Update: In the 6:30 evening news, PNP Chief Avelino Razon said Ces Drilon, Jimmy Encarnacion and Octavio Dinampo will be released “in a few hours to one day”.
Update:The kidnappers of ABS-CBN reporter Ces Drilon and her cameraman Jimmy Encarnacion have given an indefinite extension on talks for their captives’ release, the son of the crisis negotiator said.
May napansin ako sa sinabi ni Mayor Alvarez Isnaji ng Indanan, Sulu,
ang negotiator sa pagpalaya kina Ces Drilon ng ABS-CBN, ang kanyang cameraman na si Jimmy Encarnacion at ang professor sa Mnidnao State University na si Octavio Dinampo.
Sinabi ni Isnaji na ang kidnappers ni Ces ay mga batang Tusog, mga 15 hanggang 20 taong gulang. “Mga anak at apo ng kasamahan ko sa MNLF, sabi ni Isnaji na dating kumander ng Moro National Liberation Front na nakipaggiyera noong panahon ni Marcos para magkaroon ng hiwalay na bansang “Bangsamoro” para sa mga Filipino-Muslim.
Sabi ni Isnaji tungkol sa kidnappers nina Ces: “Hindi sila organisado.
Wala nga silang pangalan sa kanilang grupo.”
Ibig sabihin noon hindi si Albader Parad ng Abu Sayyaf Group ang
kumuha kina Ces.
Ayon sa kanilang guide na nakabalik, si Juamil Biyaw (military asset
raw sabi ng driver ng sasakyan ni-hire nina Ces), hinarang raw sina
Ces ng mga sampung armadong lalaki sa Maimbung, Sulu ng sila ay
papunta sa isang coverage na hindi sinasabi kung ano. Nangyari ito
noong linggo, June 8.
Ang pangalan ni Albader Parad ng ASG ay galing sa mga pulis. Ngunit
sinabi rin ni Isnaji na noong pinapuntahan niya sina Parad, nagulat pa
raw ang ASG kumander. Hindi raw nila alam.
Sobra na isang linggo sina Ces doon at habang tumatagal, nakakabahala. Noong Huwebes, pinakawalan ang isang cameraman ni Ces na si Angelo Valderama. Ang usap-usapan, nagbayad raw ng P5 milyon. Sabi naman ni Undersecretary Amilasan Amilbajar, P2 milyon raw ang binayad. Saan napunta ang P3 milyon? Hindi lang yun, kinabukasan, sinabi ni Isnaji, P100,000 lang daw ang binayad sa board and lodging ni Valderama.
Sinabi ni Isnaji P20 milyon raw ang hinihingi ng kidnappers ni Ces,
Jimmy at Octavio. “Bilang tatay nitong bayan at dating lider at
kumander ng kanilang mga ama at lolo, pinakikiusapan ko silang
palayain sina Ces ng walang kundisyun.”
Sabi ni Isnaji, itong mga bata na kumidnap kina Ces ay napilitan
lamang dahil sa hirap ng buhay.
Mahirap natin, tayong mga Kristyano dito sa lungsod, maintindihan ang palakad doon sa mga probinsiya ng Sulu, Basilan, Tawi-tawi. Kumplikado ang problema ng mga kababayan nating Muslim sa Mindanao. Sabi ng isang opisyal ng marines, “Lifestyle nila doon ang kidnapping. Kapag nandoon ka, parang hindi ka sa Pilipinas.”
Sabi niya dapat hindi lang ang pagpalaya kay Ces ang asikasuhin ng
pamahalaan. Pari na rin ang kalagayan pangkalahatan doon.Para naman may katuturan ang mga buhay na nasawi at nasira dahil sa gulo doon.
May mga binabanggit ang mga negosyador at ng mga autoridad na nagbibigay ng impresyon na ang mga kumidnap sa grupo nina Ces ay parang hindi mga bandodong ASG. Bukod sa mga nabanggit ni Ellen, napansin ko din na di rin nila tuwirang masabing tiyak na ang mga ASG nga ang nangidnap. Isa pa sa aking obserbasyon ay yung pananatiling tikom ang bibig ng pinalayang si Valderama. At hindi lang yon, s Valderama ay nananatiling na sa kamay ng mga pulis at tila sadyang di pinapasalita.
Di kaya na nalaman o alam ni Valderama kung sino talaga ang kumidnap sa kanila at ayaw ipabunyag ito ng mga kinauukulan? Nagtatanong lang po.
Buhat sa P5M ay naging P2M at ang nauwi sa P100,000 na lang. Malinaw pa sa sikat ng araw na malaking negosyo at maraming kamay ang naghahati.
Tataas na naman iyan para magkapera ang lahat. Iniiba-iba ang script kasi bistado na para iligaw lalo ang mga tao.
Let’s continue praying for the safety of Ces and company.
Kung totoo man na mga bata ang kidnappers, mas mahirap utuin iyan.
No amount of rationalization will justify the kidnapping. No amount of cultural justification that “things are different in Mindanao” will make what has happened to the Abs Cbn team acceptable. No, not even the minority of the poerpetrators will make kidnapping right. By the standards of practitioners of any religion or members of any cultural minority, kidnapping is WRONG.
Offtopic.
Nandiyan pala si klingon sa itaas, made me remember John the Rat Martir.
Irony of all ironies: Jinggoy Estrada supported the confirmation of John “Rat” Martir(to Brig.Gen) the jailer of 1Lt. Artemio Raymundo who has been in jail for over two years now only because he distributed Erap’s cd. (source:tribune)
Hindi kasi nagbabasa ng Ellenville si Jinggoy e! Hoy, gawan mo na paraan si Raymundo, kakainis ka! Bilib pa mandin si Raymundo sa tatay mo.
Ellen,
Re: “Lifestyle nila doon ang kidnapping. Kapag nandoon ka, parang hindi ka sa Pilipinas.”
The person who said that was infinitely charitable to the Philippines — he perhaps has forgotten that kidnappings, extra-judicial killings, extreme poverty and daunting misery haunt a vast sector of the Philippine population and this is happening at every corner of the Philippines; lawlessness is perpetuated often not only by lawless gangs wandering around, but also by uniformed cops or despicable members of the military service and worse, by members government.
Sulu may have its paradise like blue sea for a backdrop but so does Manila with its elegant buildings towering over slum areas but like in Sulu, many lawless elements in Manila and in other areas of the Philippines ply their trade; in other words, Sulu is part and parcel of the Philippines alright.
Re: Sabi ni Isnaji, itong mga bata na kumidnap kina Ces ay napilitan lamang dahil sa hirap ng buhay.
Eh bakit di na lang nila kidnapin si Gloria o kaya si Bunye o kaya si Ermita — maski si Esperon na lang; pugutan na nila yan ng ulo, OK lang! Bakit iyong mga tao na naghahanap buhay ng mahusay at hindi nangungurakot ang ginagawan nila ng pera?
Sana naman hindi ito kidnapping to raise fund as preparation for the upcoming election ……
Sa dami ng kikidnapin ng mga bagong sibol na ito ay sina Ces pa ng ABS-CBN ang napili. Sa bata ng mga iyan, kung walang mga matatandang ‘negosyante’ at may interes ang nasa likuran, ay malayong mapagtuunan ng pansin sina Ces, dapat ay kahit sino na lang dahil pantawid gutom lang naman pala ang pakay.
Napilitang daw kidnapin ng mga bata sina Ces dahil sa hirap ng buhay. Santisima trinidad! Experto ang mga batang ito sa pagpili ng kikidnapin!
Ellen, ganoon din ang balita kay Jumdail, isa pang miyembro ng ASG na naka-base sa Maimbung. Kesyo sabi ng pulis/militar nag-join forces daw siya at si Parad. Pinuntahan din siya ng mga negosyador pero wala ring alam at nagulat din.
Nakakapagtaka na kung totoong mga Abu sayyaf ang kumidnap, bakit hindi alam ng mga lider!
Nagtutugma rin ang sabi ni Isnaji sa sinabi ng driver na mga binatilyo ang kumuha sa grupo nina Ces.
Pansinin ninyo na ang pinakalat na ransom noong una ay itinaas sa P20M na ngayon ay P15M na lang. Kung gayon, totoo ang sabi mong P5M ang ibinayad para sa pinakawalang cameraman.
Isa pa, kung mga anak at apo ng mga ex-MNLF ang dumukot, malinaw na MNLF-related ito, hindi Abu Sayyaf. Bakit Abu ang patunog ng pulis/military?
Isa pang anomalya dito, nasa kustodiya ng pulis si Valderama pero nasa diskresiyon daw niya kung gusto na niyang umuwi. Sinong gago ang hindi gugustuhing umuwi agad sa pamilya pagkatapos makidnap? Anong ginagawa nila kay Valderama sa Zamboanga?
Dahil ba pupunta sa US si Gloria at hihingi ng pondo laban sa teroristang Abu Sayyaf samantalang hindi naman pala Abu?
Sasagutin ba ng gobyerno ang diperensiya ng ransom sa halagang P2M na siya lamang kayang i-raise ng mga Drilon, kapalit ng mas malaking mahuhuthot ni Gloria kay Bush kapag sinabing Abu ang may kagagawan kesa kung sasabihing ordinaryong kidnappers lang ang kumuha?
Sadya bang itinaas ang ransom para magmukhang Abu, kikita pa ang mga negosyador at makakapagpapogi pa si Abdusakur Tan at si Vice-Gov. Lady Ann na mga bata ng Malakanyang para sa nalalapit na eleksiyon sa ARMM?
Kailangan nilang protektahan ang mga bata nila sa Sulu at ARMM dahil pag oposisyon ang maging gobernador, baka hindi na makapandaya sa 2010!
chi,
P15M na lang ang ransom, gumastos na lang sila ng P10M para kidnapin ang mga magulang ng mga batang ito. Tignan natin.
Isa pa, panay ang panawagan na huwag nang dumaan sa ibang negosyador. Bakeet? Baka mabuko ang tunay na presyo ng ransom?
Are we surprised that theres no different here that boys go into snatchings and big lazy policemen and guys go to robberies and tell us its for their needy situation? Now people look at the south that should need some sort of special attention. What attention do we really need and for everybody? Come on, its only one thing, Gloria must go and the church get the hell out of here. Wrong holes.
Mga bunga ng kahirapan; bow!
Mahigit isang libong taon bago ako nabuhay, may mga taong sadyang kapos na sa buhay. Ngunit sa kabila ng kanilang hirap di alintana ang mga ito dahil sa kanilang gabay.
May mga mahirap na ngunit inilubog pa ang paa sa lupa at nagawa pang magpasalamat sa Poong Lumikha dahil kahit mahirap, may buhay silang taglay.
Mayroon din mga nakaka-angat sa buhay ngunit mas pinili ang maging taong grasa at humingi lang. Naalala ang katagang “Mas madali pa sa isang kamelyo na makapasok sa butas ng karayom kaysa tao na makapasok sa kaharian ng langit.”
Ngayon, iba na ang lahat. Ang dating pinapahalagahan ay wala ng halaga dahil sa kahirapan. Nakalimutan ang kawang gawa dahil sa kahirapan. Ang pinikamasaklap, nakalimutan ang Lumikha dahil sa kahirapan. Sa negosyong ito na kidnapping, maayos naman ang sahod nila pero may sideline pa rin. Kung may negosyong matino naman, may sideline pa rin. May trabaho naman, may sideline pa rin, kidnapping pa.
Aba! Kailan kayo makokontento sa ibinigay sa inyo?
Ilalagay sa alanganin ang kaluluwa ng dahil sa kahirapan.
Naalala ko tuloy yung batang nakapanayam minsan sa t.v matapos pagpapakamatay ni M. Amper dahil din sa kahirapan.
Sabi nung bata, “mag-isa na lang akong nabubuhay. Madalas akong gutom at madalas din akong matulog na walang laman ang tiyan. Para makakain ako, sumasakay ako sa mga jeep para punasan ang mga sapatos ng mga pasahero para may maibili ako ng pagkain. Pero kahit ganito ang nangyari sa akin, hindi ko naisipan ang magpakamatay.” Sa murang eda, kahanga-hanga ang kanyang pahayag. Samantalang ang mga gunggong na ito, nakapag-aral naman; may trabaho siguro mga naka-uniporme pa nga eh. Ganito ang gawain?
Kung ang mga ito ay mga tausug nga, nakakapanghinayang naman ang pagiging tausug nila. E gawain lang ng mga duwag yung ganyan. Ano kaya ang masasabi ni Ahlah dito kung sila ay mga tausug nga?
This is from the interview by Prof. Octavio Dinampo of Khaddafy Janjalani, ASG leader who was killed in an encounter late 2006.
The inerview took place in Feb. 2006 and this was published in the Inquirer january 2007. This is the part on kidnapping (I’m scared of their views):
OD: Is it allowable for mujahideen to kidnap? On what basis?
KJ: Whether philosophically or religiously, it is allowed. There is basis for kidnappings. Philosophically, if it is allowed to kill the enemy, why not allow to just kidnap him? Religiously, no less than the Prophet of Islam who gave the order to kidnap or seize the caravan of Abu Suffian, isn’t it? So, what is the difference of kidnapping or seizure then and now?
OD: What you are talking about I suppose is kidnapping the enemy, not civilians or noncombatants?
KJ: The enemy is not to be distinguished as to whether they are armed or not. In fact, many of our casualties were our civilians, not mujahideen. Why is it allowed for the oppressive soldiers and prohibited for us?
Update:
The kidnappers of ABS-CBN reporter Ces Drilon and her cameraman Jimmy Encarnacion have given an indefinite extension on talks for their captives’ release, the son of the crisis negotiator said. Jun Isnaji, son of Indanan town Mayor Alvarez Isnaji, told reporters at a press conference in Sulu that the kidnappers have agreed to continue the negotiations for the release of the Drilon and her cameraman. He said the abductors have also promised not to harm their captives.
Tumatayo ang balahibo ko Ellen sa mga prinsipyo ng mga grupong rebelde-na okay lang ang kidnapping.
I still personally feel that these young kids who kidnapped Ces and company are connected to the dirty politicians and people in power. Imposibleng hindi alam ng military kung nasaan ang mga lungga nila. Who are these negotiators? Galamay din nila? Lahat sila ay may hati sa “tongpats”. Manang mana sa kanilang dakilang magnanakaw, sinungaling at balasubas na illegal na lider!
Kahit saang angulo mo tignan, nakikita ko ang anino ni ass, puno, gonzales, allaga (as in alagang aso) at ng kanilang mga padrino. Siguro tig singkwenta lang ang bayad sa bawat batang sangkot dito. Yung milyon milyon ay doon sa “malalaking tao” pupunta as an “extra income”. Shame on these “operators”! Kung si Akbar nga na bantay sarado ng mga bodyguards, pinapatay pa, itong mga ito kaya? They too will have a tragic end, I hope!
Tama. Umaalingasaw ng maniobra ng mga taong may kapangyarihan ang mga nagyayaring ito. Dahil kung mga kabataan lang ang kumidnap, mas madaling kausapin ang mga ito basta maibigay lang ang hiling nilang ransom.
Sa pagbibigay ng extension para sa negosasyon, hindi kaya ito ay dahil sa payo ng mga nag utos na ang grupo nina Ces ang gawing buena mano sa kanilang mga pagkilos? Hindi malayong may pupetteer sa likod ng mga pangyayari.
Women teachers in Lanao were also abducted! Naku talaga namang malaki ang preparation ni evil bitch para sa meeting niya kay Dubya. Para nga namang masabing malaki talaga ang problema sa mga “terrorists” sa Mindanao. Baka marami pang “staged” na abduction at kidnapping. Ingat lang mga kababayan. Kailangang kumuha ng “retirement” money yung mga mastermind! Siempre pa kailangang tulungan din nila si evil bitch para makakuha siya ng malaking “anti-terrorism” aid!
Bossi was kidnapped up north. Ransom was delivered at of all places Tuburan, that turned out the main hqs. It was a top top secret special delivery on strict radio silence It was an administrative movement. The bag was half empty thus the delivery boys were waylaid. Tuburan called Malacanan of the double cross and the routed soldiers that they will behead all if the full amount is not delivered. So many hours later the helo with the balance confirmed the final throes of the beleaguered boys but helpless since there was no radio contact down below. The annihilation was aborted upon complete delivery of the board and lodging to the LGU there. By the way, beheadings is the mark of a double cross. Lets hope there will be no double cross now.
With what Jinjilani said about kidnapping as religiously and philosophically allowed for amujahideen, I don’t even want to think about the final destination of their victims. That’s a horrible way of life for these people and every seconds terrorized life for their victims.
Chi,
I’d like to think that we should apply the same dogma to those kidnappers: an eye for an eye, a tooth for a tooth…
No excuse for this kind of terrorism. Ces and her colleagues had done them no harm.
Ces Drilon, companions free
INQUIRER.net
First Posted 00:02:00 06/18/2008
MANILA, Philippines — Kidnapped television reporter Ces Drilon, cameraman Jimmy Encarnacion and Mindanao State University professor Octavio Dinampo were freed Tuesday night, 9 days after they were abducted in Sulu province.
Chi,
If you compare those mujahedins to the military and policemen, which side do you think killed a lot more? If we apply an eye for an eye of ADB… we will create a blind defense force and a toothless police force. Anyway, our brothers sustain the magic of the Arabian Nights making their every act sensational to the bone, forty thieves and all, 30 comes from the king’s men.
*****
Funny, how this police chief would be able to make this kind of announcement prior to the release of the kidnap victim if this kidnapping had not been pretty well-rehearsed and staged for the little bitch to have something to brag and report to Bush that she must have hoped would now give her the praise and glory she has long waited to hear from the mad man at the White House.
Magsama-sama silang mga ulol! Tama ang panggugutom sa mga pilipinong nahihilo na sa gutom. Gloria, bumaba ka na! Inis na inis na ang mga kababayan mo sa iyo!
It looks like kidnapping charges were levelled against Mayor Alvarez Isnaji and his son, Haider, to silenced them about the details of ransom. They don’t want Mayor Isnaji to tell the media how much money went to the military and to the hostage takers.