Habang tumatagal ang imbestigasyon ng paglubog ng MV Princess of Stars na hanggang ngayon ay nakataob pa malapit sa Sibuyan Island Romblon kasama ang mga 700 na bangkay, lumalabas na marami na palang palpak itong Sulpicio Lines ngunit palagi lang nakakalusot.
Sa report ng Inquirer noong Linggo, nalaman sa website ng maritime insurance na Lloyds na mula noong 1980, may 45 na aksidente ang nangyari sa mga barko ng Sulpicio Lines na ikinamatay ng sobra 4,500 na tao. Ang pinaka-malagim ay ang bungguan ng Doña Paz sa isang oil tanker na ikinamatay ng sobra 4,000 na tao.
Sabi nga ng isa, dapat hindi sa shipping business itong Sulpicio Lines. Dapat sa funeral business na lang sila.
Siyempre pumasok na ang mga pulitiko. Nandyan na nga ang imbestigasyon ng Board of Marine Inquiry, nag imbestiga pa rin ang Congress.May mga senador naman na gusto raw kanselahin ang lisensya ng Sulpicio Lines.
Akala naman nila impressed ang publiko. Ngunit duda ang marami na gusto lang nila kumita. Ingay na ingay lang sila, kapag mabigay ng Sulpicio ang panganga-ilangan nila, tatahimik na yan.
Isipin nyo na lang, bakit nakalusot ang Sulpicio sa daming aksidente na nangyari? Hindi naman mangyari yan kung hindi malakas ang kapit.
Ngunit ito ang interesante. Ganito na nga kabaho ang pangalan ng Sulipicio ngunit nang magbanta ang ilang opisyal na i-take over ng pamahalaan ang shipping company, umalma ang lahat kasma ang mga negosyante.
Ganoon rin ang nangyari sa Meralco. Marami tayong reklamo sa palakad ng mga Lopez ng Meralco ngunit hindi sinusuportahan ng Meralco consumers ang plano ni GSIS general manager Winston Garcia na siya ang mag-kontrol ng Meralco dahil alam ng lahat na dikit siya kay Gloria Arroyo.
Kaya nakakabahala ngayon ang appointment ni dating congresswoman Zenaida Ducut bilang hepe ng Energy Regulatory Commission dahil maliban sa kababayan siya ni Arroyo (Lubao, Pampanga), alam ng marami na parang bayad sa kanya ito ng mga Arroyo dahil pinagbigyan niya si Mikey Arroyo para sa puwesto sa Kongreso.
Hindi tayo magtataka kung kasama si Ducut sa pag-ipit sa Meralco at sa mga Lopezes dahil inis si Arroyo na hindi niya nahahawakan ang ABS-CBN.
Ang punto rito, kung meron man tayong reklamo sa mga pribadong kumpanya, mas hindi naman natin gusto ang pamahalaan ni Arroyo. Mas buwaya yun.
* * *
Joke:
Masang Pilipino: Ang hirap naman ng buhay.
Gloria Arroyo: Konting tiis lang.
Masa: You mean, makakabangon na tayo sa kahirapan?
GMA: Hindi. Masasanay din kayo! Promise.
Sanay na yata kaya hindi humihirit! 🙁
Nabanggit ko sa blog ni Manolo, kaliit-liitang device na na-design ko para sa power barges ng Napocor kung saan mag-iindicate ng alarma kung ang navigational lights ay napundi, kinailangan pang itesting ng Lloyd’s Resgister of Shipping para mabigyan ang mga barge ng “Seal of Seaworthiness” kundi hindi sila makakakuha ng insurance at hindi makakapagbiyahe sa laot. Kahit mas mahal pa ang testing sa mga device na naibenta ko, sinagot namin.
Putris, napakahigpit ng insurance sa seaworthiness, pero sa kapalpakan na nagdulot ng pagkasawi sa mahigit 4,000 tao PINAPAYAGAN?
Tongue: mahigpit kumuha ng Hull insurance kasi mahal ang babayaran kung masira ang barko..at babayaran kaagad ng Lloyd’s..ang bayad sa buhay ng tao? ang sabi seguro ng insurance companies..ano yon? tao lang naman. malungkot.
Gloria Arroyo: Konting tiis lang.
Translation: Ako presidente habang buhay.
dagdag na naman prueba ito na hawak tayo nang mga chinos since mayari nang suspicious lines ay mga chinos. since nag cocolaborate si gloria macabebe arrobo sa mga chinos kaya kaya nila icontrol ang Filipinas, kanyang gobierno ay puppet government ng mag chinos fuera pa nyan sa mga americanos. ito ay matagal ko na sinasabi. kaya nag tataka ako bakit hindi si gloria riniresist nang mga sundalong filipinos since it is the duty of a soldier to defend his country against foreign invaders.
The faster way to take Sulpicio Lines out of business is by denying insurance. Or at least making premium payments very expensive to make transporting human lives unprofitable. This is justifiable looking at Sulpicio’s track record.
But I can also predict, some fly by night insurer will play Russian Roulette with people’s lives at stake to corner this business. This is where regulators can come in.
The life insurer (Third-Party Liability) just lost P160M in Princess of the Stars, which premiums Sulpicio, I’m sure, had built-in into their ticket price.
Nabasa ko yong record nang Suspicious Lines na yan! Ayuff ever! The kwestyon becomes, how in the world were they able to continue doing their punerarya business wantonly?!
Sinarado yong thread na sinusundan nito:
CBCP no communion ban policy to pro abotion politicians
Dito ko muna ilagay ang sagot ko kay Golberg.
First of all, I am not an Adventist or Lutheran. But that is not the point here.
Golberg says:
“You are saying that the Hebrew canon was reduced to 39 books after Jewish Council of Jamnia in 90AD. So, before the Jewish Council of Jamnia in 90AD, the official Hebrew canon was 46 books?” Answer: yes it is.
———000——–
My question to you is what is your proof that the Hebrew canon was recognize as 46 books? What Jewish council recognized it as 46 books of Greek translated Septuagint and what year?
Golberg says:
249BC translation ng Hebrew Canon into Greek. Samakatuwid yung Greek translation ay base sa Hebrew. Kumpleto iyan 46.
90AD hindi tinanggap ng mga Hudyo ang Septuagint at binawasan ang libro ng Hebrew Canon. Naging 39 nga.
You cannot cite any Jewish council that recognizes that the Greek translated bible (Septuagint—46 books) as the Hebrew canon because the simple answer is there is none.
Your basis for Greek translated bible (Septuagint – 46 books) as the Hebrew canon was when the translation was made in 249BC. When the ORIGINAL HEBREW BIBLE was translated to Greek (Septuagint – 46 books) that marks, according to you, the official recognition of Greek translated bible (Septuagint – 46 books) as the Hebrew canon.
Golberg says:
90AD hindi tinanggap ng mga Hudyo ang Septuagint at binawasan ang libro ng Hebrew Canon. Naging 39 nga.
In simple terms:
The Jewish Council in 90AD did not accept the Greek translated bible (Septuagint – 46 books). The Jewish council in 90AD only recognized the ORIGINAL HEBREW BIBLE as Hebrew canon which is consist of 39 books.