Sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita welcome na welcome daw ang sino na mag- file ng class suit sa kanila tungkol sa kanilang plano na gagamitin ang P12.5 bilyon na pera ng Social Security System sa P100 bilyon na economic stimulus ng pamahalaan ni Gloria Arroyo.
Ang tapang talaga ng apog nitong mga bata ni Gloria Arroyo. Paano kasi mana sa amo.
Marami kasi ang uma-alma, kasama na si Sen. Aquilino Pimentel, sa plano ni Arroyo na gamitin ang pera ng SSS para pangsalba sa problema ni Arroyo sa ekonomiya dahil and pera ng SSS ay hindi pera ng gobierno. Private funds yan. Pera ng nagta-trabaho sa pribadong kumpanya.