I never cease to be amazed at the Filipino’s sense of humor. The wit and the timing are truly amazing.
Take these two postings in my blog. The letter of “Badong” to “Menggay” was posted by Juggernaut.
Menggay’s reply was posted by Tongue-Twisted. Ang galing!
Juggernaut said “Badong” is “a future presidentiable.”
Dear Ate Menggay,
Ako po ay isang mag-aaral na nanggaling pa sa bulubundukin ng Tralala. Iskolar po ako ng tribu namin na nagsanla pa ng kani-kanilang mga kaluluwa sa mga lamang-lupa upang mapag-aral ako dito sa Maynila. Asang-asa po sila na balang araw ay magiging isa akong mahusay na magbabalot pagkatapos kong makatapos ng Music major in vocals. Pitong taon na po ako dito at kasalukuyang nasa first year sa Ina Computer Nursing School.
Ang problema ko po sa ngayon ay napakalaki. Matagal ko na po itong pinag-iisipan at naitanong ko na po sa pinakamahuhusay kong guro. Ang isa po sa kanila ay nakapagtapos ng napakataas na antas ng pag-aaral sa larangan ng manicure at pedicure. Ipinakita nya pa nga po sa akin ang kanyang diploma at transcript of records na galing sa Claro M. Recto. Ngunit kahit po siya ay hindi masagot-sagot ang aking mga katanungan.
Matagal na po akong nagdadalamhati dahil sa mga katanungan kong ito. Hindi na po ako makakain. Kahit na ang paboritong kong yema na isinawsaw sa bagoong ay nagagawa ko nang tanggihan. Maikli na lamang po ang tulog ko pag gabi – karaniwan sa umaga na lang po ako natutulog ng mahaba. Mga ilang buwan na po akong hindi naliligo dahil walang tubig sa amin.
Please, Ate Menggay, tulungan nyo po ako. Sagutin nyo po ang mga katanungang nagbibigay sa akin ng hirap at pighati. Bakit po ang pula ng itlog ay tinatawag na pula eh kulay dilaw naman po iyon? Ano po ba ang tamang bigkas – bitones o butones? Ano po ang dahilan at hindi nalulunod ang isda?
Dahil sa mga katanungang ito, sinubukan ko na pong wakasan ang aking buhay, kaya nga lang po naputol ang sinulid na aking ginamit sa pagbibigti. Hindi rin po naging successful ang pagtalon ko mula sa tuktok ng aming paaralan – sabi ng mga kaibigan ko wala raw namamatay sa pagtalon mula sa building na isang floor lamang. Ayaw ko naman pong maglaslas ng pulso, kasi sabi ng nanay ko mamantsahan daw po ng dugo ang damit ko – sayang naman. Hindi ko na po ninais na magbaril sa aking ulo dahil papatayin daw po ako ng tatay ko pag nalaman nyang ginalaw ko ang baril nya.
Tila ba pati mga kaibigan ko ay iniwan na rin ako. Pag nagte-text ako sa kanila, hindi na sila nagre-reply. Ang tanging lumalabas sa aking cellphone ay “You have zero balance, please load now”. Pati ang buong mundo ay patuloy akong itinatakwil. Kapag nagha-hang ang computer ko, lahat ng mga tao ay nagsasabing i-reset ko daw ang computer. Ate Menggay, niloloko nila ako – walang “reset” sa keyboard ng computer, kahit ikaw pa ang tumingin.
Pakiusap lang po ate Menggay, pakitulungan nyo po ako. Magkaka-diabetes na po ako kaiisip. Alam kong ikaw lamang ang tanging makatutulong sa aking mga problema. Naalala nyo po ba, kayo ang sumagot sa katanungan ko tungkol sa kung ano nga ba ang nauna – itlog o manok? Alam ko pong muli nyo akong matutulungan lalo pa at patuloy ang inyong pagpapakadalubhasa dyan sa loob ng mental hospital.
Maraming salamat po, Ate Menggay. Hanggang dito na lamang dahil magmimiryenda muna ako. Mukhang masarap ang buko salad na ibinigay sa akin ng kapitbahay ko last week. Katakamtakam kung tignan ang maliliit na bula sa ibabaw nito gayundin ang maasim-asim nyang amoy. Sariwang-sariwa ang sangkap – gumagalaw-galaw pa ang isang hibla ng buko. At huwag nyo din pong kalilimutan, iboto nyo po ako sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon.
Nagmamahal,
Badong
Menggay’s reply:
Badong,
Para matapos yang problema mo, ang sagot ko ay ito: parehong mali ang butones o bitones, hind iyan ginagamit sa Olympics. Baton ang tama. Mabuti’t nagtanong ka, nakakahiya diyan sa Computer Nursing School mo, ano’ng year ka na nga ba sa kursong Vulcanizing?
Yung sa itlog, hindi mo lang naintindihan, Badong. Yung pula hindi yung nasa loob kundi nasa labas. Pulang itlog, ibig sabihin, maalat. Teka, alam mo ba kung paano gumawa ng pulang itlog? Kinakamot lang. Subukan mo.
Naalala ko tuloy yung Ate mong maraming allergy, sumulat din sa akin na nagsabing tinatagyawat daw siya sa mani, sabi ko naman, “Ako sa mukha lang tinitigyawat”.
Tungkol sa isda, hindi talaga sila nalulunod, kasi yung hasang nila kumokolekta ng oxygen sa tubig. O Science yan, ha, magaling ako sa Science! Ang delikado lang pag pinulikat yung isda, siguradong malulunod yon.
Salamat naman at di ka natuluyan sa pagpapatiwakal mo, kasi naman sinulid ang ginamit mo. Mali yon, alam mo ba yon? Dapat itali mo yung sinulid sa pako ‘no! Yung pako, sa kisame, hindi sa sahig, ha. Pero pareho tayong nagpatiwakal, ha. Ako tumalon din, pero sa building doon sa Ayala. Tumalon ako mula sa 36th floor, pag bagsak ko, buhay ako! Sa 35th floor nga pala ako nag-landing.
Sus, nagalit lang ang tatay mo, natakot ka na? Ang gawin mo, pagkatapos mong barilin ang ulo mo, siya naman ang barilin mo! Pati yang mga kaibigan mong ayaw sumagot sa text pabayaan mo sila. Pareho tayong malas sa kaibigan. Mapili ako sa kaibigan, ang gusto ko yung mga sosyal, mga mayaman. Pero tuwing tinatawagan ko naman sila sinasagot ako nung mga asawa yata nila yun, babae e, laging sinasabing, “The telephone you dialled cannot be rich”. Akala ko pa naman maykaya sila.
Alam mo medyo bobo ka rin ano, ano’ng walang “reset” sa keyboard? Tanga ka pala e, kung gusto mong reset, e di itype mo R-E-S-E-T, hahaha, jologs!
Salamat naman at naalala mo kong sulatan dito, ilang sem na lang gradweyt na ako. Pero teka anong Mental, hindi ako sira ulo ano? Dito ako naka-enroll sa Quezon Institute! Mahirap ang mga leksiyon dito, lahat ng mga kaklase ko nagka-TB na sa hirap biruin mo.
Ingat ka lagi pero kung ako sa iyo hindi ko na kakainin yang fruit salad na may bula at gumagalaw na buko. Ang bobo mo talaga. Di ba may diabetes ka? Naku naman talaga.
Hanggang dito na lang.
Nagmamahal,
Ate Menggay
(P.S. Pakitext mo naman ako dito sa cellphone ko. Bagong labas yata ito. Hindi ko alam gamitin yung ibang mga pindutan gaya ng plus, minus, times, divide at equals. Casio ang tatak. Matindi ito, solar pa! Babay!)
We may seem to take things lightly at biro lang ng biro but I guess this is what keeps us going..why we are mapag-tiis..Hanggang kailan kaya matatapos ang kahirapan sa atin? Only God knows..may ginagawa ba si PNP? only God knows..may ginagawa ba ang Catholic church? only God knows! kaya daanin na lang sa biro at tumawa..
ƃuopɐqɹoɟǝʇoʌ
ǝƃuɐɥɔɹǝʇɹɐɥɔoʇou
Rose, hindi ako nawawalan ng pag-asa sa Pinoy pero itinutulak mo na, idinidilat mo pa ang matang dati nang gising, kung ayaw nilang kumilos, wala na tayong magagawa kundi tawanan na lang ang masaklap na biro ng tadhana.
Kung ang Eat Bulaga at Wowowee, nagigising ang puso ng masa sa pagiging kenkoy nila, baka sakali dito rin.
Huwag lang tayong magsawa sa pagpapa-alala, pasasaan ba iyan at mamumulat din sila. Habang tinatawanan ang kanilang sarili.
okey yan langhab, a. Suwi ka ba nung ipinanganak?
Tongue: I have not given up hope sa ating kakayanan. And talking of Wowowee when they had a show at Atlantic city a lot of people here from Jersey City went..kasing mahal ng Broadway play ang kanilang ticket at malayo ang AC pero ok lang..enjoy sila sa palabas..
..Sa August 17 there will be the Phil Fiesta sa Meadowlands, NJ. which I think they have every year for a number of years na. I have been once with officers of Iloilo Society to meet with I think Gordon who was at that time promoting tourism..I will be going on Aug. 17 with the Atiatihan group..It would be interesting. Some kids from the Atiatihan will participate as sagalas..These kids also participated sa Wowowee as dancers..saling pusa ako sa Atiatihan…
Binabalik-balikan ko ang dalawang sulat na ito para maalis ang suya ko. Thanks, Jug, Tongue. Kalog talaga kayo! Love them boys!
Truth is I have met people who are as “idiots” as these Badong and Menggay. Hindi biro but true that there are actual people with the same mentality, not really some sense of humor. Napapakamot na lang ako ng ulo sa katangahan sa totoo lang.
Akala nga ng mga pulis na nag-imbestiga sa kanila, nanloloko sila. Hindi nanloloko, hindi rin nagbibiro. Tanga lang. Iyan ang palaging paliwanag ko na lang. Believe you me.
Kinabagan ako sa kakatawa sa inyo, Menggay at Badong.
Badong, bototohin kita. Pwde ba vice president ka muna tumakbo. Ang makakalaban mo si Noli de Castro, si Bong Revilla at si Jinggoy Estrada. Kayang-kaya mo sila. mas matalino ka naman di hamak kaysa kanila. Lalo pa nandyan si Ate Menggay mo na adviser.
Sa pagka-presidente naman, kungsabagay kung si Erap nga naging presidente at gusto pang tumakbo ulit, bakit hindi ikaw?
Dear Menggay at Badong,
Huwag nyo masyadong dibdibin ang problema. Di ba ramdam na ramdam natin ang kaunlaran at ginhawa? Pumila lang kayo sa malapit sa Pasig river at tiyak mawawala ang inyong kahirapan. Huwag lang kayong tatalon. Sa panahon ngayon, kailangan natin ay disiplina. Pasalamatan natin ang ating mahal na Presidente na kung di dahil sa kanya, walang matututong pumila at magbigayan. Kita mo…pumipila na ngayon ang mga tao sa bigayan ng bigas at katas? Ang katas na yan ay bunga ng mahiwagang boses na ayon kay Mike Defensor, “it is the voice of the President but it is not the President speaking.” Ang galing ano? Magic!!!! Heto pa ang isang MAGIC…..Ayon kay Gloria, kahit wala sya sa Pilipinas ay parang naroon na rin sya. Hanep, sana kahit wala sya sa lumubog na barko ay sana nalunod na rin sya. O, kaya nyo ba yan mga kabayan?
Sulbatz: “it is the voice of the President but it is not the President speaking.”
*****
Sinong maniniwala kay Mike Defensor? Kahit tanga alam na nanloloko siya, unless of course, may sira na sa ulo ang taong ito dahil sa kasisipsip doon sa sugar mommy niya! Yuck! Kadiri di ba?
OK din ang banat mo dito, Sulbatz: “Ayon kay Gloria, kahit wala sya sa Pilipinas ay parang naroon na rin sya. Hanep, sana kahit wala sya sa lumubog na barko ay sana nalunod na rin sya.” 😛
Iyan ang superwoman, kaya lang mukhang mas kamukha noong kalahati ang katawan na lumilipad doon sa bayan ni Brenda at nung gunggong sa DOJ!
Off topic Ellen:
I am just so saddened by what I am reading in the headlines. Is this Goodbye Mindanao? http://reynaelena.com/2008/08/04/is-this-goodbye-mindanao/
ellen, ang galing naman. hay naku, ito na lang yata ang magagawa natin, tumawa.
tutal naman, puro katatawanan nangyayari sa gobyerno under the helm of bozo (gloria) the clown! 🙂
yun nga lang, napakapait na katatawanan.
noong una ay make love not war, ang resulta ay dumami ng husto ang pinoy. ngayon naman ay make fun not war, resulta nito ay lalong dadami dahil bihira ang namamatay sa tuwa.
nakakatawa mang basahin pero ito ang tunay na kalagayan ng mga batang estudyante na magtatapos ngayon..dahil kapos sa pera para matustusan ang kanilang edukasyon para makapag-aral at makapagtapos..laging pinangangalandakan ni gloria na Philippine economy is growing di naman nararamdaman ng nakararami..ewan ko ba siguro sa sobrang pandak nya di nya nasisilip yung mga squatters na malapit sa malakanyang..hay!!! sumama lang loob ko ng makinig ako sa sona nya.
Maganda sana kung ito ay binasa ng malakas ng mga estudyante sa kanilang rally against Gloria’s SONA.
““You have zero balance, please load now”. ” Sa tumatawag at tinatawagang cellphones, matataob ng maaga si Pandack Omama kapag ganyan ng ganyan…”it’s a way of life”!
BTW, wala akong nabalitaan tungkol doon sa “No Electricity” noong nagsasalita si Demonya. Natuloy ba?
Sulbatz,
Pwede ba, hindi ko naramdaman ang kaunlaran at ginhawa na ipinangangalandakan nung babaeng may bangaw sa mukha. Bagkus, gutom at pagod ang natamo namin sa pagpila sa palengke. Bukod pa sa mabahong hininga at anghit ng mga taong nakabilad ng anim na oras sa labas ng palengke, nang makarating na ako sa harap ng pila ubos na ang NFA rice. Yung dala kong setenta y quatro pesos para sa apat na kilong tig P18.50, dalawang kilong Sinandomeng lang ang nabili. Ang masaklap nito, alas-dos na ng hapon ng makauwi ako, inubos na ng mga nak ko ang ulam dahil walang kanin. Nagtiyaga akong kumain ng walang ulam!
Kinabukasan, pumila naman ako sa Landbank, siniguro kong ako ang mauuna kaya alas-dose ng madaling-araw, pumila na ako. Hahaha, tamang-tama, alas siyete ang bukas ng bangko, siguradong una akong tatanggap ng P500. Pero hayop talaga ako sa kamalasan, wala na pala sa Landbank ang pila, sa barangay na pala, sabi raw kasi ng DSWD, sila na mismo ang magbibigay ng grasya. Pag dating ko sa barangay, huli ako sa pila samantalang sa barangay hall ako mismo nakatira, huhuhu. Umabsent pa ako sa pabrika, kaya yung sahod kong P375, kaltas lahat dahil casual lang akong empleyado. Suma total, P125 ang netong kinita ko sa laking hirap na dinanas ko. Ginhawa ba iyan?
Aping-api na kaming mga dukha, wala naman kaming magawa dahil lahat ng pulis at sundalo ipinagtatanggol pa si Pandak. Pati yung kura paroko naming si Padre Casanova, bilib na bilib kay Pandak lahat ng mga anak niya sa dalawa niyang kabit, Gloria at Mike ang mga pangalan. Lagi na lang niyang sinasabi sa sermon, sa 2010 bababa rin iyan, kaya iba na ang bangka sa jueteng, este, presidente pala ng bansa sa 2010.
Hindi ko na kayang mabuhay, Sulbatz, yung tatlo kong anak, ipamimigay ko na lang. Si Neneng, yung panganay, gusto sanang magtapos sa kompyuter, sa katunayan, ngayon pa lang kumikita na siya sa “web” daw. Showgirl daw siya, ano yun? Ano ba yung web? Sabi niya sa pamamagitan ng webcam, ipinakikita niya ang KAYAMANAN ng Pilipinas sa mga dayuhan at pinadadalhan siya ng dolyar sa Western Union. Paborito daw kasi ng mga Kano yung malagong mga gubat at masisikip na kuweba. Lalo na yung magagandang hugis ng mga bundok. Naku, pasensiya na, hindi ko talaga maintindihan. Pero hanga ako kay Neneng, makabayan pala, biruin mo’t nang-eenganyo pa ng turista sa pamamagitan ng webcam.
Si Totoy ko naman, binatilyo na, hindi na nakapagtapos ng Grade 6. Pero bilib ka rin sa kanya, araw-araw iba-iba ang cellphone. Maliit pa siya gusto raw niyang maging negosyante, kaya siguro cellphone ang napili niyang negosyo. Umaangkas lang daw siya sa motorsiklo ng kaibigan niya at lagi naman siyang sinusuwerte sa motor na iyon, tuwing sesenyas daw siya ng pagliko sa pamamagitan ng paglalabas ng kamay, aba at bigla na lang magkakaroon ng cellphone sa kamay ni Totoy. Kaya naman halos araw-araw, magkaangkas silang magkaibigan sa motorsiklo dito sa Pasay-Rotonda, doon sa Baclaran, Quiapo at Monumento dahil suwerte daw sila sa mga lugar na iyon minsan cellphone, minsan pa nga, bag daw na may pera pa. Lagi sanang suwertehin si Totoy ko.
Yung bunso kong si Junior, nasa ama yun. Nung maghiwalay kaming mag-asawa ay sa kanya sumama si Junior. Yung dating asawa ko, fishball vendor lang kaya hindi kasya yung kita niya para sa amin, kaya lagi kaming nag-aaway noon. Siguro naman, dahil si Junior na lang ang ginagastusan niya, kaya na niyang pag-aralin ng maayos ang bata. Kaya laking gulat ko ng makita ko sa Letran si Junior! Sosyal! Sa Letran pala si Junior nagtitinda ng fishball.
Yung mga anak ko kaya na sigurong mabuhay ng mga iyon. Sila siguro RAMDAM NILA ANG KAUNLARAN dahil kumikita na sila pero ako, sa P375 na kita ko araw-araw, isang daan ang kaltas ng agency, kwarenta pesos ang bayad ko sa apat na container ng tubig araw-araw, singkwenta ang pamasahe, sisenta para sa isang litrong gaas dahil naputulan na kami ng kuryente. Bente pesos para sa uling na panluto, 25 para sa isang kilong bigas, 30 pesos para sa dalawang latang Ligo (araw-araw sardinas na lang ang kayang bilhin kaya ginagalis na pati singit ko), kinse pesos para sa dalawang sachet ng 3-in-1 na kape na pinaghahatian naming tatlo. Bente ang puhunan ni Neneng sa internet, inuutang ni Totoy ang panggasolina sa motor, sampung piso para sa lotto, limang piso para sa jueteng, baka sakaling makatsamba ako.
Hindi ko na kaya ang ganitong buhay, mahirap pa ako sa daga. Gusto ko nang wakasan ang buhay ko pero wala naman akong alam na paraan, mahigit nang isang daan ang presyo ng Baygon, pati Racumin nagmahal na rin.
Kung ipahihintulot mo sana, Sulbatz, pahiramin mo na lang ako ng baril mo. Magbabaril na lang ako. Huwag kang mag-alala, isosoli ko naman pagkatapos kong gamitin.
Umaasa,
Ate Menggay
Dear Ate Menggay aka TT,
Una sa lahat, ikaw lang ang alam kong Ate Menggay na may TT…i mean, alias TT pala. Hmmmmm…di kaya ikaw si Romulo Neri???
Bagamat gusto kong bigyan ng kasagutan ang iyong mga hinaing, di ko to magawa sa kadahilanang ako ay covered ng Executive privilege. Ngunit, yamang itong blog ni ate ellen ay parang executive session na rin ng Senado (tayo-tayo lang naman at sana’y walang espiya), ibubulong ko na rin sayo na pawang kasinungalingan lamang ang NARARAMDAMAN NATING KAUNLARAN. Don’t look at me now Ate TT Menggay, di ko yan sasabihin sa open session.
Guni-guni mo lang yung isiping mahirap ka pa sa daga TT Menggay. Ayon sa SWS (Siguradong Walastik na Sinungaling) tumaas na ang kita ng mga tsuper at bumaba ang kotong ng mga pulis. Kaya mag-tsuper ka na lang. Ala ng kwentang maging pulis ngayon. Yung mga dating katulong ay mga titser na ngayon, at yung mga titser ay mga katulong na ngayon sa ibang bansa. O, kita mo? Naghihirap ang ibang bansa?
Pero habang may e-vat, di tayo maghihirap. At lalong di maghihirap ang mga tiga-malacanang (kindat-kindat…get what ah men?) Ako ay nasasayahan na malamang nagsasariling kayod ang mga anak mo. Isa kang ulirang ina?/ama? dahil naipamulat mo sa kanila sa murang edad ang katangian ng katutubong Pilipino….ang KAYOD KALABAW. May nakita ka na bang naghihirap na kalabaw? Nahihirapan, pwede pa.
TT Menggay, taos-puso ko sanang ipapahiram sayo ang aking baril para matapos na ang iyong hinagpis. Nguni’t di ako sigurado kung ito ay puputok dahil below standard yung dineliver ng dealer sa aming armory. Lam mo….hehehe at isa pang hehehe.
May pinakamabisa akong paraan para lagutan ka ng hininga TT Menggay….panoorin mo ulit yung SONA ni Gloria, tiyak………yun na!
Galing ninyo talaga. Hindi na ako magdadagdag. Kailangan din kasi ninyo ng tagatawa—ako iyon!!! Bwahahahahahahahaha!
Ang galing nyo talaga. Kasama na si Sulbatz. Ang aga-aga pa tumatawa na ako.
Hahaha, Sulbatz. Naikambiyo ng konti ang galit ko dahil dito sa thread na ito. Yung susunod na thread, tataas ang presyon mo sigurado e. Haaay.
Tongue:
Kung iisipin, di lang mga pilipino ang niloloko ng mga opisyal nila. Pati mga kano, niloloko din ni Bush at ng mga apologists niya. On the recovery na raw ang economy ng US. Gago din. Never ito nangyari kahit kailan mula noong 1946, pero pati ang mga artista sa Hollywood, mukhang nakakaramdam na rin ng pinch despite the high rates they charge for pictures of their kids. Si Sharon Stone for instance ibinebenta na iyong bahay niya sa Hollywood. Cannot keep na raw siya. Hindi lang siya, marami pang iba kaya siguro lumilipat na ang marami sa kanila sa Europe. Mukhang gutom ang aabutin ng mga kano pag si McCain ang manalo.
Iyon namang mga racist na pilipino na akala mo naman ang puti nila kundi pa gagamit ng papaya soap, ayaw daw si Obama. Sabi ko nga sa kapatid ko, ano kaya ang magiging feeling niya kung sabihin ng ibang lahi na masama ang ugali ng lahat ng mga pilipino kasama na siya?
Signs of the times apparently. Sabi nga sa last days, maraming ulupong ang magiging leader daw sa mundo na siyang magiging dahilan ng paggunaw ng mundo!