Noong Pebrero 16, inilathala ko rito ang reklamo ni Arman Eusebio, taga Pasay, tungkol sa sinasabi niyang pangi-ngikil ng mga tauhan ng Meralco sa kanila pagkatapos nadiskubre ang jumper sa kanilang katabing bahay noong Oktubre 2008.
Sabi ni Arman, sinisingil siya ng Meralco ng Php237,670.80.
Sabi ni Arman, “Ano bang klaseng trabaho ba ito? Parang isang malaking ‘extortion practice’ itong ginagawa nila eh. Pati ba naman sa Meralco wala na ding hustisya ang mga imbestigasyon?
“Kami ang ginugulo ng mga taong ito gayong regular na nagbabayad ng bills ang Nanay ko habang iyong may-ari ng bahay kung saan nila nakita ang ilegal na koneksyon ay wala silang ginawang aksyon. At ang masaklap, hindi nila binigyan ng importansya o sinilip man lang na iyong bahay na iyon ay walang maipapakitang metro pero may mga gamit sa loob ng kanilang tatlong palapag na bahay.”
Sumulat si Joe R. Zaldarriaga, manager for External Communications ng Meralco, at sinabi na walang masama o walang irregular sa ginawa ng mga tauhan ng Meralco.
Hindi rin daw totoo na nagtangkang mag-extort ang mga tauhan ng Meralco. “ It is also not true that our personnel were extorting money from him,” sabi ni Zaldariaga.
“ Although he claims to have an active account, findings however reveal that there has been unregistered consumption emanating from a room adjacent to his, which is reportedly being occupied by a certain Mr. Juanito Eusebio. Mr. Juanito Eusebio was found to have no metering facility and was illegally connected. Our findings reveal that this benefited Mr. Arman Eusebio. During our inspection, there were law enforcement officers present since this is required by the Implementing Rules and Regulations of the law specifically Republic Act 7832 or the Anti-Electricity Pilferage Law,” dagdag pa niya.
Yung P237,670.80 na sinasabi ni Arman ay “recovery of the cost of electricity he should have incurred had he not been found to have illegal connection” o yung talagang bill niya kung hindi nadiskubre ang kanyang ilegal na koneksyun.
“We also would like to stress on record that we strictly observed and adhered to standard procedure while the inspection was being done. Evidence found in his premises speak for itself,” sabi ni Zaldariaga at hindi lang daw si Arman ang apektado dito. Ginagawa lang daw ng Meralco ang kanilang trabaho at kasama doon ang malaman kung magkano ang nagamit na kuryente ng isang customer.
“This should not be taken personally. This is an issue of fairness – to make sure that customers should pay in accordance with their consumption,” sabi niya.
Gusto rin paalalahanin ng Meralco ang mga naglalagay ng ilegal na kuneksyon na maliban sa ito ay delikado dahil sa “substandard connections”, ito ay “morally wrong.”
“ The law prohibits it and the same law empowers distribution utilities such as Meralco with the help of law enforcement agencies to apply it in order to protect electricity consumers,” sabi ni Zaldariaga.
Bukas raw ang Meralco sa pag-uusap kay Arman para naman matulungan siya sa kanyang problema.
It’s always good to hear the other side of the story. In the name of fair play, this blog now publishes Meralco’s side. That’s what we call democracy. What Meralco must solve is the never ending problem of so called “jumper”. Millions of pesos are lost from these illegal power connections.
Puede ba huwag nang mangatwiran ang Meralco? Kurap is kurap kahit anong angulo tignan ang kaso ni Arman. Ganyan din yata ang kaso noon ni Ka Bel sa Meralco na kaya siya naputulan ng ilaw! What a crap! Wala na ba talagang pag-asa ang bansang iyan?
Age-old problema na iyang mga kabulastugang iyan, lalo pa yatang lumala dahil doon sa power grabber na criminal na ayaw bumaba.
Kawawang bansa!
Papaanong masusugpo ang illegal jumper e may kakutsaba sa loob. Biro mo nga naman iyong makokolekta nilang back payment kuno. Kawawa iyong mga nalokong di nila alam na ilegal pala ang koneksyon nila.
Point is wala bang nagtse-check kung tama o hindi ang mga tubo ng koryentek, tubig and all during construction of a house or building there? Kung sabagay ang dami naman kasing mga squatter. Nakasanayan na rin kasi ng marami ang manloko, makaloko at pagkatapos in the end sila rin ang naloko. In short, puro loko-loko!
Kawawang Pilipinas, di na nakaahon sa putik!
Err, babuyan pala! Nababoy na ng husto ang bayang sinilangan! Huhuhuhuhuhu! Sad movies make me cry ang labas!
Obviously, Zaldarriaga will protect Meralco. Hopefully, my advise below to Arman will help.
1- Arman’s legal power line might have been illegally tapped.
2- Arman’s power meter might be defective.
3- Arman can ask help compute and review his consumption based on his existing load. He can then consolidate his previous bills and make comparisons to the bill/s of P237K.
At this point, it will be possible for him to determine the period/s of unusual consumption and consequently determine the cause. If irregularities are ruled out, he can dispute this with Meralco and if Meralco is uncooperative, he can file a complaint on,
DEPARTMENT OF TRADE & INDUSTRY
Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection (BTRCP)
385 Industry and Investments Bldg., Sen. Gil Puyat Ave., Makati City, Philippines 1200
Telephone: (+632) 751.0384 Fax: (+632) 895.6487
http://www.dti.gov.ph/dti/index.php?p=69
Palagay ko may pananagutan si Arman Eusebio sa kasong ito.Alangan naman na wala silang alam sa illegal jumper dito at isa pa si Juanito Eusebio ang nakitaan ng kuryente na walang metro.Baka nga may connection pa ang dalawang Eusebio na ito.
Saan nangaling ang kuryente niya ng walang metro? Aber!Alangan naman na dinirecta niya sa poste ng Meralco,di ba? Nangaling sa metro ni Arman Eusebio ang kuryente ni Jaunito Eusebio,kailangan pa ba ang logic para ipaliwanag ito.Ganyan talaga kapag nahuling gumagawa ng illegal ay marami ang dahilan,kesyo ganito at ganoon.
Kung ayaw nilang masita at magmulta sana di na sila gumawa ng illegal,tapos ang usapan!
Isa pa delikado iyang jumper-jumper na iyan,diyan ang pinagsisimulan ng sunog.Mabuti sana kung bahay lang nila ang masunog,mandamay pa sila ng mga bahay sa paligid nila,Usad pagong ang bumbero diyan sa atin at kung minsan baka wala pa ngang tubig ang trak ng bumbero.Dito sa amin pagtawag ng 911 matagal na ang limang minuto.Diyan baka limang oras bago dumating ang bumbero,wala na silang maisasalba tapos mas marami pa ang usi-uso na nagigil sagabal sa mabilisang kilos ng mga bumbero.
Email kay Brad Pitt (okay ang alias mo a)
Siguro nga po kung napatunayan po ng Meralco na may illegal connection si Mr. Juanito Eusebio at nakikinabang din si Mr Arman Eusebio, pwede po silang kasuhan at pagbayarin ng kaukulang multa.
But correct me if I’m wrong, di po ba yung system loss na tinatawag ay yan yung nakaw na kuryente dahil sa mga ilegal connection at jumper? At yan ay binabayaran din ng consumer ng Meralco o ano pa mang electric cooperative kasama ng iba pang monthly charges? Kung tama po ang pagkakaalam ko, ibig pong sabihin ay hindi naman nalulugi ang electric cooperative dahil sa mga ganitong gawain kasi nga po nasisingil nila ito sa mga consumer agad-agad.
Ang gusto ko pong malaman ay saan mapupunta ang pera tulad ng sinisingil nila kay Mr. Arman Eusebio na P237,670.80? Yun po bang pera na ibinabayad ng nahulihan ng jumper o ilegal connection ay nasosoli po sa consumer? Hindi po ba dapat ay trabaho nila ang hulihin nila ang may mga ilegal na koneksyon o maging regular ang inspection nila para maiwasan ang mga ganitong gawain?
Kasi kung ang consumer ang magpapasan nyan e ano pa ang silbi ng mga empleyado nila? Pwede naman po sigurong ipaliwanag ito ng Meralco o mga electric cooperative, ano po?
Maramin pong salamat.
Gumagalang,
Brad
26 Feb 2009
Tama ka cocoy, kung ang illegal tapping(?0 ay nanggaling sa metro at ito ay nabasa ng tagabasa ng meralco, ay malamang na nanggaling nga ito sa metro ng isang bahay. Ang isang nakakapagtaka ay kung paano naikabit ang illegal na kuneksyon ng kuryente sa metro ni mang arman? ito ay nakakapagtaka?
Ang isa pang katanungan ay ano ang relasyon ni junanito kay arman? kasi nga paerho sila ng apelyido? hindi kaya’t itong illegal na kuneksyon ay may basbas ng kamag-anak nila kung ito ay kanilang kamag-anakan)?
Yan kasi ang masamang kalagayan ng ating buhay, kaso nga PULOS KASINUNGALINGAN AT PAWANG KASINUNGALINGAN LAMANG ANG PINA-IIRAL NG MGA NAMUMUNO E. Isa pa, eto tipikal na ugaling Pilipino na kung makakalusot ay lulusotan na lamang, at ang responsibilidad ng isang matinong mamamayan ay nawawala na. Dahil sa mga nakaw na ito ay hindi na umusad ang Pilipinas.
Kung napansin mo na medyo may kataasan ang kosumo ng kuryente mo ay dapat ipaalam sa mga kinuukulan para matigil na ang illegal na kuneksyon.
Kaya nga ang daming pataw ng meralco sa mga respononsableng mamamayan na nag papakabit ng tamang kukesyon ng kuryente, kung anu-ano na lamang ang pinapataw ng meralco,kaya napakataas ng presyo ng kuryente sa Pilipinas. Dapat na matigil na ang kahunghangang ito.
Dapat na muna nating malaman kung may kinalaman ang pamilya ni arman sa illegal na kunekson ni juanito sa kanila??? baka naman may kamaganak sila na nag lagay ng ilegal na kuneksyon at idinikit sa kanilang kuntador???
I agree, with syria on the other hand, if Meralco has erred in their computation then he (arman) should go the consumer protection Office of DTI and complain illegal/high charges of meralco.
It’;s about time that merlaco stop this illegal practice of charging the legal power consumers and stop the imaginary and additional charges to the real consumers, it adds burdens to the real power consumers.
Bababa nga ang kunsumo mo ng kuryent pero itataas naman nila sa kung saan-saan charges na hindi mo alam kung anu yun.
Haaaaayyyyy. buhay nga naman hindi mo alam kung sa patungo.
prans
Heh! Maglalakas ba ng loob na magreklamo sa diaryo (sulat kay Ellen) si Arman kung alam nya na iligal ang kanyang meralco koneksyon?! Of course, ipagtatanggol ni Zaldariaga ang kanilang mga tauhan.
Dapat dyan ay puntahan mismo nila ang bahay ni Arman at ituro ang iligal na konek, pero baka yun ay i-plant na rin nila bago kausapin si Arman. Naku, wala akong tiwala….
Oy, Cocoy…nandyan ka na pala, magkaiba pa tayo ng opinyon. Welkam bak!
Sa napansin ko sa Pinas,mahirap ipatupad ang batas kung ang mga nagpapatupad at ang mga tao ay hindi sumusunod sa batas.May pera ka lang mabibili mo ang lahat kahit na ang batas,kaya matagal pa bago magkaroong ng pagbabago at tayo ay umasenso.Palagay ko wala ng pag-asa,ang daming palaboy at namamalimos sa kalsada na may mga cell phone pa.Pulubi ba ang mga iyon?Ang problema kasi nagsisiksikan sila sa Maynila samantalang kay lawak ng mga lupa na nakatiwangwang sa probinsya.Maghihirap talaga tayo at kakapusin sa bigas dahil ang mga tao ay tamad ng magtanim ng palay,pesteng yawa iyang pag-oofw na iyan,$300 isang buwan ay pinapatos na nila samantalang kung magsipag lang sila sa probinsya ay mas higit pa ang kikitain nila.120 pesos ang isang kilong mangga na dalawang piraso lang,mahal na rin ang ampalaya at hindi na nahihingi ang talbos ng kamote,kung mayroon silang isang hectaryang lupa ay mabubuhay na sila kesa umasa sa pagiging OFW.
Papano mamuhunan ang gobyerno sa atin at pautangin sila ng puhunan kung tatamad-tamad sila at ayaw nilang kumilos.Nakikipagsiksikan sa Maynila at umaasa na makahanap ng trabaho samantalang isa lang ang nabakante sa trabaho ay mahigit sampung libo ang aplicante.
Ayun mga iba isinangla ang mga lupa sa bangko o kaya’y sa tao para may magastos sa placement fee at kadalasan na ay na Wantutri sila kaya nawalan na tuloy sila ng mga lupain at wala ng uuwian,Karamihan kasi sa atin ay ambisyoso at ambisyosa at hindi nakukuntento kung ano ang mayroon sila,ang katwiran bakit si Sisa grade 6 lang ay nakapag-abroad at nakapagpatayo ng magarang bahay samantalang ako ay Valedictorian ng grumadwet sa high school.Bakekang,ang kapalaran ni Sisa at ang kapalaran mo ay magkaiba kaya makuntento ka na kung ano ang mayroon ka!!!!!!
Kung meron nag-iligal tapping sa metro ni Arman, pwede rin. Pero sigurado ako na hindi alam yan ni Arman dahil sya ay nagreklamo sa publiko.
Nangyari sa akin yan sa Bulacan. Mahigit na dalawang taon na merong kumabit sa aking metro. Nang ibinibenta ko ang bahay at meron ng bumili, siempre ay kailangan ko na bayaran ang lahat ng bills. Abaw, umabot sa pagkalaki-laki ang koryente. Nang puntahan ko ang opisina ay talagang hinatak ko ang isang tauhan at ipinatingin kung saan nanggaling ang konsumo samantalang paminsan-minsan lang tinitirhan ang bahay. Ayun, yung bastos kung kapitbahay ay naka-tap pala sa aking bahay, sinamantala na hindi masyadong natitirhan yung bahay. Bah, dinemanda ko hanggang sa mag-settle sya at humingi pa ako ng personal danyos.
Agree ako, dapat ay parusahan ang mga iligal konek pero dapat ay may ibidensya na hindi hocus-pocus.
Chi,Last Monday pa ako nakauwi dito at nangamoy daing ang bahay ko,daing sa lamusal,tanghalian at hapunan,kaya binuksan ko ang lahat ng bintana ay busy ako sa pag-eespray ng air freshner.Mura ang Philip Morris sa pinas walong cartoon ang dala ko dito,ayun sa pinabili ko ay 300 pesos lang daw ang isang cartoon.Sa Costco $40 ang isang cartoon na sigarilyo.Tuwang-tuwang ang mga kaibigan ko dahil binigyan ko rin sila ng tig-dalawang kaha.Nabaligtad na,noon kapag umuuwi ako sigarilyo ang dinadala ko sa pinas,ngayon ako na ang nagdadala ng sigarilyo dito.
Parang kabuteng nagsusulputan ang palakihan at pagandahang bahay sa bayan namin,umuwi na ang karamihang US Navy na retired sa bayan amin dahil sa reccession ng merica,hindi na kasya ang mga retirement nila dito, kaya naging mahal ang halaga ng Lapu-Lapu sa amin.Nagtitiyaga na lang sa bisugong bilasa ang tiga doon sa amin na walang dolyar na pambili dahil pakyawan itong mga US Naving hapon kung mamalengke.Masipag mangisda ngayon ang mga fisherman sa amin.Lugi ako sa mangga dahil piniste ng mga uod ang mga bunga at maliliit na ang bunga,mas malaki pa ang pandesal,gawa raw sa epekto ng NAPOCOR sabi ng mga tao doon sa amin.Marami na ang may sakit at namamatay sa cancer doon sa amin.Iyung mga kaibigan ko noon karamihan ay nakabaston na at ayaw na nilang ngumiti dahil isa at dalawang ipin na lang ang natitira sa bunganga nila.Nanghihingi ng pustiso sa akin,sabi ko naman sa kanila hindi ako naging dentist kaya wala akong maibigay na libreng pustiso sa kanila,kung gusto nila ng tungkod mamili na lang sila kung boho o kawayan dahil marami akong supply sa tabing ilog.Hahahaha!
Cocoy,
Salamat sa update sa bayang-sinilangan. Mukhang makakauwi ako kapag natuloy si BGen. Danny Lim. 🙂
Ihanda mo ang Zambales ha? Itatraysikel ko lang yan galing sa amin. hehehe.
Sori Ellen, out of topic kasi ay na-miss ko lang ang mga comments ni Cocoy.
Ang dapat mapatunayan ay kung may legal na metro ng elektisidad sila Arman. Keyso nagababayag ang nanay niya o hindi ay side issue lang. Kung totoo na hindi puspusang ininpeksyon ng tauhan ng Meralco ang may jumper na tahanan ay side issue rin.
Hindi ako magtataka kung humihingi ng lagay ang inspektor ng Meralco. Pankaraniwang gawain na sa atin iyan. Hindi rin ako magtataka kung kahati sa lagay ang mga bossing ng mga inspektor.
Iyang nakatira sa may pasig ay parang ipis. Mabilis kumalat at talaga namang sanhi ng kung ano anong sakit. Iyan ang dapat tapakan. Crunch!
Buhay, bahay at mga ari-arian ang nakataya sa mga illegal-tapping ng koryente. Mas maigi ay isumbong kaagad sa kinauukulan para maiwasan ang pinsala.
Ako po si ARMAN EUSEBIO, iyong pong nagreklamo.
Unang-una po, gusto kong i-klaro iyong ugnayan namin ni Juanito Eusebio. For the record, tiyuhin ko po siya, kapatid ng tatay ko.
Pangalawa, to set the record straight, hindi po ako maglalakas ng loob na dalhin sa media ito at ilaban ang kaso kung sa umpisa pa lang eh alam ko nang kabilang kami sa mga lumalabag sa batas ng Meralco.
Gusto ko pong pasinungalingan lahat ng sinabi ni G. Zaldariaga na ‘we benefited don sa illegal connection’ found sa bahay ni Juanito Eusebio. Paano niya nalaman na nakinabang kami gayong ayaw nilang maglabas ng ebidensiya ng pinagbatayan nila ng findings na iyon? Sinasabi pa niya na may law enforcements during the inspection. OPO. Mayron nga po. Pero hindi during the inspection, kasi iyong inspector lang nila na si VICTOR ACOT ang pumanhik sa bahay namin. Hindi nga namin alam na may mga kasama silang pulis kasi wala namang naka-uniformed sa kanila.
Nalaman na lang namin ito during the confrontation sa loob ng baranggay hall ng tanungin ng barangay captain iyong mga kasama ni Mr. Acot kung mga inspector din sila. All throughout the confrontation, tahimik lang sila. Actually, isa lang nga iyong nandoon pero don sa ginawang report, 2 daw ang pulis escorts nila. Even the barangay records will show na 1 lang ang naroon.
Pinangangatawanan ng Meralco na tama iyong ginawang report ni Mr. VIC ACOT na nakinabang kami sa illegal connection na iyon simply because nakita niya ang kawad ng kuryente na papunta sa direksyon ng kabilang bahay, na unfortunately naman eh sa bahay na pala namin iyon. Iyon lang po.
These inspector insisted na may mga kuha sila ng litrato and they will use these photos as evidences.
Ang pakiusap ko sa kanila, ipakita sa amin iyong mga kuha na iyon to check if these were taken from our house or not. Nagbitaw pa po ako ng salita sa kanila na kung talagang sa amin iyon, luluhod ako sa harapan nila upang humingi ng tawad at tatanggapin o babayaran ang anumang dapat na maging penalty sa amin. Ginawa ko po iyan sa harap ng mga opisyal nila at ng mga opisyal ng baranggay. Pero they refused to show any proof at all. Can you imagine this?
Good thing I was able to videotaped some of the confrontation scenes na nangyari don sa baranggay hall. And fortunately, it started with my elder sister asking Mr. Acot kung paano niya nalaman na sa amin nga iyong illegal connection. Ang reply po ni Mr. Acot, “hindi ko nga po na-check talaga. Pero nagtanong po ako sa isang bata na ‘boy, san papunta itong kawad na ito. ang sabi niya, sa kabila po, tara po samahan ko kayo’….” at lumabas na sila. (I’ve sent Ms. Ellen a copy of this cellphone video). Hindi ba nakuha iyong ‘logic’ don sa ginawa ng bata?
When i inquired kung sino itong batang ito, it turned out na anak ni Juanito, or so to speak, pinsan ko.
And this has been Mr. Acot’s basis for everything.
I think, whatever the relationship i may have had with whoever is living on the other side, is not the issue. Kanya-kanyang pamilya na ang nasa lugar na iyon. Kanya-kanyang buhay.
And one more thing, when that incident happened, ang nakatira lang sa bahay namin at that time eh ang nanay ko na 63yrs old, my elder sister and her 8yr old daughter at ang bunso naming kapatid na 25yrs old. For more than a year, sila sila lang ang nasa bahay kasi nakabukod na ako at ang isa ko pang kapatid na lalaki. My sisters are both working at iyong pamangkin ko eh nag-aaral. So during daytime, nanay ko lang talaga ang naiiwan sa bahay.
As it is, the illegal connection were found in Juanito’s house. The question is, ano ang ginawa nila kay Juanito? Bakit kami ang pinagbabayad?
I hope this gives clearer idea of how things went that time.
Isa pang pwedeng gawin ni Arman ay humingi ng tulong sa isang Certified Electrician para,
1- ma-trace kung mayroon illegal tapping sa kanyang kuryente.
2- tiyakin kung ang metro ay maayos.
3- i-compute at rebisahin niya yung mga mga resibo at bills at ikumpara niya doon sa P237K. (Para sa ilang buwan ba itong P237K?)
4- gumawa ng isang certified electrical report para isumite sa Meralco. Isama sa report ang mga konsumo ng kanyang appliances,at mga ilaw.
Pinakasimple niyang gawin, patayin lahat ng appliances at ilaw, at tingnan yung metro kung umaandar pa rin. Tiyakin lang niya na nandoon ang kanyang mga pinaghihinalaan at gumagamit ng kuryente.
Armani, sa tingin ko, ang kaso mo ang dapat mong bigyan ng pansin. Anong mahihita mo kung ano man ang gawain nila kay Juanito?
Legal ba ang metro ninyo? Iyan ang dapat sagutin. Kung legal, walang kang problema, kung hindi, kailangan siguro e makipag areglo kayo. “Tumawad” kayo sa dahilang hindi ninyo alam na hindi pala legal ang metro niyo. Tutal, nagbabayad naman talaga kayo buwan-buwan.
Iyung kotong ng inspektor e mahirap pagtibayan, bukod lang kung may saksi ka. Kaya malamang e palampasin mo na yun.
“…………Bukas raw ang Meralco sa pag-uusap kay Arman para naman matulungan siya sa kanyang problema.”
kaya? tawagan mo nga ‘yung help desk nila ‘alang sumasagot. sadyain sa opisina ang taong dapat kausapin, hindi mahagilap?
tapatan na lang. MAGKANO?
armani,
Kung may katotohanan ang expose mo at walang bahid ito e we your fellow Kababayan ay handang sumuporta sa iyong laban, dapat kalusin ang mga traydor na yan sapagka’t sobra na ang pang-aabuso nila sa taong Bayan.
Mayroon namang legal way to prove your concern at lumapit ka sa mga pinagpipitaganang Pinoy o institusyon upang tulungan ka technically sa problema mo.
Sumusobra na ang mga iyan lalo na yang Meralco, masyado silang gahaman at laging katwiran e dapat magpasalamat tayo sa kanilang serbisyo, ano sila sinuswerte…dapat ayusin nila ang kanilang serbisyo sa mga costumers dahil nagbabayad tayo ang ayos.
Inis nga ako diyan sa mga-taga Meralco dahil walang paki sa mga costumers nila, aba naman e pag magoffline ng supply ng kuryente e di man lang e inform ang mga tao para maoff ang kanilang mga appliances, basta paggusto nilang e ON or OFF ke sihoda kung masira ang ating mga gamit sa bahay.
Bayaan mo makabawi din tayo sa mga iyan…yong sinasabi nila na nakaw na kuryente e bayad nman yan ng mga costumers kasi nga yong sinasabing power generation loss e nagbabayad tayong lahat.
Alibi lang ng Meralco yan dahil para di masyadong obvious ang singil ng power generation loss na charge nila sa ating lahat.
Switik talaga sila!
Arman
Hindi ako naniniwala sa iyo na hindi mo alam na na jumper na pala ang metro ng Meralco mo,ikaw ang nagbabayad ng kuryente at alam mo kung ano ang mga kunsumo mo sa kuryente,bakit hindi ka man nag-usisa na parang karera ng kabayo ang andar ng pundador mo.
Natural ikaw ang hahabulin ng Meralco dahil sa iyo nakapangalan ang metro,wala silang pakialam sa tiyuhin mong si Juanito,ikaw ang mananagot kung ikinabit niya ang tatlong kable sa bahay mo.Alangan naman na hindi mo napansin ang kawad at ipinalagay mo na lang siguro na sampayan ng damit.Kung inunder ground niya ang kable ay maniwala pa ako sa iyo na hindi mo napansin.Mahirap mong lusutan iyan kahit sampu pa ang kunin mong abugado,kaya mas mabuti siguro kung makipag settle ka na lang sa meralco at bumili ka ng wire cutter para hindi ka na mamonrelama sa susunod.Pasalamat ka na lang dahil hindi ka nila pinutulan ng kuryenti.Kung dito mo ginawa iyan sa amin,mag-suot ka ng kulay orange na over-all o kaya’y stripe na puti at pula na pantalon ay kamisita.
Mr. Zaldariaga’s statements clearly points Juanito has no metering facility and was illegally connected. Why then did Meralco make Juanito not liable for the illegal tapping?
Mr. Zaldariaga should explain how could Arman benefit from the illegal power tapping of Juanito, the adjacent dweller.
Mr. Zaldariaga should explain how the P237K was derived since he said that this was Arman’s bill w/o the illegal tapping.
It seems that Mr. Zaldariaga missed the point that the house is a multiple family dwelling where power metering is separate and not communal. He assumed that the house is single family residence and made Arman responsible since he had the meter.
cocoy,
ang kasong ito ay hindi meter tampering. Ito ay illegal tapping sa kawad ng Meralco na komonekta sa bahay ni Juanito na kung hindi ako nagkakamali ay nikiraan sa bahay ni Arman. Ang jumper ay isang uri ng meter tampering.
Mr. Cocoy, ipagpaumanhin po ninyo pero palagay ko po hindi rin malinaw sa iyo ang pangyayari.
Ayon po sa inspector na si VICTOR ACOT, may nakita silang kawad ng kuryente na nakadirekta sa isang kable din ng kuryente sa labas ng bahay ni Juanito. Sinundan nila ang kuryente papasok sa bahay ni Juanito. Dumaan sa kisame ng unang palapag papunta sa ikalawang palapag.
Iyon po ang istorya ng inspector. Hindi po naka-tapped ang illegal connection sa metro namin.
Ang bahay po namin, paki-imagine na lang po, eh kunwari ay isang karton na nahati sa apat. Bawat isang espasyo ay ibang pamilya at kanya-kanyang metro. Nasa bukana po ang bahay namin. Ang bahay po ni Juanito ay wala sa apat na ito. Nasa likod po siya ng apat na bahay na ito. Na nagkataon naman na iyong ikalawang palapag ng bahay niya ay halos pumantay sa bahay namin dahil kami po ay nasa itaas. Sariling bahay niya po ito, hndi isang kwarto lang sa loob ng bahay namin. Sariling bahay ni Juanito.
It is so unfair for us to be accused of having benefited from this illegalities if the only basis they have is a ‘hearsay’. Ano po iyon, nagturo lang iyong tao nila tapos OK na, guilty na kami? Asan naman po ang justice don?
Wala po akong pakialam kung kasuhan man nila si Juanito or hindi… ang inilalaban ko, iyong ginagawa nila sa amin. May nakita ba silang illegal na koneksyon sa kahit na anong parte ng bahay namin? WALA. And this Mr. Acot admitted himself, hindi niya talaga na-checked and nagtanong lang siya don sa batang nakatira sa bahay kung saan nila nakita iyong illegal connection.
My mom regularly pays our electric bills. Takot ang nanay ko maputulan ng ilaw kasi may bata don sa amin eh. At tsaka napaka-inconvenient mawalan ng kuryente. Hindi ilegal ang metro namin dahil mismong sila din na taga-meralco ang nagkabit noon. Andon sila ng mag-check ng mga metro and they found nothing illegal there.
Lumalaban kami ng parehas kahit na napakamahal na ang kuryente ngayon. Hindi naman siguro ako lalaban ng ganito if in the first place I know that we are at fault here.
If only i could show you all the cellphone video so you could see kung ano ang itsura ng VICTOR ACOT na ito na biglang sumugod sa bahay namin na ang nanay ko lang na 63yrs old at isang 8yrs old ang nasa bahay…. and see/hear for yourselves kung anong klaseng imbestigasyon ang ginawa niya.
Kung talagang gusto nilang mag-imbestiga ulit, bakit hindi nila pinapuntahan uli iyong lugar. Puntahan at i-check iyong mga punto na inire-reklamo ko. Napakalaking halaga ang involved sa kasong ito kaya siguro marapat lang na tukuyin talaga ng ebidensiya iyong pagkakasala. Mismong iyong taga-Investigation Division nila ang nagsabi na dapat eksakto iyong ebidensya, hindi ina-assume lang.
Arman,
Papano ka nasangkot sa kasong ito? Ayun sa iyo ay walang illegal connection na galing sa iyo,kung pinadaan lang ang kawad ng kuryente sa bakuran mo wala kang kaso at may karapatan kang magreklamo dahil sa perwesyo na dulot sa iyo.
Pakiliwanagan mo nga kung saan talaga nangaling ang kuryenti ni Juanito ng walang metro,kung dinirecta niya mismo sa poste ng Meralco wala kang pananagutan dito.Bakit ka nila idinadawit?
Ms. Syria, tama po ang sinabi ninyo.
Ours is a multiple dwelling with separate metering services. Not a communal one.
Whatever Mr. Zaldariaga said, were all unfounded and largely based on their personnel’s bogus report.
For how can you describe a report that says ‘inspection done in the presence of bgy. official’ but when confronted by the bgy. official Mr. Acot was referring to in his report, the said official denied all of this. And he said in Mr. Acot’s face, that Mr. Acot seek his assistance ONLY after he went in our house and when the arguments have already started.
Mr. Acot claimed to have done this and witnessed by one of their escorts. But during the confrontation, he admitted going to our place alone.
He claimed to have taken pictures and that these will served as their eveidences… but from which house the pictures were taken? Why cant they show if off?
I requested for a re-investigation and re-evaluation… but lo and behold!
They claimed to have done a re-investigation and re-evaluation…. but of what? of the same report? Shouldnt they coordinated with our barangay authorities or asked the personalities involved?
And they say this as fair? That we, getting harrassed and all?
Where is justice here?
Mr. Cocoy,
Tulad nga po ng sinabi ko… paki-imagine po na lang ninyo ang hitsura ng aming bahay or ng aming lugar.
Kumbaga sa isang kahon, hatiin mo sa apat. Dun sa kanang bahagi ng kahon, bandang itaas, iyon ang bahay namin. Iba ang nakatira sa ibaba namin, at iyong dalawa pa sa bandang kaliwa.
Parang nasa isang compound kami. Nasa bukana ang lugar namin, iyong parang kahon. Iyong bahay ni Juanito, nasa likod ng bahay naming apat. May sariling daan papunta sa kanila. Ang daan papunta sa itaas eh nasa pagitan ng mga bahay na nasa ibaba. Iyong daan papunta kina Juanito at sa iba pang mga bahay sa loob eh nasa dulong kanan. May gate doon papasok sa loob.
Doon nagpunta ang mga inspector ng Meralco. Doon nila nakita, mula sa bahay ni Juanito na may nakalitaw na kawad papunta sa isang kawad mismo ng kuryente ng Meralco. In short, direkta. Tulad nga ng sa report ni Victor Acot. Tinunton nila kung saan patungo ang kawad, sa loob ng bahay ni Juanito.
Sinundan pa raw ni Mr. Acot hanggang sa makarating na siya sa ikalawang palapag. Nagtanong siya sa batang naroon kung saan papunta iyong kawad, ang sabi daw nong bata, ‘sa kabila po tara samahan ko kayo’.
Tapos, ayun na. Don na siya nagpunta sa bahay namin dahil don daw siya itinuro ng bata. Sabi ko nga, nagulat man ang nanay ko sa biglang pagpasok niya, hinayaan lang siya ng nanay ko dahil tiwala ang nanay ko na wala kaming ginagawang ilegal.
Dire-diretso si Mr. Acot hanggang sa kusina namin, SIYA LANG MAG-ISA. Nag-routine check lang. Kumatok-katok pa raw si Mr. Acot at tinatawag iyong kasama sa kabilang bahay pero wala namang sumasagot sa kanya.
Tapos bumaba na siya ng bahay.
Ang nanay ko, diretso na uli sa pananahi ng damit. Nagulat daw siya kasi biglang namatay ang ilaw at nang bumaba siya nakita nya na tinanggal daw ni Mr. Acot ang metro. Ng sitahin niya kung bakit, routine check lang daw. Ibinalik uli. Pero naulit pa iyon ng 2 beses pa kaya natural nagalit na ang nanay ko. That was when Mr. Acot said to my mother na ‘Nay, makipag-ayos na lang po kayo sa akin.’
What was that for?
Nagkaron natural ng argumento. That time, wala na ako sa Pasay. Nakabukod na kasi ako. Tinawagan ng nanay ko iyong elder sister ko na nasa work, who in turned informed na umuwi nga daw muna ako dahil may nangyayari. Pagdating ko don, nasa baranggay na lahat.
That was when I decided to take video of what was happening then. Tapos when I confronted Mr. Acot, alam mo, iyon talaga ang istorya niya. Nakita lang niya na iyong kawad eh nakaturo sa lugar namin kaya he pressumed na that was ours.
Nong dumating iyong mga opisyales nila from the main office, pinuntahan ulit iyong lugar na iyon. Kasama si Mr. Acot at isang lawyer nila. He explained before us how he arrived at that conclusion. At iyon pa rin ang ipinagpipilitan niya, ‘basta dito ko nakita iyong kawad at tsaka sabi ng bata don daw iyon sa kabila’.
Sa totoo lang Mr. Cocoy, kahit kamag-anak ko iyong si Juanito, that was the first time na nakapasok ako sa bahay nila, sa maniwala ka o hindi. At don ko nga nakita na may 3rd floor pala iyon.
Right there i asked Mr. Acot kung iyong kawad ba eh pwedeng bumaluktot papunta sa itaas at hindi dumiretso papunta sa amin, we all saw kung pano siya nagulat. Ang sabi niya, ‘hindi ko napansin na may itaas pa pala’.
Sa harap ng mga officials nila, I asked Mr. Acot kung may makikita siyang butas na pwedeng pasukan ng mga kawad papunta sa kabilang bahay… sumilip siya. At ang tanginng sagot niya, ‘basta dito ko nakita iyong mga kawad’.
I offered to bring down the wallings para makita nila kung may pwedeng pagdaanan iyong mga wires, but their official said, ‘hindi na kailangan. Nakita ko na iyong dapat makita.’
Now, Mr. Cocoy, if this thing happened to you, will you just sit down and take everything they say as just and correct?
Armani wrote: Hindi ilegal ang metro namin dahil mismong sila din na taga-meralco ang nagkabit noon. Andon sila ng mag-check ng mga metro and they found nothing illegal there.
So, wala kayong dapat ipangamba. Abugado ang makatutulong sa inyo. Pakilasa ko, maaari kayong humingi ng kabayaran sa inyong sakit isip, sakit loob at perwisyo. Maari rin isali sa dimanda na ang Meralco ang magbayad ng abugado ninyo dahil sila ang may kamalian.
Arugante ang mga hayupak!
Nakaligtaan ko bangitin na bukod sa legal ang metro ninyo, kailangan patibayan ng Meralco ng talagang nakakabit kayo sa jumper at nakikinabang doon para mamultahan o madimanda kayo.
May paraan sila. Kaya sa kapakanan ng kinauukulan, kailangan na handa kayo sakali man humantong ito sa korte.
Arman,
Naniniwala ako sa iyo lalo na nang ilarawan mo ang kabit-kabit ninyong tirahan. Madalas meron kaso na ganyan sa mga bahay na malapit sa riles ng tren sa Sta Mesa. Isang trabahadar nga sa Kongreso ay biktima ng ganyan ng mga kotongero sa Meralco.
Arman,
Ito ang tandaan mo, ang responsibilidad ng Meralco ay nagtatapos sa punto kung saan naka-tap ang “service drop” (linya mula sa poste) sa dalawang wire terminals sa loob ng metro. Paglampas nang metro, sa customer na ang responsibilidad. Bago dumating sa metro mo, problema ng Meralco iyan.
Kung ang alambre ng jumper ay hindi man lang dumaan sa pader, sahig, o kisame ng iyong bahay, lusot ka. Pero kung dumaan ito, lalo’t patago, wala kang kalaban-laban. Hindi kasi kumpleto sa kuwento mo.
Kung ang jumper na papunta sa bahay ni Juanito ay natagpuan o naka-tap bago dumating sa metro mo, wala kang talo kahit saan pa iyan makarating. May batas iyan sa ilalim ng Philippine Electrical Code. Kahit estudyante pa lang ng Electrical Engineering ay alam iyan. Kung meron kang kakilala ay hiramin mo ang libro.
Kumuha ka ng matinong abugado, maaari ka pang kumolekta ng danyos.
Sana totoo ang sumbong ni Arman na imposible ding wala silang alam doon sa illegal connection na sinasabi niyang sinisingil sa kanila ngayon. Marami na kasing ganyang kuwento gaya doon sa isang government housing project na maraming mga residents/tenants ang gustung lokohin ng mga kurakot sa NAWASA naman. Ganoon din ang kaso. Illegal meters daw.
Pero ang tanong, papaanong nangyari iyon e government housing ang bahay nila? Papaanong naging ilegal ang tubo nila?
Isa pang maraming kurakot iyong PLDT din. I have never heard of party line for example sa Japan o UK o USA. Pero sa Pilipinas, kunsumisyon. Iyon ngang linya namin noon na inabot ng 20-30 years bago nakabit, tatlo pa yata ang party line kaya kung may emergency, di ka tuloy makatawag dahil telebabad pa iyong mga magnanakaw ng linya.
Kaya nga sabi ko, wala na bang katapusan ang mga kawalanghiyaang iyan? Huwag nang mangatwiran ang MERALCO sa totoo lang!
Point is where do the crooks buy those illegal meters? Over where I am based, I understand, the meters are supplied by the water, electric, etc. companies to be more tractable. It is also one way of insuring that no fraudulent acts can be committed.
Kaso iyong mismong mga tauhan ng MERALCO ang kakutsaba sa racket na ito. Bago sana mangatwiran iyong abogado ng MERALCO, inimbestagahan muna nila ang sumbong sana ni Arman laban sa kanilang extortion attempt, at pananagutin kung sino ang gumawa ng koryente nila. It is as simple as that as a matter of fact.
arman,
Puwede mo bang sabihin sa amin kung ano ano ang nilalaman nang bill mong P237K?
Ito ba’y para sa isang buwan lamang?
Mukhang sobrang napakataas kung ito ay base sa legal na kunsumo ninyo (ayon kay Mr. Zaldariaga).
Arman,
Una sa lahat hindi ka pupuntahan ng inspector ng Meralco kung walang nagsumbong o nagreklamo.Masakit tangapin pero totoo.Saka hindi ko gaanong maintindihan ang salaysay mo.Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kung saan galing ang kuryente ni Juanito ng walang nakakabit na metro.Ayun sa iyo nakunan ng litrato ni Mr.Acot at ayaw nilang ipakita sa iyo,ibig sabihin mayroon silang hawak na ebendensya at ilalabas lang niya iyun sa proper forum,Isa pa ayun sa salaysay mo may bata na nagturo kay Mr.Acot kung saan galing ang kawad ng kuryente,ibig sabihin alam ng bata kung saan kumukuha ng kuryente si Juanito.
Of course! hindi na sila mag-aksaya ng panahon para imbistigahan uli dahil alam nila na wala na silang makukuhang ebedensya dahil baka naayos mo na ang problema,sapat na iyung pinanghahawakan nilang nakalap na ebedensya noong unang inspection nila.
Alam mo huwag sumama ang loob mo sa akin kung nasasabi ko ito sa iyo dahil naging trabaho ko rin ang ganito noon, kaya alam ko ang palusot at pasikot-sikot,alangan naman na gagawa lang ng ibang storya si Mr.Acot o kaya’y ayaw niya sa iyo kaya ka niya ginaganito sa palagay mo,Trabaho niya ang nakasalalay dito at reputasyon niya sa kumpanya.Malaking kumpanya ang Meralco at alam nila na pwedi kang humingi ng malaking halaga kapalit ng perwesyong dulot nila sa iyo kung pumalpak sila.Hindi kaibigan,mayroon silang sapat na ebendsya laban sa iyo at iyun ay ilalabas niya kapag makarating kayo sa korte.
Iyung usapan ninyo sa barangay hindi inilabas ni Mr.Acot ang buong detalye at ebedensya na nakalap niya sa pag-iimbistiga sa iyo dahil mga professional sila at magulat ka na lang kung kakasuhan ka nila.Huwag mong isipin kaibigan na ayaw ko rin sa iyo kaya nasasabi ko ito.Lumalagay lang ako sa lugar at sa tama.
TonGuE-tWisTeD:
Hindi po dumaan sa bahay namin ang kawad na nakita sa bahay ni Juanito. As I said, kanya-kanya ng koneksiyon ang bawat pamilya don sa compound. Ang nakita ng inspector na ‘illegal connection’ ay direktang nanggaling sa bahay ni Juanito at bumabagtas sa kabahayan ni Juanito.
Syria:
Hindi ko din po alam kung paano silang nag-arrived at that huge amount at kung ito ba’y kabuuan or isang buwan lamang. Iyong unang hinihingi nila eh ‘surcharge fee’ daw na Php602.90 lang. When I challenged their findings and asked for a re-investigation, ayun na po. Iyong ipinadala nila demand letter, may Php237K nang nakalagay.
Cocoy:
I dont question the purpose of the inspectors when they went in our place to conduct routine checks or inspection. Hindi po. At hindi na nga rin po ito kinuwestiyon ng nanay ko ng sabihin niya na routine check lang. But you see, ang kinukuwestiyon ko eh iyong manner by which the inspector arrived at the conclusion that we were guilty of committing an illegal connection.
As to your query kung saan kumukuha ng kuryente si Juanito, ewan ko po. Hindi ko alam. Hindi ba dapat si Juanito ang imbestigahan nila? Hindi ba dapat si Juanito ang padalhan nila ng mga demand letters dahil si Juanito ang walang maipakitang metro ng ilaw? Pero bakit po ni isang sulat or komento man lang, wala silang ipinadala kay Juanito? Bakit kami?
Iyon pong mga pictures, tama nga po. Ebidensya nila. Pero ang tanong po namin, saan ba kuha iyong mga pictures na iyon? Sa bahay ba namin or hindi? How could we possibly defend ourselves kung hindi nila ipapakita iyong pictures? What if sa ibang lugar pala iyon? How would the other officials who ‘re-investigated or re-evaluated’ our complaints know that the pictures were really taken from our house? Eh hindi naman sila nakapunta man lang sa lugar namin. Tanging si VIC ACOT lang naman ang nakapasok sa bahay namin. Would it be more logical kung, dala dala nila ang pictures tapos mag-ocular inspection sila? Di ba mas mabe-verify kung tama iyong claimed ni Mr. Acot or hindi? Sa dinami-dami ng lugar na pinuntahan nila para maghanap ng illegal connections, posible di bang sa ibang lugar iyong pictures na ipiprisinta nila at sasabihing sa bahay namin iyon?
As to the kid, im pretty sure hindi mo din nakuha iyong logic don sa ginawa nong bata.
May sapat na ebidensya laban sa akin? Iyon nga ang hinihingi ko sa kanila eh. If you’re going to accuse me of a violation and would tell me to pay 237K, aba, ipakita mo muna ang ebidensya mo bago ko gawin iyon di ba? Hindi naman yata tama na parang finger-pointing na lang dito at dahil malaking kompanya ito eh sunod-sunuran na lang ako. No way!
I’d appreciate it very very much kung mag-demanda nga sila. That way siguro naman magiging patas na ang laban. Sabi ni Mr. Zaldariaga, ‘that we strictly observed and adhered to standard procedure while the inspection was being done’… I hope Mr. Zaldariaga could find time to visit our community and ask our baranggay officials and the ordinary people there who witnessed everything on how their personnel acted during the inspection. Is barging in somebody else’s house part of their standard procedure?
What worries me now is their threat na kung hindi agad mababayaran iyong hinihingi nila eh kukumpiskahin nila ang metro namin. I settle daw agad. The last time my mom went at the Meralco office para magbayad ng monthly bill, ayaw daw tanggapin iyong bayad niya. Dapat daw kasama na iyong amount na dapat bayaran para sa violation of contract. I told my mom to inform the personnel na were still putting the whole case in petition pa sa main office nila.
Setting the record straight Cocoy, im not against the inspection. OK lang din sa akin na maparusahan ang dapat maparusahan. Managot ang dapat managot. But will you just sit down and do nothing kung bigla ka na lang akusahan at pagmumultahin ng malaking halaga?
Lumalagay din lang ako sa lugar at tama Cocoy.
armani,
marami rami na ring kuro-kuro at tip sa thread na ito at yung nakaraan na puwede mong ilista at gamitin sa iyong reklamo sa Meralco.
Maigi rin na hingin mo ang paliwanag ng Meralco doon sa demand letter at P237K. Isa pa, hindi ka pa naman kinakasuhan ng pilferage.
Idagdag mo na rin yung phone no. sa ibaba na puwede mong tawagan para makatulong.
DTI Consumer Hotline 751-3330
arman,
para mas malakas ang laban mo, tawagan mo si flash miriam santigago. sigurado akong takot sa kanya ang mga taga meralco. dadaanin niya (miriam) sa boksing ang diskurso. ang unang lumundag, talo!
Syria, maraming maraming salamat sa iyo at sa iba pang nagbigay ng mga suggestions regarding sa kasong ito.
Hinding hindi talaga ako titigil hanggat hindi nila nabibigyang linaw sa amin kung paanong nangyari ang sinasabi nilang ito.
Natutuwa ako at lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na ituloy ito dahil sa may isang ELLEN TORDESILLAS na nagbigay ng daan para kami ay mapakinggan.
Kung anuman ang magiging kahinatnan ng magiging pag-uusap namin ni G. Zaldariaga ay ipaalam ko din po sa inyong lahat.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
armani,
If a stolen car is found in your place,its a primafacie evidence that your neighbors did not steal the car.
Yup, Arman, di ka dapat magbayad ng hindi mo naman kasalanan. Supposedly, noon pang ginawa ang bahay ninyo, dapat na-inspect na ng Meralco ang metro ninyo gaya ng ginagawa dito sa amin. Trabaho nila iyon na mag-inspect at tiyakin na serbisyo regal ang gagawin nila para walang reklamo sa bayad hindi iyong areglo system na racket naman. Talagang mga bobo sa totoo lang. Sa kadadaya, wala na tuloy parang matino sa bayang sinilangan.
Ipaglaban mo ang karapatan ninyo. Suportado kami sa iyo. Never had such bad experience over where my family and I have lived since we left the Philippines sa totoo lang. Sa tanda ko, nagkaroon din kami ng ganyang problema sa Pilipinas noong araw, panahon ng tatay ni Gloria Dorobo! Coincidence? Siguro!
armani,
You are most welcome, NEVER tayong pasisindak sa kapangyarihan ng mga kurap sa ating lipunan…mayroong mga ways kung papaano tayo makikipagtungali sa mga iyan basta nasa katwiran ang ipinaglalaban.
Kindly update us about your situation and we OFWs and Migrant Pinoys are wholeheartedly willing to help and assist you sa labang ito.
VAldemar: armani,
If a stolen car is found in your place,its a primafacie evidence that your neighbors did not steal the car.
*****
Parang katulad iyan noong pilipinang dinakip ng mga pulis dito for drug possession kasi nakuha ang shabu sa bahay niya. Pero ang ungas sinabi sa pulis na hindi siya gumagamot ng shabu at ang shabu na nakuha nila ay pinatago lang sa kaniya noong pilipinong drug dealer. May ebidensiya ng shabu sa ihi niya, kaya kinasuhan din siya ng paggamit, pero sinabi niyang hindi siya gumagamit ng shabu. Nalanghap lang daw niya iyon kasi gumamit daw ang pilipino ng shabu sa bahay niya at nandoon siya sa tabi noon nang gumagamit ng shabu.
Flimsy reasoning as a matter of fact. Di lumusot. Nabigyan siya ng 3-years imprisonment. Hopefully, itong kaso ni Arman is nothing of the sort, na talagang victim lang sila ng extortion and the usual racket ng mga pinoy!
HUwag na kayong mag-away, kasi po ANG MISMONG MGA OPISINA NG MERALCO AY WALANG METRO. Sila ang unang nagnanakaw sa mga tao at ang kanilang ninanakaw ay ipinapasa sa atin.
Bakit nga po pala kailangang palitan ulit yung meter kapag hinahatak nila at kailangan pang mag-down ng P2,500.00. Hindi lang naman sa gobyerno ang may kurapsyon!
Hirap na magbayad lalo pang pinahirapan
just wanna post this to give everyone an update on this case now, more than 5 years ago since this incident happened.
as of today, 30th of October 2013, the case is still on going at the office of the Energy Regulatory Commission. i just received a letter coming from the ERC regarding the Motion for Reconsideration filed by dependent which was DENIED. it’s their 3rd MR and all of them were DENIED.
the formal hearing on this case started only in January 2010… iyon po ay matapos akong mapuno at magreklamo sa ginagawang delaying tactics ng abugado ng Meralco. mula po ng ako ay maghain ng reklamo, siguro po ay nagkaroon na kami ng at least 10 beses na pagkikita. at sa bawat pagkikitang iyon ay ibang abugado ang aming nakakausap. ang ibig pong sabihin, laging narire-set ang hearing dahil hindi daw alam ng ipindalang abugado ng araw na iyon iyong tungkol sa kaso or hindi nila dala iyong folder na naglalaman ng mga dokumento ng kaso.
two of my main witnesses already passed away during that year. fortunately, my mother was able to come and testify before the court. however, she passed away 2 weeks before her scheduled cross-examination. my father, who was supposedly to testify next, died a little over a month after my mom’s. my third witness, the barangay official whom the inspector said was with him when he barged into our house, was then at the hospital after suffering a major stroke. fortunately, he survived and went on to testify and got cross-examined when he got well-enough. my elder sister took the next witness stand next in 2011. then it was my turn in May of the same year.
since then, we didn’t hear anything anymore from Meralco and or ERC. i was told by my lawyer that Meralco was to submit a comment regarding the case that we presented and we are just awaiting for that and ERC’s decision. and that i should get ready now because it’s Meralco’s turn to present their witnesses, if there are any.
my lawyer received a notification from ERC, requiring our presence on May 21, 2013.
i got in there earlier ahead of my lawyer. suddenly, someone approached me and asked my name. then she introduced herself and she happened to be one of Meralco’s lawyers. specifically, the new lawyer who will be handling their case against me.
she told me about what happened to the previous lawyer handling my case and without mincing a word, asked me “ayaw mo bang ayusin na lang ang kasong ito? magkano ba ang kaya mong bayaran?”
to which i replied, “attorney, nabasa mo ba iyong detalye ng kaso? ako ang nagdemanda hindi kayo.”
that was when my lawyer arrived and the two lawyers talked.
seriously, i dont know how this case will end. but i am very eager to meet that inspector again in person… in court… during the cross-examination… (if they will present him).
sana naman buhay pa ako pagdating ng oras na iyon…
Armani, anong nangyari sa kaso nyo?
Arman – ano na pong status nang kaso nyo?
Apparently we are facing the same dilemma right now. Meralco send us a letter stating that our meter base was tampered and we need to settle an amount of 350,00+ pesos for this. Two months ago may nag inspect sa metro namin at sinabing sira ito kayat kailangang palitan walang nabangit ang inspector na tampered ang aming metro sira lang at kailangang palitan. Ngayon biglang may dumating na sulat na nag violate daw kami nang anti pilferage act or RA 7832. Napakasakit sa kalooban na maakusahan sa isang bagay na alam mong HINDI mo naman ginawa. Maliban pa dun, wala kaming magawa dahil malaking kumpanya ang makakalaban dito. Nararamdaman ko yung pakiramdam ni Arman, may halong galit at sakit, sa ngayon dumadating na sa puntong nawawalan na ako nang pag asa sa buhay na ito. Hope Ellen will take notice of this reply.