Skip to content

IT para sa katotohanan

Sa pagbilang ng dapat ipasalamat sa Panginoon, mataas sa aking listahan ang pagkakaroon ng blog.

Sa pamamagitan ng blog (www.ellentordesillas.com), nagkaroon ako ng sariling “publication” na mapatingkad ang ating demokrasya. At pasalamat ako na marami ang tumatangkilik.

Ang blog ay isa lamang sa modernong telecommunication technology kasama na ang cellphone, internet, fax, computers na talagang nagpapagaan ng pamumuhay. Basta gamitin lang sa maayos.

Ang laki talaga ng ginhawa ng mga nabibigay ng IT. Sa mga diyaryo ngayon, hindi na lailangan pumunta sa opisina araw-araw ang mga reporter at columnist. Ini-email lang namin ang aming mga reports at column.

Sa ganoong arrangement, hindi ka na kailangan magbiyahe at mangun-sumisyon sa traffic.

Naala-ala ko noong bago pa lamang ang Malaya (ang sister publication ng Abante) noong panahon ni Marcos, wala nga kaming telepono. Sa isang maillit na lugar lang kami sa Quezon City. Education pa noong ang aking beat. Kasama sa coverage ko ang mga student rallies kaya beterana ako sa tear gas.

Dahil wala kaming telepono, kailangan umalis ako sa beat ng mga alas-kuatro ng hapon para makarating ako sa opisina at magawa ko ang aking report bago sa aming alas-sais ng hapon na deadline. Typewriter pa noon ang aming gamit.

Ang problema lang, minsan may mga nangyayari pa sa beat nang ganoong oras. Mabuti may mga kaibigan akong reporter na nagta-trabaho sa mga kontrolado ni Marcos na diyaryo. Kapag may pumutok na balita na wala na ako, kinukwento din nila sa akin basta tatawag lang ako.

Dahil wala nga kaming telepono, nakikitawag kami sa pay phone sa isang pet shop o beauty parlor malapit sa opisina. Kaya tuloy palagi nal ang kami nagpapa-manicure o pedicure at kung ano-ano na ang nabili naming ibon doon sa pet shop na yun para lang hindi magagalit sa kaka-monopolize namin ng telepono.

Siyempre malaki ang pasalamat namin na may mga kaibigan kaming reporter na mabait. Kung kulang man kami sa technology, napupuno ng mga mabait na kaibigan.

Ang laki tin ng ginhawa ng cellphone, di ba. Mas mabilis at maayos gumawa ng appointments. Kung may aberiya sa meeting, madali ayusin sa pamamagitan ng text at cellphone.

Ang gmail, wow laki talaga ng ginhawa. Kahit saan kang parte ng mundo, kahit sa probinsya, pwede na mag-internet.Malalaman mo na ang nangyayari sa Pilipinas kahit nasa malayong lugar ka sa abroad o sa probinsya dito sa Pilipinas.

Dati kapag magbakasyon ako aming baryo sa Guisijan, Antique, kailangan ako mag-advance ng maraming columns o kaya, pupunta pa ako sa San Jose, ang capital ng Antique par alang mag-fax. Noong isang buwan na uwi ko, nakapag-internet na ako gamit ng Globe visibility. Mabagal lang pero naka-pagconnect pa rin.

Ngunit ang technology ay gamit lamang, ito ay hindi maaaring substitute o pampalit o pantakip sa katotohanan. Gamitin nating ang IT sa pagpalaganap ng katotohanan.

Published inWeb Links

9 Comments

  1. Valdemar Valdemar

    I am also grateful to you, Ellen for giving me a chance to discover a variety of political heads and make my day expressing what is in my ‘kidney’. Really, its somewhat a therapy each day I read diverse thoughts all contributing hard with update truths. Keep it up.

  2. MPRivera MPRivera

    ellen,

    dahil sa blog na ito, nagkaroon ng pagkakataong magkasamasama at magkapalitan ng opinyon kaming iyong mga tagasubaybay at tagatangkilik na katulad mo ay naghahangad ng pagbabago ang kasalukuyang sistema ng (ating gobyerno at) malinis ang landas na sinalaula ng mga gahamang walang hinangad kundi ang magtamasa ng yaman at kapangyarihan kapalit ng pagdurusa ng karaniwang mamamayang naging manhid na sa dagok ng hindi nila inaasahang panlilinlang ng kanilang piniling mamuno at pinagkatiwalaan.

    sa ngalan ng mga kasama, tanggapin mo ang aming taos pusong pasasalamat.

    maligayang pasko at manigong bagong taon. para sa bansa, para sa pagbabago tungo sa hinahangad nating pagkakaisa, pagkakapantaypantay, katiwasayan, katahimikan at tunay na kaunlaran!

    mabuhay ka!

    mabuhay tayong lahat!

  3. syria syria

    Ellen, your blog is deeply appreciated not only by me but by many worldwide friends. We were able to openly express our opinions, thoughts, comments and sentiments to subjects and issues diligently maintained by you. To me, voicing out is one way a blogger can use to become mentally healthy. It is like a very close friend listening to your grievances when you are distressed or depressed. I am grateful for your concern, Ellen.

  4. syria syria

    Off topic:

    Nakakaduda na kaadad ang sinabi ni Jimmy Paule sa kanyang ambush interview.

    Reporter: Mayroon daw kayong link kay Bolante?

    J. Paule: Sa palagay ko wala.

    Hindi ba kilala ni Paule ang kanyang sarili na pinapalagay niya ang kanyang sagot? Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito sa Senate hearing.

  5. chi chi

    Thanks for putting up this wonderful blog, Ellen.

    I’m off to the mountains. With an icy condition, tingnan ko kung gagana pa dun ang modern technology. 🙂

    If not, I’m greeting in advance my beloved Pinas a very Merry Christmas.

    To you Ellen and the magnificent Ellenville warriors, Maligayang Pasko at salamat.

  6. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Maligayang Pasko Ms Ellen and to everyone!!!

    Many thanks for the use of your blog, all the opportunities to express an opinion, your understanding, kindness, fairness and most specially of getting to know you through this blog, truly an honor. May your holidays be merry and I wish you the best of everything.

    Wisdom of thought to everyone, “better years are yet ahead, do not lose hope”. Again, maraming salamat.

  7. balweg balweg

    Merry Christmas and Advance Happy Prosperous 2009 Maám Ellen and to all your loveones.

    I’m very grateful sa Ellenville, a nice meeting place of all nationalists and patriotics Pinoys around the world.

    Di dahilan ang apat na sulok ng mundo to bind us together in one objective…ipagtanggol ang Bayang Sinisinta sa mga gutom sa kapangyarihan tulad ng arroyo regime and her lapdogs.

    Sa makabagong teknolohiya naging daop-palad ang damdamin nga bawat isa to share our personal longing and love to our nation and people.

    Mabuhay Maám Ellen sa iyong taus-pusong paglilingkod sa bayan at Masang Pilipino the same with Plaridel one of our National Heroes during his time.

    Ang pluma ang siyang pinakamabisa to educate people especially sa mga naghahanap ng katotohan at pag-asa sa buhay.

    Hail our Ellenville community around the world!

    Merry Christmas to all of you! God Bless You all!

  8. Just like everyone else,

    I don’t recall now how I ended up in your blog, but likewise, I’m very grateful to have discovered you online. I did learned a lot in here and your blog was by far how I easily got up to speed with all the latest chorva in our turd world kawntri. Many many thanks not only to all the commenters here and of course to you Tita Ellen.

  9. retiradong aktibo retiradong aktibo

    Merry Christmas and a prosperous New Year.

    How I wish I am home for Christmas with my family, but the hardship in life brought by the worthless GMA administration forced me to stay here in the USA and earned a living. For what can I expect in life,if I did not do this hard decision. Sigurado kabilang na ako sa statistics ng mga nagugutom ang pamilya sa ating Inang Bayan.

    Ang tanging wish ko para sa ‘yo ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon ay sana ay biyayaan ka pa ng mahabang buhay at maging maayos ang iyong kalusugan para maipagpatuloy mo ang iyong mga mithiin para sa bayan at higit pang lakas upang isiwalat ang mga katotohanan sa pagpapatakbo ng bayan nating Pilipinas.

    Again, Merry Christmas and a Happy New Year

Comments are closed.