Skip to content

Tagapagtanggol ng mga kriminal

Pinapalabas nina Justice Secretary Raul Gonzalez at Executive Secretary Eduardo Ermita na nagbayad na sina Claudio Teehankee, Jr. at Rolito Go, mga kilalang kriminal, sa pamilya ng kanilang mga pinatay kaya pwede na silang pakawalan.

Mali! Kaya nang-gagalaiti sa galit ang pamilyang Hultman, mga magulang ni Maureen Hultman, na pinatay ni Teehankee noong 1991, kasama ang kanyang kaibigan na si Roland Chapman. Ganoon din si Grace Maguan, kapatid ni Eldon, na pinatay ni Rolito Go dahil sa alitan sa traffic noong 1991.

Pinakawalan si Teehankee noong Biyernes na walang konsultasyon sa kanyang mga biktima. Sinabi pa ni Ermita na hindi naman daw humarang sina Hultman sa pagbigay ng clemency kay Teehankee. Yun daw ang basehan ng desisyon ni Gloria Arroyo.

Lokohin nya ang lelong niya. Paano naman haharang ang mga Hultman at hindi naman sinabi sa kanila na palalayain na ang pumatay ng anak nila. Sabi ni Andes Hultman, ang stepfather ni Maureen na nasa Sweden ngayon, “We are shocked and angry. It was out of the blue and completely unexpected.”

Sa kaso ni Rolito Go, kaya nalalaman nina Grace na inaayos na ngayon ang clemency ni Go dahil talagang tinututukan nila ang kaso dito. Mismo si Oscar Calderon, director ng Bureau of Corrections, ang nagkumpirma na umuusad na papeles ni Go para sa clemency.

Yung tungkol naman sa pera, sabi ni Grace Maguan, civil damages yun at iba yun sa ciminal liability na dapat pagdusahan ng pumatay. Hindi ibig sabihin na kapag nagbayad siya ng civil damages, maari na siyang lumaya. Yan kasi ang gustong palabasin ni Ermita.

Sa kaso ni Eldon, inutusan ng korte si Go na magbayad ng P3.7 milyon sa mga Maguan. Yun ang estimate ng kikitain ni Eldon kung siya ay nabuhay.

Masyadong maliit nga ang P3.7 milyon. Bagong graduate si Eldon nang binaril siya ni Go. Lumabas lang si Eldon para bumili ng pizza. One way ang kalye na tinatahak ng kanyang kotse ng masalubong niya si Go. Naiinis ang mayabang na si Go na hindi mag-backout si Eldon kahit mali siya. Binaril niya.

Noong nililitis pa ang kaso, maraming insulto ang natanggap ng pamilyang Maguan sa pamilyang Go. Pati noon sa media namudmud ng pera si Rolito Go. Nasabit din noon ang National Press Club. Tanungin nyo si Bobby Capco, dating press assistant secretary ni Gloria Arroyo na ngayon ay isa sa media handlers ni Mar Roxas. Alam na alam niya yun.

Sabi ni Grace hindi siyang naniniwala na pinagsisihan ni Go ang kanyang ginawa. Sa katagal-tagal na panahon, hindi humingi ng tawad si Go. Ngayon na nag-apply siya ng clemency at kailangan ang patawan ng pamilya nila, sasabihin niya “Sorry.” “Panloloko yun,” sabi ni Grace.

Mukhang malambot talaga ang puso ni Gloria Arroyo sa mga kriminal.Lalo pa ang may pera at sumusuporta sa kanyang pekeng pagka-presidente. Huwag natin kalimutan na ang kapatid ni Claudio Teehankee Jr ay si Manuel “Dondie” Teehankee , dating justice undersecretary (kung saan ang Bureau of Prisons ay sakop niya) na ngayon ay ambassador to the World Trade Organisation sa Geneva.

Di ba noon pinakawalan na rin ni Arroyo si Romeo Jalosjos, ang congressman na nang-rape ng batang babae na congressman. Binisita pa ni Arroyo yun sa kulungan. Palagi kasi siyang panalo sa Dapitan.

At nasaan na ba si dating congressman Jose Villarosa, ang dapat nakakulong na asawa ni Rep. Amelita Villarosa, dating close kay dating House Speaker Jose de Venecia na ngayon ay dikit na dikit kay Arroyo?

Published inWeb Links

73 Comments

  1. andres andres

    Talagang malapit ang puso ng isang kriminal sa mga kapwa kriminal. Naiintindihan kasi nila ang kalagayan ng isa’t-isa.

  2. This abuse of their positions by these corrupt government officials whom we put our trust is not surprising at all. These people that are beholden to POTUS need to have a trip to the confession chambers to confess their sins and hypocrisy.Have they got a pang or prick of conscience when the shoe is on the other foot?

    This only mean one thing!Justice is only for the rich and influenced.If you commit crimes, you wish you’re like Claudio Teehankee Jr.You can be granted executive clemency.You see Amigo! you are rotten in jail because you are poor. Teehankee was freed after 14 years. How many prisoners remain in jail for more than 14 years because they are poor and could not afford a lawyer who would work for their release? With the country’s glaringly corrupt judicial system it is very hard to believe that the above legal treatment of the rich is purely in there interests.

    What makes it more absurd is that some judges have used the picture of Ninoy in a bundle of peso in their verdict. Who cares? if it fails to comply with the court’s ruling. It is clear that the judges had no respect for their own country and people. The currency issue merely indicates the poor awareness of the judges in enforcing the law. The verdict also shows how law enforcers, once again, have ignored the principle of lex specialis derogat lex generalis (the application of a specific, rather than a general, law) The judges can no doubt cite any number of legal justifications in defence of their decision, We do not wish to say that the rich is free from mistakes, nor is it our intention to claim that the rich is untouchable and can use its freedom as it wants, without restriction.—Who’s next? Rolito GO.

  3. Hindi pa tapos ang laban ng mga Maguan. Meron pang paraan. “Ipatrabaho” na nila iyan sa loob ng bilibid bago pa makalaya.

  4. chi chi

    Agree, Tongue!

  5. luzviminda luzviminda

    Corruption in the Philippines is all over our institutions. Corruption has reached our Judicial system. Wala ng aasahan pa ang mamamayang Pilipino na makakakuha pa ng katarungan sa ilalim ng gobyerno ( o Sindikato) ni Gloria. Ina-anay na talaga! Ano mang ina-nay ay dapat nang buwagin at sunugin!

  6. luzviminda luzviminda

    Tongue, mukhang medyo mahirap yan kasi yung mga pulis at warden ang bodyguard ng mga iyan.

  7. chi chi

    Inililihis at ginagawang tanga na naman ng dalawang amoy imburnal Gonzales at Ermita ang mga tao. Binayaran na raw ni Teehankee at Go ang pamilya na kanilang pinatay kaya dapat lang na lumaya na ang murderers. Kung ganyan ang lohika nila tungkol sa civil damages, dapat lahat ng murderers na nagbayad na ng damages sa mga naiwan ng mga biktima ay palayain na rin.

    Saan kaya pagagalain ni Gloria si Teehankee at Go? Mag-ingat ang mga kaaway ni Gloria, dalawang murderers ang magmamatyag sa inyo.

  8. May katapat ring kwarta ang mga iyan. May kaya sila Eldon. Maraming titira sa loob, kapalit ng konting pera, lalo na kung malaking kwarta.

  9. chi chi

    Magtatayo yata si Gloria ng coven of murderers at siya ang high priestess!

  10. luzviminda luzviminda

    At si Raul Gunggongzales eh talagang kampon na ni Satanas. He has mocked the Hultman family and used the name of Jesus Christ in vain. Hell is waiting for him.

  11. chi chi

    palayain…(sus galit pa dahil sa ginawa ng SC kay Trillanes).

    Dapat manalo na ako ng lotto, meron akong popondohan ng malaki!

  12. Kamuntik na ngang nansuntukan si Taning at Jesus dahil sa Gunggong na iyan.Gusto ni Jesus ay alisin na siya lupa,tumangi naman si Taning dahil kulang pa raw ang narerecruit niyang kasamahan niyang sa gobyerno para sa bakanteng colony na naka resrve sa kanila sa impierno at pinagsabihan si Jesus na kung ayaw niyang tangapin si Gonzales sa langit ay ibalik niya sa lupa.

  13. luzviminda luzviminda

    Cocoy, yang pagpapalaya sa mga kriminal (mga kasangga nila) ang isa sa mga assignment ni Taning kay Gunggongzales sa lupa.

  14. chi chi

    Nasa lupa ng may walong taon na si Taning. Siya ang hepe diyan sa EK.

  15. Gabriela Gabriela

    Lahat na kriminal pinapalabas. Mga makabayang sundalo (trillanes, Lim, Querubin,at ang kanilang mga kasamahan) patuloy na kinukulong.

    Kailan pa ba matapos itong bulok na administrasyon ni Arroyo?

  16. Gabriela: “Lahat na kriminal pinapalabas.

    Siyempre naman, sa dami nilang papalit, mahirap kung masikip!

  17. deanr deanr

    grabe ang sagot ng justice secretary sa mga tanong.

    MANILA, Philippines — File your complaint before “Jesus Christ.”

    This was the advice of Justice Secretary Raul Gonzalez to the family of Maureen Hultman and those who have any objection to the executive clemency granted by President Gloria Macapagal Arroyo to convicted murderer Claudio Teehankee Jr.

    Teehankee was convicted in 1992 of murder for the death of Maureen Hultman, then 17 years old; of homicide for the death of Roland John Chapman, 21; and of frustrated murder for the wounding of Jussi Leino, 24.

    But he had been locked in jail since July 24, 1991, two weeks after the sensational crime took place on July 13, 1991 at the plush Dasmariňas Village in Makati City.

    In an interview with the reporters on Wednesday, Gonzales was asked where those who are objecting to the release may file their appeal and he answered: “Kay Jesus Christ.”

    ginamit pa nila si Jesus Christ sa mga katarantaduhan nila! Sabagay pwede nga na doon sila mag appeal at tutal hindi naman makikita ng kampon ni gonzales at gloria si jesus christ. Diyos na ang bahala sa mga nang-aapi at naaapi!

  18. myrna myrna

    talagang birds of the same feather flock together. hehehe.

    malambot ang puso ni gma sa mga katulad niya.

  19. myrna myrna

    ito talaga si raul gonzales, pag magsalita, parang walang kamatayan. nakalampas lang sa krisis arogante pa yata ang pagkagamit ng pangalan ni Hesus sa pagbigay ng komento dito sa pagpalaya kay teehankee.

    sige, magpakasaya siya. mabubura rin siya sa mundong ibabaw, tingnan natin kung anong mangyari sa kanya.

    arrogant bastards!!!

  20. deanr deanr

    mga kaibigan! sana sa susunod na election wag ka kayo boboto ng presidente na tulad ng pandak na yan! lalo ng nawalan ng pag asa ang mga mahihirap sa mga pag nanakaw nila at pag dating sa hustisya!
    Makikita nyo kung sino ang mga masasamang tao. Si gonzales muntik lang! si FG muntik lang! pero ang mga mababait mabilis! isang atake lang tapos na. Si FPJ isa lang tapos na ang laban nya!:( Pero mabuti na rin yon kasi mabahiran pa sya ng kasamaan sa politika db.

    Sino ang dapat iboto sa susunod? Or does it still matter kung sino ang iboto nyo? tutal dadayain din naman ng mga kampon ni abalos ang election db? Ganyan ang mga demonyo! kahit wala na sila sa pwesto demonyo pa rin sila.

  21. visualinked visualinked

    Ito lang ang masasabi ko. Sana maranasan ng mga nasa pwesto na mabaril ang kanilang kaanak sa walang ka-kwenta-kwentang dahilan at tingnan ko lang kung ganun pa rin ang kanilang sasabihin sa mga kriminal.

    Sana mangyari sa kaanak nina ermita o gonzales ang katulad sa nangyari nila hultman at maguan at tingnan ko lang kung anu ang kanilang sasabihin pag napalaya ang isang kriminal.

  22. martina martina

    Kung makalaya at mag reoffend iyang mga kriminal na mga iyan, hope immediate family ng mga naglakad at nag approve ng kanilang parole ang next victim or victims.

  23. vic vic

    When did the Philippines incorporate the Sharia Law into its Penal Code according to the Justice Department the Blood Money was already paid out, it was OK for Teehankee to go? or it was just again part of the Executive Prerogatives? I think and I believe GMA admin destruction of the Institution been complete..

  24. rose rose

    Death of Justice: it is our tradition that we would have prayers for 40 days after death. Ano kaya kung magkaroon ng 40 requiem masses for the death of justice..39 parishes would hold a requiem mass each day and on the 40th day gawin sa malaking venue. Maglagay ng ataul at ilagay ang mga larawan ni putot, siraulo, ermita, the supreme court justices, the court of appeals justices, etc. ang wreath should be made of baho baho flowers..(may tanim na baho baho) at the end of the last mass burn the coffin with the pictures..cremation. who knows on the third day magkakaroon ng resurrection at matauhan na ang mga ito..ang mga nagbulagbulagan, ang mga nagbingibingihan at mga nagtulogtulogan ng mga justices…like Azcuna, Puno,etc. ay magising..who knows babalik na ang tunay na justice..with prayers miracles can and may happen. Anong say mo Fr. Bernas?

  25. rose rose

    Naitanong ko si Fr. Bernas, kasi alam ko na constitution expert siya. Alam ko din na magkaklase sila ni Azcuna. I am quite sure na kilala niya si Camilo Sabio…kaya lang I am almost certain Fr. Bernas would be polite..mga Atenista ang ilan sa mga ito..and beside hindi ba sabi mo BE si Lollipop will wed a nephew of Fr. Bernas? baka tainted na
    ang pagiisip ni Pader..In the early 60s maglaroon ng leakage sa bar exams and at that time nakikita ko ang mga ito…Bernas, Azcuna, Ssbio. Francis Garchitorena sa Ateneo Padre Faura canteen…o kaya sa misa..sa chapel…there is hope that we will have true justice…prayers and as siraulo said we can appeal and we should appeal kay Jesus Christ…

  26. Golberg Golberg

    Wala na kasing death penalty ngayon kaya nang-gagalaiti tayo.
    Wala na yung katagang “Kung ano ang inutang, siya rin ang kabayaran.” Kaya lang di tayo ang dapat gumawa noon kasi may gobyerno. Ang problema yung gobyerno, peke.

    May punto sa pagpapatawad ng isang kriminal. Ang mali, sa kasong ito, hindi kinunsulta yung mga naiwang pamilya nung biktima. Insulto sa kanila iyan. Kaya ngayon lalong malakas ang loob ng ibang kriminal, lalo na yung maraming pera. Bayad ka, magandang behaviour, padasal dasal konti, laya na.

    Naalala ko tuloy si Garcia Moreno. Yung dating aid niya na minahal niya naging sundalo. Sinuntok yung higher officer niya dahil lang sa isang simpleng bagay na madadaan sa usapan. Nung makarating kay Moreno ang balita, nagpasya siya na hatulan ng kamatayan yung dating aid niya. Di kasi umiral yung military discipline. Masakit para kay Moreno yung pasya niya pero pinanindigan niya ang pasya niya.

  27. Golberg Golberg

    Noon, kapag bala ang ginamit mo para katakutan ka, bala rin ang gagamitin para patigilin ka sa kahangalan mo. Lumambot na ang prinsipyo ng tao. Pinabomba minsan ang isang parte ng Mindanao dahil sa mga ungas na MILF. Nagalit si Sin dahil di daw makatao. Pero hindi din naman makatao yung ginawa ng kabila sa mga sundalo at sibilyan.

    Ngayon, lumalaya ang mga kriminal at yung iba ay malaya din sa pag-gawa ng krimen kasi may pardon nga namang naghihintay sa loob ng piitan. Yung nakararaming kriminal hanggang makakatakas sa batas tatakas talaga hanggang mahuli. Pero walang paki-alam sa mga buhay na sinira nila.

  28. Nakakalungkot isipin na dahil lang sa iilang gago nahahatak pailalim ang kalagayan ng maraming matitino.

    Napaka-basic ng ating problema, at parang di nag-aaral sa mga unibersidad ang mga may pakana nito.

    Pinaglalaruan na lang ang mga letra ng batas sa halip na isabuhay ang diwa nito.

    Bobo na, Gago pa!

  29. andres andres

    Mukhang may masamang balak nanaman si Evil Gloria at mga kampon nito! Baka nagtatayon ng ‘Hit Squad’ para upakan ang mga kalaban sa pulitika!

    Una, ginawang Deputy National Security Adviser si Chavit Singson, ang pinakamataas sa lahat ng mga mamamatay tao at mga kriminal. Pangalawa, pinalalaya isa-isa ang mga kilalang kriminal tulad ni Teehankee at baka malapit na rin si Rolito Go! Mukhang mga Assassin ang grupong pangungunahan ni Savit Singson upang mapatahimik ang mga kalaban ni Evil Bitch!!!

    Kawawa naman ang bayan, mga kriminal, pinakawalan, mga magigiting ng kawal, patuloy na pinahihirapan! Talagang malapit sa mga kriminal ang puso ni Evil Bitch!!!

    Mahal niya ang kapwa niya!

  30. Dang!!! I could only sratch my head in disbelief!!!

  31. myrna myrna

    at para gawin si defensor na pinuno ng pnr, talagang may malaking raket na naman na nakataya!!!

  32. Pero, ok lang ‘ata sa Pinoy. Di naman nagrereklamo, eh. Kulang pa ‘ata ang pahirap. Kaya itodo mo na Glue!

    Kaya pa ng Pinoy.

  33. jackryan jackryan

    di na ako magtaka kung meron na naman napag uusapang bago sa gobyerno ni gloria. kapag meron malaking isyung kinasasangkutan si gloria at ang kanyang mga alipores meron bagong isyung pag uusapan upang ilihis ang mga tunay na isyung dapat kalkalin sa kanilang mga baul! hay… ang media naman nagkakandarapa sa makakuha ng balita sa mga bagong isyung pinasasabog ng gobyernong gloria kaya ayun ung dapat tutukan nilang tunay na issue napanis na. at pag binalikan ang isyu sasabihin ni gloria at ng mga alagad dapat natin tutukan ang problema ng bansa at hindi ang mga tsismis lang at haka haka. sa totoo lang bilib ako sa mga spin doctors ni gloria ang gagaling gumawa ng mga palusot! hehehe i salute you! (in your dreams!) hahaha!

  34. norpil norpil

    nahihirapan akong intindihin itong paggamit nila ng pangalan ni Jesus Christ. wala na silang galang kahit sa diyos nila, o kunwari lang na kristiano sila pero sa totoo ay pera ang kanilang diyos.

  35. bitchevil bitchevil

    Andres, the Big Shit Joker Arroyo used Erap as an example. He said people didn’t complain when Erap was pardoned, but now complain about Teehankee’s release. F…g Joker! Erap was charged for plunder which was a political decision while Teehankee killed two young people and injuring another.

    Norpil, this DOJ Sec. Raul Gonzalez is another old shit. Imagine, he told us to complain to Jesus about Gloria’s executive clemency on Teehankee saying there’s nothing we could do about that. How dare this old shit invoking the name of Jesus. May GAOTU bless us and the country!

  36. Tedanz Tedanz

    Sabi ng Malakanyang: “Claudio Teehankee Jr. did not “technically” receive executive clemency, but instead served out his prison term.”
    Ano ba talaga? Wala na bang magaling na mambabatas? Nasa kanila na ba lahat? Kung ano ano na lang ang interpretasyon na lumalabas sa mga pahayagan at mga balita. Ano ba talaga ang totoo?

  37. vic vic

    Now the Palace mouthpiece (whathisname Dureza?) is saying that it was not Clemency but Teehankee has served his sentence, just a matter of Computation. We all know how the Palace people do their Math 1+1 pare may 200 ka dito!!!

    And talking of DOJ Gonzalez, I think this man should either be in Retirement or Rehab…

  38. chi chi

    Murderer Teehankee already served his prison term? Shocking f…k!!! Two dead and one on the verge of death due to Teehankee’s (ano nga ba ang motibo????) temper, and he meted out only a life sentence with parole serving just 14 years of the sentence. ‘PAKENSYET’ talaga!

    Kanino ia-asssign ni Gloria si Teehankee as assassin?

  39. bitchevil bitchevil

    That’s why I believe death penalty should be restored. Gloria scratched it to save her own ass.

  40. jojovelas2005 jojovelas2005

    abolish DOJ or remove Gonzales. This is too much according to Gonzales “Hultmans are hypocrites who must jump into lake” (gmanews.tv)”. Ano ba yan Hultmans are the victims they have the right to complain instead na maging humble itong si Gonzales ang yabang pa.

  41. bitchevil bitchevil

    This old shit Raul has an uncontrollable mouth. He doesn’t care who he offends. I partly blame Lacson for appoving his confirmation. Lacson used to keep saying he would not confirm Gonzalez but later approved it just the same. Some of Gloria’s cabinet members have resigned due to health reasons; but this Raul still wants to keep his post despite his age and undergoing major kidney surgery/tranplant.

  42. chi chi

    Lobotomy was what siRaulo needed, not kidney transplant.

    Hindi mauubos ang bayad-utang ng pekeng pangulo sa siRaulo. Even if the pekeng pangulo can remove him from DOJ, she won’t. Raul is her pandora’s box, lahat ng diseases ni Gloria ay nakakahon kay gunggong.

  43. bitchevil bitchevil

    Another old shit, Presidential Legal Adviser Apostol resigned for unknown reason. I know he and Raul are not in the best of relationship. One is Ilonggo and the other is Waray.

  44. bitchevil bitchevil

    To Cocoy and other Fil-Ams residing in San Francisco:

    Could you do something about the young Filipino girls maybe 12, 13 or 14 years old who were selling their bodies right there at 6th and Mission at night? They are hooked on drugs and that their pimps are out there forcing them to sell their bodies just for shabu (methamphetamine) or cocaine.

    Their parents don’t know what they’re doing at night. Their parents were too busy working two low-paying jobs each just to make ends meet so they have no time to spend with their kids.

  45. deanr deanr

    dapat tayo naman ang mag labas ng pera para unahin si gonzales! ang kapal ng mukha ng matandang yon! Yan ba ang tinatawag nating may pinag aralan! maubos sana ang lahi nila sa mundo! dapat mamatay na silang lahat!

  46. Mike Mike

    Why I’m not surprised? Well, there’s a saying that says, “birds of the same feather, flock together.” Well, in their case, it’s “birds of the same feather, shit together.”

  47. eddfajardo eddfajardo

    Sobra sobra na talaga ang kabastusan nitong mga ampon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Pag nakita ko itong si Gunggong Gonzales kahit saan, pangako ko sa inyo, bibigyan ko siya ng leksyon. Gusto ko rin iparamdam sa kanya kung papaano mag complain kay Jesus Christ.

  48. kejotee kejotee

    Gonzalez, Gloria Arroyo’s justice secretary, advised the Hultmans: Complain to Jesus Christ:

    – – – – – – – – – –

    DOG na pala ngayon si gloria!! (daughter of god)

  49. chi chi

    Former Marines chief
    speaks out, hits detention

    A former Marines commandant yesterday criticized the Armed Forces leadership for his continued detention and those of his 27 co-accused in a supposed plot to overthrow the government almost three years ago.

    Speaking for the first time against the military leadership, Maj. Gen. Renato Miranda said there is no evidence against him and the 27 other Army and Marines officers facing court martial.

    “The Marine and Scout Ranger officers should not have been detained…A great injustice has been perpetrated and continues to be inflicted on the officers and men of the Marines and Scout Rangers detained allegedly for the February 2006 incident,” Miranda, the most senior among the accused, said in a statement through lawyer Trixie Angeles. (souce:Malaya)

    ***

    Ang sabi ni Yano kay Gen. Miranda: “be more prudent”.

    Yan na nga ba sinasabi ko sa simula pa lang e. Ang tagal na niya sa pwesto ay ganun pa rin ang sitwasyon ng Tanay boys. Basta nandyan pa si Gloria at Asspweron ay ‘ganun sila noon, ganun pa rin sila ngayon!.

  50. chi Says:
    Murderer Teehankee already served his prison term? Shocking f…k!!! Two dead and one on the verge of death due to Teehankee’s (ano nga ba ang motibo????) temper, and he meted out only a life sentence with parole serving just 14 years of the sentence.

    Paano yan, pwede na pala ang 14 years. Pag itinumba si Pandak at Taba, saka tapyasin ang dila niyang si Raul-O, sulit na ba yung 14 years?

  51. geronimo geronimo

    Talagang hayadan na ang panloloko (excuse my spelling if not right) ni Arroyo sa mga Pinoy, ang masama, pinababayaan naman siya. Basta may pera, okay lang kay Goya kahit na mag-iiyak o magreklamo ang mga nabiktima. Kailan kaya mag-aaction tayong mga mamayan? Pag wala na tayo dito sa mondo? Kawawa naman ang mga susunod sa atin, wala na silang kalayaan. Ano kaya nag puweding magawa ng mga mahihirap kung wala namang ginagawa ang mga mayroon? Kawawang Pinoy, kawawang bansa.

  52. rose rose

    …may nagsabi dito na ang pandesal sa atin is shrinking fast..ang laman ng pandesal sa ulo nila siraulo at joker arroyo ay tuyo na..wala ng laman..kaya nga kailangan mag appeal na tayo kay Jesus Christ..na sibakin na ang mga ito..change their hearts and mind…hopeless? we Catholics can ask St. Jude to intercede for us..impossible? we can ask St. Rita to intercede for us..
    tama change should come from within..if each of us will change, change for the better..ang sabi nga the Bible- words inspired by God..Alive and Active..ang sabi ko sa CCD class ko of Seven graders..God’s words are alive if we keep it alive in ourelves..it is active if we make it active..

  53. rose rose

    ang Bible study if not put alive and active in us..ay bale wala..may nangyari ba sa Bible study ni FG..baka natabunan ng taba ang utak!

  54. bitchevil bitchevil

    FG read a different bible…a small book being sold in Avenida during the 70s that features bed time story.

  55. norpil norpil

    bible study is one thing lacking among catholics but is quite normal among members of protestant churches. reasoning is that the bible is too complicated to comprehend and easy to be taken out of context. it is also said that the holy spirit will work on the person when one is baptised. problem is the holy spirit does not work at all to a lot of baptised persons.

  56. vic vic

    Sometimes I have the reason to believe that Mr. Raul Gonzalez just being vengeful because of his failing Health and that is very Sad for a man who has the opportunity to make a mark in his country History, but instead will be remembered “sooner” instead of later as one very Grumpy old Man..and a little out of Range (mentally)

  57. bitchevil bitchevil

    Raul Gonzalez is a dying old man. He knows he is going to hell; so he wants more people to go with him.

  58. Valdemar Valdemar

    I say again in here that the favored Filipinos of the administration are those heinous killers locally and abroad.

  59. Lacson is looking more and more appealing to be our next president, I’m pretty sure he’s not as forgiving as Erap and will pursue these scoundrels to the ends of the earth (or end their days on earth).
    …unfortunately whos going to bankroll him now that the rich elite are afraid of him?

  60. whos going to bankroll him now that the rich elite are afraid of him?

    We.

  61. bitchevil bitchevil

    Ping Lacson doesn’t have a strong political party, patrons. The Tsinoy Community loves him, though. He’s also INC’s favorite. But then, he has so far created more enemies than friends. Even Erap doesn’t seem to like him now.

  62. Ping’s top contributors are mining magnate-brothers Manny and Buddy and (Cong.) Ronnie Zamora. Robina Gokongwei is forever indebted to Lacson as she acknowledges she owes him her life after rescuing her from kidnappers. So are the Tsinoys who were rescued kidnap victims during Lacson’s stint as PAOCTF chief and later, as PNP Chief. Even the worst of the corrupt, Chavit, failed to bait him with grease. Just the kind of leader this country needs. Firm, strict disciplinarian, straight, with unwavering commitment against criminals.

  63. bitchevil bitchevil

    When Ping was PNP Chief, he refused the briber offers by gambling syndicates. As a result, he got the ire of the bad guys including corrupt journalists like Mon Tulfo. We sympathize with his lone crusade against criminality and corruption. Since the country is run and controlled by bad guys, Ping is very much disliked. Ping-Panlilio or Padaca team is perfect. Of course I would love to see Lacson-Trillanes team.

  64. bitchevil bitchevil

    Tactless, tasteless and totally insensitive — that is the justice secretary for you. Someone ought to tell Raul Gonzalez to go jump into the filthy Pasig River with his foul mouth. But who will do it? The President perhaps believes she needs a resident heckler in her Cabinet to drown out protests against the miscues and blunders of her administration.

  65. Tongue, Ronnie Zamora is now aligned with Villar.

  66. The very first day he assumed as PNP Chief, two corrupt snatcher-coddler KotongCops at Camachile Balintawak fell down when the two battled it out when apprehended by Ping’s Undercover Agents.

    Camachile is haven for cellphone snatchers. I lost my Nokia 7110 there.

    Of course, no one could ever forget when Crame was filled with “hot cars” being used by the Police themselves.

  67. bitchevil bitchevil

    The reason why Angara and Lacson parted ways was because of Ronnie Zamora. Now that Zamora is allied with Villar; and Angara is with Loren who are in the same group against Villar, do we see Angara aligning with Lacson again? Everything is possible in politics.

  68. tru blue tru blue

    BitchEvil: At the age you mentioned, once they’re hooked on any drugs, too difficult stopping such vice. Elements like peer-pressure, intimidation by their pimps causes them to abandon their dreams, if they have one. A casual friend’s 14 year old daughter is in that predicament as we speak, pimped around by her druggy pimp. Very sad.

    When Ping was running for the first time, I remembered he said: This is my time, pag natalo ako, hindi na ako tatakbo, by 2010 matanda na ako. This just shows POWER is an addiction.

    Raul’s disease makes him incohorrent and unreasonable. Some of you just might start writing your eulogy or a contest who has the best “obit”.

  69. bitchevil bitchevil

    I agree, tru blue. I also remember when Lacson was still with PNP…he said he would never enter politics because it’s dirty.

  70. bitchevil bitchevil

    As for Raul, at first I thought his new kidney was to blame. It could belong to an idiot donor. But when I look back at his past records and history, he was already that bad even before the kidney transplant.

  71. syria syria

    bitchevil, who among the presidentiables do you think can help improve the economy of our country? Lacson is indeed a proven crime and corruption buster but it seems that he lacks experience on economics. I prefer a president with proven background on economics like Mar Roxas. I believe crime and corruption will decrease if the economy is strong.

    Your answer to my question if teamed with Lacson might be a better choice than a Lacson-Trillanes team which is too military.

  72. bitchevil bitchevil

    syria, a leader doesn’t have to be an expert of everything. Lacson is expert on crime and security matters; but I’m sure he knows something about business and economics. And he can hire those who are experts in such field. Erap was not that highly educated; but he had the best cabinet and economic team.

Comments are closed.