Skip to content

Bagsak

Sabi ni Gloria Arroyo sa Baguio City noong isang araw, “Kung alisin ang VAT sa gasolina at kuryente, ano ang ipapalit sa P80 bilyon na kita na ginagamit para sa mahihirap>”

Hindi ko alam kung siya ay tanga o nanloloko?

Ang VAT o value added tax ay 12 porsiyento sa presyo ng gasolina. Ibig sabihin noon, sa bawat isang daang na binabayad sa gasolina, ang P12 ay pumupunta sa pamahalaan. Kung wala ang VAT, dapat P88 ang ibinayad sa halip na P100.

Hindi tama ang sinasabi ni Arroyo na ang mga maykaya lang ang apektado ng VAT. Bakit mayaman lang ba ang guumagamit ng gasolina. Ang mangingisda ay gumagamit ng gasolina tuwing magpapalaot sa dagat. Ang jeepney driver at taxi drive ay bumibili ng gasolina tuwing magpapasada. Ang may-ari ng sari-sari store ay gumagastos tuwing mamimili ng paninda.

Ang mga negosyante at ang mga may-ari ng mga factory ay tumataas ang gastos sa VAT. Siyemre babawiin nila sa kanilang produkto. Kaya makikita natin yan sa pagtaas ng presyo ng lahat na bilihin: gulay, isda, karne, gatas, damit, gamit sa paaralan. Lahat na gamit.

Lumalangoy si Arroyo sa pera dahil sa VAT. Siya mismo ang nagsabi P80 bilyon ang kita niya sa VAT. Kaya sabi niya namudmud siya ng pera. Sinong lokohin niya?

Hindi ganito kahirap ang buhay kung wala ang VAT.Kung matino siyang lider, dapat ayusin niya pagkulekto ng buwis. Dapat walang smuggling. Dapat tigilan niya ang paglustay ng pera ng taumbayan.

Mabuti lang at kukunti lang ang naloloko niya.Tingnan nyo ang kanyang rating sa SWS survey na ginawa noong ika-pito ng Hunyo hanggang ika-30 ng Hunyo.mga huling araw na ito ni Arroyo sa pagbisita sa kanyang kaibigang si George Bush kung saan bitbit niya ang 63 na mga kongresista habang lubnog sa tubig at putik ang libo-libong Filipino na biktima ng bagyong “Frank”.

Lumabas ang galit ng taumbayan sa survey.

Sa tanong kung sila ba ay kuntento sa pamamalakad ni Arroyo, 22 porsiyento ang nagsabing “OO” at 60 porsiyento naman ang nagsabing “Hindi”. Kaya bagsak na bagsak ang rating ni Arroyo: minus 38 porsiyento.

Sabi ng SWS kahit daw sa Visayas, kung saan malakas si Arroyo, bagsak na siya doon. Sabi ni Remonde, talagang ganoon raw kasi mas gusto raw ni Arroyo na tama siya kaysa popular.

Hindi nga tama eh. Palpak nga siya eh. Kaya naghihirap ang bayan.

Published inWeb Links

26 Comments

  1. Elvira Elvira

    Matagal ng BAGSAK si Gloria …matagal na…sa survey ratings lang. Ang kailangan na lang niya ay ang literal na magpapabagsak sa kanya! Huwag na sana niyang hintayin ang pagbagsak na !to! Siguradong napakasakit nito… at hindi na siya matutulungan ng mga bayaran niya!
    Bayan gising na…please!!!

  2. bitchevil bitchevil

    Malacanang’s Remonde used to be a respected journalist until he joined Malacanang. He together with Anthony Golez and Fajardo are GMA’s current cheering squad.

  3. bitchevil bitchevil

    Gloria has just been recorded in the Guiness Book of Record as the most unwanted President. Let’s all congratulate her…

  4. chi chi

    “Kung alisin ang VAT sa gasolina at kuryente, ano ang ipapalit sa P80 bilyon na kita na ginagamit para sa mahihirap”?- Gloria

    E di ibalik mo lahat ang iyong nakulimbat na. Sobra-sobra pa, gaga!

  5. chi chi

    P80 bilyon na koleksyon galing sa VAT na napupunta raw sa mahihirap. Nasaan? Ramdam na ramdam ang kahirapan pero meron palang ganitong halaga, nasa bulsa nga lang ni Gloria!

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    May accounting ba ang P80 bilyon galing sa VAT para sa mahihirap? Baka masmalaki ang operasyon/distibusyon expenses at tongpats kaysa ginamit para mahihirap.

  7. kejotee kejotee

    “Kung alisin ang VAT sa gasolina at kuryente, ano ang ipapalit sa P80 bilyon na kita na ginagamit para sa mahihirap”?- Gloria

    …………..

    80 bilyones na pala ang bigat ng VAT na binabalikat ng pinoy?? Bakit hindi pa sila uma-alma? Bilib na ako sa pinoy…

  8. Golberg Golberg

    Bagsak talaga iyan kasi peke.

    Kelan ba tayo nakakita ng peke na umangat? O nakakita na ba tayo ng peke na nagawang makipagsabayan sa mga tunay? Si Gloria lang siguro. Pero ewan ko pag namatay iyan kung magagawa pa niyang makipagsabayan sa mga tunay.

  9. Kejotee, I’m not sure if it’s a typographical error. But that’s what is in the Inquirer news item. Other reports say it’s P8 billion.

    I’ll check.

  10. If its 80B, who cares about survey ratings? Name calling will never hurt but sticks and stones…may break some bones…

  11. chi chi

    8B or 80B, it makes no difference to the pinoys who can no longer think straight due to hunger.

  12. chi chi

    Dahil sa ginutom ni Gloria, ang pinoy ay hindi lang naging duling…nabulag pa!

  13. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    The people are hungry because the Arroyo government eats up too much in taxes (VAT). Empty stomach is very dangerous. Hungry people may ‘eat’ Gloria and her cohorts alive.

  14. It’s more than 80B, Ellen. Recto actually prosed the inclusion of petroleum products in RVAT and the other items previously excluded in EVAT to be able to hit the 80B mark. EVAT was making about 40B only. But that was before the steep rises in oil and rice prices. Meaning, the 80B target has been met and even effectively overshot by leaps and bounds due to the oil surge.

  15. chi chi

    80B+++ meron daw ang pamahalaan, ni kusing ay hindi nararamdaman ng sikmura ni Juan!

  16. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ramdam na ramdam ang katas ng VAT sa kanilang sariling bulsa.

  17. Shaman of Malilipot Shaman of Malilipot

    Ang ibig bang sabihin ni Remonde ay si Gloria tama at ang sambayanang Pilipino ay mali? Kaya nga hindi popular si Gloria dahil mali siya. Gago.

  18. chi chi

    You said it very well, Shaman.

  19. From Macol:

    Kung kumikita ng P80 bilyon sa VAT, bakit ang pinamumudmod ay parang mumo lang ng kanin ang halaga.. Kung magsalita si GMA parang pera niya yung pinamimigay niya samantalang pera rin ng taong bayan yon.

  20. bitchevil bitchevil

    Yes, what can P500 do to a family these days? While I agree that distributing money to the poor is not wrong per se, how this is being distributed is a big question. How does the government keep track of those who receive the money? Even if they sign and receive a receipt, what’s the guarantee that the money are given to the right people?

  21. BD:

    Kunyari lang iyong mudmod ng pera. Padded ang allocation niyan. Pag tinanong iyong nag-release, hindi kumikibo kasi pag humirap, tatanggalin. Balita ko kinakasuhan pa at sila mismo ang pinagbibintagan. Hindi nga mag-i-squeal ang mga mokong sa totoo lang. Pag di pa tinanggal si Bruha, kawawa na talaga ang mga pilipino. Apektado pa ang mga bansang nagpautang sa kaniya.

    Please naman, patalsikin na!

  22. ….pag humirit, tatanggalin. Iyan ang style ni Gloria para walang hihirit!

    Nakita ninyo ba ang litrato sa Malaya? Ang pangiiiiiit!

  23. chi chi

    Kasingbaho ni Gloria ang kanyang hawak na bunga n jathropa kaya nakabusingit! Sobrang pangit ang pagmumukha ng negative 38 bitch!

  24. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Halatang maraming kulubot ang kanyang leeg. Parang puyat at may hang-over. Baka kumain ng jathropa.

  25. chi chi

    Aba, e kahit umaambon basta kodakan! Hindi niyan mai-erase ang -38. Mukha pa ngang diring-diri sa bunga ng jathropa, pero OK lang basta meron kodak na panlagay sa diaryos.

    Ang pekeng gobyerno ni Gloria ay pinatatakbo ng kodak!

  26. nelbar nelbar

    Paunawa sa mga kong.
    Huwag sasabay sa pagkain kay GMA.
    Siguradong aantukin kayo.

Comments are closed.