Skip to content

Mga Pinoy sa Lahore

Lahore –Gusto nyo bang maging chef sa Chinese at Japanese restaurant sa Pakistan?

Magbubukas bago matapos ang taong ito ang Avari hotel sa Islamabad at tumatanggap sila ng applicants para sa posisyon na yan. Tingnan nyo sa www.avari.com.

Itong impormasyon ay sinabi sa amin ng chef ng Avari Lahore na si Bonifacio Chew. Si Boni ay Filipino. Siya ang mag-iinterview ng applicants at magrekomenda sa may-ari ng hotel na isang Iranian.

Sabi ni Boni ang simulang sueldo para sa assistant chef ay $1,000 sa isang buwan, libre and board and lodging, pagkain at pamasahe. Sa chef mismo, $1,500 hanggang $1,800. Direct hire ito kaya walang babayaran. Lalaki ang kanilang kailangan.

Nagkita kami ni Boni at ng ilang miyembro ng Filipino community sa Lahore noong Biyernes ng gabi. Inimbita kami ni Boni sa Dynasty restaurant sa Lahore kug saan siya ang head chef.

Filipino rin ang head chef ng Fujiyama Japanese restaurant sa Avari Lahore, ang pinakamagandang hotel dito sa Lahore. Dalawa pa sila: sina Ronald Clasiete at Peter Aquende.

Sinabi ni Ronald at Peter, na dating nagta-trabaho sa Furusato restaurant sa Pilipinas na si Boni ang nagdala sa kanila sa Pakistan.

Si Boni ang presidente ng Filipino community sa Lahore. Mga 300 lang sila. Nakilala din naming sina ang dating presidente na Leonardo Sionzon at ang kanyang asawang si Amelita. Engineer sa isang textile at garment factory si Leonardo.

Nakilala din naming si Maria Attiq Alvi, Filipina na nakapag-asawa ng Pakistani. May recruitment agency si Maria (dati siyang Lucia Deocadez).

Sabi ni Maria maraming mayayaman na Pakistani ang gustong kumuha ng Filipino na maid. Naging status symbol na ang magkakaroon ng maid na Filipina dito lalo na na tatlo sa katulong ni Prime Minister Gilani ay Pinay.

Si Maria ang nagpasok ng tatlong Pinay DH kay Prime Minister Yousuf Raza Gilani.

Kuwento ni Maria, ilang araw bago ma-assassinate si dating Prime Minister Benazir Bhutto, kumukuha rin siya ng Filipina maid kay Maria. Ganoon din ang kanyang kapatid. Hindi na natuloy ang kay Benazir ngunit natuloy ang sa kapatid niya.

Sabi ni Maria, $400 ang starting salary ng domestic helper dito.

Masaya at malapit sa isa’t-isa ang mga Pinoy dito. Tuwing Sabado at Linggo raw, nagtitipon-tipon sila sa bahay ng isang Pinoy dito.Malimit sa bahay ni Boni at nagkakantahan. Nagtu-tongits.

Sabi ni Boni sana magtayo ng opisina dito sa Pakistan ang OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) dahil padami na padami na sila.

Published inForeign AffairsWeb Links

22 Comments

  1. chi chi

    “Naging status symbol na ang magkakaroon ng maid na Filipina dito lalo na na tatlo sa katulong ni Prime Minister Gilani ay Pinay.”

    Status symbol…mayaman ang Pakistani kung meron siyang pinay na katulong. OMG!

    Walang masama pero hanggang dyan na lang ba kikilalanin ang galing ng pinay sa maraming bansa sa mundo? Gloria’s legacy to kapinayan, Supermaids!

  2. Sabihin mo sa kanila, Ellen, better not ask for OWWA dahil useless ang agency na iyan. Better ask for legal adviser at the Philippine Embassy to coordinate with authorities there just in case magkaroon sila ng legal problem. Take it from me. Mas maayos ang mga pilipino sa Japan noong araw na hindi pa nila itinatayo ang useless labor department nila. Di bale kung matitino naman ang ipinapadalang tauhan nila, pero kung katulad lang ng mga appointee ni Gloria Dorobo, forget it. Na-obserbahan ko iyan sa loob ng halos 40 taon na pakikialam ko sa problema ng mga pinoy dito sa Japan. Hopefully, walang makikidnap ng mga Al Qaeda daw diyan sa Pakistan! Huwag na lang silang magparami sabihin mo sa kanila.

  3. Hahahahahahaha! Chi, tama ka! Now, we know why the idiota is going to Pakistan. (1) Para ma-beat niya ang tatay niya na siyang unang-unang presidente ng Pilipinas na nagsayang ng mga pera ng bayan pati na mga inutang sa paglalakbay kung saan saan kasama ang pamilya at mga yaya pa; (2) makiusap sa Pakistan na gawing government to government contract ang pagpapadala ng mga Super atsay and atsoy sa Pakistan para malaki ang cut ng gobyerno ng Pilipinas na pihadong hindi rin magpapalamang ang gobyerno ng Pakistan; (3) maka-negotiate ng mas murang gamot dagdag kurakot para doon sa mga business ventures disguised as government initiative kasangkot iyong asawang mataba sumbong ng mga kakilala naming hindi na malulon ang kurakotan sa gobyerno ng unano pero walang magawa. Ang tindi!

  4. Kung sabagay kung kaya ng Pakistan na magkaroon ng nuclear plant, siguradong may pera sila kumpara doon sa mga taga-Bangladesh na dating teritoryo ng Pakistan.

    Kaya nga dito sa Japan, ang mga illegal migrant worker na mukhang mga Pakistani sa totoo lang ay mga taga-Bangladesh. Iyong mga taga-Pakistan, sila iyong mga may-ari ng mga Indian restaurant dito at hindi ilegal.

    Hopefully, walang mga pilipinong magtatangkang pumunta sa Pakistan na walang mga papeles. Baka mapugutan silang ulo kung gagawa sila doon ng mga ginagawa nila sa ibang lugar.

  5. Valdemar Valdemar

    My only advise , wag na malaman ng government ang direct hiring. May circular jan na magdeposit ng malaki ang employer. Bili lang ng appropriate insurances to equal or better the benefits derived from OWWA. Wala pang kaltas. Besides, repatriation of any citizen or shipment of cadaver is always the obligation of the government. Criminal undocumented workers abroad are likewise provided with the blood money as applicable.

  6. zen2 zen2

    hindi na ordinaryo kung yamot, at suya ang naririnig ko mula sa aking mga ka-barangay, na nakabase sa MidEast para maghanapbuhay, tungo sa kapwa nilang OW na Pakistani.

    sa madalang, ang isang Pakistani ang siyang unang kapwa estrangherong nagiging kaibigan nito; ngunit sa mas madalas na tiyempo, ito ay nagiging sanhi ng away at di-pagkakaunawaan.

    mas maraming pagkakaiba sa paguugali ang Pinoy kumpara sa pagkakapareho nito sa mga Pakistani, dahilan sa kasaysayan, kultura at pang-ekonomiyang kadahilanan.

    sana lumawig pa lalo ang pagkakaunawaan at kooperasyon ng sambayanang Pakistan at Pilipinas.

    at ipagpaumanhin kung ang dasal ko ay sana huwag ng lumago pa ang populasyon ng DH sa Pakistan.

  7. zen2 zen2

    kahit mahirap na bansa, ang Pakistan ay pinaniwalaang may kakayahang gumawa ng bombang nukleyar o isang nuclear powerhouse.

    pero ang mas mahalaga, isa itong self-sufficient sa mga pangunahing pagkain para sa ikabubuhay ng kaniyang mamamayan, at may sobra pa nga para mag-benta ng bigas sa bansang kulelat tulad ng Pilipinas.

    pero ang pinaka-mahalaga, ang kanyang lipunan at pamahalaan ay marunong magprotekta sa kanyang mga kababaihan. kung meron mang karahasan laban sa mga babae, ito ay localized at hindi isang state-sponsored na polisiya.

    malayong-malayo sa nangyayari sa ating mga kababayang Pilipina napipilitang lumabas ng bansa para mag-hanapbuhay na may ayuda at pagtutulak pa ng kanyang sariling gobyerno!

    isang matingkad na palatandaan kung gaano ka-lugmok ang antas ng pag-iisip ng ating lipunan at pamahalaan: makikitang naghahanapbuhay ang isang Pilipina kahit sa mga bansang delikado tulad ng Cyprus, Lebanon,at ilang bansa sa Central Africa!!

    kalunos-lunos na sitwasyon…

  8. Ellen,
    Sa Malacañang meron ding La Whore.

    *********

    Happy Mother’s day, Ellen, mula sa mga anak mo sa blogosphere!

  9. Happy Mother’s Day din sa lahat ng mga nanay dito sa Ellenville. Pati na rin yung mga Nanay na walang anak.

    Kay chi, grizzy, Anna, parasabayan, Rose, chabeli, Elvira, Gabriela, military_wife, Marine Wife, petite, irene, martina, (meron pa ba?) Happy Mothers’ Day din. Pasensiya na dun sa mga gender neutral and aliases at yung mga hindi ko maalala.

  10. Valdemar Valdemar

    Tongue,
    Kailan naman kaming Father of Perpetual Help?

  11. chi chi

    Tongue,

    Salamat. Maliban doon sa La Whore sa Malacanang, Happy Mother’s Day sa lahat.

    Ito lang La Whore na nanay daw ng buong pinas ang walang malasakit sa mga anak. Pahamak na ina ng bayan (kuno)!

  12. Tongue:

    Nabilaokan ako doon sa bagong tawag mo doon sa tapalani ng Malacanang. La Whore, Pangistan ha? 😛

    BTW, may special ang isang TV network dito. Tumulong ako sa editing at paglalagay ng subtitle ng isang programa tungkol sa rice crisis daw sa Pilipinas. Gusto ko nang maniwala kay Senator Pimentel at sa iyo na walang rice crisis at gawa-gawa lang ni La Whore para mapilitang mag-import ng bigas at nang makakupit iyonbg mga inuutusan niyang mangurakot sa NFA, etc.

    Golly, pati pala sa Singapore, nag-i-import ng bigas! Di ba mas malaki pa ang taniman ng palay sa Pilipinas sa laki ng Singapore, bakit hindi maka-produce ng bigas? Anong ginawa ng tapalani doon sa mga naani sa Pilipinas? Tarantado rin ano? Golly, iyong pati pagdi-distribute ng murang bigas, walang order. Daig pa noong guerra yata ang nangyari sa kagagagahan ng ungas.

    Pero bilib ka pa rin sa mga matiising pilipino. Mukhang nasasanay na ang maraming magsabi ng, “Anong magagawa, talagang ganyan!” Iilan lang doon sa na-interview ng TV dito ang nagsabing, kapag ipinairal iyong Family Access Card kuno, magnanakaw na lang daw sila kundi sila mabibigyan ng karapatang bumili ng murang bigas para makakain at mabuhay.

    Kawawang Pilipinas talaga!

  13. rontoniotrill4 rontoniotrill4

    Status symbol? Ganyan na ba talaga kababa ang kalidad ng skills ng Pilipino Ellen at talagang hanggang pagiging maid na lang ang kayang i-offer ng mga kababayan nating Pinay?? Di ako makapaniwala na ang mga Pakistani na tumatanggap ng napakababang sweldo dito sa UAE ay can afford kumuha ng Filipina maid sa kanilang sariling bansa.Marahil ay tama si kakosang Chi na hindi basta-bastang Pakistani ang mga iyon.Mga mayayaman sila for sure dahil dollar ang bayad at mga kilalang angkan.In the lighter side,halos lahat naman ng lahi yata sa buong mundo ay gusto ang serbisyo ng mga Pilipino dahil maaasahan,mapagkakatiwalaaan at malinis pa sa katawan.

  14. rose rose

    Tongue: Thanks.
    Sa homily ni Fr. Oca (he is from Mexico) kanina sinabi niya na “we all know what a sin is..Linapitan ko siya after and sabi ko sa kanya..sure Fr. we know what sin is, I personally know a cardinal sin..”
    Chi: is she really going to Pakistan? She is scheduled to be here in the States June 25..(malapitlapit siya sa iyo) and now she will be away again?..ito ba ang trabajo niya mamasyal? With her usual entourage of 40 members of tongress? or 40 Aling mababa and her forty thieves? not counting the entire family and their staff? malas ng Filipinas ang gloria ng Filipinas…what an irony!
    BTW: ang sabi niya kasalanan daw ng media ang rice crisis..inubos seguro ng media..

  15. rose rose

    Ang sabi pa ni gloria..we should plant and eat camotes..ito ba ang “no clear power” na panlaban ni Esperon sa NPA? where is he now? has he retired and now rest in peace? Do you think he will ever rest in peace now ..or six ft. under down under in Australia or cremated in hell? With the hell they created in the Phil..only God can give them mercy…

  16. rose rose

    Pentecost Sunday pala ngayon…Come Holy Spirit fill the hearts of Esperon and Gloria and enkindle in them the fire of your love..Send forth thy spirit and renew them..guide them..so we, the Phil. would have a better place. Come Holy Spirit we need you..Come Holy Spirit we pray..come with your strength and power! Come in your most special way!”

  17. Rose:

    Suspicion ko malaki ang taga doon sa mga bidding ng bigas from Vietnam, Thailand, Singapore, US, etc. Mula pa pala noong umupo si balasubas nag-i-import na ng bigas kasi may kurakot na malaki siguro doon. Naging grabe na lang pala ngayong taon ito dahil pati iyong NFA rice gustong mahalan. Tiba-tiba iyong mga hoarders ng bigas.

    Gulat na gulat iyong mga hapon na journalist na nakiusyoso sa problemang ito ng Pilipinas. Nakita nila ang kawalan ng sistemang magaling sa distribution ng bigas sa Pilipinas na halatang-halata sinasadya ang sinabing rice crisis kuno para sa (1) publicity stunt ni economissed, at (2) extra income na puedeng dukutin at ilagay sa mga private accounts ng mga hidhid o (3) para iyong mga aanihin sa Pilipinas ibenta doon sa mga intsik na kausap nilang magtatayo ng biofuel factory doon mismo sa mga lupang ipinangako ni unano na ibibigay sa CARP. Tama si Tongue, racket galore lang ang sinasabing rice crisis na kasalanan mismo ng pamahalaan ng unano.

    Pero pambihira rin ang kapal ng mukha ng ungas. Nakakatawa pa at kung sinu-sino ang tinuturong may kasalanan. Hindi niya duruin ang sarili niya na kasalanan niya ang lahat. Puede ba, bumaba na siya? Best, puede ba, sipain na?

  18. chi chi

    rose,

    Iyan ang sabi ni Ellen na pupunta raw ang tianak kay Musharaff in return sa ginawang pagbisita ni Mush sa Pinas.

    Sana ay may rally against her kapangitan when she comes to D.C. Kaya lang ang mga taga-D.C na pinoy ay puro tuod hindi gaya ninyo sa NJ at NY na nagra-rally pa. Let’s see kung ano ang balak ng grupong pinoy doon.

  19. One thing I have learned, though, Rose, regarding the nature of the Holy Ghost is that this member of the Godhead does not dwell in filthy places, hearts and minds.

    I doubt if the Hoy Ghost would even try to touch the hearts of people like the Dorobo and Esperon who are most likely possessed by the devil unless they want to that can only be manifested by their admitting in public the crimes they have committed against the people of the Philippines and taking legal responsibilities for them.

    Otherwise, we may just as well pray for justice to prevail and be done with the removal of all political appointees in Philippine courts. Amen.

  20. Valdemar Valdemar

    Apparently, there is so much harvest and the farmers are wondering why the NFA is importing yet. Well, their middlename is COMMISSION!

  21. chi chi

    And the middlename of sangkapinuyan is KUNSUMISYON!

  22. nelbar nelbar

    Sabi ng isa sa mga Nanay ko sa probinsya noong unang linggo ng Enero, dito kasi sa Maynila siya nag Bagong Taon.
    “Naga-salig kana ro mga maestra”

    Kinamusta ko sa kanya kung ano ang bali-balita sa mga teacher sa probinsya.

    Noong nakaraang linggo nagkita ulit kami sa probinsya.Ganon ulit ang pinag-usapan namin.

    Kwento nya sa akin na, wala ng mga katulong duon sa probinsya. “Abo riya it maestra”

     

    Kaya tama ang patungkol ni rontoniotrill4, huwag na natin hayaan pa na dumami ang mga nagkakatulong dito lalo na iyong mga nangga galing pa sa probinsya.

Comments are closed.