Skip to content

Talakayan lang ha

Marami ang nagtataka ng nabuhay na naman ang usapang charter change noong isang linggo at hindi Malacañang ang may pakana. Si Sen. Aquilino “Nene” Pimentel.

Allergic na kasi ang mga tao sa cha-cha dahil malakas ang suspetsa na hindi bababa si Gloria Arroyo sa 2010 at ang paraan lamang na manatili siya sa Malacañang ay martial law o charter change.

Dati si dating House Speaker Jose de Venecia ang promotor nitong cha-cha para mapalitan ang ating presidential system ng parliamentary system. Hindi talaga mabenta sa taumbayan.

Ang Senate resolution ni Pimentel ay sinuportahan ng 13 senador na sina Senate President Manuel Villar, Senators Edgardo Angara, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Ramon Revilla Jr., Rodolfo Biazon at Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ng nakausap namin sa Senado, alam naman daw ni Pimentel at ng mga pumirmang senador na hindi ito mahabol bago mag-2010. Gusto lang ni Pimentel masimulan ang talakayan dahil ito talaga ang kanyang minimithi para sa bayan.

Hindi na kasi pwedeng tumakbo si Pimentel para re-election sa 2010. Kaya last two years na niya sa Senado. Ang gusto niya, kahit hindi matuloy ang pag-amyenda ng Consitutution bago mag 2010, sana mapag-usapan naman sa buong bayan at ng maintindihan para maaring maisulong ng susunod na pangulo na sana naman ay may tiwala ng taumbayan.

Sabi ni Pimentel, presidential pa rin ang sistema ng pamahalaan. Ang gusto lang talaga niya mapalitan ang sistema na ang kapangyarihan ay naka-concentrate sa Malacañang. Sa ngayon kasi kapag may kailangan ka para sa iyong distrito o probinsya kailangan sumisip ka kay Arroyo.

Sa Resolution ni Pimentel ang bansa ay hahatitin sa 11 na states: Northern Luzon, Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol, Minparom (Mindoro, Palawan, and Romblon), Eastern Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Mindanao at BangsaMoro. Ang Metro Manila ang magiging Federal Administrative Region.

Bawat federal state ay may anim na senador at siyam na bobotohin ng overseas workers. Meron din House of Representatives na bobotohin din sa bawat distrito.
Sabi ni Pimentel mapapabilis ang pagsulong ng bayan sa ilalim ng federal system. Sa ganitong paraan din daw matugunan ang problema sa Muslim Mindanao.

Marami pang dapat ipaliwanag sa taumbayan.Okay lang pag-usapan at intindihin ngunit dapat mag-ingat baka masingitin ni Arroyo at gagamitin niya sa sarili niyang interes.

Published inWeb Links

43 Comments

  1. Valdemar Valdemar

    Puwede na rin anim na senators and magkakafamilya. Balik tayo sa feudal (feuding) estates. Ngunit its better. The other feds would be Sabah-sulo, Batanes-Taiwan, Ladrones (for Guam and other Pacific isles, and Spratly Commune.

  2. chi chi

    I wish they just focus on steps to strengthen balance of power in the current structure. Any changes in the system of government should be taken up once Gloria is out of power.

    Siguraduhin muna na kaput na si Gloria bago magbalak at mag-usap ng sensitibong isyung pagpapalit sa uri ng gobyerno. Today is just not the day. Dapat ay mas smart sila kay Gloria, palagi na lang silang naiisahan.

  3. Golberg Golberg

    Tama Chi!
    Dapat wala na iyang hinayupak na iyan bago simulan ang dapat simulan (re:Charter change) Siguradong masisingitan sila nitong ungas na ito kung nandiyan pa iyan.
    Palibhasa, mukha kasing singit na may nunal!

  4. hKofw hKofw

    Ang tanong: Talaga bang importante ito? Cha-cha ba ang silver bullet sa lahat ng problema ng bansa? Hindi ba maraming problema na kinakaharap ang Senado? Lalo na ang imbestigasyon ukol sa mga pera na nilustay ni Lucky Bitch at iba pang mga kapalpakan ng gobyerno? May panahon pa ba ang Senado sa mga nakabimbin na mga trabaho? Tiyak na ngumingisi sa galak ang Reyna ng Kurakot dahil mababaling sa ibang bagay ang atensiyon ng mga magagaling na Senador. Hindi ba dapat mas bigyan ng pansin ang krisis ng pagkain sa bansa? May kasabihan – Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

  5. parasabayan parasabayan

    Pimentel’s intention may be pure kaya lang mali ang timing. Alam naman ng senado na ito lang ang sinisilip ni evil bitch, ang pagkakataon na makapag charter change siya. Kaya kung uumpisahan itong charter change na ito, tatapusin siempre ni evil bitch ito sa pamamagitan ng suhulan. She is extremely known for this!

    I think the more pressing problem is the extreme power that is given to the sitting president. Siya ang may hawak ng pera at kapangyarihan sa lahat. So, she can use her power to bribe the congressmen and the senators. The tongressmen ay palaging gutom sa pera! Except for a few good ones.

    This charter change should just be started after the lucky bitch is gone for good! Let us elect a credible president first in 2010, not the one annointed by her kasi baka pwede pa siyang bumalik ulit, then have a charter change!

  6. PSB:

    Mabait si Senator Pimentel at walang dudang maganda ang layunin niya, pero sabi mo nga wrong timing siya. At saka ang kailangan niya ang wisdom na galing sa langit, I guess.

    Mahirap iyong isusulong niya ang isang bagay na hindi naman naiintindihan ng mga pilipino kung papaano ipapairal. Tignan mo nga ang Constitution ngayon na isa siya sa gumawa na imbes na binawasan ang kapangyarihan ng presidente, mas dinagdagan pa yata. In short, mas palpak pa kesa doon sa Constitution na ginawa noong panahon ng Martial Law.

  7. Kahit na ilan pang pagbabago ang gawin sa Saligang Batas, etc. ng Pilipinas, kung iyon at iyon ding mga dating hidhid at ganid ang uupo, walang mangyayari. Dapat ang inaasikaso ng mga pilipino ang pagsulong ng pagtatakip ng lahat ng loopholes ng batas na inaaprobahan at ipinapairal sa bansa.

    Ang mahalaga ay bawasan ang pakikialam ng ungas na gaya ni Gloria Dorobo y Boba sa lahat ng sangay ng pamahalaan lalo na sa Kamara na hindi tuloy naririnig ang tinig ng bayan dahil ang ibinoboto naman ng mga pilipinong kinatawan nila pag naboto amo na nila imbes na tagapaglingkod (public servant) nila. Pambihira talaga na ginagago pa ang mga taumbayan.

    Hindi nga nakakapagtakang walang kusang loob na magbayad sila ng buwis lalo na kung mga mandarambong ang nagpapalalakad ng gobyerno. Mismong mga inuutang na babayaran ng mga pilipino ngayon at sa susunod na henerasyon binubulsa ng mga ungas.

  8. Bilib ka rin sa mentality ng mga kurakot sa gobyerno ng Pilipinas ngayon. Never heard ito kahit na noong panahon ni Marcos.

    “Palace seeks to shield Sokor firm from probe,” says a Malaya report. Wow! Saan ka nakakita ng bansa na ang gobyerno ipinagtatanggol pa ang kapakanan ng mga dayuhan kesa kapakanan at interes ng kanilang mamamayan! Lalo na kung may suhulan at kurakot na ginagawa iyong mga kurakot sa ibang bansa! Hindi dapat pinapayagan iyan no matter what! Dapat kinakasuhan iyong mga koreanong mokong na iyan. Sarap duraan!

    Nakakahiya talaga ang mga ungas! Mga yakuza nga dito, hindi mo matakot na ipapahuli mo sila sa mga pulis sa Pilipinas. Kaya daw nilang suhulan ang mga mokong doon. Mas takot daw sila sa pulis ng Hapon. Yuck!

  9. parasabayan parasabayan

    Pimentel started this campaign for charter change and the tongress was quick to make a resolution concurring with the initiative. Exactly as the evil bitch planned! She really is a very lucky bitch. Everything seems to go her way. Magkakano kaya ang bayad ng bawat isa sa mga tongressman at senatong?

  10. Eggplant Eggplant

    “Pimentel started this campaign for charter change and the tongress was quick to make a resolution concurring with the initiative. Exactly as the evil bitch planned!”

    PSB, Korek ka diyan. Hindi pa napapanahon ang pagpapalit ng systema ng gobierno ngayon. Patalsikin/puksain muna ang mga anay na sumisira ng kinabukasan ng bayan na ito bago maghain ng ano mang pagbabago sa ating saligang batas at systema ng gobierno.

  11. petite petite

    “May kasabihan – Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” – hKofw

    Para sa napapanahong kasabihan: “Sino pa ba ang tatawaging Pilipino, kung ang kabuuang arkipelago ng Pilipinas ay na-i-benta na!!!”

    Hindi po napapanahon at talagang wala sa takdang-panahon na talakayin ang cha-cha, may kabutihang-loob man ang mga nagpapanukala’y walang saysay ang kanilang mithiin, habang nakalubog sa “maitim na burak” ang lipunang Pilipino. May tiwala pa ba kayo sa eleksyon?… Dapat pa bang umasa ang mamamayang Pilipino sa taong 2010, na magluluwal ng mga mabubuti’t tapat na lider, mula sa antas ng lokal hanggang nasyonal?

    Pag-usapan o talakayin man ang pagpapalit ng porma ng gobyerno, mula sa antas ng lokal hanggang nasyonal, ito’y magsisilbing behikulo at instrumento lamang ng mga iilang ganid at nakakarimarim na Pilipino para sa kani-kanilang pang-sariling interes. Dapat po munang linawin, i-tama at patawan ng parusa ang mga sangkot sa…. “Hello Garci”, kung ito nga b’ay talagang naganap at may katotohanan?… ang isyu ng ZTE Deal na hindi pa tapos, gamit ang kalasag ni Neri na “diumano’y masisira ang ugnayang-bansa ng Pilipinas at ng Tsina” kapag isinalita niya ang katotohanan… ang bagong sumingaw na isyu sa “Hanjin”, na pilit na hinaharang ng mga taong Malacanang na ito’y hindi na dapat siyasatin ng Senado sa dahilang “diumano’y aalisin ng Hanjin ang kanilang investment sa Pilipinas”… at ang isyu ng spratly…. at marami pang iba.

    Sa mga senador, nawa’y maawa rin po kayo sa inyong sarili (at magkaroon ng respeto sa sarili), dahil kung sa esensya ng salitang “awa” para sa isipan at damdamin ng masang pilipino, sila ay matagal nang manhid sa hirap at pasakit.

    Ang pagtalakay sa cha-cha ay hindi napapanahon, sapagkat po… iisa ang patutunguhan ng “pagbubukas ng talakayan , ito’y nakapokus pa rin sa interes ng iilang ganid na Pilipino sa ngalan ng 2010 eleksyon at sa mga darating na mala-karnabal na eleksyon…” Kung nais ninyong baguhin ang “sistema ng gobyerno”, dapat na huwag lamang po ang maruming panlabas na pader ng nitso (ng lipunang Pilipino) ang linisin at ayusin, dapat pong maging ang loob mismo ng nitso ay dapat na linisin, at alisin ang kalansay ng kulturang kataksilan na matagal nang ka-romansa ng mga Pilipino sa mahigit 300 taon.

    Transiyonal Rebolusyonaryong Gobyerno muna ang itatag, bago talakayin at ipatupad ang maka-pilipinong cha-cha… ito ang tanging kaparaan para sa pagbabago at pag-unlad…

    Ibigay ang Para sa Diyos at Ibigay ang Para sa Bayan.

  12. kunsensya kunsensya

    Maganda naman ang panukalang maging Federal ang porma ng ating pamahalaan. Pero mas maganda sana kung gawin na lang itong Federal-Parliament form of government at hindi ang panukalang Federal-Presidential form of government. Kung batay sa inilatag ni Pimentel na Federal-Presidential, makikita na andun uli ang posisyon ng mga senador, tapos biglang dadami dahil 6 na senador sa isang estado. Dahil 11 estado lahat, 66 senador ang uupo, lalaki uli ang gugugulin ng pamahalaan.

    Mas mainam sana kung Federal-Parliament, kung saan 15 estado ang mabubuo. Base ito sa 15 rehiyon na kasalukuyang umiiral na, kabilang na ang Metro Manila. Sa ganitong kalagayan ay wala halos mababago sa kung ano ang naitatag na. Bawat estado ay pinamumunuan ng gobernador kaya may 15 gobernador na lang kung sakali. Wala nang mga senador dahil ang parliamentaryo ay bubuuin na lang ng mga kongresista na siyang kakatawan sa bawat distrito. Maari na ring tanggalin ang mga party-list dahil tama na ang pangangatawan ng mga kongreso sa distritong aayusin base sa bilang ng mga botante sa isang distrito. Dito pa lamang ay malaki na ang matitipid ng bayan dahil wala na ngang mga senador. Ang mga kongresista na rin ang pipili ng magiging punong ministro at miyembro ng gabinete mula sa kanilang hanay. Kaya mawawalan na ang mga pinauupong mga miyembro ng gabinete, laking bawas ito sa pinapasuweldo ng ating pamahalaan.

    Sa Federal-Parliament, magkakaroon ng kaluwagan sa burukrasya dahil mababawasan ang bilang ng mga gobernador at sangguniang panlalawigan, tanggal ang senado at tanggal na rin ang miyembro ng gabineteng tinatalaga ng pangulo. Dahil dito ang gugugulin na lang ng pamahalaang sentral ay para lamang sa lehislaturang kinabibilangan ng parliyamento at ang hudikatura. Ang bawat estado ang mamamahala sa sarili nilang kalinangan at magbibigay na lamang ng porsyento ng kanilang kita sa pamahalaang sentral.

    Ang kagandahan nito ay maaaring palitang ang punong ministro kahit anong oras na siya’y di na epektibo sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Walang halalang magaganap sa bawat pagpapalit dahil manggagaling naman ito sa mga kinatawan ng parliyamento. Kabilang na rin sa bentaheng ito ang mga miyembro ng gabinete. Kaya ang mangyayari ay magpupunyagi silang gawin ang kanilang mga responsibilidad na nai-atas sa kanila upang manatili sa puwesto. Dahil ang parliyamentaryo ay nangangailangan ng pangulo inbes na monarkiya, may pirming termino ito at wala halos pakialam sa pamamahala ng pamahalaan kaya iwas pangungurakot. Tumatayong simbolo na lamang siya ng bansa at may kakahayaang buwagin ang parliyamento sa panahon ng krisis politikal gaya ng mga umiiral na monarkiya sa buong mundo sa kasalukuyan.

    Sana ay pag-isipan ito ng ating mga mambabatas. Sana huwag laging sariling interes na mawawalan sila ng puwesto ang kanilang kunsiderasyon kundi ang kagalingan ng buong madlang Filipino. Gabayan nawa sila ng kanilang mga kunsensya.

  13. Eggplant Eggplant

    grizzy

    ito na iyong colonial mentality na nag-evolve into a kurakot machine na nanganganak araw araw ng kapwa kurakot din. Ang machine na ito ay walang kaluluwa at kahihiyan, kaya protektado niya ang interest ng sinumang nagpapagalaw sa kanya.

    The way I look at the defilement of the whole government system into one corrupt body is nothing but a product of protected evil that rewards money and position; and those entities who run it(the govenment system)contrary to ethical and moral standards are not humans but machines without souls,feelings(shame),and compassion unaffected by the people’s everyday cry for truth, justice, and change.

  14. I think Sen Pimentel got the idea of federalism from the Belgians — I understand he has a Belgian son in law.

    It may work for the Belgians but boy at what cost!!!! I once likened the Filipinos to Belgians in a post over at Quezon’s blog. I don’t have much admiration for the Belgians but who knows maybe the Filipinos can make Federalism work.

    Right now in Belgium, members of parliament get to speak 9 minutes a year in Parliament (to serve their constituents.)

  15. And to think that there are only 2 languages spoken officially in Belgium!

  16. Federalism will work if there’s a bit of discipline. Filipinos like Belgians have no discipline so how do you expect that form of govt to work in Pinas?

  17. Valdemar Valdemar

    So there are still thorns to prick out before we can talk about the form of government. The first thorn is to remove religion en toto. The second thorn is to disqualify from any elective positions those who have served already and no other member of the family should run concurrently with an elected official. Third, the SAL of any government official shall shall only increase by the amount saved from his renumerations. All these will solve much of our congenital culture on the charter change before 2010.

  18. chi chi

    With corruption as the only legacy of the tianak, federalism will only fan the practice even more. Correct the negative attitudes and thinking impacted by the tianak on pinoys first before sailing in uncharted waters.

    I concur with Anna that pinoys are not disciplined (and mature) enough for a shift to a federal form of govt.

    Maraming loopholes ang sistema pero dapat ay amiendahan lang ang Konstitusyon (kung wala na si Gloria): palakasin at tiyakin ang pagpapatupad ng check and balance between the branches of the government.

    The system is not the problem per se, the corrupt and inept leaders are. Hindi ang position ng presidente and dapat tanggalin kundi si Gloria Encantada!

  19. Chi,

    Here is a letter of mine that was published by the Daily Tribune after Joe de V’s visit to Brussels in Dec 2005 vaunting the merits of federalism à la Belge:

    On the federal form of government and the logistics required or how to make it not work!

    On Consultative Commission findings

    LETTERS TO THE EDITOR
    12/23/2005 THE DAILY TRIBUNE
    http://www.tribune.net.ph/

    Dear Editor:

    On the federal form of government and the logistics required or how to make it not work!

    Speaker Jose de Venecia came to Belgium in December last year as a guest of the federal government of the Kingdom of Belgium and from what I gathered from members of his entourage then, JdV was so overwhelmed by the success of this form of government in Belgium, he was just simply ecstatic. He was one of those invited from Asia because JdV was known to be a die-hard proponent of the federal form of government.

    To me, JdV is out of his depth on the issue.

    Let’s take the case of Belgium, which he spoke very, very highly of in several press and other political sorties.

    First of all, Belgium has only about 10 million people and it somehow works because lots and lots and lots of money are poured in by the presence of European institutions and North Atlantic Treaty Organization member-governments which help a great deal with the financing of Belgian federal institutions (25 percent of the overall population of Belgium, by the way are European Union expats!). Second, Belgium was already practically divided into two distinct “forms” of governments long ago — Flemmish and Wallonian — so that with or without a federal form of government, it would have somehow worked; officializing it as a federal form of government merely formalized the system.

    JdV must not think that Belgium is a good example of a federalist state of government — I believe, Belgium is one of the “worst” examples of a federalized state.

    The cost of that extra layer in terms not only of money but also logistics will be horrendous. And even then, there is no guarantee that this type of government will succeed for the Philippines because of the omnipresence of a political culture inherent in the Philippines today (political dynasties and others).

    Moreover, to transform this existing form of government into a federal form will require extraordinary discipline and sacrifices and EDUCATION. It is not the right time to do it. One needs a certain measure of stability to be able to enforce such measure or government structural change.

    To give you an idea of what federalism has done to Belgium after 25 years (these are official statistics):

    • One out of five Belgians is a civil servant, in other words, out of an active working population of 4,500,000, there are 900,000 civil servants or 20 percent of the active work force that are paid directly by taxpayers’ money. If you follow that kind of statistic as a model for RP, given its current population (but taking only into account the DECLARED, active working population), then a federal set-up of government for the Philippines would require 17 million Filipino civil servants to be paid by taxpayers’ money!

    • The Belgian government counts 58 ministries (or departments equivalent to RP’s government departments of whatever) and has 534 members in national parliament alone tasked to manage the interests and requirements of a federalized nation populated by only 10,400,000 people. (There are more MPs in Belgium than in France where the population is six times that of Belgium.)

    We must not forget that this sort of government structure requires astronomical cash outlays to make the system work. Does the Philippines have the financial capability to support the structural change? I doubt it!

    In this type of configuration, can you imagine translating the amount of time a member of national parlimanent is alloted to speak in parliament for his constituencies? ONLY NINE minutes in total per calendar YEAR!

    • Then, if you go down to the next layer — the federal layer — you will find hundreds of other federal parliamentarians doing the same tedious work some kind of redundancy work, thus requiring more money, more time, more of everything, etc. (As you know, because of the added bureaucracy, it takes between 18 and 24 months to get a building permit to build a 25 sq. m. annex to a tiny town house in Brussels, one from Brussels City Hall through the commune, another one from the Brussels-Wallon State federal government then to cap it all, one must receive the OK from one or two national ministries, etc., eeeeeeek!)

    • Because of the cost required to maintain and run the current system, EACH Belgian citizen has a standing current debt of 26,000 Euros (or roughly US$45,000) or a cumulative OUTSTANDING public debt of 276 BILLION EUROS.

    Belgium’s current debt will cost the state 34,025,000 Euros PER DAY to service debt interest payments alone this year.

    By illustrating Belgium’s predicament today, I wish to point out that even in so-called developed countries, federalism does not always work — what more when a nation is not ready for it.

    I am not saying a federal system of government is bad — it works very well when a nation has a stable political set-up to support it as in the case of France, Germany, Switzerland, etc. But to transform RP’s current system of government requires more than just lip service — the population MUST BE EDUCATED, MUST BE PREPARED on top of which, the country essentially must already have a kind of financial and political stability — two ingredients that are lacking in the current Philippine set-up.

    JdV and his pals in Congress must forget the federal form of government for the moment. Instead, JdV and his pals should tackle the political and financial imbroglio in which the Philippines finds itself first — then, when a certain form of stability is achieved and the population has been reasonably educated, only then should he and his pals begin to legally address the issue.

    Anna de Brux

  20. chi chi

    Aha! Naunahan mo ako. I meant to ask you about this letter, Anna.

    I read this, just can’t remember when. Thanks.

  21. chi chi

    I should be supporting federalism from my stand point because I’m enjoying living in one. But no, not in Pinas (at least not yet) precisely because of the pinoys political-cultural-religious mindsets.

    And that, “the population MUST BE EDUCATED, MUST BE PREPARED on top of which, the country essentially must already have a kind of financial and political stability — two ingredients that are lacking in the current Philippine set-up. (Amen, Amen, Amen…Anna).

  22. Chi,

    Same here but you said it very well: “But no, not in Pinas (at least not yet) precisely because of the pinoys political-cultural-religious mindsets.”

    There’s a need for Pinoys to examine and solve their problems first… a federal form of govt will not change things for them as things stand today.

    Get rid of Gloria and start from a level playing field, then perhaps, just perhaps…

  23. Valdemar Valdemar

    Alive parin pala yung 1 million hectares para sa mga chinese. at saka binibigyan ng citizenship yong mga chinese na nahuli sa shabu raids. Better not to have a charter change yet or else the Philippines will be changed into a Chinese province before 2010.

  24. Chi:

    Iba naman ang Tate. Isang State halos kasinglaki na Pilipinas kaya dapat lang maging federal. Besides, independent naman lahat at may kani-kaniyang pamahalaan bago sumanib sa union kaya nga tinawag na United States of America. Taragis sa Pilipinas, nag-umpisa naman sa mga tribo na naging nasyon lang naman for the first time nang sakupin ng mga kastila. Sanay na sa presidential system kung bakit gusto pang baguhin, hindi na lang takpan ang mga loopholes ng batas at alisan ng power ang mga kumag na binoboto ng taumbayan at maging talagang demokrasya na ang tinig ng mamamayan ang dapat na mangibabaw.

    Lintek, pati demokrasya nga hindi naiintindihan sa totoo lang! Iyong bobong nagmamagaling kasi ayaw pang umamin na hindi niya kaya. Dinadaan lang sa kodakan! Ang landi pa ng dating! >:(

  25. Sabi ng isang brigada ni Gloria Dorobo doon sa isang private egroup na kasama ako, bakit daw hindi ko iginagalang si Mrs. Dorobo. Sagot ko, kailan ba dapat igalang ang mga kriminal. Nasaan daw ang prueba, tanong pa. Sagot ko, e bakit hindi nila mismo ilabas para mapatunayan. Trabaho ng mga nagpapairal ng batas ang imbestigahan siya, bakit di nila gawin? Bobo rin ang katwiran sa totoo lang.

    May ebidensiya na nga sa totoo lang. Kaya nga nag-sorry ang animal, di ba? On that basis alone, dapat inimbestigahan na ang ungas sa Senado sa totoo lang. Bawal ang ginawa niya and ground for disqualification sa totoo lang base sa Election Code ng Pilipinas. Bakit hindi iyan ipinapairal?

    Komo ba tinawag ng kriminal ang sarili niyang presidente na may basbas noong kakutsaba niyang mga SC judges noon na sa totoo lang dapat niririkisa ang mga background. Halimbawa, iyong mga babaero dapat di nagiging SC judge!

  26. chi chi

    Valdemar,

    Iyan ba ang 1.4 milyong ektaryang palayan na papaupahan ni Gloria sa Tsina para pagtaniman ng palay? Meron kakainin ang mga Intsik pero ang pinoy ay wala. Bentado na ang Pinas sa Tsina.

  27. Parliament daw? Kung iyong ngang presidential form of government na kahit dekada-dekada nang in-adopt sa Pilipinas, hanggang ngayon hindi pa maintindihan, parliamentary pa. Di bale kung may hari gaya sa Thailand o Japan na puedeng mag-ayos ng gusot ng mga mokong sa pamahalaan.

    OK iyan kung puede silang magsuntokan o magsabunutan gaya ng ginagawa ng mga taga-Taiwan sa Parliament nila. Ang sarap sigurong manood lalo na kung gaya sa Japan na lahat ng proceeding sa Diet ay napapanood sa TV o napapakinggan ng mga taumbayan sa radyo, at may mga NGOs na mabilis pa sa alas kuwatrong puntahan ang mga parliamentarians para ituwid, etc. ang mga mokong sa kanila. At dito, hindi puedeng mag-absent ang Prime Minister sa session ng Diet para mabatikos siya sa mga palpak na palakad ng administrasyon niya. Di puede iyong istilo ni Gloria Dorobo na nagtatago sa pantalon ng mga mokong gaya ni Esperon, Bunye at Ermita pati na iyong asawa, anak at bayaw niyang pinakamokong! Grrrrrrr!

  28. bayong bayong

    Mam Ellen natanggap nyo na po ba ang letter ko na may mga attachments.

  29. bayong bayong

    Kahit ano ang gawin ng pinoy wala din mangyayari kasi ugali ang dapat baguhin lalo na ang crab mentality. Ang dami natin mga Batas hindi naman sinusunod. Subukan mong magtanong sa mga abugado iba-iba ang kanilang opinion hinggil sa iisang issue. Papalitan natin ang sistema ng gobyerno ganun din yon sila-sila din ang mamumuno. Sa mga naging presidente ng Pinas sino ba ang napupuri wala naman di ba.

  30. bayong bayong

    Me natanggap akong rumor ang manok ng malakanyang para sa presidente sa 2010 ay babae at kasado na raw ang programa hanggang sa susunod na election 2016.

  31. andres andres

    May 7th, 2008 at 10:11 am
    Hi people! Medyo matagal akong nawala, pero tuloy pa rin ang aking paninindigan at paglaban sa tiwaling pamamahala ni Gloria the Evil Bitch!
    By the way, may bagong Blog site ang grupo ni Atty. Adel Tamano na tinawag na Young Turks. Do check them out dahil mukhang ka-linya natin sila.
    This is the blog site: oppositeofapathy.wordpress.com

  32. Maganda ang speech ni Obama sa North Carolina win niya. Mganda iyong sinabi niya tungkol sa unity. Tama iyong sabi niya, kung gugustuhin, wala namang imposible. Magandang i-apply ang sinabi niya sa mga pilipino.

    They should recognize Gloria is a crook and a criminal and then join together to have her and her fellow crooks removed. Ganoon lang naman sa totoo lang.

    To those who say that she is not a criminal, isa lang naman ang sagot. “Di patunayan ninyong hindi, but do so with valid proofs, not camera tricks in movies where the ugly fat son appears.”

  33. Valdemar Valdemar

    Chi,

    Yes, thats it. It came about because the terms include that we should put up irrigation and the feeder roads and main highway to exit ports all class AAA condition to start now. Sana ibigay na lang lahat upang ma-improve and irrigation system and roads all over. May daily wages pa mga tao. We can save on ukay-ukay. All in black ang farmers nila noon.

  34. xman xman

    Kahit anong porma ng gobyerno ang ilagay mo sa Pinas ke federal o demokrasya ay ganoon din ang labas…puro kurakot ang gagawin ng mga namumuno!

    Bakit walang katapusan at garapalan ang katiwalian sa gobyerno? Dahil napakahina ng sistema ng HUSTISYA ng Pinas.

    Ang Amerika at Alemania ay modelo ng matagumpay na pamamalakad ng federal na gobyerno dahil malakas ang sistema ng HUSTISYA nila. Pero bakit ang Mexico, Venezuela, at Nigeria na federal din ang gobyerno nila ay hindi maunlad na katulad ng Amerika at Alemania? Ang Venezuela at Nigeria ay miyembro pa ng OPEC. Ang Mexico, Venezuela, at Nigeria ay katulad ng Pinas na garapalan ang pangungurakot. Bakit garapalan? Dahil mahina din ang HUSTISYA nila kaya di umuunlad ang bansa.

    Ang dapat ayosin ng Pinas ay kung paano mapapalakas ang sistema ng HUSTISYA at hindi ang porma ng gobyerno ke federal o demokrasya.

  35. kitamokitako kitamokitako

    Last term na ni Pimental as senator at gusto niyang may iwang legacy. It should serve as a lesson to those who want to leave a lasting legacy to all the generations to come, to start early in their political career and not leave it when it is near the end. Maybe Pimentel just want to be a Premier in one of the states, a lash hurrah.

  36. kunsensya kunsensya

    Guys, Philippines has overgrown its need for a presidential form of government. This has been the root of too much bureaucracy and politicking because of the nation’s dependence on a centralized government. With the federal form of government, each federal state will not be dependent on the budget being given by hte central government. Instead, each federal state will generate their income and aportion it to the central government. By this set-up, we can avoid the usual occurrence of the president doling out money to congressmen or sentors to gain support because power is now shifted to the grassroots, that is the head of each state. In this way the ruling people in each state will do extra efforts in order to create development in their areas or else, they will have no means of survival, worst, they will easily be met with unprecedented reprisals from their constituents. This, mind you does not affect the whole nation but only to a concerned federal state. In our present set-up, it’s always the central government who carries the burden for the woes of the nation and projects are only controlled by the present administration and giving them only to their chosen areas where they are guaranteed support. For federal form of government, each state has an equal opportunity of development because they are independent from one another and each is not even dependent to the central government. The only flaw in Pimentel’s proposal is that, he still considers a Federal-Presidential form of government where there is still too much bureacracy plus the presence of a Senate. As I have explained in my previous comment above, the upright proposal should be a Federal-Parliament form of government where the bureaucracy is heavily streamlined and the ruling government officials can be replaced anytime since they are part of the parliament. No cabinet members appointed by a president (since members of the cabinet will come from the parliament including the prime minister), no senators, less governors and board members, no snap elections to think of…..and the result? Big savings for the national coffers and a boost of self reliance in the grassroots level. Isn’t this a better set-up? May the conscience of our incumbent officials guide them to the right path….

  37. bayong bayong

    Tama ka xman pero paano maayos ang hustisya, palitan ng hindi pinoy.

  38. Bayong: palitan ng hindi pinoy.

    *****

    Mali, Bayong. Hindi dapat palitan ng hindi pinoy. Ang dapat at palitan ng mga tunay na pilipino sa lahi, isip, pagmamahal at pitagan sa bayan, etc.

    Sa totoo nga, kung titignan mo ang mga malalakas sa Pilipinas ngayon, halos lahat sabi nga ng isang kakilala ko mga mono-syllabic ang mga apelyido gaya ni Tan, Yap, et al. In other words, my intsik. Tapos iyong mga amigos at amigas pa ni trying hard to be high and mighty bugak naman, mga mestiso daw!!!

  39. Valdemar Valdemar

    bayong,
    Ibig mong sabihin ibagsak na mga intsik? Sige, kahit yong mga may dugong intsik. paleho lin.

  40. Kunsensya: By this set-up, we can avoid the usual occurrence of the president doling out money to congressmen or sentors to gain support because power is now shifted to the grassroots, that is the head of each state.
    *****

    Iyan ang isang concept ni Senator Pimentel doon sa federalism na sinusulong niya. But considering the present set-up and nature of the local governments in the Philippines, lalong mangungurakot ang mga iyan lalo na doon sa mga bayan na kontrolado ng mga haciendero, local kingpin, at iba pang mga kurakot kaya nga hindi na masugpo ang problema ng bayan.

    Wala namang problema sa totoo lang sa set-up na ginawa ng mga kano kundi nga lang mga ungas ang pinaupo sa gobyerno na walang mga malasakit sa bayan nang palayain ang Pilipinas. Tapos, hinubog pa ang karamihan sa mga pilipino na ikahiya nila ang sariling kanila.

  41. Suyang-suya ako doon sa mga dialogue ng mga pelikula halimbawa ng ABS-CBN na makikita mo ang ipinapairal na kabulastugan at pang-aaba sa kapwa pilipino nila. Iyong mga alta-sosyedad, paingles-ingles at iyong mga mahihirap, wikang pilipino lang na para bang ibig ipalabas na wala class ang pilipino kung hindi siya marunong mag-ingles o magsalita ng kastila!

    Ito ngang si Gloria Dorobo gusto pang ipalabas na hindi aasenso ang mga pilipino kung hindi sila magsasalita ng ingles. E bakit ang mga intsik, koreano, hapon, et al, sumikat kahit hindi marunong ng ingles?

  42. Sabi ko nga kay Senator Pimentel, sa amin halimbawa iyong National Police Agency namin, may pondong ibinibigay kasama sa national budget, pero iyong mga local police departments, subsidized ng mga local governments na napupunuan ang pangangailangan ng mga nasasakop nila o nasa jurisdiction nila sa pamamagitan ng mga local taxes kaya nga sa totoo lang, dalawang klase ng buwis ang binabayaran namin. Kapag nagkulang ang budget ng local government para sa pamamalakad ng local police halimbawa, humihingi sa National Police Agency ng karagdagang pondo. Otherwise, pinagkakasya kung ano ang ibinibigay ng local government. Hindi na pinakikialaman pa ng Prime Minister ang pagre-release ng pondo sa totoo lang dahil hindi na niya trabaho iyon. Kaya nga iyong pinapairal ni Dorobo, halatang-halata naman na talagang ang layunin lang ay panunuhol at para makakurakot silang mag-asawa hangga’t pinapayagan ng mga pilipinong magtagal pa siya.

    Dapat diyan sa totoo lang, sipain na ang dorobong iyan bago dumating ang araw na mangako na naman ang ungas sa SONA niya na iisa lang naman ang tema—Tulungan siya ng mga pilipino na makapagnakaw pa!

  43. Simple lang naman ang dapat natin balik tanawin, at ito ang template na inilatag ni Apo Ferdie.

    Hindi ba’t ang mungkahi noon ay magkaroon ng Interim Congress bago pa magkaroon ng IBP(Interim Batasang Pambansa) noong 1978?

    Magaganda ang mga mungkahi ng nasa itaas lalo na kanila Valdemar,Grizzy,Petite,Kunsensya,Anna at iba pa.

    Hi Xman, hindi ba’t Federal din ang set-up ng Burma?Maaari din natin matutunan ang nangyari sa Abyssinia(aka Ethiopia) na gumamit ng Federal Parliamentary bilang porma ng kanilang gobyerno.

    Nararapat lang na mapaghandaan at gabayan ang taumbayan sa isyung ito gaya ng sinabi ni Chi kay Anna:
    (“the population MUST BE EDUCATED, MUST BE PREPARED on top of which, the country essentially must already have a kind of financial and political stability — two ingredients that are lacking in the current Philippine set-up.”)

Comments are closed.