Mabuti naman at pinagpatuloy ng bagong chief ng Philippine National Police na si Police Director Jesus Verzosa ang sinimulan ni dating PNP Chief Avelino Razon na pag-ban sa pagparada ng mga suspek sa krime sa media. Tinututulan ito ng Commission on Human Rights.
Hindi naman nakakatulong yan sa pagsugpo ng krimen.Ang trabaho ng pulis ay ang pigilan ang krimen, hindi yung magpasikat kapag nangyari na ang krimen ngunit hindi pa nakumpleto ang proseso ng hustisya.Kung palpak pa na katulad ng ginawa ni Gloria Arroyo kay Acza Ramirez, malaking paglabag pa yan sa karapatan pangtao. Krimen rin maparusahan ka ng wala kang kasalanan. At dapat parusahan din ang may kagagawan nun.
Maala-ala natin noong Agosto 2002 nagmadali pumunta sa opisina ng National Bureau of Investigation si Arroyo dahil sinabi ng mga sipsip na mga opisyal sa pangunguna ng NBI Director noon na si Reynaldo Wycoco na na-resolba na nila ang mga suspek sa P203 milyon na pangbu-bulsa ng tax ng mga opisyal sa Land Bank.
Ganadong-ganado si Arroyo magtuturo ng mga suspek kuno sa harap ng kamera.Si Acsa Ramirez, ang bank teller na siyang naka-diskubre ng raket at nagsumbong ay naka-upo sa isang tabi. Itinuro rin siya ni Arroyo na suspek. Biro mo nakita ng buong bayan. Shocked si Acsa. Kamuntik lang siya inatake sa puso.
Nang umalma siya kinabukasan, siyempre napahiya ang Malacañang at ang NBI. Pinanindigan ni Wycoco at pinipilit ns suspek raw talaga si Acsa kahit na sinabi na mismo ni gary Teves, ang presidente ng Land Bank noon na siya ang bng impormasyon na tumulong sa paghuli ng mga may pakana sa pagnanakaw ng pera ng bayan.
Ang tagal bago umamin ang Malacañang ng pagkakamali. Pinalabas pa na mabait si Arroyo ng inakap si Acsa. Plastik!
Ang gimik na magparada ng mga suspek sa harap ng kamera ay naging garapalan ng panahon ni Arroyo dahil gusto niyang ipakita na siga siya katulad ng kanyang inagawan ng pwesto na si Jospeh Estrada na mahal ng masa. Kaya lahat na suspek na pinaparada sa media noong una ay kasama siya. Kung hindi diya makasama sa presinto, dinadala sa Malacañang. Kaya may biro noon na kung gusto mong makapasok sa Malacañang gumawa ka ng krimen. Hindi ka lang makapasok sa palasyo. Makipag-kudakan ka pa kasama ang pekeng presidente.
Meron pa nga noon ng may pinatay na isang kilalang kriminal sa Cavite. Hinintay talaga si Arroyo bago dinala sa morgue. Dahil matagal siya dumating, nilangaw na ang bangkay. Kaya nang dumating siya, nakasama sa kudakan ang mga langaw.
Sabi ni CHR Chairperson Leila de Lima, nakalagay sa Constitution na kung hindi napatunayan na siya ang may kagagawan sa krimen, ang isang suspek ay inosente. Protektado ang kanyang karapatan ng batas.
Ilagay na lang kaya sa Friendster ang mga wanted pictures at madaling makikilala ng mga bata at dala pa sa isip hanggang pagtanda nila. Kung pumaltos man, di masama, baka may maging best friend pa sa ibang bansa. Wag ilagay ang mukha ni ma’am baga magclose ang Friendster.
Hahaha. Loko ka talaga Val. Yung profile sa Friendster meron ding friends?
Ellen,
Yung sinasabi mo yung teroristang Indonesian na nakatakas daw sa Crame, si Fathur Al-Gozi?
sang-ayon ako dito.
sabi nga nila, isa sa mga dahilan kung bakit pangit ang tingin at pananaw ng ibang bansa sa pilipinas ay sobra daw ang ‘pagpaparada’ natin sa mga bagay-bagay. kamukha niyan, suspek pa lang, ipinaparada na. makaamoy lang ng kaunting baho, ilaladlad na sa mga pahayagan kahit walang kongkretong ibidensya. madaling-sabi, sensasyonalismo ang dating. tingin tuloy sa ibang bansa, ang pinoy ay magnanakaw, kriminal, kurap. masama pa nito, wala ng naghahalukay kung malamig na ang isyu.
ano na ba ang nangyari sa mga ito:
-bank account ni FG
-ZTE
-jose pidal
-jose vilarde
-glorietta bombing
-wowowee 1)stampede 2)dayaan sa game show
Newly-installed PNP Chief Versoza looks promising. Masipag, he impresses me as a management man who is hands-on and already knows the reins. Hopefully hindi ningas-cogon lang like Razon who was doing good initially until he started drinking from the evil bitch’s poison fountain.
cocoy,
nasaan na yung isang trak na ibinalato ko?
Bakit sa friendster lang Val? Mas maganda kung ilagay pa rin sa youtube.
Ako pabor ako diyan sa mga ipinaparada na nahuling mga kriminal,para naman magkaroon na sila ng hiya.Alam na ng tao kung sino sila at kung anong klaseng pagmumukha mayroon sila.Kamukha n’yo ba o kamukha ng kapitbahay mo.
Matagal ng pinuso ng lolo ko ang pagpaparada ng mga kriminal sa plaza ng panahon ni presidente Magsaysay.Ang mga nahuhuli ng pulis niya na nagnanakaw ng ginapas na palay ay ginagawa niyang kuwentas na nakasabit sa leeg habang pumaparada sila sa plaza.Kapag kalabaw naman ang ninakaw nila tinatalian niya sa leeg at hinihila.Kaya nawala ang mga tulisan sa bayan dahil napahiya sila sa madlang people.
Kinopya ni Gloria ang style na iyan sa lolo ko.Alam mo naman iyan si Gloria mahilig mangokya.
‘yaan mo, pag nasipa na si Pidal, parada ng lechon ang gagawin natin.
Kayo talaga!
You are right, Tongue, the one who was killed in Cavite was Al Ghozi, the Jemaah Islamiya/Al Qaeda suspect who escaped from Camp Crame.
Veteran newscaster Ces Drilon is returning to work on October 6. Until this day, there’s still no closure to her kidnap for ransom case. How much was paid…who paid…and who received it.
Payag akong ihinto nila ang pagpaparada ng mga suspek, basta ang kapalit ay ang pagpaparada naman ng mga Tongressman na may Isang Linggong Pag-ibig, Kodakan daw sila at ilagay sa You Tube ang mga larawan nilang nakahubad kasama ang kanilang mga kirida.
May kuwento si manay chi sa Cocoy’s Delight.
Sabi daw nang Tongresman sa isang starlet na nabula na nang nasa kama na sila, “dadalhin kita sa Glorya.” Ang sagot naman daw ng babaeng makakasiping niya “ayaw ko sa Malacanang.” Hahaha.
Dr.Kwak,
Ikaw ba ‘yan Doc.Bobonyo.
Dito ako naglalabas ng sama ng loob kay Ellen.
Ginaya ko ang Amerkano na dalhin ang laban sa ibang bansa,para hindi ako masabugan ng nuclear bomb sa teritoryo ko.Napasukan nga minsan ng suicide bomber ang site ko at ipina deport ko siya ng ipinagbunbunyi niya si Satanas.Sasabihin pa naman na “Satan is Great.”Hehehehehe!
Ellen Says:
You are right, Tongue, the one who was killed in Cavite was Al Ghozi, the Jemaah Islamiya/Al Qaeda suspect who escaped from Camp Crame.
– – – – – – – –
I saw that picture: Gloria gloating over the carcass with multiple bullet holes. Gloria was more beast than human. It is no wonder that she acts like one… no morals, shame, etc.
The practice of parading criminals for public display and ridicule is as ancient as known history. It is to shame the criminals and to warn the public of what would befall any of them caught committing an offense. But to parade suspects for public display and ridicule is uncivilized. Suspects are presumed innocent until proven guilty. Who gains in this practice of parading suspects? It is no other than the authorities doing the parading. They are so bereft of attention and want for reward that they use suspects, who may be innocent, to gain attention and reward. They violate the civil and human rights of the suspects and even gloat over them. A classic example was the boo-boo by GMA in the case of Ms. Acsa Ramirez. Ms. Ramirez was not even a suspect, but because for want to be recognized and adored by the people, GMA, with aplomb and imprudence pointed to Ms. Ramirez as the guilty suspect. Suspect should be given even a modicum to civility while in custody of the authorities. I do not agree in parading and displaying them for public ridicule.
in more civilised countries, it is not allowed to show photographs of suspects in newspapers. like kabute i donot agree in parading and displaying suspects for ridicule. it amazed me how this little president is able to misuse her time and power.
Dr. Kwak,
And mahabang story niyan ay nasa site ni Colegiala Girl (blogger din dito) na ang title ay Isang Linggong Pag-ibig ni Congressman Banong na sinaliwan naman ng awitin ni Imelda Papin na ganun din. Super nakakatawa.
When Acsa Ramirez, the first whisleblower, was made a suspect instead of a heroine by Gloria’s arrogance and callousness, the country saw a loony and narcissistic woman totally clueless and obsessed with kodakanan. Ang nakakapanindig balahibo: this incident showed that the bitch enjoys bringing misery to good persons.
Hindi ba si Gloria ay suspect din sa maraming kaso? hindi ba ang asawa niya ay suspect din sa maraming kaso? hindi ba ang mag kapatid din na Sabio uspect din sa kaso? hindi ba si Neri ay ganoon din at maraming eva pa? sa You tube nga sila e parada..nag attend si Gloria sa Mascara festival sa Bacolod..kahit mag mascara siya mukha pa rin niya ang nakikita..
Rose,
Yan ang tunay na mukha ng hybrid. hahahaha!
We’re very much against the parading of criminals and suspects in public. Imagine what other countries do…executing criminals in public.
It wont ridicule the subjects, its only putting them in a dedicated internet website and their cases updated to clear up their case also as the case may be. Everyone can get into the site. Look at the case of that Singson guy lately when recognized many women came out to complain losing their money and virginity to him, a very handsome guy. No wonder my wife wont like me to tint my hair anymore.
Or its a preparation just in case we lynch PGMA soon. Remember she junked the death penalty for a purpose.To save her neck when the time comes.
Well,if the criminals don’t want to attend the parade,don’t do the crime.
I like Val’s friendster idea, or something similar like an NBI or ten most wanted website, etc.
Here goes another mason at the helm.
Mason si Verzosa? I just hope he won’t be just another protector of the ‘teachings’ of the loony tiny Pidal woman like his ‘brothers’ before him.
Yes, Verzosa is a mason. Remember, there are good and bad masons. SC Justice Puno is a mason as well as many other former leaders like Quezon, Laurel and even our National Hero Dr. Jose Rizal. Ten out of 13 Martyrs recorded in our history were masons. What about American actor James Mason? I don’t know…
“10 out of 13 martyrs were masons.”
E yung martir na si Da Rat, mason din?
Suspects are innocent until proven otherwise. They should be treated as such and accorded all the rights they are entitled under the law and constitution. So parading suspects as criminals even if not yet proven is a violation of individual human rights. What if a suspect turned out to be innocent? Can anyone reinstate the honor and take back the shame he endured? Can he get any compensation for the humiliation? No way, not in the Philippines.
Parading of suspects maybe an ordinary thing in a totalitarian state or in an uncivilized world but should be a no-no in a democratic society. It is against one of the pillars it espouses, justice for everyone.
Lets exunge democracy. We return to adopt the solomonic decisions in the bible, in the real barangay of age, the EDSA decisions, the Immams’ edicts, all these are the prototypes of what we pretend not to relish, the kangaroo courts. Capitalism and democracy are partners in crime and corruptions. Christianity cannot even follow the golden rule, dont do unto others… therefore we do away with christianity also. Lets study the nippon way. Money to them is sacred and commit suicide without it.
Suicide is not a crime, saves us more space…
Wala naman kasing fiesta para magparada!
Naalala ko tuloy yung isang comedy show sa chanel 7 dati. Malapit nag mag 11pm, nilalagnat pa ako sa katatawa.
Ginaya si Arroyo. Nagtuturo ng mga suspek hanggang sa naituro niya yung babaeng nakaupo sa kaliwa niya. Nagsimula ang mga pulis na dakpin na ang mga suspek. Pati yung babae dun sa kaliwa niya. Nung lumingon siya ulit sa gawing kaliwa niya, eh salamin pala yung nandoon sa kaliwa niya. Nakita niya ang sarili niya at hinuli din siya.
After 2010, we look forward to Evil Bitch and her gang of criminals being paraded in the streets. We will throw stones at them…spit at them…strip them naked…then hang them at Edsa Shrine.
@ bitchevil: “We will throw stones at them…spit at them…strip them naked…then hang them at Edsa Shrine.”
Agree ako sa throw stones, spit at them… pero Diyos kong mahabagin, huwag naman hubarin. Nyak!! Naiimagine ko palang na naka hubo ang magasawang pidal masuka-suka na ako. Yucks!!!! 😛
I agree that suspects shouldn’t be paraded to the media “just yet”. My reason is, there are a lot of so called suspects who are actually innocent. Many policemen usually arrest not suspects but fall guys and parade them to the media, especially when the crimes invloved are high profile cases, to project themselves as very “efficient”. That they’ve already solved the case. They would ask and pay off their “assets” to testify against these fall guys.
Take the case of the the Vizconde massacre case, how many alleged suspects did they show to the media before finally pinning down Hubert Webb, et al? I even have doubts that Hubert is really guilty of the crime but thats another story (and only my opinion).
There are many other cases that these policemen have presented fall guys. The sad thing is, when an alleged suspect who was shown and paraded to the public, put behind bars for many years (while the case is still pending in court) is finally acquitted by the court.., his miserable life will forever haunt him till his final days here on earth. Just because some eager policemen wanted to please not only their superiors but the general public who wanted to see somebody get hanged for a dastardly crime that has been committed.
Mike, you can cover your eyes when the Evil Bitch walks past you; but open your eyes when it’s Pia Cayetano.