Skip to content

Pati kasaysayan sinisira

Sinabi ni Sen. Benigno Aquino, Jr. na magpa-file raw siya ng bill para amyendahan ang ‘holiday economics’ na batas ni Gloria Arroyo.

Mabuti naman at nakakainis na. Sinira na ni Gloria ang ating demokrasya sa kaniyang pagbabastos ng eleksyon. Sinira na niya ang ang check and balance mechanism ng ating pamahalaan sa pag-corrupt ng maari niyang ma-corrupt at paglagay ng kanyang mga tuta sa Ombudsman at sa Supreme Court.

Pati kasaysayan hindi pinapatawad. Sa kakalipat niya ng mga holiday, nababawasan ang kahalagahan ng ating pinagdidiwang na petsa.

Katulad na lamang ng holiday ngayong araw ,Aug. 18. Ano ba espesyal sa Aug. 18 at tayo ay nagholiday? Wala. Ngunit walang pasok. Ang Aug. 21 na siya talagang dapat bigyan natin ng importansya dahil yun ang pagkamatay ni Ninoy ay hindi na holiday dahil tumama sa Huwebes.

Pati si Sen. Aquilino Pimentel inis na rin.

Ang ating independence day na Hunyo 12 ay nilipat din ni Gloria Arroyo ang holiday. Sabi nga ng iba, balang araw pati Christmas at New Year, ilipat na rin ni Arroyo.

Published inWeb Links

8 Comments

  1. prans prans

    18 Agosto 2008

    Iyan ang hindi ko maiintindihan, sa lahat ng holiday e ung 12 JUNE pa inililipat, pano masasabi sa mga kabataan na dapat na ipagdiwang ang araw ng kalayaan, kung ang 12 Hunyo ay may pasok. Masyado kasi si impakta na nakikinig sa mga negosyante na LAGING NALULUGI. Ang holiday economic sa ibang bansa, ang pagkakaintindi ko e pag naipit ang lunes o kaya biyernes ay dinedeklarang walang pasok ang mga araw na iyon o kaya pag tumapat ng sabado o lingo ang holiday e walang pasok ang o kaya biyernes, para makapag pahinga o makpasyal ang mga trabahador.

    Pero ang impakta at kung sinumang hunghang na katulad ng ipakta na nagsabi na pati ang 12 Hunyo ay dapat may pasok ay walang alam sa pagiging nasyonalista o makabansa.

    Nagtataka naman ako sa NHI, sila ang dapat magrekomenda sa impakta, pero mga ayaw naman magsalita at pulos sangayon sa kagustuhan ng impakta.

    Yan ang diwa ng pagiging makabansa sa Pilipinas, kahit na mali, basta maligaya ang impakta, ayos na sa kanila.

    Kaya dapat tawag dyan e HILOday economics.

    Kala ko ako lang ang bobo, e may mas bobo pa pala sa akin.

    buset!!!!

    prans

  2. Nagpagamit na naman si Tessie Aquino Oreta.Kasama ni Gloria sa NAIA para sa bagong Ninoy bronze bust.

  3. chi chi

    Hinog na hinog na ang panahon para ilipat na rin si Gloria….sa impierno!

  4. bitchevil bitchevil

    The Bitch has been changing holidays anytime she wants. Even one’s birthday and death anniversary. If she could change Ninoy’s death anniversary, I dare her to change the present Ninoy Aquino Airport and bring back the old Manila International Airport.

  5. chi chi

    Ang holiday economics ni Pandack Omama…”ramdam na ramdam” ang kahirapan at kabastusan!

  6. chi chi

    Ninoy must be turning in his grave with his fave sister being ‘kalaro’ ni Gloria, the very personification of what he stood against for.

  7. Diba April 5 ang birthday ni Pandack? Sine-celebrate ba niya ito ng April 1 pag nagkataon?

  8. Valdemar Valdemar

    I am for the holiday economics mania(c). Why not clump all secular holidays and the New Year’s day on the nearest Saturdays and all kinds of religious (Muslim and Christian) holidays on Sundays including Christmas and holy Thursdays and Fridays. To have so many holidays during weekdays disrupts production and costs everyone a lot on the trips to the malls at a time of our current eternal crises.

Comments are closed.