Skip to content

Kabit-kabit na sabit

Sa hearing kahapon tungkol sa pagbagsak ng mga Legacy banks na pag-aari ni Celso de los Angeles na malapit kay Vice President Noli de Castro at House Speaker Prospero Nograles, inalam ni Rep. Rufus Rodriguez kung sino ang mga judges na nag-isyu ng temporary restraining order sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa kanilang imbestigasyon.

Pinangalanan si Lina Valenzuela ng Manila Regional Trial Court. Ganun din ang tatlong Court of Appeals justices na nagpatibay ng desisyon ni Valenzuela. Sila ay sina Justice Apolinario Bruselas, Jr., Bienvenido Reyes at Mariflor Punzalan Castillo.

Dahil sa kanilang TRO sa imbestigasyon ng BSP na ipinalabas noong Mayo 2008 at napabale wala lamang nang labas rin ng TRO sa kanilang TRO ang Supreme Court noong Nobiembre 2008, nakaloko pa ang mga bangko sa ilalim ng Legacy ng libo-libong depositors at nakakuha ng halagang P1.3 bilyon.

Sabi ni Rodriguez, ayon sa Section 25 ng Central Bank Act, dapat walang restraining order na ipalabas habang nag-iimbistiga ang BSP.

Hiningi ni Rodriquez na ipatawag ang judge at ang mga justices na nabanggit para mapaliwanag nila ang kanilang desisyon na nagpahirap sa libo-libong Filipino. Katulad ng sa “Alabang Boys”, technicality ang ginamit ng judge.

Galit si Rodriquez kasi ang isa sa mga bangko ng Legacy ay ang Countryside Development Bank na nasa Cagayan de Oro. Sinabi ni Rodriguez kay de los Angeles, na mayabang pa rin at wala man lamang nakikitaan ng pagsisisi, na ang isang naloko niyang depositor ay namatay kahapon. Isa siyang retirado na empleyado ng pamahalaan at ang malaking parte ng kanyang retirement benefits ay linagay niya sa Countryside bank at yun ay naglaho na parang bola.

Kabit-kabit na sabit itong iba’t-ibang ahensya. Talagang laganap ang katiwalian sa pamahalaan. Ngunit may maparusahan ba dito?

Ito ang tanong ng marami sa kahat na anomalya na lumalabas sangkot si Gloria at Mike Arroyo. Alam ko hindi naman maa-aring hindi imbistagahan dahil umaalingasaw talaga. Kaya lang, pwede ba ituloy-tuloy naman natin at parusahan ang dapat parusahan.

Sa ngayon kasi ang ginagawa ng Malacañang, binibigyan tayo ng mapaglibangan. Katulad ng pagpunta niya sa Amerika, nagbakasakaling magkaroon ng photo-op kay US President Barack Obama. Biro mo sa Europe at Middle East siya, biglaan nagbiyahe sa U.S, 39,693.04 kilometers ang layo. Sa bayad lang sa eroplano, hindi yun kukulang sa P50 milyon.

Akala kasi ni Arroyo kapag may litrato siya kasama ni Obama, iisipin ng mga Filipino na suportado siya ng Amerika. Nakasandal siya sa pader. Panloloko.

Pinagmamalaki ng Malacañang ang pagkikita ni Arroyo kay U.S. State Secretary Hillary Clinton. Consuelo de bobo. Si Clinton ay cabinet member lang. Si Foreign Secretary Romulo lang ang katapat noon.

Masyado naman niyang binababa ang posisyon ng head of state. Paano kasi pekeng presidente.

Published inGovernanceWeb Links

32 Comments

  1. Paul Farol Paul Farol

    Hi Ate Ellen,

    Unique to Philippine legal system, TROs are for sale.

    Photo Op with US Pres Obama is the best ad one can ever have for the 2010 presidential election. It is catchy and penetrating for the voting public no matter the bad publicity.

  2. Isagani Isagani

    Ang kawalanghiyaan ng pamahalaan sa pinas ay parang cancer na kumakalat sa katawan ng nanghihinang tao. And pandaraya ay pankaraniwang gawain sa atin. Let’s face it maraming mga tao diyan na mahina ang tingin sa mga pulitico na hindi yumayaman sa puweto.

    Isa pa, hindi buo ang loob natin. Maraming matapang, kuno, pero sa totoo lang hanggan laway na lang. Kung sakali mang may maglakas loob na gumawa ng hakbang na lipulin ang mga walanghiya sa may pasig, talikuran kaya natin pagnakasubukan?

    Radical change through radical means na yata talaga ang kailagan.

  3. atty36252 atty36252

    Bruselas and Bienvenido Reyes. Di ba’t nabanggit sila sa iskandalo ni Justice Sabio?

  4. Tama ang sabi mo, Ellen. Consuelo de Bobo ang nangyari. Baka kaya pa pinansin ni Hilary, binanggit yata na nag-aral din siya sa Georgetown U. Alam mo na, the usual namedropping. Ugaling pinoy talaga! Pero nakakahiya talaga ang ginawa sa sarili. Binaba ang rangko kasi peke! Yuck!

  5. hKofw hKofw

    “…pwede ba ituloy-tuloy naman natin at parusahan ang dapat parusahan.” – Ellen

    Paano at sino ang magpaparusa? Nakangising aso na hahamunin ka pa ni sarcastic Ermita Sipsip at sasabihin sa pumunta kayo sa korte. Korte na puro bayaran ng mga Pidal. Basta gagawin nila ang gustong gawin, with impunity. Sabi naman ng iba “Tell that to Marines”. Marines? Where are they now? Nabili na rin sila. Hawak na ni GG (Gloria Ganid) ang balls nila (liban sa mga nakakulong). Si Yano? Walang pag-asa. Si Yaya na siya. Nanny na siya ni Unano. Pag may nag-rally o people’s power laban kay unano siya ang bahala. NPA? Puwede pa siguro.

  6. chi chi

    Oo nga, binigbigyan tayo ng mapaglilibangan ng putang si Gloria samantalang ang mga senadores ay walang bayag na ipatawag si pig guy samantalang ang lower house of hell naman ay panay ang chacha. Imagine, isang peke lang ang nagpapaikot sa lahat. Letse talaga ang nangyayaring “kabit-kabit na sabit” sa Pinas.

  7. hKofw hKofw

    Parang dumaan lang muna ng Quiapo si Ganid bago umuwi. Hanep sa paggamit ng eroplano at pagwaldas ng pera. Palibhasa nakaw lang ang perang pinanggastos. Animal talaga.

  8. patria adorada patria adorada

    Wala na talagang pag-asa itong bayan natin.Welcome ko na ang military take over to do a complete overhaul of our system,provided there is a freedom of the press.
    Gen.Yano nananawagan kami sa inyo have a backbone and run after this crooks!!!

  9. hKofw hKofw

    Kabit-kabit ang sakit ni Bansot: Magnanakaw, Sinungaling, Mandaraya, Ganid, Makapal ang Mukha, Mayabang, Kapalmuks,Plastic, Paranoid, Delusional, Kleptomaniac, Psychotic, Psychopathic. Kawawa naman Pilipinas. Maraming matino na puwedeng mamuno pero ayaw bigyan ng pagkakataon ng tusong pungok.

  10. hKofw hKofw

    Kabit-kabit ang sakit ni Bansot: Magnanakaw, Ganid, Mayabang, Sinungaling, Plastik, Kapalmuks, Paranoid, Delusional, Kleptomania, Psychotic, Psychopathic. Iyan si Punggak. Wala nang kaluluwa. Kawawa naman ang Pilipinas. Marami sanang matino na puwedeng mamuno pero hindi makalusot dahil kay Tusong Bansot.

  11. kitamokitako kitamokitako

    Ang mga pangyayari sa Pilipinas ay parang uso uso lamang. Nuong isang linggo ang uso ay tungkol sa drug case, featuring Resado, at bago ang huli, naging uso si Jocjoc sa fertilizer scam. Iisa lamang ang kahihitnatnan ng lahat – baon sa limot.

  12. parasabayan parasabayan

    Now that the TRO was uncovered on this Legacy issue, will any one of the justices involved in granting the TRO be on the short list for the Supreme Court? I am just wondering.

  13. MPRivera MPRivera

    off topic but related to Greedy Mama Arroyo’s string of incompetence and disregard of national integrity and honor.

    SC upholds VFA; Smith to stay at US embassy

    By Aries C. Rufo, abs-cbnnews.com/Newsbreak | 02/10/2009 1:31 PM

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/02/10/09

  14. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    nakakaawa ang bansang pinas..lantaran ang pagnanakaw at pagbastos sa mga institusyon ng lipunan pero karamihan sa pobreng juan dela cruz nakatunganga pa rin at naghihintay na may pagbabago at ipasadiyos na lang natin lahat ng kabulukan ng rehimeng ito…
    may pagbabago kung kikilos tayo pero kung patuloy na naghihintay na may pag-asa pa ang ating bansa ay nasa atin na yun…gising juan dela cruz! patuloy kang binabalasubas ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration pero anong ginagawa natin? WALA….

    off topic re corruption…
    dito sa amin sa paranaque lantaran din ang kurakutan ng mayor pero ang mga taga-paranaque imbes na sumigaw ng pagbabago ay sinasabi pang mas ok na ngayon kesa panahon ng dating mayor, may nakikitang projects…
    eh ang kaso ganun din lantaran ang kurakutan mas magaling lang magtago ang mayor ngayon at kakutsaba ang budget officer,ilang beses na yung reklamo namin sa mga overpricing at unused projects laging nababasura sa ombudsman kahit may ebidensiya ang COA, accdg. to our reliable info nabigyan ng Php5M ang representative ng office of the ombudsman na humahawak ng kaso kayo dismiss lahat ng reklamo of corruption.

    ganito ang sistema sa local at ganun din sa national…nakawin ng mga ganid dahil for sure ibabasura ng legal defender nila, kaya lagi nilang binibida…show your evidences, dalhin nyo sa proper forum!

    may hangganan din ang lahat ng kasakiman ninyo, at may katapusan lahat ng pagsasamantala ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration.

    lets now work together for 2010 election,pag naextend pa ang pamumuno ng mga sakim at ganid ay matutulad tayo sa bansang zimbabwe na kung saan ang sistema ng pamamahala at mga institusyon ay nasa kamay lamang ng iilang ganid sa kapangyarihan.

    sa ngayon ay nakakaranas tayo ng high unemployment, high crime rate, rampant corruption, food shortage, rampant smuggling, huge budget deficit, environmental problems etc. at sa darating na hinaharap pag di nasawata ang mga bagay na ito ay ang magiging dahilan ng pagkalugmok ng ating bansa na di nalalayo sa mga authocratic at dictatorial regime. at pag di na nagpautang ang mga world financial institution dahil sa kawalan ng tiwala ay siyang simula ng economic catastrophe sa ating bansa.

    lahat ng kagaguhan at pagsasamantala nila ay higit na apektado ang pinakamahirap nating kababayan…na sa araw-araw ay di malaman kung paano maisasalba ang maghapon makaraos lamang sa kalahating kilong bigas at dalawang noodles…samantalang ang mga ganid na ito ay patuloy sa pagwaldas ng kaban ng bayan, patuloy sa pagdeposito ng mga milyones, patuloy sa pagpapagawa ng malapalasyong bahay, patuloy sa marangya nilang pamumuhay sa kabila ng public service kuno ay sila ang nagpapakabusog sa pera ng bayan.

    sa isyu ng legacy, naguumapaw ang ebidensiya pero di pa rin maipakulong ang swindler na si celso delos angeles dahil protektado ng mga pulitiko, gaya ng CAP,TPG etc gaya ng dollar account ni perez, gaya ng milyones ni jocjoc, gaya ng milyones ni gen. garcia, gaya ng milyones ng euro generals, gaya ng daang milyones ng mga arroyo iggy, dado at mikey, gaya ng bilyones ni pidal, gaya ng daang milyon nilustay ni chavit sa tobacco excise tax…ang dami pa pero ni isang kriminal walang naparusahan.

    bakit? nandiyan yata si DOJ gonzales, nandiyan yata si ombudsman gutierrez, nandiyan yata si solicitor-general.

    pilipino kailan ka sisigaw ng hustiya! na tama na at sobra na…kailan????

    pilipino gumising ka…ngayon na!

  15. Elvira Elvira

    Tama ka talaga Ellen! CANCER ang sakit ng mag-asawang Arroyo at ng mga alipores niya! Ito ang klaseng sakit na ang nagdurusa ay ang mga Pilipino! Cancer sa PANLOLOKO! Akala ko matatapang ang mga Pilipino. Wala man lang bang isa diyan na puwedeng gumamot sa sakit na ‘to? Anong klaseng gamot? Incurable daw! Ang dami niyan sa Mindanao!Ginagawa na lang firecrackers!

  16. …SC upholds VFA; Smith to stay at US embassy….

    Tangnanay nila. Kailan pa naging preso ang US Embassy? At saka US territory iyan. What right does the US have to hold a prisoner judged guilty and sentenced by a Philippine court? It is an insult per se to Filipino intelligence, etc. as a matter of fact. Why should the US Embassy be better a place to put an American criminal in than a Philippine prison?

    Pera kasing pampagawa ng mga preso, ninanakaw ng mga unggoy kaya iyong kulungan mukha na amoy pang babuyan!!! Dapat mag-strike ang mga preso sa Pilipinas.

  17. chi chi

    “Wala man lang bang isa diyan na puwedeng gumamot sa sakit na ‘to? “- Elvira

    Meron sana, sina BGen Lim, Trillanes and fellow Magdalo pero pinabayaan ng tao! Kaya ngayon ay mas lalong himutok na lang tayo.

    Military takeover na nga ang pinamabuti ngayon pero si Yano ay naging “Yaya” na ni Gloria!

  18. Basta appointee ni Gloria hindi ninyo maaasahang tanggalin siya. Kaya nga sila ang nakaupo e.

    Ang tarantado iyong mga member ng Comission on Appointments na nag-a-approve and nagko-confirm sa kanilang mga makakapal ang mukha. At ang masahol pa ay iyong hindi naman confirmed, akala mo kung sino pang manakot at ang taas pa ng suweldo gaya noong gunggong na sickritary of In-justice.

    Kasalanan din ng mga taumbayan. Hindi naman sila humihirit.

  19. eddfajardo eddfajardo

    Kailan kaya magigising sa katotohanan ang ating mga kababayan na itong mga namumuno sa gobyerno natin ngayon ay puro pagsasamantala lamang? Ang Pilipinas ay kawawa sa mata ng buong mundo. Itong si Arroyo ay dapat na sibakin ngayon at panagutin sa mga krimen na ginawa sa taumbayan. Mga kababayan, gising na at kumilos naman kayo. Sobra na tulog ninyo.

  20. bitchevil bitchevil

    I don’t know with you guys…I’m now getting a hard time logging in.

  21. vonjovi2 vonjovi2

    Sayang lang ang pag hihingay ni Senator Lacson dahil wala naman mapupuntahan ang bagong isyu na ito. Isa pa ang DIARY na hawak niya ay noon pang 2003???? Bakit di niya nilabas noon nag kakainitan at may mga sundalong nag aaklas. Dahil siguro sa election na naman??? kaya ako ay wala ng tiwalang may mapupuntahan pa or maykakamit na katarungan or may mapaparusahan dito. Lahat ng nasa SENATE ay dapat ng kalusin dahil lahat sila ay inutil. Bakit ko nasabing “INUTIL” dahil kahit isang tao or kahit na maliit na tao ay wala silang napa kulong. Lagi na lang ginagawang gago ang ating bansa.
    Sa mga Junior officer ay pagod na sila at sila ang na aagrabiyado lagi. Sila ang pumapansan ng hirap ngayon. Sila ang mga naka kulong. Ito ang bansa natin ngayon kung sino ang TAMA ay siyang makukulong, pero kung nasa panig ka ng MALI ay milyonaryo ka agad.
    Kailangan lang natin ay iyung mga nasa ibang bansa lalo na sa AMERICA ay mag ingay at mag padala ng letters kay OBAMA na talamak at huwag ng bigyan ng tulong ang bansa dahil (kung magbibigay ay sila ang mag papatakbo ng ibang gawain huwag ibigay sa gobyerno ang proyekto) napupunta lang sa mag asawang ganid at sa mga asong ulol nila.

  22. balweg balweg

    eddfajardo,

    12,868,316 Pinoy voters (including flying voters, dead voters and dagdag-bawas) ang puno’t dulo kung kaya si gloria arroya y macapagal e naluklok for the 2nd time sa poder ng kapangyarihan.

    Ang ibig sabihin itong 12.8M Pinoys eh accountable sa ating paghihirap at dapat usigin sa kanilang katangahan at walang paki sa paghihirap ng bayan.

    Kundi nila ibinoto si gloria at plus plus pa dagdag-bawas ni hello garci eh dapat di nagkaloko-loko ang tabko ng ating pamumuhay.

    Marami kasi sa kababayan nating Pinoy eh utak lamok, ang katwiran e wala daw qualified na papalit kay gloria, inang natin sa 80M+ na kapinuyan e masyado namang minamaliit ang kakayahan ng mga natitira pang matitino sa ating lipunan.

    Yong mga utak lamok na ang bukang-bibig e sila lang ang qualified, yan ang peste sa ating lipunan…sa madaling salita, sila ang pahirap at walang kwenta ang uri ng kanilang pamumuno.

    Lahatin na natin yang mga sinungaling at kurap na yan!

  23. chi chi

    vonjovi,

    Agree ako sa lahat ng sinabi mo. As to letters to Obama, siguro ay nakakatatlo na ako.

    Basta ako ay si Bgen. Lim ang aking tinutuunan ngayon ng pansin dahil naniniwala ako na siya ang pag-asa ng bayan at mga “Junior officer”, nakakulong at nasa aktibong serbisyo.

  24. vonjovi2 vonjovi2

    Per Balweg.
    Marami kasi sa kababayan nating Pinoy eh utak lamok, ang katwiran e wala daw qualified na papalit kay gloria, inang natin sa 80M+ na kapinuyan e masyado namang minamaliit ang kakayahan ng mga natitira pang matitino sa ating lipunan.

    ——–
    Ang mga nagsasabi nito ay iyung mga magnanakaw sa gobyerno natin at ang kanilang mga pamilya.

    ——

    Chi,
    Nakaka awa nga sila dahil sila ang nag papasan ng hirap at sila ang dapat na tawagin “HERO”. Saludo ako sa kanila .. Kaya kapag nasa Quiapo ako ay sinasama ko sila sa DASAL.

  25. Balweg:

    Si Gloria qualified? Yuck! Disqualified nga dapat iyan kaya nga nandaya e. Kabisote ang ungas. Magaling mangopya at magretoke gaya noong balitang ang doctoral thesis niya iyong tira-tira ng tatay niya. In short, publicity gimmick lang. Pero mahal ang ginastos sa publicity niya, kaya iyong inabono nila, dinudukot ng todo sa kaban ng bansa ngayon sabay nakaw pa!

  26. Isaac H Isaac H

    Sa palagay ko ang case ng World Bank ay iyan ang simula ng Kalbaryo ni Gloria ang Family. At hindi na kausapin ni Obama iyan. Si Obama kumokonsulta rin iya sa grupo ng Pinoy. Kung tungkol sa kanilang investment alam na rin yan dahil may mga Pinoy din na nagtatrabaho sa US Investment houses. Pagpumunta sila sa US at dinampot ng Immigration (INS) kulong tiyak hindi matulongan ni Obama. Baka noong panahon ni Bush ok pero iba na ngayon dahil marami ang problema ng America.

  27. bitchevil bitchevil

    Bush and the Evil Bitch were partners in crime. You may ask dandaw about it. The Bitch was under Bush’s protection for eight years. Not this time…under Obama Administration.

  28. patria adorada patria adorada

    ops..these crooks pala,nagkamali sa sobrang galit hehehehe
    chi,tama ka,sila na lang ang pag-asa ng ating bayan!

  29. MPRivera MPRivera

    “……..Katulad ng sa “Alabang Boys”, technicality ang ginamit ng judge.”

    *********************************************************

    tunay ka, Ellen!

    pero sino ba ang palaging bumabanggit ng technicality?

    di ba’t yung mga defense lawyers ng sino mang akusado na obyus naman eh nakasandal sa mga sinusuhulan nilang magnanakaw sa malakanyang?

    pati na rin ang dating suspendidong abogago na naging kotongresman na eh ginawa pang sickretary of dialysis, este justice na palaging umaaktong defense counsel ng favored criminals at law breakers.

  30. bitchevil bitchevil

    After a long silence, Mike Pidal said his enemies were out to kill him. What he meant was people wanted him die of stress and heart attack. Pidal is absolutely correct. If we cannot kill him by bullet; we want him dead in whatever way. So please…hurry up!

  31. Rudolfo Rudolfo

    Mayroong, “SAVE THE NATION mOVEMENT ” unti-unting guma-galaw. Email address: mail@saveournation.ning.com silipin natin kung anung putahi ito ( napakaraming putahi o grupo ang pinoy. ngunit, mahina naman ang mga hatak. Kulang kasi sa $$$$/PPPP….naka-pag-tataka lang noong panahon ni A. Bonifacio, eh, wala namang pera, DUGO lamang ang panulat, kaya nilang sumiklab ng PAG-babago !…Ito ay isa lamang pana-naw..

Leave a Reply