Update: Si CHR Chair de Lima daw ang lumalabag ng human rights ng mga police- Raul Gonzalez
Lahat tayo shocked sa nangyaring krimen sa RCBC sa Cabuyao, Laguna kung saan sampung tao ang pinatay ng mga magnanakaw.
Hindi sila nakuntento na nagnakaw. Pinagbabaril ang lahat na nanakita sa kanila.
Siyempre gusto natin mahuli ang mga kriminal. Sa sibilisadong mundo, salot ang mga kriminal. Ang gumawa ng kasalanan, dapat parusahan. Klaro yan sa mamamayan na ang may pakana ng krimen ay dapat maparusahan. Ayaw natin ang walang pakundangan na pagpatay ng mga inosente, lalo na kapag mga alagad ng batas ang may kagagawan.
Kaya marami ang nababahala sa pagpatay ng tatlo, sina Vivencio Javier,Angelito Malabanan, at Rolly Lachica sa barangay Pagaspas sa Tanauan, Batangas na sinabi ng mga pulis ay mga suspek raw sa RCBC massacre. Shootout raw ang nangyari kaya pinatay nila, sabi ng mga pulis.
Iba naman ang sinasabi ng mga kamag-anak. Katulad ng kuwento ni Olive Javier, asawa ni Vivencio na dating barangay captain. Sabi niOlive, ni minsan hindi nasangkot ang kanyang asawa sa pagnanakaw.
Sabi ni Olive, noong Huwebes, mga hatinggabi nagising sila sa ingay sa labas at bigla na lamang silang pinasok ng mga armadong pulis. Hinanap nila si Vivencio na sa oras nay un ay natutulog. Wala silang dalang warrant of arrest. Ginising naman ni Olive ang asawa.
Nang bumaba si Vivencio, tinanong siya ng mga pulis, “Ikaw si kapitan? May itatanong kami sa inyo?” Dinala nila sa labas ang asawa.
Naramdaman ni Olive na may masamang mangyari kaya bigla niyang niyakap ang asawa ngunit tinabig siya. Inurderan din ang dalawang anak na lalaki na humarap sa dingding.
Mamaya-maya, may narinig silang putok at ang sumunod na nakita niya ay ang asawang nakahandusay sa sariling dugo. Hinalughog ng mga pulis ang bahay, kinuha ang lisensyadong baril ng asawa na nasa ilalim ng kanilang higaan, mga playstation at anim na cellphone.
Sa sinabi ng mga pulis nashoot-out sabi ni Olie, “Sino naman ang matinong taong gagawa noon samantalang ang limang anak nila kasama na ang isang taong apo ay nasa bahay?”
Ganoon din ang hinagpis ng mga kamag-anak ni Angelito Malabanan at Rolly Lachica. Wala silang record na criminal.
Siguro, gusto ng mga pulis na magpasikat. Ngayon sabi nila malapit na ma-solve ang RCBC robbery/massacre. Talaga?
Ang nakakabaha nito, kung hindi naman totoong na yung tatlo ang sangkot sa RCBC robbery.massacre, ibig sabihin noon ang totoong salarin ay namamayagpag saa labas at maari pang sumalakay ulit.
Ang mas nakakabahala, sa pagpatay sa tatlong inosenteng tao, ang ating mga pulis ay naging kriminal na rin.Sino ngayon ang magpu-protekta ng mamamayan?
(ummfph) like martial law is back…
Maganda yung bahay ni Javier, mukhang maykaya. Hindi bahay ng isang pusakal na holdaper. Hindi ako naniniwalang kasali itong tatlong napatay na ito sa RCBC.
Maraming mga kilalang sindikato dito sa Pasay. Madali silang makilala. Una hindi halos natutulog ang mga tao sa bahay. Kung pinuno ng sindikato, siguradong maraming bodyguard na nagbabantay sa bahay niyan bente kuwatro oras. Laging may contact o handler na pulis ang mga iyan.
Isa pa, kung totoong suspect, hindi pinapatay basta-basta ng mga pulis lalo’t may hinahanap na malaking pera, alam niyo na kung bakit.
Sabi ko na nga sa isang loop, hahanap talaga ng puedeng pagbintangan tapos kunyari may shoot out para sabihing napatay na ang mga kriminal. O kaya, may ilalabas sa TV na binugbog muna para paaminin ng kasalanang hindi naman ginawa. Lumang tugtugin na, bakit tino-tolerate pa ang mga ganyang kapalpakan ng mga akala mo nagpupulis-pulisan lang mga pulis. Naalala ko tuloy iyong joke noong maliit pa ako, “Pulis, pulis, tit—matulis, bombay, bombay, tit—matibay!
Sa totoo lang pati pag-iimbestiga ng mga pulis palpak. Marami na akong na-translate sa wikang hapon na mga police statement ng mga imbestigasyon ng mga kasong nasasangkutan ng mga hapon lalo na iyong mga ipinapapatay sa Pilipinas para makakuha ng insurance benefits o kaya iyong mga hapon na biktima ng mga magnanakaw sa Pilipinas. Pa-ingles, ingles pa nga baluktot naman ang ingles. Tapos minsan may nagbi-video pang mga taga-media. Kaya hindi tuloy maka-concentrate ang mga imbestigador, at saka ang mga trabaho maski pap. Kung sabagay, magtrabaho man o hindi ang pulis lalo na kung may padrino, sasahod din. Low class pa rin hanggang ngayon. Yuck!
Tongue: Maraming mga kilalang sindikato dito sa Pasay. Madali silang makilala.
*****
Sinabi mo pa, Tongue. Noong nagtatrabaho ako sa isang travel agency na nagpapadala ng mga grupo-grupong turista sa Pilipinas, nakasama ako sa isang night tour at doon kami dinala sa isang malaking bahay ng isang heneral daw ng AFP. Mansion ang bahay na malaki at magandang tignan mula sa Dewey Blvd. (ano bang ipinalit na pangalan doon?) Golly, bahay pala ng mga putakte. In short, brothel! May guwardia sa gate, at pagpasok mo, patingin-tingin iyong mga tauhan ng sindikato. Isang bus ng turista ba naman ang hakot ng tour agency sa Manila. That was a long, long time ago. Pero siguro ganoon pa rin.
Nakapunta din kami doon sa isang malaking bahay din sa Quezon City na malapit doon sa QI. May-ari naman daw mataas na rangko sa pulis doon. Napapataas na lang ng kilay ang mga turistang hapon sa totoo lang. Sa totoo lang, iyon ang isang pang-attraction yata ng bugaw na moonlighting as a tourist guide and vice-versa na wala kaming alalahanin kasi bigatin sa pulis o military ang may-ari ng brothel!
Ganoon noon, lalo na siguro ngayong dorobo ang pinuno ng bayan!!!
Kawawang Pilipinas! Kailan pa kaya magbabago?
Off topic but I would like to recommend to Filipinos overseas the movie, “Filipinas” starring Armida Siquion-Reyna, Maricel Soriano, et al, including Richard Gomez who must have been inspired by that movie to run for office then. Problema lang nga, he was being wooed by the creep that he should have fought against.
“Filipinas” was produced in 2003, and touched on the problems of the country especially on the lack of hope of people staying in the country, including the corruption in the military. It is a must see, and should inspire every Filipino who still feels strongly for the Philippines.
I am including it in the number of movies I’m showing to Filipinos on political, social, etc. problems in the Philippines to inculcate nationalism and real concern for their country and people.
There seems to be always another side of the story. Ask a drunk if he is drunk. Shinoo an’ lashing? Of course any mother or wife knows only of her only son she could ever love to be perpetually innocent. More often than not, deep inside we champion the vigilantes. How we ache to expunge those stubborns, crush those killers, feed the snatchers to the chickens. And if the police follow our will, someone will always come up to say its wrong. Then lawyers come into the act. And each side wants to win. BANG! we start another cycle of primitive analysis of the case. And we have a world of two sides, oops, there’s a third, mine.
Whether we like it or not, this robbery is but one of the signs already of our downfall. Everything is getting bad. Prices unreigned. Oil down. We are now at the threshold of chaos and attrition.
Let the riots begin! The solution to the cleansing for a new order.
Ang nakakagimbal, pulis na rin ang nagsasabi na baka mga militar daw ang may gawa ng masaker sa RCBC.
Kaiingat tayo, naglipana ang mga hayok sa pera at dugo!
Kinagisnan na kasi ng mga kapukisan sa atin ang “shoot first ans ask question latter”
Para sa akin ay okey lang naman na todasin na talaga ang mga kriminal,kasi kapag huhulihin pa ng buhay ang mga tinamaang lintik na mga iyan ay bibistahan pa sa husgado at kung minsan nataon pa sa corrupt na judge ang kaso at malakas ang padrino ay nakakalusot pa.Maawa kayo sa mga mamamatay tao na mga iyan,bakit,naawa ba sila sa mga pinatay nila.Kung talagang sila ang salarin they deserve it.Better luck next time.
Maawain ako sa tao pero wala akong awa sa mga kriminal kaya soory na lang sila.
Wala na kasing death penalty. Immoral daw kasi.
Kaya ang mga kirminal, happy go lucky.
Puro fall guy yung mga pinatay ng mga pulis. Kung suspect nga sila bakit sila pinatay? Dapat hinuli. Kapag napatunayan na salarin sa nangyari, wala ng kulong. Barilin na sa labas ng hukuman at point blank range.
# langhab Says:
May 25th, 2008 at 4:12 am
(ummfph) like martial law is back…
—-It’s a lot worse than during the Marcos Martial Law today…if that’s what you mean. Martial Law per se was not bad. So many good things happened during the initial years of Martial Law. Today, it’s like during the ancient times where there were not enough laws and people didn’t care. They killed one another treating it a daily regular activity. Gloria’s regime has done so much harm and sufferings to the people. Even her death would not be enough to compensate for the many killings. Down with Gloria! Death to Gloria!
Nakatakot naman na pala sa Pinas, kung magbabangko ka baka maholdap o mapatay ka pa,tapos nasa loob ka na ng bahay mo,papatayin ka pa…makaiwas ka man sa mga gansters yari ka naman sa pulis o sundalo sino pa ang maproprotekta sa nga mamamayan.
Saklap, saklap, saklap talagang isipin na ganyan sa Pilipinas ngayon. Dapat mayroon dito managot!!! Kung susundin ang tinatawag na command responsibility, dapat ang sasagot nito ay si AVELINO RAZON, dahil mga pulis niya ang involved. Pero tingnan at abangan ninyo mga katoto kung papaano babaliktarin ng mga demonyong ito ang katotohanan. Pasensya na kayo ito ang klase ng gobyerno natin. Ganyan ka lawless ang Pilipinas sa mata ng mga tao dito sa America.
There is a big rumor that the military and/or police member(s) are part of this bank robbery. It is now clear that there is a big probability that they are because of this “shoot out kuno” para ma stop na ang further investigation. There’s an order from the higher up to get someone as suspect and kill them so they can’t talk anymore. In this way, the PNP will be honored, their comrades who may be part of this robbery are free from any more investigation. Even if the people who were killed are part of the robbery, the more they (PNP) should kill them para wala ng magsabi ‘/dead men never tell a story’.
My thoguhts………..
geronimo,
SOP yan but look at baleleng still haunting Ping, my alter ego model.
Sila sila ang nagpapatayan-ang mga kriminal! It is really very sad that a lot of the crimes committed these days, the masterminds are the cops! Kung yung pinakamataas nga na pinuno eh kaliwa at kanan ang pagnanakaw, pagsisinungaling at bulag at pipi pa sa mga maraming namamatay eh di itong mga kriminal ay mas malakas pa ang loob para gumawa ng krimen. Follow the leader, ika nga!
Yung Kuratong Baleleng malaking sindikato iyan, hawak din ng mga pulis, militar at mga politiko. Meron nang mga membro na naging mayor sa Mindanao (naikwento ko na iyan noon dito sa Ellenville), may mga negosyo sa Cebu, Maynila at Mindanao. Gaya ng Abu-Sayaff, nung masyado nang malaki, dapat ng ubusin.
Yang mga ganitong gang ang dapat inuubos. Itong mga taga-Tanauan, kung talagang sila ang tumira sa RCBC, dapat na talagang tapusin. Pero malabo ang koneksiyon kaya may paniwala ako sa hinala ni Geronimo na unipormado ang may kagagawan at yung mga pinatay, pagtatakip lang.
Ewan ko lang,syempre naman sasabihin ng mga pamilya nila na pinakamabait silang tao at matimtimang nagdarasal na daig pa ang santo,katulad ni Mayor Sanches noon na kinalyo raw ang tuhod niya sa kadadasal dahil banal siya at kahit minsan ay hindi siya nakagawa ng kasalanan.
Marami na akong nasaksihan na ganyang palusot sa Gapo at hindi na sila pinaniniwalaan.Noon naglipana ang mga oxo,sigue-sigue at sputnik at halos araw-araw ay may natatagpuang napatay sa saksak sa imburnal.Nalinis ang Gapo at lahat ng mga siga ay nawala na parang bula.Kaya todasin na kesa hulihin pa at gagastusan pa sa pakain sa loob ng kulungan.Kung walang preso makakatipid ang gobyerno sa kuryenti.Ang ipakain sa kanila ay ipakain na lang sa mga mahihirap na studyanti sa liblib ng barrio.
Marami pang katulad niyang RCBC masaker ang mangyayari pa, katulad ng nangyari sa akin kung wala akong magulang na sumusuporta sa akin ngayon ganon na rin siguro ang mapapasukan kong trabaho ang mangholdap. kapag ang tao ay nagipit pati sa patalim kakapit. mas malamang sa hindi na dating mga pulis o sundalo ang may kagagawan niyon. hanggat walang totoong hustisya sa hanay ng mga pulis at sundalo ay patuloy pa rin iyong mangyayari. ang masakit niton kapag blanko ang mga pulis para ma solve ang pangyayari titira sila ng fall guy, lagi namang ganon ang istorya di ba papogi ba. kasalanan itong lahat ng ating ilang mambabatas at namumuno ng ating PNP at AFP.
mas mabuti pa ang mga totoong holdaper dahil hindi sila naghahanap na galangin sila kesa naman sa ilang mga matataas na pinuno ng kapulisan na magnanakaw na nanghihingi pa na igalang sila. sana nga mam ellen mailabas ninyo ang istorya ko para malaman ng sambayanan kung anong klaseng PNP meron tayo.
Katulad niyang visconde masaker, tatlong batch yan. una ang grupo nina ben baydo na akyat bahay gang pangalawa ang mga pulis paranaque pangatlo ang kay hubert webb. ako ang nag-imbestiga sa pangalang grupo nang sinabi ko na bibitawan ko ang kaso pinatanggal ako sa unit ko.
Hindi bago ang istilong gangland rub-out. Pulis ni Pidal (PNP) at Armed Forces ni Pidal (AFP) ang may pakana. Ano pa di nagmana sila sa kanilang amo-Tongpats at Mafia Queen Gloria Arroyo.
Why Gloria is not serious to solve this kind of heinous crime?… becuase THE BIG FISH is behind this matter… wala ng silbi ang justice ng Pilipinas pati mga ordinary citizen pinatay parang hayop….
SAYANG LANG TAX natin…. kinukarakot lang… WALA NG SILBI ANG PAMAMALAKAD NG BAYANG ITO puro na pakapalan ng MUKHA at tibay ng bulsa….
assassinate the BIG FISH… to give example to the criminals… Philippines will not change habang hindi pa na ubos ang mga HAYOP SA POLITIKA!
bayong, diba ang una yung mga karpintero nung Arceo ba yun?
tongue:
baka kasama lang ang arceo pero ang leadman don si ben baydo na kinasuhan sa doj tapos na dismiss. ang mga pulis paranaque ang humuli at kumaso dun. sunod naman ang mga pulis na nag operate dun ang kinasuhan namin.