Skip to content

Ang kumikita sa kahirapan

Habang inaaliw tayo dito sa Manila ni GSIS Chairman Winston Garcia tungkol sa kanyang krusada laban sa Meralco, namimilipit ang lahat sa walang tigil na pagtaas ng gasolina at lahat na bilihin.

Sa report ng Inquirer, umaabot na sa P51 ang kilo ng bigas ng Mindanao. At jhindi lang presyo ng bigas ang tumataas. Pati na rin karne at ibang pagkain. Kung anim ang anak mo, paano mo mabubuhay ang mga yun sa minimum wage na P400 isang araw?

Kung sabagay hindi lang sa Mindanao ito nangyari ngunit Mindanao kasi ang tinatawag na “food basket” ng bansa dahil doon nanggagaling ang marami sa ating mga pagkain. Kaya isipin mo, kung mataas ang presyo ng pagkain sa lugar na dapat ay sagana ang pagkain, paano na lang sa mga lugar na hindi sagana?

Sa Digos City sa Davao del Sur, nagkaka-initan na raw ang ng ulo at kamuntik ng magsuntukan sa mga namimili sa outlet ng National Food Authority.

Nangyayari ito sa gitna ng linggo-linggo na pagtaas ng gasolina. Mula P50.67 hanggang P55.15 na bawat litro ang unleaded na gasolina at mula naman P42.91 hanggang P48 ang diesel.

Ang mga nakaka-usap ko na taxi driver, hindi na rin alam kung saang kamay ng Panginoon kukunin ang pangtustus sa pamilya at ang kinikita nila ay tamang-tama lang pambayad ng gasolina at boundary sa operator. Kung hindi naman sila magbi-biyahe, saan naman sila kukuha ng panggastos.

Nakakainis minsan na pagsakay mo ng taxi, kontratahin ka kaagad dahil hindi gagamitin ang metro. Ngunit naiintindihan ko na rin sa tindi ng hirap ng buhay. Sabi nga ng isang naka-usap ko, “Pakapalan na ng mukha dahil walang pang-tuition ang mga anak ko.”

Lumalabas itong balita tungkol sa patuloy na pagakyat ng presyo ng bigas samantalang noong isang linggo lang, pinagyayabang ni Agriculture Secretary Arthur Yap na may sapat na supply ng bigas kaya raw stable na ang presyo.

Bilang solusyon sa problema, iminimungkahi ng mga opisyal ng Department of Agriculture sa Mindanao na magkaroon ng kontrol sa presyo at sa pag-distribute ng bigas. Pag-aralan nilang mabuti ito dahil baka mas malala pa ang mangyari. Kapag kinontrol ng pamahalaan ang pagbenta at presyo baka mawala na ang bigas sa palengke.

Ito na naman si Social Services Secretary Esperanza Cabral. Hindi pa nga naipatupad ang kanyang panukala ng special na ID para sa mahihirap na makakabili ng bigas, mayroon naman siyang pinap[alutang na P2 bilyon daw na subsidy para sa mahihirap sa kuryente. Doon daw kukunin sa bilyon-bilyon na kinu-kolekta ngayon ng pamahalaan sa VAT.

Habang tumataas kasi ang presyo ng gasolina, lumlaki ang nakukulekta ng pamahalaan sa VAT. Sa madaling salita, kumikita ang pamahalaan sa paghihirap ng sambayanan sa pagtaas ng gasolina.

Bakit hindi na lang alisin ang VAT?

Published inGeneral

26 Comments

  1. sioktong sioktong

    Doon sa section ng tribune “Palace warned of chaos in Mindanao over rice crisis” ang opinion ni Legarda ay:
    Legarda could only surmise the possibility that the bulk of the portion of the rice produced in Mindanao is being shipped to Luzon and the Visayas, thus leaving almost nothing for Mindanaoans.

    Kung totoo ang hinala ni Legarda na pinadala ang karamihan ng ani ng Mindanao sa Luzon at Visasay at halos wala ng itinira sa Mindanao bakit ginawa ito ni tiyanak pidal? Ginawa kaya ito by design para magkagulo sa Mindanao? Para nga naman maidahilan ni tiyanak pidal na kaya maraming bombang pumupotok sa Mindanao ay dahil sa kaguluhan dulut ng kawalan ng bigas sa Mindanao? Is this a perfect cover for tiyanak pidal to do staged bombings in Mindanao?

  2. Although,Gloria may or may not step down, Bayani Fernando had already announced his plans to run for president and insisted that the administration party shall have no other standard-bearer but him in the 2010 elections. The list of his possible losing senatorial candidates includes re-electionist Senators Ramon Revilla Jr. and Lito Lapid, Agriculture Secretary Arthur Yap, Health Secretary Francisco Duque III, former senator Ralph Recto, and Representatives Edcel Lagman of Albay, Abraham Mitra of Palawan, Eduardo Zialcita of Parañaque, and Monico Puentevella of Bacolod City. Also in the list of Fernando to tour on his pink bus are, former presidential chief of staff Mike Defensor, Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr., former Surigao del Sur congressman Prospero Pichay, and former Ilocos Sur governor Luis Singson.They are the “Nightmare Team on 2010″

  3. Who, exactly, do Fernando and his stooges think they are kidding ? The real problem here is that Fernando and his thugs may eventually win the political battle.They trust the scheme is popular enough to outmaneuver the opposition.They draw comfort from the endorsements of the Pidal Mafia,They want to be remembered in the long term for the things they do to change Philippines for the better, but that pesky news cycle keeps dragging them back to the least unproductive part of their jobs, where short-term stunts take precedence over serious ordinary people’s debate toss over something about the calibre of their leadership.The Opposition Leader has surely won the political argument so far.The AliBaba in Malacanang can’t seem to put that genie back in the bottle.

  4. These are the elites in Pidal Mafia who have wrecked our beloved country and brought us all to ruin. They have subverted public morality with the gains of their corruption. Despite the overwhelming evidence they still enjoy some political support because they use the proceeds of corruption to further subvert the moral tone of society. These fellows have sacrificed the collective future of our country for mere pieces of gold. They have sold the entire nation in exchange for homes in America and Europe. They keep the London real estate market buoyant. Their deposits ensure profitability of Swiss banks. Our country’s agriculture are shut while their insatiable desire for importing rice. They have ruined our schools with bald policies. They have turned our university graduates into OFW’s as a bus drivers,taxi drivers and super maids. Our people die. They die of inadequate medication yet money for drugs have been disbursed. Money for hospital equipment has been remitted but the people die because the elite have embezzled the money. The leaders have connived amongst themselves to take our very lives from us. Even Medicol and cortal they may not buy, since their salaries are too small to fetch them anything. But we see these bunch of crooks with rosy cheeks and robust frames. They eat bread and eggs and drink cognac. Most Filipino children may not know the taste of milk and may never have the privilege of fried chicken at Jollibee.

  5. The Pidal elite hold the nations destinies in their hands since they control all factors of political influence and economic production. This elites are comprised of the brightest, wisest and the richest, they are mainly plunderers and the commissioners in greed moderation,their collaborators bear a major portion of the blame for the mess our country has become. All the major crimes and misdeeds that have plunged our beloved country and our people into poverty and beggarliness are perpetrated by them. They are the ones who aid capital flight. No commoner has any capital, not to talk of flying anywhere with it. No area boy receives commission not to talk of aiding graft. No unconnected person has access to the resources required to rig elections or hire thugs. Who can arm and retain those murderous militia, if not the elites? They are the ones who use the Dagdag-Bawas to settle political scores.

  6. Our poor people drown themselves in sioktong,kuatro cantos and shabu just to forget and overlook the sad faces of their hungry children.The bloated stomachs of our children that speak to us of malnutrition we learn to ignore. The elite build palaces and mansions in Tagaytay,Magallanes,Baguio and other such places, and withhold infrastructure from the areas where the poor majority live.While the poor homes along da riles have no room and no lights. Poor people can only go to bed early and make baby because there is no electricity to hook on TV and watch WOWOWEE. Our people die most of the time in road accidents because they have stolen even the money for road maintenance. What kind of people will steal even the money for roads that they themselves will have to pass on? They have all the trappings of wealth, but inwardly, they are poor and mean and we cannot but laugh at them.

  7. parasabayan parasabayan

    Ellen, false economy ang alam ni evil bitch. She likes to retain the e-vat para nga naman masasabing tinutulungan niya ang mga mahihirap. Gusto niya, siya ang “nagbibigay” ng pera. Sa e-vat naman din niya kinukuha yung ibinibigay niya sa mag ito menos yung “kotong” niya at ng kanyang mga alipores. Kung tanggalin na muna niya yung e-vat sa mga basic commodities sa ngayon na hirap na hirap ang mga tao, eh di and pakinabang ay sa mga tao. Mawawalan nga naman ng delihensiya si evil bitch at ang kanyang alipores kung ganito nag mangyayari. Gusto ni evil bitch, siya ang bida. Kaya mga kababayan, TIIS na lang muna kayo dahil ayaw naman ninyong UMALSA laban sa kanya.

  8. parasabayan parasabayan

    Cocoy, boy, you are so fired up!

  9. Valdemar Valdemar

    Kung anim nga naman ang anak talagang mahirap. Sa Chna ay may 1 child policy. Sa Kano, 2 child policy, sa Singapore less child policy, sa Japan, sa Japayuki na lamang manganak. Eh dito, sa iba pa maaring managanak. So its not the rice problem or anything else to be blamed. If you look closely at those countries that are prospering, most are not Roman Catholics. Therefore, we pray that our religion must go. Down with the church.

  10. parasabayan parasabayan

    Mukhang ginagalit talaga ni evil bitch ang Mindanao ah. Bukod sa mga pasabog, ngayon mataas naman na presyo ng bigas. Is this her way to justify the presence of the US forces there? And also, is this her way of asking for more military aid from Bush?

    Mukhang panay din daw ang brown outs doon. Paano na yung automated elections? Hah,hah,hah… there are so many ways to skin a cat. Kung sino ang gusto ni evil bitch na maupo, yun ang panalo. Sayang lang yung mga pera para sa mga computers kung wala namang power sa election day.

    Kawawang Mindanao. Binigyan ni evil bitch sila ng “peace Adviser” yung pang mandurugas na katulad ni asspweron. Mukhang puro panggigipit lang ang nangyayari sa ating mga kapatid na Muslim.

  11. parasabayan parasabayan

    Oo nga at mayaman ang Mindanao sa lupa, puro mayayaman naman ay mayari ng mga malalawak na mga lupain. Ang mga ordinaryong tao, hirap pa rin.

  12. PSB: Oo nga at mayaman ang Mindanao sa lupa, puro mayayaman naman ay mayari ng mga malalawak na mga lupain. Ang mga ordinaryong tao, hirap pa rin.
    *****

    Sinabi mo pa. Mindanao should have been made a pivot area for land reform soon after WWII. Unfortunately, bobo at walang malasakit naman sa bansa ang karamihan sa umupo sa gobyerno kaya palpak ang mga panukalang batas na ipinairal. Labas tuloy gutom at pahirap sa mga lalo pang naghirap na mga pilipino.

    Kawawang bansa talaga!

  13. andres andres

    Kawawa naman ang Pinas, pinagsasamantalahan ni GMA at ng mga kampon nito, kaya’t patuloy ang paghihirap ng masa.

    Pero magaling talaga magpasabog ng mga isyus upang mapagtakpan ang kanilang mga katiwalian. Tulad na lang ng nangyari kay Jun Lozada at ZTE, upang ito ay mawala sa balita, pinasabog ang krisis sa bigas, ngayon naman ang zarsuela ni Winston Garcia laban sa Meralco. Kawawa naman si Lozada, biglang nawala sa balita!

    Mag-ingat tayo sa isyu ng MERALCO, ginagamit lang ito ni Gloria the Evil Bitch upang magpabango nguni’t ang tunay na dahilan ay upang makuha ito ng kanyang mga kampon, ang mga Aboitiz! Halos lahat na ng pwedeng mabili at ma take-over ay ginagawa na ni Mike Arroyo at mga kampon ni EVil!

    Wala na akong nakita pang hihigit pa sa kaswapangan ng mag-asawang Pidal! Walang sinabi sila Marcos, Erap at iba pa!

  14. parasabayan parasabayan

    Andres, sinabi mo pa. I am just wondering kung ang mga Aboitiz ay ang ala Lucio Tan ni Marcos. Wala nga namang pupuna dahil ang mga Aboitiz ay talagang may kaya. Ano kaya ang usapan nila ni Pandak!

  15. Parasabayan.
    Every Filipinos has seen these problem:Politicians who has nothing in hands before they become public servant are now living in fabulous luxury,largely struggling middle class, and a sea of squalor, suffering and poverty, in which the vast majority of Filipinos are mired.It’s not for a lack of talent, ambition or intelligence.Philippines has become a source for highly intelligent, carefully trained professionals of a wide variety of skills, who practice their professions all over the world particularly in the industrial nations.It isn’t a lack of resources, either. Everyone knows that our country has the vast variety resources, agricultural, forest, mineral, human and of other kinds, which our country has in some of the greatest abundance in the world. Why, then, has Philippines come to this terrible country?…. If you ask Tongue,He will tell you that our country has produced more than 80 millions cowards and One Sonafavits.Hehehehe!

  16. Parasabayan.
    I have written all my sentiment in my blog.You are welcome to visit anytime.

  17. Golberg Golberg

    Naalala ko si Superman na napanood ko sa Youtube na may kausap na mama. May reklamo na siya. Hindi na kasi siya ang nag-iisang “Super.” Meron na daw kasing Superstars, Supermodel, Supermarket at may isang araw daw nakakita siya ng Superglue. Ngayon, mayroon pang Supermaid. Tapos nandiyan pa si Arroyo et al.
    Bahala na kayo kung anong klasen super ang mga iyan.

  18. parasabayan parasabayan

    Cocoy, thanks for the invitation. I will come and visit your home.

  19. I watched the Herald Tribune’s interview with Gloria Dorobo that Anna posted here earlier. Amazing how the Dorobo can lie through her bucked teeth. Hindi tumitinag. Ipinipilit na improved economy daw ang Pilipinas when Presidents and Prime Ministers of more progressive countries are up to the necks finding ways and means to stop inflation and prevent recession.

    Kung si Brown nga ng UK hindi na makangiti. So with our Prime Minister in Japan. Iyon lang yatang may sira sa ulo ang ayaw umamin na may recession and depression worldwide caused by Dubya’s wars that have seemingly incurred the wrath of God above kaya sunod-sunod ang tornado, earthquakes, cyclones kung saan-saan. Then, we also hear of concern about drying up oil wells in Indonesia, and even perhaps, Iraq. Tapos sasabihin ni Dorobo, improved Philippine economy under her reign e wala ngang ibinubuga ang Pilipinas under her pakendeng-kendeng leadership. Puede ba, bumaba na lang! Nanloloko pa! Pwe!

    Pagkain ng mga pilipino inuutang pa. Gusto pa yatang ipalimos. Yuck! Does she not know that in many Asian cultures, dinuduraan ang mga nagpapalimos?

  20. pranning pranning

    03 June 2008

    On a related topic. Ms. Ellen or anybobody, have you seen the movie of Eddie Murphy titled ” THE DISTINGUISHED GETLEMAN”??? It wa shown several years back or in the late 90’s.

    It is the same the thing that is happening to, not only our country but it is global – the price of oil!!!!!! in our case its both the oil and price of high electricity.

    The name of the speaker in that movie is dick dodge, who is also the chair of the power and industry committee handling oil and energy.

    The problem is that, tha chair knows very much how to create money out of that committee.

    My point is, that is perhaps the very reason why mikey arroyo chose to be the chairman of that committee in the “LOWER” house”.

    He is making money out of our kababayan nowadays, pretending to be the protector, but he is actually making money out of the committee.

    prans

  21. Nagpakamatay si Recto na maipasa yung EVAT, tapos yung RVAT. Imbes na boto, hagupit ng tao ang tinamo niya. Ang target nila ay P80B mula sa VAT at matutustusan na daw ang pagpapaunlad ng Pilipinas. Ngayon P140B na ang kinikita sa VAT. Nasaan na ang pag-unlad? Gagamitin na ang VAT para sa pangmalawakang pamimili ng suporta. Simula sa 2009, parang mawawala na sa uso ang kwarta pag ginastos ng gobyerno. Kasama na ang pambili ng boto.

    Hindi lang sila nakapaghanda sa krisis ng langis at pagkain kaya napipilitan silang gumastos diyan sa pondong iyan dahil baka hindi na sila umabot pa sa eleksiyon.

    Nanahimik na tungkol sa systems loss ng Meralco dahil malinaw naman na mas malaki ang pahirap ng gobyerno sa presyo ng kuryente kesa sa isinisisi nila sa Meralco. Kaya nakakabwisit na mga kampon pa ni Gloria ang nag-ungkat nitong systems loss. Kung sa opposistion sana nanggaling, baka tuluyan nang naibaba ang presyo ng kuryente. Hindi itong dramahan lang.

  22. norpil norpil

    with cocoy around, fernando and company are chanceless.

  23. andres andres

    parasabayan,

    Ang mga Aboitiz ay sobra ang swapang! Kung noong panahon ni Marcos may Danding, kay GMA, may Ricky Razon. Kung may Lopez noong panahon, ngayon may Aboitiz. Itong dalawang pamilya ang pinakabagyo sa rehimen ni Evil Bitch! Halos lahat ng malalaking transaksyon ay kasama sila, siyempre kasosyo ang mga Pidal!

    Ang Union Bank na pag-aari ng mga Aboitiz ang tanging private bank na nakapasok sa mga transaction ng gobyerno na dapat sana ay Landbank or DBP and priority. Noong panahon ni Cory diba head ng Napocor si Aboitiz? Panay ang brownout noon yun pala ang pamilya nila ang importer ng mga generator. Ganyan sila kawalang hiya!

    Sinamahan pa ng walang hiyang pekeng Presidente, eto ngayon ang napala ng bayan natin!

  24. Tama si Andres, nung panahon ng brownouts kay Cory, si Ernesto Aboitiz ang pinuno ng Napocor. Bago pa ito, ang Abomar na kumpanya ng pamilya nila ay hindi nakakapagbenta ng maraming generator noon, maliban sa isang malaking Mirlees Blackstone Genset na ibinenta nila sa Atlas Mining sa Cebu. Ang kumpanya namin at yung mga dati naming tauhan na nagsariling negosyo ang may kontrol ng bentahan ng generator noon.

    Pero nang magsimula ang brownout, nagsimula nang sumipa ang Abomar sa pagbenta, yun nga lang talo pa rin namin sila. Kung mapapansin ninyo ang mga generator sa labas ng mga bangko, McDo, Jollibee, at iba pang mga negosyo, puro generator namin yun, ang tatak FG Wilson. Mga 5,000 units lahat-lahat Metro Manila pa lang. Kami nga ang itinuturo ni Ernesto na nakinabang ng husto. Kasi naman bobo yung kumpanya nila, dinadaan sa koneksiyon hindi sa serbisyo at presyo.

    Ganyan din ang ginagawa nila ngayon sa mga sinusubasta ng Napocor, pati na ang pag-takeover sa Meralco, koneksiyon, hindi serbisyo at presyo.

    Kung sakaling mapatumba nila ang mga Lopez sa paggamit nila kay Winston Garcia, wala nang pag-asa ang Pilipinas. Walang aasahang serbisyo, yung presyong ibababa raw ni Winston, sa simula lang iyan. Tsk, tsk tsk.

  25. Naniniwala na ba kayo sa sinabi kong si Garcia ay binibuild-up na Senator material kaya pinakawalang parang asong ulol ng Malakanyang? Ayun kasama sa listahan ng mga senatoriables ni Gloria!

  26. Winston Garcia? Hindi ba marami anomalya ang taong iyan? At least, si Danding siya ang nagpapasok ng pera sa gobyerno ni Marcos noon. Bumabawi lang sa concessions na ibinibigay ni Macoy. Susmaryosep naman, bakit pinapayagan ang mga mandurugas na iyan?

Comments are closed.