Skip to content

Nabuhayan ng pag-asa

Kung kailan parang wala na tayong maasahan na hustisya sa ating mga korte dumating itong desisyon ng 7th division ng Court of Appeals na laban sa petisyon ni Mike Arroyo na i-dismiss ang kaso ng mga journalist na kanyang pinirwisyo sa pamamagitan ng pag-file ng libel suits kaliwa’t-kanan.

Mabuti naman. Parang sinag ng araw pagkatapos ng madilim na ulap. Sana tuluy-tuluy na.

Noong isang buwan, nagmistulang bulag at bingi ang Court of Appeals sa kanilang desisyon ng idinismis ang petisyon ni NBN/ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada laban sa mga tauhan ng Philippine National Police na nagtangkang kumidnap sa kanya sa airport nang dumating siya galing Hongkong.Pagkatapos lumabas ang eskandalo tungkol sa Meralco at GSIS, hindi nakapagtataka ang ganoong desisyon.

Ngunit, aba, pagkatapos ng ilang araw lumabas ang desisyon ng CA na inu-utos sa military na ilabas ang matagal ng nawawala na sina Karen Empeño at Shirley Cadapan. Siyempre hanggang ngayon ayaw aminin ng military na hawak nila ang dalawa.

Kaya nang sinabi sa akin kahapon na kinampihan kami ng CA sa aming kaso kay Mike Arroyo, ang tanong namin ng aming mga kaibigan, ibig ba sabihin nito bumalik na ang konsyensiya ng mga justices? Masyadong maaga pa para sabihin yan ngunit ako ay nagpapasalamat na nakita Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta ang punto namin na ang malayang pamamahayag ay hindi depende sa kabaitan ni Mike Arroyo.

Idinismis ni Justice Peralta ang petisyon ni Arroyo na idismis na ang aming kaso laban sa kanya sa kaniyang tangkang supilin ang aming karapatan mag-report ng katotohanan sa pamamagitan ng pag-file ng sobra 40 na libel suits laban sa mga journalists.

Halos lahat kaming mga reporter na may libel suits kay Arroyo ay nag-kaisa at nag-file ng class suit laban sa kanya at humingi kami ng P12.5 milyon na ibibigay namin sa trust fund na tutulong sa mga journalist na mangangailangan ng legal assistance.

Ang plano talaga sana namin ay dalhin sa United Nations Commission on Human Rights itong kaso dahil paniwala naman ang karapating pantao namin ang kanyang sinusupil sa perwisyo na idinudulot ng kanyang libel suits. Ngunit requirement ng UNHCR na ubusin muna ang lahat na legal na paraan sa sariling bayan bago dalhin anfg kaso sa kanila.

Ang yabang-yabang ni Mike Arroyo at sa isang hearing nga sa kaso ni Jake Macasaet, publisher ng Malaya, hinamon pa ng suntukan ang abogado ni Macasaet.

Kaya lang di ba nagkasakit si Mike Arroyo na kamuntik lang mamatay? Nang gumaling siya, sinabi niyang naliwanagan na raw siya at pinapatawad na raw niya kami. Kaya raw hindi na niya itutuloy ang mga kaso sa amin.

Pambihira naman. Akala ko naliwanagan na mali ang ginawa niyang panunupil sa press freedom. Kaya pala akala feeling victim pa siya at siya pa ang magpapatawad sa amin.Nainsulto naman ako. Ano ba ang kasalanan ko at pinapatawad ako ni Mike Arroyo?

Kaya nagdesisyon kami na ituloy ang kaso. Kaya umakyat sila sa CA. At ito na nga ang desisyon ng CA.

Kaya tuloy ang kaso sa Makati Regional Trial Court.

Published inHuman RightsMediaWeb Links

21 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    If not for the recent CA scandal, would the CA render such a fair and just decision? We all know how powerful this Mike Pidal is. The Court to watch is the Supreme Court. It’s the final arbiter. SC is the court where even if they make a mistake, it becomes law. But with SC Chief Puno overseeing those Justices mostly identified with Malacanang, I believe we are in safer hands now. The problem is there are unseen forces trying to unseat Puno. This has to be confirmed, though.

  2. chi chi

    Naqsasakit-sakitan lang ang Pidal na yan! Matapos gumaling kuno sa sakit ay nakakita raw ng liwanag. Galing pala sa imburnal yung nakita habang nagha-hallucinate na siya ay dios kaya pinatatawad na raw niya ang press na nanakit sa kanyang kalooban.

    Magaling mag-isip ng kababuyan si Pidal, palagi kasing naka-ngasab sa putikan.

  3. Tiyak sabi ni Mike Pidal kailangan matanggal iyong mga hukom na nagwalang saysay sa lawsuit niya laban sa mga journalist. Kaya nga siguro parang takot at uto-uto ang karamihan sa mga nakaupo sa bench.

    Panahon para supilin ang pag-aabuso ng mga Pidal, at patalsikin iyong babaing punggok na hindi naman dapat na tawaging presidente gawa ng nandaya lang naman. Dapat sa mga iyan ipakulong hindi lang for plunder, etc. kundi for treason sa ginagawang pagwawaldas ni Gloria Unano sa mga ariarian ng Pilipinas.

  4. Naglilinis ako ng mga gamit sa opisina ko para sa paglipat ko, at isa sa nakita ko ay ang calling card ni Bubby Dacer. Alam ko na-meet ko na ang taong iyan. Napakabait na mama, at hindi bastos gaya ng maraming mapagsamanatalang nakikilala ko na dumadalaw sa Hapon. Ipinakilala siya sa akin ni Fred Gabot sa totoo lang. At impress ako sa kalinisan at pagka-religious ng mamang iyan. Kaya iyong mga pumatay sa kaniya, tiyak walang kapatawaran iyan sa Panginoon.

    Remember what God said regarding those who spill the blood of the innocent? Read Deut. 19:10-14.

  5. Valdemar Valdemar

    The CA knows they cannot always fool everybody. And its suicide to alienate the fourth column. Anyway kayangkayang bayaran ang damage, take charge lang ang mga bagong lagay sa mga government corporations execs. Besides, wala na ring puri na mawawala pa ng talunan.

  6. bitchevil bitchevil

    Bubby Dacer’s death is still being blamed on Ping Lacson. Like the Ninoy Assassination, perhaps it would take the next generation to find out the masterminds.

  7. florry florry

    CA just took a shower and now wearing a perfume. We don’t know what kind of perfume but I hope hindi naman sana yong mga pabango ng mga prostitutes at mga dancers ng mga beer houses.

  8. rose rose

    I hate to doubt the sincerity of the judge here to have decided in favor of the journalists..but it looks to me that this is done so the journalists cannot take the case to the UN..it would the first in the history and maging kahiyahiya si Arroyo..Kung madalo ang mga journalists at bayaran nila ang mga ito..ano lang ba ss mga Pidal ang 12 million..barya lang yan..I would love to see him brought to court at the UN…sana nga makulong siya gaya para matikman niya ang dinaranas nila Gen Lim at Sen. Trillanes..kung makulong siya ituloy na niya ang Bible Study niya at baka matauhan na siya..

  9. rose rose

    siya nga pala..today the Catholic Church celebrates the feast day of the Archangels..Michael, Gabriel and Raphael..seguro malaking fiesta sa San Miguel Cathedral ngayon.. hindi ba sa Aviles din ang palasyo at ang La Tondena..pagawaan ng Ginebra San Miguel marca demonyo? Si San Miguel ay defender or protector..sa palasyo ay may Miguel din..protector of what? kawat sa binasaya? defenders of the corrupt system? marca de kawatan? steelers?

  10. kabute kabute

    Ganyan naman talaga si mike arroyo Ellen. Kayo lagi ang nagkakasala tuwing ibabalita ninyo sa mga pahayagan ang mga katiwaliang ginagawa nila. Di mo ba napapansin kahit si constancia de guzman ng PAGC ay media ang pinagbibintangan may kagagawan ng pagkakahirang ng Transparency International (TI) bilang napaka-kurap ng bansa. Kulelat tayo sa mga ASEAN nations. At ibig pa nilang ipakita na sila ang inaapi at kinakawawa. Gusto pa nila ipalabas na napaka-sipag nila at sila lang halos ang nagpapagod para sa kaunlaran ng bayan. Di ba sabi nila, lalo na ng mga taga-kahol nila, na walang ginawa ang mga kontra sa kanila kung hinde maging sagabal sa mga kabutihang kanilang di umanoy ginagawa. Kaya lang alam naman natin na mahilig din silang umangkin ng gawa na di kanila. Nasa kapangyarihan pa sila mike. Marami na rin silang nakulimbat sa bayan na magagamit na pansuhol sa mga “rogues in robes”. Kaya nga, kahit gatiting lang ang kasiyahan sa desisyon ng CA, matuwa na rin tayo. Pero ako di nabubuhayan ng pagasa dito hangat andiyan ang mga gloria.

  11. Alam mo, BE, dandy si Mr. Dacer. All white ang suot at malinis tignan na maginoo. Impress ako sa pagka-religious niya. Binigyan nga niya ako ng libro tungkol sa pagiging malapit sa Panginoon, and that a year or two before he was kidnapped and murdered. Ewan ko kung bakit si Lacson ang pinagbibintangan pati ng mga anak niya na sinabi yata sa kanila ni Bobby na kung mapatay siya kasalanan ni Lacson. Kaya nga sa totoo lang hindi puedeng maging pulis ang mga sundalo pagkat sila’y train na pumatay ng tao!!! Iba naman ang function ng mga pulis sa totoo lang.

  12. deanr deanr

    Sana nga tuloy tuloy na yan. Kaya lang wag tayo magulat na after a few months mawawalan na ng work ang nasa CA na gumawa ng decision.
    Grizzy, tama ka at maganda ang point mo. Pero ang napapansin ko. Yung unang nawawala sa mundo ang mababait. Para sa kanila tsaka na nila iispin ang karma sa buhay nila. Tulad ng karma na dumating sa pamilya abalos. Sa mga ginawang kasamaan ni matandang abalos! Sa apo nya bumalik ang karma. Ang masakit nito yung mga inosente pa ang nag dudusa db? Sana palaging mauna ang mga masasamang tao. Yung mga politiko dyan na walang ginawa kundi mag nakaw.

  13. bitchevil bitchevil

    deanr, that’s also what happened to De Venecia’s youngest daughter. I believe more in Karma. If it’s true that good people die young, I prefer to be bad (he, he). I still want to see the beauty of the world; be of service to mankind and continue serving God.

  14. From Rafael Soria:

    Can a convicted criminal, a plunderer like Joseph Estrada ran for president, the highest governing official of our country? Does pardoning erases his conviction?

    Congratulations for winning your case against the FG. Malacanang also won by showing to the public that our justice system is fair kuno, using a mere “watusi”.

  15. bitchevil bitchevil

    This is my opinion: First of all, pardon doesn’t erase one’s conviction. A person is pardoned because of committing something illegal and crime. If there’s no conviction, why should he be pardoned?

    Can Erap run again in 2010, no less than Senator Nene Pimentel and at least three other former Supreme Court Justices believe there’s no legal impediment for Erap to run. But knowing how this evil Arroyo government influence the court; how it manipulate and twists even the laws to achieve their evil desires, Erap should expect a tough battle. That’s why this early he must get the SC’s clarification on the subject; and not wait until 2010 election approaches if he wants to run.

  16. Ellen,
    What is the sentiment of media regarding the right-to-reply bill which is on 3rd reading in the senate and 2nd reading in the house? Isn’t this move about setting limits on editorial prerogatives? And why on earth is Pimentel sponsoring the senate version?

  17. airos airos

    bitchevil,

    Thanks for your brief, concise and intelligent opinion.

  18. bitchevil bitchevil

    You’re welcome, airos. But even if Erap is legally eligible to run, I personally am against it. The only problem is if the opposition fails to unite; then Erap is one good option even if we are against it. The battle is between the people against the candidate from the evil administration. We just cannot allow this to happen…again.

  19. airos airos

    Bitchevil – there is a very strong tendency the opposition will fail to unite because of their ambition to become a very rich president and tendency to oppose each other.

    None of those presidentiables including Erap have proven to promote the economy like helping the country’s exports outgrowing imports.

    The presidentibles I would like to see are the likes of QC Mayor Sonny Belmonte, who was able to ssve the city from bankruptcy to financial surplus in less than a year after he became the mayor; and the honest Governor Grace Padaca of Isabela, who with her self-designed brick by brick economic system was able to uplift the economy of Isabela.

  20. bitchevil bitchevil

    QC Mayor Belmonte is doing a great job; but he’s rather old. Isabela Governor Padaca is honest; but she condones illegal gambling in her province. She’s at the mercy of the local leaders who depend on gambling income to survive. What we need is a very strong and competent Vice President. In order to defeat the Administration with all the resources it has, Erap could run as President but agree to sit for only three years and the remaining years be handed to his Vice President. The Vice President, if he or she performs well, could run again after the term expires. I think Erap mentioned this before. No way the opposition can win now by 2010 given the disunity. The fight is not only political, but has become personal. When Erap ran for President, he was up against the richer candidates; against Sin led Catholic Church, the elite. Yet, he won by the largest margin in Philippine election history. In order to save the opposition and make sure that Gloria and her gang of criminals be prosecuted after 2010, we need Erap.

  21. Tongue, media is generally against the bill on the right of reply. We believe we have enough laws to protect the public from a journalists who violates basic laws. Also, market forces will exact its retribution on an irresponsible media.

Comments are closed.