Skip to content

Macau- mundo ng pantasya

the-venetian-gondola

Macau- Nakakatuwa pala dito sa Macau. Parang hindi ka umalis sa Pilipinas.Kahit saan ka mapunta may Filipino.

Bumili kami ng ice cream sa food court ng The Venetian nina Jullie Yap-Daza ng Manila Bulletin at Mandy Navasero ng Philippine Daily Inquirer. Filipina ang sales girls.

Sumilip kami sa Four Seasons, isang first class hotel katabi ng The Venetian, at ang doorgirl o tagabukas ng pinto ay Filipina. Maganda siya at magaling ang kanyang English diction. Dati raw siyang nagtatrabaho sa Legenda Hotel sa Subic bago siya nakuha rito sa Macau.

Sana ma-promote siya ay mailagay sa ibang posisyon dahil mukha naman siyang overqualified sa kanyang ginagawa na tagabukas ng pinto. Mahirap din ang ginagawa niya ha, May heels pa ang sapatos.

Naligaw kami at napapunta sa casino na mausok at itinuro sa amin ng isang Pinoy na empleyado doon ang daan palabas. Napakalagi kasi nitong The Venetian, parang iang siyudad.

Nagmeryenda kami sa Wynn Hotel at ang waiter ay taga-Negros.

Ngunit lahat sila nagsabi na nagtatanggalan na rin daw ngayon doon, epekto ng krisis pinansyal na tumama sa Amerika at kumalat sa halos buong mundo. Marami na rin daw ang mga Pinoy doon na walang trabaho at overstaying na rin ngaunit nagbabakasakaling makahanap ng trabaho.

Mahirap na raw ang mga istambay dito sa Macau dahil siksikan sa bahay ng kapwa Pinoy na may trabaho. At mahirap ditto dahil mahal ang bilihin ditto sa Macau.

Ang Macau ay parang mundo ng pantasya. Ito ang Las Vegas ng Asya. Ito ang gambling capital, hindi lang ng China kungdi ng buong Asya.

Sa The Venetian, para kang nasa Venice, kumpleto pati langit at alapaap at mga canal. Kapag gabi, sa old Macau, ang lumang distrito sa kabilang dagat, ang liwanag. Parang araw.

Kung turismo ang pag-uusapan, nakaka-inggit ang Macau. Ang daming bisita, karamihan galing China.

Magandang leksyon sa ibang bansa, lalo na sa Pilipinas, ang ginawa ng Macao na lalong lumago ang turismo nang naibalik ito sa China ng bansang Portulgal ng 1999. Akala kasi ng marami mamamatay ang ekonomiya ng Macau, na nakabase sa sugal, kapag nasa ilalim ng ng China.

Hindi ganun ang nangyari. Kung dati nasa isang kalsada lang ang mga casino ngayon nagbukas pa sa kabilang dagat kung saan nandoon ang The Venetian.

Ang ginawa kasi ng China, pinagbawal ang casino sa main land China at Hongkong. Kaya ang gustong magsugal, pupunta sa Macau.

Mula Hongkong, ferry boat lang papuntang Macau. Pwedeng balikan sa isang araw.

Sa Pilipinas naman, nagkalat ang casino at kung anong pasugalan ng Pagcor sa buong bansa. Walag sinasanto ang Pagcor, kahit malapit sa simbahan o katabing paaralan, naglalagay ng slot machines.

Kaya hindi lumalago ang ekonomiya, nasisira pa ang buhay ng tao.

Published inWeb Links

26 Comments

  1. kazuki kazuki

    Why not discourage gambling completely as you said.

    offtopic:
    gloria retracted from 1998 presidential election but that did not stop her from plotting and getting the the position in other ways kaya nga inungkat yung issue kay lim para umalis ang mga botante sa kanya o madisqualify at ang mas mahinang pulitiko ang maluklok like erap para si gloria ay maupo or that politician becomes a puppet of Ramos.

  2. balweg balweg

    A nice place the same with The Venetian at Qatar, but the only difference with Macao e bawal ang gambling doon at halos copycat ang kanilang disenyo.

    Kazuki says: Why not discourage gambling completely as you said?

    Well, generating income yan ng gobyerno at even the Church leaders nakikipagbunong-braso sila to stop any kind of gambling sa Pinas ang kaso wala silang magawa.

    I do believe na mastop ang gambling sa ating bansa kung mismo ang Pinoy ang iiwas dito or else mamamayagpag yan sapagka’t mayroong kinauukulang na nagiging costumer nito.

  3. patria adorada patria adorada

    off topic:
    Binigyan ng pass siBGen.Lim para makapag attend ng debut ng kanyang only daugther.Malapit na…the tide is turning…

  4. balweg balweg

    Good news P.A. although off topic ito, we are expecting that something will be good and inspiration na sa ating lahat about Gen. Lim’s freedom.

    The more they will keep him sa rehas na bakal e lalong marami ang magsimpatya sa kanyang kabayanihan to fight against gloria’s gobyerno de bobo.

    Palayain si Heneral…

  5. syria syria

    Have lots of fun Ellen. Enjoy the most you can. Remember, life is not that long really. Enjoy life while you can.
    Take care and practice safety while vacationing.

    Good observation Ellen. It’s sad Pagcor allows gambling near schools and churches. While tourism educates us, gambling doesn’t.

  6. rose rose

    “Macau-Mundo ng pantasya” ang Pilipinas ano? mundo ng kadiliman?
    …ang sabi ko sa sarili ko for Lent I will only say good things about Gloria–40 days of Lent..kauumbisa palang wala akong masabi kahit katiting…pass na lang ako sa Lent…

  7. chi chi

    Ayaw kong mag-tour sa Macao, baka masalubong ko si Mike Pidal at Vicki Toh e siguradong mamalasin ako sa casino.

    7000+ island meron ang Pinas, bakit hindi ilagay ang mga casino sa mga isla na ang makakadayo lang ay yun talagang meron pera. Sori, nalimutan ko na sadya palang iginugumon ni Gloria sa sugal pati mahihirap para mas malaki ang perang dumarating sa Pagcor na kahati ang pamilya Arroyo-Pidal.

  8. Re Tongue’s comment in a previous thread: “Sorry again Ellen, but this is off-topic but of extreme importance – why did the Senate not include Scarborough in the baseline, as proposed by AT4? What is AT4’s reaction to this?”

    Sorry, was not able to access internet for three days in Macau because The Venetian was charging minimum of 160 Macau dollars (x 6- pesos) for a 24-hour use of the internet from the room.

    Anyway, re Scarborough being regime of islands.

    It’s another case of the Arroyo administration surrendering to China’s pressure.

    There’s not much that Sen. Trillanes can do at this time. The correction will come when Arroyo is out of office. Amendment to the baseline law.

    As in all the harm that Arroyo has caused this country, the remedy can only come when she is out of power.

  9. bitchevil bitchevil

    The Godfather of Macao is no other than Stanley Huwang. During Erap’s time, this gambling big boss wanted to put up many casinos in the Philippines but was not very successful. Today, casinos have doubled all around the country owned or in partnership with Huwang. Guess who his compadre is….

  10. chi chi

    CASINOS, NGOs, REMITTANCES CONDUITS FOR LAUNDERING

    US lists RP among dirty money centers http://www.tribune.net
    ___

    Mukhang sinusunod-sunod ng US State Department ang balandra kay korap Gloria. Hindi yata tumalab ang pag-bwisita ng putang pekeng pangulo kay Hillary. Malamang ay kinakabog na ng husto ang presidente ni John rat Martir.

  11. bitchevil bitchevil

    The scenario reminds me of the events leading to the downfall of Marcos and even Erap. Hopefully, it’s Uncle Sam’s signal to the Evil Bitch that her time is up.

  12. An employee at the The Venetian said Mike Arroyo does not stay there. He is known to stay in Stanley Ho’s place, “The Grand Lisboa”. That place is so tacky with all the garish lights.

  13. Casino pala ang usapan dito.Nag ca casino lang naman ako once a year sa Vegas kaya lang may limit.Iyung puhunan ko ay talagang patapon na iyun libangan lang.

    Karamihan sa mga sugarol ay nananalangin “Diyos ko patamain mo lang ako ngayon ay hindi na ako magsusugal” Maraming tao ang nagsasabing tumataya sila ng sugal o sumusugal upang makatulong sila sa nangangailangan,karamihang pera na napanalunan sa sugal ay ipinambibili ng Tanduay.”Blow-out naman diyan” “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”

    Ang Casino ay gumagamit ng mga estratihiya upang mahikayat pa ang isang taong mahilig magsugal na ibakasakali o itaya ang lahat ng kanyang pera.May mga nag-gagandahan babae pa diyan na umiikot at nagbibigay ng libreng masahe kung minsan ay mga topless pa. Madalas nag-aalok pa sila ng hindi masyadong mahal na inumin at kung minsan libre pa ito, na nagreresulta naman sa pagkalasing at dahil dito hindi na nakakapag-iisip ng matuwid ang taong sangkot at hindi na rin ito nakagagawa ng matinong desisyon. Ang lahat ng mga bagay sa bahay pasugalan ay ginawa para humakot ng maraming pera at hindi para magbigay, maliban na lang sa panandalian at walang kabuluhang kaligayahan. Ipinapakita naman ng mga laro ng sugal na paraan ito para suportahan ang programang sosyal at edukasyon. Gayon man, ang kadalasang nakikibahagi sa larong ito ay iyong mga taong may kakayahang bumili ng tiket para sa larong sugal. Ang pang-akit na “yumaman sa mabilis at madaling paraan” ay isang tukso na napakahirap mahindian para sa mga taong desperado na. Napakaliit ng pagkakataong manalo, na naging resulta naman sa pagkasira ng buhay ng maraming tao.

    Majong na lang tayo sa bahay ni Pareng Islaw.

  14. Mahal ang bayad diyan sa the Venetian resort in Macau $235-$400 a night ang single room depende sa booking.Kapag full house ay mahal at hindi libre ang breakfast.Pero class naman at isa sa pinakasikat na hotel sa buong mundo.

    Kumain kami ng misis ko ng noodle at roasted peking duck diyan sa, Imperial House Dim Sum, nagulat ako sa halaga.Isang lingo na naming budget sa pagkain kung bibilhin sa Costco.Sabi ko nga kay misis sana bumili na lang kami ng ramen sa tindahan at manghingi na lang ng hot water.Sabi sa akin gusto raw niyang makatikim ng Pato ng Instik,Sa pinas balut iyan ng dalhin dito sa Macau kaya lang napisa na sa barko kaya pekeng pato na.

  15. syria syria

    chi, tama ang obserbasyon mo. Sunod sunod ang batikos ng US sa gobyerno ng PI. It started with the WB report on the DPWH scandal and followed by 3 reports by the US State Department published recently.

    1st report – high level of corruption in the government obstructing human rights
    2nd report – naming the country among the world’s major money laundering haven.
    3rd report – illegal drugs remain to be a significant problem in the Philippines due to corruption and poor law enforcement

    Apparently, the US does not like GMA’s policy giving too many favors to China like the Spratlys, Diwalwal, 1 million hectares of land, mining contracts, billion dollar loans, infrastructure projects, million dollar equipment and more.

    The least the US wants is for GMA to step down after her term or she’ll be kicked out.

    My Way – GMA should start singing this song

    And now, the end is near;
    And so I face the final curtain.
    My friend, Ill say it clear,
    Ill state my case, of which Im certain.

    Ive lived a life thats full.
    Ive traveled each and every highway;
    And more, much more than this,
    I did it my way…………………..

  16. bitchevil bitchevil

    Oh I’m sorry…It’s Stanley Ho not Stanley Huwang. Yes, it’s Mike Pidal I was referring to as Ho’s compadre. Jesus Christ, this Pidal has cornered everything and every scam there is. Never in the history do we see such greed. He’s worse than Hitler and all the criminals in the world.

  17. syria syria

    If you are thinking of saving when you go to casino cities like Vegas and Reno, plan to go there during off-season. You don’t really need an expensive hotel since you’ll be in that room only to sleep. You are out most of the time. Use hotels that have casinos. Their room rates are lowered to promote their gambling business. Their foods are cheaper too. Casinos spend a lot too to lure you to gamble. There are High Rollers who are free on suites, limo service to and from your house, free airline tickets, free massage and more.

    The weakness of many casino players are they would feel they won a hundred times if they won one game, and they neglect to count the times they lost.

    Almost all gamblers, no matter what kind, are losers. The operators and government are winners always. It does not matter if these are legal, illegal or bribes.

    For example – in horse racing, for every peso bet, the winner gets P.60, govt. gets P.32 and operator gets P.08.

  18. Good news, Ellen. The CA has denied Mike Arroyo’s motion for reconsideration of the previous ruling against his earlier appeal to dismiss the class suit for insufficient payment of filing fees. Inquirer has the story.

  19. chi chi

    Gloria volunteers $4.55B for Asean emergency fund

    $3.68B COMMITTED FOR IMMEDIATE CONTRIBUTION http://www.tribune.net

    ___

    Sakdal impierno talaga ang kayabangan ng putang animal pekeng presidenteng tianak na Gloria Arroyo.

    Kung hindi ba naman lunatic sa kayabangan ang gaga, wala ng makain ang pinoy ay NAGBOLUNTARYO siya ng $4.55B para Asean emergency fund.

    Abaw &^^%$#@, nakikipagsabayan sa mga MAYAYAMANG kapitbahay samantalang nagkakamatay ang mamamayan sa gutom!

  20. Thanks, Tongue. I made a separate post of it.

  21. The Venetian, the $2.5B casino-hotel complex in Macau is owned by American Billionaire #3 (2006-2007) Sheldon Adelson. He also owns Sands hotel-casino and used to own COMDEX, the world’s biggest computer and electronics trade exhibit, before he sold it to the Japanese. This year, he will also open the biggest casino-hotel in Singapore’s Marina Bay which is more expensive than The Venetian in both Las Vegas and Macau.

    Adelson, a street-smart businessman who did not finish college, started his modest entrepreneural skills selling newspapers as a teenager to help his taxicab driver-father in earning a living.

  22. Ellen, sumakay ka ba sa gondola kung saan kinakantahan ka Caucasian na gondolero? Pag dumaan ka sa ilalim ng tulay kailangang halikan mo ang katabi mo, as Venetian tradition dictates.

  23. chi chi

    Pare-pareho ang The Venetian kahit saang lugar. Naglaro kami sa casino na yan sa Las Vegas, kumakain ng dolyar ang machines. Ni minsan ay hindi kami nanalo, lipat kami sa old Flamingo and small casinos sa old town…nakabawi panalo pa.

    Over rated ang The Venetian at Bellagio kung magsusugal, pero OK sila na pasyalan, kodak dito…kodak doon, enjoy.

  24. bitchevil bitchevil

    Casinos are run by Mafia. That explains why players find it extremely hard to win.

  25. OK nga, parang Venice! Mabaho rin ba ang canal? Just kidding. 😛

    Kasi may amoy iyong canal sa Venice lalo na kung summer, pero nakakasanayan naman ang amoy gaya ng amoy sa China at Hong Kong. Una masangsang pero nasasanay din in the end. 😛

  26. Chi: Kung hindi ba naman lunatic sa kayabangan ang gaga, wala ng makain ang pinoy ay NAGBOLUNTARYO siya ng $4.55B para Asean emergency fund.

    *****
    Like father, like daughter talaga! Ganyan din ang tatay niyan. Nangutang sa Tate tapos pinalimos sa Madagascar sometime in the 60’s when he was president. O loko, di talo siya sa election! Kaya iyong anak, natoto. Di pumayag na matalo kaya daya galore ang ginawa.

    Patalsikin na iyan, puede ba?

Comments are closed.