the loot! These criminals should be shot like what they do in China! Para madala ang mga nagiisip pa lang na magnakaw.
I hope these two brave women whistle blowers will not be likened to the others who came before them like Sandra Cam, Joey de Venecia and Lozada. It is so sad that the criminals get away so quickly and those who are on the side of the truth are prosecuted or even jailed or even killed. Very sad indeed!
cocoy Says:
March 6th, 2009 at 2:24 am
Palpak yata ang mga tauhan ng Bangko Sentral at ang Securities and Exchange commission.
=================
Lahat kamo, lahat ng ahensya ng gobyerno naging palpak at inutil mula ng umupo yang peking presidente na si Gloria Arroyo…
Grabe, mamili naman kayo ng nanakawin… thats a pre-need, nakaalaan para sa kinabukasan ng mga bata… isang maliit na puhunan ng mga ordinaryong tao para makaahon sa kahirapan at para mapaghandaan ang kanilang kinabukasan… sa ganitong pangyayari, hindi lang pera ninakaw nyo… ninakaw nyo na rin ang kinabukasan nga mga batang Pilipino…
Sobra na to, Sagad na sa buto to!
Dapat mailabas ang mga pangalan ng mga nasa gobyerno na nagsamantala sa mga kawawa nating kababayan…
sa mga naloko, pag hindi pa din kayo lumaban, ewan ko na lang.. kayo na ang dapat sisihin!
sa mga may kakayahang lumaban, sa mga may kakayahang tumulong sa mga kawawa nating kababayan… please lang…. magtulong tulong tayo… do your part… gising… hindi na dapat palampasin to!!
Eggplant Says: …..Nasa kanya ang huling baraha pagdating ng panahon?
Parang sinabi mo na sa pagputi ng uwak at pag-itim naman ng tagak! Nawa e may panahon pang nag-aantay sa kanyang laban, kasi nga po ang punto de vista sa labang ito e dapat ngayon natin kailangan ang kanilang tulong sapagka’t dito naksalalay ang ating minimithing pagbabago sa ating lipunan.
RE: …,lahat ng ahensya ng gobyerno naging palpak at inutil mula ng umupo yang peking presidente na si Gloria Arroyo…
As you said Pearl, maliwanag pa sa sikat ng araw ang iyong tinurang…ang kawalang transparency sa gobyerno de bobo ni gloria ang siyang sagwil sa pag-unlad ang ating Inang Bayan.
Aba e mahaba na ding panahon ang pagtitiis ng Masang Pinoy at talagang masasabi nating masyadong matiisin ang bawat isa upang lunukin ang kawalanghiyaan ng mga naka-upo sa rehimeng ito.
Hangga’t ang Pinoy e walang bait sa sarili e wala tayong aasahang pagbabago sapagka’t recycle issues ang siyang pinagtatalunan sa iba’t ibang character na gumaganap nito.
RE: …maniniwala kaya ang hustisya sa dalawang ito
eh yung world bank nga eh hindi nila pinaniwalaan yung report?
Is that you felemun, aba e kinakanta ko yang aliases mo ah noong akoý nagpapastol pa ng kalabaw noong araw!
Well glad to meet you here at Ellenville garden, alam mo di ako mapalagay kasi nga e tumpak ang iyong winika sapagka’t sasalahulain lang yang 2 wistle blowers na yan at wala ding mangyayari sa usaping ito.
Diyan magaling ang ating hustisya, puro umpisa ang pagsisiyasat at heto saka itetengga, so wala talagang pupuntahan yan…buti pa e magsitigil na sila till na magkaroon ng tunay na matitinong husgado na uupuan ito.
Don’t lose hope, Balweg. Think positive. Ano naman ang gusto nyong mangyari, maghintay na lang tayo hanggang magsawa si Gloria sa kanyang kaharian.
We should do things because we believe it is right. Whether it will succeed or not, bahala na ang Panginoon but we should keep on fighting for what we believe is true and right.
Ang kalaban mo , kailangan baliin mo ang kamay, paa, bugbugin mo nang husto kung puede lang ay patayin mo na Para pag dating ng panahon hindi na maka-ganti pa sa’yo, o mahihirapan siyang makaganti pa.
Ganyan ang ginagawa nila Arroyo, winawasak niya ang pilipinas para pag alis nila matagal bago sila magantihan . Hindi natin kaya ang kapal ng mga Mukha ng magnanakaw sa panahon ngayon . Walang sinabi yang mga nasa Muntinlupa dahil mas mahiyain pa sila.
Except for prayers what else can we do to help and protect whistle blowers such in the Legacy case? It is sad to think that government is “inutil” in protecting its citizenry in the case of the Legacy whistle blowers. For sure those who fear being implicated in the Legacy fiasco are also praying hard that these whistle blowers disappear from the surface of the earth. They may even be planning to do it themselves, make the whistle blowers disappear. Maybe these whistle blowers should execute affidavits identifying those that threaten their lives, detailing the threats. Should it happen that harm comes their way, then the affidavits can be a basis of going after those who threatened them. It hurts to imagine our lawmakers, government regulators and even the Bangko Sentral being part of the scam to defraud the citizenry of their hard earned money, hard earned savings and their future. This is not only criminal – it is satanic. These criminal have sold their souls to the devil and all of them are destined to the depths of hell. I say to them – bon voyage.
Pardon me, Ellen but I want to share this with the group. Yesterday, after meeting my mom, I decided to eat at McDonald’s San Pedro, since it was about lunch time. I was stunned by the number of cops that was surrounding the place, about 10 of them all armed with M-16 rifles and a few more inside the resto. I saw a boy playing by his lonesome in the indoor playground. Then 2 women in barong called him, one covered his head with a towel and she hugged the kid close as they walked out. They left and they all boarded two Commission on Human Rights ambulances and two backup Police vans.
I asked the security guard of McDo who the VIP was and he replied that the VIP was the child. He was a witness and was going to Biñan RTC to testify.
I later saw in the TV Patrol that this kid was the eyewitness to the RCBC holdup/massacre at Santa Rosa’s Science Park where 11 bank officers and one client were killed.
It is a rare occasion that we personally witness a government office of this regime actually doing their job. And doing it right. The CHR, hands-down, is probably the only gov’t office consistently doing its job even if it means crossing swords with the deadly scoundrels both inside and outside of government.
Mabuhay ang CHR!
May God bless the kid. Like all the other witnesses who have decided to come out and divulge wrongdoings, they all deserve our support and prayers.
One sidelight story regarding Philip Piccio
I read it was during Philip’s wedding that the RAM-concocted plan to CAPTURE all the the major service commanders, including Fabian Ver and many ministers of government who were supposed to attend that wedding in Nichols Air Base’s chapel that would kick-off the Feb. 22, 1986 coup d’etat. Philip’s father, Maj. Gen. Vicente Piccio, was the PAF Commanding General at the time.
But early morning of Feb. 22, the RAM in the security detail of Roberto Ongpin bungled their operation and the coup was unveiled that by noon, Marcos was seen on tv announcing the discovery of the military coup.
FYI.
Slip of the TonGuE:
“sidelight” should be “sideline”
yes, tt philip is the son of mgen vicente piccio jr the commanding general of the philippine air force during the edsa 1 era. i understand he is a kababayan of ellen, i think he is from benison, antique. he deserves our prayer for his fight for what is right. hail, philip
Oh,so Philip belongs to the Piccios of Antique. I should have thought of that!
The Piccios are from Belison, Antique.
Yes, CHR under Leila de Lima is one agency gives us hope for this country.
BTW, De Lima has asked Harry Roque to handle the case of the victims in the RCBC robbery /murder case.
ret-ak,
The general, I understand is from Iloilo, but the wife, a Hernandez, is from Antique.
Pareng Cocoy
Buhay na naman ang negosyo mo, nagbalikan na naman ang iyong mga parokyano. Congrats. Regards na lang sa lahat ng mga katropa doon.–eggplant na talong
============================================
Iyun ba sa Parecoy.Nagiinuman lang sila ng Kirin Beer at namumulutan ng sashimi dahil pinapa-impress nila si Zanjoe Marudo mismo na nagbabasa ng mga comments nila habang recess sila dito sa Class natin kay Ellen.Mga iba nag cutting-classes pa nga dito para makipag-inuman lang doon.May padala nga ng solong picture si Zanjoe at si Benigno na galing ng Australia habang nagpapakain siya ng kangaroo sa aking e-mail at ipinoste ko doon na parang trampulin ni Bayani Fernando sa MM.Mas pogi raw si Benigno kay Zanjoe.Kayo na ang humusga kung may similarities nga sila.
Ito palang sina Carol Hiñola, Legacy’s senior vice president and Namnama Santos, the chief finance officer ayun kay Celso Delos Malas ay mga BMW pagpasok nila sa opis.Kita mo nga naman ang mga nag-mamakaawa samantalang marami silang mga niloko na nagtiis sumakay sa pampasaherong jeep na kung misan nakabalot pa sa banyo ang barya na kung mahulog ang dies ay hindi na sila makakasakay at maglakad na lang kahit umuulan.Buhay nga naman talaga parang life.
Tapos ipagdadasal ko sila.Susmaryosef naman Marianong Garapon!Ikaw na lang dahil hindi ako pakikingan ni BRO.
Himala!Absent yata si Bitchevil dito sa subject na ito.Ayan sagad na sa singkwenta itong post ko.
Eggplant: At hanggang nagkakawatak-watak ang mga Filipino at laging pansariling interest lang pinagtutuonan ng pansin,
*****
Sinabi mo pa. Kaya ako ang policy ko, hindi ako sumasali sa mga movement na maaari akong magkaroon ng personal vested interest kasi nawawala ang kahulugan ng pinaglalaban kaya pet peeve ko for instance iyong pagpapaalis ng mga Japayuki sa Japan noon. Successful naman with the passage of the new Immigration Law barring these women from coming and working in Japan. Kaya mabilis ang antenna ko doon sa mga lumalabag ng bagong batas.
Tungkol doon sa sinasabi mong walang ebidensiya? Mali. Maraming ebidensiya pero sadyang tinatago para iyong mga criminal sa Malacanang, hindi matanggal dahil na nga doon sa mga nakasahod palagi ang mga kamay. Pati nga iyong mga pari nakasahod din ang mga kamay na kasabwat pa sa lahat ng mga ka-ipokritahan ni Gloria Dorobo.
Kahit ano pang pagtatanggol noong mga spokesperson niya na religious siya, etc., sunog na ang kaluluwa ng animal na iyan. Hindi puede iyong palusot niyang wala siyang kinalaman sa mga katarantaduhang ginagawa sa paligid niya sa langit sa totoo lang. Maski sa Bible malinaw na sinasabing pag nag-lider-lider, kailangang umako ng malaking responsibilidad. Di puede iyong paglalandi ni Gloria.
Sinabi mo pa, Ellen, and when it is right, you can bet your bottom dollar, the Lord above will be there to guide, bless and protect one willing to fight for truth and right. I have a testimony of that.
Sabi nga, “But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise; and God hath chosen the weak things of the world to confound the things which are mighty; ” (1 Cor. 1:27)
Perl
Ito ang response ko sa iyo.
Talagang palpak na ang mga ahensya ng gobyerno kahit na noong panahon pa ni Ramos hanga ngayon.Wala ng kridibilidad.Pinaghahatian na nila ang kopa ni Jesus Christ at hindi na nila pinapakingan ang tilaok ng manok ni San Pedro.Kaya kahit na marami ang may ayaw kay Marcos noon para sa akin mas maganda pa ang nagawa niya kumapara dito sa mga presidenti na sumunod na umupo sa silya ni Macoy at nagmana ng baston.
Pinabaril niya si Lim Seng dahil siya ang drug lord,ngayon itong mga nakaupo maraming Lim Seng sila hinuhakay sa libingan at binubuhay at nag-import pa.
TT:
Of course, magpapasikat si Gloria doon sa pinaka-boss ng RCBC. Abaw, sayang ang iaabuloy sa kaniya ni Yuchengco pag di siya magpasikat!
Besides, puede naman nilang ipahuli iyong mga salarin pagkatapos, bibigyan lang niya ng amnesty e di hindi na rin sila makukulong lalo na kung may kasabwat sa inner sanctum niya.
grizzy
Ibang usapan na iyang bank robbers sa pulitika.Kung para sa akin lang sagabal nga itong mga CHR sa pagsugpo ng krimen porke human rights violation daw.Papano nila masasabing human right violation kung masampal man ang mga bank robbers at murderer.Naisip ba ng mga holdapers at mga kriminal ang human rights ng mga biniktima at pinatay nila? Kung ako lang ang tatanungin ay huwag ng bistahan ang mga kriminal na iyan,todasin na lang para iyung mga kaso na nakabinbin sa kanila ay sa iba na ibaling ng Judge ang oras niya.
Saka ano naman ang connection ni Gloria sa mga bank robbers na ito?
May mga Piccio nga sa Antique..as a matter of fact may isang Mayor Piccio who met with the Antiquenos here in East Coast somg years ago..Isang kahangahangang tao siya..and if indeed he is from Antique..isa siyang bugal kang Antique..But there was a General Piccio from Antique..at kung taga Iloilo siya at least hindi siya gaya ni tiriring o ni siraulo..his roots maybe from Antique but he may have stayed in Iloilo to study…which is not unusual sa amin sa Antique.
may katuwiran si Ellen..hintayin nalang natin na mawala sa mundo si Gloria..everything has an end…and soon she will be gone…
Sinabi mo pa. Kaya ako ang policy ko, hindi ako sumasali sa mga movement na maaari akong magkaroon ng personal vested interest kasi nawawala ang kahulugan ng pinaglalaban kaya pet peeve ko for instance iyong pagpapaalis ng mga Japayuki sa Japan noon. Successful naman with the passage of the new Immigration Law barring these women from coming and working in Japan. Kaya mabilis ang antenna ko doon sa mga lumalabag ng bagong batas.–Grizzy
============================================================
Ipinagyabang mo pa na naging successful ang pagbabawal ng pagpasok ng mga Japayuki dahil sa iyo.May lahi ka ngang makapili.Bilib na sana ako sa iyo sa malasakit mo “kuno” sa Pilipinas.Kaya lang ikaw pa pala mismo ang pagpapahamak sa mga kababayan natin diyan na tumtiis ng hirap.
Alam naman natin na mga Japayuki talaga ang mga iyan na nagpupunta sa bansang hapon.Huwag mo naman silang tangalan ng pagkakitaan,Kahit ganyan sila ay may mga pamilyang umaasa sa kanila.Masaya ka dahil mapapauwi sila.Anong trabaho ang naghihintay sa kanila pag-uwi nila ng Pinas? Magsayaw sa Bokawi ng pa barya-barya lang at ititibol ng mga driver na mababaho ang kili-kili dahil sa sobrang pawis sa pagmamaneho.Mas mabuti na kung diyan na lang sila magsayaw sa Roppongi.
Sa katunayan kahit maging Yakusa pa ang mga iyan ay papasukin nila basta’t may maipadala lang silang “lapad” sa mga pamilyang umaasa sa kanila na naiwan sa Pinas.Isipin mo ang history ng Japan.Nag-puta rin sila sa China ng naghihirap pa ang bansang Japan.Mag research ka ng history ng “Rising Sun” para malaman mo.Kaya lang itinatago ng gobyerno ng hapon ang sikretong ito.Kasali ka nga ba dito,sa diet parliament? Ang alam ko kapag hindi ka Japanese ay hindi ka pweding makihalo sa pulitika ng Japan o kaya’y magtrabaho man o makialam sa gobyerno.Haponesa ang unang naanakan kong syota, hindi mo lang alam.Nakatira sila diyan sa Meguro-ku.Huwag mo uli akong mumurahin kung wala ka ng mairason dahil hindi ako namemersonal.Sa Totoo lang!
Re: “He didn’t fidget or evade the issue. He looked at the TV camera straight and said, “No that’s not true. There’s no such thing.”
Hah! Maybe the stupid jerk was saying to himself, “If Gloria can lie with a straight face and without batting an eyelash and even invoke her privileged relationship with God (you know, that she has conversations with God), why can’t I?”
Republic of Kapalmuks!
Slip of the TonGuE:
“sidelight” should be “sideline”
*********************************************
pareho din ‘yun! basta merong side.
hindi katulad ng mga kawatan tongpats na walang pakialam sa both sides.
ang gusto nila lahat ng kayang kutsabahin ay sa kanila magsa-side aside from taking all what is due to the other side.
mga tsuwapangs, eh!
Karamihan na ng mga Pinoy ngayon sa Pinas ay takot sila sa PSG (Patay Sa Gutom) kaya gumagawa sila ng paraan para makaalis lamang ng bansa at kahit na anong trabaho basta pagkakakitaan ay susuungin nila.Tapos lolokohin pa sila ng mga lintang gahaman at nanakawin ang pera nila sa scam.
“Republic of Kapalmuks!” Lol!
That’s it, Anna! Only one who’s “KAPALMUKS” can LIE and even look straight at the camera! Inherent na sa kanila ang Lying. Isn’t it there’s a byword: Mana-mana ‘yan! Puwedeng minana nila sa Pekeng president ng Kapalmuks!
Cocoy,
A sad fact but true that a lot of Pinoys ngayon sa atin ay takot nga sa sinasabi mong PSG. Kumakapit talaga kahit anong raket makaalis lang ng bansa. Just view the “Willie of Fortune” segment ng “Wowowee”. As a viewer, you’ll hear from the contestants for real thst qualifying for this show is their last hope of earning a few pesos and winning in the jackpot is a big bonus for them! I can’t help but cry oftentimes whenever I listen to their narrations! Maraming kawawa sa atin dahil sa mga kasuwapangan at kagahaman ng pekeng administrationg ito! Worst, pati private sector, ginaya na!!!
Balweg.
Masyado kang atat na makaganti sa mga pidalistas. Alalahanin mo na hindi umobra ang pagsugod lagi ni Bonifacio sa mga Kastila. Kung ang kalaban ay sobrang talino at mas tuso pa sa matsing, hinahon at utak ang dapat gamitin. Patience. Magtiis, mag-antay ng tamang panahon. Ang huling baraha ay laging huli, it doesn’t matter kung puputi man uwak, ang mahalaga consistent kang lumalaban sa ano mang paraan. Ang anay ay unti-unti niyang nagigiba ang isang bahay. E ano kung sa tagal nating paghihintay na managot ang mga pidalista ay natoto nang sumayaw ng tanggo ang mga palaka, ayos lang iyong pare ko. Hindi sa lahat ng oras nasa ilalim ang gulong.
Pareng Cocoy,
Sino ba tayo para pagbawalan ang pagpasok ng mga Japayuki sa Japan. Aba karapatan ng bawat tao ang pumunta kung saan nila gusto. Kung mismo ang Pamahalaang Hapon ang nagpapasok sa kanila bakit makikialam pa ang isang Pilipino para sila pigilin. At ano ang kanyang karapatan at malaking kadahilanan kung bakit niy ginagawa niya ito? Dahil ba sa nahihiya siya na ang mga kalahi natin ay binabayaran para kumita bilang entertainers?
Wala yata itong pinag-iba sa mga makapili noong panahon ng mga sakang sa Pinas. Pilipino tago, pilipino turo, kaya piripino roko-roko. Hasta la vista panyero.
Pareng Cocoy
Tama ka iyong parecoy ang sinasabi ko.
Cocoy,
Kaya sipsip iyung tiga Japan at sinusubong ang kalahi ay dahil natatabunan na siya. Baka Japayuki rin iyan at datan na kaya inis sa mga bagong japayuki. Makapili pala itong kalahi natin na laging may bayong sa ulo. Nakak hiya naka sampad lang sa ibang bansa ay akala mo ay kung sino na at di ba niya alam na kahit baliktarin niya ang mukha niya ay isa pa rin siyang pilipino.
Vonjovi at Pareng Eggplant na talong
Ewan ko kung ano ang rebuttal statement ni Grizzy dito sa atin at kung ano ang closing argument niya.
Many chose the Legacy products. Its caveat emptor. I didnt get anything from Legacy. Cant afford it anyways. Nice thng about poorer people. No qualms at all.
gusto ko lang i post ito dito sa isang blogger doon sa aking site.Dahil hindi raw siya makapasok dito.
montepem
sir;
in addition to your comments of 07 march 1048hrs pls ask ma’m gizzly if she knew what happen to howard hughes billions! also,where is the biggest land transfer happen.
m’s grizzly got a habit of “dito sa japan and sa religion namin”
if ever,their church elder give her an honest answer,baka maging free thinker na lang s’ya
v/r
dale
sir cocoy,pasensya po di ako makapasok sa blog ni m’s ellen.
Nasasawa na rin akong kababasa tungkol sa mga corruption ng mga pidal na walang katapusan……pidal this, pidal that, pandak this, pandak that….blah blah blah
Siguro para maiba naman ay talakayan natin ang topic tungkol sa LDS o mormon church.
Nag google ako tungkol sa mormon church at napakarami palang mga kalakal nito…..Ano ba yang mormon, religious organization o business organization…..JCPenney pag aari din yan ng mormon….tapos may mall na pinagagawa yang mormon sa Salt Lake City na nagkakahalaga ng $2 Billion….
May criminal record din yang si Mr. Smith nila…..
Ang isang relihiyon na hindi maintindihan ang biblia ay gumagawa ng sarili nilang libro para maging basehan ng paniniwala nila. Katulad ng Mormon, mayroon silang sariling libro na tinatawag na Book of Mormon.
Pagdating sa debatehan ayaw nyan na biblia lang ang batayan ng diskusyon. Gusto nila ay magkasama ang biblia at book of mormon sa debate. Sino ba namang loko loko ang papayag sa debate na gamitin ang book of mormon, syempre yong book of mormon ay pabor sa kanila. Ika nga e hindi independent source of reference ang book of mormon sa debate. Kung talagang gusto nila na patas ang labanan ay dapat biblia lang ang basehan ng diskusyon.
xman,
Totoo yan. Malalaki ang business ng mga religion. May nagtitinda ng holy water. Di nga sumusunod sa ten commandments, na bawal magsamba ng mga idles….