Sa dami-dami ng education-related na mga isyu, ang naisipan ng magaling na Education Secretary Jesli Lapus ay ang hindi na gagawing requirement and school uniform.
Ang pagkakaroon daw ng school uniform ay para narin daw pinababayaran ang public education.Ito daw ay ayon sa programa ng pamahalaan na bawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagpaaral ng kanilang mga anak. “The move will enable more children to go to school.” Kapag makatipid raw ang mga magulang sa uniform, mas marami anak raw ang mapa-aral.
Big deal.
Sa public school sa amin sa aming baryo sa probinsya, wala naman talagang uniform.Kaya hindi na kailangan ang order ni Lapus.
Hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa kanya ng magaling na ideya na malaki ang matitipid ng magulang kung walang uniform ang mga bata.
Marami akong naka-usap na magulang at sinasabi na tipid nga kapag may uniform dahil kahit dalawa lang ang uniporme, hindi halata na wala ka masyadong damit. Siguro sa simula lang medyo mabigat sa bulsa ngunit sa pangmatagalan, mas matipid ang naka-uniporme at mas may dignidad pa.
Kapag naka-uniporme kasi, kahit dalawa lang damit mo, hindi halata. Pagdating mo galing sa eskwela, labhan mo, para sa susunod na araw. Samantalang kung walang uniporme, mukha ka namang yagit kung dadalawa lang ang damit na inuulit-ulit mo sa loob ng isang taon.Mapipilitan ka tuloy bumili ng iba pang damit. Anong pagtitipid ngayon ang sinasabi ni Lapus?
Kahit paano, gusto-gusto rin ng mga bata ang feeling na “going to school” na sila.
At ito lang ba ang naiisip ni Lapus na reporma sa edukasyon? Dapat asikasuhin niya ang matuto ang mga bata ng hindi lamang ng ABC at one plus one kungdi ang mga tamang asal katulad ng hindi pagsisinungaling, hindi pagdaya, at hindi pagnanakaw. Kaya medyo mahirapan siya dito dahil paano na lang ang sasabihin ng mga bata, ang presidente ni Lapus na nakaupo sa Malacañang ay sinungaling, mandaraya at magnanakaw.
Dapat pagtuunan ni Lapus na tama ang tinuturo ang public schools para naman may kahinatnan ang pagod at oras ng mga bata at mga magulang. Katulad na lang ng textbook sa Social Studies na ang pinapalabas na bansa ang Taiwan. Labag yan sa foreign affairs policy ng Pilipinas na People’s Republic of China ang kinikilalang representaive ng mga Intsik at probinsya lang ang Taiwan.
Marami pang mga mali ang nasa textbooks sa public schools.Biro mo tuturuan mo ang mga bata ng mali.
At nandyan pa rin ang kakulangan ng textbooks, classroom at desks. Ito dapat ang asikasuhin ni Lapus.
Ganyan din sa mga opisina, Ellen. Mas gusto lalo na ng mga babae na nakauniporme. Mahal yatang makipagsabayan ng porma sa mga malalanding empleyada. Kundi ka naman sasabay, mukha kang kawawa. Sa uniporme, parehas ang lahat. Tipid pa sa labada. Pag malinis pa, pwedeng ireplay na hindi mahahalata.
Ayan, mga bloggers, iparating iyan sa mga tangang kinauukulan.
Uniform is usually cheaper than letting children choose what they will wear to school. Young people feel pressure to dress in the latest thing and not to wear the same outfit often. This often leads their parents to spend lots of money on clothes each year. With uniform taking away this pressure, there is usually a much smaller overall cost for the parents.
Uniform has practical advantages. Students don’t have to waste time thinking what to wear at the start of each school day. It is also very helpful on trips as staff can quickly spot all the students from their school, keeping them out of trouble and making sure no one gets lost.
Uniform is a social leveller – it makes all the children at a school equal no matter what their family background or income. If students can choose their own clothes, then the rich kids compete to show off their expensive designer labels and costly sneakers.Children from poorer families get picked on for not being able to afford lots of pricey outfits. Schools in the USA have used uniform to overcome the problem of students wearing “gang colours” if they were allowed to choose their own clothes. Clothes with particular colours or symbols marked rival groups of students out as linked to street gangs. This often led to fighting inside and outside the classroom. If everyone has to wear the same clothes to school, this problem is removed.
Kung gusto nating ma-improve ang education ng mga nag-aaral ay pakainin siya,hindi sila matututo ng ABC at one plus one kapag sila ay gutom dahil hindi sila makapag concentrate.Kung magkaroon ng feeding program ay marami ang mag-aaral dahil mayroon silang pagkain,iyan ang unang problema kung bakit marami ang hindi nakakapag-aral dahil inuuna muna nila ang kanilang pagkain,hindi sa uniform o damit.
Dito sa America ng US simula nursery hanggang sa high school ay pinapakain ang mga studyanti ng alamusal at tanghalian sa school kaya nakakapag concentrate sila sa lesson at walang nahihilo at may school bus pa na libre.
Kayang gawin ng gobyerno natin iyan na pakainin ng libre ang mga studyanti dahil malaki ang nakokolekta ng VAT at diyan kukunin ang pondo kesa ipambili ng mga kurakot sa gobyerno ng mga mansion,condo ng mga kabit at luxury car,bakit hindi gamitin ang pera sa nutritional program ng mga studyanti,gawin ng libre ang pag-aaral sa high school para lahat ay makatapos ng high school,kasalanan na nila kung hindi sila mag-aral at wala na silang dahilan na sisihin ang gobyerno.
If the evil bitch is really aspiring to be a first world leader, she should make the education of our youth her priority- free schooling from grade school to high school! Hindi yung uniporme ang issue. Ang issue ay nakakapagaral ba ang lahat ng kabataan? O may naiiiwan pa na milyones na wala sa eskwela dahil walang pambayad ng matrikula.
Mas matipid na di hamak ang uniporme! Hindi alam ng mga kaklase mo na iisa lang ang damit mo. Pwedeng labhan ito sa hapon at pigain sa tualya at isabit ng ilang oras tapos plansahin na naman para gamitin kinabukasan hanggang gulanit na tapos bili na naman ng isa pa. Ang walang pera ay may pambili ng isang uniporme, walang pambili ng limang ibat ibang damit para sa limang araw na pasukan. Gee, what kind of an initiative is this? Wala na ngang pangmatrikula ang mga bata dadagdagan pa ng problema kung papaano bibili ng pangaraw araw na bihisan! Ang mga bata na iisa o dalawa lang ang damit na isinusuot eh mahihiyang pumasok kung yon at yon din ang suot nila. Sa uniporme, okay lang at pare-pareho ang lahat. Naturingan pang department heads and mga nagisip ng initiative na ito, bulok na bulok naman!
puro panglabas na kaanyuan lang ang naiisip ng mga alipores ng magnanakaw at sinungaling na nakatira sa may ilog pasig.
sa panahon pa naman ngayon na mismong 10 anyos na bata, alam na ang mga uso sa damit! hindi na ako magtataka, kahit nga mga modelo ng cellphone ng mga kabataan sa pilipinas, pabonggahan na, ang pananamit pa kaya?
talagang mas tipid kung uniporme. wala pang papormahan sa loob ng classroom. tama ka nga ellen, pag naka mufti ang mga estudyante, dyan na papasok ang feeling of insecurity ng mga nag-aaral na halos iilan lang pwedeng isuot.
pag wala pang uniporme ang estudyante, hindi mo na mahalata pag nagbulakbol. hehehhe. ano kung ang ginagawa na ng iba ay yung magbaon ng damit? di bubukol (oooppss…ibang klaseng bukol ito) ang bags nila. pero kung wala ng uniporme, malay mo kung hindi sa school nga ang punta pag sasabihing papasok na sa school?
hay naku……pwede ba, matuto sana silang mag prioritise?
Tongue:
Jesli is a lurker at the pimentel blog where I invited you. Post ninyo ang points of view ninyo doon. I bet you he will read it. Kunsumihin natin ng husto, and make him feel na buwisit na magtrabaho under a criminal.
Uniforms in fact make the public school kids feel as classy as those in parochial schools as a matter of fact. Puede namang makatipid kung kasama ang uniform sa mga freebies ipinamimigay ni Gloria Dorobo lalo na doon sa talagang walang-wala.
Over in Japan, there is welfare provided to indigent families so that parents in fact have no reason to send their kids to school. This is one reason you don’t see Japanese school kids roaming the streets during school hours. Education is compulsory and mandatory. Parents are penalized if they don’t send their children to school up to 9th grade, enough to be able to read, write and understand what they read and the things around them.
Sa Pilipinas, maliit pa lang nagtatrabaho na. Kaya by 20, gusto nang mag-retire! Hindi progressive sa totoo lang.
Off topic: Wow, inflation may reach 10% this month! Whatever the e-vat brought in, the inflation gobbled it up! Akala ko ba super- economist si evil bitch! Pulpol din pala!
Publicity stunt lang iyong expertise ni Pandak, PSB. Hindi dapat pinaniniwalaan! At least, inamin ng ungas na may inflation kahit na liitan pa niya. Dati hindi at panay ang puri doon sa success ng pagretoke ng statistics and data na ibinigay sa WB, IMF, etc. Nabisto naman!
Hanggang doon na lang talaga ang utak ng mga ito. Palibhasa peke ang ugat lahat ng parte ng puno ay peke na rin.
Sayang may utak pero common sense wala.
Off topic again: Ninez gets time in prison and fined for libel? Wow, talaga naman na ang justice sa atin eh nabili na! Incriminate the evil bitch and her minions and you end up in jail! Grabe na talaga! When will the truth ever come out when the press is penalized for exposing the truth? Daig pa talaga ang nasa Martial Rule tayo.
psb, saan mo nabasa itong item re ninez?
i found it, nasa inquirer breaking news. pambihira talaga ang legal system sa pinas. natural, yung judge, winlove ba pangalan nun, nagsisipsip!!!!
mga tinamaan ng lintek!!! *&^%$###^*((
sorry ellen, mapapamura ka talaga sa mga nangyayari diyan.
Ninez can post bail and she will be under the custody of Enrile for now while she is appealing the conviction.
The bottom line is, this gives the wrong signal to the journalists. Expose a powerful entity and you will be in trouble!
Tila yata wala ng maisip ang mga “Think-Tank” ng rehimeng Arroyo ultimo uniporme ginamit na para sa ikabubuti ng imahe ng kanilang amo.
Dapat isama na rin…
– Ang lahat ng nasa elementarya magbaon na lang ng nilagang talbos ng kamote.
– Pwede na rin hind mag tsinelas o kaya walang salawal.
– Huwag maligo sa umaga tipid sa sabon at shampoo.
– Huwag kumain tipid sa bigas, etc…etc… at etc.. pa..
Tila yata wala ng maisip ang mga “Think-Tank” ng rehimeng Arroyo ultimo uniporme pinatulan na para mapaganda lamang ang imahe ng kanilang amo.
Dapat isama na rin…
-Sa mga estudyante magbaon na lang ng nilagang talbos ng kamote.
-Pwede pumasok ng walang tsinelas o walang salawal.
-Pwedeng hindi na maligo sa umaga tipid sa sabon at shampoo.
-Pwedeng hindi na kumain ng almusal o maghapon tipid sa bigas.
-Pwedeng etc..etc..etc.. at etc… pa.
At least, si Uncle Ferdie nagdeklara muna ng Martial Rule bago binago ang mga existing laws na puede siyang maipit. Itong si Pandak nagdudunung-dunungan, bobo naman. Freedom of speech and press binaboy na ng inutil.
Condolence sa mga pilipino. Kung hindi pa kayo hihirit, puede na kayong mag-suicide!!!
link on Niñez Cacho-Olivarez guilty of libel charges:
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=120693
Here’s another take. Talagang talipandas ang animal. Inquirer reports, “With news of a nine-year high inflation rate on top of runaway oil, fuel and food prices, Malacañang on Thursday called on business and other key sectors to work with government to get the country over the hump.” Tarantado!
Sinong niloloko ng mga tarantadong ito? Matagal nang inflation ang Pilipinas, noong nang-agaw ng position si pandak na nakakasira nga ng ekonomiya ng iba lalo na iyong may interdependcy sa ekonomia ng Pilipinas. Kahit hindi Economist alam iyan. Kahit nga iyong tindera sa bangketa sa Quiapo matagal nang alam iyan kaya nga in desperation iyong mga anak nila pinipilit na magpunta halimbawa sa Japan. Iyong karamihan nga nagpapabuntis na nga sa mga Hapon makapanuluyan lang sa Japan at kahit na anong hiya nawala na yata huwag lang mapauwi sa Pilipinas!
Puede ba, pababain na si Pandak. Nakakasuya nang binabasa ang mga balita sa Pilipinas at kundi kabulastugan kagaguhan na. Next balita pihado, sasabihin ni Gloria Boba, kasalanan noong walang trabaho na may inflation!!! Wala kasing mga buying power!!! Ulol!!!
Dapat araw -araw sa harap ng ating watawat,lahat ng mga estudyante,sumusumpa na kaylan man hindi sila magkukurap,hindi sila magnanakaw lalo na sa kaban ng bayan at hindi matatakot mag expose ng mga katiwalian.
I see that wearing a uniform to school and even at home is much more economical. Black is the uniform of the chinese peasant. Let the school distribute the seed uniform in black. Not a chance nobody cannot afford to buy black.
Valdemar, mainit ang itim. Beige na lang para malamig ng konti. Kung puti naman masyadong dumihin.
hindi naman dapat tipirin ng mga magulang ang pagaaral ng mga anak pero ang problema sa pinas, ang nagtitipid ay ang gobyerno. kaya dumadami ang private schools.
pde na rin e2ng move ni sec. jesli lapus na wala ng uniporme sa school. kaya lang mas okay sana talaga kung gagawing optional na lang. kung saan mas makatitipid ung mga magulang, un sana ang ipatupad.
Ok ang bagong policy ni Lapuz na walang uniporme KUNG siya ang bibili ng bagong damit ng mga mag-aaral. Kasi, maraming bata ay uniporme lang ang medyo may katinuang damit!
Dito sa Japan, may bagong utos. No more skirt, pantalon na daw ang suuotin ng mga mag-aaral na babae. Kasi itong mga malditang estudyante dito, paglabas na klase, puntahan sa kobeta sa mga train station, etc. tapos tinataas ang mga palda nila na pagkataas-taas kita na ang panty, pero yuck ang mga binti! Wala nang korte kasing taba pa ng daikon (radish)! Pero iyong mga lolong kalbo giliw na giliw sa kanila!!! Iyan yata ang dahilan ng bagong ruling dito. Understandable! Pero iyong kay Lapus, ano ba ang dahilan niya? Para lalong makita ang pagkapobre ng mga mahihirap na mag-aaral at tuluyan nang pahintuin na lang sila ng pag-aaral?
Kawawang mga batang pilipino!
Talagang kawawa ang mga batang(yagit daw) Pilipino.
Natatandaan ko pa noong 1977-78(Grade 1), Scorpio ang brand ng white t-shirt ko. Ibibigay lang ito sa titser(adviser pala ang tawag dun) namin at patatatakan na ng logo ng eskwelahan.
Ngayon bastante, pero hindi mapagbigyan ang mga bata.
Kung gumastos sa PATRABAHO NI GLORIA at mga naglalakihang mga billboard at streamers.
Bakit ang mga bata hindi mabigyan ng libreng t-shirt?
Pero kapag panahon ng eleksyon, ang pa-plastik na nagdo-donate pa sa mga kandidato?!?!
Magkano ba ang presyo ng 3 t-shirt na palitan sa loob ng isang linggong pasok?
Nelbar, great idea! White t-shirts na lang na may logo ang ibigay ng libre sa mga mahihirap na estudyante. Mura na, malinis pang tignan at pwedeng puwede na unisex!
Noong 70’s hanggang early 80’s din ang YCAPer sa mga schools sa elementarya.
Natatandaan ko pa nuon na mag-iipon kami ng lata para pagtaniman ng mga halaman, puno at iba pang bungang kahoy.
Iyong mga herbal medicines na halaman ay nakapag-ipon din kami. Mula sa sabila, oregano, kataka-taka, puno ng tuba at marami pang iba.
Iyong plot na tinataniman namin ng mga gulay ay hinuhukay muna namin at duon tinatapunan ang mga basura.
Pati na yung mga ihi sa CR ay iniipon upang maging kasama sa pagpapalago ng mga halamang namumulaklak.
Santan at Bouganvilla ang mga namumulaklak ng mga halaman sa loob ng eskwelahan namin.