Update: Nagpaliwanag si Police Senior Supt. Nicanor Bartolome, PNP spokesman sa reklamo ng isang sumulat na gumamit ng pangalan na Juana de la Cruz tungkol sa P7,000 na cash gift. Umaasa sana kasi si De la Cruz na mabigyan din ang mga active officers ng P3,000 na binigay sa mga retired officers.
Sabi ni Col. Bartolome, ang savings lang daw ng PNP ay kasya lang para sa mga retired na kawawa naman dahil mas matanda na sila. Kahit wala na sila sa serbisyo, pinapahalagaan naman ng PNP ang kanilang serbisyo.
Sabi ni Bartolome, 120,000 ang lahat na mga pulis at walang sapat na pera ang PNP para sa dagdag na cash gift.
Natanggap ko itong sulat mula sa isang nangangalang “Juana de la Cruz” at nagsasabing asawa raw siya ng isang pulis. Hindi ito ang kanyang totoong pangalan. Ang mahalaga ay ang isyu na kanyang tinatalakay.
Ito ang kanyang reklamo:
“Asawa po ako ng isang pulis na taga probinsiya, sumulat po ako sa inyo para iparating ang aming hinaing tungkol sa natanggap ng mga asawa naming pulis na cash gift na P 7,000 lamang.
“Malaking kawalan ang binawas na P3,000 sa pangakong bonus ni pgma sa mga aktibo pang pulis. Dati na po itong ginawa noong taong 2007, nakalusot dahil siguro walang nagreklamo at inulit na naman ngayon.
“Kapakapaniwala ba na walang savings ang PNP? Samantalang meron ngang nahuling milyun-milyong halaga ng piso doon sa tinatawag na mga Euro Generals. Na- monitor na po namin na PNP lang ang walang ibinigay na P3,000 na counterpart doon sa ibinigay na P7,000 ng Malakanyang. At ang balita pa po naming ang P 3,000 daw ay ibibigay sa mga retiradong pulis na meron ring hinaing sa mababang pension nila.
“Hindi po talaga dapat na yung para sa aktibo mapasa retirado. Siguro po palusot lang ito ng PNP para masabing mayroon silang savings pero hindi naman ibinigay sa nararapat pagbigyan. Ganito po ba ang dapat gawin sa mga aktibong asawa namin na kahit holiday o anumang okasyon palaging naka duty dahil parating red alert pag ganitong mga okasyon. Ang mga aktibong pulis ay sumusuong sa peligro samantalang ang mga retirado ay naghihintay na lang ng pension. Kung may hinaing man ang mga retirado sa kukonting natatangggap nila mas lalo na po ang mga aktibong pulis. Dapat po siguro, kung meron mang mga benepisyo para sa mga retirado ito ay dapat isama na sa taunang budget na pinag uusapan sa kongreso bago pumasok ang taon.
“Imposible po yatang walang savings palagi ang PNP dahil kung tutuusin mas magastos nga ang AFP kung sa operation ang pag uusapan.
“Sana po ilathala niyo sa inyong kolum ang hinaing naming mga misis pati ang mga asawa naming mga pulis. Hindi ko na po isasabi ang tunay kong pangalan dahil po baka mabweltahan pa ang asawa ko sa pagrereklamo kong ito.”
Ipadala ko rin ito sa PNP. Ipagdasal natin na sagutin nila itong hinaing na siguradon akong hindi lamang problema ni Juana de la Cruz kungdi kasama na rin ang ibang pamilya ng mga pulis.
Manigong bagong taon!
That’s why no one must believe in what Malacanang says and what the Evil Bitch promises. While the Generals and Colonels are stealing people’s money, traveling abroad and enjoying their lives; the rank and file policemen and soldiers are not given their benefits as promised. And when they are tempted to cheat and become corrupt, they are the first to be disciplined and very few top brass ever gets charged and convicted. This should send a message to all policemen and soldiers to unite in arms and spirit to change this government.
Exactly BE,
What do we expect from this mouth-serving arroyo regime? NOTHING.
They are only very good in photo ops and broken promises, but in reality…pinagkakaperahan nila ang taong bayan?
Kung makakalusot nga naman…why not? Pag walang pumiyok…jackpot sila, look…kinangkong na ang 3,000 pesos multiply by ______ equals aba milyones din naman.
Mga switiks talaga?
Sa ating kaalaman!
The National Police Commission, or NAPOLCOM, is the agency mandated by the 1987 Constitution and Republic Act No. 6975 amended by Republic Act No. 8551 to administer and control the Philippine National Police. Under R.A. No. 8551, otherwise known as the “PNP Reform and Reorganization Act of 1998”, the Commission regained the powers to investigate police anomalies and irregularities, administer police entrance examinations, as well as the power to summarily dismiss erring police officers.
Powers and Functions
The Napolcom exercises the following powers and functions:
A. Exercise administrative control and operational supervision over the Philippine National Police (PNP) which shall mean the power to:
Develop policies and promulgate a police manual prescribing rules and regulations for efficient organization, administration, and operation, including criteria for manpower allocation distribution and deployment, recruitment, selection, promotion, and retirement of personnel and the conduct of qualifying entrance and promotional examinations for uniformed members;
Examine and audit, and thereafter establish standards for such purposes on a continuing basis, the performance, activities, and facilities of all police agencies throughout the country; Establish a system of uniform crime reporting; Conduct an annual self-report surveys and compile statistical data for accurate assessment of the crime situation and the proper evaluation of the efficiency and effectiveness of all police units in the country.
Approve or modify plans and programs on education and training, logistical requirements, communications, records, information systems, crime laboratory, crime prevention and crime reporting; Affirm, reverse or modify, through the National Appellate Board, personnel administrative actions involving the demotion or dismissal from the service imposed upon members of the Philippine National Police by the Chief of the Philippine National Police;
Exercise appellate jurisdiction through the Regional Appellate Boards, over administrative cases against policemen and over decisions on claims for police benefits;
Prescribe minimum standards for arms, equipment, and uniforms and, after consultation with the Philippine Heraldry Commission, for insignia of ranks, awards, medals of honor; Issue subpoena and subpoena duces tecum in matters pertaining to the discharge of its own powers and duties, and designate who among its personnel can issue processes and administer oaths in connection therewith;
Inspect and assess the compliance of the PNP on the established criteria for manpower allocation, distribution and deployment and their impact on the community and the crime situation, and thereafter formulate appropriate guidelines for maximization of resources and effective utilization of the PNP personnel; Monitor the performance of the local chief executives as deputies of the Commission; and Monitor and investigate police anomalies and irregularities.
B) Advise the President on all matters involving police functions and administration;
C) Render to the President and to Congress an annual report of its activities and accomplishments during the thirty (30) days after the end of the calendar year, which shall include an appraisal of the conditions obtaining in the organization and administration of police agencies in the municipalities, cities and provinces throughout the country, and recommendations for appropriate remedial legislations;
D) Recommend to the President, through the Secretary, within sixty (60) days before the commencement of each calendar year, a crime prevention program; and
E) Perform such other functions necessary to carry out the provisions of R.A. 6975, as amended, other existing laws and Presidential issuances, and as the President may direct.
Maliwag pa sa sikat ng araw ang tuntunin na dapat nilang sundin…e bakit wala atang ngipin ang lahat ng ito? Saan ngayon ang problema…ang mga alituntunin na naisa batas o ang nagpapatupad nito?
Paki sagot nga pulis-patola?
Sa libo-libong kapulisan na naisahan na naman ng kanilang mga bossing na korap, panahon na para kayo ay magkaisa at ituon kay Gloria at kanyang mga henerales ang inyong mga batuta at baril. Kung mga asawa lang ninyo ang hahayaan ninyong magreklamo ay milagro kung meron mangyayari unless magmartsa silang lahat at bumarikada sa gate ng Malacanang.
Kung puro himutok at reklamo ay swerte na kung pansinin kayo, lagyan ng AKSYON!
Sa inyo mga Pulis , Mabuti nga sa inyo,magtiis kayo dahil ginusto niyong protektahan ang mga magnanakaw niyong pinuno , Ang hirap sa inyo mabigyan lang kayo ng kaunti ay mananahimik na kayo,wala na ang mga prinsipyo niyo ,nabili na kaya sa iyo Ginang PNP sabihin mo sa asawa mo kumilos na.
Kung hindi sila kikilos at mananahimik lang , puede ba huwag na kayong mag reklamo.
Inuulit ko, Mabuti nga sa inyo !
Unang-una hindi talaga ako naniniwala na walang pera ang ating bansa.
Kaliwat kanan ang nakawan sa pamahalaan at bilyon bilyon po ang pinag uusapan natin dito. At kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na sangkot nga ang ilang matataas na opisyal ng ating bansa ay wag ka at ayun sila malayang nakakagala.
Ang tanging naghihirap ay mga pobreng pinoy na halos humihingal na sa kaiisip kung paano buhayin ang pamilya. Samantalang ang mga nasa poder ay araw-araw na humahalkhak sa grasyang kusang pumapasok sa kanilang bulsa. Kailan kaya sila tamaan ng karma? Well, meron akong alam na dahan dahan ng sinisingil sa karma. Sana rin and dati kong amo na kongresista ay tamaan din ng karma sa mga pinag gagawa nya sa akin.
Kaya sa hanay ng ating kapulisan ay padami ng padami ang tinaguriang “kotong cops.” Tila hindi na sila natatakot dahil lantaran ang kanilang pangongotong sa kalsada. Ginagaya na nila ang iilang matataas na opisyal na tiwali. Siguro ang iniisip nila kung si sir na milyon ang ninakaw ay endi nahuhuli, ako pa kaya na piso lang.
Alam ko na madami pa rin ang mga matitinong pulis at kahit naghihirap at nagtitiis ay hindi sila nagpapadala sa tukso. sila ang mga pulis na may dangal at tunay na gwardiya ng bayan.
Kaya kayong mga pulis na kawatan ay magbago na kayo at baka karmahin kayo. Cge kayo sir baka may mangyaring masama sa buo ninyong pamilya! Ang karma ay para ding magnanakaw. kusa itong dumarating sa buhay ng tao na hindi nagsasabi.
Golly talaga itong kultura ng kurakot na pinaiiral ni Gloria Mandarambong! Anong gift certificate at kung anu-ano pang glamorous na tawag ang ginagawa niya sa mga kurakot niya? Gusto lang nilang huwag mabisto ang pagnanakaw nila. Look, kung sa bawat 10,000 pisong gift certificate nila kuno meron silang 3,000 piso bawat pulis na beneficiary daw ng mga kalokohan ni Gloria (pihadong kasangkot iyong asawa), laking hakot na pera na inihuhulog nila sa mga bangko sa iba’t ibang lugar with dummies.
Anong ginagawa ng mga pilipino? Bakit walang kumikilos para sipain na ang magnanakaw na iyan at iyong mga kasama nila sa nakawan? Puede ba umalma na ang lahat? Iyong mga nagsasabing ano daw ang ginagawa natin? Bakit sila, ano ba ang ginagawa nila?
At least, kami dito sa Japan ng mga kasama ko, nagmamartsa pa. Kahit papaano, pinararating namin sa mga kinauukulan dito ang hinaing ng mga pilipino at pigilin ang pagbibigay ng pera sa Pilipinas para di manakaw ni Gloria Dorobo!
Sige na, patalsikin na, ngayon na!
Visualinked: Unang-una hindi talaga ako naniniwala na walang pera ang ating bansa.
*****
May pera ang Pilipinas, tama ka. Pero ang masama nililimas ng mag-asawang Pidal at ng mga kasama nila. At ang lalong masama, pasimple pa sila. Kunyari binabahagian ang mga “loyal” daw sa kanila, pero tignan mo may kupit pa! Yuck! 😛
On the other hand, bakit di na lang sabihing bonus tutal year-end naman na dapat lang at legal? Bakit sinasabi pang gift certificate na parang utang na loob pa ng lahat kay Gloria Dorobo na hinahatian nilang mag-asawa kunyari ang mga nasa gobyerno ng mga nakaw nila? Puede ba tama na ang pangloloko nila? Ginagawa pa nilang bobo ang lahat ng mga pilipino na nagiging sakim tuloy at ganid.
Sa totoo lang, ang sarap magmura ng PIN, kaya lang may pangako akong hindi ko na gagamitin ang murang iyan. Kaya lang hindi mo talagang mapigilan di magmura kapag nakakarinig ka ng mga ganitong balita o istorya. Nakakarimarim sa totoo lang.
Ang alam ko itong pagmumudmod ng limos sa mga government employees ay kulturang ipinairal ni Dadong Macapagal. Kunyari pa raw na regalo pero wat ka nakaw!
Grizzy, totoo po ninakaw lang nila lahat.Gumagawa sila ng kung anu-anong paraan para lang makapagnakaw. Tayo talaga ang kawawa. Imaginin mo na lang, libo at hindi lang isang libo ang binabayaran kong buwis tapos nanakawin lang ng mga walang kabusugang mga kurakot sa pamahalaan?
Kahit anung sangay ng pamahalaan ay may nagkukubling kawatan. Ang masakit dito, butil butil na pawis ang pinuhunan natin para lang kumita tapos sa buwaya lang napupunta. kailan kaya tuluyang mawala ang mga buwaya sa gobyerno? Dapat lahat ng magnanakaw sa pamahalaan ay ipako sa krus at bawat isang pilipino na apektado ay babato sa isat isa sa kanila.Isama na natin buong pamilya nila!
Go!
Advise ko lang kay Mrs. Pilis.
Please ask why her husband is still with the PNP.
Why he’s still with PNP? You may as well as the same question to thousands of those who are still with PNP.
ginang pulis,
ano ba nirereklamo mo?
buti nga merong pitong libong pisong bonus ang asawa ninyo, este asawa mo kahit nagkakamot lang ng tiyan sa kanto at nag-‘iintay ng kotong na kinukulekta ng mga takatak boys, eh.
‘yan kasi hirap sa iyo, dahil kulang ang pang tong-its mo nagagawa mong magreklamo at hindi mo iniisip na “pinagpala” pa rin kayo kumpara sa mga walang makain na nakikipag-agawan lamang sa mga pusa at aso sa pagkain tiratirahag tinapon sa basurahan upang merong maipantawid gutom.
balweg,
binago na. hindi NAPOLCOM. NAFOOLCOM na!
“………..kinangkong na ang 3,000 pesos multiply by ______ equals aba milyones din naman.”
padir balweg, lakay,
3,000.00 taymis sabihin na nating 100,000 na mga foolish, este pulis ikwals…….magkano na nga?
hirap kasi nitong tinuro sa akin ni inay na pagbilang ay hanggang wan-tu-ten lang, eh!
saka nga pala, ginang pulis tulya,
alam mo ba kung saan galing ang pondong ginamit para mabigyan ng perpormans bonus ang asawa ninyo, este asawa mo kahit walang ginagawa kundi mangotong?
galing ‘yan sa buwis na binabayad namin. galing din sa inutang ng gobyernong pinagsisilbihan ng asawa mo at minamagaling ninyo na kaming mga pobre ang dapat at unang makinabang subalit kinukurakot ng inyong sinungaling, mandaraya, gahaman, limatik at timawa sa kapangyarihang umaastang presidente kahit hindi ibinoto ng taong bayan kundi dahil sa “ang dagdag na wan em, ang dagdag na wan em”.
‘buti nga hindi ka nabubulunan sa kinakain mong galing sa pangongotong ng iyong asawa na buhat naman sa pinagpawisan ng dugo ng kawawa niyang nabibiktima.
natutunawan ka pa ba?
ang mga anak ninyo, nakakaharap ba sa salamin at nasasabing “mabait na pulis ang tatay namin”?
“….Ipadala ko rin ito sa PNP. Ipagdasal natin na sagutin nila itong hinaing na siguradon akong hindi lamang problema ni Juana de la Cruz kungdi kasama na rin ang ibang pamilya ng mga pulis…..”
he he he heeeeh!
ginang pulis patola, ayan, maliwanag, ha? kasama dito ang reklamo ng ibang pamilya ng inyong asawa. damay damay kayo sa pangongotong ng mga pinuno sa bonus ng nangongotong ninyong mga asawa.
teka nga muna, pang-ilan ka ba sa kanila?
Pati ba naman ang nag re reklamong asawa ng pulis ay kung ano ano na ang sinasabi ninyo sa kanya. Di naman ninyo alam kung ang tunay na pag katao ng asawa niya. Di lahat ng pulis ay masama at di rin sila makakakilos basta basta. Hinay hinay lang ang bira at hindi masama mag reklamo na katulad natin dito. Tignan ninyo muna ang sarili ninyo bago mamintas sa ibang tao. Inu ulit ko di lahat ng pulis ay masama at di lahat ng militar ay masama. Iyung ibang nag tra trabaho sa gobyerno na hindi pulis ay naka tanggap rin ng bonus at ganoon rin dahil nabawasan pa ng mayor nila ang dapat para sa kanila. Katulad ng kapit bahay ko na uma angal na bawas ang nakuha niya at paliwanag ay naka Mayor daw ang iba.
Akala ng iba dito ay masyadong magaling kung mamintas eh.
Sangayon ako sa iyo vonjovi2. Dalawa sa aking mga Tito ay naging Heneral pero napaka simple lang ang pamumuhay. Isa sa kanila ay inabot pa ng pang-apat na pagsampa ng retirement bago pinayagan ni Pres. Marcos. Yung isang anak nila, bale pinsan ko ay naging magiting at marangal na Heneral in at simple rin ang pamumuhay. Kung nababanggit nga si Hen. Lim ay naaalala ko sila.
Mayroon rin akong bayaw na Colonel na tagahawak ng pananalapi. Napaka simple rin ang buhay. Ang kanyang kabiyak ay pumupunta pa sa abroad para magtrabaho bilang caregiver para lang matulungan ang kanyang asawa para mapagaral ang kanilang tatlong anak.
vonjovi,
bilangin mo sa mga daliri mo ang matinong pulis, baka ‘yung dalawang kamay mo eh hindi pa mangalahati.
nasaan ang matitino?
nasa kulungan!
bakit gan’un ang komento ko?
dinanas ko na ‘yung hirap na hirap sa pagkuha ng police report bago ako nakabalik dito sa pinagtatrabahuan ko, naglalakad mula sa napakalayong main road hanggang sa presinto dahil sobra lang pambili ng tubig ang perang baon bilang pamasahe at darating doon na napipiga na sa pawis ang karsonsilyo, hihingan pa ng sobra sobrang bayad sa dapat ay libreng report.
ako na nga ang nagtayp, pirma lang sa kanila. nasaan ang pablik serbis sa ganito?
kung hindi mo pa naranasan ang katulad dinanas ko, ibahin mo ang punto ng puna mo dahil hindi ikaw ang pinupunto sa komento ko.
vonjovi, sa inyong lahat,
hindi ko sinasabing malinis ang aking pagkatao o naging huwaran noong nasa serbisyo ako, pero taas noo kong sasabihin sa iyo at sa mga narito at kahit kanino, kung ano ako noong pumasok sa serbisyo, ganoon pa rin ako bumalik sa pinanggalingan ko – tanging suot lang na damit sa katawan ang masasabing yaman.
ang aking separation benefits? hindi ko na kinuha, bagkus ay INIABULOY sa gobyernong hindi nagkapagbigay ng pagkakataon upang maiangat ang aking pamumuhay!
kung napagtapos ko man sa pag-aaral ang aking mga anak, ‘yun ay pinagpawisan ko ng dugo dito sa gitna ng disyerto.
oopps! maling tanong sa tamang sagot o maling sagot sa tamang tanong?
MPRivera, kung may sama ka ng loob sa gobyerno, huwag mo ibunton sa ginang na humihingi lang ng tulong o payo mula kay Ellen.
Anak ako ng matinong pulis dito sa Baguio na namayapa na, at alam ko na napakarami pang matitino sa kanila. At ang aking ina,kung maari lang huwag na huwag mo itatanong ito “teka nga muna, pang-ilan ka ba sa kanila?” dahil pag ginawa mo yun, ipapanalangin ko na sana masunog ka na at pati kaluluwa mo diyan sa disyerto..
Hindi lahat ng pulis ay kotongero at masama. Ang tawag sa mga pulis na evil din ay miembro ng Pulis Ni Pidal (PNP pa rin). Karamihan sa matitino ay wala na sa serbisyo, hindi nakatiis. Samantalang ang ibang matitino, na maaaring kasama ang asawa ni Misis Pulis, otherwise e bakit nagbabasa sa blog na ito and makes it her venue of complaint) ay dala ng pangangailangan ng trabaho; o matagal na sa serbisyo at naghihintay na lang ng retirement; o talaga lang likas na nais magserbisyo sa publiko. Naniniwala ako na kahit konti ay meron pang natitirang tunay na pulis.
Kaya ang payo ko sa mga asawa ng pulis, kung outnumbered man ang inyong matitinong asawa ng mga PNP ni Pidal, ay gayahin ninyo ang mga kabiyak ng Tanay Boys na merong pagkakaisa, lumalaban at nag-iingay kung kailangan. Hindi kayo maipakukulong ni Gloria. The only problem is when the korap bossings identified each one of you and sipain out of service ang inyong mga waswits. Pero makakakuha kayo ng malaking atensyon dahil sa media exposure…gaya ni Violeta, wifey of Jun Lozada. Handa ba kayo sa consequencies? If not, salamat ng marami kay Ellen na napakalaki ng puso para sa mga tulad ng asawa ninyo.
In your opinion,how can you help Gloria become a good President in 2009?
Join the EQ poll:
http://mav-equalizer.blogspot.com/
TE, hopeless na yan (my vote, una ako ha.)
OOpppss tinatamaan yata ang mga mgagaling dito at kahit anong paliwanag mo ay magaling pa rin ang sagot at di tinitignan ng mabuti ang sarili. Akala mo ay napakalinis ng budhi….kada bago ng topics eh akala mo kung sino mag lagay ng comments at nasa malayong lugar naman at wala sa
pinas. Ang pagkakamali ng ibang pulis sa karanasan ninyo ay sana naman ay di ninyo idamay ang lahat. Kung masama ang pulis para sa iyo eh ano ang pag katao mo SANTO….. Harap sa salamin at tignan muna ng mabuti ang sarili bago mamukol sa ibang tao. Di lahat ng pulis or militar ay masama .. Eh kung ganoon pala ay pati ang Tanay Boys ay masasama dahil nasa Gobyerno sila. Nagagalit ang di nakaka unawa at akala nila ay kung sino na sila. Walang pag kaka iba ugali ninyo kay Gloria na maka sarili lang. Kung may magagalit sa comments ko ay okey lang dahil ako ay di rin malinis at kahit papaano ay may pag galang ako sa mga taong nag tra trabaho sa gobyerno natin mapa pulis or sibilyan. Di lahat sila ay masasama. Sa mga akala nilang magagaling sila dito ay A WISHING YOU A PROSPEROUS NEW YEAR. 🙂 Kita naman ninyo di ako nag names kung sino ang hastang magaling sa comments ko.. 🙂
Tulog na ako at pasarado na ang coffee shop dito..
Tinatawag na ako ng Pulis dito. he,he 🙂 Buti na lang ay Holiday at walang pasok kami. MALL OF ASIA na naman at window shopping lang . Ibig sahibin ay hanggang window na lang ng store ako. Peace be with you sa mga hastang magagaling dito he,he 🙂
Syria, may I know who the two Generals who deserve my respect and admiration? I may know them…
Tumpak walang matinong pulis ! Dahil kung mayroon ay walang matitira sa PNP. Lahat nang natitira ay nakikinabang sa baryang ibinibigay sa kanila ng mga Matataas sa kanila, kung di sila nakikinabang bakit tahimik sila sa mga anomalyang nangyayari sa PNP, bakit sila walang kibo sa mga ginagawang pagnanakaw ng mga nakakataas sa kanila..kasi nabibigyan sila ng barya, madali silang ma-uto .tanggapin natin na mababa ang tinggin ng tao sa mga kapulisan ngayon, kaya dapat ay baguhin nila ang image nila sa tao.o sadyang makapal na din ang mga pagmumukha nila.Tandaan niyo, kapag ang liderato ay mga magnanakaw pati mga tauhan ay magnanakaw na din ,dahil kung hindi wala sila sa Kapulisan !
Dahil sa PNP, you have to “Follow the Chain of Command ”
… Kung nagnanakaw yung nasa itaas, magnakaw ka na rin !
Syria,
Baka yong mga kamag-anak o kakilala mong mga General ay hindi PMA’er.
RE: Tumpak walang matinong pulis !
Bobitz…tutal mag 2009, sa isang pugarang itlog normal na mayroong bugok…kung mapisa man ang isang akayan e may lalabas pa rin ditong kawatan.
Masakit man tanggapin ang paratang natin sa mga kapulisan eh kahit papaano in my personal opinion, mayroon pa din matino sa hanay ng PNP.
Alam mo it’s a real fact, ang uncle ni misis na pulis General eh napilitang magretiro kasi nga di niya masikmura na gagamitin lang siya ng mga kurap na senior buddy kaya kumalas na siya sa pwesto.
Do you know, kung ano ang ipahahawak sa kanya…aba e kaperahan sa Krame so di niya ito tinanggap at bumalik na lang siya kung saan siya naging mabuting pulis-patola.
He retired from service with dignity and honor, kaya saludo ang kanyang mga kababayan at kapamilya sa kalinisan ng puso nitong mamang general pulis.
Nagkataon at this point in time…semplang ang hanay ng PNP sapagka’t marami sa matataas ang ranggo na napagamit sa kurap na rehimeng arroyo o nakisamantala din sila sa pangungurakot ng mga kawatan sa gobyerno.
Ang linaw ng isinasaad sa R.A. No. 8551, otherwise known as the “PNP Reform and Reorganization Act of 1998″, the Commission regained the powers to investigate police anomalies and irregularities, administer police entrance examinations, as well as the power to summarily dismiss erring police officers.
Look, ang sabi…”the powers to investigate police anomalies and irregularities..”.?” Ang gandang basahin…but walang kwentang pakinggan sapagka’t wala itong ngipin dahil nga bungal sa sobrang kasibaan kaya heto tamimi sila at dedma lang sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Kaya si aling asawa ng mamang pulis…ramdam na ang epekto ng kabulikan sa PNP? Eh sori na lang sila kasi nga mas gusto pa nilang bantayan yong mga magnanakaw kaysa ang kanilang mga kababayang api at lunggati sa hirap’t dusa sa gobyernong ito.
Tedanz, many PMAers started as ideal and honest officers; then they too are eaten by the corrupt system. There are as many corrupt non-PMAers like the PNPA graduates.
Bobitz,
In support uli sa mga mamang pulis-patola, tutal bugbog-sarado na siya sa ating hayan dito sa Ellenville e damay na dito yong mga kabaro nila na tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Alam mo nasasaktan din ang aking puso, kung pagka minsan eh nadadamay ang ating mga kapamilyang mamang pulis…di maiiwasan na pati sila na ating mga kapamilya e damay sa kawalang-hiyaan ng mga kurap na nakapwesto sa PNP.
Still i have relatives and kamag-anak na nasa pwersa ng kapulisan at tuloy ang kanilang trabaho sa kabila ng mga nangyayari sa kanilang hanay.
Wala silang magawa dahil hawak ng mafiosi ang kapulisan, di ba known ang garci generals, eurogenerals et. al. Kung magpapakabayani naman sila eh matutulad sila kay Lt. na nadampot lang ng libreng VCD ni Erap somewhere doon sa bangketa at heto kalaboso.
Mabigat ang laban sa Pinas, pera…pera lang ang katapat at kung gusto mo namang magpakabayani, 10ft below the ground ang bagsak?
Or else para may laban…walang ibang choice kundi mamundok at makiisa sa No Permanent Address! Pag nagkaganoon ang sitwasyon, kahit papaano e mahihirapan silang maghanap dahil wala ngang address na permanenteng tinutuluyan.
So patas ang laban, di ba! Yan ang nagtulak sa iba nating kababayang Pinoy na wala silang makuhang tamang hustisya kaya heto naging patapon ang kanilang buhay.
Promotion in the Police Force and Military is not based on merits and performance, but often on padrino system. One gets promoted faster if he has a political backer or connection with Malacanang. This is one of the reasons why cops and soldiers are demoralized. And if they complain about promotion and wrongdoings of their superiors, they get thrown to lowest and most difficult duties including being sent to Mindanao to fight the rebels.
be, their initials are MN and EN. One of them has a camp named after him.
BE,
Most of our Kurap AFP and PNP generals eh graduate ng PMA, named it…sila itong protektor ni gloria arroyo?
Si Tabako…PMA and West Point graduate yan except kay Gen Lim na fellow PMAér at West Pointer tapos but bayani nang Masang Pilipino?
Dapat buwagin na yang PMA kasi nga akala mo ang titino ng mga kadete diyan, but after na makatapos at makapwesto sa de aircon na office…diyan na magsisimula na maghariharian at mangurap.
Bigyan ng chance ang ibang kadete na graduate saan mang schools, kasi nga karamihan ng PMAérs pag nagkatahid na eh wala ng paki kundi ang gusto nilang masunod eh kapritsuhan sa buhay. Bakit nga ba? Kasi po…sila ang protektor ng weteng lord, drug lord, pekeng pangulo at sino pa?
Isama na nating yong mga rebelde sa mindanao, bakit hanggang ngayon e di matapos-tapos ang problema ng rebelyon doon…di ba bawal ang mag-armas e bakit di nila gamitin ang full force ng ating batas?
At isa pa, bakit ang mga politiko eh may kanya-kanyang private armies, di bawal yon sa ating batas?
Ang kaya lang nilang hulihin at disarmahan eh yong teka-teka lang ang pusil at yong mga kawatan?
BE,
Barya lang kung mayron man sa PNPA yong sa mga PMA’er bungkos bungkos na salapi. Maroon pa ngang Euros di ba remember yong mga PMA’ers Euro Generals. Etong si Garcia Dollar naman. Ang hirap sa kanila pati asawa isinasama sa mga kagaguhan nila.
Syria, thanks but I need a little more clue. Were they also active during Erap’s time?
Tedanz, PNPA graduates automatically become Inspectors or Lieutenants. Many become station commanders in the provinces and some in Metro Manila depending on their connections. Idealists as they are, they are compelled to follow the system.
Madali lang ang paliwanag na ito kung mayroon pang matitinong pulis sa atin. Itanong natin Kay Maam Ellen,
Maam Ellen mas masasagot ninyo ang mga comments dito ng mga hastang magagaling na para sa kanila ay lahat ng kapulisan sa bansa natin ay bugok or masama. Kayo ang makakapag paliwanag sa mga tao dito kung mayroon pa ba or wala ng matinong pulis sa atin dahil kayo ang nasa field at mas maraming karanasan kesa sa amin or sa mga tao dito na puro satsat lang. Kesa ina buloy ang benipisyo etc.. Madaling mag salita na mga bagay na iyan gagayahin ko nga at ako nga ay nag patak ng dugo at ihi para sa bayan at nag abuloy ng milyon kita na ninyo… 🙂
Ang magalit ay katulad ni Gloria na magaling lang sa nakaw he.he..:)
Kung aalis sila sa pag kapulis mabibigyan ba ninyo sila ng maranyang trabaho na makakapag buhay sa kanilang pamilya. Kaya di sila maka alis sa trabaho nila ay walang naman mapapakitaan dito sa atin. Eto ay simpleng paliwanang lang kung bakit sila nag titiis sa kitakatayuhan nila. Iyun iba dito na puro satsat lang at sana kung hahamakin ninyo ang lahat ng pulis ay may magandang solusyon kayo at matutulungan ninyo sila. Kung wala ay hinay hinay lang ang bira. Lahat tayo dito ay humahangal sa nangyayari sa bansa natin.
Ako ay humihingi ng pahumanhin sa Ginang na Pulis na mababasa pa niya ay laban pa sa kanyang asawa at sa kanya. Mahirap pala kung sa susunod ay may mag comments ng asawa ng Militar ay makakaranas rin pala dito ng kung ano anong salita.
Ang pag kakaintindi ko sa mga poster na galit sa militar/pulis katulad ng pahayag ni mprivera ay alam nya na hindi lahat ng militar/pulis ay mga kurap. Sinabi mismo ni mprivera na mabibilang mo sa mga daliri mo ang mga matitino na militar/pulis. Yon ang katunayan na alam nyang hindi lahat ay ganoon at aminado sya na hindi lahat dahil sabi nya mabibilang mo sa daliri ang matino.
Ang ibig sabihin ng mabibilang mo sa daliri mo ay hindi ibig sabihin ay sampu lang. Tingnan nya ang tanay boys, ilan sila doon? Katangahan na yon o pilisopo na kung literal mong sasabihin na sampo lang ang daliri mo ay sampo lang ang matitinong pulis o militar.
Pero dahil talamak na ang kurapsyon ng militar/pulis ay nasasabi na tuloy na lahat sila ay mga kurap at kriminal, mabibilang mo sa daliri mo ang hindi!
Correction:
Tingnan nyo ang tanay boys, ilan sila doon? Katangahan na yon o pilisopo na kung literal mong sasabihin kay mprivera na sampo lang ang daliri mo kaya sampo lang ang tinutukoy mong matitinong pulis o militar.
Gamitin naman natin ang common sense natin, di naman siguro tayo mga tanga.
Malinaw ang paliwanag mo xman. Nag-eexaggerate tayo minsan to drive home a point. Hindi rin ako naniniwalang lahat ng pulis, korap. Duwag lang.
Sa mauunlad na bansang napuntahan ko, walang sinisino, pag may ebidensiyang nahukay ang mga pulis, kahit isang guhit lang sa balikat, pinoposasan ang kahit mataas na opisyal ng gobyerno, at pag may padrinong umareglo, kasamang titimbugin. Iyan ang hindi natutunan ng pulisya dito sa atin dahil sa military nature na kanilang pinanggalingan. Sa Militar, sunod sa lahat ng utos, walang tanong.
Sa pulis hindi dapat pareho niyan. Ang bawat galaw, utos, desisyon ay isinasangkalan sa libro ng batas. Walang diskusyon, walang pilitan, pag nasa batas, susundin.
Kaya kung ako sa asawa nung sumulat kay Ellen, ano pa ang hinihintay nila, sila ang magpatupad ng batas! lipulin ang lahat ng kawatan. Ngayon na!
Ellen,
Salamat sa paglalathala mo sa mga hinaing ng mga misis na mga pulis. Napakalaking bagay na maparating rin ito sa mga kinauukulan ng PNP para malaman nila na napalaking halaga ang pinagkait sa kanila. Kung sila ay tatahimik na lang ay ipapalagay ng kapunuan na kontento na sila dito at malamang na mauulit muli ang ginawang panlilinlang sa kanila. Daddag pa sa sama ng loob nila ay ang pagdududa ng ibang kapwa Pinoy kung walang naghihinaing sa kapulisan.
Lalong nagpasama sa loobin nila ay ang pagbabawas sa pinangakong bonus na ipinangako na mismo ng ating presidente. Malamang, sila ay di sanay sa pangakong napapako.
Sa aking palagay ay mas mataas pa sa Heneral ang nagdesisyon na hindi ibibigay ang karagdagang P3,000 mula sa PNP dahil sa kalaki ng halaga na maaring umabot sa P360M. Ang kapulisan natin ay humigit kumulang sa 120,000. Malamang rin na tama ang pagdududa nila na para sa retirado mapupunta yung dagdag na bonus. Malamang rin na wala sa budget ito dahil mayroong pulis na maski baril ay wala sila. Sus ginoo! Tama yung iba, patola nga. Sa AFP nga eh yung radyo na napakaimportante eh kapos na kapos pa. Biruin mo, Cell Phone pa nila ang ginagamit nila.
Ang nakasama ay yung ipinangako sa kanila. Ang epekto – nakakawalang sigla.
Anyways Ellen, maraming salamat sa pagbibigay mo ng importansya sa hinaing ng mga asawa ng pulis.
May mga maayos na pulis. Dapat suportahin natin ang mga yun na manatili silang maayos kahit sa gitna sila ng mundo na madumi at mapag-sarili.
Kung isa lang o dalawa lang ang matino, lalong dapat suportahan sila.
The first thing the government must do is to increase their salaries and upgrade their standard of living. P10,000 was promised to them; yet only P7,000 was given. How could they be motivated. The reason why cops in other countries like the US are not as corrupt is because they receive decent pay. Sometimes, they earn more than the motorists who they catch violating traffic rules. How can they be bribed $100 when their base pay is about $4,000 a month plus all the benefits?
this is not being negative but promises are made to be broken. I agree that few policemen are good for this country but according to global integrity report and transparency international in 2007-2008:
“It is a well-established fact that a culture of corruption exists within the police, who are perceived to be the most corrupt institution in the Philippines.”
“Citizens rank the police as the most corrupt public institution in the Philippines with a score of 3.6 on a 5-point scale (1 ‘not at all corrupt’ and 5 ‘extremely corrupt’)” Corruption in the police pose an obstacle to national security.
“Traffic police are particularly corrupt and prone to inventing traffic offences in order to demand bribes or write out bogus fines.”
be, you’re right. Then, says Senator Orlando Mercado, chairman of the Senate Defense and Security Committee, the government has to pay them “above the level of corruption.” A rookie earns a little more than $170 a month; a private security guard usually commands a salary at least 30% higher. Mercado’s committee is considering a bill that would raise police wages and create an internal affairs department.
“The police are also believed to be involved in kidnappings and organized crime.”
“Mercado’s committee is considering a bill that would raise police wages and create an internal affairs department” syria
that’s a good incentives. our police must also take training, seminars and continuing education for public safety at least 16 hours per year.
That’s precisely the point why cops’ salary must be raised. They are tempted and forced to commit crimes to survive.
xman,
‘yun ang tinatawag na part of speech.
hindi ibig sabihin, literal.
simpatya? hindi ko kailangan dahil ang aking ipinahahayag ay ayon lamang sa aking karanasan. sinabi ko na, hindi ako nagmamalinis dahil walang pobre na kumikinang sa kabusilakan. lahat kami GUSGUSIN.
layak ng lipunan kaya ang aming katwiran ay hindi matanggap ng mga nagbuburgisburgisan.
diba, vonjovi?
“……Ganito po ba ang dapat gawin sa mga aktibong asawa namin na kahit holiday o anumang okasyon palaging naka duty dahil parating red alert pag ganitong mga okasyon. Ang mga aktibong pulis ay sumusuong sa peligro samantalang ang mga retirado ay naghihintay na lang ng pension. Kung may hinaing man ang mga retirado sa kukonting natatangggap nila mas lalo na po ang mga aktibong pulis…..”
ano ang masasabi ninyo sa mga tinuran niyang ito?
kung hindi pagiging makasarili, ano?
vonjovi,
wala namang mawawala sa akin, maniwala ka man o hindi. ikaw lang naman ang sobrang putok agad ang butse sa aking mga tinuran.
at, oo nga pala, dating at dating dito sa aming project sa riyadh ang mga pinoy na aming inirekomenda upang makapagtrabaho at mabawasan ang mga nagrereklamo sa gutom diyan sa pilipinas bunga ng kagalingan ng nakaupo sa malakanyang.
pasensiya na, ito lang ang kayang gawin upang makatulong ng puro satsat!
be, it will be a big miracle if the current regime will be raising the salaries of the police or military next year. Public school teachers were never given any salary increase since 2001. The economy outlook is low.
If what the UNO revealed said was true, that more than half of the budget will just go to GMA’s pork barrel and a third of it will be used for debt servicing, then only P233B of the P1.4T will be left for our country. Assuming the UNO was right and assuming that the salaries and wages only of the polices’ rank and file sums up to P10B and the same amount goes to the AFP, then close to 10% of what was left goes to the police and military only. Where then will the government get the monies to pay for their projects, salaries, and et. al.
Worst, according to Sen. M. Roxas, the government needs to borrow half of its budget.
be, 2 of the generals became mayor of the town where they came from. One of them is currently the mayor. Their family have been running the town for more than 35 years now. They are not really into politics. Its just that the townsfolk clamors for them. In fact, I have not heard, not even a single bad word about them.
karyo,
bakit nag-rereak ka?
kung matino ang namatay mong tatay, walang dahilan para magpuyos ka nang ganyan katulad ng kasama nating ewan kung ano ang katwiran.
uulitin ko, ang lahat ng kumento ko ay batay sa aking naging karanasan na hindi ko na i-e-elaboreyt dahil baka sabihin na naman ni vonjovi, eh sobrang pagmamagaling sa sarili.
pero……nakakita ka na ba ng mga pulis na nang magkaroon ng bakbakan sa mismong harap ng munisipyo at presinto ay biglang nangawala at hindi malaman kung saan nagsipagtaguan? pero, kung mangotong sa mga drayber at saydwok bendor ay akala mo merong mga pinatago at ubod ng tatapang?
Ellen Says:
December 31st, 2008 at 11:12 am
May mga maayos na pulis. Dapat suportahin natin ang mga yun na manatili silang maayos kahit sa gitna sila ng mundo na madumi at mapag-sarili.
Kung isa lang o dalawa lang ang matino, lalong dapat suportahan sila.
****************
Tama ito, sang-ayon ako!
Ang tanging hangad ni aling Juana Dela Cruz ay mailahad ang sama ng loob dahil biktima ng bulok na sistema ng PNP ang kanyang asawa.
Kung ang kanyang asawa ay kasama sa daliring nabilang na matitinong pulis, kawawa naman kulang na ang cash gift, nakatanggap pa ng negatibong kommento si Aling Juana.
Isang makabayan at militanteng pagbati sa mga pulis at kawal na di ipinagpalit ang kaluluwa sa gobyernong tulisan.
“Please ask why her husband is still with the PNP,” sabi ng isang blogger. Bakit tatanungin pa e obvious naman. Kesa nga naman mangutang pa sila ng pera para lang makapagtrabaho sa ibang bansa dahil wala namang ibang mapapasukan ang pobreng pulis, e di magtiis na lang sa PNP. Tutal nakakakuha naman ng mga tong sa mga intsik, et al, kailangan nga lang maging maabilidad.
Pero sa totoo lang, kung ako hindi ako papasok sa PNP dahil mas grabe pa ang kurakutan kesa noong bago kami umalis na Pilipinas kahit na medyo masama na ang reputation ng mga pulis ng Manila’s Finest. Ngayon garapalan na lalo na nang maging hepe ng pulis ang mga graduate ng PMA na dati maganda rin ang reputation pero nasira magmula noong 1986. No bilib ako sa totoo lang. Pasikat lang ang mga unggoy! Pwe!
Syria, is the General’s last name Nazareno?
I refrained from saying that the blogger asked a stupid question. I just commented by asking back why not ask all the other cops why they’re still with PNP to drive a point.
Once, a police friend told me: When a rookie cop reports for duty the first day, this is what his commanding officer tells the rookie: “Okay, here’s your badge and gun…and the whole Manila”.
Oooppss nabaliktad na at ako pa ang na a alburoto sa lagay na iyun. Pinapaliwanag ko lang dito ang side ng Ginang ng pulis dahil di naman tama kung ang isang tao ay bigla na lang sasabihan ng kung ano anong masamang salita dahil lang sa hinaing nila. Ni di mo kilala ang ginang na ito at ang pag katao ng asawa niyang pulis. Baka mas malinis pa ang budhi nila kesa sa iba dito na astang SANTO. Ang nag aalburoto ay iyun nag babangit ng names dahil nasasaktan sila sa paliwanag at ayaw tumanggap ng pagkakamali at di ko nga binabanggit kung sino iyun eh ?. Kung ganoon ang ugali ng iba dito ay wala kayong pinag iba kay Gloria. Kung may naitutulong kayo sa ibang tao ay di na dapat pinag mamalaki pa dito dahil di naman ninyo napapatunayan iyan eh. Ika nga ni Kuya Kiko P. “NOTED”…
Maraming presinto sa atin na nilulusob ng mga NPA at MNLF etc. Lumalaban ang magigiting na pulis natin (kristiyano or Muslim na pulis) kahit sila ay out number sa mga rebelde. Makikita mo ang presinto sa Angono at mas marami sa Mindanao (Sa Lugar ng Butuan papunta sa Davao)na makikita ninyo ang marka ng mga bala sa pader ng presinto or detachement nila. Mayroon rin mga Lost Command na sundalo roon. Ako ay saludo rin kay Gen. Pusilyero? retarded na he,he.. pero maliit na tao ay kinatatakutan sa Mindanao.
Itanong ninyo kay Ellen at siguradong alam niya ang mga bagay na ito.
LUSIS lang ang pa ilaw namin ngayon dito at tapos na ang putukan sa lugar namin… Iwas putol daliri 🙂 HAPPY NEW YEAR ulit sa inyong lahat. Naway ay itong bagong taon ay may milagrong mangyari dito sa atin at mapa alis na ang mga MAGNANAKAW na naka upo sa trono. Kainan na… PEACE BE WITH YOU sa nagagalit sa comments ko. He,he… 🙂
Itong si Gloria Dorobo ang ipinapairal sa mga government employees, kurakot. Golly, bakit pinapayagan iyong mga loyalty check niya with gala ceremony pa sa Malacanang tapos may pauwi di lang mga handa ng gastos ng bayan kundi cash pabuya pa? Kahit pagbaligtarin ang mundo, graft and corruption iyan! Never heard sa mga progressive countries ang gayang kurakutan. Sinisibak ang ganyan mga practice sa totoo lang.
BTW, New Year, New Life, sabi da. Para sa New Life ng Pilipinas, sibakin na, ngayon na! Praying for the removal of the unano soonest possible!
File bribery charges against PDEA officials, says GMA!
It’s very strange and suspicious that the Evil Bitch ordered charges to be filed against PDEA officials when it was the Department of Justice who dismissed the case because it “lacked probable cause.”
According to an Inquirer news report, “The PDEA said last week it received information about a P50-million bribe to state prosecutors that resulted in the dismissal of the case against Brodett, Joseph and Tecson early this month.” The three named are referred to as the “Alabang Boys. ”
Shouldn’t the Bitch instead order an investigation on the alleged P50-million bribe to certain state prosecutors for dismissing the case against the “Alabang Boys”? Or is her order to investigate PDEA is just another ploy to make certain PDEA officials scapegoats and “vindicate” the “Alabang Boys”?
Sorry the police wife is getting flaks from all fronts. I am sure she is an innocent bystander, but I hoped she could dissuade her husband and others perhaps from further supporting the corrupt stigma of his chain of command. Her policeman has now become a canon fodder, an unwitting victim of a state in terror. Any perk is like from a dropper to the mouths of diseased souls.
be, you are absolutely right. This is an injustice covering up another injustice.
Can you post the link to the news. I was trying to look for it but I failed, or perhaps it was deleted due to its inappropriateness.
Medyo nalayo tayo ng konti sa isyu. Sabi ni Misis, yung P3,000 imbes sa aktibo, napunta sa retirado. P7,000 lang ang napunta sa kanila.
Aktibo = 110,000 regular force = P770M
Retirado = Leandro Mendoza, Jun Ebdane, Jun Aglipay, Vidal Querol, Art Lomibao, Boogie Mendoza, Sonny Razon, Ely Dela Paz, et al = P330M
Yun lang yon!
As ever, matinik ka sa silipan Tongue.
P330M para i-zipper ang bibig ng mga retirado. Tuloy ang ligaya sa Enchanted Kingdom!