Skip to content

Wifi country

Karachi -Nang papunta pa lamang kami sa Pakistan noong isang linggo, marami akong hindi magandang imahen sa bansang ito sa South Asia.

Nandyan na ang nakadikit na imahen ng terorismo. Katabi kasi sila ng Afghanistan kung saan nababasa natin na doon nagtatago si Osama bin Ladin ng Al Qaeda at mga Taliban. Akala natin ganoon rin sa Pakistan.

Sabi ng mga opisyal na aming naka-usap, marami sa kanila ang namatay ar nasira ang buhay- biktima ng terorismo. Kaya hindi sila pwedeng akusahan na nagku-kunsinti ng terorismo.

Akala ko rin malayo tayo sa development sa kanila. Kasi nakikita natin ang maraming mahihirap na Pakistani sa ibang bansa na nagdu-domestic helper. Mas mababa ang kanilang sueldo kasi hindi sila masyadong marunong mag-English.

Mga maling akala.

Kahit hindi sila magarbo, hindi sila nahuhuli sa mga mahalagang bagay. At kung iisipin natin ng mabuti, hindi tayo dapat magyabang na kinukuha nila ang ating mga professionals -mga engineer, nurses at hotel workers .

Totoo hinahangaan nila ang mga Filipino . “Well-trained at highly skilled,” sabi ng gubernador ng Punjab province. Sabi niya hindi raw sila magaling sa pag-train ng kanilang mga tao para magpatakbo ng mga factory, hospital at mga hotel.

Kaya inspirasyon daw nila kung paano na-train ng pamahalaan ang mga Filipino na ngayon ay nagtatrabaho sa kanila. “Nagkulang kami diyan,” sabi niya.

Masarap pakinggan. Ngunit kung isipin mong mabuti, hindi natin dapat ipagmalaki ang sitwasyon. Kasi kung magaling tayo, bakit pumupunta ang mga Filipino dito para magtrabaho. Bakit nandito sa kanila ang mga planta at factory? Bakit hindi sa atin? Di ba magaling tayo kung tayo ang nagpapa-sweldo sa kanila?

Hindi bongga ang mga Pakistanis ngunit kung alam nila ang kanilang priority.

Ngayon nasa Karachi airport ako, ginagawa ko itong kolum habang naghihintay kami ng aming flight papuntang Dubai. May mga internet stations, libre. Walang ganito sa airport sa Pilipinas. At lahat na hotel sa Pakistan may wifi. Pwede ka mag-internet kahit saan.

Dapat siguro tayo ang matuto sa Pakistan.

Published inForeign AffairsWeb Links

6 Comments

  1. Ellen: Dapat siguro tayo ang matuto sa Pakistan.

    *****
    Sinabi mo pa, pero ang mga mayabang gusto pang ituro ang mga kabulastugan nila. Ito mismo ang obserbasyon ko doon sa mga mokong na pilipinong nagkakalat dito sa Japan. Dala-dala ang masasamang ugali at hindi pag-aralan ang magaganda sa mga pinupuntahan nilang bansa at i-adopt sa sariling bansa nila para sila umunlad, hindi iyong nanggugulo pa sa ibang lugar. Just my yen.

  2. Valdemar Valdemar

    Its like the best barber but cannot even cut his own hair. Yes we are the best teachers, too. We trained the Iranian soldiers in Battan and we trained the Iragi soldiers at their place for the Iran-Iraq war. We even trained the 9/11 pilots. Its here in the Philippines where the rice exporting countries sent their their rice farmers for training but unfortunately like the barber, we cannot produce our own rice.

  3. Etnad Etnad

    Ang pagka-alam ko ang Gobyerno nila ay hindi pinapayagang lumabas ng isang babae na lumabas sa kanilang Bansa na nag-iisa. Kaya halos wala kang makitang Pakistaning babae na DH o GRO man sa ibang Bansa. Kahit sabihin nating pareparehas lang naman ang sitwasyon natin sa kanila. Tayo, kahit saang lupalop ng mundo ay meron tayo niyan. Yong isang kaibigan ko, nag-bakasyon siya sa Cyprus. Pumasok daw siya sa isang bar na may alam niyo na. Ang sumasayaw daw na nadatnan niya ay isang kababayan natin. Pag-upo niya at isang weyter ang lumapit at tinanong kung anong order at kung siya daw ay isang Pinoy. Dahil sa hiya ay nasabi daw niyang hindi, sagot daw niya ay isa siyang Thai.

  4. Ellen,
    Hindi na baleng walang Wifi sa airport kung ang kapalit naman ay ZTE-NBN tongpats na pagdurusahan ng mga Pinoy sa loob ng 25 taon. Sa mga sikat na airport, Changi, Narita, Beijing one-to-sawa ang internet; sa NAIA 1 tatawid ka pa papunta sa barangay Pildera para mag-internet cafe kasama ng mga estudyanteng naglalakwatsa.

Leave a Reply