Sa bentahan ng mga dyaryo, talong-talo ng mga tabloid ang mga broadsheets.
Mas malakas ang number one sa tabloid (Abante) sa pinakamalakas sa broadsheets (pinagaawayan ito ng Inquirer at Philippine Star). Ito ay nagpapakita lamang na mas kuha ng mga tabloid ang gusto ng masa.
Ang mga tabloid ay Tagalog. Hindi yung malalim na Tagalog sa paaralan kungdi ang Tagalog na salita ng Pilipino sa pangaraw-araw nilang pamumuhay.
Tuwang-tuwa ako magbasa ng mga tabloid. Lalo pa tungkol sa eskandalo sa .Iba ang dating ng Tagalog. Malutong. Ma-emosyon kasi tayong Pilipino at iyon ay kuhang-kuha ng Tagalog at hindi na ma- translate sa English.
Binabasa ko ang away ni Nadia Montenegro at Christy Fermin at bilib naman ako sa ganda ng kanilang Tagalog. (Kung hindi mo alam na ang ugat ng away ni Nadia at ni Cristy ay ang pag-tanggal ni Gabby Concepcion kay Rose Flaminiano bilang manager, marami kang na-miss. Magtanong ka sa iyong kapitbahay.)
May pinasabog si Cristy tungkol sa isang sanggol “hinugot sa sinapupunan” raw ni Nadia ngunit tinago niya sa kanyang pamilya at ng kanyang karelasyon. Kuhang-kuha talaga ng salitang “hinugot sa sinapupunan” ang pag-panganak.
Makulay ang sagot ni Nadia: “Sinasabi nyong sawsawan ako. Baka itong sawsawan at bawang na ito ang makakapagtanggal ng isang lumot na kagaya niya sa showbiz!”
Paano mo masalin sa English yan?
Naitago ko itong lecture ni Marina Feleo-Gonzales, manunulat sa pelikula. Si Marina ang scriptwriter ang pelikula ni Nora Aunor tungkol sa U.S military base sa Pilipinas na ang pamagat ay “ Minsa’y isang Gamu-Gamo”.
Sabi ni Marina: “Nang ako’y magsimulang magsulat sa pelikula, natuklasan ko na may kakaibang kahulugan pala ang salitang ‘birhen’ pag ginamit sa pelikula. Tulad noong titulong “Sumigaw ang Birhen”. Hindi ibig sabihin noon eh si mama mary na itinuro sa atin sa simbahan. ‘Nang Bumuka ang Sampaguita’ ay hindi ibig sabihin nito’y ang pambansang bulaklak na nagsimula nang mamulaklak.
“Ang manunulat, sa titulo pa lang ay naka-kadena na ang kamay sa takilya. Kailangan ang titulo ay yung doble ang kahulugan.
“Bilang manunulat, tutuparin ba ninyo ang naka-atang na panagutang makisangkot sa pagtatag ng isang mulat na madla at nang sa gayo’y maging mabisa tayong ahentew ng pagbabago ng lipunan?O kayo ba’y magtetengang-kawali at tutulad sa ibang bayaran na walang nakikita, walang naririnig, walang sasabihin? Nasa inyo ang pagpasiya.”
Ang ganda ng Tagalog, di ba?
Ellen says: Ang ganda ng Tagalog, di ba?
+++++++++++++
Naala-ala ko tuloy ang weather-weather na mga kuwento kay erap. Tinanong daw si erap na espelingin ang “vagina”. Nagkamot ng ulo at sabi: ” nasa dulo ng dila ko yan kagabi …”
I enjoy the sights for all ages on almost every page of any tabloid. I see many are reading it because its in the patois we understand,these papers are cheap. Someone said in Spanish that anyone who cant speak his own language stinks like a fish. Takot lang ako baka mapag-iwanna tayo ng ibang bansa sa English balang araw. Mahirap yan ibailout.
Being bisaya may tagalog is bako bako..and at STC it was a second language..as almost all books were not local..we had American literature. Shakespeare, etc. During my time there was a rule in school sa San Jose…”speak English” and may multa ka..I refused to and because of my disobedience na suspend ako..and was sent to the nuns…nagdoble ang problema ko kasi hindi lang speak English but also speak Spanish..and I got a grade of D in character and conduct and that was why napadpad ako sa Manila.
cor: “my tagalog”.
the bisayans have the “Yuhum” which is written in kinaray-a..the words are more descriptive. youg kanta na
Waay Angay..how can you translate into English the lines..
“ang nagaagay ko nga luha” my flowing tears? how can you sing that with feeling..hindi malambing…or that song that we use to say..”si inday budakdak diin si Nnanay mo..rugto sa may tapog naga digamo.napaso ang bibig na taltal ang onto nagsingit ay abaw Ginoo? I am sure each of our dialects has a beauty of its own..more descriptive..picturesque, etc.
The oldies but goodies song “Cry me a River”, literally translate in tagalog as “Iyakan mo ako ng Ilog”. Quite corny but ganoon yata ang translation.
Maraming marunong pag tabloid and binabasa, their IQ goes up, daig pa ang mga lawyers. Pag tinanung mo “one plus one” ang sagot eh “three!!”
magandang panimula kung palawakin natin sa 3 aspeto ang lengguwahe:
una, idagdag ang mga katangi-tanging balarila o bokabularyo na ginagamit sa ibang rehiyon na mas angkop; hal. ang hamog sa Tagalog, ay mas malapit sa mildew, kung English.
walang eksaktong katumbas na salita ang Tagalog kung English’ fog or foggy (a weather condition) ang paguusapan.
pero ang mga residente nakapaligid sa Mt. Apo may may tawag dito: da-bon.
ganun din sa salitang ashtray, wala rin pormal na katumbas sa Tagalog pero, ang mga Maranao ng Lanao ay may tawag dito.
kahit wala akong pormal na pagbibilang, tiyak na maraming sitwasyong ganito ang matatagpuan sa Tagalog. hindi masama, sa aking opinyon, kung isulong natin ang pagpalawak, sa paraan ng ‘incorporating’ ng iba’t-ibang dilang rehiyunal (regional tongues).
pangalawa, bilang resulta ng mungkahi sa itaas, itigil o iwasan natin ang pagtawag sa kanya bilang Tagalog. ipalit imbes ang Pilipino—salamin ng konseptong mula Aparri hanggang Jolo.
pangatlo, simulan, ASAP, ang pagsawikang Pilipino sa mga literaturang may kinalaman sa batas : ang Konstitusyon, Revised Penal Code(s), at Rules of Court.
(at nang mapabilis ang realisasyon ng taongbayan sa kahungkagan, at kontradiksyon ng kasalukuyang sistemang poli-ekonomika.)
Galing kay Katmon:
Gusto ko lang po sana na sabihin sa inyo na hindi po Tagalog ang tawag sa ating pambansang salita kundi po Filipino kahit ito po ay hango sa dayalekto ng mga Tagalog.
Para po sana hindi makasama sa mga kababayan natin na hindi naman po taga Tagalog region na kung saan ang Tagalog ang dayalekto eh sana po ang lagi nating gamitin kung ang tinutukoy po natin ay ang salita ng bawat Pilipino ay dapat po ay Filipino.
Ang mga pahayagan po kasi lalong lalo na ang tabloid ay hindi lang naman sa Maynila binibenta kundi sa buong Pilipinas at hindi po maganda na mababasa ng mga Visaya o Ilokano na ang kanilang binabasa ay nakasulat sa Tagalog ayon sa sinabi ninyo. Ako po ay taga Laguna.
More power po at salamat,
Gumagalang
Katmon hong kong
Galing kay Eric:
At sa iyong pitak sa araw na ito ay isang katotohanang hindi maitatanggi na talagang maganda ang salitang tagalog para din sa akin. Kaya naman ako ay lubhang nanlulumo kapag nakakarinig ng mga kapwa Pilipino na sumasagot sa wikang English gayong ang katanungan naman ay wikang tagalog.
Parang isang lantarang pambabastos sa ating wika at pagpapawalang halaga sa kawikaang; “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Nauunawaan pa kaya ng mga Pilipino ito? Napapanahon din siguro na dapat ay laging ipaalala sa lahat ang kahalagahang mahalin ang sariling wika hindi lamang tuwing darating ang “Linggo ng wikang Tagalog.”
Pagpalain ka ng Panginoong Diyos at nawa ay patuloy ka pang bigyan Niya ng karunungan sa pagsusulat mo sa iyong pitak sa Abante. Purihin ang Diyos sa buhay mo.
Ang dialektong Tagalog ang pinagbasehan ng pambansang wikang Pilipino kaya meron pang kalituhan tungkol dito. Hindi ko lubos na alam kung bakit pero sa praktikal kong pagkakaalam ay sapagkat Tagalog ang ginagamit sa central Pinas kung nasaan ang gobyernong central.
Sana ay palawigin ang salitang pambansa, gawin itong buhay.
Galing kay Delfin:
Pagkakaalam ko nga po ay Bisaya ang pinagmulan ninyo pero maigting ang pagsuporta ninyo sa paggamit ng ating lokal na wika bilang instrumento nang komunikasyon.
Sa pagkakaunawa ko lamang po, hindi Tagalog ang inyong tinutukoy ninyong wika kundi Filipino.
Mabuhay po kayo. Salamat po.
Delfin C. Suministrado
Wala nang sasarap na pakinggan pa kesa sa wikang pambansa kahit baku-bako ang pagsasalita.
***
Sa Amerika nga, yung mga New Yorkers at Hollywood kapag napunta sa Appalachian ay hindi na magkaintindihan. Parehong Inglis ang gamit pero sa Appalachian ay may lokal Inglis sila na sinasabayan pa ng Southern accent. Ayun, hindi rin 100% na magkaintindihan.
Rose,
Gusto ko ang tagalog version mo. Enjoy ako na magbasa ng iyong poste dahil sa samut-sari na tagalog at bisaya antique. Very very nice trying, heheh.
Agree Tita Ellen! Even in comedy writing at pati na sa mga comedy clubs, maganda ang dating nang punches in Tagalog. Yan ang isang reason kung bakit halo-halong balikwang english, tagalog at swardspeak ang lenggwahe sa palasyo ko dahil napansin ko yong mga bisita ko kinikilig pag nakaka-amoy nang dinikdik na gumamela hehehe!
Achaka eto pa, pag ako nanggagalaiti sa mga bwizet na kukeyshan sa trabaho minumura ko nang tagalog! Very useful ever talaga! Subukan nyo! hahaha!
totoong masarap pakinggan ang tagalog, mas may tama, mas may pintig sa damdamin. maalala ko si Padre Roque Ferriols, SJ ng Ateneo at ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa wikang tagalog. Ito ay repleksyon hindi lamang ng karunungan ng ating salinlahi, kundi pati na rin ng ating diwa at kalooban bilang Pinoy. Ang salitang tagalog, pag ito’y ginamit, ay tunog totoo, parang nagmumula sa puso at hindi sa kaibabawan ng isip lamang. pag ito ay ginamit, personal at malalim ang pakikitungo sa nakakausap, at mas nauunawaan ang tlgang ibig ipahiwatig.
masabi ko lang, habang binabasa ko ang headings ng blog na ito sa tagal kong hindi pagdalaw dito, nakikita ko na parang may basbas ng langit ang mga nakasulat dito. naka-tala sa blog na ito ang pinakamahahalagang pangyayari sa buhay ng Pilipino at ng kanyang pakikibaka sa pagkakaroon ng mas maayos na buhay sa bansa. di tulad ng ibang usapin sa negosyo, ekonomiya o kung anuman, parang huling huli ng blog na ito ang mga sistema ng halaga na pinasusubali ng nakararami para sa pragmatikong mithiin. pinapatunayan ng blog na ito na may mga bagay, gawain o ideya na mas mahalaga, at iyun ang pagmamahal sa bansa, at ang pagiging masigasig at tapat sa mga halagang ating ipinaglalaban. ang pakikiabakang ito ay halaga na mismo. kung anuman ang katapusan ay hindi na mahalaga. ang importante ay tumayo tayo at lumaban para sa tama at sa dapat. yung halaga ay nasa pakikibaka mismo.
Is the present day Tagalog spoken nationwide is the evolved Filipino language? MLQ started it decades ago.
ARTICLE XIV
LANGUAGE
Section 6. The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.
Chi: hirap talaga ako sa Wikang Pambansa as we called it then..our class in Tagalog..I had to read Tagalog klasiks.
Liwayway, and listened to all the soap operas..from Ramon Selga to Imelda (not Marcos). Mayor Villegas used to declare June as the month for the Wikang Pambansa..we had our organzation election meeting..Pres..Pangulo, etc. I was the secretary (kalihim) and I got stuck on PRO kaya ang translation ko…tagakalat ng balita. Ang galit sa akin ng kaibigan ko..bakit ko daw siya ginawang tsismosa.
Hahaha! PRO is tagakalat ng balita translated to Pilipino. Rose, e tsimosa nga ang perpektong translation niyan. Sumakit ng panga ko sa tawa!
My bisaya untie-in-law spoke like a native tagalog. Nag-aral din siya ng wikang pambansa by reading komiks sa tagalog dialect in her teens. Inggit na inggit sa kanya ang aking mader dear-in-law na ang pagkausap sa akin ay mix-mix cebuano and tagalog may halo pang fokien, madarin at inglis.
Kaya nga ako galit a galit doon sa mga unggoy na nagsasabing mas kailangan ng mga pilipino ang ingles. Kaya nga hindi nagkakaintindihan ang mga pilipino kasi pa-ingles-ingles, di naman yata naiintindihan talaga ang ingles samantalang mas madali silang magkakaintindihan kung mamahalin nila ang kanilang sariling wikang pambansa.
Si Gloria Dorobo nga kung mag-ingles, ang samang pakinggan, pero tignan mo naman ang yabang ng ungas. Taon-taon nagtatalumpati sa UN kahit na ang nakikinig lang naman ay iyong mga kasama niyang tagapalakpak niya na bayad ng mga nagbabayad ng buwis ang panglakbay. Iyan ang abuso! Dapat diyan sinusupil!
Nabggit ninyo yang komiks, hindi ko malilimutan na ang pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino ay ito:
Ang Pilipino, Komiks. Ang Tagalog, Klasiks!
Sabi ng kakilala kong paring Italyano na matatas mag-Tagalog, iba ang Tagalog sa mahigit na sampung lengguwahe na kaya niyang wikain. Diretso at simple daw ang konstruksyon at maaaring i-translate sa English ng word-for-word ng walang pagbabago o epekto sa ideya ng pangungusap. Dalawang salita daw ang kanyang paborito dahil bihira ang mga lengguwaheng merong ganoong katumbas, yung “ano” at “kuwan” na ginagamit nating pampuno kung di maalala ang tamang pangngalan (noun) kayawala sa ating nagii-stammer ng aaahm…aaa…lagyan mo lang ng kuwan, solb na!
Ewan ko na lang kung hindi ninyo ma-kuwan yung ano ng kuwan sa ano.
Dito sa Pasay, ang mga tao ay sanay na sa lengguwaheng “datkilab” o baliktad. Sa araw-araw na pag-gamit nito ay marami na ritong eksperto sa pagbaliktad ng mga salita na kung baguhan ka ay hindi mo agad mahuhuli dahil akala mo natural na dialect lamang.
Hindi mo kaagad mahuhuli na ang “Kawatnilab Iratnemele Looks” pala ay Balintawak Elementary School.
Pag “yumakas ka ng lekisyart mula Datrebil hanggang Adnotor, etneb oknis and dayab” ibig sabihin, pag sumakay ka ng tricycle mula Libertad hanngang Rotonda, bentesinko ang bayad.
Pati nga carolling kinakanta ng mga bata ng baliktad yung lyrics ng Noche Buena. “…di ba echon aneub sa gnibag oti, at sakub ay wara ng oksap”.
Ewan ko na lang kung hindi ninyo ma-kuwan yung ano ng kuwan sa ano.- Tongue
Hahaha!!! Ang madalas sabihin ni hubby kapag ganyan ang salita ko ay ito: “Ituloy mo ang gusto mong sabihin”.
The lingua franca in many major and even small ports is our national language and Illonggo and Cebuano and Ilokano. In Brazilian ports the ladies there even dye their hair blonde which our seamen prefers. They dont quarrel in Portuguese.
Galing kay Ariel Aparejo:
Ellen, dito sa California pag ayaw naming maintidihan ng mga Hispanic nagpipilipino kami. Pero ang pilipino namin ay hindi yung hango sa espanyol, kung hindi maaaring maintindihan kami. Halimbawa sitwasyon gagamitin namin eh kalagayan o kaya eh sistema gamit namin eh pamamaraan.
Si Senator Escudero madalas magpilipino sa mga panayam sa kanya pero kadalasan eh hango sa spanish ang mga kataga.
Nakakatawa pala ako, Ariel.
Ang mga salita kasing hindi hango sa espanyol ay kadalaang ginagamit sa panulat na pormal o semi-pormal, bagaman at madalas ko ring marinig sa mga likas na taga-tagalog region. Ang mga salitang may hawa ng espanyol ay sa pagsasalita madalas na ginagagamit dahil ang verbal expression ay tuloy-tuloy at may pagka-impormal, at ito na rin ang madalas na ginagamit sa mga tabloid ngayon para may konek kaagad sa bumabasa.
Talagang ikararangal ng ating lahi ang ating wikang tagalog. Sana ay mag – aral na mabuti ang ating mga senador at mga nanunungkulan sa pamahalaan na magbigkas ng tagalog sa kanilang ginagawang pagtatalumpati at mga pagdinig. Kapag binalikan natin ang mga aral ni Gat Jose Rizal na sinabi niya ang ganito ” Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”
poly…,
did he express that line in tagalog?
Dun ako naguguluhan kay Rizal, Val. Ang mga sikat niyang tula at nobela ay sa wikang Espanyol inilathala. Que barbaridad!