Skip to content

Ang tindi ng mga bata ni Mike Arroyo

Sagot ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane kay Sen. Miriam Santiago: “Hindi ikaw ang magpapa-alis sa akin. Ang presidente ko.”

Sinabi kasi ni Miriam na dapat i-fire ni Arroyo sina Ebdane, Finance Secretary Gary Teves at Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil pabaya sila sa anomalya sa mga kontruksyun ng mga proyekto sa ginagastusan ng World Bank. Malaking kahihiyan ang nangyari na kailangan pa World Bank ang mga blacklist ng E.C. De Luna Corp., Cavite Ideal International Construction at Development Corp., and C.M. Pancho Construction Inc.

Maliban sa walang kasong naisampa sa tatlong blacklisted na kumpanya, patuloy pa silang sumasama sa ibang bidding.

Nanggalaiti si Miriam kaya lang, wala yun kay Ebdane, isa sa mga paboritong cabinet member ni Arroyo. Sabi ni Ebdane, ““Pag sinabi ng boss ko, ng Presidente, na, ‘Alis diyan,’ walang prolema. Pero siya lang ang susundin ko “

Parang si Raul Gonzalez din. Nang sinabi ni Rep. Roilo Golez na wala na siyang honorable option kungdi mag-resign dahil sa anomalya sa kanyang departamento tungkol sa Alabang Boys, sabi ni Gonzalez, “magre-resign lang ako kung tatanggapin ni Presidente ang aking resignation.”

Alam niya kasi na hindi siya bibitawan ni Arroyo. Katulad din ni Ebdane. Takot lang ni Arroyo. Marami yatang alam ang dalawa.

Kapag binitawan ni Arroyo si Gonzalez, pwede ipa-alaala sa kanya na hindi siya naproklama na presidente madaling araw noong 2004 kung hindi niya, kasama si Kiko Pangilinan, ni “Noted”- “Noted” ang mga reklamo ng oposisyon na pandaraya.

Si Ebdane ay isa sa mga “Hello Garci” generals. PNP chief siya noon at siya yung sinasabi ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na magpakidnap sa isang babaeng election officer na ayaw sumama sa pandaraya.

Proyekto rin ni Ebdane ang pag-manufacture ng mga pekeng election returns na ipinalit sa genuine na nakatago sa Batasan Pambansa gamit ang mga miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police noong 2004.

Tama si Miriam. Hindi naman mangyayari ang ganung kagarapal na anomalya sa DPWH kung hindi pinapayagan ng pinuno doon.

At bakit naman hindi payagan ni Ebdane itong si Eduardo de Luna, may-ari ng E.C. De Luna Construction Corp. Close yata yun kay Mike Arroyo.Noong 2004 lang, 20 beses sila nagkita.

At mukhang malaki kung mag-regalo. Ikinuwento ni Lacson ang isang impormasyon sa kanya na minsan nagdala ng P70 milyon si De Luna sa opisina ni Arroyo sa LTA Bldg sa Makati, sa sobrang bigat, bumuka ang bag. Nagsambulat sa sahig.

Grabe.

Published inGovernanceWeb Links

92 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    Would Lacson’s witness be brave to show up and testify what he knows about De Luna? Even Lacson himself says his witness is afraid. Today, witnesses are up against a very powerful Pidal Mafia headed by FG Mike Pidal.

    After eight long years of her fake presidency, how many of Gloria’s men voluntarily resigned due to anomalies? So, let’s not be surprised if Ebdane, Goonzalez, Neri and the rest of the crooks stubbornly refuse to leave until the Bitch says so.

  2. bitchevil bitchevil

    Who are the protectors of these road contractors in the Senate? Please read:

    Sen. Panfilo Lacson’s story linking First Gentleman Jose Miguel Arroyo to one of the contractors blacklisted by the World Bank for “collusive practices” could be considered hearsay at the moment, Senate President Juan Ponce Enrile said yesterday.

    He said Lacson’s story was “hearsay” because the alleged rigging of bids for a road project funded by the international financial institution was only narrated to him.

    Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri agreed, saying there must be more evidence other than the First Gentleman’s appointments book presented by Lacson during Tuesday’s hearing on the WB blacklist of contractors for collusion in the bidding for the National Roads and Improvement Program 1 that the WB was supposed to fund.

    Sen. Miriam Defensor-Santiago, on the other hand, said she was giving Senator Lacson at least two weeks to produce a witness that could prove the link between the First Gentleman and contractor.

  3. deanr deanr

    Sino ang protection nila sa DPWH? Mikey Arroyo! Sya ang Jueteng at sya din sa DPWH….trust me on this… wag kayo maniwala na wala syang nakkuha sa jueteng. Mikey gets 40% at sya ang nag bibigay sa mga kasamahan nya para tumahimik. Hindi na rin ako naniniwala sa mga senate hearing na yan at wala rin naman nangyayari. Parang nag papa ikot ikot lang sila. Wala rin naman silang nakakasuhan at walang nakukulong. From Abalos to mga cabinete at si FAKE FG! kasi kung fake president si glo,eh di fake din ang FG…

  4. deanr deanr

    Hindi ka makakakuha ng contract sa DPWH kung walang approval ni mikey. Kahit ikaw ang nanalo sa bidding at ayaw sa iyo ni mikey. talo ka pa rin. Kung sino ang mas may malaking lagay ang makakakuha ng contrata. Dummy lang si ebdane dyan. Even Ebdane nag rereport kay mikey. sana madala nilang lahat sa hukay ang pera na ninanakaw nila!

  5. rose rose

    Just curious..anong sinagot ni Miriam doon sa sinabi ni Ebdane? Sayang hindi pa nahulog si de Luna sa bigat ng perang dala niya..sayang hindi pa siya na hulot sa bigat ng konsensiya niyang karga (mayroon kaya siya?) it is understandable na matakot ang witness ni Lacson..pero dapat hindi siya kay Satanas matakot..sa Dios siya matakot! The Splendor of Truth ang sabi nga ni Pope Paul II sa kanyang sulat sa mga kaparian sa buong mundo…

  6. rose rose

    evidence ba ang report (and sources) ng WB? puede bang gawin na exhibit sa investigation?

  7. deanr deanr

    Sana tayo na lang ang mag question sa mga tao sa senado ano? kasi tayo walang preno pag dating sa pag tatanong. Ang mga senado medyo malakas ang preno at baka masagasaan nila ang mga kasama nila.:) Invite nila ako at mumurahin ko lahat ng nag sisinungaling. halatang halata naman na may pinag tatakpan ang mga magnanakaw na yon db.

  8. bitchevil bitchevil

    Mickey Mouse Arroyo’s mark is all over…not only on imported horse smuggling, road construction but at Custom. He could be operating separately or representing his father. I’m also curious to know what this Iggy Arroyo’s racket is. From being a delinquent tenant, he now owns lots of assets.

  9. deanr deanr

    racket ni iggy? ask grace ibuna:)

  10. vonjovi2 vonjovi2

    Sa akin lang ay sana noong sumambulat ang perang pang lagay kay Baboy ay sumabog sana sa labas or sa kalye at liparin ng hangin ang mga pera (siguradong marami ang matutuwa). Hindi sana sa loob ng building ni FG Baboy. SAYANG

  11. vonjovi2 vonjovi2

    Noong unang pag upo ni Mikey sa Tongress ay ang ni report niyang assets ay almost 3millions pesos lang. Pag karaan ng isang taon ay ang assets niya ay halos P50 millions na. Ewan ko ngayon kung gaanong kalaki na ang nakurakot niya.

  12. deanr deanr

    Madaming madami na ang pera ni mikey. Sa jueteng sa batangas pa lang malaki na. DPWH at sa cutoms pa pala sabi ni BE. Baka daang milyon na ang pera ng mga yan.

  13. bitchevil bitchevil

    FG’s mistress Vicky Toh is still very much active at BOC. What happened to those smuggled cars that were apprehended by USEC Villar’s PACG team? Any many more cases at BOC that are not accounted for.

    If Ombudsman really want to investigate, they should start from the Arroyos. But would they? That’s why Gutierrez is there.

    Would the World Bank release its report and cooperate with the investigation? I doubt. Who knows, an official or some officials of WB are involved.

  14. Bobitz Bobitz

    Naku po ! Nag hi! Nga lang itong si deluna at pagtapos naghintay na siya sa labas eh 70M na ang dala niya , lalu na siguro kung may project x10 ang dala niyang komisyon.
    Pag butihin mo Ebdane at huag mong kalilimutan na 16 months ka na lang diyan sa pwesto mo..kapal ng pagmumukha mo Ebdane !

  15. Ellen,
    If Ebdane will not remove the three companies from the shortlist of qualified contractors, any of the Senators/Congressmen can. I hope Ruffy Biazon or Roy Golez or any of the reps of Miriam or Lacson or even Atty. Harry Roque is reading this, since they can petition the Phil. Contractors Accreditation Board (PCAB) to suspend or revoke the contractor’s license they have issued to the three on the grounds that their scandalous actions have tainted the whole Phil. Contracting Industry before the eyes of the world. This could also be filed and/or supported by the Phil. Contractors Association (PCA).

    The Three, E.C. De Luna, Cavite Ideal Int’l, and C.M. Pancho, thereafter, will all be automatically disqualified from all public bidding since only PCAB-certified AAA contractors are allowed to participate in all PBACs (Pre-qualification, Bids and Awards Committees) in all gov’t construction projects especially those over a certain cost limit. Major private commercial and industrial projects also require an AAA license to be qualified. That will keep them out of business for the meantime.

    Likewise, the Professional Regulatory Commission (PRC) may be petitioned so that the Engineers, Architects and Accountants under the employ of the three firms and had participated in one way or another, or had knowledge of, the rigging of the bids be stripped of their license or at least suspended, co-terminus with the period prescribed by the World Bank. I assume one or all of the three owners are civil engineers.

    So guys, better start emailing your favorite Senators and Congressmen. Who says dakdak lang tayo ng dakdak and don’t achieve anything?

  16. Elvira Elvira

    Ito na lang po ang prayer ko for the FAKE president, her Piggy husband and mga “bata” nilang mag-asawa!

    “Lord, kunin Mo na po sila!” And make it SOON!

  17. In addition to my 5:18 am comment, The Chinese Contractors who are also subject to PCAB-certification may likewise be petitioned as are its STEs (Sustaining Technical Employees).

  18. parasabayan parasabayan

    Tongue, very good idea! But these vultures can always have dummies. Medyo matagal nga lang to put it together but in due time, they will be in business again!

  19. psb,
    It will be difficult to hide a dummy in the case of PCAB application since you are required to list specific items that will give away your real identity. For example, your Key Personnel and their licenses, your transport equipment with license plate/body/chassis numbers. Each STE will also be required to list down his professional experiences and projects, etc.

  20. Re Tongue’s suggestion: “So guys, better start emailing your favorite Senators and Congressmen. Who says dakdak lang tayo ng dakdak and don’t achieve anything?”

    Excellent suggestion, Tongue.

    Makes absolute sense. E-mailing our “favourite” congressmen/women/senators or whoever to ask them to do something is easy enough to do.

    I think this is one way, we, readers and commenters of Ellen’s blog can contribute to sorting out the mess that our govt agency (Ebdane’s) is incapable of doing. Let’s all do it.

  21. “We must weed out corruption and build a strong system of justice that the people can trust. We have provided unprecedented billions for anti-graft efforts. Thus the Ombudsman’s conviction rate hit 77% this year, from 6% in 2002. We implemented lifestyle checks, dormant for half a century. Taun-taon dose-dosenang opisyal ang nasususpinde, napapatalsik o kinakasuhan dahil labis-labis sa suweldo ang gastos at ari-arian nila.”Gloria Arroyo,2007 State of The Nation Address

  22. Valdemar Valdemar

    Think again of what alternative to take to end all these ills in government. I am a hardliner against the NPA but I guess mathematical probabilities show an imminent great leap forward of 80% peasants against the other 20% or less. The die is cast on studentry who sees no future anymore and could lead the march of those sacked workers. There would be drastic redefining moment on agriculural shortcomings, too. Lets all think again while the iron is feverishly heating.

  23. Valdemar Valdemar

    Its only lives to sacrifice. Some may be dual, I hope.

  24. Kundi ba naman mga bobo ang mga pinili para baguhin daw ang palakad pagkatapos ni Marcos e bakitr ba binigyan ng full power ang gagawing pangulo ng bansa? O loko, di naisahan tuloy sila ngayon noong may bangaw sa mukha na astareyna na ngayon. Nanonood yata ng series of movies about Elizabeth 1 starring Cate Blanchett. Abaw, ginagaya iyong dating reyna ng Inglatera, hindi naman obra. Si Elizabeth1, at least, anak ng hari. Iyong may bangay wala naman royal blood. Dugong aso meron! 😛

  25. Hindi dapat pinapaupo sa mataas na position iyong burot na Ebdane. Di lang makakibo ang marami sa police department ng Maynila pero ang daming bangas na bangas sa hayup na iyan.

    Sobrang kurakot ang ginawa niyan kasama ni FVR. Iyong 30,000 dollars na binayad sa kanila ng FBI para doon sa ebidensiyang nakuha tungkol sa Bojinka Project ng Muslim Fundamentalists dapat imbestigahan kung sino ang nakinabang. Puedeng sulatan si Barack via email o post. He should know about it and order an investigation. Tignan kung anong deal ang ginawa para magulo ang Pilipinas for free usage of the Philippines for US military operations kahit na bawal sa batas ng Pilipinas.

    Ngayon pang ang policy ni Barack is to respect the laws, customs and traditions of countries wanting to be friends and equal footing with the US. Pagkakataon na para masipa si Unano.

    Sibakin na, ngayon taon na! Huwag nang hintayin ang 2010 kasi makakapaghanda pa iyan ng isa pang dayaan na imbento ng asawa niya.

  26. Elvie:

    I say, “Amen!” sa dasal mo. Pakinggan sana tayo ng Panginoon!
    No kidding. Lord, sige na po!

  27. Tongue, Anna, et al.

    Senator Pimentel reads all posts in the pimentel egroup direct, and you can get a direct reply from him there. Isang taon na lang siya sa Senado as a matter of fact.

  28. MPRivera MPRivera

    “Sagot ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane kay Sen. Miriam Santiago: “Hindi ikaw ang magpapa-alis sa akin. Ang presidente ko.””

    **********************************************

    ayan! maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian. inaari ng mga hinayupak na kanila na ang pilipinas at korporasyon nila ang gobyerno.

    mga hayop sa damo! ang kakapal na ng balat ng mga alagad ng aso!

  29. MPRivera MPRivera

    “So guys, better start emailing your favorite Senators and Congressmen. Who says dakdak lang tayo ng dakdak and don’t achieve anything?” – tongue

    *************************************************

    oo nga naman. mabibilang sa kanila ang nagbibigay pansin sa ating mga karaingan. ewan lamang kapag ganitong maaaring lumutang kung sakali ang kanilang pangalan. baka nga mabilis pa sa alas singko na tumugon sila. bakit?

    malapit na ang 2010!

    hoo huuummmmm!!!

    (hikab)

  30. MPRivera MPRivera

    “…oo nga naman. ANG PROBLEMA LANG, mabibilang sa kanila ang nagbibigay pansin sa ating mga karaingan. ……”

  31. MPRivera MPRivera

    meron pa tayong bilib dito sa babaeng pinag-iwanan na ng dalaw ng panahon?

    tumatawag lamang naman siya ng pansin pero wala ring silbi ang kanyang mga pasaring sa babaeng maliit dahil silang dalawa ay sanggang dikit.

    itong si mirriam ay para ding si loren.

    sala sa init, sala sa lamig!

  32. syria syria

    tt, your advice is splendid. I never knew there was such an agency that regulates contractors.

    In our fight against the present regime, Dakdak failed to realize that dakdaking is our pen that in some situation is mightier than the sword. Monies too have to be included in the equation, which we do not have. In the past, dakdaking consequently resulted to People Power that toppled Pres. Marcos and Pres. Erap.

    The current regime has the pen, the sword and the monies. Their pen uses the newspapers and broadcast media. Their sword is the military. Their monies came from the people. They are powerful.

    In reality, the only peaceful tool we can use to build a force that can either replace or topple an undesirable regime is to build people power through dakdaking, people power to replace the regime through election and/or people power to topple the regime.

  33. Thank you, POGB. But we will still need to get the names of the officers and licensed STEs from the 3 companies.

  34. syria syria

    tt, your posting regarding PCAB has been emailed to 3 senators and to the VP.

  35. MPRivera MPRivera

    syria,

    may tiwala ka pa rin ba kay viper, este vice president (daw) de castro?

    walang kalatoy latoy ang taong ‘yan na ang malasakit sa taong bayan ay hanggang drowing lamang. mahilig magpabango nakakasuka naman ang amoy. bulok din!

    sa mga senadores naman, kaisaisang tao na nga lamang ang maaari nating asahan pero nasaan? ‘ayun, nasa kulungan!

    kahit sino sa kanilang wala nang ginawa kundi probe ng probe, nakakapagduda na ang mga sinasabi laban sa administrasyon. parang mga pakunwari lamang upang huwag masabing walang ginagawa para sa bayan pero ang katotohanan ay pagpapapogi lamang.

  36. Thanks, syria. You have done a patriotic deed today. Mabuhay ka. Let’s try to do one everyday.

    If I may quote Gawad Kalinga’s latest campaign:

    Ano ang taya mo?

  37. Ano ang taya mo? That is for everybody.

    Btw, syria in case you are planning to write Noliboy regarding De los Angeles and the Legacy scam, don’t. De Los Angeles was one of De Castro’s biggest campaign contributors.

  38. MPanelos MPanelos

    I’m a newbie here. I would like to add MPanelos to the 23 or more who submit comments to Ellen’s blog.

    I admire very much all your efforts to fight the evils in GMA’s administration. But I earnestly don’t think all these will make a dent on the conscience of the likes of Ermita, Ebdane, Reyes, Mendoza, Gonzales, and the rest of GMA’s gang. Much more on GMA and husband FG. With what is going on, what I see is the probability of the rise of vigilantism to fight the evils of GMA. I won’t shed a tear nor feel anywhere sad if suddenly cabinet members, congressmen, prosecutors, justices, lawyers who are evil personified are killed by concerned vigilantes. I may even cheer them on. That is how lowly my trust in government and the justice system has fallen. I would even appreciate the NPAs if the start targeting said evils. This may be short-minded but I don’t mind. I see we are ending up with nowhere to go. Will anarchy come next? My guess is that is what GMA wants next. It might just save her day.

  39. rose rose

    MPR: si brenda, siraulo at si Loren ay magkapit bahay…si brenda at si siraulo ay taga Iloilo, while Loren traces her
    roots sa Pandan, Antique..
    ..re brenda (Miriam) tunay ba ang galit niya? I saw a glimpse of the hearing while having lunch at Manila Cuisine here in JC..hindi kaya “inabut” lang thus the ratatat? sala sa lamig, at sala sa init?
    …kailan kaya darating ang mag “Indira Gandhi” sana soon and putot with her pigs and dogs will be gone!

  40. vic vic

    Good News on our side…Official Opposition Liberal Leader Ignatieff announced that his Party is giving the Conservative Budget of $35 Billions in additional Stimulus a Probationary Approval on Condition that the Government will make sure that the Money will get out of the Gate and spent and the Govt. will give a monthly Update of the Status Report to the Parliament..That I believe is a Mature attitude where at a single vote in the house a Government could be dissolved and an Election or a Change of Government can take effect…

    http://www.thestar.com/News/Canada/article/578956

  41. bitchevil bitchevil

    MPanelo’s comments that were posted above were exactly the ones I have in mind for a long time. Unless one high government official or politician very much identified with Malacanang is eliminated, these crooks will continue to abuse their power. In other countries like Latin America, that’s possible. But, would there be such vigilante groups in the Philippines?

  42. balweg balweg

    Kumag talaga ang mga tongresman na yan, akalain nýo na gagawin pang sinungalin ang WB…bokya na sila e hihirit pa at maglulubid na naman ng kasinungalingan?

    Hoy mga ganid na tongresman, kayo ang peste sa ating lipunan…nilalahat ko na kayo except some respected and God fearing congresman.

    Kaya nagkakandagago ang Pinas eh puro kayo kurap at magnanakaw, wala na kayong ginawang matino sa ating bansa…ang kapal ng iyong mga pagmumukha, akala nýo ang gagaling nýo puro kayo tanga at walang pag-iisip.

    Tutal binibilang na lang ang inyong mga araw at pasasaan ba e malapit nang tuldukan ang inyong kagaguhan sa pamumuno!

    Nakakaasar na talaga, kasi ba naman eh ang almusal, tanghalian at hapunan puro walang kwentang balita, puro kapalpakan ng mga lapdogs ni gloria.

    Wala nang inisip na mabuti para sa bayan, ang titigas ng ulo at pasaway.

  43. balweg balweg

    Dapat yang si Pidal e igapos yan sa isang puno na pinamumugaran ng hantik at ibok para matauhan at magtanda sa kawalanghiyaan sa buhay.

    Alam mo medyo badtrip ako today kasi nga folks e ang ganda ng build-up ko sa Pinas especially sa Manila, bakit ka nýo? Ganito yon, kakwentuhan ko yong isang banyagang doktor eh aba ang sagot ba naman sa akin eh madami day magnanakaw, mamamatay-tao, at ang dumi daw ng Manila in particular. But i tried to divert his attention doon sa mga magagandang place sa ating bansa, pero yong sinagot niya sa akin eh di ko makalimutan.

    Imagine, paano nating OFWs at Migrant Pinoy na maipagmamalaki ang Pinas kung puro peste ang namumuno sa ating bansa?

    Dapat lipulin lahat yan at wag nang pamarisan pa, akala ng mga ugok na taong-gobyerno at kurap na pulitisyan e ang gagaling na nila, puro sila kahihiyan sa ating bansa.

    Sila ang ugat ng lahat ng kasamaan at kawalanghiyaan sa atin bansa? Pasensiya folks, na badtrip lang ako dahil sa pangit ng expectation ang mga banyaga sa ating bansa?

    Kahit na anong sikap nating mga OFWs/Migrant Pinoys e ibinabaon naman ng mga pesteng pulitiko at taong-gobyerno ang ating bansa sa kahihiyan.

    Ang sakit madinig yong panglalait sa ating bansa in general dahil sa mga ganid na yan sa kapangyarihan?

  44. balweg balweg

    Welcome to the family MPanelos, Ellenville community is really an inspiration to ALL loving Filipinos especially to all those who wanted our Beloved country free against the evilbitch and her lapdogs.

    As you said, Vigilantism is a last sort of action to exterminate all these kurap and magnanakaw sa ating lipunan. Most of our Kababayan are expecting that somebody do this job, tulad sa Davao…kita nýo ang takot lang ng mga kriminal doon, 10ft. below the ground ang katapusan nila, so dapat sa buong bansa eh mangyari din ito para manutralize ang mga peste sa ating lipunan. Hay naku ang dami nila…dapat ang unahin nila yong mga hoodlums in uniform at isunod ang mga pulitikong kurap/magnanakaw/sinungaling.

  45. bitchevil bitchevil

    Who is this MPanelo anyway? Any relation to Atty. Salvador Panelo?

  46. bitchevil bitchevil

    Do you know why this evil government doesn’t fire corrupt and incompetent officials and instead rotate them? Because FG Mike Pidal is a Rotarian who likes to rotate people.

  47. xman xman

    balweg, sa Cebu at Bohol ay takot din ang mga kriminal doon.

    Halimbawa, may nang hold up ng bangko o nang hold up ng tao. Kapag nahuli yong mga nang hold up ay kinukolong nila. Pero pagkatapos ng mga ilang araw lang ay pinakakawalan nila. Yong pinakawalan nila ay sinusundan nila at tapos noon ay papatayin nila.

    Hindi nila pinapatay sa loob ng kulungan dahil mahahalata ang mga pulis na sila ang pumatay.

    Kaya safe na lugar ang Cebu at Bohol. Napakaliit ng krimen doon dahil pinapatay na nila ang mga kriminal at yong mga nagtatankang gumawa ng krimen ay takot dahil alam nilang papatayin sila.

  48. EQ, Thanks for posting the link to the MCC scorecard. But I do not agree at all with the scores. This is the first time MCC has given RP a failing grade under the categories “Ruling Justly” and “Investing in People”. Was it only in 2008 that injustices happened in this benighted land? Was it only in 2008 that gov’t policy favoring expatriation of workers was the preference over producing jobs at home? Did they accept the bullshit that Gloria was providing a million jobs yearly hook, line, and sinker?

    Look at the “Economic Freedom” scores. Do you believe that under the title Regulatory Quality, we got an almost perfect score compared to our peers? If this were true, then we should not be having these problems regarding WB blacklisting, Legacy scam, runaway prices, LPG shortage, closing banks, pre-need bankruptcy, etc. etc. etc. And all these are but those which happened in the last month or two. How about the last eight years?

    Now under the title Land Rights and Access – wasn’t it just last month that congress allowed the extension of CARP minus the acquisition of new lands – a move everyone predicted since most congressmen are landowners?

    And so on.

    Who believes MCC’s crap anyway. Two years ago MCC even commended the Ombudsman and rewarded her generously with a US$20M prize and Gloria put in her own P1B to help Ombudsman perform “better”. They were complicit with this regime’s total disregard for accountability and justice after all, 8 years of inaction from day 2 of Gloria’s power grab, they were already milking our coffers, and our citizens dry. From Nani Perez all the way to Celso De los Angeles and EC de luna, who has been charged in court?

    Fuck the Millenium Challenge Corporation. They don’t deserve to be moral watchdogs that they think they are. They are simply dogs, the mongrel studs that flirt with the bitch.

  49. parasabayan parasabayan

    “Vigilante” style? Di ba yan ang style ni bitch at ng kanyang mga alipores like Palparan to get rid of oppossing personalities? If if we do this practice now, the more the pandak will have a reason to declare “martial law”.

  50. parasabayan parasabayan

    The Equalizer, no data under the pandak is worth believing in. If the pandak wants to dress up the economy, she just directs her lapdogs to do it for her! Kitam, the growth is now 4.6% in 2008 after she adjusted the projected growth to a max of 4.3%. So in other words, magaling pa rin “daw” si pandak dahil she got more than the projected. Ang galing ano? What this bitch does is very different from what she says.

  51. MPanelos MPanelos

    Thank you for the welcome balweg and bithcevil, no relation with Atty. Salvador Panelo. If I remember right he is a Bicolano lawyer for some shady characters.

    It is this terrible frustration with corruption in our government. Huge amount of public funds and people’s taxes have been wasted and stolen through graft and corruption. GMA is the big mother of all these corruption. She has completely eclipsed Marcos, Erap and FVR combined. She has bedded with gambling lords, drug lords, smuggling lords together with her retinue of sycophants exemplified by Ermita and Ebdane with asslickers Dureza, Golez and Fajardo. She appoints criminals into government the likes of Singson, Palparan and Gonzales. How frustrated can you get with all these. Can you imagine the loss of lives resulting from their criminal and evil acts? Take the case of their fiasco in the MOA-AD. It sparked the escalation of conflict in Mindanao. Lives were lost, property destroyed, people displaced. Who should answer for all these? So I say again it would not bother me a bit if ever they are all terminated with extreme prejudice.

  52. MPanelos MPanelos

    Parasabayan – give them a dose of their own meds.

  53. bitchevil bitchevil

    Welcome again, MPanelos. Atty. Salvador Panelo used to be and still is a Marcos loyalist representing the Marcoses.

  54. MPRivera MPRivera

    bitche,

    atty salvador panelo?

    kung saan me pera doon siya.

    dispalinghado na rin ang tono ng taong ‘yan. parang si makalintal.

  55. jabskie jabskie

    It would be best if Sen. Lacson could produce witnesses to support his claim. Otherwise, FG could easily rub off the allegations of influencing peddling . Until Sen. Lacson presents any credible witness, Senator Santiago as chair of the investigating committee could only recommend the resignation of the involved officials and suspend the investigation.

  56. MPRivera MPRivera

    itong administrasyon ni gloria makapal arooyo ay front lamang ng pinakamatinding sindikato sa pilipinas na pinamumunuan ni jose pidal. kumikilos sila sa ilalim ng balabal ng legal na proteksiyong ibinibigay ng opisina ng presidente subalit dahil sa sila ay nakaupo sa bulok na trono ng katiwalian, ang bawat galaw nila ay may kakambal na aninong hindi maikukubli sa pangmasid ng balana.

    ang tangi lamang nila magagawa ay magtakipan sa bawat isa!

    kahit buking na buking na!

  57. balweg balweg

    We are very happy MPanelos to share your threads about the present sarsuela now happenings in our beloved country?

    Patunay ito about sa comment of our fellow blogger’s uroknon na yong kadadakdak ng mga taga-Ellenville community eh may kabuluhan pala, bakit ka mo…ganito yon, ang ibig sabihin nakakarating na sa apat na sulok ng mundo kung saan mayroong OFWs and Migrant Pinoys ang ating mga dakdakan!

    Imagine, mahirap mag puyat just to stay awake in front of our loptops, para humabi ng mga nota upang pumukaw sa kawalang habas na kawalang-hiyaan ng gloria arroyo y macapagal regime.

    Remember, Plaridel…he is one of our national heroes na naging matagumpay sa larangan ng pagtuligsa sa mga kalapastangan na pinaggagagawa ng mga kastilaloy noong kapanahunan nila. Ang puhunan eh PLUMA at DAKDAKAN sa panulat kasi di pa high tech noon at wala pang WWWW at laptop or desktop noon generation nila.

    Bakit ba nagising ang mga Pinoys, but still nasobra ata kasi nagbunga ito ng pagiging tuso, in other words…nagkaroon nang MAKAPILI, GI JOE at iba pa.

    Yan ngayon ang problema nating mga Pinoys, ng matuto at mamulat sa katangahan eh nasobra naman ata at marami ang naging ganid at uhaw sa kapangyarihan.

    Dapat, kung kailan pa naging edukado ang Pinoys eh lalong nangamote ang bansa natin at walang direksyon sa tamang pamumuno.

    Ginawa nang propesyon at negosyo ang maglingkod sa bayan at kapwa-tao. Maling-mali ang konseptong ito na natutuhan nating mga Pinoys sa makabagong teknolohiya na naadopt natin sa western civilization.

    Nawala na yong takot sa Dios na ipinamana sa atin ng mga kastila (di naman ito nangangahulugan na sang-ayon ako sa pananakop ng mga ito, but still mayroon silang kabutihan na iambag sa ating kultura).

  58. Welcome MPanelos!

  59. balweg balweg

    MPRivera,

    Tumpak ang iyong tinuran! Since 2001 ko pa tinuldukan ang kawalang-hiyaan ng rehimeng ito? Di kaila na ang hudas sa ating bansa eh yong mga nagmamagaling sa ating lipunan, but now some of them ay nag “I am Sorry” na except, tabako, gloria, gungoonzales, wetnes apostol, mercado, davide, et. al.

    Aba e si sabit singson eh nakonsensiya kaya dumalaw sa burol ng Ema ni citizen Erap, kinapitan din ang ugok ng takot sa ghost? Ang masamang damo pala e tako sa ghost?

  60. balweg balweg

    jabskie,

    Ok sana ang mga pasabog ni Sen. Lacson ang kaso eh may counter banat naman yong kabilang kampo against him, kita mo pag humirit siya e biglang mabubuhay na naman yong kuratong baleleng na old issue? So, di siya makadiskarte ng tuloy-tuloy dahil ang dami niyang sasagasaan sa Malacanang, Tongreso, LGUs, Militar/Police force, Hoodlum in uniforms at ano pa?

    Kaya walang katapusang usapin ito, unless kung tutuldukan na ng sambayang Pinoy ang gloria regime…ang problema malapit na ang eleksyon kaya kita mo ang mga hunyango at balimbim, nagkakanya-kanya na nang diskarte upang unguyin na naman ang taong-bayan.

    Ito ngayon ang siste, ginawa na tayong tanga at busabos ng mga ugok na yan e kita mo next year isang lolipop lamang e solve na ang kanilang kawalang-hiyaan.

    Ganito ka engot ang marami nating kababayang Pinoy, hay naku kung iisa-isahin natin ang dapat buntunan ng sisi at sama ng loob eh walang iba yong mga kababayan nating walang paki sa lipunan. Pero sila ang numero unong reklamador at maraming ek-ek sa buhay?

    Let’s see and wait sa 2010…at aasap ang iyong mga mata at mag-iinit ang iyong punong tenga sa katangahan ng marami nating kababayan sa pagpili ng mga dapat e siyang magandang halimbawa sa lipunan sa larangan ng paglilingkod bayan.

  61. nagmamasidako nagmamasidako

    Grabe talaga itong si FG. Dapat siguraduhin ni Lacson na mapa oo niya ang mga nakausap niya na witness na lumabas sa Senate hearing. Siya na lang kasi at mga witness niya ang hinihintay ni Sen. Miriam para makausad na ang hearing sa World Bank Fiasco.

    Every month yata may bagong scandal dito sa GMA gov’t.

    Desensitized na ang mga Pinoy. Tsk tsk tsk

  62. balweg balweg

    parasabayan,

    Ang sinungaling kahit na magsalit o magbagong anyo sa buhay e walang “K” na dapat paniwalaan…ganyan si gloria, the master and grandmother of ALL kurapsyon and stupido na pamumuno?

    Pasensiya ka na medyo maanghang ang aking mga nota kasi nga eh kahapon na badtrip ako, aba eh may nakajamming akong isang foreigner na duktor at ang ganda ng build-up sa Pinas e ang banat sa akin ang Manila daw e is not safe na pasyalan dahil madami daw thiefs, madumi, at polluted daw?

    Alam mo, nangliit ako sa kanyang tinuran sa kabila na talagang totoo ang kanyang pasakalye, but still i tried to divert his attention sa ibang magagandang place sa buong bansa pero iba ang kanya pananaw sa ating bansa.

    Kaya sa kabila nang paghihirap ng mga OFWs and Migrant Pinoys na e build-up ang Pinas sa mga foreigners eh winawalang-hiya naman ng mga peste sa ating lipunan.

    Kita mo, kung isa o libong turista ang pumasyal sa Pinas e may dolyares na dagdag uli sa kabang-yaman ng bansa. Ang kaso, puro pamumulitika ang pinaggagagawa ng mga ganid na namumuno sa ating bansa.

  63. balweg balweg

    Hay naku…walang tulak kabigin ang pinaggagagawa ng arroyo regime…Nagmamasidako! lahat na ata ng kabulastugan ng pekeng gobyerno ni gloria e ibinaon na ang Pinas sa burak ng kahihiyan.

    Ang tatapang kasi ng mga apog…wala nang inisip na maganda para sa bayan, kundi ipahiya ang mga Pinoys sa ibayong dagat.

    Kita mo naman, gusto pang palabasin ng mga tongresman na mga kurap eh ang WB ang palpak? Wala na talaga sa katinuan ng pag-iisip yang mga tongresman na yan, obvious na talaga ang kanilang pinaggagagawa sa kongreso.

    Dapat yan ang targetin ng mga abu sayaf at wag yong mga ordinaryong guro at negosyante sa Mindanao na gustong mabuhay ng parehas.

    For sure, ang tuwa lang ng sambayanang Pinoy kung yan ang aasikasuhin ng mga abu sayaf. Di ba ang pahirap sa bayan eh yang mga tongresman na yan so dapat sila ang trabahuhin ng mga rebeldeng ito at wag yong mga ordinaryong mamamayan, di ba.

  64. MPanelos MPanelos

    Thank you Ellen. Glad to join your blog. Want to know how I came about this community? A friend suggested I check Ellentordesillas.com. What I see and read are very interesting exchanges. Though some really border on crass words borne out of frustration and disbelief. I’d invite at least two more to check out Ellen’s blog, so we multiply and grow. More power to you and to all in this community.

  65. Thanks MP. Are you based in the Philippines or overseas?

  66. MPanelos MPanelos

    Right now I’m in-country. But that’s the beauty of the internet, one can access Ellen’s Blog anywhere in the world. It would be good strategy if each and everyone here in this community invites other like-minded to join. Like a virulent virus we spread and infect Philippine society.

  67. MPanelos MPanelos

    By the way – I’m a full blooded Filipino.

  68. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    kingpin pidal kasama ng kaniyang mga criminal gang ang pasakit ng bansa…dati smuggling at jueteng lang pinatulan ng magkapatid na pidal at iggy kasama ang dalawang busog na busog na mikey at dato arroyo…ngayon lahat ng business pinasukan na nila legal at illegal.
    si iggy animoy padrino na basbas lang niya ay ok na mga govt contracts,networth from a nobody to a Php400m peso man…ang magkapatid na mikey at dato arroyo from networth of less than php4M ngayon bawat isa may php200-300m business interest using dummy companies at actively in-charge sa smuggling circle.
    ang mga ex-yes generals mostly multi-millionaires agad after short stint sa mga di mabitiw-bitiwang govy positions.
    ermita now is a certified multi-millionaire from manila to balayan,batangas nagkalat ang business interest.
    a lot of congressmens and local politicos have amassed so much wealth in eight years time…
    ang daming pera ng pinas na sana dapat sa public service ginagastos pero sa bulsa lamang nila napupunta.
    nakakalungkot, nakakaasar ang pagiging gahaman at ganid ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration…lantaran at garapalan, walang nagyayari sa mga ebidensiya at pormal na reklamo kasi may injustice dept at office of the ombobodsman isama mo pa ang solicit-or general

    saan na ba papunta ang bansa natin? bilyung-piso ang ginastos nila sa peoples initiative at charter change public consultation kuno? isama mo pa ang daang milyon pansuhol via countrywide development fund at president social fund…di ba dapat managot sila sa walang habas na paglustay ng kaban ng bayan?

    at ngayon election 2010 target nila to rig the result in the most legal ways kaya nga nasa critical govt position na mga trusted alipores ni gloria.

    hanggat kailan magtitiis ang ating bansa? ngayon mas malala ang kahirapan dahil sa mga maling polisiya at programa ni gloria at ng sobrang pamumulitika ng rehimeng ito courtesy of ever-reliable norberto gonzales at ronaldo puno…
    at sasabayan pa ng matinding global crisis na magreresulta ng mas matinding kahirapan at unemployment.

    ang dapat sanang pondo sa agri modernization ay magsisilbing pagtatag ng food security ay nauwi sa corruption…
    ang dapat sanang pondo sa poverty alleviation, strengthening of local economy na sasalo sa epekto ng krisis nauwi sa corruption at sa budget ni norberto gonzales na eradicate the insurgency, enemy of the state at mga destabilizers kuno…
    ang pondo sana sa infra projects nauwi sa bulsa ng mga dpwh execs, local politicos at congressmen na lalong nagpabagal sa rural development…
    marami pa pero ni isang criminal ay walang naparusahan.

    krisis sa o undersupply sa lpg pero mayabang pa si angie reyes na delay lang daw deliveries, dami nilang palpak pero wala tayong ginagawa????

    2010 is coming, and pidal gang of monster criminal is in the position to control and to stay in power beyond 2010.
    sana lang magkaisa tayo sa solusyon, mapilay ang rehimeng ito sa kung anuman paraan para maipakita natin na tama na at sobra na…

    kumilos na sana tayo bago mahuli ang lahat at pagtawanan tayo ng malacanang mafia at arroyo corrupt-poration na kaya nila tayong paikutin hanggat gusto nila.

    manindigan sa katotohanan at iwaksi ang korupsiyon.

  69. iwatcher 2010 iwatcher 2010

    ms ellen, i hope you investigate the info i provided you and the padrino influence of iggy in almost giving lucrative govt contracts to his kababata, kaibigan at kanegosyo.

    thanks and more power to you and to ellenville patriots.

    and we must unite and prepare election 2010, coz malacanang mafia and arroyo corrupt-poration has no recourse but to push trough with the elections coz the afp hierarchy will not cooperate and will never participate in crisis-scenario as their last attempt to stay in power beyond 2010.
    after series of bribery attempts, promotions promises, negotiations and promise of top govt positions-most military rank officials recommend to gloria to just push through with the national and local elections to avoid further political unrest.

    me takot rin pala si gloria??? di umubra top negotiator niya na they are only doing such move to amend the constitution to strengthen the republic and to improve the economy after the 2008 various corruption and scandal incidents involving gloria and her family, inner circle.

    marami pa rin mararangal na sundalo, tikom lang ang bibig para maiwasan ang mas di kanais-nais na sitwasyon sa ating kasaysayan. Marami sa kanila na nanindigan na tapusin na lamang ang termino ni gloria at isulong ang isang malinis na election.
    at sa pagkakataong ito, walang esperon, garci part 2.
    nagkaroon lamang ng esperon at garci etal dahil napaniwala nila na pag si fpj ay nanalo mas mawawasak ang institusyon ng bansa, pero sa ngayon ay nakita nila kung paano si gloria sampu ng kaniyang alipores ang sumira sa mga institusyon ng bansa, nagpalala sa kahirapan.

    nasa atin ngayon ang pagkakataong tapusin na ang rehimen ni gloria sampu ng kaniyang mga alipores at papanagutin sila sa lahat ng kasalanan nila sa bayan.

    maging aktibo tayo na magbigay ng totoong impormasyon sa mga kurakot na politicos, masigasig na imulat ang kamalayan ng pilipino na makilahok sa election, at pukawin ang natutulog na damdamin ng karamihang juan dela cruz na ang kasalukuyan niyang kalagayan ay dahil na rin sa di niya pagkibo,pakikilahok at pakikialam sa mga isyu at usapin ng lipunan.kumilos tayo ngayon para sa kinabukasan ng susunod na salinglahi at ipakita sa malacanang mafia at arroyo corrupt-poration na may wakas din ang lahat ng kasamaan.
    at may karampatang pananagutan ang lahat ng kasalanan nila sa bayan.

    matuto na sana tayo…sana nga

  70. Good to hear that, MPanelos. I’ve been all over blogosphere too but this is the only political blog where you get to interact with the most diverse collection of Pinoys that cuts across all classes in terms of education, social status, ethnicity, and religion. Ellentordesillas.com is a true melting pot of Pinoys wherever they may be in the digital and physical globe joined together with the common patriotic vision to see this country become great again.

    Welcome.

  71. MPanelos MPanelos

    Thanks TonGuE-tWisTed. Went through a lot of your threads. I’m amazed by the plethora of data you spawn out. This puts you in a high place. Thanks you for the insights and info.

  72. balweg balweg

    Kita mo nga naman uroknon very effective pala ang daldalan dito sa Ellenville community, unti-unting pumupukaw sa mga kababayang tulad ni MPanelos sa kabila ng pananahimik e naantig ang damdamin sa mga nangyayari sa ating bansa?

    Naglalarawan lamang na epektibo ang palitan ng kuru-kuro at lalo na ang pinag-uusapan e para sa ikabubuti ng Inang Bayan. Unlike ng iba nating kababayan na addict sa showbiz mania kaya puro intriga sa buhay ang alam.

    Yong wala namang paki sa lipunan e yan ang numero unong reklamador at maraming ek-ek sa buhay. Kaya wag tayong magsawang makipagdakdakan sa katotohanan at pasasaan ba eh mamumulat din ang mga iyan na niloloko na sila ni gloria and her lopdogs.

  73. We all learn from each other.

    I learn a lot from all of you.

  74. balweg balweg

    folks,

    lopdogs means, lolipop and hotdogs. Yong lolipop eh mga sipsip yan kay gloria at yon namang hotdogs e dugong mga aso! Kita nýo nakuha din sa logic…minsan kasi ang double talks eh ang hirap intindihin ng mga bopol sa music at magaling lang sila sa drawing…ika nga ng iba e drawing mo sa water.

    Dito magaling ang mga alipores ni gloria, idinadaan sa kapal ng pagmumukha!

  75. bitchevil bitchevil

    A senior Catholic bishop called Friday night for a fair investigation into the controversy surrounding the World Bank (WB)’s blacklisting of Philippine contractors.

    Caloocan bishop Deogracias Iñiguez Jr. said nobody, particularly First Gentleman Jose Miguel Arroyo, should be spared from the investigation into yet another scandal. “All those implicated in the controversy must be investigated, including Mr. Arroyo,” Iñiguez.

    Where are the other Bishops???

  76. bitchevil bitchevil

    Kabayan Noli de Castro’s dark side is being unmasked now. He was involved in the Legacy anomaly and the escape of one Korean from jail. Of course he denied anything to do with both. Don’t be surprised if he says the smear campaign is being done by those who are threatened by his popularity rating as 2010 election approaches.

  77. TonGuE-tWisTeD Says: “this is the only political blog where you get to interact with the most diverse collection of Pinoys… with the common patriotic vision to see this country become great again.” I echo the assessment despite the reality of Pareto’s rule (80/20) that some posts stray beyond civil norms and use ad hominems.

  78. MPRivera MPRivera

    “I echo the assessment despite the reality of Pareto’s rule (80/20) that some posts stray beyond civil norms and use ad hominems.”

    ang taong nag-aasal tao ay tinatratong tao subalit ang taong nag-aasal ng masahol hayup ay hindi dapat tapunan ng kahit katiting na paggalang at ihalintulad sa pinakamaruming uri ng hayop na nabubuhay lamang sa pinakamadilim na sulok ng kasalalulaan.

    matagal nang tayo’y binabastos, binubusabos, niloloko at pinagnanakawan at halos ipagbili na pati ang ating kaluluwa’t kinabukasan ng kasalukuyang administrasyong mula sa unang sandali ng pagkakaluklok sa inagaw na kapangyarihan ay pawang kasinungalingan ang binitawan hanggang sa kasalukuyan.

    hindi ito pagpapababa sa sariling katauhan kundi pagtapat lamang sa kanilang kahayupan.

    kung hindi kayang sikmurain, huwag basahin!

  79. MPRivera MPRivera

    bitche,

    nagpapapansin lamang ‘yang si bishop yniguez. parang puwet ng manok ang bunganga niyang mga obispong kabilang sa circulo obispo de sobre ni gloria.

    kapag naniwala ka sa obispong ‘yan o nakinig sa panawagan niya eh para mo na ring ipinagbili ang kaluluwa mo sa reyna ng impiyerno.

    ikaw din, barbekyu ang labas mo!

  80. atty36252 atty36252

    Pag-usapan natin yang 80/20 phenomenon. Twenty percent of the people own or consume 80% of the resources. That is why you need an agent to redistribute the resources.

    In the Scandinavian countries and Germany, that is done by government. Of course, maraming galit sa socialista, lalo na ang mga Kano, and Pinoys bred by the Kano.

    In Japan, the workers are taken care of by the big corporations; pension, pabahay, etc. Ibang agent, same effect.

    In the US, the people are screwed by the big corporations . In the Philippines, the people are screwed by the politicos. Different agent, same effect – you got raped.

  81. Gabriela Gabriela

    You are in your element, Atty.

    Hindi ka galit, ano?

  82. atty36252 atty36252

    MPanelos Says:

    January 29th, 2009 at 9:06 pm

    I’m a newbie here. I would like to add MPanelos to the 23 or more who submit comments to Ellen’s blog.

    Meticulously observant for someone new.

  83. Elvira Elvira

    Am really contented of reading different views and comments now. Have learned a lot. Every now and then I get shock waves! Got to read more- Hilo na ako sa dami ng issues involving the “Aray-Ko-Po government” ni Tarantada!

    “Lord, kelan Mo ba sila kukunin?

  84. bitchevil bitchevil

    Lord answered: “Pretty soon…”

  85. Ha! ha! ha!. Pilyo ka talaga, BE.

    It’s good that despite all the scams and skulduggery going on, we have not lost our sense of humor.

  86. MPRivera MPRivera

    bitche,

    wala pa naman, ah?

    sino bang lord ‘yan? si jueteng lord? drug lord? landlord?

    hindi naman siguro si flash eLORDe dahil matagal nang patay ‘yun!

  87. balweg balweg

    Yaks MPRivera, eh si E-lord pala yon, tumbok ba BE? The more na kapalpakan ang pinaggagagawa ng mga iyan e lalong magiging mainit ang ating dakdakan…ayos ba uroknon!

  88. tru blue tru blue

    Pareto’s Rule applies to this blog. 20 percent commenters have sense of humor and 80 percent are serious posters or vice-versa.

    Most of us agree Ellenville is one of the best blogs out there considering the many off-topics we have in any given subject she post. The name of the game is commenting responsibly plus humor every now and then – even when one claims to be sharper than the other. It’s a fantasy.

    I’ve visited blogs where moderator deletes your comments when you debate other commenters, it’s sissy stuff, you’ll suffer heart problems – there’s no excitement in it.

Comments are closed.