Skip to content

Mga astig na senador

Mayroon tayong kasabihan na “Be careful with what you wish for because it might be granted.” Mag-ingat sa iyong pinapangarap, baka magkatotoo.

Naisip ko ito dahil sa pagwawala ng mga astig na senador na sina Juan Ponce-Enrile at Miriam Santiago sa Joint Foreign Chambers of Commerce of the Philippines na kanilang inimbitahan sa Senado noong isang linggo.

Ang JPC ay organisasyon ng mga banyagang kumpanya sa Pilipinas. Kasama na doon ang mga kumpanya mula sa United States, Australia, New Zealand, Canada, Europe, Japan at Korea.Hubert Ito ang pinaghirapan ng pamahalaan na hikayatin na magnegosyo dito sa Pilipinas. Alam naman natin rin na kaya sila nandito dahil kumikita naman sila. Totoo naman na hindi yan sila magtityaga dito kung hindi naman sila kumikita.

Nagalit sina Enrile at Santiago, kasama na rin si Sen. Joker Arroyo na sumulat ang JFC kay Gloria Arroyo at nagpahiwatig ng kanilang pagkabahala sa planong amyendahan ang kontrada ng mga Independent Power producers (IPP) at ng Napocor bilang isang solusyon sa hindi mapigilang pagtaas ng gasolina.

Sabi ng JFC sa kanilang sulat na maraming akusasyon ng mga mambabatas at mga opisinang kontrolado ng gobyerno na walang naman basehan tungkol sa IPPs.

Nagwala si Enrile. Pinilit niya si Hubert D’Aboville ng JC sabhin kung sinong mambabatas ang kanilang tinutukoy. Ayaw naman ni D’Aboville dahil akala nila isyu ang pag-usapan.

Sinabi ni Enrile, “Gusto nyo lang kumita. Pinpilit nyo ang pamahalaan na ibenta ang mga assets ng palugi. My goodness, get out of this country if you can’t live with us (Umalis kayo dito kung ayaw nyo ang aming palakad). (Paano yan, ang asawa ni D’Aboville ay Filipina.)

‘Yan ang sinasabi ko na ma-ingat sa pinapangarap at baka magkatotoo. Baka sundin ng mga JPF si Enrile at lumayas nga.

Hidi ko alam kung gustuhin natin na mangyari yun. Siyempre sampal sa mukha ni Gloria Arroyo na mahilig magyabang na dahil sa magaling niyang patakbo ng bayan, maraming mga foreign companies ang nagpapatayo ng kumpanya rito. Hindi niya sinasabi na marami rin ang umaalis.

Kapag lumayas naman dito ang mga foreign companies, mga ordinaryong Filipino, ang kanilang mga empleyado, ang kawawa.

Kung sa isyu naman ng mga IPPs, dapat naman talaga amyendahan ang batas. Hindi nman tama ang kontratang ginawa ni FVR noon na kahit hindi magagamit ng taumbayan ang kuryente, kahit nga walang kuryente, garantisado ang bayad sa mga foreign companies na yun. Sigurado ang kanilang kita, tayo namang Filipino ang nakukuba sa bigat ng bayad sa kuryente.

Kaya lang, mali naman ang ginawa nina Enrile at Santiago na inimbitahan ang mga miyembro ng JFC at pinagmumura doon sa Senado. Kapag masalita sila para magpaliwanag, binabara. Parang inimbitahan mo sa bahay mo at pinagmumura.Mali naman yun.

Published inWeb Links

18 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    If Enrile and company could do to Malacanang’s people who testified at those ZTE hearings what they did to these foreign investors, I might salute him. But no…Enrile, Santiago and Joker only ganged up on witnesses like Lozada and never questioned GMA’s cabinet members and police goons. People must remember these three stooges: Enrile, Santiago and Joker by not voting for them if they run again. That’s the least punishment they could get.

  2. myrna myrna

    talagang hibang na nga si enrile. akala sa sarili niya, diyos siya. ang lakas siguro ng nararamdamang hiya ni tita midz, dahil kahit paano, kamag-anak niya.

    naku naman itong punch and judy sa senado (enrile at santiago), nasalihan pa ng joker….ano nga ba tawag diyan? di ba circus nga. mga sirkerong inutil!!!!

  3. Valdemar Valdemar

    Naalis si Marcos dahil lang sa 10Bn na ‘commission’ niya sa mga foreign investors. Di siguro nabigyan ang mga kasama kaya tinuluyan ang pagpaalis kay Marcos. Ngayon as axemen ng bagong amo, ibig pa rin nila kumita. Hayan, pinapalayas ang mga di magconform sa kanilang nais.

  4. vic vic

    Kulang lang sa Pansin yung dalawa, lalo na si madame Miriam na gusto maging Miembro nang International Jurists. Pa-ano yon kung do-on sya magwawala? di na kakatuwa yon..hayayyay…

  5. It’s all about hurt pride and not patriotism. What the three stooges did was out of bounds. Perhaps they were slighted when the JFC went straight to GMA and bypassed them. It was after all Gloria who prodded them through their governments to invest here. Brenda can now say goodbye to her ICC aspirations. As for Enrile and Joker, I agree with bitchevil. Why can’t do the same to GMA’s cabinet members?

  6. Tanong ko nga kung mga dementia na si Uncle Johnny. Iyong babae, hindi ako magtataka kasi trying hard lang naman ang ungas. Grandstanding lang palagi pero walang substance. Iyong isa pa, dati naman na iyon kung bakit bilib na bilib ang marami sa kaniya. Kurakot din pero hindi nakilatis.

  7. parasabayan parasabayan

    These three stooges will not be that bold if they did not get any instructions from the evl bitch. I said this before and I will say it again, there are replacements already in place for these investors yung marunong magbigay ng malaking tongpats!

  8. kapatid kapatid

    MiriAM : Oo na, kilala ka na ng Europeans, di mo na kailangan mag kampanya for ICJ, they now know you in EXACTLY the same way we do. Tililing….
    Enrile : Senile.
    Joker : The name says it all.
    No one takes them seriously but themselves. Malacanang pulls the string, they move.

  9. ocayvalle ocayvalle

    sus naman.. si enrile nanaman, kung ano ano ang mga pa utot sumikat lang, halos walang sense ang mga sinasabi niya,, di ba nung nakaraan kanya na namng gimick iyong tsokolate na cake na ang pa ngalan ay pilipino?? dahil chocolate ang labas at puti ang loob… dapat daw ay ating i protest sa pag ma lign sa pangalang pinoy? iyong chocolate cake na iyon ay gawa sa europa at hangang ngayon ay ginagawa pa din..hay naku lakay juan ponce enrile, at ginang miriam defensor, tama na po ang drama ninyo, galit na ang taong bayan sa mga katulad ninyo..!!

  10. Iyong kapalpakan nina Enrile, Santiago at Joker, proof iyan na wala talagang kuwenta si Gloria Dorobo as she does not bring out the good in these people. Gaya ni Enrile. Harvard graduate walang binuga. Parang tsimoy ni Gloria ang nangyari! Bakit siya magpapatalo kay Gloria Bobita na product lang namang ng diploma mill. Iyong dalawa, no bilib ako sa mga publicity nila sa mga sarili nilang well-educated sila kasi product din sila ng diploma mill. In short, despite the diplomas, etc., wala naman silang pinag-iwan doon second year high school drop out. Mabuti pa nga iyon, maraming ginawa noong nabubuhay siya kaya maraming nakaalala at nagmamahal sa kaniya.

    E iyong tatlo? Baka si Satanas lang ang makakaalala sa kanila!
    😛

  11. Nagalit yung mga investors, gumanti sa Stock Market, -3.4% ang ibinagsak ng index kanina – only 8 advances, but 95 declines 42 unchanged. Pulang-pula na naman ang board kanina.

    Ang mabigat niyan, kasama sa mga sinabon ni Enrile at Miriam yung Amcham, Joint European Chambers, Korean , at Japanese investors’ chambers pati na yung asosasyon ng mga multinational headquarters. Yang grupong iyan, lalo na yung mga Kano at Koreano ang pilit nagbubuhos ng bagong kwarta sa mga bagong investments dito, kahit na may kotongan. Ganun pa ang trato kaya siguro ibinuhos yung ngitngit nila sa Stock Market.

    Si Hubert D’Aboville pa lang halos kalahati na ng oil and energy industries na agad ang nirerepresent niyan. Isama pa yung malalaking projects nila sa tourism. Sa oil halos kontrolado ng Europeans – BP, Shell, Total, Ashmore. Yung Chevron lang ng mga Kano ang nakasingit. Yung mga Koreano, masigasig sa shipbuilding at energy. Yung mga Kano, oil, consumer goods, transport at BPO. Etc. etc. etc.

    Imagine yung mga taong binastos nila? Normal naman na sa buong mundo may nagla-lobby, kaya nga may mga chambers of commerce e. Ipokrito naman yan, e si Norbie Gonzales nga overpriecd pa yung lobby money para ipaalam lang sa Kongreso ng America na gusto ni Pandak amendahan ang Konstitusyon, diba?

    Yung pinakamalaking call center group dito, yung Convergys, 5 bagong sites ang bubuksan sana kaso nadismaya sa regular na brownouts sa Iloilo, kinansela yung project doon. Pati na yung mga nagbabalak magtayo ng call center sa Negros, nag-atrasan na dahil sa rotating brownouts. Kung mura sana ang langis walang problema basta may generator, kaso nga mahal.

    Ang alam ng mga taga Metro Manila, may problema tayo sa pandaraya ng daw Meralco pero ang hindi alam ng marami, regular brownouts na sa Cebu, Negros, Panay, at Iloilo. Mandaraya rin naman ang mga power companies doon. Dito systems loss lang nagpapatayan na wala namang brownout, doon sa Bisaya, systems failure na, bakit hindi yon ang pakialaman ni Gloria?

    Kung hindi pa rin kilala ni Enrile hanggang ngayon yung tinutukoy ni Hubert, tutulungan ko siya. Kung sino man ang GOCC o legislator na sumisira sa “bedrock principles” ng power industry, yun ay iyong gustong palitan yung rules sa gitna ng laro. Sa mga negosyante, mortal sin iyan. Gaya nung kongresman ng Camarines Sur na galit na galit at ipatatanggal daw ‘yang systems loss, e kasama siyang nagpasa nung EPIRA!

    Na review ko na ng buo yung Epira, lalo na yung sa systems loss rules, mahigpit at mahusay ang pagkakagawa ng batas, maraming kumokopya nga ngayon niyan, kaya hindi nakakagulat na maraming nagka-interes mamuhunan sa energy na mga dayuhan. Kahit na mahal yung mga planta, binibili! Nasa nagpapatupad ang pagkukulang, bakit ang negosyante ang parurusahan?

    Pagkatapos mag-invest dito, sasabihan ka ng mga taga-kongreso ngayon, masyadong malaki yata ang kinikita ninyo dapat kayong higpitan. Mali naman iyon.

    Ang EPIRA ay isang reform law, na hindi pa naisasakatuparan ng buo, gusto nang baguhin. Ang target ng Epira ay kumpetisyon na magbibigay daan sa deregulation. Kung babaguhin iyan bago matapos ang timetable, ibig sabihn hindi na matutuloy muna ang deregulation, na siyang isang malaking consideration ng mga investor nung panahong nagdesisyon silang mamuhunan sa negosyo ng kuryente. Maging ang mga desisyon ng mga institutsyong nagpautang sa mga investors na ito ay yan din ang sinangkalan kaya sila nakapagpautang sa kung anumang interest rate ang napagkasunduan.

    Pag binago mo ang patakaran, tiyak magbabago rin ang patakaran ng mga nagpautang, itataas sigurado ang interest. Sinong negosyante naman ang may gusto noon?

    Mahirap makita ang diperensiya kung hindi ka sanay sa negosyo. Pero lahat ng tumitira, lalo na si Enrile at mga kongresista ay lahat negosyante kaya mahirap maintindihan kung ano ang motibo nila.

    Blackmail-kotongan na ba?

  12. Pabagsak na ang negosyo sa Pilipinas, alam iyan ng mga investors, tignan ninyo ang Properties index, tuloy-tuloy nang bumabagsak, tigil na kasi ang pagbili ng bahay ng mga OFWs.

    Yung mining, sa buong mundo, basta merong mineral minimina ngayon, ke tanso, bakal o ginto. Boom industry, ika nga. E dito, napakaraming mineral walang gustong mag-invest. Yung Lafayette Mining, tuluyan na ding umalis. Yun namang nag-takeover ng Rapu-rapu, kaka-file pa lang ng bankruptcy.

    Isaisa nang nag-iimpake ang mga semicon. Dahil sa kawalan ng malaking mga semicon customers, paalis na ang UPS papuntang Zhenzen, yung shares ng mga Delgado sa joint venture nila sa UPS, pilit inaagaw ni Sabin Aboitiz, kahit pa sagutin niya ang mga utang nila Delgado sa UPS. Reklamo pa ng UPS, malaki ang hinihinging transhipment fees ng Customs, na madali sanang aregluhin under the table kaso, ayaw ng mga Kano ng ganoon.

    Kung wala na ang UPS sa Clark at matagal nang wala ang Fedex sa Subic, ano’ng saysay ng Clark-Subic expressway? Para sa excursion?

    Iyan din ang reklamo ng mga exporters at importers sa mga pier. Pilipinas na yata ang may pinakamahal na handling fees sa buong mundo. Sino ba ang may kontrol sa mga pier at paliparan, diba ang mafia?

    Patay na industriya na ang garments na dating pamatay na export ng Pinas.

    Lugmok din ang agriculture.

    Malaking potensiyal ng BPO, kaso kung laging brownout sa mga probinsiya, sa Maynila rin ang bagsak ng mga investors, e wala nang ma-hire dito.

    Yung turismo hindi makausad dahil prinoproteksiyunan ng Malakanyang ang PAL at Cebu Pacific. Nagpagawa ng sandamukal na international airports sino lang ang palalapagin, PAL at Cebu Pacific? Paano yung mga turistang ang gusto lang sakyan e yung eroplano ng bansa nila dahil sa mileage points?

    Samantalang yung Tiger Air, yung permit to land nila sa Clark renewable every 3 months lang. Nabuwisit na, umalis na rin. Sino nga naman ang magpa-plano ng long-term e ang permit mo laging 3 months lang?

    Ay naku, marami pa. At iyan ang pinagmamalaki ng dakilang ekonomistang peke na mga accomplishment niya? Ramdam na ramdam ang pagbagsak.

  13. junmeromi junmeromi

    There are two words that can describe well the three stooges – Enrile, Joker and Miriam – TRAGIC COMEDY!

    Enrile in the twilight of his years and public career will have as legacy – arrogance of power! More than ever, I believe in the saying that you cannot teach old dog new tricks. Thus Enrile was, is and will always be a POOR copy cat of Julius Caesar and Napoleon. While the latter found greatness in their passionate love for their “homeland”, Enrile has always been drunk of himself and power!

    Joker has become pathetic in his sold age. He started right by lawyering for human rights victims but ended drunk, too, with himself and power. It was a tragic end for a life and a career that started well as the nemesis of Enrile, yet when he began to drink of the same cup as Enrile, he turned as far worse than Johnny. At least, Johnny is real and consistent… this one was a real JOKER! Tsk. Tsk. Tsk!

    Well Miriam is true to herself… never take a BRENDA seriously else share her portion and lot…! She is a total embarrassment for her family and country. God forbid that she would sit at the ICJ! That will be the ultimate tragedy that is no longer comical!

  14. Tongue:

    Isang member nga ng simbahan naming hapon nag-invest ang company nila sa Pilipinas. Dalawang taon din nagtiis, tapos nilipat na lang sa Vietnam kasi lugi daw sila sa Pilipinas. Noong una iniiwasang mag-comment tungkol sa Pilipinas sa harap ko dahil ayaw niya akong ma-offend, pero nang sabihin ko sa kaniya OK lang dahil talaga namang palpak si Gloria at rehimen niya, susmaryosep, binida na sa akin ang lahat ng kabulastugan, etc. na dinanas nila. Ngayon mas maayos daw sila sa Vietnam. Nakakahinayang di ba?

  15. Valdemar Valdemar

    Business is for the fittest. Its always on a strife torn country or those very depressed ones that attract investments and the firsts on the queue normally bring home the bacon. These investments may not necessarily be permanents. Mostly are fly by nights or carpetbaggers. But the carpetbaggers may compete yet for the political safetynets and wallow more in their fortune until they themselves created certain misgivings enough reason to fly away mournfully. The locals’ play the roles mostly as dummies. Our country still attract a lot of investors while Vietnam and others or even China attracts carpetbaggers.

  16. That’s not true, Val. As Hubert D’Aboville said, Vietnam has already cornered $15B new investments in the last 4 months, compared to our $2.5 for the whole of last year. Ditto for China. Fly by nights do not have that kind of money. China’s foreign reserves are enough to pay the whole debt of the US.

    To check the actual investment data, one can go to the Board of Investments library and get a printout of the recent BOI-approved projects. That is where contractors like us go to look for prospective projects. It used to be about 5-10 pages a decade ago. Today, its about 2-4 pages. Considering that only about 3 out of 10 approved projects actually materialize, you get the picture how many are available to us contractors. If you meet the same competitors in every project bidding, it only means that projects are really scarce.

    Look, that $2.5B is roughly the cost of Hanjin’s shipbuilding facilities! Does that mean we only got 1 major investment last year?

  17. myrna myrna

    tongue, thank you sa views mo about the stock market.

    ayan, nag aambisyon siguro si enrile na solohin ang trade at investment sa pilipinas. aroganteng pagsasabunin yung mga investors. kung hindi ba naman tililing talaga.

  18. By now, kilatis na naman ng lahat kung anong klaseng ungas si Gloria Dorobo kaya doon sa gustong makikutsaba sa kaniya o nagsasabing gusto lang nilang makatulong sa bayan by agreeing to serve in her administration kahit na sabihin nilang para sa bayan, no bilib ako. Imagine kung si Gloria Dorobo ay mismong si Satanas, sasama pa rin ba sila sa kaniya? Simpleng analogy lang iyan, but it is what working for and with Gloria Dorobo is all about. Kaya si Enrile, Brenda at iyong Joker, distorted na ang mga utak pati moral values wala nang natira sa mga iyan. Sayang! Malapit na silang mamatay, hindi pa rin magsisi lalo na si Brenda na sinungaling din!

    Nang mamatay ang anak (murder yata at hindi suicide), sabi niya mare-retiro na siya sa politika bilang sagot daw sa kahilingan ng yumaong anak. Nagpadisplay lang si Gloria Dorobo doon sa wake ng anak, nakalimutan na ang pangako sa anak. Kaya bakit ko siya hahangaan at paniniwalaan pa? Ngeeeeeek! Kadiri!

Leave a Reply