May pagka-sadista yata itong si Gloria Arroyo.
Ang sadista ay isang taong masaya kapag nahihirapan ang ibang tao. Ano kaya ang pakiramdam niya sa nakita niyang kahaba-haba ng pila ng mga tao na kumukubra ng P500 na binabalik sa kanila sa kanyang “Pantawid kuryente: katas ng VAT program”
Pinagyayabang niya ang pagbabalik niya ng P500 sa mga pamilya na ang kunsumo sa kuryente ay hindi lumalampas sa 100 kilowatt hours (siguro mga P700 ang bill). Minsanan lang ito.Aaabot sa dalawang bilyon ito kasi mga apat na milyon ang mga pamilya na ganoon kababa ang kuryente. Ang tawag nga sa kanila ay “lifeline consumers.”
Bakit hindi na lang ipinabawas sa Meralco ang P500 na yun. Kung P700 ang bill mo, di sa susunod na buwang, P200 na lang ang iyong babayaran. Hindi ka na magpapagod at gagastos sa pagpunta sa opisina ng Meralco at magpila ng apat na oras para lang makuha ang P500. Maliban sa pagod, nakakawalang dignidad pa.
Kung ano-anong rason ang sinasabi ng mga alagad ni Arroyo.Sabi ni Social Services Secretary Esperanza Cabral, naisip rin daw nila yun kaya lang sinabi ng Meralco na baka Agosto pa nila magagawa dahil kailangan aayusin pa sa computer. Gusto raw ni Arroyo ngayon-ngayon na para raw magamit sa pasukan.
Ang totoo talaga niyan, ayaw ni Arroyo ibigay sa Meralco ang pera na aabot siguro sa P2 bilyon. Alam naman natin na basta ukol sa pamilya Lopez, ayaw ni Gloria. Nakita naman natin kung paano niya gusto sirain ang Meralco basta lang maalis sa pamilya Lopez. Paano kasi hindi niya makuha ang ABS-CBN, na siyang pinakamalaking media network sa bansa, na tumahimik at kampihan siya sa kanyang pambastos sa Constitution, pagsira ng demokrasya at ng bayan.
Sa probinsya, pwede na rin naman na ibawas na lang ng mga kumpanya ng kuryente ang P500. Sa Meralco lang hindi pwede.
Ginamit ni Arroyo ang mga mahihirap para sa kanyang away sa mga Lopez. Hindi bale mahirapan.
Dahil nga sa ayaw niya idaan sa Meralco at gusto niya sasabihin na galing sa kanya ang pera (pera ito ng taumbayan. Buwis ito na ipinatong sa produkto ng gasolina.Ito ang isang dahilang ngpagtataas ng presyo ng bilihin) idinaan niya sa Land Bank na hindi naman nakaya ang maayos na pagbalik ng P500.
Pati na rin ang tuloy ang mga deposistors ng Land bank naperwisyo at hindi na rin sila naasikaso dahil sa dami ng kumukuha ng P500.
Sadista talaga.
Ellen, sa tingin ko ang tamang bansag ay ‘Sadista’ sa halip na ‘Masokista’. Ang Masokista kasi ay ang tao na nasasayahan pag sarili niya ang pinahihirapan.
Gusto kong sampal-sampalin itong si Gloria!
Pera din namin na taxpayers iyan a! Ulol! Hangga sa ngayon ay bilib na bilib siya sa sarili na bibilhin ng publiko ang kanyang propaganda. PhD raw ay puro tapal solution sa kabuhayan ng pinoy, na kinopya pa kay dubya, ang alam.
Gusto kong sampal-sampalin itong si Gloria!
Pera din namin na taxpayers iyan a! Ulol! Hangga sa ngayon ay bilib na bilib siya sa sarili na bibilhin ng publiko ang kanyang propaganda. PhD raw ay puro tapal solution sa kabuhayan ng pinoy, na kinopya pa kay dubya, ang alam.
Bawasan nang round trip pamasahe sa bus o Jeepney, pang meryenda, di magkano lang naiwan sa P 500? bayad pa sa Hirap na 4 of mahigit na oras na Pila, i kung mahawa pa nang “cold” or “flu” sa kapipila, di kulang pa sa gamot. hay utak talangka talaga..
Mahilig magpapapel, more like it. Gusto niya siya palagi ang bida at wala ng iba!
The dole out money she is giving away may end up more in the politicians’ pockets, sa totoo lang. In the US, it is okay to give back a portion of the taxes to the people because we know that the recipient will get it. Even the poorest of the poor and living on the streets will find its way to a mail box dahil naka care of yan sa mga conservators ng mga taong nasa kalye and no one can cash the check na basta basta lang. But in the PI where most of the slums do not even have any address, how can the poor people benefit? So, the money will be given to the Mayor then to the Barangay Captain. Pagdating na sa pobreng tao baka sentimo na lang. Why not just take this money and build a complex like the Gawad Kalinga. Make a cottage industry and teach everyone, young and old, women or men to make a living instead of always just dole outs!
The way I look at this is, pangunang bayad na naman ni evil bitch yan sa mga governors, mayors, barangay captains para sa elections ng 2010. Baka sakali nga naman na ang mga manok niya ang manalo. Every chance she gets to make sure that her allies are fed, she will do. Never mind the “little people”! Hindi naman talaga yung mahihirap ang puntirya ni evil bitch kundi yung “publicity mileage” na nakukuha niya sa “pagbibigay” kuno! But we the people who know the audacity of this “rat” know that this “giving to the poor” is just a “palabas” lang, to appease the CBCP pati at masabi lang na “maka-masa” siya. Sorry evil bitch but that can not be “FAKED”!
From day one when this evil bitch ousted the rightfully elected president( I am not an Erap fan either), she did something wrong to the constitution! Then again, that was not enough. In the 2004 the widespread use of the military under the supervision of asspweron to rig the elections made her the illegal president another time. MAKAPAL ang mukha talaga ng evil bitch na ito dahil hindi lang siya magnanakaw, sinungaling kundi siya ang dahilan ng pagkasira ng halos lahat ng ating institution na mahirap ng mabago kahit na wala na siya sa pwesto. Ang Ombudsman na lang na dapat ay para sa tao, nasa bulsa nila ng kanyang Fatso si Mercedes! Yung Supreme Court na dapat sana ay ang final judge ng katiwalian, puro alipores niya ang nakaupo! NAKUPO! Nakakatakot mang isipin pero daig pa natin ang nasa Martial Law. Nasa MAKAPAL kingdom tayo. Ang katiwalian ay ordinaryong sistema na lang. This bitch can not control any “katiwalian” dahil siya ay simbolo ng KAWALANGHIYAN!
Just look at the bank robbers and holduppers, ex-military ang mga yan. Just following the leader! Ces Drilon’s abductors may also be in the military(naamoy ko na ito from day one when the driver said that Ces and company were given to a “military asset”). Just like anything else that this evil regime does, “suspect” na ngayon ang walang kamalay malay na driver. NAKU PO! Style ni evil bitch “BALIKTARAN”! Kung makakapogi points siya, GOOD. Kung makakasama sa kanyang “IMAGE” (akala naman niya meron pa siya nun), lagot sa kulungan o pwede pang ipapatay ang “suspect”! WE ARE VIRTUALLY ALL PRISONERS IN OUR OWN COUNTRY!
Ay mali pala ako, CVJ. Thanks for correcting me. Hilo na ako.
5 yata ang lucky number ni Bugzbunny. 500T sa mga Tuta niya at 500(sarado) sa mga mahihirap. At siyempre pa pag mahal sa Malakanyang ang kuhaan at kung sa mahihirap ay doon ka pipila sa kangkungan. At pag ina-alat pa ang mga mahihirap hohold-apin pa o di kaya kukurakutin pa ng mga asong ulol ni Glorya.
Dito sa Pasay kung saan yung mga urban poor communities o yung tinatawag na “looban” o “Magallanes gillage” (sa gilid ng Magallanes Village) sa madaling salita, squatters’ area, iisa ang address. Kaya nagkakanakawan ng electric bill dahil basta merong ID (kung saan verified naman ang address dahil kaparehas nga) at original copy ng Meralco bill para sa buwan ng May, binabayaran ng Landbank. Yung mga nadugasan ng bill, kumukuha ng extra copy sa Meralco pero hindi naman tinatanggap ng Landbank. Yung ibang pamilya ilang P500 na ang nakuha, yung iba wala kahit singko.
Paano ngayon iyan?
Its the people behind the people power at EDSA 1 who stewed the constitution with a recipe that guarantees leaders now freedom to do their own thngs. Lets face it, relax and enjoy the stupidity. Also down with the church. It was the motive force of the revolution.
‘Magallanes gillage’, hahahaha!
“Yung ibang pamilya ilang P500 na ang nakuha, yung iba wala kahit singko.” -Tongue
Hindi na natapos-tapos ang eleksyon!
The middleclass who work and pay the taxes, money nonchalantly doled out by bleeding-heart bureaucrats, are now expressing outrage and resentment. For good reason. So-called poor consumers using less electricity (under 100kw-hrs) had money to purchase electric appliances for their comfort: electric fans in lieu of hand fans, TV to watch wowowee, a video player, 100 watt incandescent bulbs.Chances are, they hire an enterprising electrician to reverse the meter. These consumers shouldn’t be classified impoverished. These taxpayers who shoulder the burden of system-loss freeloaders and pay for the stolen electricity are naturally insulted, but collecting taxes on this thievery is adding injury to the insult and taxing the patience of taxpayers.
I agree, fenix. Or Orly? (Is that your new blog?)
It’s the fast diminishing middle class that bears the brunt of all these. The rich folks at the gated villages who consume 2500KWh (to be lowered later to 1000KWh) per month can avail of Meralco’s TOU (Time of Use) price scheme which lowers electricity cost by half during offpeak hours. The poor consuming below 100KWh are paying a subsidized rate. The industrial and commercial sectors can soon buy direct from power producers.
What about us middle-class? Are we subsidizing the whole economy without any benefits? This is totally unfair.
Tongue, yup, fenix is a phoenix.
True, it’s absolutely unfair to us servile middle-class. We are forced to make a choice: join the gang of robin hood or feign poverty and underclass trappings to qualify for NFA rice and less-than-100kw-user. (Caution is advised: it is hard to discard probity if its embedded in your character.)
Aside from having no benefits sa NFA, heto na naman ngayon , no benefits sa electricity, ang mga middle class earners. “Pro- poor” daw ang newest pakulo ni Gloria. Aba’y unfair nga, kahit saang anggulo mo tingnan!
Ang tanong ay (pareho pa rin): Hanggang kailan ka matitiis ng mga Pinoy, Gloria?
masokista nga!
at para maglabo-labo ang mga tao, meron pang class-divide-warfare-along-cap-on-power consumption, para magtaniman ng sama ng loob ang taong-bayan sa isa at isa: sa kabila yung komukunsumo ng kokonti, at yung may konsumo lampas sa average.
pag may samaan ng loob nga naman, mahirap ang makagawa ng consensus at pagkakaisa—-sa hanay ng middle class at mayoryang blue collar at urban poor dwellers. siyempre, walang pagkakaisa, e di walang pagkilos laban sa kanya!
henyo talaga sa taktikang Machiavelli ang mga ‘tado (kasama na dito ang mga Lopez).
ang mas bigyan isip ng taong-bayan ay ang mga tanong:
una, bakit ang utility power companies ng Pinas ang may pinakamataas o isa sa top 3 sa pinakamahal maningil sa buong mundo?
pangalawa, bakit ang ‘power system loss’ o mga pabayang gawain ng Meralco (kaya hindi optimal ang gamit ng dumadaloy na kuryente palabas mula sa kanyang kanyang planta), eh sa mga consumer pinapasa at magbabayad nito?
saan ka makakita ng negosyo na kapag nalulugi, eh ang consumer ang paparusahan at pagbabayarin? (sa pamamagitan ng systems loss proviso sa kanyang monthly bill.)
pangatlo, bakit nga ba ang pagbabalik sa mga Lopezes ng Meralco, isa sa first five na order ng revolutionary gov’t ni Cory, samantalang tens of billion pesos of taxpayers money ang nilagay dito ni Macoy?
SANA, mabilis ma-realize ng taong-bayan na ang pulitika sa bansa, ay tuon sa usapin lamang ng partehan at agawan ng negosyo ng naghaharing-uri at elitista na GAMIT ang pera ng bansa, ng taong bayan !!
Pag may signature jeans, may signature electricity, too. Thats what we have. One is supposed to chose, even electric power. Thats free market. No one stops us from using Japanese electricity, US electric power. Go there. If one wants his own rice, plant it. Common sense is a free commodity. It s not present in the government. Even in the church. Must we still continue to rely on the government and the church?
Tax-free ang simbahang Katolika. May dole-outs pa galing sa Pagcor. Ang suwerte ang mga kampon ni Judas.
Thanks for pointing that out tongue and fenix.
Isn’t she treading a dangerous ground by antagonizing the middle class? it was the middle class and the elite of course that made up People Power.
The reason she wants to infuriate middle-class is because this is the segment of society that is educated and skilled. She antagonizes them so that they become desperate enough to leave the country as OFWs and send her dollar remittances. She then claims to have improved the lives of Pinoys. Ulul.