Latest as of May 21, 2008: Tuloy na naman ang fare hike. Click here for Inquirer’s story.
Latest: Binawi na naman. Click here for story on “Fare increases deferred.”
Noong isang linggo, pinaglandakan ni Gloria Arroyo ang P20 na dagdag sa minimum wage. Kahapon naman inaprubahan ang pagtaas ng singil sa pamasahe ng 50 sentimos sa jeepney at P1 sa mga bus.
Ano ito, binigay ng kaliwang kamay, binawi ng kanang kamay? Ang masakit pa nito, mas malaki ang binawi kaysa binigay. Nagpapatunay na puro lang talaga pang propaganda ang ginagawa nitong pekeng administrasyon. Dahil hindi na nila alam kung paano bigyan ng maayos at totoong solusyon ang problema ng kahirapan dito sa Pilipinas Kaya ang ginagawa, lokohan na lang.
Sa Metro Manila, kung saan ang minimum wage ay P382 isang araw magiging P402 ang kanilang sweldo . Paano naman mabuhay ang isang pamilya sa P400 na sweldo? Sabi ng mga mathematician, 5.5 na porsiyento raw ang taas.
Ito namang dagdag na pasahe. Sa jeepney, mula P7.50 ay P8 na ngayon ang pinakababa. Sa bus naman, ang pinakamababa na P8 ay P9 na piso na ngayon. Sabi rin ng mga mathematicians, 6.7 percent raw ang itinaas.
Nagbigay ng 5.5 na porsiyento sa sahod, binawi naman sa 6.7 na porsiyento na itinaas sa pamasahe. Lalong abonado pa ang taumbayan.
Naintindihan ko rin ang lagay ng mga driver at ng mga may-ari ng mga sasakyan dahil talaga namang ang taas na ng presyo ng gasolina. Ang aking mga suking taxi driver ay angal na angal at halos kakarampot na lamang ang nauuwi nilang kita . Kaya marami sa kanila, nangunguntrata na. Kapag sumakay ka ng taxi, kontrata na at hindi na ginagamit ang metro. Bawal yun.
Ang sakit ng pagtaas ng pamasahe dahil, sa buhay ngayon hindi lang naman isa lang ang sakay hanggang makarating sa pupuntahan. Ako lang, paglabas ko sa aming subdivision sakay ng tricyle, kung pupunta ako sa Maynila, sasakay ako ng aircon-bus, sobra P30 pesos ang pamasahe. Mula doon sasakay pa ako ulit hanggang makarating sa aking puopuntahan. Halos P100 daan sa papunta. Ganun din sa pauwi. Anong mangyayari sa P20 na dagdag sa sahod?
Sa pagtaas ng pamasahe, tiyak lalong tataas ang bilihin dahil lahat naman na bagay kailangan gagamit ng sasakyan. Bigas, gulay, isda, damit, gamit sa eskwelahan. Lahat lahat na na kung kwentahen mo ay sobra-sobra sa P20 isang araw.
Hindi lang personal na gastos ang tataas. Pati na rin ang mga opisina, tataas ang gastos. Dahil sa P20 na wage increase, tataas ang budget nila. Kung iyon ay negosyo, babawiin nila ang panibagong gastos sa presyo ng kanilang produkto. Kung yun ay gumagawa ng mga papel at notebook para sa nag-aaral, ang tatamaan nun mga estudyante at ang mga magulang na siyang gumagastos.
Ito ang sinasabi ni Arroyo na gumaganda ang ekonomiya.
Bukod sa dagdag sweldo ay dapat alisin ang VAT/EVat/RVat sa mga prime commodities, oil, water at power, tutal ninanakaw lang naman ni Gloria at mga alipores niya. Batbat na tayo sa pahirap sa ilalim ng ilegal na gobyerno ni Gloria!
Ewan ko ba Ellen, kung paano nasisikmura ni gloria na sabihing gumaganda ang ating ekonomiya gayung patuloy ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at mga pangunahing pangangailangan ng tao?? Palagay ko ang maganda lang ay ekonomiya ng mga taong nasa Malacanang at mga alipores nila. Sagana sila sa mga pagkain, pera, alak at kapangyarihan.
Ang isang sinungaling, mandaraya, at magnanakaw ay walang gagawing maganda sa bayan kundi puro pahirap. Mas gusto ko pa ang nangyayari sa away ng Lopez at Arroyo. Mandaraya vs. Mandaraya. ha, ha, ha, ha. Baka akala nina Lopez ay nakalimutan na namin ang ginawa nilang pagsisinungaling noong nakaraang halalan 2004 sa pamamagitan ng mga maling pagbabalita ng ginawa ng ABS-CBN na pag-aari din ng Lopez para lamang manalo kuno si gloria labandera.
O ngayon,sila ni gloria ang magka-away? Palagay ko lang makikipag-ayos ang mga Lopez kay Arroyo na huwag ng kunin ang Meralco sa pamamagitan ng pagsupil sa “press freedom” ng ABS-CBN Broadcasting. Isa pa iyang GMA Channel 7, nagpagamit din kay gloria noon para pabagsakin ng lehitimong presidente na si Erap. Tapos ang kapal ng mukha nilang sabihin na sila ay “PANIG SA KATOTOHANAN?” Ha, ha, ha, ha,!!! KAPUSO O KAPAMILYA pare-pareho kayong walang paninindigan….hindi malaya ang pamamahayag nyo…mabuti pa mag-giling-giling na lang kayo sa tugtog ng itaktak mo!!!
Ano pa kaya ang hinihintay ng taumbayan at hindi pa sipain ang mga illegal na borders sa malacanang??? Hihintayin pa ba nating maging 10 piso ang pamasahe sa jeep maging 100 ang kilo ng bigas?? GISING KABABAYAN!!!! NGAYON NA ANG PANAHON!!!
Sasabihin talaga ni Gloria na gumaganda ang ekonomiya natin kasi marami siyang nakukurakot.
Pinaikot lang ni Gloria ang mga mangagawa na dinagdagan ng sahod dumoble tumaas naman ang mga bilihin ng mas higit pa sa itinaas na sahod.Kaya numero na naman ang pinag-uusapan.Tama ang kasabihan na ang pera ay kapirasong papel lamang.Binigyan ni Gloria ng santol ang mangagagawa kinuha naman niya ang kanilang manga.
When there is an oil price hike, the issue is between the user and the oil supplier. What should happen is use all available legit means to solve the problem without unnecessary sufferings of the majority. One is to simply boycott one or two gas suppliers at a time until they capitulate. This model is applicable to other industries.
Likewise on the pay hike issues, we should fix the pay and salary scales. Either promotions or added bonus should take care of any enterprising success.
We know for a fact that the economy or mere existence of the country is buoyed by the OFW robust foreign exchange. The government should take the opportunity to get more green bucks. Send everyone out. Provide free passports to everyone at 16. No more fees for renewals, etc.
Sa hirap ng buhay sa Pinas ay nakakatiis pa ang pinoy. Unbelievable! Naghihintay yata na ang mga anak ay mag ala-African kids na nakikita natin sa pictures na puro ribs at litid na lang.
Sabagay ay hindi apektado ng hirap ng buhay ang mga Tongressmen at Senatongs lalo na si Money Villar. Putsa, bilyunaryo pala ang mokong kaya hihintayin niya, at all costs sa buhay ng pinoy, ang 2010!
Sa hirap ng buhay sa Pinas ay nakakatiis pa ang pinoy. Unbelievable! Naghihintay yata na ang mga anak ay mag ala-African kids na nakikita natin sa pictures na puro ribs at litid na lang.
Sabagay ay hindi apektado ng hirap ng buhay ang mga Tongressmen at Senatongs lalo na si Money Villar. Putsa, bilyunaryo pala ang mokong kaya hihintayin niya, at all costs sa buhay ng pinoy, ang 2010!
“Ibagsak ang pekeng presidente. Gamitin ang kuryente.”
Ellen, nadoble. Paki tanggal na lang ang isa. thanks.
chi: galing mo pala gumawa ng slogan.
norpil,
Kay Golberg iyan doon sa isang thread. Hiniram ko lang dahil double blade ang dating. heheh!
Ang problema dito sa ginawa ng inutil na pamahalaan ni gloria ay pinag-aaway tayong kapwa na naghihirap. Yun mga pasahero ay nagagalit sa tsuper at operator ng pampublikong sasakyan dahil sa pagtaas pasahe gayun itong rehimen na ito ang palpak! ang pag-alis talaga sa evat ng langis ang magpapababa ng gastusin nating mga pinoy. palibhasa ay kung mataas ang evat ay mas malaki ang mahihingi nila sa oil companies na bribe para mapalusot ang langis sa customs. kung aalisin ito ay wala na yun kamag-anak ni gloria na makukurakot sa bribe sa langis na illegal na pumapasok dito.
Isang panawagan sa media:
Pagsilbihan ang taumbayan, huwag ang sindikato!
Yung binawi, ibinigay na uli, ayon sa latest news. Kasi, naipaliwanag na daw ni Mendoza kay La Whore na tumataas din ang gastusin ng mga drivers at operators kaya pumayag na si Bansot na itaas ang pasahe. Anong kagaguhan na naman yan? Pinalalabas lang ni Mendoza na Boba talaga at pekeng ekonomista si Pandak. Hindi pa pala alam ni Pandak, kailangan pang ipaliwanag ni Mendoza, haaay.
Tuloy na yung provisional fare increase. Ibig sabihin kaya provisional dahil pag-aaralan pa kung sapat na yung naging dagdag. Ibig sabihin pwede pang tumaas.
Ang pangkaraniwang laki ng isang mag-anak ay limang tao. Nagtatrabaho yung ama, mamamalengke yung ina, nag-aaral yung tatlong anak. Kung tig-iisang sakay lang sila kada biyahe, limang piso ang nadagdag sa gastos nila dahil sa pagtaas ng pasahe. Kaso tumaas ang bigas ng 10 piso kada kilo, na kasya na siguro sa isang pamilya maghapon. Tinapay, P.50 ang dagdag presyo kada piraso. Sa tigdalawang piraso kada tao, nadagdagan ng limang piso ang gastos ng pamilya.
Tinapay, pamasahe, bigas. Yan pa lang at yung kwenta ko ay minimal lang na consumption, naubos na yung dagdag sahod na P20 kada araw. Paano na yung ulam, school supplies, gamot, toothpaste at sabon, etc.
Isa pa sa minimum wage lang yun. Paano yung lumampas ng ilang piso lang sa minimum wage? Anong mangyayari sa kinikita nila?
Kawawa naman talaga ang taumbayan. Meron sana akong solusyon, kaso pati nga pala lason, nagtaas na rin.
Tongue,
Baka pag meron nag-report ng analysis mo ay biglang bawi na naman ang taas pasahe.
Simpleng-simple na intindihin pero hindi na maintindihan o ayaw talagang pagtuunan ng pansin ni Tongpats Kwin kung bakit kailangan o hindi na magtaas ng pasahe.
Isama na lang sana ni Asspweron sa Mindano, doon kay Quiboloy community, si tianak para makahinga naman ang kapinuyan sa kanyang mga kababuyan.
Tama ka diyan, chi. Kaya doon sa mga nananaginip pang maging industrial country ang Pilipinas, kalimutan na ninyo. Itataas ng itataas ang sweldo ni Pandak para lalong mahirapang makahabol sa China (nabigyan na kaya ng honorary citizanship si Pandak?) sa murang labor cost ng manufacturing.
Kung gustong matulungan ang mga tao at negosyante, ibaba dapat ang buwis. Dito sa hilaw na dagdag sahod, kawawa pa rin ang manggagawa, kinawawa pa ang may-ari.
Kung ayaw niyang mabawasan ang makukurakot niya sa pondo ng bansa ang itaas niya ay ang Windfall Tax. Para iyan sa mga kumpanyang langis, telecoms, at energy firms na bilyun-bilyon pa rin ang kinikita habang nahihirapan ang buong bayan!
Tignan ninyo, eto na ang mga signos. Ang UPS, na merong cargo hub sa Clark na nagse-serve sa buong Asia, AALIS NA! Gaya ng FedEx na nauna nang inilipat ang Subic hub nila sa China, doon din lilipat ang UPS.
Ang negosyo ng UPS na nag-evolve mula sa documents at small cargo, ngayon ay nakadiin na sa bulk. Itong nakaraang limang taon, pababa ng pababa ang export ng Pilipinas lalo’t nawala ang Intel at iba pang malalaking semicon na baluwarteng negosyo ng UPS. At sa tingin nila’y hindi na babalik pa sa dati kaya minabuti na ng UPS na lumipat sa China, kung saan nandoon ang aksiyon.
Wala nang pag-asang maging industrial ang Pinas. Habangbuhay na tayong mga OFWs at Call Center/BPO agents.
Thats natural for business being crowded out by our locals. Others di na nila kaya ang exurbitant ‘fees’ expropriated by admin minions. Of course, we cannot discern or admit yet among us the dishonesty, corruption, laziness now developing with our compatriots. Our criminals do not choose where and when to attack for as long as there is money to take. The Victory Liner station is only a spitting distance from their own headquarters.
Maawa naman kayo sa mga bus- at diyipni-driver. Huwag na ninyong ipagdamot dahil kailangan din nilang itaas ang presyo para sa mga pasahero. Baka naman nakalimutan na ninyo na hindi hangin, pero diesel at gasolina ang kailangang gamit.
Ang napakalaking problema ng Pilipinas, palpak ang policies to attract foreign investment. Mayroong nag-post sa blogsite ni Manolo Quezon, electricity (for factories, other industrial clients) is about half-price in Singapore than in Pinas!!! In Malaysia, Taiwan, SoKorea, electricity for factories is one-third of the price charged to factories in the Philippines. Kaya naman pala walang manufacturing dito sa Pilipinas, eh.
The countries do it by charging higher residential rates. Ang electricity-cost per kwH for factories sa Pilipinas is 20% lower than for residential; sa Singapore, factory-electricty is 50% lower than for residential; sa USA, 70%-discount!!!!
Tongue:
Papaanong hindi aalis ang mga foreign investors diyan, pinapakialamang masyado ni Gloria Dorobo kasi nga naman baka malusutan pa silang mag-asawa kung may matitiba.
Biglang nagbibisita pa iyan ng walang pasabi. May inuutusan yatang magmasid-masid ng mga foreign companies para alamin kung may happening na puede siyang mag-photo-op. Hindi lang makahirit iyong mga foreign investor lalo na kung malaki ang investment nila, pero puro abala daw ang pagbibisita ni Dorobo lalo na kung busy daw sila. Ang masama pa ang daming sabit.
Isang precision instrument na company ang binisita ng kapalmuks. Abaw, nagsalu-saludo pa sa mga workers ang ungas, tapos nag-utos na dalhin siya doon sa pagawaan. Suyang-suya iyong may-ari kasi maalikabokan iyong mga instrumento at kailangang ulitin nilang gawin. Akala siguro ng unano, nakakatuwa siya.
Puro publicity stunt lang talaga ang pakay ng hambug.
Parang alam ko yang kwentong iyan. Yan bang precision instrument company ay yung Yokogawa?