Nilabas ng Vera Files ang special report na ginawa ko tungkol sa pagpalit ng Election Returns ng 2004 election sa Batasan na isinagawa ng Special Action Force ng Philippine National Police.
Ang Vera Files nga pala ay binubuo ng anim na beteranong reporters (kasama ako doon) na sumusulat ng mga artikulong nagpapaliwanag at nagbibigay ng perspective sa mga nangyayari ngayon sa ating lipunan.
Sinabi sa amin ng mga nakausap naming mga miyembro ng SAF na noong Enero 23, 29 at unang Linggo ng Pebrero 2009, sinabihan sila ng kanilang mga superior na may isang operation daw silang gagawin. Legal daw.
Ito ang kwento nila ng operasyon na yun: Sakay sila ng apat na sasakyan kasama na ang police rescue van , dumating sila sa Batasan halos hatinggabi na. Bumaba ang mga 30 na tao. Dalawampong miyembro ng SAF ang kasama sa operasyon na pinangungunahan ni Supt. Rafael Santiago na noon ay hepe ng Intelligence and Investigation Division ng SAF. May kasama si Santiago na ibang opisyal na sina Inspectors Rafael Lero at Samson Kimayong. Sa naunang briefing raw, kasama ang hepe ng SAF noon na si Gen. Marcelino Franco.
Napag-alaman namin na ang operasyon ay pakana ni dating PNP Chief Hermogenes Ebdane, na ngayon ay secretary ng Department of Public Works and Highways. Si Ebdane ay isa sa mga pinagkatiwalaan na adviser ni Gloria Arroyo.
Sa isang naka-tape na paglalahad, sinabi ng isang SAF na pare-pareho ang ginawa nila sa tatlong beses na operasyion nila sa Batasan. May dala silang mga 20 o 30 na karton ng sigarilyo na may laman na pekeng election returns. Yun ang mga ERs na ginawa sa Brookside Hills sa Cainta nina Atty. Roque Bello, isang election lawyer, na utos rin daw ni Ebdane.
Madali raw sila nakapasok sa storage room sa Southwing ng Batasan kung saan nakatago ang mga ERs ng 2004 elections nanakalagay sa ballot boxes, dahil ang nagbabantay ay kapwa nilang SAF sa pangunguna ni Chief Inspector Ferdinand Ortega. May kasama silang pick locker.
Kapag nabuksan na ng pick locker ang mga ballot boxes, kinukuha nila ang totoong ERs at linalagyan nila ang dala nilang mga pekeng ERs.
Mga tatlong oras sila gumagawa at sa talong oeprasyon, nakapalit sila ng mga 6,000 na ERs. Hindi na natuloy ang pang-apat dahil na-promote si Ortega at naging commandant ng SAF Training School. Ayaw raw mag-cooperate ang kanyang kapalit na si Chief Inspector Jimmy Laguyo.
Ang isa sa gumawa ng mga pekeng ERs, si Arsenio Rasalan, ay gumawa noon ng affidavit kung saan sinabi niya na sinabi sa kanya ni Bello na ang pera para sa operasyon ay binigay ni Gloria Arroyo.
Kina-ilangan mapalitan ang totoon ERs sa Batasan dahil kung maala-ala natin noong 2004 eleksyon, pinalitan ng mga military ang mga numero sa Certificate of Canvass (COC) sa maraming presinto sa Mindanao para mahabol ang panalo ni Fernando Poe Jr. sa Luzon.
Dahil sa protesta ni FPJ at Loren Legarda na tumakbo para bise-presidente. Maaring buksan ang mga ballot boxes at kapag tiningnan ang election returns, hindi yun magkakatugma. Mabubuking na talo talaga si Arroyo.
Apat na taon na ang nakaraan at akala ni Arroyo at ng kanyang mga alagad tuluyan ng mailibing ang ginawa nilang pandaraya. Ngunit hindi, ang multo ng “Hello Garci” ay bumabalik.
Para sa kumpletong report tungkol sa ER switching, click kayo sa:www.verafiles.org
Just FYI, Ebdane and Razon are members of Freemasonry occupying high positions. Masons are known to be just and upright persons. They are men of moral values. If Ebdane was part of the 2004 election cheating machine, he should be expelled from Freemasonry. At the very least, his brothers in the group, the Grand Master, must ask him to reveal what he knows. These Masons must live up to what they believe for…people of honesty and integrity.
Incidentally, many of those PNP and Military personnel who participated in the kidnapping of Jun Lozada are also members of Freemasonry. No wonder they are called Secret Society. They commit crimes in secret.
Kung magsasalita lang ng sabay-sabay ang lahat ng SAF members na involved sa ER switching, maybe we can attain something substantial. I know, I’m wishing for the moon!
Ang isa sa gumawa ng mga pekeng ERs, si Arsenio Rasalan, ay gumawa noon ng affidavit kung saan sinabi niya na sinabi sa kanya ni Bello na ang pera para sa operasyon ay binigay ni Gloria Arroyo.
*********************
Punta kayo ng youtube, at i-search ang “Arsenio Rasalan”. Doon niyo mapapanood ang salaysay ni Rasalan.
Words of an individual against the legacy of the whore Gloria or collective members of SAF won’t meant a thing, useless as mud, unless it properly goes through the legal procedure. A legal procedure is when the Spineless Congress called for a hearing in the case with witnesses testifying to the facts of ERs. We already been down this avenue and it went nowhere. Furthermore, no court in the land or judges will dare touch this Hello Garci now, not even with the ten foot pole. Hello Garci is dead in the water, as long as the whore Gloria is in the whore house. Just too many people’s of whore Gloria that made this possible for the whore has much to lose. Jose de Venecia as a great prime example. Might as well get use to the whore, just little too late in the game, and not while the whore has something to say about it, at least not at the moment. Moreover, just my opinion, I won’t be a bit surprised that whore have FPJ killed, to make certain of her future legacy. Madam whore that uses the people’s house to distribute bribe brown bags for dirty work, just can’t be trusted. Which is why Gloria Arroyo will always be a whore of Malakanyang as her legacy.
Speaking of Garci, where is he now? Well fed and well protected.
BD: Just FYI, Ebdane and Razon are members of Freemasonry occupying high positions. Masons are known to be just and upright persons. They are men of moral values.
******
Apparently, sa Pilipinas nasira ang standard of uprightness, etc. ng Masonry! Something must be wrong somewhere about why anything seems to get corrupted there. The devil must be having a heyday in the Philippines especially with a demonya at the helm.
Chi: Kung magsasalita lang ng sabay-sabay ang lahat ng SAF members na involved sa ER switching, maybe we can attain something substantial.
******
Tama ka, Chi, it’s wishing for the moon. Tapalan lang ng pera ang mga iyan, biglang babaligtad din ang mga iyan. Kawawang Pilipinas talaga!
It’s abuse of power and position, grizzy. Abuse is against the teachings of Christ. There are two kinds of abuse: physical and emotional. GMA’s officials are committing such abuses even if they belong to reputable fraternity.
Freemasons? they have this college version right, the “Demolays?” I was told you have to go through the usual fraternity rites if you joined them, or most appropriately “sponsored.”
…but I wouldn’t know much about them, I was in a gang…
Freemasonry is also like a big well organized gang. So many of our government officials, police and military officials are
members. Just like any other group, there are the good and the bad. Ebdane and Razon belong to the bad ones.
Ang multo hindi yan hihinto hanggang hindi ma-resolve. Kaya pati yata multo na neutralize na nitong demonyita.
With your reports, complete with documentation and pictures, Ellen, if this happens in Japan, immediately, the court will order thorough investigation of this case since it is still within what they call “statute of limitation.” Over here, it is 15 years, and any criminal can be subject to arrest within this length of time. Problem in the Philippines is who will dare initiate such investigation? Taragis pati iyong hukom nakikipalakpak kay Garutay! Lalo na iyong sipsip sa Congress na speaker na handpicked niya. Iyong naman mga opposition kuno daw sa Senate naman mahilig lang ng grandstanding. Kunyari mag-iimbestiga pero iyong mga witness walang protection even from being kidnapped or slapped with criminal cases, invented pa lahat gaya noong robbery case na isinampa kay JLo. Unbelievable! No wonder, hindi nga pipiyak ang nagi-guilty nang wannabe whistleblower. Binaboy na ang lahat, wala pa ring pumipiyak!
Anyway, ingat, Ellen and your fellow journalists at VERA Files. Mukhang tabbed kayo.
Puede bang isali yun litrato ng butas na dingding na ipinagtaguan ng mga balota sa batasan? Malaki ang ibig sabihin nun. SAF pala ang nagbabantay. Ano ba ang palusot nila doon? Bakit nga ba nabutas?
Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit nila inoverhaul ang batasan complex at gumastos ng kung ilang milyon na naman despite the crisis that the majority of filipino people are now under going. Kapal talaga ng mga mukha ng mga buwitreng yan. kaya nga noong libing ni FPJ parang mga praning ang mga bataan ni Arroyo na nakabantay sa mga tao na nakipaglibing kasi ang akala nila liliko sa mendiola instead na dumiretso sa North Cemetery. Sana habang buhay silang hindi patahimikin ng kunsensya nila. But my question is Do evil people have a consciense? Sana mai explain ito sa akin ni Father Robert Reyes kasi ilan lang siya sa mga pari na pinaniniwalaan ko or else aalis na ako sa Catholic.
From Polly
A letter from a future presidentiable…
Dear Ate Menggay,
Ako po ay isang mag-aaral na nanggaling pa sa bulubundukin ng Tralala. Iskolar po ako ng tribu namin na nagsanla pa ng kani-kanilang mga kaluluwa sa mga lamang-lupa upang mapag-aral ako dito sa Maynila. Asang-asa po sila na balang araw ay magiging isa akong mahusay na magbabalot pagkatapos kong makatapos ng Music major in vocals. Pitong taon na po ako dito at kasalukuyang nasa first year sa Ina Computer Nursing School.
Ang problema ko po sa ngayon ay napakalaki. Matagal ko na po itong pinag-iisipan at naitanong ko na po sa pinakamahuhusay kong guro. Ang isa po sa kanila ay nakapagtapos ng napakataas na antas ng pag-aaral sa larangan ng manicure at pedicure. Ipinakita nya pa nga po sa akin ang kanyang diploma at transcript of records na galing sa Claro M. Recto. Ngunit kahit po siya ay hindi masagot-sagot ang aking mga katanungan.
Matagal na po akong nagdadalamhati dahil sa mga katanungan kong ito. Hindi na po ako makakain. Kahit na ang paboritong kong yema na isinawsaw sa bagoong ay nagagawa ko nang tanggihan. Maikli na lamang po ang tulog ko pag gabi – karaniwan sa umaga na lang po ako natutulog ng mahaba. Mga ilang buwan na po akong hindi naliligo dahil walang tubig sa amin.
Please, ate Menggay, tulungan nyo po ako. Sagutin nyo po ang mga katanungang nagbibigay sa akin ng hirap at pighati. Bakit po ang pula ng itlog ay tinatawag na pula eh kulay dilaw naman po iyon? Ano po ba ang tamang bigkas – bitones o butones? Ano po ang dahilan at hindi nalulunod ang isda?
Dahil sa mga katanungang ito, sinubukan ko na pong wakasan ang aking buhay, kaya nga lang po naputol ang sinulid na aking ginamit sa pagbibigti. Hindi rin po naging successful ang pagtalon ko mula sa tuktok ng aming paaralan – sabi ng mga kaibigan ko wala raw namamatay sa pagtalon mula sa building na isang floor lamang. Ayaw ko naman pong maglaslas ng pulso, kasi sabi ng nanay ko mamantsahan daw po ng dugo ang damit ko – sayang naman. Hindi ko na po ninais na magbaril sa aking ulo dahil papatayin daw po ako ng tatay ko pag nalaman nyang ginalaw ko ang baril nya.
Tila ba pati mga kaibigan ko ay iniwan na rin ako. Pag nagte-text ako sa kanila, hindi na sila nagre-reply. Ang tanging lumalabas sa aking cellphone ay “You have zero balance, please load now”. Pati ang buong mundo ay patuloy akong itinatakwil. Kapag nagha-hang ang computer ko, lahat ng mga tao ay nagsasabing i-reset ko daw ang computer. Ate Menggay, niloloko nila ako – walang “reset” sa keyboard ng computer, kahit ikaw pa ang tumingin.
Pakiusap lang po ate Menggay, pakitulungan nyo po ako. Magkaka-diabetes na po ako kaiisip. Alam kong ikaw lamang ang tanging makatutulong sa aking mga problema. Naalala nyo po ba, kayo ang sumagot sa katanungan ko tungkol sa kung ano nga ba ang nauna – itlog o manok? Alam ko pong muli nyo akong matutulungan lalo pa at patuloy ang inyong pagpapakadalubhasa dyan sa loob ng mental hospital.
Maraming salamat po, ate Menggay. Hanggang dito na lamang dahil magmimiryenda muna ako. Mukhang masarap ang buko salad na ibinigay sa akin ng kapitbahay ko last week. Katakamtakam kung tignan ang maliliit na bula sa ibabaw nito gayundin ang maasim-asim nyang amoy. Sariwang-sariwa ang sangkap – gumagalaw-galaw pa ang isang hibla ng buko. At huwag nyo din pong kalilimutan, iboto nyo po ako sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon.
Nagmamahal,
Badong
Badong,
Para matapos yang problema mo, ang sagot ko ay ito: parehong mali ang butones o bitones, hind iyan ginagamit sa olympics. Baton ang tama. Mabuti’t nagtanong ka, nakakahiya diyan sa Computer Nursing School mo, ano’ng year ka na nga ba sa kursong Vulcanizing?
Yung sa itlog, hindi mo lang naintindihan, Badong. Yung pula hindi yung nasa loob kundi nasa labas. Pulang itlog, ibig sabihin, maalat. Teka, alam mo ba kung paano gumawa ng pulang itlog? Kinakamot lang. Subukan mo.
Naalala ko tuloy yung ate mong maraming allergy, sumulat din sa akin na nagsabing tinatagyawat daw siya sa mani, sabi ko naman, “Ako sa mukha lang tinitigyawat”.
Tungkol sa isda, hindi talaga sila nalulunod, kasi yung hasang nila kumokolekta ng oxygen sa tubig. O Science yan, ha, magaling ako sa Science! Ang delikado lang pag pinulikat yung isda, siguradong malulunod yon.
Salamat naman at di ka natuluyan sa pagpapatiwakal mo, kasi naman sinulid ang ginamit mo. Mali yon, alam mo ba yon? Dapat itali mo yung sinulid sa pako ‘no! Yung pako, sa kisame, hindi sa sahig, ha. Pero pareho tayong nagpatiwakal, ha. Ako tumalon din, pero sa building doon sa Ayala. Tumalon ako mula sa 36th floor, pag bagsak ko, buhay ako! Sa 35th floor nga pala ako nag-landing.
Sus, nagalit lang ang tatay mo, natakot ka na? Ang gawin mo, pagkatapos mong barilin ang ulo mo, siya naman ang barilin mo! Pati yang mga kaibigan mong ayaw sumagot sa text pabayaan mo sila. Pareho tayong malas sa kaibigan. Mapili ako sa kaibigan, ang gusto ko yung mga sosyal, mga mayaman. Pero tuwing tinatawagan ko naman sila sinasagot ako nung mga asawa yata nila yun, babae e, laging sinasabing, “The telephone you dialled cannot be rich”. Akala o pa naman maykaya sila.
Alam mo medyo bobo ka rin ano, ano’ng walang “reset” sa keyboard? Tanga ka pala e, kung gusto mong reset, e di itype mo R-E-S-E-T, hahaha, jologs!
Salamat naman at naalala mo kong sulatan dito, ilang sem na lang gradweyt na ako. Pero teka anong Mental, hindi ako sira ulo ano? Dito ako naka-enroll sa Quezon Institute! Mahirap ang mga leksiyon dito, lahat ng mga kaklase ko nagka-TB na sa hirap biruin mo.
Ingat ka lagi pero kung ako sa iyo hindi ko na kakainin yang fruit salad na may bula at gumagalaw na buko. Ang bobo mo talaga. Di ba may diabetes ka? Naku naman talaga.
Hanggang dito na lang.
Nagmamahal,
Ate Menggay
(P.S.
Pakitext mo naman ako dito sa cellphone ko. Bagong labas yata ito. Hindi ko alam gamitin yung ibang mga pindutan gaya ng plus, minus, times, divide at equals. Casio ang tatak. Matindi ito, solar pa!
Babay!)
Tongue:
Tindi mo. Matutulog na sana ako nang mabasa ko ang sagot ni Menggay kay Badong. Sumakit tuloy tiyan ko! Pero at least, nabinat ang peliges ng mukha ko! Salamat! 🙂 (Paano ba gawin iyong smiley na kumikindat?)
Jug and Tongue, sumakit ang tiyan ko sa kakatawa sa exchange nyo. Gamitin ko nga ito sa column
Nai-forward ko na sa hq ang mga katanungan na mga nabasa ko sa itaas.
Sinabi sa akin na hari daw ang mga tao.
Pinabalideyt ko rin ito sa mga kaeskwela ko at pinatotoo na “tao king” daw?
Ang isa sa mga natutunan ko dito sa EU ay hindi mo na pala kailangan na uminom ng kape.
Magbasa ka lang dito sa ET dot com, mapupuyat ka na (wink)