Skip to content

Babalik at babalik ang hindi nabayarang kasalanan

Napansin nyo ba ang posters sa mga poste sa Metro Manila na nagsasabi, “Suportahan si Presidente, Ibagsak ang presyo ng kuryente.”

Mukhang malaki ang pondo nitong kampanya laban sa Meralco. Ngunit mukhang ang gumawa nito ay hindi nakihalubilo sa taumbayan. Mukhang doon lang sa kanyang airconditioned na upisina na bayad ng Malacañang kung hindi man mismo sa Malacañang.

Hindi alam ng gumawa ng poster na ito kung gaano kagalit ang taumbayan sa kanyang presidente na si Gloria. Hindi ba niya nababasa ang mga survey na lampas na sa 70 porsyento ng Filipino ang galit kay Arroyo?

Hindi tanga ang mamayang Filipino para kumagat sa kanilang linya na kapag hayaan si Arroyo na makamkam ang Meralco ay bababa ang presyo ng kuryente. Ano ba ang bumaba ang presyo sa panahon ni Arroyo? Kung hindi nga niya maayos ang Napocor na ahensya ng gobyerno, paano tayo maniniwala na maging mas mabuti ang palakab sa gobyerno kung anag kanyang mga masisibang alagad ang hahawak.

Nakakatawa itong poster kasi nagkukunyaring aktibista. Ginamit ang salitang “Ibagsak”. Ay naku, si Gloria Arroyo ang ibagsak.

Pinagpipilitan ni Ignacio “I have two discs” Bunye (tingnan mo nanan ang premyo kapag magsinungaling ka para kay Gloria Arroyo, Monetary Board!) na wala raw kinalaman ang Malacañang sa ginagawa ni Winston Garcia, manager ng Government Service Insurance Service, na siyang nangunguna sa pag-usig ng pamilyang Lopez. Sabinhin mo sa lelong mo.

Ito namang anak ni Arroyo na si Mikey, galit kay Rolex Suplico, Iloilo vice governor at dating congressman, na siyang nagpalabas ng mga litrato ng kanyang mga magulang sa Shenzhen noong Nov. 2, 2006 nang maglaro sila sa mga opisyal ng ZTE na nakakuha ng kontrobeersyal na $329 milyon na kontrata para magtayo ng broadband wsa Pilipinas.

“Attack dog” daw ng mga Lopez si Suplico. At bakit siya, wala siyang mga attack dogs. Ano ang tawag mo sa pagkakahol ni Garcia, Luis Villafuerte, Edzel Lagman, Monico Fuentebella at kung sino-sino pa.

Nilabas lang daw ang litrato ng kamnyang nanay at tatay sa Shenzen para matabunan ang Meralco story. Halatang galit galit siya dahil akala niya tagumpay sila sa pagtabon ng ZTE at krisis sa bigas nitong isyu ng Meralco.

Ito dapat ang malaman ni Mikey at ng kanyang mga magulang kasama na rin ang kanilang mga alagad: may Diyos na tumitingin sa atin. Kung ano ang ginawa mong kasalanan, pagbabayaran mo yun. Hindi maa-aring basta lang takpan na takpan ng kung ano-anong pekeng isyu.

Mahabahaba ang listahan ng mga kasalanan na dapat pagbayaran ng mga Arroyo. Dalawa lang ang ZTE at krisis sa bigas. Nandiyan ang fertilizer scam. At ang pinaka-ugat sa lahat – ang pandaraya noong 2004 eleksyon. Babalik na babalik ang mga yan.

Published inWeb Links

28 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    This Malacanang or government’s war against Meralco and the Lopezes is nothing but to boost GMA’s very poor rating by at least .001%. GMA is using the power rate controversy not only to hit back at ABS-CBN through the Lopezes; but a desperate strategy to hold on to power until 2010 and beyond. People are used to her antics. The problem is why do people still allow her to stay. What do the two past Edsas have that this one doesn’t have? Days pass and GMA remains to be in control of almost everything. Something is wrong somewhere…can we now blame it on the people this time?

  2. hKofw hKofw

    “Babalik at babalik ang hindi nabayarang kasalanan”
    Parang pareho sa kasabihang “Basurang itinapon mo babalik din sa iyo”. Sa ingles – “Crime does not pay”. Bumabaha sa galit na ang 70 porsiyento ng mga Pilipino kay Gloria Devil. Pero hindi kasama dito ang majority ng mga pari kasi nakikinabang din sila sa perang ninanakaw ng mga Arroyo (nakakahiyang pangalan, parang kasingkahulugan na ng sinungaling at magnanakaw) sa bayan. “I have 2 discs” ni Bunye? Dapat ipatawag siya ng Senado at doon niya ilabas ang kanyang galing sa pagsisinungaling. Pero 100% akong sigurado na pareho din siya ng mga biik ni Gloria sa kongreso na ipagtatanggol niya ang Tong-pats Queen. Ang sasabihin na lang ni Bunye ay, as usual gaya ng mga nawawalang importanteng dokumento (as in The case of the ‘missing’ ZTE broadband contract) ay nawawala ang 2 discs. Ang dapat na lang niyang sabihin ay: “I have 2 eggs the left and the right”.

  3. hKofw hKofw

    Huwag nating pabayaan na matabunan ng issue sa koryente ang paghihirap at sakripisyo ni Lozada ukol sa ZTE broadband scam at iba pang malalaking issues.

  4. Valdemar Valdemar

    While driving I dont read well that poster. I thought it meant ‘Supportahan ang presidente, bagsak na bagsak na at nakuryente !’ Its only now I realized Hilary Clinton is doing an Arroyo, clinging on the last leaf. Heard Arroyo is training also for her plight, Panay style. For sure she wont lift of with a heavy payload of amassed fortune.

  5. Valdemar: Its only now I realized Hilary Clinton is doing an Arroyo, clinging on the last leaf.
    *****

    Sinabi mo pa. And she is clinging hard, especially now that she has put millions of her personal money into her campaign.

    It reminds me of what Orly Mercado told me before about why a lot many of them in Philippine politics forget their promises when they elected. Worse is when they try to get more than what they have invested during their campaigns. Good records are no assurance of getting elected as a matter of fact in dirty Philippine politics. Example is ex-Congressman Apolinario “Jun” Lozada. Truth was he fought hard not only for his constituents but also for the OFWs. He was in fact most responsible for the passage of the OAV Law in Congress that gave the OFWs their right to vote in absentia. If he were Japanese and ran for position here, I bet you, he would not lose his positionto a bum, Iggy Pidal. A grateful nation would not allow one, who should have been incarcerated for contempt and perjury admitting to the sin of the brother, to get his position in the Parliament (Diet) if he were a Japanese crusading politician. Sayang! Golly, nanalo pa iyong bum na walag ginawa sa Congress kundi gumala, magmura at magbulakbol—kung ano ang iutos ng kapatid!

    At least, in the case of Hillary, she is using her own money. In the case of the Dorobo, I am told that everybody knew the money put into her campaign, she and her husband made sure that more than half go to their personal accounts. They even used public funds for bribing those they could bribe to cheat for her like the OWWA funds, etc. they were able to dip not just their hands but their arms into.

    Kawawang Pilipinas!

  6. Off topic, but for those based in Japan, who would like to contribute to the China relief fund, you may try to join the TBS fund campaign. Call up 0990-51-6000 via land line (no keitai), and you’ll be charged 105 yen extra if you listen to the announcement until it is finished, and that will be added to the fund for the earthquake victims in Sichuan.

    I feel sorry for the cyclone victims in Burma but I’m not giving anything to the campaign for it even via the Red Cross because of the rumor that all the relief goods are being confiscated and hoarded by the Junta there. Only a few go to the victims and only for some photo-op.

    At least, in China, we know they are trying to honestly help the victims.

  7. TurningPoint TurningPoint

    Habang binabasa ko ang Suportahan si Presidente, ibagsak ang presyo ng kuryente! napatawa na lang ako sa sarili. Sino kayang maniniwala sa mga anunsyo nilang yon kung ang negative 74% ang popularity ng sinasabi nilang presidente.

    Kung hindi nila alam, ang nasa isip ng mga tao: Ibagsak si presidente, suportahan ang ang pagbaba ng presyo ng lahat na bilihin!

  8. Sorry, this should read, “A grateful nation would not allow one who had worked hard for not only his constituents but for all his countrymen to be defeated by a bum, who should have been incarcerated for contempt and perjury admitting to the sin of the brother, to grab his position in the Parliament (Diet) if he were a Japanese crusading politician.”

    Golly, sa Pilipinas, kahit gago nakakaupo sa Kongreso o Senado basta may perang pambili ng boto! Si Sonny Trillanes nga lang ang naiiba sa totoo lang! Nanalo siya kasi determined talaga ang mga pilipino na mabago na with the likes of him.

  9. Golberg Golberg

    “Suportahan daw ang Presidente. Ibagsak ang presyo ng kuryente.”
    Paano susuportahan ng taong bayan ang isang pekeng presidente?
    Dapat bigyan ng salungat na pahayag ang ginawa ng taong ito sa naisulat sa itaas.
    “Ibagsak ang pekeng presidente. Gamitin ang kuryente.”

  10. Tilamsik Tilamsik

    Suportahan ang sambyanan, IBAGSAK ang PANDAK…!!!

  11. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ibagsak at i-silya elektrika si Gloria Pidal Arroyo! Akala ni Pandak natabunan ang isyung ZTE tongpats at Hello Garci politikal scam. Pababalik iyan hangang may mabitay.

  12. andres andres

    Talaga pa lang parehong angkan ni Mike at Gloria Arroyo ay mga salot sa lipunan!
    Si Jose Miguel “Big Mike” Arroyo, ang mga ninuno ay sina Mariano Arroyo, ang gobernador ng Iloilo na nagsimula ng jueteng sa probinsya at ang biglang pinasikat na si Jose Pidal.
    Si Gloria Macapagal naman, bagama’t anak ng dating Pangulo, Diosdado Macapagal, ang ninuno naman ay si Lazaro Makapagal, isang tinyente ng Katipunan na siyang pumatay sa Supremong si Andres Bonifacio at sa kapatid nito. Nakuha rin daw di umano ang pag-uugali naman sa inang si Eva Macaraeg.
    Talagang kung ano ang puno, ganun din ang bunga! Sa mga ninuno pa lang ay mga tiwali at traydor na sa lipunan parehong angkan ni Gloria the Evil Bitch at Mike the Fat Guy!

  13. andres andres

    Goldberg,

    hahaha! I like that, “Ibagsak ang pekeng presidente, gamitin ang kuryente!!!”

  14. nelbar nelbar

    Grizzy:

    off topic din. Ipagpaumanhin nyo na, na unahin muna natin ang mga nasalanta ni Cosme(International code name Halong) lalo na ang mga probinsya sa hilaga at gitnang bahagi ng Luzon.

    Attn Cocoy:

    Kamusta na ang Zambales? Kanina sa GMA7 flash report ay ipinakita ang Sta.Cruz Zambales.

    Diyos ko po! patawarin mo kami…
    Kung ano man po ito.
    Burma(cyclone), China(lindol) at taggutom.
    Kahabagan mo kami!

    NDCC, sana huwag ka na namang papatay-patay.

  15. zen2 zen2

    i like it myself, too!

    Ibagsak ang Pekeng Presidente, Gamitan ng Kuryente!

    (a minor paraphrase)

  16. nelbar,
    Marami na naman ang nawalan ng pansabong sa Baito kung binagyo sila sa Zambales,tiyak ang bunga ng manga ay nalaglag lahat.Sabagay Mayo na,kakaunti na lang siguro.Sanay na ang mga tao doon sa bagyo,ang mahirap lang kapag hangang baywang ang baha, tiyak maglutangan ang laman ng mga hinukay na pozo negro dahil halos dikit dikit na ang mga bahay doon at nagkukumustahan na sila at naghahalikan sa bintana.Malapit na ako ng Sta.Cruz mga tatlong bayan pa at one hour drive lang at doon ako pumupunta sa palenke para bumili ng isda lalo na kapag sariwa pa ang tarian,iihaw at isawsaw sa bagoong na may kinayod na hilaw na manga.

    Marunong bang pumalo ng golf ball si Gloria,iyan tuloy ang napala niya,mahilig kasi sa kodakan,nagpakodak pa naman sa green at ang background ng Zhenzin,nabuldigat tuloy sila at hindi na makapagsinungaling.

  17. Nabulag na ba ng pera ang Malacanang? Ito ang nakakatakot na balita,Ermita expressed hope that “something positive” could come out of the discovery of an underground nuclear submarine base built by China in the South China Sea. Ermita said, “this was the first time I’ve heard of this report” but explained the “development” should not arouse too much concern.“I don’t think there should be so much concern on this. After all, all countries in this part of the world are after regional peace and stability,” he said. He added that he was confident the Chinese underground nuclear submarine facility is “not intended for something that could destabilize the security situation in the region.”

    Yah! you’re right! It is not Ermita’s concern because they can evacuate anytime.

  18. chi chi

    Boto ako sa sinabi mo, Goldberg. Hahaha!

  19. chi chi

    Wala sanang ma-kuryente sa dinadaan ng bagyo. Ituon ang lahat ng power ng kuryente sa pekeng presidente hanggang matupok pati kaluluwa.

  20. chi chi

    “Ibagsak ang pekeng presidente. Gamitin ang kuryente.”

    Golberg,

    Binigyan mo ng idea na pang-placard ang mga ralyista.

  21. From Luis Famadico:

    Batay sa inyong pahayag ay totoong walang presyong bumababa sa panahong ito sa pamamahala ni GMA. Walang tututol dito maliban sa mga OFW.

    Overseas Filipino Workers – Mga bagong Bayani ng Bansang Pilipinas dahil sa nangungunang Dollar contributor sa Kaban ng Bayan.

    Mga bayani na lubos na nagdadalamhati habang hinihintay ang dalawa o isang taong kontrata. Mga bayani na ang 50% nila ay Broken Home. Mga bayani na hirap o hindi makautang man lamang sa OWWA sakali man ay isang taong proseso pa.

    Ngayon ang sabi po ninyo ay walang presyong bumaba sa panahon ng panunongkulan ng babae sa Malakanyang? Diba ang laki ng binaba ng palitan ng piso laban sa dolyar? Yong pumunta doon nang $200 ang buwanang sahod dati ay P11,200 (sa P56/$), ngayon ay P8000 na lamang. Kung sila ay matagal nang nagtatrabaho doon ay makauwi pa kaya sila dito at muli makipagspalaran laban sa mga dati ay nagtatrabaho dito, na ang totoo ay wala na silang mga koneksyon dito.

    Nagmamalaki pa ang Malakanyang, ipinagmamarali ang pagtaas ng ekonomya raw. Ang alam ko ang batayan sa pagtaas ng ekonomya ay kung tumaas ang bilang ng taong kayang pakainin ng isa pangkaraniwang ama

    kanyang ginawang batayan ay ang figure ng Phisex hindi ayon sa alam ko. Ang figures ay namamaniobra, ang dami ng napapakain ay hindi madadaya.

  22. “Ibagsak ang pekeng presidente. Gamitin ang kuryente.”

    Ibalik ang electric chair para gamitin kay Gloria Dorobo, et al pag napabagsak siya! Sana nga!

  23. Nelbar:

    Nakakadalang magbigay sa Pilipinas ng abuloy. Kinukurakot lang ng mga Pidal! I bet you, baka pinagdarasal pa ng mga ungas ang mga kalamidad diyan para may makuhang abuloy. Demonyo talaga! Walang pinag-iba doon sa Junta ng Burma. Pati mga donations kinurakot. Meron din ba silag Dibisorya sa Burma?

  24. If Gloria wants to HOLD on to POWER, let her! But make sure it’s Meralco’s 69 or 138 Kilovolts line that she HOLDS with her bare hands.

  25. myrna myrna

    ams gusto ko talaga yung slogan ni goldberg:

    ibagsak ang pekeng presidente, gamitin ang kuryente.
    tamang-tama talaga, para mangisay siya sa kasinungalingan niya.

  26. Golberg Golberg

    Alam nyo mga kasama, noon pang nakaraang Huwebes ko nakita yung slogan na iyo; “Suportahan ang Presidente, ibagsak ang presyo ng kuryente.”
    Sa unang tingin alam ko ng may mali.
    Meron pa. Ito naman sa LRT station sa Recto.
    Nandun yung makapal niyang mukha kasama ang katawan at ito ang nakasulat; “Katotohanan, katarungan at Ekonomiya.”
    Hindi ba’t hindi makatarungan sa ating ekonomiya na makita ang makapal niyang mukha sa billboard na hindi naman totoon presidente?
    Yung slogan ko, iniisip ko kung saan ko dapat isulat. Kung sa Manila paper o sa coupon bond? Pero ito ang sigurado, ikakalat ko yun.

Leave a Reply