Ano ba naman itong si JDV? Naghihintay raw siya ng tamang panahon para sabihin ang alam niya tungkol sa NBN-ZTE scandal kasi kapag kinuwento raw niya ang alam niya baka raw matumba si Gloria Arroyo.
O ano ngayon kung matumba si Arroyo? Yun ang pinakamagandang mangyari sa Pilipinas.
Sinabi ng Inquirer kahapon na tinawagan raw nila si House Speaker Jose de Venecia na nasa Russia tungkol sa plano ng Senate Blue Ribbon committee na tatawagin siya bilang resource person sa imbestigasyon ng maeskandalo na $329 million (dolyar yan, ha) na kontrata sa ZTE Corporation ng China para magpatayo ng national broadband dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Bro. Ed Villanueva na kailangan sabihin na niya ang lahat na nalalaman niya NBN/ZTE deal kung seryoso talaga si JDV sa kanyang sinasabing moral revolution. Dapat simulan niya sa pagkwento sa sambayanan ng buong katotohanan.
Tama naman. Kaya walang kumakagat sa “moral revolution” na sinasabi ni JDV kasi alam ng lahat na kasama siya sa mga deal o kung hindi man siya kasama, alam niya ang ginawang pagtaksil sa bayan. Ngunit hindi siya kumikibo. Para bang mas mahalaga sa kanya na hindi sumama ang loob ng mga pulitiko na kanyang kinakaibigan kaysa kapakanan ng bayan. Anong klaseng moral revolution yan.
Ang sabi raw ni JDV, “Sa dami ng krisis an hinaharap ngayon ng gobyerno, baka matumba (kapag sinabi ko ang alam ko).” Kaya raw naghihintay siya ng tamang panahon.
Ang pagsabi ng totoo ay tama kahit anong oras. Walang hindi tama na oras para sa katotohanan.
Hindi dapat inuunahan ni JDV ang taumbayan. Hindi siya ang magdesisyon para sa taumbayan. Ang dapat lang gawin niya ay ipa-alam sa taumbayan ang katotohanan. Bahala ang mga tao magdesisyon.
Kung gusto nila ibagsak si Gloria Arroyo dahil sa grabeng kurakutan sa pagsira ng bayan, karapatan yun ng taumbayan. Hindi siya (JDV) ang magdesisyon nyan.
Hindi ako umaasa kay JDV sa kampanya ng katotohanan.Sangkot siya sa maraming deal at kayang-kaya siyang balikan ng Malacañang. Naala-ala nyo ng lumabas ang balita na ibinenta ni Arroyo ang teritoryo ng Pilipinas sa Spratlys para lang makakuha ng maraming deal sa China, gusto ni Rep. Luis Villafuerte na imbestigahan ang Spratlys dahil alam niya si JDV ang may pakana noon.
Siyempre kahit si JDV ang promotor ng ibang deal, sabit pa rin si Arroyo doon dahil inaprubahan niya.
Mahirap asahan ang mga katulad ni JDV sa laban para sa katotohanan kasi marami siyang interes na pinu-protektahan. Kapag lumaban ka kasi sa mga nasa kapangyarihan, dapat humanda ka sa hirap.
Alam ni JdV yan. Dahil sa ginawang pagbulgar ng kanyang anak na si Joey de Venecia ng grabeng “tongpats” sa proyekto na ito, tinanggal sioya bilang speaker. Ang mga dating kaibigan niya, tumalikod sa kanya.
Dapat matuto si JDV na ang katotohanan ay hindi ginagamit para sa pansariling interes. Kung matumba si GMA dahil sa katotohanan, di mabuti. Sobrang delayed na yan. Hindi nga siya dapat nakau-po sa Malacañang dahil hindi naman siya binoto ng taumbayan.
Magsabi na siya ng totoo, baka patawarin pa siya ng taumbayan.
Kung tatahimik siya, kasama siyang babalikan pagdating ng panahon.
Inuuna ni tengang daga ang sarili niyang kapakanan bago ang bayan. Ano ang inaantay niyang panahon? Kapag patay na ang kabayo? When the evil bitch has already gotten all the wealth of the country and killed all her enemies? Mababaw ang dahilan ni tengang daga. Ang totoo niyan, kasama siya ni evil bitch sa lahat ng masasamang gawain niya kaya hindi siya pwedeng pumiyok ngayon. He will go down along with the evil bitch. But maybe the people will spare him if he talks now about all the anomalies of this regime.
Look now who’s talking! hehehe.
U-talk now Mr.Cowardo Venecia dahil ang tao ubos na ang pasencia.Mayroong ka pa kasing threatening na keso babagsak ang pandak sa iyung mga sasabihin,evertime is the right time to do the right thing,even in the afternoon,in the morning or in the evening.
kung minsan ay kaduda-duda rin itong si tenga,ito ba ay usapang pulitiko dahil hindi matutuloy ang kanyang mga sasabihin o nagpapataas pa ng pricing,may pagka praning.
So what? kung madiskarel na si Pandak,hindi makluluksa ang sambayanang Pilipinas dahil ito ang matagal na nilang hinihintay,magpapiesta pa sila kamo at magtutumba at maglitson sila ng mga mamoy,manok at maka pagsaluhan sa kanilang kasiyahan at ipaparada nila si Pandak sa Edsa ng naka burlis pa,ayaw ba ni Jose ng ganon?masaya.O baka naman ayaw magsalita ni sukutang jose dahil siya ay kasali? Sa aking palagay ay malaki ang manila paper na ginagampanan nitong Piping Jose na patumpik-tumpik pa sa kanya mga balakin na sabi-sabi.Say it na Jose!
JdV is hopeless!
Sabi ni LoreLIE, hindi raw dapat tumestigo si Joe dahil hindi rin malinis ang kanyang mga kamay.
Nahuli ang isda sa bibig. Inamin ni Lielie na pareho ni JdV ay bulok ang kanyang Ma’m Gloria!
I have no patience left with the likes of JdV and Neri. If the truth they had to tell would cut off Gloria from Pinas, so be it. The nation will not suffer because of the bitch’s downfall. They are just bullshitting us!
Truth has no condition. Kung masasalita rin lang ng katotohanan ay magsalita na lang, wala nang maraming tsetse buretse!
Si Gloria at de Venecia ay kambal sa kabulukan!
He should do a Lozada.
Parang si Gump yan noon, eh.
What do JDV and Neri have in common? Both have no balls.
kay Neri, maniwala akong walang balls yun. eh si de Venecia, kakaduda, dahil may Gina na, may ebidensiyang anak pa, hahahha.
hay naku, isda nga, nahuhuli sa bibig. “if you come to court, come to court with clean hands”. o papaano lorelie fajardo, talagang inamin mo na rin na “like a thief in the night”, talagang thief ang amo mo?
say mo ngayon????
sus, puro ka naman paporma, hangin din pala laman utak mo. kabata-bata mo pa, bugok ka na agad? kawawang buhay mo. mag isip-isip ka na na dapat, dahil hindi na magtatagal, malapit na…
Re: Both have no balls.
What? Kapon!!!
Kung si JDV magsabi ng totoo hindi lang pasasalamatan at mahalin siya pero kung hindi, hindi ba isang pagtatraidor sa ating bansa at tuluyang masira na sa taong bayan. Dito ngayon malaman natin kung his is a part and parcel ng gobierno ni Gloria. Think, think, think JDV. Have a nice day.
hoy tengang daga, wag ka na mag maarte jan, ilabas mo na ang nalalaman mo sa anumalyang ito, tama na ang pa cute, oras na para magtrabaho ka nmn para sa bayan at di para sa pera. Ayba may “di pa ito ang tamang panahon” ka pang nalalaman jan, eh kelan ang tamang panahon na sinasabi mo pag patay ka na at di ka na pwedeng magsalita? ayaw mo palang magsalita kung anong alam mo eh umepal ka pa na may alam ka, tapos ngayong pinagsasalita ka ayaw mo nmn, ano ba yan di ka naman baliw sa palagay ko, na pag pinipilit kumanta ayaw pag hinintuan sa pag pilit sa pagkanta saka aagaw ng mikropono para kumanta…hallleeeeerrrr….
Devenecia = Mokong
BTW, Justice Secretary Raul Gonzales said that getting Senator Miriam Defensor-Santiago will give honor to this country if we can get her installed in the International Court of Justice. In fact, it is possible that this may actually bring shame to the Philippines the very first time that Miriam loses her cool and calls someone “fuzzy-face” or worse!
Bitchdevil: BTW, Justice Secretary Raul Gonzales said that getting Senator Miriam Defensor-Santiago will give honor to this country
*****
On the contrary! Baka magwala iyong lukaret doon, mapapahiya lang ang mga pilipino. Kilala na nga ang mga pilipina sa Europe na katulong, putatsing, tapos ngayon, makilala pang lukaret dahil kay Brenda! Please, maawa naman kayo sa mga pilipina! Pakitayo naman na ang mga bandila. Huwag nang ipagpilitan pa iyong loka-loka! Yuck!!!
Tungkulin ni Devenecia na magtapat. He is legally responsible for that especially if he is in cahoot with the creeps involved in all kinds of kurakot in the Philippine government. Bakit kayo magpapasalamat. Hindi dapat magpasalamat ang taumbayan sa mga kriminal kung magsabi sila ng totoo. Plunder, graft and corruption, etc. should be considered serious offenses and those committing them should be aptly called “criminal offenders”!
Hindi pinapasalamatan ang mga magnanakaw kung magsabi man sila ng totoo.Pinagnakawan na nga tayo tapos pasasalamatan pa sila kaya lumalaki ang yabang ng mga iyan dahil feeling nila na very important person sila.sino ba sila? sila ay mga empleado nating mga Pilipino sa bansa natin dahil tayo ang nagbabayad sa suweldo ng mga iyan.Pag nawala na sa pwesto ang mga iyan ay katulad na natin ang mga iyan sa klase ng buhay.Iyan kasi ang mahirap sa ating mga Pinoy,Dinidyos ang turing sa mga magnanakaw na mga iyan at ipinagmamayabang pa na “Malakas ata ako kay Tongressman” Ulol!Kailan ba tayo matutong mga Pinoy? Kaya nga sa tuwing naririnig ko noong nasa Pinas pa ako pag darating ang isang tao lagi nilang sinasabi maghanda raw dahil darating si Tongresman.Sabi ko naman sa kanila,sino ba ang Tongresman na iyan? Diyos na darating,manigas siya dahil mas maganda pa akong lalaki sa kanya,ang pangit naman ng tongresman na iyan.Iyan si JDV,kung hindi lang naging tongressman iyan ay siya na ang pinakapangit na Pilipino baka sa akala ninyo.Sa taenga lang at pigura ng mata ay siya ang pinunu ng mga daga.Bwesit na iyan.Magsalita na siya kung magsalita kesa marami pang mga pasakalye.
The saying “It take a thief to know another thief” applies to this JDV case. If we have to thank a thief for telling the truth, why not? Remember Jun Lozada did not come clean either when he decided to testify. If JDV finally decides to do a-Lozada thing, then it would lessen his crime even if not totally disregarded. If JDV has the intention of running for the Senate (he no longer has a place in Congress), then his coming out telling all what he knows about the ZTE deal might assure him a seat in the Senate in 2010.
No thanks if JdV opted to reveal the truth behind Gloria’s golfing with the ZTE officials in China, it’s his duty as mentioned by Yuko and Cocoy.
But I also agree with bitchevil that by telling the truth, JdV will come a little cleaner than Korap Kwin Gloria in the eyes of the public.
Takot si JdV, hawak na sigurado ni Mike ang mga documents of his prior transactions.
Sa kalagayan ng bansang pinoy sa ngayon,nasadlak na sa kademonyohan ang nasa gobyerno na humahawak ng yaman,lahat na lang ng pilipino ay pinagnanakawan na nila,lahat may bayad.Pati pulubi na namamalimos ay pinagbabayad nila sa kanilang mga pagkain at lata ng hill bros na kinakalampag para tumawag ng pansin at hulugan ng barya.
Kahit na nga sa pagtulog ay binabayaran pa rin dahil ang kama,kumot at unan ay pinagbayad ng gobyerno ng buwis,pati pamamasyal at pagpasok sa trabaho ay pinagbabayad ni Pidal ng buwis sa isang daang pisong ikinarga ng gasolina ay napunta kay pandak ang sampu kung 10% ang singilan.Kuwenta sintimos naman ang napunta sa kaha ni Pidal kapag umimom ka ng isang boteng coke.Biruin mo iyun.Tapos sasabihin ni daga na magsasalita daw siya sa tamang panahon,baka wala ng saysay pa ang sasabihin niya sa panahon na iyun dahil expired na na parang gamot na wala ng bisa pagkatapos ng expiration date.
Katulad ng kakilala ko,nagkasakit ang kapatid niya at nanghihingi sa kanya ng pambili ng gamot,pinagdamutan niya at ng deadbol ang kanyang utol,hahagulgol ng iyak na kesyo mahal daw niya ang utod niya at sasama na raw siya sa hukay,gusto ko na nga itulak siya sa hukay noon para matauhan sa kanyang kadamutan.Kaya aanhin pa ang gamot kung patay na ang may sakit.Para na rin iyan sa kasabihan na itinuro sa amin ng titser ko sa elementary…Aanhin daw ang damo kung patay na ang kabayo.
Do you know where Abalos is? He failed to appear at the recent Ombudsman hearing. He’s on a Caribbean cruise pleasure trip with his wife. Look at this criminal who has no shame. After stealing money from the people, he’s now enjoying his life instead of in jail. On the other hand, witnesses like Lozada continue to live in fear…
The Whore and her alipores already pocketed the money from the NBN-ZTE scandal. Most of them already came back from the Cruise now they are preparing for another attack, the Meralco but luckily the Lopezes group came out the winner. I’m sure the gangsters are not finish with Meralco, they are positioning themselves for another strategy to conquer Meralco. What is their next move? PNOC? How about the estate of the late Mr. Menzi of the Bulletin, are they finished with his estate? I’m sure they will not be happy until they get all the wealth of the so-called Marcos Crony. How about the whores crony? What a way to make a living ha. You still want to invest in the Philippines?
GSIS Pres. Winston Garcia is Malacanang’s attack dog out to get the Lopezes. Yesterday, writer Ducky Paredes defended Garcia and attacked the Lopezes in his column. Over at the Senate, Miriam Santiago is again bitching about her colleagues’ products endorsement claiming it’s premature political campaigning. Well, she’s upset because no one wants to get her endorsement. She’s among the ugliest if not the ugliest in the Senate.
Magsasalita na raw si De Venecia. Nagpapainit pa lang siya. Golly, mas matapang pa iyong anak! Yuck!
Sana matoto na iyong mga sumisipsip pa kay Gloria Dorobo na in time, sila naman ang titirahin sa likod ng dugong asong iyan. In short, madala na sana sila. Malakas talaga ang temptation ng perang nakaw na ipinangsusuhol sa kanila.
Kawawang bansa!