Skip to content

Three years after: no end in sight for detained Marines and Rangers

by Tessa Jamandre
VERA Files

Exactly three years ago today, hundreds of Marines marched in full battle gear outside the Marine headquarters in Fort Bonifacio, defending their commandant who was then accused of mutiny. The soldiers and their officers said theirs was a legitimate cause: They were merely protesting what they said was the fraud-ridden 2004 elections which Gloria Arroyo won.

The lives of those officers and men have changed, and 28 officers of the Marines and the Army Scout Ranger remain detained for what government said was a mutiny. Yet so far, the prosecution has only presented seven witnesses who have yet to pin them to the charge. Today also marks the 36th court-martial hearing of the 28 officers.

It was the afternoon of Feb. 26, 2006, while the country was under a state of emergency, that 600 Marines protested the relief of their commandant, Maj. Gen. Renato Miranda, who was being linked to a destabilization plot. Thousands of civilians, including former President Corazon Aquino, also braved the emergency rule and showed up in Fort Bonifacio armed only with prayers and fighting spirit in support of the Marines.

For the rest of the article, please click here (VERA Files)

Published inFeb '06MilitaryVera Files

121 Comments

  1. chi chi

    Sabi ng iba, meron daw pag-asa kay Yano. Sabi ko ay wala. Pareho din ang kalagayan ng mga detained Marines and Rangers. Ang pagkakaiba lang ni Asspweron at Yano, yung una ay madaldal at ipinakikita na sya ang nasa kapangyarihan samantalang yung huli ay hindi bumubuga. Pero pareho lang silang tuta at yaya ng peke nilang kumander-in tsip.

    Malapit nang magretiro si Yano, hindi niya ipagkakanulo ang kanyang pwesto, retirement money at posibleng ‘assignment’ after retirement. Kaya walang pag-asang bigyan ni Yano ng fair solution ang lagay ng mga detinadong sundalo.

    Ang solusyon lang talaga para makalabas ng detention ang mga Marines at Rangers ay kung wala na ang nagkukunwaring kumander-in-tsip. Tsupihin na kasi ang animal na ninja poodle na yan!

  2. parasabayan parasabayan

    Konting tiis na lang. Matatapos din ang paghihirap ng mga ito. When the tide turns, they will have their vindication.

    Sa totoo lang, kahit nakapiit ang mga ito, they can sleep better than the asspweron who put them in detention. Si asspweron eh kahit na anong armani suit ang suot eh mukha pa ring “bulldog” ni pandak. Asspweron can not even move around freely without all his bodyguards.

    I am happy for all the new dads! I actually saw Sababan’s little newborn. So cute talaga! This is priceless!

    I also feel for those whose loved ones passed away. For those who can not be with their ailing relatives, I am saddened.

    But again, this is the price of fighting for what one believes in. At least when these men stand up, they stand tall! Eh yung pandak, kahit na anong hirit niya, she is hated like hell! Tinataguan pa siya ni Obama! Wawa naman ang tiyanak. Makapal ang mukha!

    So guys CHEER up!

  3. parasabayan parasabayan

    Chi, ang poodle eh maganda. Tiyanak is no where near the looks of a poodle. Tiyanak nga eh!

  4. chi chi

    PSB,

    Matutuwa sa akin ang animal na Gloria, heheh.

  5. chi chi

    Hiniram ko lang sa isang blogger ang ninja poodle, nalimutan ko kung sino. Anyway, kung lahat ng poodle ay cute, sori sa mga poodles. Tatawagin ko na lang palagi si Gloria na puta, ang kanyang official title.

    ____

    “Miranda had issued two statements urging the release of everyone else, offering to face trial alone. After he retired from the service last December, he said the court has lost jurisdiction over him and sought to be released to the custody of a military defense counsel.”- Vera Files

    Hurry, release Gen. Miranda already. Retired na pala e. Ano ang ginagawa ni Yano?

  6. parasabayan parasabayan

    Si Yano? Come on! “Ya” ngayon, “No” mamaya. Kaya nga Yano. Just like the ass, he may be another “yaya” ni tiyanak. Pare pareho lang ang mga yan. He can’t resist the “retirement” package. Baka may kasama pang mansion, farm sa Australia (o baka sa ibang lugar naman) at euros o dollars. Tapos may international stint pa, Ambassador to (who knows where?). Or maybe another juicy “cabinet” position. Tiyanak is known to reward her loyal dogs!

  7. balweg balweg

    RE: Ano ang ginagawa ni Yano?

    Namamayabas Chi, wala tayong aasahan sa mga iyan…sayang lang ang mga stars sa kanilang shoulders kasi nga po walang kwenta dahil sa di pala nila kayang manindigan para sa katotohanan at sa bayan.

    Dapat lamang na buwagin na ang PMA sapagka’t dito galing halos lahat ng mga naghuhudas sa ating lipunan at Inang Bayan. Walang kwentang paaralan…at halos ito ang pinanggalingan ng mga insurektos at pasaway sa ating lipunan.

    Nakakahiya sa madla, kahapon nga eh kajamming ko e dalawang US Army both Colonels eh ang sarap ng kwentuhan namin somewhere around at napagkwentuhanan namin si Obama at ang Pinas.

    Well they are hoping na maging patas ang kanilang presidente at NEVER na susuportahan ang pangulo ng EDSA DOS and hello garci gov’t.

    Ang mga foreigners ay aware sa mga nangyayari sa ating Bansa lalo na sa kawalanghiyan ng mga nakaupo sa gobyerno de bobo ni gloria.

    Kaya dapat sariling sikap tayong lahat lalo na ang mga militar at kapulisan na manindigan para sa katotohan at wag silang mabulag sa kasinungalingan ng gobyernong arroyo.

    Yang ang mabigat na problema kung papaano magbabalik-loob ang taong bayan sa tiwala sa mga hudas na nagpapatakbo ng ating bansa at mga pulitiko na suwail/kurap/sinungaling.

    Forget Yano…wag natin iaasa ang ating kapalaran sa mga iyan sapagka’t sama-sama tayong pupulutin sa kangkungan. We to move on without them, at there are many ways to survive and to pursue our goals to save our country most sa mga kurap na yan.

  8. balweg balweg

    Although Chi na pura kahihiyan ang pinaggagagawa ng mga kurap at sinungaling na yan eh still we OFWs and Migrant Pinoys abroad ang pag-asa ng ating Inang Bayan, kasi nga po e we are the one to do the best for our country.

    Ang ating ambag sa ating bansa not only PISO but doon sa kabutihang-asal ng bawat isa ang larawan ng pagtitiwala ng mga foreigners sa ating pagka-Pilipino.

    Forget gloria and her corrupt lapdogs, still na ang mga dayuhan e believe sa ating pagka-Pilipino, yan ang aking pananaw sa actual na buhay sapagka’t my 23 years working abroad and mingling with different nationalists around the world e talagang hanga sila sa ating pagka-Pilipino.

    Nakakalimutan nila ang kawalanghiyaan ng mga kurap at sinungaling sa ating gobyerno de bobo ni gloria, most of the foreingers na kahalubilo ko dito sa aking lugar na pinagtatrabahuhan e isa ang pananaw, tulad din daw sila ng mga kurap na leaders around the world kaya intindi nila ang ating sitwasyon.

    Kaya lang minsan nakakasakit ng kalooban dahil nga sa halip na maconvince natin ang mga foreigners na mag tour sa Pinas ang kaso e medyo hesitant sila to go kasi po ang mga news sa atin e very negative at puro patayan.

    Kaya akala nila e worst na ang sitwasyon diyan na sa kabila e ok naman except ang palpak na gobyerno de bobo ni gloria. Being an OFWs e ginagawa naman natin na ipaliwanag sa mga banyaga na ang Pinas e magandang lugar na pasyalan at agree naman sila dahil sa hospitality natin Pinoy.

    By March nga yong kajamming kong BGeneral na foreigner and his companion e mag tour sa ating bansa, to see the beauty of our country and hospitality of our fellow Pinoys.

    At tuloy-tuloy ang pagbuild-up sa Pinas na magandang pasyanal at i encourage yong mga kahalobilo ko na mga foreigners karamihan sa kanila e militar at doctors na pasyal naman sila sa ating bansa.

    Yon nga na isa kong naging dating boss at isang militar na MajGeneral e lagi diyan sa Pinas at he loves our country most at ang siste nito e napamahal na siya sa Pinas dahil imagine naging kabyak niya ang isa natin kababayang Pinay.

    Sige nga, ibig sabihin e maraming foreigners ang bilib sa ating pagka-Pinoy di ba. At gawin natin ang ipagmaliki ang Pinas sa mga dayuhan at sabi ko nga sa mga boss ko e my house is open wide for them at sa kanilang pamilya na magtour sa ating bansa. They are very for that matter.

    Kaya po ipagmalaki natin ang Pinas at ang ating Pagka-Filipino!

    Mabuhay ang Pinoy anywhere sa buong mundo!

  9. Wala tayong magagawa diyan sa problema ng military kahit sukang-suka na tayo dahil The President issues orders through the chain of command that runs through the secretary of defense and the Joint Chiefs of Staff to the military theater (on-site, or field) commanders. The President’s power to command troops, to assign them duties, and to move them anywhere she deems fit is generally not restricted by the courts.

    Ang Presidenti ang may pinakamataas na role sa military na pinagkalooban ng karapatan ng saligang batas.Kung babuyin man niya ang patakaran sa military o kung sino ang gusto niyang maging kanang kamay niya ay iyun ang kanyang prerogative.Kaya mahalaga talaga kung sino ang pipiliin ng taong bayan na magiging presidenti dahil sa kamay ng presidenti nakasalalayan ang tipon ng barko na paroroonan natin.Kung ayaw sumunod ng mga military sa kagustuhan ng presidenti mag-resign sila.Kaya walang nangyayari dito sa kaso ng mga nakakulong na sundalo habang si Gloria pa ang presidenti,magkaroon lang ng pagbabago kapag iba na ang naka-upo sa trono.

  10. Tiis lang dahil malapit na ang 2010 election.Matatapos din iyang kalbaryo ng mga nakakulong na sundalo.Balita ko nga kakandidato raw si Bolante ng Senador.Ang Kapal naman.Iboboto kaya siya ng mga tao.Porke ba sumikat siya sa kanyang flag raising ceremony at kasinungalingan sa palagay kaya niya ay tuluyan na siyang naging sikat,baka hindi na siya sisikatan ng araw kapag lumabas siya mangumpanya dahil tatagpasin na ni Mang Domeng ang leeg niya,nasira ang pananim niyang palay sa abonong ibinigay sa kanya kaya nagka phycodelik ang isipan niya dahil nalipasan ng gutom.Siguro mga baliw at drug addict ang boboto kay Bolante.

    Mas maganda siguro kung si Jun Lozada at si Bolante na lang ang maglaban sa pagka Presidenti.Huwag na munang kakandidato sina Lacson,Villar,Noli De Castro,Bayani Fernando at si Pamatong.Hayaan natin ang dalawang iyan na maglaban.Kung Manalo si Bolante ang masasabi ko puro natuyuan na ng likido ang utak ng mga Pilipino.Huwag munang mandaya si Garci at Bedol.Gawin muna nating “Trial Baloon” itong dalawa.

  11. parasabayan parasabayan

    Cocoy, ideally, tama ka sa role ng mga sundalo. But when a leader is so corrupt and as a top ranking officer, you can see the moral toll it has done to your soldiers, manindigan ka rin sana.

  12. parasabayan parasabayan

    Heh,heh,heh…Bolante versus Lozada. Big difference though. Lozada says he is not a saint and the other swears he never did anything wrong. Manang mana sa boss niyang First Goon (FG). Deny, deny ,deny until they die! Sana soon na!

  13. Elvira Elvira

    Hayaan n’yo, malapit na silang kunin ni Lord! Pag hindi nakuha sa santong DASALAN…dapat daanin na sa Santong PASPASAN! Yun lang yun, di ba?

  14. Hindi na makukuha sa santong dasalan ang problemang iyan dahil nanahimik na ang mga santong bakla ng simbahan,isa na lang ang huling baraha sa kartada at iyun ay ang another EDSA.Pero may problema dahil karamihan sa oposisyon ay gustong maging bida kaya hindi nagkakaisa.Isa pa tinamad na ang mga tao na magmartsa,kailangan buhayin natin uli ang diwa ni Valentin Delos Santos ang “Lapiang Malaya” para magmartsa sila uli sa Mendiola pero may problema pa rin dahil karamihan ng mga followers niya ay na-confine na sa nursing home at naka-cateter na at humihinga na sa oxygen tank.Ang karamihang kabataan sa ngayon ay busy sila sa pagsisinghot,sino ang aasahan natin na manguna at maging lider sa pagmamartsa,baka maging “Death March” na ang kalalabasan ng martsa sa EDSA.

  15. hKofw hKofw

    Ano na ang nangyayayari ngayon sa batas natin? Bakit hinahayaan na manalampag ang kasamaan ng mga GANID sa ibabaw ng katarungan? Bakit ang ating hikahos na bayan ay hinahayaan na magtiis at magdusa ng matagal sa ilalim ng kamay ng mga kriminal, mandaraya, sinungaling at makasarili? Nasaan na ang mga ‘kagalang-galang’ na mga mambabatas, ‘civil society’ groups, Reformists, Constitutionalists, Religious Groups, Nationalists, Idealists, atbp. na noon ay laging nagtatanggol sa bayan? Bakit hindi na sila nag-iingay katulad noon? Bakit kung sino pang mga nilalang ang may pagnanasang makamtan ang tunay na kalayaan natin ay siyang nagdudusa sa piitan at ang mga kampon ng kasamaan ay nakalalaya? Kailan kaya sisikat uli at magniningning ng tunay ang ‘Araw’ sa bandila natin?

  16. parasabayan parasabayan

    Sinabi mo pa Coke-coy! Singhot na lang ang bisyo ng mga kabataan ngayon. Sad indeed. Di ba drug zcar si tiyanak. Mukhang gusto pa niyang mag-side line sa billion peso industry na ito!

  17. parasabayan parasabayan

    hKofw, hindi nagkakasundo ang mga oposisyon. Kaya hindi sila magkaisa. Naiisahan tuloy sila ni tiyanak. Ang grupo ni Leah ayaw kay Erap. Kanya, kanya silang lakad. Akala naman ng mga ito ok lang yung ginagawa nila na kanya kanyang gimmick. Nagigimickan tuloy sila ni reyna ng puro gimmick lang! Until these opposition groups band together for one and only cause, nothing will happen. Mamamayagpag pa rin si evil bitch at ang mga alipores niya. Filipinos never learn…

  18. MPRivera MPRivera

    pareng cocoy,

    kung daanin na lang kaya sa pagandahang lalaki?

    ikaw ‘yung aming ikakandidato. tiyak taob na sila, kahit mandaya pa!

    magbabaliktaran ang mga kakampi ni goyang at unang unang babaliktad ay si romina neri. sabik ‘yun sa mga katulad mong machong tisoy!

    welkam bek!

  19. Eggplant Eggplant

    Pagandahang lalaki? Aba walang tatalo niyan kay ka Cocoy. Dapat mgakaroon din siya ng magandang vice, ayus lang ba sa iyo ka Cocoy si Dra. Vicky Belo?

    Ang plata porma ng kanilang administrasyon: Pagandahin ang mukha ng bayan, hehehe.

  20. chi chi

    Dahil sa mga tinuran mo na factors, agree na agree ako kung bakit “Death March” na ang kalalabasan ng martsa sa EDSA”.

    Hahaha ka talaga, Cocoy. Ang hindi ko lang getsing ay sino si Valentin delos Santos, mag-google mo na ako ha.

  21. chi chi

    PSB,

    Maganda ang column ni Alejandro Lichauco kahapon “AFP opposition presents alternative leader, program”. It’s all about BGen Danny Lim and Solidarity. click here http://www.tribune.net.ph

  22. chi chi

    Ahay! Kapag si Cocoy ang ipinakilala ko kay Manay Romina Nerisssa, siguradong itatakwil niya si Gloria.

  23. Maiba ako. Ellen, What’s your take on Pimentel’s Right to Reply Bill that looks like it’s on its way to becoming a law? There are already enough special rights being enjoyed by legislators especially when they invoke their privilege to lambast anyone inside their chambers without fear of reprisal by way of libel suits, they now deserve more rights when they are outside?

    I thought Pimentel was pro-Human Rights? I have not yet forgiven his stupid acts during the WB investigations, now this. He has really gone to the dogs!

  24. chi,
    Si Valentin Delos Santos ay yung leader ng Lapiang Malaya na nagmartsa dito sa Taft Ave nung musmos pa ako. Mala-Andres Bonifacio ang costume, naka-tabak at may anting-anting na nakasabit sa leeg na galing yata sa buhangin kung saan. Hindi raw sila tatalaban ng bala. Sinalubong ng mga Pulis ang martsa nila sa boundary ng Maynila at Pasay. At dahil hindi tinatablan ng bala, lumusob sila. Patay silang lahat.
    Kuwento yan ng Daddy ko nung maliliit pa kami.

  25. chi chi

    Tongue, salamat. Tama si Cocoy na kailangan natin ang isang Valentin delos Santos na hindi takot mamatay gaya ni Andres.

    Takot rin naman ang puta na head-on ang laban. Ang kaya lang nila ay manapak at manutok ng nakadapa na.

  26. parasabayan parasabayan

    There will be another hearing today, the 27th of February. Let us collectively pray for these men and their families. Under an evil regime, this is the best we can do!

  27. Chi,
    Accurate iyang kuwento ni Tongue tungkol kay Valentin Delos Santos,palagay ko magkasing-edad kami at may guapo ako kay Tongue,Hahahaha!

    Alam ko ang kuwento tungkol sa “Lapiang Malaya”.
    Bata pa ako noon Charo.Tandang-tanda ko pa ng iuwi ang bangkay ng tatay ng classmate ko ng grade 1 pa lamang kami,umiiyak ang naiwang asawa at ang sambit” Ay mahal ko,bakit mo ako iniwanan,papano na ngayon si dyunior,si Neneng at si Apring,bilin ko sa iyo na isuot mo ang kuwentas hindi ka nakinig sa akin kaya tuloy natadtad ka ng rapido ng mga pulis,bago ka umalis naligo ako ng gabing iyun,hindi mo ako sinipingan dahil ang nasa isip mo ay magiging gobernador ka kapag nagtagumpay kayo sa paglusob sa malacanang.Sino na ngayon ang sisisid sa aking bukang liwayway,ang tanging espada mo na lamang ang magiging ala-ala ko sa iyo na hindi man mabahiran ng dugo na hinasa mo pa ng husto sa chromite na bato,habang pinagmamasdan kita na hinihimas-himas mo ang iyung espada sana pinayagan mo rin ako na himasin ang espada mo na para sa akin pagsapit ng dilim,Haaayyy! Ponso papano na ngayon ang buhay at kaligayahan ko” habang humahagulgol ang nabalo ay sinabayan ng tugtug ng turutot at tambol ng musiko.

  28. Ayaw pakawalan ang mga bayaning ipinakulong ni Gloria Dorobo pero iyong malibog na kano pakakawalan kasi daw guapo! Landiiiiiii!

    But I love that girl, Nicole. Sabihin nang malandi din siya or what na gusto pang ipalabas noong Sickritary of In-Justice na kasalanan niya na na-rape siya imbes na ipagtanggol ang puri ng kababayan niya, pero lumalaban siya, and that’s enough for me to continue to support her.

    Sige laban, Nicole! Marami kang kabarong sumusuporta sa iyo. Dapat lang makulong ang malibog na kano para madala ang mga katulad niyang gunggong na sumagasa ng mga pilipina.

    Kapal naman ng mga mukha ng mga appointees ni Gloria Dorobo. Kasingkapal ng mukha niya! Ipinagmamalaki pa ng mga unggoy na taga-Ateneo, etc. sila! I wonder what kind of doctrines the priests and nuns there teach them. Ang magwalanghiya at pakapalan ba ng mukha?

  29. hKofw hKofw

    “Maiba ako. Ellen, What’s your take on Pimentel’s Right to Reply Bill that looks like it’s on its way to becoming a law?” – TonGuE

    Oo nga Ms. Ellen. Anong say mo sa proposed ‘Right of Reply’ bill ni Pimentel? Is he becoming weird? Sabi niya:

    “If a person is unduly hit on the front page of the newspaper, his reply should also find space on the front page of the next issue of the newspaper”.

    Tanong ko, tingin ba ni Sen. Pimentel ay irresponsable o bastos ang mga journalists? Siya ba ang nasasaktan kapag binabatikos ang mga GANID at iba pang korap na opisyal? Paano kung may malaking ‘paid ad’ sa frontpage ng newspaper scheduled the next day at ang ‘REPLY’ ng “offended party” o balat-sibuyas ‘kuno’ na govt. official ay sasakop ng malaking espasyo? Lugi na nga ang publisher madedemanda pa.

    Sinamantala agad naman ito ng mga sipsip sa House of Representatives:

    “The House version of the bill even proposes sanctions on the publisher and editor-in-chief of a publication, or the owner and station manager of a broadcast medium if they fail to give equal treatment to a complainant’s reply to a specific report.” –

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/11/08/right-reply-bill-dangerous-ifj

    “An Absurdity” galit na sabi si Ninez Olivares –
    http://www.tribune.net.ph/commentary/20090227com2.html

    Paduday pa ang mga taga-EK:

    “Of course, because the President will always protect the Constitution,” Golez told a news conference, when asked if Arroyo would veto the measure should it violate freedoms
    enshrined in the Charter.”

    Huh? The President will always protect the Constitution? Hibang ka ba? Presidente mo si Gloria Ganid. Hindi tanga ang mga sinasabihan mo. Alam ng lahat na hindi siya
    naging presidente ng Pinas kundi pa siya nang-agaw (Edsa con -2001) at nandaya (Election con -2004). Totoo lang binaboy pa nga ng mag-asawang Baboy ang ating Konstitusyon. Gets mo?

    “Kada sampung salita ng mga sinungaling, labing-isa ang mali.”

  30. What Constitution is the creep referring to? Uphold the Constitution daw? E siya, did she respect the Constitution when she ambitioned to sit on the throne at the palace by the baho river? Ang galing magsalita, wala naman sa gawa! Pwe!

  31. Sorry again Ellen, but this is off-topic but of extreme importance – why did the Senate not include Scarborough in the baseline, as proposed by AT4? What is AT4’s reaction to this?

    For everybody’s info, if you google “regime of islands” Ellen’s blog entry tops the list of links.

  32. Baka kinausap ni Erap si Pimentel to make this right to reply bill based on his past experience of being maligned, etc. by the press prior to the power-grab in 2001. Grabe ang batikos kay Erap noon, both true and false, no doubt supplied by the culprits who orchestrated EDSA 2.

    Who knows, this bill can be the Senator’s way of saying “I’m sorry” for supporting EDSA 2? I can see his point there, especially now that some people seem up to malign him on the prodding of Malacanang knowingly or unknowingly. Baka nga naman matulad siya kay Erap. Si Koko nga noon, di pa tumatakbo, siniraan na ni Paredes of Malaya.

  33. Sana sa darating na election sa 2010 ay matuto na ang mga botante na pumili kung sino talaga ang nararapat na maupo sa trono.Sana’y magkaroon ng aral itong nangyayari sa kasalukuyang administration na nahalal bilang lider ng bayan.Sabi nga ni Pareng Barak “Change” ang kailangan,pero unti-unti ng natatakpan ang kanyang ning-ning,lumuluhod na ang kanyang tala.

    Isa pa papano makapagsilbi ang isang nahalal sa pwesto,kandidato pa lang ay marami na ang nanghihingi,kaya pagnanalo ay babawi sa ginastos nila kasama na ang tubo lugaw.Sana!Sana!Sana! ay may pagbabago na aasahan.

  34. Pareng Magno at Talong,

    Mahirap talaga kalagayan ng magandang lalaki,gustong-gusto nilang ikandidato,pero ayaw ko na dahil madadagdagan na naman ang magbibilang ng butiki sa kisami.Hayaan na natin iyung anak ni Nardong Putik kung gusto niyang maging bise tutal reserbang gulong lang naman ang papel niya sa gobyerno.Doon sa amin kinukumbinse nila akong kumandidato,ang sagot ko naman sa kanila kapag nakikita na ninyo akong sumusinghot iyun na ang sign na kakandidato na ako dahil umpisa ng natutuyuan ng likido ang aking utak.

    Sa ngayon hindi pa nga ako kumakandidato ay marami na ang nanghihingi,papano na kaya kapag kumandidato na ako? baka pagkatapos ng election may balot na ng panyo ang ulo ko sa sakit ng ulo.Mas maganda nga ang ganitong buhay dahil kapag naisipan kong umalis ay walang sagabal.Hayaan na lang natin sa mga may tupak ang pagkakandidato,ayaw ko ng pasukin ang maruming mundong iyan tutal kapag nagpupunta ako sa munisipyo ay ipinagtitimpla ako ng kape ng secretary ni mayor.

  35. Konting tiis na lang sabi ninyo at matatapos na rin ang paghihirap di lang ng mga sundalong nakakulong kundi lahat ng mga pilipino? Oh yeah? Hanggang kailan pa ba puedeng magtiis ang mga pilipino?

  36. balweg balweg

    RE: Hanggang kailan pa ba puedeng magtiis ang mga pilipino?

    Nice question Grizzy, di ako mapalagay kasi nga po e lantaran ang kawalang interest ng marami nating kababayang Pinoy sa pang pulitikang kamalayan. Hangga’t matitiis nila eh wala silang paki but still sa kaibuturan ng kanilang puso e naghihimagsik ito kaya lamang ayaw nilang kumilos o makipagka-isa laban sa mga diktadura tulad ng gobyerno de bobo ni gloria.

    E ka nga, walang paki sa lipunang kanilang ginagalawan! Pero pag showbiz at tsismisan ang pag-uusapan e IN sila diyan.

  37. MPRivera MPRivera

    Corruption in gov’t, judiciary widespread — US State Dep’t

    By Michaela P. del Callar

    02/27/2009

    http://www.tribune.net.ph/20090227/headlines/20090227hed1.html

    o, ano pa ang maaari nilang ipalusot dito?

    loreLIE fajardo, anthony galez, ano’ng sey n’yo?

    dali! gawa na agad ng iskrip at pasinungalingan ito.

    hikayatin ninyong bumisita si aling hilarya at makipagpoto op sa amo ninyong poodle na may balahibo ng baboy ramo, in short ASKAL na may bundat na garapata sa pisnge!

  38. syria syria

    ellen, ano ang magiging epekto ng right-to-reply sa mga kolumnista lalong lalo ns sa mga masugid na kritiko ni GMA na si Ninez Olivares? Kailangan ba niyang humingi ng reply bago niya maipahayag ang kanyang kolumn?

    Isa pa, puwedeng hindi mailalathala ang balita halimbawa umiwas makipanayam yung pinaguusapan sa balita. Malilimitahan ka rin kung ang taong gusto mo ilathala ay inkomunikado, na-coma, patay na, nasa solitary confinement, nasa liblib na lugar, nagtatago, o sa madaling salita, hindi makausap.

  39. syria syria

    Halatang halata na gusto na namang dayain ng mga Tongressman sa House of Representathieves ang eleksyon sa 2010. Ang gusto nila ay hybrid, ibig sabihin ay manual system para sa lokal at automated para sa national election. Eksperto na ang mga ito sa dagdag-bawas sa manual system.

    Putot ang ina ng mga iyan, mga ganid, mga mukhang pera, mga halang at walang kaluluwa.

    Kinakabahan ako na maski mawala si GMA ay ganoon pa rin ang systema ng gobeyerno. Ang sabi nga ni Sen. Villar eh hindi masusugpo ang korapsyon sa ating bansa. Malamang sa tama siya kanya ang nakikita ko lang na paraan ay magkaroon ng lider na kasing tapang at kasing determinado ni Hitler, ni Mao, o si Marcos. Ang style ni Obama, hindi uubra sa Pilipinas. Si Sen. Lacson, matapang sana pero anong magagawa niya kung ang kongreso, senado at husgado, AFP at PNP ay eksperto na sa korapsyon. Dahil sa korapsyon, lahat ng illegal gaya ng droga, sugal, pagpupuslit, sabwatan sa kontrata, atbp.

    Ang ating gobeyerno ay siya na rin ang papatay sa bansa.

  40. perl perl

    hindi talaga titino bayan natin kung first step pa lang… sa sistema ng halalan e bagsak na… langya talgang mga tongressman na to… my pa hybrid-hybrid pang sinasabi… dine-delay lang nila pagrelease ng pondo ng automation-poll… or pagpumasa hybrid system at pagnagkadayaan sa local level… pagnatalo kampo ni gloria sa national level.. kontroloda pa din nila gobyerno…

    nampotsa talga… ganito na lang ba… paghindi pumasa full automation poll… pasabugan ng missiles ang malacanan…

  41. tru blue tru blue

    Chi – hero ba talaga si Andres Bonifacio? Or the popular question which goes this way ‘Isbonifacio really a hero?’

    Just read that one of those ranking officers in “EURO” case was installed by Gluerilla as PNP Head Honcho of the Cordilleras. Torpe talaga itong gobierno na ito. This administration seem to think that the whole world is not watching.

  42. xman xman

    Kung sakaling magkaroon ng election sa 2010…..Total ang puwersa ng military ay nakay BGen. Lim at tatakbo din lang ay tumakbo na sya bilang Presidente at gawin nyang Vice-President si Lacson.

    Ang mga ginagamit ni con artist pekpek president arroyo para maipasakatuparan ang pandadaya sa election ay ang military at pnp. Kung tatakbo si BGen. Lim bilang Presidente ay baka ma neutralize ng mga military/pnp na pro-BGen Lim ang mga military at pnp ni pidal sa mga pandadaya.

    Ang puwersa ng masa ay na kay Erap. Kung suportahan ni Erap ang BGen Lim – Lacson team ay siguradong panalo sa palagay ko.

    Si Binay ang tumakbo bilang Senador na suportado ni Erap at BGen Lim.

  43. patria adorada patria adorada

    Yes,xman,to carry out reforms to our present system we need BGen.Lim at the helm.

  44. Valdemar Valdemar

    Are we that surprised why it takes so long? Our civilian courts take so long, too. What could be the common denominator?

  45. Tedanz Tedanz

    Eto ang balita sa Tribune kahapon “Corruption in gov’t, judiciary widespread .. US State Dept”.
    Buti pa ang Amerika ay alam ang kagaguhan nitong si Glorya at ang kanyang mga Tuta’s pero tayo …. ano?

  46. Tedanz Tedanz

    Magpro-protest daw si Gunggongzalez sa sinabi ng US State Dept. Talagang pipi at bingi na ang mga taong nagpapa-takbo sa ating Gobyerno. Dahil lango na sila sa kuwalta at kapangyarihan hindi na nila napapansin ang mga taong naghihirap at naghahanap ng hustisya.

  47. chi chi

    Tedanz, 2008 report yan na alam din natin pero wala lang tayong ginagawa. Para bang naghihintay lang si Juan ng 2010 o kaya ay tanggalin ni Barack si Gloria. Susmaryosep!

    RaulGoon protesting against the US State Dept’s report? Hahaha! Who he? Gusto rin yatang bumisita kay Hillary.

  48. Tedanz Tedanz

    Chi, tama lang pala na isuka si Glorya ni Obama dahil sa report na yan kung last year pa. Bow ako kay Obama kung ganun. Pati na ang asawa niyang Baboy ay bawal na din sa Amerika sana pati na yong mga Biik nila at isama na din yong inahin.
    Sa mga Marines naman at Rangers .. konting tiis na lang. Sana po tamaan na lang ng kidlat ng Malakanyang ngayon. Mga kampon ng Demonyo ang mga nakatira sa ngayon doon. Wish ko lang!!!!!

  49. bitchevil bitchevil

    Off topic: What a pitiful family!

    TOKYO—Japan on Friday told the parents of a 13-year-old Filipina to leave the country, with or without her, despite an inquiry launched into the case by the United Nations, the family said.

    The parents of Noriko Calderon, who was born and raised in Japan, have been ordered to leave because they entered in the early 1990s with illegal passports in a case that has drawn much public sympathy here.

    Nearly 20,000 people have signed a petition asking the government to allow all three to stay so that the girl, who speaks only Japanese, can finish her schooling in the country.

    The immigration office on Friday gave the parents another 10 days, warning that all three of them could be detained after that deadline if the parents don’t leave Japan voluntarily, said the father, Arlan Cruz Calderon.

    “We were told that all three of us would be detained if we (the parents) don’t go back,” he told reporters.

  50. Excellent link Tongue…

    I’m sure Gloria and her alalays of tulisans will split hair to contradict the US State Dept report.

    Mga walanghiya ang mga PI mga iyan.

  51. Tedanz Tedanz

    Wala pang liwanag ang kaso ng mga Marino at mga Rangers nating magigiting. Darating din yan sa awa ni Lord.

    Di gaya ni General Kupit (Garcia) ngayon “devastated” daw siya dahil sa pagka-aresto ng mga anak sa Amerika. Buti pa sa Amerika yong mga nagkasala ay ikinukulong habang sa atin ay yong gumagawa ng kabutihan sa pangkalahatang Kapinoyan ay sila ang nakukulong. Kulang pang kabayaran ang pagka-kulong sa mga anak niya sa kasalanang nagawa niya sa Bansa natin.

    Yong mga Euro Generals … kumusta na? Ganyan din ang mangyayari sa mga ito at kanilang mga asawa sa darating na panahon. Pagbabayaran din nila ang mga kagaguhang ginawa sa atin.

  52. Tedanz Tedanz

    Yong mga Ex-General naman na nasa Kabinete ni Pesteng Glorya … magpakabusog na kayo. May araw din kayo mga gahaman. Mangyayari din sa inyo ang suwerteng tinatamasa ngayon ni General Kupit (Garcia).
    Bakit kaya puro sa Militar galing ang mga gahaman siyempre maliban sa mga Arroyo. Bakit kaya??????????

  53. balweg balweg

    RE: Bakit kaya??????????

    Simple arithmitic lang po Tedanz, karamihan sa mga ex-General problems na yan e galing sa pangungurap ang kanilang tinatamasa sa buhay.

    Kung pakakasuriin natin ang kanilang buhay na pinanggalingan e baka isang kahig isang tuka ang mga iyan, but due to their influence being an official of their unit or connected sa mga pulitiko o kaya sa gobyerno, hayon nagsiyaman ang karamihan sa kanila.

    Kita mo na si Tabako, isa sa mga nakinabang yan kaya akala mo ang galing umasta pero kurap din yan… e paano pa yong mga retirado na heneral, naku po halos karamihan sa kanila e nagpayaman either sa pera ng bayan o kaya sa illegal means.

  54. parasabayan parasabayan

    Not all generals are corrupted. There are more good ones than bad. I know of several high ranking officials who never even have any house even after their retirement. With their meager pensions, they manage to even put their children through college. I also know of a few of them whose siblings help with their daily expenses. So, not all high ranking officials are corrupt! I repeat, there are actually more good ones than bad.

    I heard that General Gudani is one. Remember him in the “Hello Garci”? He was was of those who exposed the “Hello Garci” scandal. There are more like him in the force and from those who retired. I know so because I am even related to some of them a good friends to some.

    Not all Generals are like the likes of Garcia,asspweron,Reyes,Ramos,Ebdame, Mendoza, Ermita and the like. We know who these rotten ones are, they will feel the wrath of the people once their CHEAT boss is booted out of Malacanang!

  55. Tedanz Tedanz

    PSB, sabi mo “Not all generals are corrupted. There are more good ones than bad”. Naniniwala ako … pero ano ang ginagawa nila? Hinahayaan na lang nila na sirain ng iilang tiwaling mga ex at kasalukuyang mga Generals ang rango nila?
    Palagay ko puro PMA’er lahat pa ang mga yan.

  56. Tedanz Tedanz

    “We know who these rotten ones are, they will feel the wrath of the people once their CHEAT boss is booted out of Malacanang!”
    Sana PSB, magdilang anghel ka sana. Sana i-firing squad lahat ang mga ito … sama na diyan si Ramos.

  57. parasabayan parasabayan

    Most of them are not in position of power right now, some are retired and one or two are in detention.

  58. Hangga’t nakaupo iyong kriminal, forget it! Walang makakalabas doon sa magigiting na sundalo maliban na lang kung mag-give up sila at gumaya kay Honasan, et al. Hopefully, NOT!

    Kaya iyong mga natitira pang matapang na hindi pa nakakulong, ano pa ba ang hinihintay nila? Kung kikilos naman siguro sila ng mahusay, baka buong sambayanang pilipino na ang sumama sa kanila lalo na kung pipigilan nila ang pamumudmod ni Gloria ng pera ng bayan para patahimikin ang mga nagugutom!

    They should do a Thai!!! Panahon na!

  59. They should do a Thai!!! Panahon na!–grizzy

    Manguna ka na kaya,Baka may susunod sa iyo at daigin mo pa sina Trillanes at Lim na pinanood lang ng tao na nagmartsa galing sa korte.

    Kapag magrebolusyon ngayon baka pulutin ng bangkay ang mga participantes dahil desperado ang mga tiga malacanang na kumapit sa trono hangang may bisig silang ikakapit.

    Weder-weder lang iyan.Alam mo ng si Erap ang presidente ginawa niyang mga US Naving hapon itong mga ibang heneral ni pandak,na contra kay Erap,floating above the sea sila,Itong mga ibang heneral na ginawang stanti ni pandak ngayon,sila ang nanguna sa pagbibgay ng military support sa EDSA sa mga tauhang loyal sa kanila.Bangitin ko pa ba kung sino itong mga heneral na ito na living happily ever after.Bumaligtad pa si Angelo at ano ang ginawa ni Orly Mercado.

    Kaya wait for your turn na lang.

    Kapag hindi matuloy ang election sa 2010 at hindi mapalitan ang Pangulo sigurado na iyang sinasabi mong Thai.Ngayon huwag kang masyadong high blood baka ikaw ang mapa Thai……

  60. Bakit ako, Cocoy? Bakit hindi ikaw? Huwag nang turo pa ng turo ng daliri!

    At least, kami ng mga barkada ko sa Japan, may ginagawa. Kaya nga galit na galit si Dorobo sa amin kasi iyong pagbebenta nila ng mga patrimonies dito sa Japan di nila magawa!

    You bet, paka ba ako mapa-Thai dahil di lang naman tayo dumadada, gumagawa talaga ng tunay sans any vested interest dahil ako pag gumawa hindi ko hinahaluan ng personal ko except siguro emotion dahil hindi ko makalimutang sa Pilipinas ako ipinanganak kahit na passport ko hapon!

    Problema, Cocoy, can’t even enter the Philippines sa totoo lang. Iyon ngang kasama ko sa movement na pilipina na may Philippine passport, hinarang sa NAIA. Koko Japanese ang apelyido dahil asawa hapon, muntik hindi makapasok ng Pilipinas. Tapos nang pauwi na siya hinarang ulit sa NAIA. Buti na lang may ready lawyers ang GABRIELA kundi hindi na nakalabas ng Pilipinas ang pobre.

  61. Bakit maghihintay pa ng eleksyon alam naman ng lahat na hindi na bababa ang kumag? Forget about election under this administration. Sila-sila rin iyan. Pustahan tayo!

  62. BE: What a pitiful family!

    *****
    Sinabi mo pa. Nagpipilit na tumira sa Japan kasi maganda ang kita nila, but why break the law? Ang masagwa pa ay turuan nila ang anak nilang di siya pilipino! Haharap pa ng TV camera at sasabihing ayaw umuwi sa Pilipinas kasi mabaho, madumi, etc. etc. Tangnanay nila!

    Ang masagwa pa sa taong ito sabi ng mga pilipinong kakilala siya, nagsisipsip sa Immigration para sa makapanuluyan sa Japan by reporting overstaying Filipinos like him to the authorities here. Akala niya siguro puede iyong masamang ugaling plea bargaining.

    Walang pinag-iwanan doon sa mga pilipino, who make money by reporting TNTs in the US to the Immigration Office. So, bakit nga naman sila maaawa sa kanila ng pamilya niya.

    Good riddance sa totoo lang. Puede ba matoto muna siyang sumunod sa batas bago siya mamaboy ng ibang bansa. Tuturuan pa ang mga hapon ng mga kalokohan at pagpapalusot!!!

  63. Grizzy,
    Ako ang manguna,ano ang mapapala ko? Gagawin ba nila akong gobernador sa probinsya namin,mayor o kaya’y konsehal kapag napatalsik si pandak, Ikaw na lang!Iyung sinasabi ni Ninoy na “Filipinos are worth Dying for” para sa akin hindi na uso iyun.Bakit kamo?

    Napansin ko ang mga tao ay wala na silang pakialam kung papano na binababoy ang gobyerno ng mga naka-upo,pagdating ng election ipinagbibili nila ang mga boto nila,naka-upo sa majongan at tong-its maghapon magdamag at ayaw ng magtrabaho,biruin mo tiga barrio mag tricycle papuntang palengke mamili lang ng papaya at talbos ng kamote,wala ng kalidad ang edukasyon,karamihan sa mga high school graduate ay hindi makapagsulat ng tamang grammar dahil ang pinupuntirya lang ni Madam ay ang kanyang sweldo kesihodang matuto ang studyanti o walang naipasok na leksion sa kukute ang katwiran nila hindi raw nila maturuan ang mahigit 80 studyante na nagsisiksikan sa isang maliit na classroom.Kapag wala silang pag-galang sa pamilya kahit matalino ang bata ay wala sa honor roll list,kapag naman may natatangap na remittance ang magulang ng bata lalo na kapag dolyar o kaya’y anak ni Mayor at ni Konsehal maglalaban iyan sa first honor kahit one plus one equals three or I love my father,my mother and most especially my parents kapag magsulat ng English composition sila ang kakabitan ng ribbon sa stage pagdating ng clossing ceremony at kuntudo ang kodakan,ano ka ba bago at maganda ang damit na isusuot at papalakpakan sila ng anak ni Mang kulas na puro perfect ang answer niya sa exam inuunat na lang sa 83% dahil mahirap ang magulang.Mahirap ng baguhin ang ganitong sistema kahit na si Jesus Christ pa ang bababa galing sa langit para maging presidenti ng Pilipinas.Iyang mga pulitikong iyan,lahat ng mga iyan ay pagpapayaman lang sa sarili ang trabaho nila.Siguro sising-sisi na ngayon si Ninoy habang nag-uusap sila ni Macoy at ang lolo ko na tiga alaga ng manok ni San Pedro.

    Iyan bang klaseng tao ang pagbuwisan ko ng buhay,Huwag na Ading!!! nakuntento na sila sa padala ng mga magulang na OFW kaya ano ang ipaglalaban ko sa kanila,sila mismo ayaw lumaban.Ibaling ko na lang ang time ko sa mga anak ko at siguraduhin ko na magkaroon sila ng magandang buhay.

  64. The appropriate word for this Filipino family is not “pitiful.” It is “pathetic.” I don’t sympathize these people because I hate people who break the law. One who cannot abide by any rule has no right in fact in my dictionary to demand for any right.

    Once my father said to us, his children, “You forfeit any right you have under the law you break.” He was right even when modern men now think otherwise.

    Kailangan na sigurong wasakin ng Panginoon ang mundong ibabaw gaya ng pagwasak niya noon sa mga masasama noong panahon ni Noah dahil na rin sa kasamaan ng mga masasama at walang pitagan sumunod sa batas at utos ng Diyos!

  65. Cocoy: Ako ang manguna,ano ang mapapala ko? Gagawin ba nila akong gobernador sa probinsya namin,mayor o kaya’y konsehal kapag napatalsik si pandak,
    *****

    Ooops, nadudulas ka Cocoy! Kundi ka ba magiging gobernador, etc. hindi ka gagalaw? Marami kayang pilipino ang ganyang katwiran? No wonder walang kumikilos! Vested interest lang pala!!! Yuck!!!

  66. Mistype, sorry. This should read, “…sympathize with these people…”

  67. I want the criminal to be removed by hook or by crook not because I want to replace her. Kailangan lang kasi talagang matanggal ang mga ganyan uri ng mga animal para naman luminis na ang politika, etc. sa Pilipinas. Taragis, di mo maipagmalaki sa totoo lang.

    Tapos ito pa ang isang lawbreaker na nagpipilit na makapanuluyan sa Japan na hindi naman siya nakakatulong para gumanda ang Japan kundi nakakadagdag pa sa problema ngayon ng mga hapon. Tangnanay niya na doon na sana siya at ng pamilya niya na magkalat sa bansa niya!

    Pinaglalandakan pang walang kuwenta ang bansa niya kaya ayaw niyang umuwi. Ulol!

  68. Come to think of it, kung ang katwiran namin noong nagprotesta kami sa pagbebenta ni Cory Aquino noon ng mga patrimonies ng Pilipinas sa Japan dahil wala naman kaming mapapala, aba nabenta na sana nila iyon noon pa at ang Pilipinas ang isa sa pinakapobreng bansa na mangungupahan na lang! Tangnanay nila!

    At least, kahit papaano may nagawa! Thank God! Salamat sa mga hapones na tumulong sa amin!!! No thanks doon sa mga unggoy na taking credit na wala namang ginawa!

  69. Puro vested interest lang naman ang lahat niyan Grizzy,sa ayaw mo at sa hindi maliban lang kung iba ang mundo mo.Mga simbahan,civil societies at kung alin mang sector kahit na nga mga NPA ay may mga vested interest lang ang mga iyan.Sa palagay mo kaya matitigil at mababago iyan kahit mapatalsik si Pandak,sila naman ang papalit na maging opposition kapag wala na sila sa pwesto.Aber,sabihin mo nga sa akin kung sino ang hindi nanghangad ng vested interest na politiko?

    Kaya nga ayaw kong maging politician o kasapi man ng kung ano mang grupo o religion dahil puro lang sa kapakanan ng bulsa iyan.Hindi pa natutuyuan ng likido ang utak ko para pumasok diyan sa maruming mundo ng pulitika.

    Kung gusto mong gumawa ng bagay na walang vested interest dapat maging santo o santa ka na.Dito sa mundong ginagalawan natin ay hindi ka maaaring mabuhay ng puro prinsipio lang,kailangan mong kumain,papano ka kakain kung ang paiiralin mo ay prinsipio at makabayan kuno kung wala kang perang pambili.

    Iyun ngang simbahan ay halos dalawang beses magpaikot ng basket para hulugan ng mga tao na nasa loob ng simbahan.Huwag mong sabihin sa akin na ang simbahan o religion na sinasaniban mo noon ay hindi nanghihingi ng abuloy o donation.Diyos ang ginagawang dahilan ganyan din ang gobyerno kailangan magbayad ka ng tax.

  70. Saka Grizzy,bakit ako kikilos? Para kanino at para saan?Nakita ko na ang kalagayan ng balak na pagkilos,maraming beses na at walang nangyari,kapag ako ang kikilos gusto ko tapusin ang laban ng walang urungan,hindi iyung puro salita lamang.

    Karamihan sa mga opposition kikilos-kilos daw pati mga santong bakla ng simbahan,o nasaan? sige nga,ipakita mo sa akin.Bakit ko pa aaksayin ang panahon ko sa walang patutunguhan? Magbasa na lang ako ng Playboy Magazine at manood ng Japanese Porno movies baka kikilos pa ang palad ko.

  71. Alam mo ba iyang kumakandidato na iyan,for vested interest lang iyan.Huwag na tayong lumayo pa.Ito na lang mga Senador.Kaya marami ang naghahangad na maging senador.Hindi mo ba napapansin na kapag tinutupak na si Mirriam Santiago pati ang mga usi-uso sa pleanryo ay hinahamon niya.”Ano ang itinatawa-tawa mo riyan,ignoramus” Kaya kapag si Mirriam na ang magsalita nanginging na sa nerbyos ang bayag ni Lapid,pretending naman ang anak ni “Nardong Putik” na seryoso siya sa pakikinig at hindi nagbibilang ng butiki sa kisami.

    Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago kahit hindi niya itinuloy ang paglundag sa eroplano.Ayon kay Santiago, marami ang tumatak-bong senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.Kaya pala nangibang bakod ang mga ASO noong nakaraang election,pati si Cezar Zapadera ay nainganyo na rin at nadaya pa pati si Koko dahil kay Bedol na nagtapal ng mata ng ipinatawag sa senado.

    Lumalabas na P35,000 suweldonila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
    milyun-milyong budget ng bawat senador… Kada buwan ay may Fixed Monthly Budgetang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

    Sa opisinapa lang nila ay humigit-kumulang P500,000ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels)at P500,000 para sa Staff at Personal expenses.Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

    Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa ForeignTravel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement.

    Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komitesa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulangP1 Milyon din!Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

    Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrelng mga Senador bawat taon,awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon.Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

    Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon saPork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 – 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

    Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

    Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

  72. Isa pa pinaparusahan daw sa langit ang pagsasabi ng hindi katotohanan sabi ni Padir,Alam ba ni Bolante ito? Pero sa totoo lang, lahat naman tayo ay sinungaling. Ika nga ni dating Speaker Joe De Venecia, “We are all sinners.” Sa mga kababaihan marami ang hindi nagsasabi ng totoo tungkol sa kanilang tamang edad at marital status, sabi nga ni TrueBlue napapaiyak pa raw kahit hindi na virgin,……baka ang butas ng puwit ang never been touch.

    Pero ang ating pagsisinungaling ay hindi naman kasing bigat ng pagsisinungaling ng mga nasa kapangyarihan. Kapag tayo ay nagsinungaling sa ating totoong edad, ilang tao lang naman ang maloloko natin. Pero kapag ikaw ay spokesman ng pangulo at sasabihin mong hindi boses ni Gloria Arroyo ang nasa ‘Hello Garci’ recording, aba ibang klaseng lokohan na ito.

    Kapag nagsisinungaling ang mga pulitiko, malaking parusa ang idinudulot nito sa mga Pilipino. Bukod sa nababaluktot at nababastos ang diwa ng katotohanan, nasasakripisyo ang kapakanan ng bayan.

    Si mayor nagsubmit ng maling statement of assets and liabilities. Si senador nakinabang sa dagdag-bawas. Si governor malaki ang kickback sa pinatayong tulay. Si chairman $130 milyon ang kita. Limang milyon daw ang binigay ng palasyo para kay Jun Lozada, pero bakit P50,000 lang ang inabot sa kanya ni Mike Bingot?

    Nagiging ‘way of life’ na para sa mga pulitiko ang pagsisinungaling. Ang itim ay puti. Ang mali ay tama. Ang peke ay totoo. Hindi nakapagtataka’t kaawa-awa ang kalagayan ng ating bansa. Dahil sa pagsisinungaling ng mga lider, patuloy na naghihikahos ang ating bayan.

    Kaya nga sabi pa uli ni Padir kapag ang sangol ang namatay ay diretso kaagad sa langit dahil hindi pa nasubukang nagsinungaling,ngayon naman kapag matanda na habang kinakabitan ng oxegyn at IV sa hospital ay nandoon si Deacon at sinusubuan ng “Body of Christ” at sabay sabing accept Jesus in your life.Recitation ng kaunting prayer at inabot ni Deacon ang kanyang palad sa pamilya ng may sakit,alangan naman na kumustahan lang,bigyan mo na ng malaking halaga para mas mabilis ang proseso ng passport sa langit.

  73. Daig ko pa si Dick nito na puro tulo laway na lang,isang milya na ang na typo ko,baka antukin na si Ellen sa mahabang pabasa ng pasyon na sinusulat ko.Kayo naman ang mag never-ending story at magbasa ako.

  74. parasabayan parasabayan

    Coke coy, kaya nga kailangang baguhin ang pagpili ng mga iboboto. Kung lahat ng Filipino ay susuko na lang katulad mo, talagang wala ng pagasa ang Pilipinas.

    Hindi naman natin inaasahan na baguhin ang Pilipinas sa isang iglap lang. Ang tagal nating inabuso ng mga Friars. Sinakop tayo ng mga dayuhan. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ng mga dayuhan ang mga tali ng ating mga manika.

    Marami ring mga bansa na nagdaan ng mas masahol pa sa pinagdaanan natin. Kaya lang, sa pamamagitan ng mga paunti unting pagbabago, lumaki at umunlad ang mga ito. Singapore is one and South Korea is another. Kahit na ang mga bansang katulad ng Thailand, Malaysia at Indonesia ay mas maunlad na ng di hamak sa atin. Pare pareho lang naman ang ating mga klima.

    Ang malaking problema sa atin ay ang pagpili ng mga nakaupo. Sa mga mayayaman at politikong may pera (na puro nakaw naman ang pinagmulan) lang natin pinamamahala ang gastos sa politika. Ang mga kandidato ay may kanya kanyang “handler”. Siyempre pa, kung manalo ang mga ito, kaninong interes ang isusulong? Si Juan de la Cruz o si yung mga “handlers”.

  75. parasabayan parasabayan

    Yung pandak at ang kanyang magnanakaw na asawa ay ang pinaka malaking ehemplo ng politiko sa atin. Pag-upo nila, lahat na lang ng pagnanakaw at pandaraya ay ginagawa para may maibibigay sa mga manok nila na politiko. Yan tuloy ang resulta, puro “aso” nila ang pinaupo sa tongress. Hindi lang sila umubra sa mga sanatongs. Ops, I take it back. Mukhang lumalabas na ang mga natural ng mga natulungan ng kampo ni tiyanak sa mga senadores. Baliktaran na ang mga “oposisyon” kuno!

  76. MPRivera MPRivera

    paano nga ba natin masasala kung sino nga ang tunay na lingkod bayan sa mga hinahalal?

    lagi kasing TRANSPARENCY ang ipinangangalandakan ng sino mang maupo sa malakanyang pero hanggang salita lamang. mabalitaan natin ang nakapuwesto sa ganire, si kumpare. ang namamahala sa banda roon, si kumare. ang may hawak sa isang departamento, si ganoon.

    ay! ewan.

  77. parasabayan parasabayan

    Kahit na sa palagay natin, ang mga krimen na ginagawa ng mga politiko natin ay nakakalusot, nahuhuli rin naman sila sa ibang bansa. Look at Garcia and his sons. Yung mga Euro generals ay nahuli din sa Russia. Hindi pa tapos ang mga kaso ng mga ito. Crime does not pay.

    Kung hindi nga lang nagdahilan na may “heart” problem si fatso nung papunta siya sa San Francisco, at naglanding bigla sa Japan, eh di naala-Joke-Joke Bulate na sana si fatso. Sa kulungan ang tuloy. Magaling lang talaga ang intelligence ni pandak at napagsabihan kaagad si fatso kaya nakaiwas. But not for long. Sa dami ng kasalanan nila sa mga tao, maraming nagdarasal na matapos na ang maliligayang araw nila. I believe this too.

    Di ba si Hitler eh akala mo nasa tuktok ng mundo. Anong nangyari? Si Saddam Hussein anong nangyari? Kung marami kang kababalaghan sa buhay, pasasaan din at mahuhuli ka rin sa sarili mong patibong!

  78. parasabayan parasabayan

    Trial ang error lang ang pagpili Magno. But more or less nakikita naman ang pinanggalingan ng mga kandidato. The pandak was already a known cheat even before she ousted Erap. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit sinuportahan pa rin siya ng military, elitista at yung mga makakaliwa. Nung magustuhan nila ang kapangyarihan, binayaran nila ang mga komelek at mga militar para mandaya para sa kanila. Gunggong ang mga ito. So now, look what they’ve got?

  79. PSB,
    Sa aking palagay ay wala ng pagbabago ang kalagayan ng pulitika sa atin kahit na araw-araw nilang baguhin ang saligang batas.Ang mga namumuno ay ayaw sumuko,ginawa na nila hanap-buhay.Sa amin lang umalis ako noon medyo bata pa si kongressman,pagbalik ko siya pa rin ang kongressman na uugod-ugod na at mayroon ng uba-uba.Ang Gobernador dalawang pamilya lang ang nagpapalitan ng termino.Isa pa napansin ko malamig na ang tao na magmartsa sa EDSA,hanggang sa tigas titi na lang sila kapag nilabasan ay lupaypay na.

    Naghahanda naman sila sa election dahil hindi na kakandidato si Kongressman,anak ni Deloso at ni Ebdane si Omar ang balita kong maglalaban sa pwesto ni Tony Diaz.

    Iyang mga senador sa ngayon ay balik uli sila sa senado pagkatapos ng election,baka isa o dalawa lang ang mapalitan,mga gobernador majority mananalo sila sa kanilang re-election at mga mayor.Wala silang pakialam kung ano man ang nangyayari sa upper at lower house hangang sa Malacanang basta sila ang nakaupo sa mga trono nila sa probinsya,kaya mahirap mabago ang political situation sa Pinas.

    Mag-alsa ka man sa ngayon,malaking katanungan kung sino ang susuporta sa iyo.Para kang kumuha ng bato na ipinokpok mo sa ulo.Ang mga maiinit lang naman ay iyung mga hindi nakapwesto o kaya’y natangalan ng pwesto.Matagal na tayong nakalaya sa pag-aalipin ng mga kastila,hapon at amerkano bakit hanga ngayon ay ganito pa rin tayo.Simple lang naman ang sagot d’yan,mga duwag na ang mga Pilipino para lumaban sa gahamang administration.Kulang iyang pwersa nina Lim at Trillanes kung walang supporta ng masa,sprayhan lang ni Yano iyan ng isang latang lysol ay tigok na.

    Hindi mo ba napansin ng nagmartsa sina Trillanes at Lim,pinanood lang sila ng tao.Nasaan iyung mga matatapang noon na opposition? Nagtago sila sa saya ng kanilang mga kabit at asawa.Ang paglaban ay kailangan ng strategy, accurate plan at determination at sa tamang oras at lugar.Ang tapang na wala sa lugar ay magpapahamak sa iyo.”There’s a time to fight and there’s a time to run”

    Well, kung gusto ninyo kayo na lang.Nawalan na ako ng gana dahil alam ko walang mapapala,baka magpala pa ako ng scape route ko sa detention center kapag mahuli pa ako.Masarap pang nguyain ang steak at sipingan si misis lalo na kapag bagong paligo siya at gusto ko pang masaksihan ang graduation ng mga anak ko.

  80. parasabayan parasabayan

    Yuko, I understand Japan’s predicament. I was overwhelmed to see people in tents in parks in Japan(as shown in the news). So different from the late 70s and mid 80s when I used to travel there. Your unemployment is so high now. Even three more mouths to feed and clothe must be painful for the Japanese who are themselves suffering from the global recession. Even in the US, the immigration authorities are actively looking for illegal aliens to deport. Hindi nga lang nila kayang pigilan ang mga Mexicano na nag-oover the bakod lang. Kung may mahuhuli silang sampu, isang libo ang nakalusot…heh,heh,heh. Sa Los Angeles nga, ang mga may ari ng paupahang apartment dito eh akala nila dalawang tao lang ang nakatira sa unit but are surprised to find over a dozen more.

  81. airos airos

    Pahirap ang hybrid sa mga bomoboto. Bale dalawa pa ang gagawin nila, automated para sa national at manual naman para sa lokal eleksyon. Mas nakakalito ito.

    Hayop talaga itong mga Tongressmen natin na nagpupumilit ng manual para sa lokal eleksyon. Takot silang matalo at mawalan ng pagkakawartahan. Takot sila sa malinis na paraan kasi pati sa sarili nila, alam nila na malamang na wala silang pagasang manalo. Ang alam lang nilang paraan para manalo ay yung dati nilang gawi, ang mandaya. Yun na kasi ang kabisadong kabisado nilang gawin. Takot ang mga ito na humarap sa katotohanan.

    No wonder why they are called Hybrid Congressmen. They are a crossbreed of greedy animals salivating for money and power. In other words, Hygreed Congressmen.

  82. parasabayan parasabayan

    Coke coy, I am still an optimist! It will be a few generations but we will get there. We need more like Trillianes, Lim maybe Puno and some of our detained officers to make a difference. There will always be Magdalos and Tanay Boys until the system changes. Rizal did not give up. He died for a cause. Aguinaldo, Bonifacio and the like fought for us to have our independence. Who would have thought that we could break away from the Spaniards? But we did! It took a looonnggg time but we did!

  83. parasabayan parasabayan

    Sad but the church is the biggest culprit why we have the political system like we have now. Need I explain more?

  84. Cocoy: Dito sa mundong ginagalawan natin ay hindi ka maaaring mabuhay ng puro prinsipio lang,kailangan mong kumain,papano ka kakain kung ang paiiralin mo ay prinsipio at makabayan kuno kung wala kang perang pambili.
    *****

    You bet, Cocoy, ibang mundo ang ginagalawan mo, at iba ang ginagalawan ko dahil ako, namumuhay sa prinsipyo! And guess what, we are actually called “latter-day saints” sa simbahan namin! 😛

    Ewan ko ang turo ng mga magulang mo, pero ang turo ng tatay ko sumunod sa Utos ng Diyos and batas na ginawa on the inspiration of God. Problema sa Pilipinas, ginagawa nila ang batas nila ngayon based on their own warted principles at saka puro yabang lang!!!

    Tignan mo ang credential ng mga nakaupo sa Senatong at Tongreso. Pahabaan ng batas na isinulong daw nila na dahil sa dami pati iyong nag-author ng kung anong kabulastugang batas ay hindi matandaan kung ano ang isinulat niya lalo na kung ibinigay lang sa kaniya ng lobbyist na vested interests para sa sarili nilang proteksyon. Siyempre tiba-tiba sila doon sa lagay noong lobbyist.

    Pero iyong sinabi mong walang pag-asa, hindi ako naniniwala diyan. Maraming member ng church namin, maganda ang buhay na hindi lumalabag sa batas. Iyong mga crusaders gaya noong isang radio announcer sa Mindanao, lumalaban kahit mapatay. Somewhere out there, may nagpapatuloy ng ginawa niya kahit na pinatay siya ng kalaban. In short, hindi pa rin sayang ang pagod niya.

    Kung wala na talagang pag-asang magbago ang Pilipinas at mga pilipino, huwag kang mag-alaala, wawasakin sila ng Panginoon Diyos gaya ng banta niya sa mga masasama!

  85. PSB: Coke coy, kaya nga kailangang baguhin ang pagpili ng mga iboboto. Kung lahat ng Filipino ay susuko na lang katulad mo, talagang wala ng pagasa ang Pilipinas.
    *****

    Sinabi mo pa. Papaanong di magbabago e puro kamote naman ang biniboto ng mga pilipino na puro reklamo pero tanggap naman ng tanggap ng suhol. In fact, sukang-suka ako doon sa mga litratong ipinapalathala ng Malacanang na kasama ng mga ginagawang mga pataygutom na pilipino iyong magnanakaw na kunyari nagdi-distribute ng ramen at bigas sa mga mahihirap na hindi alam na iyong ipinamumudmod sa kanila galing din sa kanilang pinagpawisan o pinagpawisan ng mga taumbayan.

    Sistema bulok! May kaibigan nga ako sabi nakakaboto siya sa Tarlac at Isabela ng sabay!!!

  86. PSB:

    Iyong ipinakita ng CNN sa TV na mga homeless, minority lang ang mga iyan. Karamihan naman dati nang mga day-laborer lang na mahilig lang tumoma. In short, publicity stunt para matakot si PM Aso!!! 😛

    At least, I am not affected by the recession. I have a house, food to eat and I can’t ask for more. At least, practical ang mga tao dito. Kung walang makain, kakain ng damo. Sabi nga ng kapitbahay ko, tamad lang ang magugutom kahit na marami ang nawawalan ng trabaho (daw) because of the recession.

    Maski kompanya ng Mister ko, wala namang problema. Policy nga lang nila ngayon, job hiring para sa mga hapon lang, no foreigner.

  87. Over in my area, PSB, maraming bagong bahay na ginagawa. Tipid sa construction workers. Wala kang makikita ngayong foreigner. Lahat hapon na karamihan mga farmers na hindi makapagtanim pag Winter kaya nagpa-parttime sila bilang construction workers.

    Maraming bumibili ng bahay dito ngayon, cash pa. Mahirap kasing mangutang sa bangko. Mataas na ang interest, mahigpit pa. Ang daming tanong-tanong. Kaya sinong may sabing may recession? 😛

    Kung sabagay, magaling kasing mag-ipon ang karamihan sa mga tao dito. Ngayon nila ginagamit ang pera nila. Ano ba iyong kasabihan? A penny a day keeps poverty away!”

  88. airos airos

    psb, the most notorious culprit in our political system is GMA. She started prostituting the church before Edsa 2. This prostituting flourished. These priests were indoctrinated with money by their lord, GMA. These priests now belong to GMA’s church of evil, which is clearly much worst than the Mafia.

    I’d rather stay home than hearing mass from a prostituted priest. Baka masampal ko lang eh. Wala silang pakialam sa paghihirap ng Pinoy. Doble kabig pa sila, kay GMA at sa matamis na pang-uuto nila sa masa.

  89. parasabayan parasabayan

    Pandak,fatso and the horse kids perfected the ARTS of CORRUPTION, CHEATING and LYING! It will be a long time to snap out of where we are now. But we will!

  90. Valdemar Valdemar

    Next time kaci wag na aastaasta, point your gun and pull the trigger. Eh di ngayon baka another 3 years wala pang kahihinatnan. Unless swallow pride and get a job with the PDEA, customs, etc. I thought shoot first and ask questions later. Pagnaumpisahan, jan makikita ang mga boys among men.

  91. xman xman

    Ang malaking kasinungalingan na sinasabi ng comelec ay mas maganda daw ang computerized election kesa sa manual. Tingnan ninyo ang nangyari ng nakaraang election sa Mexico. Ginamit nila ang computerized voting, ano ang nangyari? Dinaya ng current President of Mexico ang computer programming ng pagbibilang ng balota. Yong supplier ng computer software ay tauhan ng current President of Mexico.

    Mas madaling mandaya sa computer kesa sa manual. Nanakaw nga ang bilyong bilyong dolyar sa pamamagitan lang ng computer commands at walang trace pa ng pagnanakaw katulad ng ginagawa ng mga hackers sa Russia. E Yong isang bilyong dolyar na nakalagay sa kung ilang baul ay madali ba yong manakaw? Ganoon ko maihahalintulad ang computerized voting at manual. Mas mabuti ang manual kesa sa computerized dito sa Pinas.

    Ang tamang tanong na dapat sagutin ay yong integredad ng hahawak ng votes natin ke computerized yan o manual.

    Tingnan nyo ang US at India. Computerized voting sila pero mataas ang integredad ng kanilang election officials kaya walang problema sa computerized voting. Pero dito sa Pinas na isang katutak na mandarayang mga comelec opisyals at Armed Forces of Pidal ay mas mabuti ang manual dahil sa nasabi ko ng dahilan sa itaas.

  92. MPRivera MPRivera

    “Sistema bulok! May kaibigan nga ako sabi nakakaboto siya sa Tarlac at Isabela ng sabay!!!”

    wow! inkredibol!

    nahati ang katawan dahil isang manananggal!

    ‘yung pang-ibaba bumoto sa tarlac at ‘yung pang-itaas ay lumipad sa isabela para doon bumoto!

    kapanipaniwala pa ba ito?

  93. hKofw hKofw

    I think it’s better to have discussion on this controversial bill called ‘Right of Reply’. Really’ I’m so dissappointed with Sen. Pimentel who seems becoming a critic of critical media. Its an unthought-of somebody like him a die-hard opposition unwittingly protecting this scandal riddled unwanted government of Gloria Ganid by authoring a law curtailing the press freedom. It’s interesting to watch this:

    http://www.kyte.tv/channels/browse.html?mode=SEARCHALL&search=right+of+reply+bill&x=9&y=11#uri=channels/48209/356987

  94. xman xman

    In case you haven’t notice it yet, this con artist president has simultaneous three prongs of attack against us. They are the following:

    1. Computerized voting
    2. Right of Reply
    3. Cha Cha

    Cha cha is dead on arrival. Right of Reply is a serious subject matter but it is not as grievous as the computerized voting.

    If computerized voting was in effect during the presidential candidacy of Erap against whomever they were, Erap will never win the presidency even with a landslide votes of 11 Million. With an impregnated voters list and cheaters at Comelec plus the Armed Forces of Pidal, Erap will never win.

    Computerized voting should never be treated like a featherweight. This is bigger than a right of reply.

    Even if Erap will run as President in 2010 election with a computerized voting, there is no way that he will win.

    In short, this right of reply and cha cha became a smokescreen so that people will not notice the importance of this computerized voting. As of now, pekpek president is succeeding to make it appear that computerized voting is not a big deal at all.

  95. PSB: Coke coy, kaya nga kailangang baguhin ang pagpili ng mga iboboto. Kung lahat ng Filipino ay susuko na lang katulad mo, talagang wala ng pagasa ang Pilipinas.

    Matanong ko nga kayong dalawa PSB at Grizzy.Anong laban ang ipinaglalaban ninyo?

    Kung tungkol lang sa pulitika ay matagal na akong sumuko,hindi ang maruming mundong iyan ang gusto kung labanan.Mas importanti ang laban na kinahaharap ko ay iyung papano umasenso ang buhay ko at ang pamilya ko.

    Noon nandiyan pa ako sa Pinas,marami na akong taong nakasalamuha pati na ang mga nakikipaglaban sa gobyerno na namundok.Hindi pweding magpantay ang antas ng buhay ng lahat ng tao kahit saang bahagi ng mundo ka man pumunta,mayaman man na bansa o mahirap kung hindi ka magsisikap.

    Kaya raw sila nakikipaglaban upang magkaroon sila ng sariling lupain,saan naman kukuha ang gobyerno para ibigay sa kanila? Alangan naman na kunin nila ang malawak na lupain ng kung sinong Pontio Pilato para ibigay sa kanila.Kasalanan ba ng gobyerno kung wala silang kapirasong lupa? Kung malawak man ang lupain ni Pontio Pilato ay dahil sa pagsiskap niya o kaya’y ang mga ninuno niya na nagpamana sa kanya.

    Nagtagumpay na ba ang mga namundok na nakikipaglaban sa Gobyerno? Panahon pa ni Marcos iyun at bata pa si Sabel,ngayon may apo na si Sabel ay nakikipaglaban pa rin sila.

    Iyang pulitika ay weder-weder lang iyan,kung sino ang naupo ay siya ang Bosing,maghintay ka ng panahon para sa iyo.Matatapang kayo at malalakas ang loob dahil wala kayo sa Pinas,Huwag na kayong mag-paasa pa ng tao na naghihintay doon kung hindi man lang kayo kikilos at lalaban.Nakita ko na ang situasyon ng tao doon at wala na silang pakialam.Kaya ako sumusuko dahil sila mismo na nandoon ay ayaw lumaban,malalakas lang ang tunog ng amplipayr sa bunganga na magmura ng mga tao na naka-upo sa gobyerno wala naman silang gawa.

    Ngayon,unti-unti ng nawawala ang ning-ning ni Jun Lozada kung hindi lang siguro sa mga madre ay sa kangkungan na sila pupulutin.Aber! pina-asa ninyo siya,ibinilad ninyo sina Trillanes at Lim kaya wala na akong bilib sa tilaok ninyo.

  96. xman xman

    Pimental is in collusion with con artist president arroyo.

    Nene Pimental knows that with computerized voting, which is easier to manipulate than the manual, to be used in counting ballots for national candidates like Senators, President, and Vice-President—Pimental wants to make sure that his son, Koko Pimental, will win the Senator seat.

    How Nene Pimental will do it? By blocking the WB investigations and pushing this Right to Reply bill. In return, the president will give Koko Pimentel his Senate seat by insuring that computerized voting will not diminish the winnability of koko or lose to another zubiri clone.

  97. Tedanz Tedanz

    Cocoy, Tama lahat ang pinagsasabi mo. Walang ibang sisishin kundi tayo ring mga Pinoy. Hinayaan natin lahat itong kagaguhan ng Rehimen ngayon at pati na din yong mga nakalipas na Rehimen.
    Ano pa ang ginagawa natin? Itigil na lang ang pagdadakdak natin. Itigil na natin ang kalokohang ito. Hayaan na lang nating limasin nila lahat ng yaman at dangal ng ating Bansa.
    Adre’ habang may buhay may pag-asa.

  98. chi chi

    Wow! Cocoy, ang hirap lunukin ng mga pinagsasabi mo, pero bukas ang isip ko na mag-agree sa iyo.

    “…pina-asa ninyo siya,ibinilad ninyo sina Trillanes at Lim kaya wala na akong bilib sa tilaok ninyo.”

    Hindi lang ibinilad, hindi pa sinipot ng mga nang-engganyo at halos ay hindi sinulyapan ng mga pinoy kung hindi sa tapang ni Ellen T. at mga kasama na magbulgar ng mga tunay na pangyayari sa Manila Pen.

    Sa kaso ni Jun Lozada, isa siyang biktima ng “ningas-kogon” attitude ng pinoy. Gayunman, ang mga taong ganyan ay kahanga-hanga at nagpapatunay na hindi kayang alipinin babuyin ni Gloria ang lahat ng pinoy.

  99. balweg balweg

    Time out Ka Grizzy & Cocoy…alam nýo di ako mapalagay kasi nga po e kung sisipatin ko ang inyong punto de vista about sa pang pulitikang kamalayan ang Pinoy e talagang walang katapusan debate sapagka’t ang bawat isa ay may kalayaang ipahayan ang kanyang damdamin at hinaing sa mga pangyayari na ating natutunghayan sa ating lipunan.

    Dito nakilala si Pilosopo Tasio at sumikat ang Balagtasan ng ating Makatang si Balagtas sa mga usaping naghahanap ng katwiran.

    Base sa aking personal na opinyon e malaya ang bawat isa upang ipahayag ng buong puso kung anuman ang gustong mangyari o magkaroon ng liwanag ang bawat issues na ating kinakaharap at pinag-uusapan.

    At in the end e nawa yong mga pagpapagal natin at lalo na yong pagpupuyat sa paghanap ng katotohan e magkaroon ng bunga once and for all.

    Ang lahat naman ng bagay e napag-uusapan ng maayos at kung pagkaminsan man e dumarating ang mabigat na dagok ng pagsubok but we are still standing longing for the truth and truth will set us free.

    Tuloy ang ligaya at walang iwanan sa paghanap ng solusyon sa bawat problema na kinakaharap ng ating Inang Bayan!

  100. Magno:

    Bakit magtataka ka pa? Kung iyong patay nakakaboto sa Pilipinas iyon pang buhay!

    Tinanong ko ang kaibigan ko ulit kung papaano siya nakakaboto sa Tarlac at Isabela ng sabay. Maski nga siya di niya iyong alam noon hanggang may nagsabi sa kaniya na nasa listahan pa rin ng mga voters ang pangalan niya sa Isabela na probinsiya niya talaga kaya lang sa Tarlac na siya nakatira kasi taga-doon ang asawa niya.

    Bumoboto siya sa Tarlac, pero may bumoboto gamit ang pangalan niya sa Isabela. In short, double lista siya. Takot naman siyang magreklamo kasi baka ipapatay siya. Kaya pagtapos na pagtapos daw ng botohan, labas na siya ng Pilipinas.

    Kaya iyong panukala ng mga OFW na internet registration, nangkupo! Internet voting pa raw di lang automated counting. Gustung-gusto ni Gloria Dorobo, et al ang suggestion nila kasi mas mako-kontrol niya ang election. Sabi ko nga, kung iyong paglilista sa mga pasuguan na automated, naloloko, nabubura, nawawala pa, lalo pa pag in-implement iyan ng mga suwitik sa COMELEC! Kahit kamay ang bilangan kundi sila mandaraya, wala namang masama sa totoo lang.

  101. Balweg:

    Sakit ng mga pilipino iyang puro debate lang. Pero pag tinawag mong makibaka, nagtatago na sa lungga, kesyo-kesyo pa!

    Mahirap na lang magsalita, pero kami ng mga kasama ko sa Japan, may ginagawa kahit papaano di lang dada ng dada. Mahirap iyong kunyari kakampi mo pero pag labanan na, bye-bye! Ang masama, uma-attend pa ng mga pakulo ni Gloria Mandurugas kahit alam nilang pera ng bayan ang ginagamit niya!

    Nag-arrange ako ng Internet Conferencing with Jun Lozada halimbawa. Bumili ako ng mga gamit for such conferencing may pakain pa—di biro ang gastos ko sa totoo lang— para malaman ng mga pilipino ang issue ng ZTE/NBN scandal, taragis, iilan lang ang dumating despite the two-weeks ads and preparation na ginawa namin. Sayang daw ang oras kasi wala namang magagawa! Yuck!

    Kaya kahit na hindi ako komunista, mas hanga naman ako doon sa mga bata ni Joma na nakikibaka para mabago ang palakad sa bansa nila kesa doon sa namimilosopo pa!

  102. Xman:

    Huwag mong pagbintangan si Senator Pimentel na kumakampi kay Gloria. Truth is iyong mga OFW na nagsulong ng OAV Law ang nag-lobby sa kaniya na isulong ang panukalang ito. Trying hard lang siya ngayon na pagbigyan sila sa gusto nila na ilakad ito sa Senado.

    Best thing to do is to write to the Senator Pimentel directly and ask him why he is submitting all these propositions to the Senate. Sulatan ninyo siya at sabihin ninyo ang ayaw ninyo sa ginagawa niya. Baka matauhan siya.

    Unless na makita ko siya ngayon na lovey-dovey doon sa unano, I won’t think ill of him dahil kakilala ko siya. Sabi nga ni Ellen, he is decent. Ganyan din ang pagkakakilala ko sa kaniya. Pero dahil sa nasa babuyan siya, nangamoy baboy na rin siguro siya!!! 😛

  103. Cocoy:

    Basahin mo na lang ang mga posts ko dito at blogs ko para malaman mo kung ano ang pinaglalaban ko at ng mga kasama ko. At least, may nagagawa kami, di lang dada at kundi baka naubos na ang assets ng Pilipinas sa Japan dahil na rin sa katangahan ng mga pilipino.

    Iyong hindi pagbenta ng Roppongi property and other Philippine patrimonies in Japan, ang ilan lang sa mga accomplishments namin di gaya noong mga pilipino sa Tate na puro hambog lang. O loko, di nabenta ng mga kurakot iyong assets, i.e. iyong property sa Stockton St., SFO na kasangkot pa yata iyong kapatid ni Ninoy noon. Mahirap na lang magyabang sa totoo lang!

    Pati nga iyong mga nare-rape, etc. sa Middle East, kahit papaano natutulungan namin pati na iyong kaso noong muntik nang maputulan ng ulo sa Iraq! Sabi nga mahirap na lang magsalita!!!

  104. balweg balweg

    Isang kang tunay na BAYANI ka Grizzy, ang ambag mo sa ating Inang Bayan e isang nakapalaking bagay at kung ang bawat isa sa atin ay maka-gawa ng mabuti para sa ating mga Kababayang-Pinoy e kung pagsasama-samahin ito at malaking contribution sa ating lipunan.

    Kaya nga po nakakaraos ang Bayan e ng dahil sa bawat indibidwal na nagtutulong-tulong upang paunlarin ang ating pamayanang ginagalawa, kasi nga po kung iaasa natin lahat sa gobyerno e suntok sa buwan ang pag-unlad/pag-asenso ng pamayanan at mamamayan.

    Kung pakakasuriin natin ang mga development sa ating pamayanan e talagang malaki ang ambag ng bawat isang Pinoy na patuloy na naglilingkod at nagcontribute ng kanilang makakayanan.

    Nagkataon lamang na masyadong polarize at malalim ang hidwaang pampulitika sa ating bansa. Magkagayon man ang sitwasyon e di pa rin tayo nawawalan ng pag-asa na mareresolba ang lahat ng ito.

    Always remember yaong ipinagtagumpay ng ating mga dakila nating bayani na nagbuwis ng buhay alang-alang para sa kalayaan ng ating Inang Bayan.

    At syiempre nananalaytay sa ating ugat ang hirap at pasakit na dinanas ng ating mga mahal na magulang sa pakikibaka upang makahilagpos sa tanikala ng pagka-alin una sa mga dayuhan at pangalawa sa mga naghaharing-uri sa ating lipunan.

  105. Alam mo Grizzy,May mga medical mission din kami sa Pinas every year at maraming doctor na nangaling dito na umuuwi d’yan sa Pinas at may libreng gamot at pakain pa.

    Sa mga interesadong magpagamot ng libre pumunta lang sila sa July sa bayan namin.Kung gusto ninyo ng detalye ay mag-e-mail lang kayo sa akin.—

    ejohnfranco@yahoo.com

  106. balweg balweg

    Fantastic Cocoy, i’m very proud of you kasi nga kahanga-hanga ang handog nýo sa ating mga Kababayang salat sa buhay.

    Nakakarelate ako sa winika mo dahil this is part of my mission in life kaya patuloy lang po sa kabutihang loob na ibinibigay nýo sa mga less fortunate nating Kababayan.

    Pasasaan ba someday ang lahat ng mga kabutihan nýo na ipagkakaloob sa ating mga Kababayan Pinoy e pagpapalain tayong lahat.

    I’m interested sa medical mission at kung may schedule kayo sa Pinas e paki-balitaan naman at kami ng aking wife (a registered Nurse) e bukas-pusong makibahagi sa kawanggawa na ito.

  107. Ka Balweg,
    Kung interesado kang mag-volunteer,e-mail ka lang sa akin.Kaya lang baka magulat ka at ma-turn off kung sino ang organizer ng medical mission na ito.Actually ito ay isang big event ng family reunion with 3 days medical mission.

    Iyung every year na medical mission namin ay from our townmates association,but this time it’s our clan to do the medical mission pero kasama rin sila.

  108. Sa medical mission na ito,wala munang bahid ng pulitika,gusto lang namin na ibahagi ang grasya sa mga kababayan namin na salat sa buhay.Si General na pinsan ko ang nag-organize nito.

  109. balweg balweg

    Nice kawanggawa Ka Cocoy, bayaan mo pagnagkataon na magkasabay tayong pabakasyon ng Pinas e magkadaop-palad tayo at maging tulay si Ma’am Ellen.

    We are using a.k.a. in Ellenville community and still di pa tayo nagkikita ng personal at hoping one of this coming days e magkadaop-palad tayong mga taga-Ellenville community at magkaroon tayo ng reunion di ba.

    Small world, kasi nga our acquaintanceship e maging magandang simula nang pagiging magkakababayan at nagkakaisa ng puso’t damdamin para sa bayan.

    Ang kinaroroonan natin e di ito handlang upang mapagsamahan natin ang mga bagay na nais nating iukol at ibahagi sa ating mga kababayang Pinoy sa Pinas at sa abroad.

    Our camaraderie will be a driving force in order to unite us in one goal…walang iba ang matulungan natin ang ating Inang Bayan at makapagcontribute tayo ng kabutihang-asal sa mga kababayan natin na naliligaw ng landas.

    Masyadong problematic ang gobyerno natin at ang mga nagpapatakbo nito sapagka’t walang katapusang bangayan.

    So, tayo na nakakauwa sa sitwasyon ang maging ugat sa ikapagbabago ng ating lipunan.

  110. Xman, Grizzy, please take note that I’ve edited your comments.

    As I have said time and again, we can be strong with our views here without being foul. If we are appalled by other people’s grossness, the more that we should prove that we are not like them.

    We should never be indecent.

  111. Re Tongue’s comment: “Sorry again Ellen, but this is off-topic but of extreme importance – why did the Senate not include Scarborough in the baseline, as proposed by AT4? What is AT4’s reaction to this?”

    Sorry, was not able to access internet for three days in Macau because The Venetian was charging minimum of 160 Macau dollars (x 6- pesos) for a 24-hour use of the internet from the room.

    Anyway, re Scarborough being regime of islands.

    It’s another case of the Arroyo administration surrendering to China’s pressure.

    There’s not much that Sen. Trillanes can do at this time. The correction will come when Arroyo is out of office. Amendment to the baseline law.

    As in all the harm that Arroyo has caused this country, the remedy can only come when she is out of power.

  112. xman xman

    Ellen, ang tinutukoy mo ba ay ang sinasabi ko na pekpek president?

    Ang ibig sabihin ng pekpek ay peking peking presidente.
    Short cut lang ang ginamit ko. Ano ba ang nasa isip mo?

  113. Xman, kahit na, hindi pa rin maganda pakinggan.

    Thanks for understanding.

  114. syria syria

    ellen, minsan natatawa ako kasi mayroong mga salitang tagalog na di magandang pakinggan pag na translate sa english okay lang. Example – Vagina Monologue, a play which ran in Broadway

  115. syria syria

    Kung ihahalintulad mo ang inahing manok sa babae, at kung ang inahing manok ay may pakpak, ano naman ang sa babae?

    Itanong mo kay xman. Tiyak alam niya ang sagot.

  116. balweg balweg

    Korek X-Man…dapat po e maging maingat tayo sa mga salita na double meaning kasi nga e di ito magandang pakinggan at mamissinterpret tayo ng mga Kapinuyan na gustong mamasyan sa Ellenville garden upang makasimoy ng sariwang hangin at mahimasmasan sa mga problemang kinakaharap sa buhay.

    Ang pagiging professional sa larangan ng panulat e bahagi ng kamulatan ating natututuhan sa pang araw-araw na buhay, at okey lang kung tayo-tayo ang makakabasa sa ating mga threads ang kaso mayroong kinauukulang nakikibasa sa ating mga pinag-uusapan.

    Iwasan natin na mapulaan tayo at maging magandang halimbawa ang pagpapahayag natin ng ating mga damdamin at try to control our emotion and feelings para marami ang ma bless sa Ellenville community.

    E ka nga negative criticism is healthly kung tatanggapin nati ang puna o paalala ng sinuman sa atin especially Maám Ellen sapagka’t siya ang salamin ng ating pagdadaop-palad.

    Anumang negative comments sa ating komunidad e nakakahiya naman sa ating pinagpipitagang Maám Ellen sapagka’t nakataya dito ang kanyang dignidad at pagkatao sa larangan ng pamamahayag.

    Tuloy ang ligaya at ang lahat naman ng bagay e napag-uusapan ng masinsinan.

    Maraming salamat po!

  117. balweg balweg

    Alam mo Syria, ang mga Tagalog e sensitive sa pagbigkas ng anumang salita na may kinalaman sa salitang Tagalog o Pilipino sapagka’t maingat ang bawat isa na makasakit ng damdamin ng kanyang kapwa-tao.

    Ang Katagalugan especially ang mga Bulakenyo e maingat sa pagbigkas ng bawat salita sapagka’t mayroon iba’t ibang kahulugan o pagpapakahulugan ang bawat salitang Tagalog.

    Ito po ay ginagamit ayon sa angkop ng pinag-uusapan at may degree of sense ang salita na kanyang gagamitin. Kaya nga maraming Kababayang Pinoy na na missinterpret nila ang mga Tagalog kasi nga po sensitive lalo sa paggamit ng salita na makakasakit ng damdamin ng kapwa-tao.

    May salitang Tagalog na sisisirin mo pa bago mo maunawaan ang ibig sabihin at mayroon din naman na simpleng salita pero tagos hanggang buto ang tama nito.

    Kaya kapag ang magkausap e both Tagalog e talagang maingat sa paghabi ng salita upang maiwasan ang samaan ng loob o makaoffend.

    Pero pag bi-ligual ang kausap na Pinoy e ang Tagalog naman e madaling mag-adjust upang maging harmonious ang tsikahan.

  118. Balweg:

    Ang problema, maraming mga pilipino ang di magmahal sa sarili nilang wika. At least, mas maraming nagsasalita ng tagalog ngayon kesa noong bago kami umalis ng Pilipinas. Personally speaking, mas gusto kong mahalin ng mga pilipino ang sariling kanila, hindi iyong pinaglalandakan pang mas mahalagang gamitin nila ang wikang marami naman sa kanila ang hindi nakakaintindi.

    Lumaki ako sa Maynila sa totoo lang kaya ang tagalog ko “taglish” kahit na sa ngayon ginagawa ko ang makakaya kong puruhin ang tagalog ko dahil kailangan ko sa trabaho ko. Pioneer kasi ako sa pagsasalin ng tagalog sa wikang hapon sa totoo lang, at pinag-iibayo ko talaga na mapuro ang nalalaman ko sa wikang pambansa ng Pilipinas dahil baka naman balang-araw matoto na rin ang mga pilipino na mahalin at angkinin ang sariling kanila, di iyong ipinagpapalit pa ang wika nila sa ingles na di naman nila talagang naiintindihan.

    Buti pa nga iyong mga istudyante kong mga hapon, mas interesadong magsalita ng tuwid at tamang tagalog kesa doon sa mga ipokritong mga pilipinong di naman mga amerikano kung bakit ayaw ng sarili nilang wika.

    Taragis iyong pandak, gusto pang ibalik sa colonial mentality ang mga pilipino. Pa-ingles-ingles ang kumag, pangit naman ang accent at diction niya. Masakit sa tainga. Palakpak naman iyong nakikinig sa kaniya na hindi naman naiintindihan ang sinasabi niya. “Wow, ang galing mag-ingles,” sabi da.

    Isa pang maling akala ng maraming pilipino. Ang akala nila kung marunong mag-ingles ang isang tao, matalino na! Yuck!

Leave a Reply