Skip to content

Pagpahalaga sa karapatang pantao

Update:http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080528-139336/Teodoro-warns-plotters-Complain-through-proper-channels

Mukhang maayos itong si Leila de Lima, ang bagong chair ng Commission on Human Rights. Sana mabigyan ng katapat na aksyon ang kanyang mga sinasabi.

Sa hearing ng House Committee on Human Rights na pinamumunuan ni Rep. Erin Tañada noong Martes, halatang shocked si de Lima sa mga ikinuwento ng mga asawa ng nakakulong na opisyal sa military na sinampahan ng kasong mutiny dahil sa nagplano raw silang mag-withdraw ng support sa pekeng administrasyon ni Gloria Arroyo noong Pebrero 2006.

Ikinuwento ni Maria Fe Aquino, asawa ni Maj. Jason Aquino ng Army Rangers, noong Feb. 27, 2006, inimbitahan ng Intelligence Security Group ng Philippine Army ang kanyang asawa. Diniretso na sa maximum security jail.Walang kasong isinampa.

Siguro naman alam natin kung anong hirap ang hindi mo alam kung may kasama ka sa pamilya mo na hindi nakakauwi ng bahay. Hindi mo alam kung saan hanapin. Hindi mo rin matawagan.

Sa pang-apat na raw lang nalaman ni Marife na nakabartolina na pala ang kanyang asawa. Kapag sinabi nating bartolina, kulungan yan na maliit ang butas sa itaas. May higaan. Nandoon na rin ang kubeta.

Limang buwan si Maj. Aquino sa bartolina. Kung bibisitahin siya ni Marife, nakaposas at nakatakip ang mata. Pahirapan kung magbibisita sila. Maliban sa pinapahintay sila ng matagal, kinakapkapan pa sila.

Binantaan pa si Marife ng mga taga ISG na kung sasampa siya ng kaso laban sa kanila, lalo siyang pahihirapan. Ang mga taong may kinalaman sa kaso ni Jason ay sina dating chief of staff Hermogenes Esperon, Brig. Gen. Jorge Segovia, Col. Eduardo Ano, Lt. Col Cristobal Zaragoza, Lt. Col. Marlu Guloy, Lt. Col Imbang, Maj. Joel Mariano at Maj. Joseph Canieso.

Hindi lang kay Maj. Aquino ito nangyari.Si Capt. Dante Langkit sampung buwan sa bartolina. Hanggang ngayon nasa ISG pa rin siya nakakulong.Nakahiwalay siya sa ibang kasama niyang akusado. Ilang beses siyang kinausap ng mga sugo ni Esperon na magbigay ng affidavit na ididiin si Brig. Gen.Danilo Lim. Ayaw ni Capt. Langkit dahil hindi naman yan totoo.

Nandoon din sa hearing sina Maria Flor Querubin, asawa ni Col Ariel Querubin; Gay Parcon, asawa ni Lt. Col. Custodio Parconm at ang kanilang anak na si Kiko; anak ni Col. Nestor Flordeliza na si Ronnie, Millet Almodovar, asawa ni Capt. Montano Almodovar; Winda Fontiveros, asawa ni Capt. Joey Fontiveros; Cletty Sababan, asawa ni Capt. James Sababan; Josephine Sales, asawa ni Cpat. Frederick Sales; Mazenith Cordero, asawa ni Lt. Jacon Cordero; at Helen Acosta, pinsan ni Lt. Belinda Ferrer.

Sabi ni de Lima, bawal ang torture.Ayon sa batas, lahat, sibilyan at military, ay inosente at dapat tratuhing inosente kung hindi pa siya nahatulan “guilty” ng korte.

At ano ba ang kasalanan na ginawa nitong mga opisyal? Hindi sila kasama sa nandaya, hindi sila nagsinungaling, hindi sila nagnakaw. Sila ay naninindigan na ang military ay hindi dapat ginagamit sa pandaraya sa eleksyon.

Sabi nga ni Rep. Carlos Padilla labag sa labas ang ginawa ng militar na pagpahirap sa mga opisyal at sila ang dapat kasuhan. Dapat ang kasuhan at parusahan ay ang mga nagpahirap sa mga walang kasalanan.

Ginawa itong hearing dahil sa privilege speech ni Rep. Teofisto Guingona III. Sabi ni Tañada titingnan nila kung pwede ma-amyendahan ang mga batas para masigurado na maprotektahan ang karapatan pantao ng lahat, sibilyan man o military.

Published inFeb '06MilitaryWeb Links

28 Comments

  1. chi chi

    Bilang sagot sa balita na iyan ay sinabihan ni Teodoro ang mga detenadong military officers na magharap ng reklamo sa supposed violation ng kanilang karapatang pantao sa AFP.

    Isang gago pa rin itong si Teodoro. Ano, magharap ng another kaso sa kangaroo court ng AFP?! Para que?

    Kung seryoso ang sekretaryong ito ay dapat paimbistigahan kaagad niya nag reklamo ng human rights violation dahil sa Kongreso na iyan isinawalat ng mga kabiyak pa mandin ng mga akusado.

  2. chi chi

    Although I respect Leila de Lima, hintayin ko muna kung kaya niyang banggain si siRaulo na ngayon pa lang ay pinapalagan na ang kanyang “rubout” statement, at si GloriaAsspweron sa kaso ng human rights violation ng Tanay boys.

  3. parasabayan parasabayan

    Nakakasuka itong si Teodoro, sa military daw isiwalat ang grievances ng mga nakakulong! Nagpapatawa ba siya? Ang military nga ang may problema. Sila ang gumagawa ng katarantaduhan. SA pamamagitan ng mga henerales na katulad ni asspweron, ginamit ang mga sundalo para mandaya sa elksyon. Tapos hindi pa natapos dun. Ginamit ulit si uto utong Mayuga para linisan ang pangalan ng mga ito. Bulag at tanga ang tawag doon! Alalahanin din ni Teodoro na kahit wala na si asspweron, nandyan pa sa AFP ang mga alipores niya-Calunsag, Espino, si John Rat Martyr at iba pa. The “Gangsters” in the AFP are very much in power! So, yung sinabi ni Teodoro na sa military dapat ibigay ang grievances? Forget it! Para lang kumanta ang mga nakakulong sa mga “baka”! Hindi nakakaintindi, bulag, bingi at walang mga kaluluwa!

  4. parasabayan parasabayan

    Leila de Lima and the gungongzales are now on a war path on the RCBC incident. It wont be long until the evil bitch and her mouthpiece siraulo will tame her. The evil duo will just find the dirt on de Lima and she will stop talking. This is how the evil duo operate. Nakakasuka talaga!

  5. naguilenya naguilenya

    Kung pati mga military at subject na ng torture, pano pa kaya ang mga ordinaryong sibilyan?

  6. naguilenya naguilenya

    Kung pati mga military ay subject na ng torture, pano pa kaya ang mga ordinaryong sibilyan?

  7. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Is Leila de Lima, ang bagong chair ng Commission on Human Rights answerable to whore Gloria? Or is the Commission on Human Rights entirely independent, politically autonomous, I wonder? Does anybody here know? Anything attached or even detached to whore Gloria, I just don’t have the trust. Whore Gloria as we all know is totally an evil person in which can’t be doubted, nor trusted. She’ll corrupt anything and everything that could save her fake presidency. I’m hoping Leila is not another Melo, whore Gloria’s ex-tuta. Anyway, I reserve my judgement for now on Leila. Brown bags full of new crispy P1000 an enducement are very hard to turn down when somehow, someone dropped them at your doorstep.(Remember Ed Panlilo, formerly a priest and now governor of Pampanga, I believe. What did he do with the P500,000 handed to him in Malacanang breakfast?)And, whore Gloria is very good at it since it’s not coming from her own private account. We shall see if Leila will bring about into open, and expose the missing, kidnapped, killed of more than or close to 1000 activists and Journalists. Yeap, we shall see!

  8. CHR is supposed to be autonomous. That’s why we should be vigilant and support those who are standing up to the pressures of the powers-that-be.

  9. This is what Defense Secretary Teodoro said:

    “If their rights were violated, they should file a complaint through the chain of command, through the chief of staff, so that these will be investigated and, if it is proven, [then] appropriate action will be taken,” Teodoro told reporters in Camp Aguinaldo.

    “We can’t allow them to go straight to Congress and use it as an alternative forum, and break military protocols and military controls,” he said.

    Nag-Harvard pa itong si Teodoro. Bakit ganito ang takbo ng utak. Officers to complain to CS. Di si Esperon din ‘yun noon. Si Esperon na nga ang may pakana nito lahat.

    Iba talaga kapag sobra ang yaman at hindi nakadaan sa hirap. Pati utak lumalambot.

  10. Besides it was the wives that appeared in the House committee on human rights. Why, are the wives now part of the chain of command and under the jurisdiction of the military?

  11. myrna myrna

    puro mga utak ipis na ang mga kasabwat ni gloria.

    iyan ang nangyayari kapag ang foundation ng governance ay kasinungalingan, pangurakot, at pagkaganid!

  12. myrna myrna

    oppps, nagkamali o nasobrahan ang pindot.

    my view would have read:

    puro utak ipis na ang mga kasabwat ni gloria.

    yan ang nangyayari kapag ang foundation ng governance ay kasinungalingan, panlilinlang, pagkaganid at pangungurakot!

  13. Myrna: yan ang nangyayari kapag ang foundation ng governance ay kasinungalingan, panlilinlang, pagkaganid at pangungurakot!
    *****

    Point is wala namang foundation sa totoo lang. All are based on what the Pidals have recommended and planned out with the crooks in the military she had so far elevated to generals, etc. when they removed Estrada from Malacanang.

    The La Whore in fact as been running the country with her appointees sans any rule of law. In fact, simula pa lang binatikos na iyan ng mga matitinong abogado gaya ni Alan Paguia who was stripped of his license to practice law in the Philippines even when ironically he was trying to defend the Philippine Contitution.sinabi na iyan ng mga matitinong abogado gaya ni Alan Paguia whose efforts came to naught even ironically caused him his license to practice law in the Philippines for defending the Philippine Constitution.

    Matagal nang binababoy ng mga idiots ang justice system sa Philippines. Too bad, walang magawa ang mga matitinong abogado kasi iyong mga bar association nila infiltrated ng mga abogago na marunong lang magpaliko ng batas. Iyong mga matitino, pag inipit, napipilitan na rin sigurong mangurakot!!!

  14. sioktong sioktong

    Bakit si Alan Paguia ay tahimik na ngayon? Imbis na tumahimik sya ay dapat nyang isiwalat ang mga ginawang at mga ginagawa pang mga katiwalian sa konstitusyon ng gobyerno ng mga pidal.

    Truth is eternal ika nga. Sayang naman yong gift in Alan Paguia kung tatahimik lang sya.

  15. Golberg Golberg

    Hay! Ang Human Rights nga naman!
    Maraming bumababoy diyan. Gawin mo sa mga tunay na kriminal yung ginawa sa mga matitinong sundalo, sasabihin nila, nilabag ang kanilang human rights. Pero yung ginawa nila ay hindi gawain ng matinong tao kundi gawain lamang ng demonyo o di kaya ay hayop.
    Yung baboy na asawa nung pekeng presidente, minsan na yatang nagreklamo iyan tungkol sa kanyang human rights. E diba ang baboy e di naman human?
    Usigin ang mga hinayupak na ito ang kitilin ang mga buhay, magrereklamo sila dahil meron daw silang human rights!
    E kahit animal rights di na dapat ibigay sa kanila eh!
    Sa dami ng taong niloko at pinahirapan nila (pati mga sundalong matino pinahirapan nila) lalo na sibilyan na inutas na ng ibang gago sa lipunan natin, mag-insist pa ang mga iyan ng human rights.
    Palagay ko, dito sa atin dapat pairalin na ang batas ng lansangan. Yung mga kinauukulan ay hindi na rin naman kumikilala ng batas at karapatan ng tao dahil peke ang puno nila, dapat “An eye for an eye, a tooth for a tooth” na lang. Wala ng Section o Article o paragraph pa. Hindi na rin naman iginalang iyan eh.

  16. “The Philippines is the most democratic country in our region. We have no tolerance for human rights violations at home or abroad.” President Gloria Macapagal-Arroyo’s Speech at the Sixty-Second Session of the General Assembly of the United Nations, 28 September 2007, New York

  17. norpil norpil

    i assume the commission on human rights is part of the judiciary, de lima having been sworn by the chief justice. she is also known as an election lawyer not as a human rights lawyer. she was also thought of as candidate for the comelec chair but did not get that appointment.nonetheless she is supposed to be brainy having been a bar topnotcher.

  18. Bad news. The Dorobo is assigning her ugly daughter to the ARMM Hindi ba iyan ang agency na in-charge sa Mindanao?

    Balak sigurong gawing prinsesa doon si Luli sa Mindanao as soon as the Pidals succeed in grabbing the lands there as their kingdom? Abaw dapat nang mag-alburoto ang mga taga-Mindanao. Malalahian pa sila ng isang masamang hayop! Yuck!

  19. atty36252 atty36252

    The CHR is an independent, constitutionally created body (Section 17, Article XIII)..

    Among its powers are:

    (4) Exercise visitorial powers over jails, prisons, or detention facilities;

    So Commissioner De Lima can just walk in and check up on the detention facilities. She can investigate the physical conditions, and if the military does not cooperate, can cite the parties in contempt.

    Of course, the teeth of the law are reposed in the police. Can she exercise moral force over the PNP? Who knows? Didn’t Pope Leo stop Attila the Hun from attacking Rome by sheer moral force? Kaya ba ni De Lima? Well nothing ventured nothing gained di ba?

    (8) Grant immunity from prosecution to any person whose testimony or whose possession of documents or other evidence is necessary or convenient to determine the truth in any investigation conducted by it or under its authority;

    Wow. I like this. Panay ang panakot ng mga Pidal about charging somebody testifying against their conjugal banditry with perjury, libel, etc. But De Lima can grant immunity to say, a witness about the disappearance of Jonas Burgos, or some other person who “was disappeared” (human rights slang, not mine) by Palparan.

    Akala niyo walang kapangyarihan ha. Ganyan din ang US Supreme Court until Mr. Chief Justice John Marshall issued the immortal decision in Marbury v. Madison. Atras ang recalcitrant executive (Thomas Jefferson). There is no provision in the US Constitution granting the Supreme Court the power to strike down a law. The power was crafted from pure reason. Said power is expressly granted in the Philippine Constitution.

    Following CJ Marshall, De Lima can expound on the law, by official acts. So far, the CHR has just been a worthless sinecure job for some political appointee, despite its potential.

    They say that some are born great, and some have greatness thrust upon them. Maraming puwedeng itama ang CHR. Will it be greatness for De Lima, or ho-hum? I will watch as it unfolds.

  20. atty36252 atty36252

    Bad news. The Dorobo is assigning her ugly daughter to the ARMM Hindi ba iyan ang agency na in-charge sa Mindanao?
    *******************************************

    The news title says it all.

    GMA taps daughter Luli for $100-M ARMM projects.

    Payat naman $100M lang. Talo ni Borjer.

  21. Atty,
    I admire your optimism. I’d also like to see this brickbat hurling contest between her and Gonzales bring out the real De Lima. The sarcastic Gonzales will push her from a adapting defensive stance into one of offense, a situation that will make it necessary for her to mount her moral high horse and I hope she stays there – the lady white knight could slay the ugly dragons.

  22. Chain of command? Di ba nga Querubin informed Miranda and then they both talked to Senga?

    Ang gago lang talaga si Senga dahil imbes aksyunan niya yung issues nila Miranda, si Esperon ang pinakinggan niya. Kaya nga nakulong sila dahil dumaan sila sa chain of command.

    Sina ngayon ang gagong sundalong gagawa noon? Ikukulong ka naman pala.

  23. george george

    Gloria’s administration has the most number of people who went missing and/or were summary executed than that of the previous administrations of Marcos, Aquino, Ramos and Estrada combined! A bigger question would be: What has she been doing about this? Absolutely nothing. How could she? Gloria’s bloodthirsty military intelligence who conducted such operations had her blessing. On the other hand, Gonzales, of the DOJ believes there is no human rights abuse committed. His judgment is as corrupted as Gloria’s. What else is new? Figure this out. How many more lives would be lost before Gloria steps down? My common sense tells me she’ll do anything to remain in power. I wouldn’t be surprised if she gets “iced” one day.

  24. george george

    Ooops! That should have been …there are no human rights abuse committed.

  25. Valdemar Valdemar

    Baka pugutan nila si Luli. A juicy gift. Well, unless she operates directly from inside fort bunkers. Half of the military and police and top ranks will now go where Luli goes in the fastnesses of the south.

  26. $100M allotment for the daughter in the guise of funding for the ARMM? Wow! Ang saya talaga ng pamilyang iyan kung kumurakot! Ang yabang pa ng mga ungas kundi pa alam ng marami ang modus operandi nila. Lumang tugtugin na. Hindi pa ba sawa ang mga tao sa Pilipinas diyan sa mga pakulo ni Gloria Dorobo y Mandarambong? Besides, ano naman ang alam ni Luli Ngitpa sa problema ng mga moro e paale-alembong lang naman ang mga katulad niyang hay sokayti daw! Yuck!

  27. bayong bayong

    Ginawa itong hearing dahil sa privilege speech ni Rep. Teofisto Guingona III. Sabi ni Tañada titingnan nila kung pwede ma-amyendahan ang mga batas para masigurado na maprotektahan ang karapatan pantao ng lahat, sibilyan man o military.

    SANA PATI ANG BATAS SA PNP MAAMYENDAHAN DIN DAHIL MARAMI DIN ITOS BUTAS.

  28. You bet, Bayong, kailangan ang pagbabago sa pulisya especially when it comes to political appointees. Isang dahilan iyan kung bakit kami umalis ng Pilipinas.

    I actually belonged to a family of policemen, but they were honest and true to their profession. Kaya nang ma-promote iyong walang ilalabas na kamag-anak ni Macapagal (Naging heneral pa nga sa totoo lang!), alsa-balutan kami papuntang Tate kasi walang makitang pag-asang ma-promote ang tatay ko na mas mataas sa tenyente through merits, not sipsip. Rebelde din kasi katulad siguro ng mga nuno niyang Samurai!!!

    You can bet your bottom dollar puro kamag-anak kundi man kaibigan ni Gloria Dorobo at Miguel Mandarambong ang iniuupo nila sa pulisya, military at gobyerno. Family Business pa rin habang ang karamihan sa mga pilipino, kundi pa mag-abroad, hind aasenso.

Leave a Reply