Skip to content

Pagpupugay sa OFW

Itong pagpupugay sa mga OFW ay pinadala sa akin ni Magno Rivera na ngayon ay nasa Saudi. Sabi niya pinadala raw sa kanya ni Frankie Villaflor.

Hindi mayaman ang OFW
– Akala ng marami sa ating kapag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, ngunit para sabihin na mayaman sila ay maling-mali.

Mahirap maging OFW
– Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o riyal o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya.

Hindi bato ang OFW – Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugu­tom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW –
Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “Napakasakit, Kuya Eddie!”

Bayani ang OFW
– Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW
– Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko
– Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!).Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara.

Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya, o may tsansa pa ba?

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

Published inEconomyWeb Links

65 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    May I add: OFW is a victim…a victim of this corrupt and evil Arroyo government. OFW is a victim of unscrupulous RP Consulate officials who instead of protecting and helping OFWs are the ones victimizing them. OFW is a victim of employer’s abuse and exploitation. OFW is a victim not only physically but mentally/emotionally. OFW is a victim of neglect because after he returns to his beloved country, no recognition or help is being extended. OFW is a victim.

  2. Valdemar Valdemar

    Isnt it something to think of that our government officials receive only the lowest range of what our OFW receives. And they could have everything…! clouts and all.

  3. Umaabot na sa $15 billion ang mga pinapadala namen sa Pinas and these people who ransack Pinoy’s public wallet, to them, etong padala namen is actually the very reason where there is domestic demand kaya tuloy ang economiya sa local na level saaten. Eto rin ang nagbibigay nang cushion sa ating economiya sa tindi nang krisis pinansyal. Yet? I have not heard any definitive program that would help an OFW other than the Php50k na pautang. Ano yon? Another sari-sari store? Kulang pa?

    Kaming mga slaves of the world (sama na pati pangkin kong nasa laot malapit sa impierno nang Somalia), ang tanging ligaya lang ba namen eh mabasa ang headlines nang mga dyaryo sa Pinas kung sino na namang p*t*ng_*na ang nagnakaw nang kaban nang Pinoy? I guess yon na lang nga ang tanging ligaya namen. Sa araw araw na ginawa nang dyos, bawat remittance namen na $10 na ang bayad sa Walmart, leche me mga yumayamang opisyales sa pangungurakot. Kami??? Sana payagan mo na akong magmura Tita Ellen! ~hmpt~nag-titimpi~

  4. Elen,

    There’s bound to have dire consequences on the socio-emotional/psychological level in members of households whose parents are away working abroad leaving the children to the care of other people.

  5. rose rose

    AdB: It is indeed ironical that a number of mothers leave their children to the care of other people, while they themselves care for other people’s children…ganoon din ang nangyayari sa mga magulang dito..como mas malaki ang kita nila as nannies or baby sitters for kids of the rich along 5th Ave. in Manhattan, they leave their kids in the care of baby sitters for less (Lola’s or elderly aunts)..

  6. OUTWARD BOUND

    Hundreds of newly hired workers leave the Philippines each day for jobs abroad.

    * Total number of Filipinos working overseas :8.7 million
    * Filipino women who left to work overseas on new contracts in2007:146,337
    * $17 billion in OFW Remittances in 2007

    The price they pay:
    A UNICEF-commissioned study estimates that roughly one in every four kids(about 9 million children)have at least one parent working abroad.

    What will happen to the millions of children these workers leave behind?

  7. Tita Ellen,

    I hope you won’t mind me posting what I received from an OFW. This is a story about an OFW asking for help, but was rejected by OWWA because his membership expired.

    Dear Sir/Madame,
    I am a OFW who was affected and displaced..i went home last May 2008 for a vacation but due to the slow and decreasing of revenue the company decided to cut labor cost i was not able come back despite my contract with them is until July 2008. It’s already 8 months that i was jobless. So what i did i visit OWWA branch here in Baguio City for assistance but i was denied for the reason that i was not covered for any assistance because they said my OWWA membership expired. It’s really hard for me to look for another job here because of my age of 51. I’m still hoping OWWA will do something about this matter.
    Thank you.

    Sincerely yours,
    Bernardo Sese
    10 Cabinet Hill
    Baguio City
    09298905037

    Why did I post this here? Just another example on how OFWs, the “bayani” whatever are being treated in real life.

  8. MPRivera MPRivera

    Ellen, mga kasama,

    hindi sa akin ipinadala ng may akda ang paksa sa itaas kundi sinipi ko lamang ‘yan sa //www.calauag.com ni pareng joeseg.

    naengganyo akong ipadala sapagkat naisip kong hindi dapat amagin sa isang sulok bagkus ay marapat lamang na maibahagi sa iba upang malimi nila ang tunay na kalagayan naming mga “itinapon ang mga sarili” sa malayong lupain at iniwan ang mga mahal sa buhay upang maghanap ng trabahong hindi masumpungan sa sariling bayan.

    bagama’t walang pahintulot si pareng joeseg sa aking kapangahasan, sana ay maging isang paraan ang akdang ito ni ginoong frankie villaflor upang ang mga katulad kong OFW ay matutong iakma ang sarili sa banyagang kulturang kanilang kasalamuha sa araw araw.

    bilang pinoy na subok na ang tatag sa lahat ng pagsubok, KAYA NATIN ‘TO!

  9. Tilamsik Tilamsik

    Sila ang salbabida ng bangkaroteng ekonomya ng bayan, subalit mas tutok ang ang atensiyon at binibigyan halaga ang mga boksingero, mga taong umaakyat sa pinakamataas na bundok, magaling kumanta at sumayaw.

  10. MPRivera MPRivera

    masakit talaga ang kinahihinatnan ng ibang katulad ko lalo dito sa saudi arabia na “napakatapang ng panahon o klima” at kung saan ang halos lahat naming kinakain kung hindi frozen ay treated with chemicals katulad ng mga processed foods kaya nga karamihan sa amin ay mataas ang uric acid, mataas ang presyon ng dugo, may rayuma, diabetes, apektado ang paningin, maagang pumuputi ang buhok o kaya’y nakakalbo.

    ‘yung mga gukay at prutas dito meron ngang sariwa subalit sagana din sa kemikal gayunding ang karneng kinakain na ang pinagkunanpiangkatawyang hayop ay may halong kemikal din ang pagkain.

    ako? para na ring si bembol roco!

  11. MPRivera MPRivera

    “pinagkunang/pinagkatayang hayop ……”

  12. syria syria

    Hindi ako natuwa sa kuwento ng isang OFW sa KSA.

    Mayroong 5 contractor electrician na na-assign sa isang malaking ospital sa Al Khobar. Doon sa hospital ay nakakilala sila ng mga Pinoy na Medical Technician na nag-che-check ng Sperm Count. Nagkatuwaan yung mga electrician na ipa-check ang kanilang sperm count. Sa lima, si Juan (hindi tunay na pangalan) lumabas na very low ang kanyang sperm count. Nabigla siya, kinabahan at sobrang lungkot. Hindi niya sukat akalain na ganoon ang kalalabasan dahil nabuntis daw niya ang kanyang maybahay pagkabakasyon niya.

    Alam ng kanyang mga kasamahan na buntis ang kanyang asawa kasi ay ipinagmamalaki dahil ito ay kanilang first baby. Ang masakit pa ay nalaman rin ng mga kasamahan ni Juan na very low and sperm count niya.

    Sa hirap ng buhay, tinanggap na lang ni Juan ang pangyayari.

  13. Tilamsik Tilamsik

    syria Says:

    February 1st, 2009 at 2:22 pm

    *********

    Kuwentong Juan:

    – Malamang nung nakabakasyon si Juan normal ang count nya.
    – Kung low count, posible parin na makabuo siya.
    – Siguro pwede nyang pa DNA ang bata para sigurado.

  14. MPRivera MPRivera

    talsik, este tilamsik,

    sila lang naman sa gobyerno ng mga timawa ang nagbibigay ng kung ano anong kaek ekang katawagan sa aming mga OFW’s, eh. subalit sa katotohanan, ‘yun ay pang-uuto lamang.

    sige nga, magsabi sila, sinong karaniwang manggagawang pinoy dito sa ibayong dagat, sabihin na nating isang piyon na bilad sa araw maghapon ang umuwing binigyan nila ng tulong at binigyang halaga ang ginawang pagpapakahirap noon?

    meron ba silang pinarangalang katulad nang nabanggit ko sa itaas? di ba’t ‘yung mga merong kung ano anong accomplishment kuno? pero, sigurado ba nilang ‘yung mga nagawa daw na ‘yun ay totoo?

    magtanong muna sila sa mga nakakakilala sa mga ginawaran nila ng parangal at malalaman nila kung ano ang mga tunay na raket kung nakakatulong nga sa kapwa.

    hingan mo nga ng tulong eh ni hindi ka tapunan ng pansin?

    nakakasukang mga mapagkawanggawa daw?

    ewan!

  15. syria syria

    MPR, mayroon parangal noon ang Phil. Embassy sa Al Khobar sa mga Top 10 Filipino Taxpayers in KSA.

    Kung may datung, may parangal.

  16. Elvira Elvira

    Ang OFW para naman sa mga katulad kong foreigner ang asawa, it means “Overseas Foreign Wives!” Medyo may kaibhan ng konti ang mga roles o categories (if one may say so) namin dito. Either one belongs to the Lucky (matino ang na-asawa) o Unlucky (lasenggo, jobless) naman ang iba. So happy and contented ang una at miserable and martyr naman ang nasa ikalawa. At the bottom line, iisa pa rin o pareho ang role na ginagampanan ng bawat Pinay dito: Magpadala sa mga naiwan sa Pilipinas,o magpa-aral sa mga kapatid at mga pamangkin. Ika nga, we have different roles to play, but it all boils down to never ending sacrifices for the loved ones behind! HERO ba ang tawag doon?

    May I add nga pala something about OFWs:

    …Ang mga OFWs ay may PUSO!… Mahal talaga nila ang kanilang Kapamilya! (Kung Showbis linggo ang dating, pasensiya na!)

  17. MPRivera MPRivera

    syria,

    ganyan naman sila. magaling lamang sa kuwarta. puro publisidad lang naman ang alam.

    hanggang sa ganun na lamang ba ang batayan nila?

    galing din ako sa alkhobar ilang taon na ang nakakaraan subalit kahit sa pinakatagong sulok ng aking utak ay hindi sumagi ‘yung pagsali sa paghahanap nila ng ginagagong bayani award.

    tama na sa akin at sa mga grupong aking itinatag ang maging katuwang ng POLO-OWWA sa pagpapatupad ng mga programa ng kanilang sangay sa Eastern Region. panahon pa ‘yun ni atty jolly dela torre.

    ang paglilingkod ay hindi naghahangad ng pagkilala o parangal. tama na ‘yung mapalaganap ang diwa ng kapatiran at pagdadamayan.

    ‘yung mga nanalo ng mga award na ‘yun, ang habol lamang din nila ay ‘yung PERANG PREMYO hindi talaga ‘yung plake o tropeo!

    kahit itanong mo sa baklang nanalo noong 2000 na hanggang ngayon ay nandito sa riyadh!

  18. From Remi Garcia who is based in Canada:

    Napansin sa larawan ang pagdalaw ng sultan ng Brunei Haji Hassanal Bolkiah ang pag palis ng dahon na nalaglag sa balikat ng sultan na tila di pansin ng sultan . Kahit ano pa ang dumapo sa balikat ng sultan , bilang isang “dignitary”o Presidente wala siyang pakialam,marami itong alalay. Hindi dapat ganito ang saludar ng isang “dignitary” sa kapwa “dignitary”, Sa tingin ko sa larawan mukhang di pansin ng sultan, may dignidad.

    Paumanhin kung masabi ko na ito’y paraan ng paglandi o “flirt”, o pambabastos sa sultan, mabuti kung lumuhod na lang siya tutal mukhang mababa naman ang dating niya.

    Hindi yata alam ni Gloria ang malaking kaibahan kultura ng muslim na ang mga babae ay ayaw matignan lalo salingin o hawakan kaya tinatakpan ang ulo at buong katawan , samantalang itong si Gloria may palis-palis pa ng balikat ng isang lalaki mahiya siya sa mga babaeng nasa likod ng sultan,pinababa niya ang kababaihan kristyano, akala yata niya si Bush, kaya kung tawagin siya Gloria na lang.

    Nakakahiya, palpak na naman si Gloria,walang dignidad bilang presidente ng bansa,nakahiya!!!

  19. From Eric Gallardo:

    Karagdagan lamang sa mga sinabi mo patungkol sa sakripisyo ng mga OFW. Nagsimula akong magtrabaho sa abroad noong 1988. Tumigi ng limang taon after 8 years sa Saudi. Ang tunay na dahilan (maaaringhindi ito alam ng nakakarami dahil sa dami ng nagsusulat patungkol sa OFW, wala akong nabasa ng ganitong mga insindente), dahil sa takot na hindi na ako makilala ng aking mga anak.

    Umalis ako na limang taon ang aking anak na babae at anim naman ang lalaki. Hinding hindi ko malilimutan bago ang unang hakbang ko papaalis ng aming bahay pa-Saudi, na ang anak kong babae ay malungkot, dahil mas malapit siya sa akin, ang lalaki ay laking lolo at lola. Umiyak siya at ayaw akong paalisin.

    Sa aking unang walong taong pagtatrabaho sa Saudi ay tunay na hindi naging madali lalo na na hindi pa uso noon ang cell phone. Natrugger lamang akong tumigil pansamantala dahil na rin sa sharing ng isang kapatiran patungkol sa naging relasyon niya sa kanyang mga anak.

    Nang minsang nagbakasyon siya, nakaramdam siya ng pagkainggit sa kanyang asawa dahil sa malambing na pgtingin ng anak na babae sa kanyang asawa. Naitanong niya sa anak, pabiro man o hindi, “bakit sa akin hindi ka malambing?” Ang naging tugon ng anak; “Bakit? Nasaan ba kayo?”

    Isang dagok sa dibdib ang kanyang naramdaman.” At dahil doon, naalala ko ang aking unang uwi pagkatapos ng 2 taong tuloy-tuloy na trabaho sa Saudi. Hindi maiipaliwanag ng anumang salita ang aking excitement na makapiling agad ang aking pamilya. Pagbaba ko ng sasakyan, ang anak kong babae (na noon ay 7 taon na) ang unang sumalubong sa akin. Sabik akong yakapin sana siya subalit naudlot ng ilang sandali dahil nandoon ang kanyang pagaalinlangan na yakapin ako na para bang hindi niya ako kakilala. Iyon ang nagging dahilan kaya ako tumigil sa pag-aabroad noon 1996.

    Ito ang mga bagay na hindi alam ng ating pamahalaan, ang epekto sa mga bata ng pagkakawalay sa sinoman sa kanilang ama o ina. Hindi iilan ang mayroon ganitong karanasan sa loob ng tahanan. Subalit ano ang ginawa ng OWWA? Alam ba nila ito. Ano ang ginawa nila para hindi masira ang relasyon ng magasawa? Hiindi ko sinisisi ang gobierno sa ganitong mga insidente, subalit alam-na-alam nila ang mga pangyayaring ito na pangkaraniwan ng nangyayari sa pamilya ng mga OFW. Anong klaseng pangangalaga na ba ang nagawa na ng OWWA para sa mga kababayan nating OFW?

    Noong panahong iyon na tumigil akong magabroad, sinubukan kong magpunta sa OWWA para magapply ng loan. Subalit nabigo lamang ako dahil sa napakaraming bagay nilang hinihingi na para bang ayaw naman talagang magpautang. Hindi ko na uungkatin ang mga iyon, dahil naniniwala akong hindi na lihim sa iyo ang mga iyon.

    Sa ngayon, ako ay narito sa Qatar at patuloy na sumusubaybay sa iyong mga ulat. Para sa ating gobierno, sa mga corrupt na nanunungkulan, makamit man ninyo ang yaman ng mundong ito, tandaan ninyo, hindi ninyo madadala iyan sa inyong huling hantungan. Malibang kayo ay magsipagsisi, sa impierno ang kalalagyan ninyo, lalo na kayong mga umaagwat ang idad, kakaunti na lamang ang ilalagi ninyo sa mundo, kaya magsisi na kayo.

    Ms. Ellen, pagpalain ka ng Dios, sumaiyo ang mayamang biyaya ng Panginoon. Dalangin ko para sa iyo ang patuloy na katalinuhan at katapangan sa pagsisiwalat ng katotohanan at patuloy na ang pagiingat ng Dios ay sumasaiyo. Purihin ang Dios sa buhay mo.

  20. MPRivera MPRivera

    baket? dignitary ba si gloria?

    bakit ba tinatawag ninyong presidente ‘yung babaeng ‘yun eh hindi naman hinalal ng taong bayan, ah?

  21. From JC:

    Salamat Ate Ellen sa article mong ” PAGPUPUGAY SA OFW ” as an OFW, natumbok mo ang lahat ng saloobin at nararanasan naming mga OFW. Nakakasakit nga ng loob na para bang wala ng oppurtunity na tumigil sa pagtatrabaho kaming OFW (swerte ka kung di ka mareretrench) para magstay na lang sa Pinas, dahil nga halos wala ka rin naipon dahil sa laki ng gastusin jan at pag papaaral sa mga bata.

    Tulad ko Ate Ellen, nagtrabaho na ako sa disyerto ng Saudi Arabia, sa Dubai at ngayon nandito ako sa Australia. Marami nag sasabi maswerte na rin ako dahil may trabaho ako sa abroad, pero di ko alam kung napakaswerte na nga ba talaga na makapagtrbaho ka sa abroad na di kapiling ang asawa at mga anak. Sabihin natin na financial stabilty, oo, pero yung present ka physically para sa family yun na siguro ang swerte, kaso ano magagawa namin kundi lumaban at magtiis sa lungkot para mabigyan lang ng magandang buhay ang aming mga pamilya.

    Napakasarap ng pakiramdam pag umuwi at magbakasyon ka sa pinas kahit 1 buwan every year man lang, lahat ng kasabikan mararanasan mo at halos ayaw mo nang tumakbo ang oras para lang di ka agad bumalik abroad. Pero eto na ang pinakamasakit sa lahat ng OFW na may asawa’t anak yung oras na babalik kana sa bansang pinagtatrabahuhan mo, halos di mo na maihakbang ang yung mga paa paalis, lalo na pag nakikita mo na ang iyong asawa na lumuluha at mga anak na nag iiyakan, lahat nakayakap sayo …… halos madurog ang puso mo at para bang may sumasaksak sa dibdib mo … pero ano magagawa namin kaylangan umalis, kaylangang magtiis … sana maranasan din ng mga gahaman natin pulitiko ang ganong pakiramdam lalo na yung walang pakialam at kuntento na sa pagkurakot sa pera ng bayan.

    Isa pa Ate Ellen yung pagpapaaral sa mga bata, yung kurso na pinakukuha natin sa kanila na alam natin available sa abroad tulad ng nurses, engineeringg or IT courses. Pero ganun nga ba talaga? pinag aaral natin sila para lumayo din at mag trabaho sa abroad, hinahanda na natin sila para lumayo rin sa Pinas. Na iiwan din ang pamilya na katulad ko kung sakali ng mag stay na sa Pinas ….. ay ang mga anak naman ang aalis at sila naman ang lalayo na halos buong buhay nila ay wala ang ama nila na nasa abroad… masakit din diba Ate Ellen. Kasi alam naman natin na saan nila iaaply ang profession nila dito sa atin lalo na sa daming gumagradweyt at hirap ng buhay sa Pilipinas.

    Muli Ate Ellen salamat sa article mo tungkol sa aming OFW, at sana dumami ang maging katulad mo na kapakanan ng iba at ipanaglalaban ang tama. Salamat din sa pagvovoice out mo para sa amin.

  22. From Thino Selga:

    Ako po ay isang OFW working dito sa Ras Tanura, Saudi Arabia since 2002 as a computer skilled worker. Ako po ay natutuwa sapagkat naiintindihan nyo po ang mga katulad naming mga OFW.

  23. Padala ni Thino galing daw sa kainigan niyang si Maeng Ni:

    Hay buhay Saudi talaga

    Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubus na ang cash pinadala sa Pinas.
    Kasi pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

    Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

    Pag may okasyon sa Pinas birthday, fiesta, anniversary, Pasko, New Year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

    Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

    Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa Pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa Saudi lalong dumarami.

    Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.

    Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

    Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

    Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!
    Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Saudi maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka Arabo na taxi driver na rapist pa!

    Akala nila masarap ang buhay dito sa Saudi . Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho,terminated ka gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi baka ma-motawa ka pag kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng peke na papel para kunwari kasal, mga imoral!!

    Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Redsand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo, corniche, obhur at iba
    pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture bawal kasi basta basta kumuha ng picture dito makukulong ka.

    Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero riyal din ang gastos mo sa saudi. Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
    Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang isang kaha ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri, kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .

    Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Saab, Samba o Riyadh bank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !! kasi nga mag-loan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

    Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganu’n din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Saudi wala kang outlet ng stress mo !kasi madaming bawal!!! .

    Hindi ibig sabihin riyal na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

    Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

    Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
    Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
    Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
    Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

  24. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    yun nga ang masaklap na katotohanan sa buhay ng mga bagong bayani…para sa pamilya at para sa minamahal na bansa.

    mahirap ang mawalay sa mga mahal sa buhay at pagpunta mo sa ibang bansa hindi mo rin alam kung suwerte o malas ang kahihinatnan mo.

    ako man lumaki na malayo ang aking ama, 15 years sa riyadh, saudi arabia…katakot-takot na sakripisyo, tiyaga at luha para lamang mairaos at mabigyan ng magandang buhay ang aming pamilya.

    nagkaroon ng katuparan ang lahat ng pangrap nila sa amin…magandang edukasyon, maayos na buhay pero ang masakit ang relasyon ng aking ama at bunsong kapatid na halos 2 taon lamang ng umalis siya papuntang riyadh..malayong malayo ang loob ng aming bunso sa aking ama bagamat alam niya ang ginawang sakripisyo ng aming ama.

    malaki ang epekto sa relasyon pampamilya pero ganun talaga ang sitwasyon ang sumugal sa ibang bansa habang hindi maayos ang sistema ng pamamahala sa ating bansa, habang walang malinaw na programa upang palakasin ang lokal na ekonomiya, habang walang polisiya sa edukasyon na magpapabago ng brain drain, habang walang kasiguruhan ang katuparan sa mga pangarap ng isang juan dela cruz.

    mabuhay ang ofw at mga bagong bayani!
    at ako natutuwa sa isang magandang paksa na binuksan mo ms. ellen…sapul mo ang pulso ng sambayanan sa tunay na kalagayan ng ofw.

  25. MPRivera MPRivera

    sige pa! labas na kayo! umatungal na kayo ngayon sa sama ng loob! akala nila ginapiko ginapala ang riyal o dollar sa ating kinalalagyan, hane?

    ang pinakamasarap pang isa dine sa ibayong dagat, ang ulam namin ay laging PANGAT. kung hindi inuulam ng PANGATlong beses ay PANG-ApaT. para makatipid sa oras at makapagpahinga nang maaga pagdating sa kampo.

    patay na kasi ang katawan sa maghapong tarbaho!

  26. simba1119 simba1119

    Hi Ellen,
    Tama ka dahil grabe ang hirap naming mga OFW. Gaya ko na pumunta dito sa Canada as a live in caregiver in November 1994. Dati akong office worker sa Makati. I tendered my irrevocable resignation and my boss told me that if its final as they’re grooming me to a better position in the company but told him I’m decided to come here as a Nanny. The first thing that I noticed when I stepped out from the airport I was amazed ang hangin feeling ko napakalinis ang lahat dito nasa tamang lugar. Grabe ang homesick as its my frist time to be away from my family iyak ako ng iyak gabi gabigusto ko nang bumalik kaso may utang akong dapat bayaran sa Nanay ko na ginastos ko pag alis. At kung babalik ka nakakahiya anong sasabihin ng mga tao failure ako grabe ang feeling totoo nga yong saying na “there’s no place like home”.

    Hindi naging maganda ang unang amo ko na nag sponsor sa akin di nya ako sinuwelduhan dahil kinuha lang nya ako in favor na makapunta lang dito take note kapwa Filipino din sila. Ang di magandang ginawa ng amo ko ay pinaglinis nya ako sa isa nyang kaibigan at kinuha nya yong kakarampot na bayad at di nyha ibinigay sa akin. At ang balak nya ay papalinisin nya ako sa ibat ibang bahay tapos siya ang kukuha ng bayad doon ko na naisip na di maganda ito kaya naghanap akong ng ibang amo doon ko na nakita ang amo kong ito na umabot hanggang 11 years akong nagstay sa kanila at kinuha nya akong assistant sa office nya (2 yrs and a half lang akong nagwork as live in caregiver sa 11 years na inilagi ko sa kanila napakabait nila sa akin they treated me like a family and walang bayad ang pagtira ko kanila kaya laking katipiran yon sa akin dahil nagpapaaral ako ng 2 pamangkin and 1 sister in law and sa awa naman ng Diyos nakatapos naman).

    Sa ganitong trabaho lulunukin mo talaga ang pride mo napakababa ng morale ko noon. Thru these experiences it made me a better person and became tough in a nice way. Ang maganda sa ating mga Pilipino ay matulungin tayo sa ating mga pamilya makikita mo ang pila sa mga remittance companies dito nakakataba ng puso di tulad ng mga puti di nila ugali yon kanya kanya yan ang sabi ng amo ko I explained it to them na ganito ang kaugalian namin di na maaalis sa amin yon. Iba talaga ang Pinoy.

    Thanks for featuring OFW…

  27. danarica danarica

    Isang bagay ang lubos kong pinasasalamatan sa paghiwalay ko sa aking pamilya at bilang naging isang OFW; Ito ay ang nakakilala ako ng lubusan sa Dios. malaking pagbabago ang ginawa Niya sa aking buhay. Sa mga karanasan ng bawat isa, mayroong likas na matatag, matibay ang dibdib at mayroon din namang mahina. Subalit sa lahat ng mga karanasang ito, ay Dios lamang ang tunay na makakatulong sa atin upang tunay na maging matatag sa buhay. Pangita lamang na maging ang ating gobierno ay walang magagawa. Malibang ang mga manunungkulan sa ating gobierno ay magkaroon ng takot sa Dios, tunay na wala talagang pagasa ang ating bansa. Kaya sa Dios lamang tayo talaga makakaasa ng tunay na kaginhawahan sa buhay maging ang ating bansa.

  28. vonjovi2 vonjovi2

    Ellen,
    Saludo ako sa mg OFW natin at isa SILA sa mga kailangan ng bansa natin para tumakbo ang ekonomiya. PERO kailangan rin natin huwag makalimutan na isa rin matatawag na BAYANI ang mga pang karaniwang trabahador sa pabrika or sa mga store (example sa Jollibee na puro bata pa ang nag se service para lang makapag aral kaya kahit bata pa ay nag uumpisa na mag hanap buhay)kasama na rin ang mga malilit na kawani sa gobyerno natin. DAHIL sila ay mas biktima ng gobyerno natin dahil pag ka kuha ng SUWELDO nila ay bawas na ang TAX at halos kalahati ay napupunta sa tax lang. Anag masakit ay ang pera nila ay napupunta lang sa mga MAGNANAKAW sa gobyerno natin. Sa mag asawang gloria, sa mga tiwaling Husgago, sa mga GERMS-Neral etc. at lalo sa mga TONGRESS. Katulad mo Ellen, tiyak ko na kapag kinuha mo ang suweldo mo ay bawas na at napupunta kay Gloria. Isa kayo karapat dapat na mas tawagin BAYANI rin.

  29. From Carlos San Carlos:

    Sa nga Pinoy na matagal nang nagtrabaho sa abroad lalo na sa Middle East na katulad ko, being an OFW is no-big-deal, sabi nga ng isang kaibigan, a “dull issue”. It is a dull issue because, we have no other choice other than working abroad. It is then left to us to either make it or break it.

    On the issue branding OFWs as modern day heroes, I don’t really gloat about it because to me, the term was coined only to appease the sentiments of OFWs, psy-effect and nothing more. To be called a modern day hero equals compulsary payment of POEA/OWWA/Philhealth fees without direct benefit. Try getting an OWWA loan and ask those who had claimed Philhealth benefits and learn how far they have gone in the process

    .

  30. vonjovi2 vonjovi2

    Ilang milyong tao ang nag tra trabaho sa private company, sa mga dept. Store at sa mga gobyerno natin. Kapag araw ng suweldo ay kalahati ng pera nila ay binibigay lang sa mag asawang baboy at sa mga mag nanakaw sa gobyerno. MAs masakit iyun dahil maliit lang kita ng iba at naloloko pa sila.
    Kaya saludo ako sa kanila at saludo rin ako sa mga OFW natin.
    Nabanggit ko lang ito para din di natin rin makalimutan ang mga tao na nag hihirap makapag hanap buhay sa pilipinas at mas naloloko lang.

  31. “What made you decide to work abroad and where? Or, what made you decide to leave the Philippines and do you still intend to go back and why? FINAL QUESTION: Are you happy where you are now?”

    That was the question I posed to my readers, given that I have a pretty good number of Overseas Filipinos reading my blog.

    Pretty much, the responses points to one thing – gina-lunok na lang nang karamihan being apart with family just to earn and provide a decent living sa family in the Philippines. Some comments left were heart-breaking.

    Read it here: http://reynaelena.com/2008/10/08/what-made-you-decide-to-work-abroad-and-where/

  32. SULBATZ SULBATZ

    I would like to salute all our OFW’s. Words are not enough to describe the sacrifices you all went through, including those of your families.

    A few years from now, I will have my own OFW’s in my family. And in a few years’ time, the only family that I would know of are but images in photographs and voices on the telephone. It is not a choice. It was forced by circumstance. I am not alone. There are millions of Filipino families similarly situated.

    Gloria gloats over her program to make SUPERMAIDS out of her countrymen. Shouldn’t she, instead, be making SUPER-TOURISTS out of Filipinos? But I know she can’t. Neither can our leaders. Why?…Because that would cause too much strain on their bottomless pockets. Providing to every Filipino the opportunity to have the basic foundations to earn a decent living in his own country would skim a fortune from the luxurious and decadent lifestyles of our government officials. That’s where the problem lies.

    I hope we can look forward to the day when we, Filipinos, leave our country either as tourists or work as a matter of choice.

  33. bitchevil bitchevil

    SULBATZ and the others: I think you’re or used to be in the military service. What’s the status of Col. Mapalo who was arrested together with Atty. Homobono Adaza? Do you guys know
    then Lt. Col. Ramon Y. Garcia who used to be with MP under Gen. Balbanero? How about Supt. Enrico Salapong? Ernesto Ibay? Sam Tucay? Any information about the above officers shall be appreciated.

  34. balweg balweg

    I agree with you Elvira,

    Hungkag na pagkilala ang alam ng pamahalaan, sa tutuo po eh ginagawang gatasan ng gobyerno ang mga OFWs at Migrant Pinoys. Bakit po kanyo, e ganito yon… nasaan na yong 25US$ kada taon and/or 2-years contract na ibinabayad ng mga balik-bayan OFWs, paki busisi naman po?

    Kung magprocess ka ng OEC sa OWWA Manila, naku po e ma high blood ka…nagsisiksikan sa isang di gaanong kalakihang processing room na wala namang aircon (noon, i don’t know this time?), mayroon naman electric fan…mapupundi ka sa pagtrato sa mga inuutong Bagong Bayani kuno!

    Pabor ang tag-uring “Ang Bagong mga Bayani sa mga sipsip na OFWs or ika nga mga community leaders sa iba’t ibang panig ng mundo kasi sila yong mga ka tsongke ng mga kurap na Embassy officials and OWWA staff (di lahat ha, sure may pipiyok).

    Ang nangyayari tuloy e nagiging sosyalan ang kalakaran sa karamihan ng mga gathering sa embahada or any place na sila ang guest speaker(s).

    Pero yong mga aping OFWs na inagrabyado ng kanilang mga employer eh pagkaminsan namamalimos lang sa kapwa-OFWs at yong iba e nagpapakupkop o kaya kinukupkop ng mga mabubuti nating kababayang OFWs.

    Hay naku dito ako nagpanting, kasi nga po eh aktibo tayo sa larangan ng kawanggawa ang kaso yong na experience ko a few years ago eh di ko makakalimutan at documented ito sapagka’t sa halip na ang mga sugo ng gobyerno na dapat mag-asikaso at tumulong sa mga nagkakaproblemang OFWs eh peperahan pa o ka ibinubugaw sa mga banyaga o kapwa-Pinoy.

    Kaya naisipan ko tuloy na itigil ang ganitong pagtulong kasi nga sa halip na yong mga sugo ng government ang siyang gamanap ng kanilang tungkulin e ipinapasa sa mga OFWs ang responsibilidad.

    Ofcourse, normal sa mga matulunging OFWs na magbigay o handang tumulong…kaya lamang dapat maging tapat naman itong mga officials natin. Ang sarap ng buhay nila kasi nga kumpleto ng benipisyo ang mga ito na galing sa pinagpawisan ni juan de la cruz but still mayroon pa ring dedicated embassy officials, na handang tumulong sa mga nagkakaproblemang OFWs and i know some of them na tapat sa tungkulin.

    Ang masakit pa nga ang OFWs pa ang magpetitions para sibakin ang mga tiwaling opisyales sapagka’t wala silang silbi at pahirap lang sa mga OFWs.

  35. balweg balweg

    SIR SULBATZ,

    Thank you very much….pero dapat ang parangalan natin eh ang mga kasundaluhan natin sapagka’t nagbubuwis sila ng buhay alang-alang sa bayan. Your tribes are the real Heroes sapagka’t di sa PISO nasusukat ang kabayanihan, kundi ang magdedicate ng sarili para sa Inang Bayan, di ba!

    Forget those ANAY sa hanay ng Militar at Kapulisan, mag focus tayo sa dedikasyon nýo na pagsilbihan ang Bayan…ang masakit nga dito eh kahit na sardinas lang ang pagkain sa ginta ng labanan e handa pa rin kayong isuong ang inyong mga sarili sa kapahamakan.

    Kaya, i’m not convince sa tag-uring, “Ang mga Makabagong Bayan?” Buti pa si Bayani F. talagang dedikado sa paglilinis ng Kamaynilaan, ang kaso wrong timing kasi taghirap ang mga urban poors…paano na sila mabubuhay kung sisipain mo sila sa oras ng paghanap ng ikabubuhay even sa ginta ng kalsada.

    In layman’s word, ginagawang gatasan ng gobyerno ang mga OFWs and Migrant Pinoys!

  36. hKofw hKofw

    Salamat Ms Ellen sa pagbibigay ng espasyo para sa aming mga OFW’s o mga “bagong bayani” sa iyong malaganap na blog. Sa pamamagitan ng artikulong ito, ang mga OFW’s ay nagkaroon ng bagong inspirasyon dahil alam nila na may nagbibigay-pansin, nagpapahalaga at tumitingala sa kanilang kahalagaan sa ekonomiya ng ating bansa. Sana hindi ito ang huli. Mabuhay!

  37. syria syria

    Malaking bagay sana ang maitutulong sa ating bansa kung masusugpo ang droga at jueteng dahil ang nawawalang pera dito ay humugit kumulang na $18B. Ang pinadadala ng OFW ay $17B. Bukod pa rito ay yung masamang epekto ng mga bisyong ito.

  38. hKofw hKofw

    Ang mga OFW’s lamang sa ngayon ang tanging pananggalang at pag-asa ng ating bansa sa krisis sa pananalapi na nangyayari sa buong mundo. Gobyerno ni Glueria Salot at mga lintang kawatan niya naman ang nakaw nang nakaw. Walang tigil. Pati pera ng OWWA at SSS members ay pinakikialaman at ninanakaw. Ang kakapal ng mga mukha. Parang mga hayok at salabusab na mga baboy na nakawala sa kural. Mga walang kaluluwa! Mga ANIMAL!

  39. Nang mag-comment si Sulbatz ay may naalala akong uncle na dating sundalo. Para na rin siyang OFW dahil buong buhay niya sa serbisyo ay malayo ang destino sa pamilya. Delikado na ang trabaho, katiting ang sweldo, malayo pa sa pamilya – sobrang dusa!

    Kaya naman nung negretire siyang colonel na isang J4 ng isang brigada sa PA, akala namin pahinga na at mabubuo na ang pamilya niya. Ang masaklap, nag-OFW pa din siya na part-time CPR instructor at part-time janitor sa isang USAF base sa Hawaii. Masaya pa rin daw siya dahil sa haba ng pagsasama nila ng auntie ko, ngayon lang sila tunay na nagsama bilang mag-asawa mas maganda pa ang kita niya.

    Technically, OFW din naman ang ibang sundalo kagaya nina Sulbatz at ng uncle ko. Overseas din naman yung Sulu, Basilan, at Palawan diba?

  40. bitchevil bitchevil

    I think OFWs refer to those who work abroad temporarily or on work visas. Can we include those who are permanent residents of another country? If they are not citizens yet, I think they’re also called OFWs.

  41. Prediksiyon ko, ang susunod na rebolusyon, hindi lang sa madugong paraan, ay pangungunahan ng OFWs at pamilya nila. Malapit nang maging isang virtual country ang Pilipinas, ayon kay Manolo Quezon, na ang pangunahing purpose ng gobyerno ay magproseso ng passport, credentials, at contracts ng mga aalis ng pansamantala o permanente. Lahat ng preparasyon, mula edukasyon, skills, at work experience ay nakatutok sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

    Kung ang kulang sa siyam na milyong Pinoy OFWs ay may tig-apat na kamag-anak ang binubuhay, kalahati ng populasyon ng bansa ay umaasa sa mga OFWs. Ang panganib ay lagi pang kabuntot nila.

    Nabasa ko pa lang kahapon na bawat apat na oras ay may isang Pinoy seaman na naho-hostage sa Somalia. Taun-taon ay libong babaeng DH ang naaapi ng mga amo nila. Ilang daan ang nakakulong. Ilang daan ang nabibiktima ng illegal recruiter. Pati sa lugar na may giyera, gaya ng Afghanistan, Iraq, at Sudan ay hindi mawawalan ng Pinoy.

    Ang Pilipino ay likas na masipag, matiyaga, matiisin, at mapamaraan. Ang kawalan ng pagkakataon ay di sapat upang mawalan ng pag-asa bagkus gagawa ng daan upang mairaos at maitawid ang pamilya sa gutom saan man siya ipadpad. Yan ang katangiang hindi dapat tawaran ng mga kapwa Pilipinong sumisira sa imahe niya at yumuyurak sa sarili niyang bansa. Ang pagtitiis ay may hangganan, ngunit ang sukdulan ay malapit nang marating.

    Kung may mga taong naupos na ang pasensiya, yan ang mga OFW. Ang pagbabago ay mangyayari lamang kung ang kanilang mga natutunan, namasdan, ay maiuwi nila at maisagawa dito sa bansa. May pag-asa pang magbago.

    Sana, kung sa bawat padala sa Western Union o PNB at kada bagsak ng Balikbayan Box sa Pinas ay may kasamang pangaral o mando kung paano putulin ang malupit na sistemang tila walang katapusan at lalong lumalala, ay mabigyan ng direksiyon ang kinabukasan ng Pilipinas bilang isang tunay na bansa, hindi para sa isang recruitment & retirement agency lamang na ang tawag sa sarili ay gobyerno.

    OFW, “Ano ang taya mo?”

  42. Tama si Magno. Maraming OFW, hindi mayaman, mayabang lang! 😛 You should see the kind of place they reside in Japan. Kinaiinisan pa ng mga landlord as a matter of fact kasi marumi sa bahay. But then, of course, ano naman ang maaasahan mo sa mga nakatira sa mga squatters na nasanay sa mga putikan (pusali), kanal at mabahong ilog. Majority hindi pa nga nakatapos ng elementary school lalo na iyong mga tinatawag na undocumented! Surprised? Maski nga ako nagulat!

    Ang masagwa, ang kawalan nila ng pagmamahal sa bayan nilang pinapapahiya nila. Ang tingin ng mga hapon sa mga pilipino, sa totoo lang, dahil sa mga Japayuki, iyong mga babae, mga puta at iyong mga lalaki naman, potential magnanakaw.

    May kaso nga ngayon dito na iniimbestigahan na suspetsa ang mga involved ay mga pilipinong anak ng mga pilipinang nagpakasal sa mga hapon. May gang na ang mga mokong ng mga hold-upper, magnanakaw, snatcher, etc., you name it, meron silang sindikato. Hayun, sinira ang ilang ATM machine at ninakaw ang perang nakalagay doon! Sira na naman ang pangalan ng mga pilipino!

  43. Tongue,

    Worse ay iyong mga domestic helper na in-interview ng mga kasama ko for a special documentary on the overseas Filipino workers aired on a Japanese TV pagkatapos na ipagyabang ni Bangaw iyong mga caregivers kuno. Dalawang babaing nagtatrabaho sa Lebanon ang wala pang hiyang ipinaglandakan na na-rape sila ng mga amo nila. Hindi na daw sila nahihiya kasi karamihan naman daw ng maids sa Lebanon, nare-rape ng mga amo nila! Omigod! Shock talaga ako!

    Mas worse iyong pilipinang nakausap ko dito sa Japan na nahuli ng pulis na nagbebenta ng laman/pandandaliang aliw. Abaw, sabi pa ng ungas, ano daw ang masama sa ginagawa niya. Trabaho lang naman daw. Sabi pa ng loka, ano daw ang masama sa pagpuputa. Nakahiga lang kumikita na, nasasarapan pa! Yuck! Kahit ngayon pag inisip ko ang kalagayan ng mga OFW na ito, tumatayo ang balahibo ko sa kilabot. Hindi na awa sa totoo lang!

  44. BTW, kumusta na iyong mga pilipinong ni-recruit ng Blackwater? Nabayaran ba sila ng tama? Baka naman malaki ang kickback noong recruiter sa Pilipinas na naman ha! Kawawang mga pilipino! Payag na lang na palaging ini-exploit!

  45. Tawag ng mga kurakot sa mga pilipinong tinatapon nila sa ibang bansa, “the Philippines’ No. 1 Export Commodity.”

    Muntik akong masuka nang marinig ko ang description na iyan mula kay Egcel Lagman nang pumunta siya dito kasama pa ng isang bugaw na tongressman na nagmamalikluhod sa mga hapon na payagan ulit iyong mga gustong magputa sa Japan na makapunta ulit dito despite the attempt of the Japanese government to stop human trafficking here with a new Immigration Law. Hindi na nahiya ang mga bugaw sa totoo na ipinagpipilitan na ipadala ang mga wannabe puta from the Philippines dito na may bagong pangalan—“caregiver.”

    Tangnanay nila. Magnanakaw pa sila ng trabaho mula sa mga nawawalan na nga ng trabahong mga hapon, et al.

  46. patria adorada patria adorada

    Grizzy,kung halimbawa,mahirap ka,kaya mo bang magputa,guminhawa lang ang familia mo sa Filipinas?Hindi mo sila maiintindihan dahil hindi mo naman narasan ang mga nararanasan nila.Dapat maawa ka pa sa kanila.Look at them as victims.Sila ang tinatawag na biktima ng pagkakataon.

  47. vonjovi2 vonjovi2

    Tama ang comments ng isa dito na di mayaman ang OFW pero marami ang mayayabang. Isa na dito kung gaano murahin ang mga pilipino na nang aagaw ng trabaho sa ibang bansa. Akala mo kung sino na at talagang tinalikuran ang bansa na galing siya. Kahit na baliktaran mo ang mukha mo at ilagay sa puwet ay isa ka pa rin pilipino at huwag mong masyadong hamakin ang bansa na pinang galingan mo.

  48. tru blue tru blue

    patria adorada – you beat me right on the finish line. It’s easy to criticize others not knowing what they’ve been thru – place yourselves in their shoes then contrast that to your own lives.

    I agree however, that there are certain groups of people in different nationalities, who instead of making their livelihood better abroad, resort to despicable acts of various crimes or their lowly attitudes metaphors to a new environment.

  49. syria syria

    SSS (Sex Stories sa Saudi)ng OFW

    1- Kung wala kang bigote, ang tingin sa iyo ay babae.

    2- May first timer na dumating at wala siyang bigote. Sumakay siya sa taxi. Dinala siya ng taxi driver sa madilim na lugar. Tinakot siya sa kagustuhanb makapag-anal sex sa kanya. Tumawad si Pinoy at masturbate na lang daw. Pumayag si maniak at habang ginagawa niya ito ay lumuluha siya.

    3- Sa mga ibang bading, Heaven daw ang Saudi.

    4- Ang mga babae, bawal magsuot na kita ang binti. Kataot takot na erection pag nakakakita sila ng binti.

    5- Yung mga Badu (nakatira sa liblib na lugar), puwede na ang donkey.

    6- Pilas na ang mga pahina ng mga magasin na naglalarawan ng babaeng kita ang binti, hita at cleavage.

    7- Halos lahat ng noypi, dalawa lang ang pangalan ng girlfriend – mamili ka, si Mary Palmer o si Mariang Palad

    8- Mayroong sobrang maniakis ng nagkakaorgasm habang nakadikit yung hita nung bading sa hita niya habang ito ay ginugupitan.

    9- Ang pangkaraniwang mura ay “mafi muk” (bobo) marami kasing tamad magaral maski na may suweldo sa pagaaral nila. Sa pinas, ang pinakapopular na mura ay yung mura ni M. Roxas.

    10- Kuwentuhan mo sila ng iba’t ibang istilo ng sex, kinabukasan o makalawa, makikita mo siya na nakangisi, naka-thumbs up at sasabihan ka ng “wajid zen” (very good).

  50. hKofw hKofw

    “Dapat maawa ka pa sa kanila. Look at them as victims.Sila ang tinatawag na biktima ng pagkakataon.” – patria adorada

    Tama ka Patria. Sana naman maging sensitibo ang mga bloggers dito. Huwag naman sanang laitin, kutyahin, pandirihan, kainisan ang mga OFW anuman ang trabaho ng mga ito, mayabang man o hindi, marangal man o hindi. Dapat pa nga silang unawain, gabayan at tulungan kung kinakailangan. Kung tatanungin sila kung bakit sila nasa ibang bansa – marangal o hindi marangal ang trabaho, iisa ang sagot: kahirapan at kawalan ng pag-asang mabuhay ng marangal sa Pilipinas. Karamihan sa mga ito ay kapit na sa patalim. Sabi nga di’ba ng mga nagpunta sa Iraq, kahit na may giyera doon mas nanaisin pa nilang mamatay sa bomba kaysa mamatay ng dilat sa gutom ang pamilya. Ang ibang mga kababayan natin na walang OFW na miyembro sa kanilang pamilya at walang maytrabaho ay namumulot kumakain na nang pagkain galing sa basura. Ang mga maytrabaho naman gaya ng mga Titser,School Principals (totoo, may mga dating principal na nagtatrabaho bilang mga katulong sa HK), Engineers, Nurses at iba pa na may pinag-aralan ay umaangal sa liit ng kita sa atin. Hindi ka raw aasenso sa Pinas. Nakakalungkot. Bulok na kasi ang Gobyerno natin. Bulok na rin ang Hustisya, ang militar, pulisya, ang edukasyon, ang mga pari at mga institusyon. Worse, nabubulok na nang husto ang Pilipinas dahil sa pinamumunuan tayo ng isang masahol pa sa bulok na nakaluklok na si Gloria Ganid.

  51. hKofw hKofw

    OFW, tunay na mga bayani. Kung ang mga pambansang mga bayani ay binigyan ng parangal sa pamamagitan ng mga Araw ng Pagdiriwang o Holiday gaya ng Rizal Day, Bonifacio Day, etc. Sana meron din na OFW Day!

  52. Patria adorada: Grizzy,kung halimbawa,mahirap ka,kaya mo bang magputa,guminhawa lang ang familia mo sa Filipinas?

    *****
    Never! Malaki kasi ang takot ko sa Diyos, PA, kaya I doubt kung makakaya kung magputa kahit na maghirap ako o ang pamilya ko, and I doubt kung kakainin ng pamilya ko ang galing sa pinagputahan ng kahit sino sa amin ng mga kapatid ko.

    Maraming paraan para mabuhay sa totoo lang. Di naman kailangang magputa. Sa totoo lang, pangaral ng mga magulang ko nakatanim pa sa tuktok ko—“Magdildil ng asin kesa magputa!”

    Kulang sa takot sa Diyos ang problema ng maraming nangangatwiran ng katulad ng katwirang sinabi mo, PA. At pananampalataya sa Diyos, I doubt kung sapat lalo na doon sa mga nagsasabing nagbabasa sila ng Biblia pero kayang labagin ang mga utos ng Diyos.

    Sabi nga ni Jesus Christ, “But he answered and said, It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God.” (Matt.4:4). But this is my favorite, ” 24 Consider the ravens: for they neither sow nor reap; which neither have storehouse nor barn; and God feedeth them: how much more are ye better than the fowls? ” (Luke 12:24)

  53. Papaanong naging hero iyong mga pilipinong pinapahiya ang bansa nila sa ibang bansa? Noong araw maganda ang reputation ng mga pilipino sa ibang bansa. Dito nga sa Japan, bumaba ang tingin sa mga pilipino dahil sa mga puta at mga magnanakaw na ibinubugaw mismo ng gobyerno nila!

    Kawawang bansa! Pati pagpuputa rekomdendado na sa mga umaalis ng bansa para mabuhay kuno!

  54. etcetera etcetera

    US BANKS HIRING OFW:

    The dozen banks now receiving the biggest rescue packages, totaling more than $150 billion, requested visas for more than 21,800 foreign workers over the past six years for positions that included senior vice presidents, corporate lawyers, junior investment analysts and human resources specialists. The average annual salary for those jobs was $90,721, nearly twice the median income for all American households.

    http://news.yahoo.com/s/ap/20090201/ap_on_bi_ge/bailout_foreign_workers

  55. patria adorada patria adorada

    Hindi mo naiintindihan ang ibig sabihin namin.Masyado ng japanized ang reasoning mo.Take a vacation,doon sa lugar na kinalakihan mo.Sariwain mo yong magagandang bagay na nangyari saiyo doon.Magandang pang alis ng tinatawag nilang stress.
    Yong sinasabi mong filipina na nagpuputa diyan,baka ang alam mo,filipina lang .Dahilang alam ko,mas marami ang taga Peru,taga Brazil,taga Columbia,at taga Russia at iba pang lahi.Hindi ka na pupunta ng bar,sa discohan makakakita ka.Yong iba hindi pumupunta ng motel sa toilet tutuwad lang ok na.Dati,yong mga haponesa umaakyat pa yan ng barko,parang sa Thailand.Ngayon bihira na lang.Pero mayroong on call.Mayroon pa ngang may asawa na nag sa side line pa as pokpok para lang makatulong sa asawa niya
    At yong sinasabi mong ang Filipino marumi sa bahay,baliktad ang observation natin.Marumi rin sila sa maraming nagkalat.May mga hapon na nagtatambak ng basura sa labas ng bahay nila.Nahihintay pa na sitahin ng pulis.
    AT sa pagnanakaw ng trabaho sa hapones,yong nakukuhang trabaho diyan,yong ayaw ng hapon at karaniwan mas mababa ang sahod which is against your labor laws.Bakit hindi pagtatanungin ang mga Filipino diyan,kung binibigyan sila ng tamang pasahod?In short,na kakatulong sila sa economy ng Japan.
    Yong HERO na sinasabi mo,depende yon sa paniniwala mo sa isang tao,like para sa akin,hindi si Rizal ang dapat na naging national hero.it should be Aguinaldo or Boni,like yong war criminals sa aming Filipino ay talagang war criminals hindi hero.

  56. MPRivera MPRivera

    ang tunay na dahilan kung bakit sinipi ko ito sa calauag.com (kahit walang pahintulot ang may ari bagama’t ipinadala rin lamang ito sa kanya) at in-email ko kay ellen ay hindi upang mabigyang parangal o kilalanin ang ginagawang pagpapakasakit ng mga katulad kong nangibang lupain upang maitaguyod ang mga umaasang naiwan sa pilipinas.

    ano mang paraan, nakakasuka man gaya nang sinasabi ng iba, o lihis ang landas na tinahak na hindi kayang tanggapin ng ilang ang katwiran ay maraming paraan upang mabuhay ng marangal subalit hindi naiisip o iniisip na maaaring naging biktima lamang ng pagkakataon kaya napilitang kumapit sa patalim ang nilalait at hindi gustong bigyan ng tsansang maituwid ang ginawa, hindi rin tamang basta na lamang husgahan ang kapwa.

    hindi namin ginustong maging mahirap. hindi kami binigyan ng pagkakataong mamili ng magiging magulang o inang magsisilang upang makita ang liwanag sa mundong ibabaw. karamihan sa amin ay biktima rin ng kasakiman ng iilang hindi na nga gustong ibahagi ang sobra sa kanilang yaman ay ipinagkait pa ang tanging pag-asang mabago ang pamumuhay na kahit hindi maging sagana ay kumain ng tatlong beses maghapon man lamang.

    isipin din natin na hindi lahat ay binigyan ng poong lumikha ng kaginhawahan. oo nga’t nasa ating pamamaraan kung paano mababago ang kinagisnan kung talagang gugustuhin subalit paano naman kung ang pintuang kinaroroonan ng pagkakataong yaon ay napakarami na rin ang nag-aabang na mabuksan?

    sino ba ang gustong maging masama? bakit sa halip na tulungang tumayo ang nalugmok na ay yayapakan pa’t duduraan sa mukha?

    sino ba ang makapagsasabing tunay na busilak at walang bahid dungis ang kalooban ng bawat nilikha?

    mas masakit ang hampas ng masasakit na salita kaysa sampal na pinapadapo sa mukha sapagkat ang sampal ay hanggang balat lamang ang latay samantalang ang panalalait at pagdapurak sa dangal ay tagos hanggang sa pinakatagong himaymay ng diwa.

  57. retiradong aktibo retiradong aktibo

    Yesterday I was in the Philippine Consulate at San Francisco, California to renew my passport and at the same time secure a Special Power of Attorney to allow my family in the Philippines to draw my monthly pension from the Landbank of the Philippines. The fee for the passport renewal is $50 and for the SPA is $25. I find the fees to be reasonable, although it will take 6 weeks for the passport to be released. What I found disgusting and unconscionable was the fee when you chose to have your passport picture taken at the travel agency located in the same building. The Consulate personnel recommend them. Would you believe that for 2 pieces of a 2×2 picture you will be charged $12. And I overheard, that the travel agency charged $100 for passport renewal which already include shipping. I can only surmise that maybe the Consulate personnel has a cut on the fees. Is this how they treat the Bayaning Filipino?

  58. retiradong aktibo retiradong aktibo

    I also found that the consulate is not being efficiently run. Would you believe that the cashier does not accept personal checks and debit cards to pay the fees. This is the United States of America and seldom will people here carry cash and will instead have plastic money for convenience and safety. Even the smallest store here accept checks or debit cards no matter how small the amount being paid is. And here in the philippine consulate which i guess charge $25 at the minimum for services rendered will not do the same, how disgusting. When I asked the cashier, why in the hell do they not accept debit cards, she just smiled and say they dont have the capability yet. My gosh, even taxi drivers accept debit cards ,

  59. MPRivera MPRivera

    ra,

    siempre, paano mo nga naman mapaparte ang credit o debit card?

    pag cash ang bayad, alam mo na, ang partihan.

    o, ten ni sir.

    sampu ke ma’am.

    o, ten ko.

  60. marie marie

    hello, talagang bayani ang mga ofw dahil sa nagagwa nila sa economy ng pinas, pero matanong ko lang matatawag nyo pa din bang isang bayani ang ofw na nakikipagrelasyon sa ibang bansa, minsa nga para pa silang magasawa dahil nagsasama sa isang kwarto, tapos ang naiwang asawa walang kaalam alam namay kinakasama na ang kanyang asawa sa ibang bansa…maraming ganyan na pangyayari, kaawawa naman, at sa aking palagay mas kaawawa ang mga anak dahil sa ganyang pangyayari..

  61. truthhurts truthhurts

    naku po syria luma na joke mo..eto totoo,mas malala pa nga ang kaliwaan dyan sa middle east kesa sa pinas!ilan na ba umuwing pinay ofw na nabuntis ng fellow ofw nila?na nahawa pa ng aids?na dyan pa nanganak?na may 2nd family na dyan?mag pakatotoo po tayo,kaya tuloy yong ibang pinay ofw pina undergo ng lie detector test ng asawa nila!kaya tuloy yong ibang asawa ng pinay ofw walang tiwala sa asawa nila!hindi lahat ng ofw bayani!

  62. truthhurts truthhurts

    ang galing mo marie!hindi lahat ng ofw bayani…but eto lang opinion ko about dyan marie,if ayaw ng babae walang magagawa ang lalake..wag po sana magtaka ang mga bayani nating ofw if minsan mababa din ang tingin sa kanila ng iba..

Leave a Reply