Buhay pa ba kayo pagkatapos ng Christmas sa Pilipinas?
Masaya na nakakapagod ang Christmas dito sa Pilipinas. Ngunit ang mahalaga ay buhay ang buod ng Pasko, magkasama-sama man o magkakalayo.
Ngayon ang ating haharapin ay ang bagong taon.
Lahat tayo ay umaasa na sana mas maayos ang 2009. Sa akin, magiging maayos lamang ang palakad ng ating bansa kung mahinto ang panloloko ng sambayanan. At hindi mahihinto ang panloloko ng sambayanan habang si Gloria Arroyo ang nagpapalakad ng bansa.
Sa dami ng anomalya na naganap at gingawa pa hanggang ngayon sa administrasyon ni Arroyo, parang napapagod na ang taumbayan. Marami sa atin sadya nang sinasara ang tenga at mata dahil ayaw nang masira ang araw.
‘Yan talaga ang gusto nina Gloria. Pagurin ang lahat para magawa nila ang gusto nilang panloloko, pagnanakaw sa bayan.
Bago ang Pasko, nagkaroon ng hearing ang Senado sa fertilizer scam at ilan sa mga nakasalang ay sina Maritess Aytona, ang itinurong galamay ni dating undersecretary ng agriculture na si Joc-Joc Bolante at si Julie Gregorio, pangulo ng Feshan Philippines, Inc., ang supplier ng abono na pinamigay nina Bolante sa mga magsasaka bago mag-eleksyon ng 2004.
Kahit na pinagpipilit ni Aytona na wala silang alam at hindi niya kilala ang mga testigo, klaro sa testimonya ni Gregorio Leonicia Llarena ang lokohan. Lalong pinagtibay ang kwento na unang whistleblower na si Jose Barredo Jr, na nagtrabaho noon kay Aytona.
Sinabi ni Gregorio na halagang P50 milyon lang na abono ang ibinenta niya sa Department of Agriculture ngunit P105 milyon ang perang inilabas. Saan pumunta ang P55 milyon?
Ang lumabas noong Dec. 22 na hearing ay maliit lamang na bahagi ng anomalya sa abono na ginamit para sa kampanya ni Arroyo noong 2004 na eleksyon. Ang dokumentado ay P728 milyon. Ngunit sabi ng abogadong si Frank Chavez sobra dalawang bilyon pesos ang ninakaw sa magsasaka na minani-ubra ni Bolante para sa kampanya ni Arroyo.
At bakit ginawa ni Bolante yun? Siyempte may kumukumpoas sa taas. At alam naman natin lahat na hindi mangyayari itong mga anomalya kung hindi aprubado ng mag-asawang Arroyo.
Itong fertilizer scam ay isa lamang sa npakaraming anomalya at krimen na nangyari sa administrasyong Arroyo. At walang napaparusahan dito dahil ang nagtatakip ay nasa kapangyarihan.
Sana sa kapaskuhan na ito, napag-isipan natin ang kahalagahan ng katotohanan sa ating araw-araw na pmumuhay.Walang tunay na hustisya kung walang katotohanan.Walang pangmatagalang kapayapaan kung walang hustisya.
Dear Sirs and Madam at Ellenville,
Kami po ay pobreng sundalo lamang po at nais naming idulog sa inyo ang pagkakulong ng aming opisyal dahil sa artikulo at videos na ginawa nya tungkol sa talamak na katiwalian sa paf. ipinublish ho namin ang videos sa youtube dahil alam namin na ang kanyang mga sinabi ay totoong nangyari at sa katunayan pa nga lately nagcrash ang c130 sa walang makitang dahilan kundi resulta lamang sa kurakotan ng tiwaling mga opisyal. eto po ang isa sa kanyang mga artikulo
http://www.solitaryjourney.bravehost.com/xmas07.htm bilang pagpaptunay ng corrupt practices.
http://www.solitaryjourney.bravehost.com/c130.htm bilang patunay sa kalagayan ng c130 ng pilipinas
http://www.pafcorruption.bravehost.com/c130 4593.htm or http://www.captainpogoy.blogspot.com bilang patunay sa sanhi ng pagka laglag ng c130 sa davao gulf ang video ay mapanood sa youtube titled “paf corruption” sana po ay magkaroon na ng malawak na imbestigasyon sa isiniwalat na katiwalian.nakakulong ho ang aming opisyal na author ng mga eto. wish lang po sana namin na matulongan y kami na maipublish sa national tv at national newspaper ang mga sinawalat ng aming opisyal.
salamat po sa lahat,
ruel
ssgt paf
injohn,
Thanks for the links. Grabe pala ang corruption dyan. Meron na naman daw flyby sabi ni korap Gloria e cannibalized pala ang aircrafts.
Sana ay makita yan ng foreign countries (USA, etc) na nagbibigay ng military assistance sa AFP ni Gloria at nang tuluyan ng putulin ang anumang assistance.
On the onset of a much happier year 2009 we hope, in churches, while one bids each peace be with you, add, I AM SORRY for helping our country and family come to this bad shape.
We have very good pilots most of whom were young PMAers who perished due to their commanders’ corruption.
Injohn,
Why are you still there?
PINUNONG TAPAT, BANSA’Y ANGAT CRUSADE
Pinunong angat crusade, bansa’y tapat or PACBET
I dont mean to ridicule with the PACBET, but I want to address this shadow unit to confirm my suspicions about the lost jet at Spratly. Was there really a flight that went there or it was only shammed to cover up the plane’s carcass already at the junkyard and up for sale.
Hindi ba nahihiya ang mga sundalong pilipino sa nangyari sa organization nila? Kawawang bansa talaga! Lalong nabulok under Gloria, the great kurakot!
ssgt paf,
bro,
ingat lang, baka matiktikan ka.
kung marami kayong nakakaalam sa mga tunay na pangyayari, buhat sa katiwalian hanggang sa mga pang-aabuso ng mga sukab na pinuno diyan sa hukbong panghimpapawid, hindi kaya napapanahon na ujpang putlin na ang inyong pananahimik?
paano madadala ng inyong dibdib at kunsensiya ang kasawian ng inyong mga kasamahang namamatay dahil sa kasibaan ng mga kinauukulan?
hindi ba ninyo naiisip na baka kayo ang sumunod na mabing biktima ng ganyang sistema?
naghihirap ang sambayanan dahil sa matindi at laganap na katiwalian, kasama dito ang inyong mga mahal sa buhay.
kailan kayo kikilos?
hanggang kailan kayo mananahimik?
Kahiya-hiya ang PAF – kagagawan ng mga buwaya diyan sa Nichols. Nung araw, may pondo pa kahit para sa airshow, lahat ng Blue Diamonds alaga ni Col. Certeza. Ngayon? Walo na lang ang lumilipad na OV-10 at tatlong S-211. Air Force pa bang matatawag iyan? Marami akong naging kaklase nung high School na mga anak ng mga heneral ng PAF, kahit grade 6 pa lang, kanya-kanyang kotse na pagpasok sa eskwela. Samantalang Tora-tora na karag-karag lang ang panggulat natin sa ere, yung mga anak ng heneral, pang-dragracing ang setup ng mga kotse, pasasa pa sa libreng gasolina. Hindi na nagbago. Tsk, tsk, tsk.
Pagkatapos magi-giyera-giyerahan sa Mindanao para patuloy ang kupit!
Off topic but I am trying to spread this horrific story about people who think they own the Philippines…
http://vicissitude-decidido.blogspot.com/2008/12/world-is-fucked-up.html?commentPage=2
Nagpupugay kaming lahat sa iyong katapangan Ssgt Injohn…sa inyo nakasalalay ang tunay na pagbabago sa AFP sapagka’t marami sa matataas nýong opisyales e kurap?
Bakit ka mo, di ba nasaan na yong mga Hello Garci generals, Eurogenerals at iba pa na pera-pera lang ang katapat?
Wag kayong mawalan ng pag-asa, mula’t na ang sambayang Pinoy sa kanilang kapalpakan at ang buong suporta ng Masang Pinoy e nasa inyo na.
Nag-aantay na lamang ang Masang Pinoy sa inyong pagkilos upang sugpuin ang lahat ng peste at salot sa ating lipunan?
Mabuhay kayong lahat!
PJ, sad to read what you and your family went through in the hands of abusive officials. The only good thing, if ever, is they did not kill anyone of you. They can easily kill all of you, right there and then, and they will never spend a day in jail.
Thank you for posting it here. Hopefully, someone will be able to assist your family.
pj,
those who brutally ganged up your father and brother were some kind of decently dressed vicious beasts while the honorable agrarian reform secretary was like a rotten log blankly watching his sons and bodyguards beat to pulp their hapless victims.
that was just part of the legacy this administration shall left behind which is not surprising since the one acting as president is of approval to such acts and beyond!
my sympathy to you and your family.
to injohn and company: godspeed for this coming year! hindi kayo nag-iisa, paki-relay nalang sa mga ibang kasama ninyo diyan. thx.
I support the real soldiers, not the sundalong kanin ni Gloria Macapalgal. Sabi nga ng nanay ko, “sundalong kanin, labas ang mga tumbong!” Yuck!
Ang hirap sigurong maging matino ‘pag napapaligiran ng mga kurakot!