Skip to content

Ang balak ni GMA sa pera ng SSS

Hindi natin napansin ito noong sinabi ni Gloria Arroyo tungkol sa SSS sa kanyang state of the nation address dahil masyado kasi tayong na-excited sa sinabi niyang 50 centavos na lang ang text sa halip na piso na lumabas palang malaking pambobola.

(Maliban sa promo pala ng Smart at Globe hanggang Oktubre lang, para lang para sa pre-paid. Hindi kasama ang plan subscriber. At kailangan ka magregister at magbayad ng P20. At ang P20 pala ay hanggang 40 lang na text.)

Ito ang kanyang sinabi: “Pag-Ibig housing loans increased from P3.82 billion in 2001 to P22.6 billion in 2007. This year it experienced an 84% increase in the first four months alone. Super heating na. Dapat dagdagan ng GSIS at buksan muli ng SSS ang pautang sa pabahay. I ask Congress to pass a bill allowing SSS to do housing loans beyond the present 10% limitation.”

Noong Biyernes, nakipag-huntahan si Sen. Mar Roxas sa mga bloggers sa Annabel’s restaurant sa Quezon City. Si Ding Gagelonia ang unang nagpahayag ng kanyang pagkabahala sa plano ni Arroyo na gagamitin ang pundo ng SSS sa pabahay dahil meron namang Pag-ibig para sa ganoong panga-ngailangan ng mamayan.

Tama lang na mabahala tayo, sabi ni Mar.

Sabi niya ang SSS, Social Security System, ay pension fund. Itinatag yun para tayo mga nagtatrabaho sa pribadong kumpanya at patuloy na may tatanggaping sustento kapag tayo ay retired na.

Ang pera na binabawas sa ating sueldo at ibinabayad ng ating employer buwan-buwan ay pinapalago sa pamamagitan ng paglagay sa siguradong mga investment. Ang pabahay ay hindi siguradong investment at baka hindi pa malaki ang kikita-in doon.

“Bakit gagamitin ang pera ng mga miyembro doon, ay hindi yung pera ng pamahalaan. Pera yun ng mga mamamayan na nagtatrabaho sa private companies, ” sabi ni Mar.

Sampung porsiyento ng pera ng SSS ay nakala-an sa pabahay ng mga miyembro ang SSS. Kung kulang yun, may mga ahensya katulad ng Pag-ibig na itinatag para matugunan ang panganga-ilangan ng mamamayan para sa pabahay. Kung nanga-ngailangan ng pera para pabahay, maghanap siya ng parran sa budget.Bakit hindi niya gamitin ang sobra-sobrang pera galing sa VAT?

Sabi ni Mar yan ang delikado sa pagtalaga kay Romy Neri sa SSS samantalang nilagay rin niya si Neri
bilang pinuno ng National Welfare Program. Bakit ba nagpatayo pa nito ay meron naman Department of Social Services at Welfare program.

Sabi ni Mar, bilang pinuno ng NWP, kailangan bigyan ni Neri ng tugon ang iba-ibang problema sa kahirapan na kailangan malaking pera. Malaking pera ang mina-manage ni Neri sa SSS. Ngunit yun ay pera ng mga pribadong empleyado na kanilang inipon para sa kanilang pagtanda.

Ngayon sinabi ni Arroyo na punuan ng SSS ang pagkukulang ng mga ahensya sa pabahay sa mga miyembro. Ano ngayon ang gagawin ni Neri, na kung tingnan nyo ang kanyang mga desisyon sa ibang kaso ay walang sariling panindigan at sunod-sunoran lang kay Arroyo?

Kaya sabi ni Mar, katulad ng sinabi ng pinalitan ni Neri na si Corazon de la Paz, tutukan natin ang paggamit ng pera ng SSS.

Published inWeb Links

25 Comments

  1. Si Neri dapat ring tutukan – ng kutsilyo!

  2. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Bakit tutuk lang? Lagyan ng imbudo sa kanyang leeg para matauhan.
    Dapat bantayang mabuti ang alipores ni Gloriang Dracula baka sip-sipin lahat ang pension fund. Wala akong tiwala kay Neri. Kakunsaba siya malaking anomalya.

  3. May naniniwala pa ba sa pathological liar na iyan? Juice me naman, ilan beses nang nangloko ang ungas bakit may pumapalakpak pa sa animal na iyan? Unbelievable!

  4. Dapat mabahala ang mga pilipinong nagbabayad ng SSS nila sa pakikialam na ito ni Gloria Kulimbat sa lahat ng pondo ng bayan. Grabe talaga ang pagkasakim ng animal na ito. Kaya iyong mga OFW ngayon sa totoo lang tutok sa paglalagay kay Pichay doon sa OWWA fund para kulimbatin din ni Gloria Magnanakaw. Dapat araw-arawin ng mga nagbabayad ng SSS ang protesta laban sa paglalagay doon sa bakla sa SSS na umupo na starting August 1 kahit na hindi pa confirm. Dapat sa mga ungas na appointee na hindi confirm, hindi sinusuwelduhan.

    BTW, Ellen, papaanong matutukan ang paggamit ng SSS funds e kung iyong OWWA funds nakalusot na hindi namamalayan ng mga taumbayan lalo na ng mga OFWs, at saka, iyong mga namamahala naman takot din matanggal sa trabaho kaya nakikinakaw na rin.

  5. chi chi

    Kung payag kayo ay ako ang manunutok at tutuluyan ko na si NeriSSSa.

    Subukan niyang ibitin ang pensyon ng tatay ko at lahat ng SSS pensioners…makakatikim siya sa akin ng tuluyan!

  6. rose rose

    wala bang nagrereklamo sa mga employees and employers of the private sector? Katakataka at nahibang na sila sa kanya..
    …GMA TV news showed a picture of PNP (putot na pandak) receiving a pennant from the International Football association dressed in red with a black cape..hindi ba ito ang suot ni Drakula?
    …anybody has a picture of Neri and gloria together? There is a beauty contest..mayroon bang pangit contest? Just asking folks…

  7. vic vic

    Pension Funds should be managed by competent money managers who will be independent of Politics and look after the long term benefits for the members of the funds..The Ontario Teachers Pensions Funds is such a beautifully managed funds, that it now has more than $60 billions in net assets and diversified investments and just taken control of BSE, the controlling holding company of Bell Canada (one of the country’s biggest telecommunications)and the other one is the Quebec Pension Funds is one of the biggest investment funds in North America. The funds is for the Retirement pensions of Quebecois (Separate from the rest of Canada).

    All these Funds, though government Regulated, are Independent from Political Interventions and its Officers are devoid of Political Patronage…Simply we don’t have a GMA yet to tell these Managers what to do with the People Funds, they (money managers) have some “real” knowledge of the Economy and they may have some MAs from Stanford too, or where was that one, Harvard?

  8. Tilamsik Tilamsik

    Ang Balak ng Reyna sa pera ng SSS?? … ano pa e di… NAKAWIN..!

  9. Tilamsik Tilamsik

    Para naman kayong bago ng bago di na kayo nasanay… don’t worry masasanay din kayo. Sanayan lang yan.

  10. Tilamsik: Ang Balak ng Reyna sa pera ng SSS?? … ano pa e di… NAKAWIN..!
    *****

    Hahahahahahahahaha! You got it! Hahahahahahahahahaha! Hello! Mandaluyong! Nakakaloka!

  11. “Gloria and the Gay Dracula”
    (Paperback Mass-Market Fiction)

    An unauthorized parody on Gay Dracula.Dracula was gay according to a new theory about his famous creator (Bam Stoker).

    This new book is about Gloria Pidal and her ever loyal Gay Dracula.

    In 2004,Gloria declares war on corruption and uses “lifestyle check” as a lethal weapon and adopts procurement reforms to take the fight forward.

    In a surprising twist in 2007,she orders the Gay Dracula to keep his bloody lips sealed on the botched ZTE deal using the “Executive Privilege” lame excuse.

    The latest episode involves the appointment of the Gay Dacula to the SSS blood bank to suck the people’s blood(and money).

    Horrifying!

  12. Hay naku Ellen! How many more agencies does she need to make good all the vision of a good government is supposed to do? You have PAGIBIG and you have the National Housing – and by the way, how come they’re not on the limelight? What’s going on with them?

    It’s a bit weird in the Philippines because you have GSIS and you have SSS, you have this you have that! AAAAAAAAHHHH! when you could have it just one and so you have so many agencies doing pretty much what the other is doing with responsibilities that you can no longer distinguish what in the world were they supposed to do in the first place. Anu yun? Para maraming hands in the bucket?

    She should just leave SSS alone, they’re doing good and they have done good. That’s PAGIBIG’s role and she should just leave it as that. SSS investments should likewise be policed lest be in the same situation like CALPERS of California or the so many investment houses in the US who made some bigtime mistakes in investing in real estates read: subprime mortgages bundled into some fancy named funds, uud lang pala ang laman.

    Now who knows? Do we have statistics as to how these PagIbig members are paying? I’m sure with the personal income of pinoy being stagnant which is I believe still stands at Php300 pesos every kada dia over the years, do we know the delinquency rates of these homeowners? Maybe that’s the reason why – maybe this explains why they need SSS funds baka wala na namang pera na ang Pagibig? You think? My 44 pesos!

  13. nelbar nelbar

     

    Si Pidol kahit na eigthy years old ay nagagawa pa nitong mag-joke sa pamamagitan ng bagong labas ng book nya. Pero si Erap at Senator Greg Honasan ay hindi na. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi na sila nagsasalita sa publiko.

    Kung popularidad rin lang naman ang labanan sa pangpanguluhan, aba eh nandyan si Dolphy.
    Kung itatapat ito sa isa pang kilala ng mga negosyante at ka-edad nito, nandyan si John Gokongwei – na kung saan ay nag 80 y/o noong nakaraang dalawang taon.

    Kung Dolphy versus John Gokongwei for president, dehadista o lyamadista? Alam nyo na siguro kung saan panig ang masa?

    Isang magandang halimbawa ito para sa mga sumusulong ng kandidatura ni Mr. Palengke at MVP.
    Ang isang pangkaraniwang masa lalo na iyong mga nasa probinsya ay hindi pa nauunawaan ang mga achievement o iyong mga batas na nagawa na ng dalawang nabanggit na presidentiables.

    Kaya’t bentahe pa rin si Lito Lapid kung hindi man siya nagtagumpay sa Republika ng Makati.

    Dagdag pa rito, malaki pa rin ang gagampanan ng mga political dynasty sa susunod na election: Cha-Cha, referendum o national election man.

    Kung inyong ihahalintulad ang politika sa Pinas, ang Gandhi dynasty sa India, ito ay sinisimbolo ng politikong si Sonia.
    So, nakikinita na natin ang labanan sa karera ng Senado.
    Nandyan at nanatili pa rin ang traditional politics.

    Mababasag lamang ito kung itutuloy ni Susan Roces ang mga ipinaglalaban ni FPJ noong 2004.

  14. chi chi

    Dapat ang publiko ay mag-demand ng kasagutan buhat sa lahat ng nais mag Pinas president kung ano ang kanilang solusyon sa iiwan ni Gloria (aalis kaya) na basura at ilahad ang mga konkretong proposals para sa ikabubuti ng patakbo ng gobyerno. Hindi iyong lahat sila ay gustong maging showbiz persons lang para makadikit sa masa. Ang masa (ang iba ay mulat talaga) naman ay dapat itaas ang panlasa sa larangan ng pulitika para sa kanilang sarili. Dapat ay tapusin na ang ‘cycle’ na ito ng kababuyan ni Gloria.

  15. Tilamsik Tilamsik

    chi Says:

    “…. ilahad ang mga konkretong proposals para sa ikabubuti ng patakbo ng gobyerno. Ang masa (ang iba ay mulat talaga) naman ay dapat itaas ang panlasa sa larangan ng pulitika… ”

    ***********

    Ang galing, sang ayon po ako.!

  16. Related topic but I just read somewhere that Cayetano has initiated an investigation of Teves. Good, for the truth is I have long been having a nagging feeling about this Dorobo appointee, who has been coming off and on to Japan, and every time, he does, we hear of the attempts by the Dorobo government to dispose of the properties that they say are not being sold but only lease, but what many Filipinos do not seem to know is that their confusing laws on this kind of deal is double edged; meaning that any lease done for 50 years is as good as sold.

    I am not a Philippine national but as a Japanese national I am free to educate Filipinos and encourage them to do something that they may not be swindled by crooks they elect to office, even as good as to remind them that the Japan-Philippine Reparations Treaty provide for litigation of anybody involved in shady deals regarding Japan’s payments to the Philippines, including the 5 patrimonies given to the Philippines as reparations payments.

    Right now, they are being swindled by this government of the Dorobo who has even had the biddings done in the Philippines even when the patrimonies are in Japan and should be shown to the wannabe leasee in Japan and the Philippines who are either Filipino and/or Japanese, no other national.

    Would you believe that it was not the negotiators from the Philippines then who thought of providing all kinds of precautions that the Filipinos would not be swindled and the properties not embezzled by anyone but the Japanese negotiators, who could sense the prevalent greed, and budding graft and corruption that they had the foresight to know would permeate Philippine politics then and now?

    Truth is nakakahiya mang aminin, but they (Japanese negotiators) were definitely right. Umiral ang kaswapangan, and if not for the concerned Filipinos in Japan and their Japanese friends, matagal nang naidispatsa ang mga patrimonies sa Japan, noong pang panahon ni Cory. Ironically, it was not Marcos who wanted them squandered by the crooks in the government that proceeded his dictatorship.

    I guess, I’d tell my group about this new investigation on Teves. Isaisahin na puede ba, and please huwag namang bitin palagi! Nakakasuka na nakakasuya pa!

  17. but the crooks ….

  18. florry florry

    Gloria has a very bad habit of stealing people’s money. Her eyes are now focused at the SSS funds, the very source of income of retirees who are mostly poor and depend on the meager pension for their daily existence. SSS funds are not public money and so the government has no business in making it into a milking cow. But with Gloria’s penchant for getting anything she wants and by any means, one can only pray that she will be a little moderate in dipping into the SSS coffers and leaves something for the poor retirees. Tutukan natin, as if this will prevent her from doing her thing. The only hope is for the Senate and not the Arroyo house of Thieves to block her from corrupting the SSS. But under Gloria and her bogus government one can never be an optimist but always expect the worst That’s a very safe bet.

  19. Pag pinakialaman nila yang pera ng SSS, tuluyan nang binusabos ni Pandack Omama ang masa. Maraming pamilya ngayon, iyan lang ang inaasahang pera. Kaya marami ang mga pamilyang nakatira pa rin sa mga magulang at mga lolo’t lolang pensiyonado.

    Hinihigop na ng Mercury Drug ang halos kalahati ng pension ng mga senior citizens, yung natitira ay ipinangtutustos pa ng mga matanda sa mga anak at apo nila. Kung sakaling mawala iyan ay lalong mas maraming magugutom.

    Sabi nga ni Erap, “A hungry stomach knows no laws”.

  20. O aalis na naman si Bru kasama ang mga kurakot na bubuntot-buntot sa kanilang mag-asawa.

    Iyong mga senador at tongressmen ng Pilipinas panay ang pasikat na marami silang ginagawang batas, bakit hindi sila gumawa ng batas na itong mga bubuntot-buntot kay Demonya at Demonyo ay hindi na puedeng on government junket.

    Over here in Japan, for instance, iyong mga pribadong businessmen, sumasama sa mga tours, etc. na inaayos ng JETRO na isang ahensiya ng gobyerno ng Japan, pero pag sumama sila, gastos nila ang kanilang participation. Taragis sa Pilipinas, mukhang iyong mga sinasama, kinikikilan pa yata ng mag-asawang mandarambong tapos kunyari government junket para ibulsa. Bakit hindi iyan iniimbestigahan at binabatikos!

    Ang daming dapat na kalkalin, hindi iyon ang pagkaabalahan ng mga PNP, Ombudsmen, et al. Puro kasi naging sariling ahensiya na ni Demonya kaya hayan abuso dito abuso doon. Dapat na iyang sibakin. Puede ba?

  21. Gabriela Gabriela

    At liit-liit na nga ang pensyon ng mga SSS members, paki-alaman pa ni Gloria. Wala talagang habag itong gagang ito.

  22. zen2 zen2

    Tilamsik,

    hayaan mong palawigin ko ng konti ang buod ng iyong pangungusap.

    ang pag-lagay kay G. Neri sa SSS, ay nasa konteksto gaya ng suspetsa ni Vic (aka naykika): para dalhin ang pondo ng taong bayan sa abroad para i-sugal sa stock market.

    sa unang tingin, hindi masama dahil maaring kumita, at puwedeng madagdagan ang pera ng organisasyon, di ba?

    ganito din ang siyang naunang gawa ng GSIS na pinamunuan ni W. Garcia: nagpa-bid sa mga interasadong fund managers para sa kanyang bilyong dolyares (yes, US $) na ari-arian, para siyempre sa abroad!

    (teka, merong bang bidding sa ‘Pinas, na kapital ng korapsyon ng Asya, na walang lagay? puwedeng tanungin si Neri mismo, o mas mabuti si Jun Lozada)

    nauna ng magpahayag si Garcia, na dapat meron daw SWF (sovereign wealth fund) ang bansa gaya ng sa Oman, Abu Dhabi at Kuwait, o Singapore, na siyang unang hiningan ng tulong ng Citigroup at iba pang investment houses ng bumagsak ang Bear Stearns sa ‘Merika, at patuloy na pagbagsak ng iba pa.

    isipin na lang pera ng naghihikahos na Pinoy, sa labas pa ng bansa tuloy dadalhin, at pantulong sa mga dambuhalang investment houses, magaling talaga, at super-mabait pa, di ba?

    o dili kaya’y, isang anyo ito ng kataksilan sa bansa at isang paraan ng pangungulimbat?

  23. zen2 zen2

    ibig sabihin, ang gobyerno mismo walang tiwala sa kanyang kakayahan:

    una, bakit mag-imbita pa ng maraming foreign fund managers?

    pangalawa, wala ba siyang tiwala sa stock market ng sarili niyang bansa?

    hindi pa katagalan ilang taong nakaraan, ang isa sa pinakamalaking pondo sa US of A, ang California State Employees Pension Fund ay isa sa mga aktibong manlalaro sa Phil Stock Exchange, bakit hindi nila (SSS at GSIS) bigyang ayuda ang kanyang sariling merkado?

    ipagpalagay ng bagsak ang merkado ngayon ng bansa, eh, saan ba ang hindi?

    ang punto, bilang pondo ng taong bayan, ang SSS at GSIS, ang siyang manguna sa pagbigay buhay sa mga lokal na merkado at palawakin pa ang kanyang aktibidades sa labas ng stock market.

    pero unahin nila dapat ang sariling bakuran. tutal, malugi man, nakatulong sa sariling merkado at kababayan.

    eh kung sa abroad malugi, paano ngayon?

    (bakit hindi ipatawag ni Mar Roxas, sila Garcia at Neri at alamin ang balak ng mga ito re: pondo, bilang Senate chair ngTrade and Industry? o kasabwat ba dito? )

  24. chi chi

    “bakit hindi ipatawag ni Mar Roxas, sila Garcia at Neri at alamin ang balak ng mga ito re: pondo, bilang Senate chair ngTrade and Industry” kesa sa nagvi-virtual rally siya na hindi abot-tanaw ng masang walang pera?

  25. May punto si Zen2. Ang perang kokonti pag inilagay mong lahat sa manipis na portfolio investment, madaling malusaw kumpara sa maingat at diversified investment sa iba’t-ibang uri ng merkado.

    Sa tingin ko, pangarap ng baliw na nagmamarunong na ekonomista daw na maging katulad ng China o Singapore na malaking pera ang itinutustos ngayon para makatulong sa banking industry ng Amerika. Sa kayabangan nitong unanong ito, naghihikahos na ang taumbayan, nag-iilusyon pang maging katapat ng China, Singapore, UAE, Kuwait at Saudi na mayayaman sa kwarta ngayon.

    Isang social climber na trying hard.

Comments are closed.