Hindi ko yata matanggap ang sinasabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang conclusion ng Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan sa NBN/ZTE scandal ay “and mga ebidensya ay tumutukoy sa Malacañang ngunit walang direktang link kay Gloria Arroyo.”
Bulag lang ang hindi makakita ng kamay ni Arroyo sa eskandalo na ito sana ay nagpahirap pa lalo sa mamamayang Pilipino ng bilyon-bilyon kung hindi naibulgar ng imbestigasyon ng Senado.
Ito na lamang: sinabi ni Romy kay Arroyo na inalok sina ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon. Nagulat ba si Arroyo? Walang sinabi si Neri. Inimbistigahan ba ni Arroyo? Hindi.
Sinabi lang niya kay Neri na huwag niyang tanggapin ngunit kailangan aprubahan ang kontrata. Alam na niyang may kurakutan doon sa alok ni Abalos, bakit isulong pa niya ang kontrata na walang imbestigasyon kung hindi siya kasali?
Ito pa: hindi ba siya nagtaka kung ano ang papel ni Abalos, Comelec chairman, sa isang telecommunications project? Siyempre hindi siya nagtataka dahil kung hindi sa kanya hindi naman makapasok si Abalos sa deal na yun.
At bakit hindi siya makahindi kay Abalos? ‘Yan ang kabayaran ng serbisyo ni Abalos sa kanya noong 2004 eleksyon. Ang pinanalo siya kahit hindi naman talaga siya nanalo.
Kaya sa kuwento ni Jun Lozada, kahit si Mike Arroyo walang masabi kapag si Abalos ang nag-alburoto. Hawak sa leeg sila ni Abalos.
Di ba inamin na ni Arroyo na alam niyang may deperensya ang kontrata ngunit itunuloy pa rin niya. Anong klaseng pangulon ng bayan yan na alam niyang makakasama ang kontrata sa bayan ay isusulong pa rin. Siyempre hindi siya maka-urong dahil may nakuha na. mahirap magalit ang mga Intsik.
Alam ni Arroyo kung gaano kalaki ang kikitain nila sa deal na yun kaya kahit malala ang lagay ng kanyang asawa noon, iniwan niya para saksihan ang pirmahan sa Boao, China. Press release nga mismo ng Malacañang, “like a thief in the night”. Parang magnanakaw sa hatinggabi. Magnanakaw nga talaga.
Sa kuwento ni Dante Madriaga, ang engineer na consultant ng ZTE, malaki ang binigay na pera pagkatapos ng pirmahan at iyon daw ay para sa 2007 eleksyon. Panggastos para sa mga senador ni Arroyo.
Ang pagkidnap kay Lozada, ang pagbigay ni Manny Gaite ng P500,000 na pang-shopping, lahat yun ay operasyion sa Malacañang. Kung hindi sangkot si Arroyo, dapat ay paimbistigahan niya ay parusahan ang sumisira sa kanya.
Ngunit hindi ganun ang ginawa niya. Executive privilege ang panangga niya para hindi maikuwento ni Neri ang kanyang papel sa deal na ito. Paano ngayon sasabihin ni Cayetano na wala silang makitang link kay Arroyo?
Malacanang’s hand is evident in the Senate’s attempt to terminate the ZTE deal. What else is new? Investigation after investigation, hearing after hearing then no closure. How many cases involving the illegal occupants of the Palace ever prospered? Nada. And now the Senate led by Alan Cayetano want to investigate the South Rail scam? It’s the same banana. No closure to the ZTE and now they want to start another which is a copy cat of the former. What happens to those military and police goons who kidnapped Jun Lozada and almost liquidated the guy had it not for the media? Will they be allowed to go free not even a slap on their hand? I’ve always doubted the people in the opposition…From Manny Villar to Alan Cayetano…they are not genuine opposition. It’s time for Pimentel and Lacson, so far the only true opposition, to pursue the ZTE case and the others. If the Senate keeps doing what it does now, then it’s time to dissolve the Senate!
Nagbabayad lamang itong si Cayetano sa kanyang paggamit kay Mike Arroyo sa German account nuong 2004 election. Bakit walang nangyari duon, at walang ebidensiyang nailabas? Ang lahat ng drama sa politics at govt ay moro moro.
Razon, one of the “Greedy five” in the ZTE deal and the purse holder in the 2007 elections allegedly funded Cayetano’s candidacy. Siempre bayad utang muna si Alan! Almost all these Tongressmen and senatongs can not be trusted! Only a few are really for the people but these few happen to have no money machinery so talo rin sila! Mukhang madilim ang pananaw ko habang nandian ang evil bitch. She knows exactly how to manipulate the people and the system Magaling pang magpalapad ng papel! She looks for opportunities to exploit situations to benefit her so she can gain mileage. She must really be devil possessed because inspite of all her sins to the people, no one seem to have the power to oppose her!
I think Razon not only funded Cayetano’s campaign, there were many others. That’s the reason why we don’t hear much from politicians. They could not even compel Razon to testify in the Senate when in fact his name was prominently mentioned in the hearing. Big tycoons are untouchables. Wasn’t Lucio Tan’s name also mentioned by Neri as those monopolizing the economy? I dare any politician or lawmaker to invite him to the House or Senate. At the most, he would send his highly paid counsel, Estelito Mendoza.
Open na naman sila ng bagong investigation, open na naman ang pockets ng ilan, para sa commission, ang lagay eh, sila lang ba? Paano hindi mo iiisipin ang ganyan ay open ng open, wala namang legislation na nagawa related to the previous investigations.
Akala ko katapusan na ni Gloria nuong:
– Hello Garci at nagresign ang mga cabinet members (Hyatt 11)
– 1 billion Pesos, WOW, fertilizer scam ni Jocjoc
– German bank accounts expose ni Alan Cayetano, WOW also, in the billions of dollars yata or in peso equivalent
– NBN ZTE deal, mas WOW, 130 million dollars, kay Abalos pa lamang
– Nuong rally sa Makati para sa truth and accountability ba iyon, nanduon si Jun Lozada
Talagang lucky bitch itong si Gloria!
bitchevil Says: “If the Senate keeps doing what it does now, then it’s time to dissolve the Senate!”
i agree with you, we pay them to fool us and drown us in debt.
Ellen, hindi “bulag” ang tawag sa mga hindi nakakakita ng mga katiwalian! “Bundat” lang sila sa dami ng perang nakatapal sa kanila! Siguro ang mga senador na ayaw ng usisain ang ZTE ay nakatanggap na rin ng “suhol” mula kay evil bitch! At yung may mga ambisyon na maging kandidato sa 2010 eleksyon ay napangakuan na ni evil bitch ng suportang pera at makinarya para manalo! Bulok na bulok na talaga ang sistema natin sa politika!
akala ko okay itong si Alan Cayetano, sayang binoto ko pa naman sya. So wala na talagang matino sa senado?
Si villar dati pa duda na ako dyan, even in his early days in politics.
Because the wicked refuse to do what is just, their violence boomerangs and destroys them.
Prov 21:07
yan para sa mga senador, “who refuse to do what is just”
Tayo na dapat ang humusga sa pekeng Pangulo na yan. Unang una dapat wala siya diyan sa Malakanyang at ang kahuli-hulihan talagang wala dapat siya diyan sa Malakanyang. Dinaya niya ang ating Bayan at kung ano man ang mga ginawa niyang kababuyan ay dahil hindi siya karapatdapat na mamahala ng isang Bansa lalo na sa atin. Dapat itapon natin yan sa Babuyan Is. sampu ng kanyang mga aso.
Tama lang naman na itigil na yang ZTE probe na yan. Walang mangyayari hawak na niya pati SC. Dapat talaga tayo na ang huhusga.
Matagal ng bulag ang ibang mga senador. Pero mas bulag ang Pilipinong bomoto kina Lito Tinalapid, Bong Putik Revilla at sa mga ibang senador na makakapal ang mukha na walang paninindigan upang itaguyod ang bansang Pilipinas. Nawalaan na akong pag asa umunlad pa ang Pilipinas. Bulok at nakakadiri na ang sistema ng politika dapat wala ng halalan. Tutal makakapal naman ng mga pag mumukha ng ibang namamahala na ayaw ng umalis sa mga katungkulan. Magsama-sama na lang kaming mga mahihirap na magutom sanay naman kaming kumain kung ano ang meron. Ang nakakatakot itong mga nasa katungkulan baka isusubo na lang namin ay nakawin pa at humingi pa ng tongpats. Ganyan kasiba ang nasa malakanyang at ibang mga senador na walang pake alam sa bayang Pilipinas isama na din iton mga Tongresman.
I don’t think they are blind especially Cayetano…. they are just politicians turned actor and as actors they follow the credo of the show must go on……
Kaya nga matunog ang pangontra ng kampo Arroyo sa pangangalandakan ng sino ba ang malinis at nagmamalinis. Lahat sila may kalansay sa kanya kanyang aparador kung kaya’t sa dinami dami ng imbestigasyon ay walang nangyayari sa kadahilanang hindi pwedeng seryosohin at ituloy tuloy dahil magkakalabasan lang ng baho ang bawat isa.
Now that it appears that the ZTE-NBN deal is not a hot issue anymore they will of course turn to other issues where they can safely grandstand and be a mainstay in the media.
Hindi bulag ang mga Senador, nagsasabi lamang sila ng totoo. Ipinapakita lamang nila kung ano ang totoo. NA ANG TOTOO – PARE-PAREHO SILANG POLITIKO. POLITIKO NA NAGPAPAHIRAP SA MGA PILIPINO. Politiko na kurap, makasarili, manggagamit, at kung ano-ano pang ka-MANG-MANG-an upang pahirapan ang bansang ating kinagisnan.
Ellen, I am just wondering now if China has found the weakness of the tongressmen and the senatongs and are now bribing them directly! China is known to be able to work around obstacles!
It’s been going on in the Philippines for a long time. The Tsinoy businessmen and tycoons have long found the weakness of the congressmen and senators. China doesn’t need to teach them.
Bitchevil,we know that the tsinoys in our country are now the tycoons but the ZTE deal and that of the Spratly’s are directly linked to mainland China. If the tsinoy tycoons are involved, siguro mga padrino na lang sila.
Karamihan ng mga tsinoy sa atin ay dating magbobote at may tindahang tingi tingi. Thus the word “kulangot” lang ang kita. These tsinoys made their way up and made it! These are not the same tsinoys I am referring to. I am referring to the “red” tsinoys!
Well then, what do you call our Tsinoys in the Philippines? Blue, Yellow Tsinoys?
What is happening to Cayetano?. Is he showing his true colors? He just gave a million reasons to the palace occupants to celebrate by absolving the bitch. Is this his way of saying sorry for his sins against the evil couple or just acting his part as scripted?
Talking of evidence, criminals always clean up their tracks and never leave a trace of evidence linking them to a crime. But in the case of Gloria allegedly being not involved due to “lack of evidence” is like saying Gloria won the presidency fair and square because there are no evidence to prove otherwise. In both cases evidence are more than enough to prove her involvement in these crimes, but she is really a real lucky evil bitch to always come out a winner because she has all the resources and the money to buy off anybody who dare come out against her. The senator investigators can’t do anything and they are no match against her evil ways. And the people, it seems they are still fast asleep and can’t lift a finger to help in a cause for change. Maybe they are just as numb in their hardships just as the illegal malacanang occupants in their unabated stealing lying and cheating.
I don’t know if Cayetano gave in due to some pressures but I still want to give him the benefit of doubt and I hope I am not wrong in my belief about him. He is so young, talented and still has a long long way and a big future ahead and he should be wise not to ruin it this early in his life and career by siding with the most corrupt most hated and the only bogus president this country ever had.
At last, the government is unified, the three branches. Everyone there now sings the same tune. Its time to look for something worthwhile where we can polarize every red blooded Filipino. Who knows, Hawaii must have been ours before. Filipino blood might have passed their veins, those hawaiians are still trying to regain what was lost. At least Guam is ours. And Sabah, too. Or we can overthrow the church. Its still here aggressively killing us with over population or pollution. But what the heck. Tanim na lamang tayo ng Kamote.
Bitchevil, we cna call them Psinoys.
opo!! bulag po ang ibang senador, lalu na pag pera na ang nakita!! hindi lang po mga senador ang bulag! pati karamihan ng mamayang pilipino ay bulag at pipi na rin po!!
i wonder how we filipinos is so blind in what happening to our country, left and right there is corruption and blatant dis respect of the law, but filipinos take it likely, i don`t know why!! we keep on hearing about our hero`s our forefathers fighting the enemies of our homeland and yet we do nothing to right the wrongs.. one example is jonas burgos, he was taken in broad daylight at mall, yet no one gives a hand to help him..now we see mr palaparan the butcher leading 30 armed men taking over a legitimate business and yet he is not charge and he still had the gull..this people, including the fake president GMA has done so much damage to our country and yet she keep on giving statement as if she has the solution to all the crises we are having now, but in fact she is the crises!! when we filipino`s wake up and see the truth! when we filipino`s band together and oust this people pretending to be the saviour of our country!! enough is enough!! and if we don`t do anything,we will one day wake up that even this country the philippines will no longer ours!!
Or Fsinoys…Pilipino or Filipino tsinoys.
Just call them PFsinoys…
Good enough!
Malabo. Parang may krimen pero walang kriminal.
Sen. Alan Cayetano on NBN-ZTE-probe
http://www.gmanews.tv/video/21932/Interview-with-Sen-Alan-Peter-Cayetano-on-NBN-ZTE-probe
Game, set and match. The effing Supreme Court justices delivered the trophy to Gloria’s court. Nothing much you can do about it anymore.
The battle moves to a different theater. There, it’s not going to be decided by what is legal or not. Or whose side has the evidences.
Unfortunately, it may also be one bloody mess.
Ellen,
If you wont mind to publish this URL;
http://www.gmanews.tv/video/21932/Interview-with-Sen-Alan-Peter-Cayetano-on-NBN-ZTE-probe
Dito, nakasaad ang paliwanang ni Sen. Peter Cayetano ukol sa premature alingasngas ng ZTE-NBN probe.
In defense for Sen. Cayetano.
To Florry: What do you mean you don’t know if Cayetano gave in due to some pressures and that you still would give him the benefit of the doubt? What Cayetano did was as clear as daylight. He has shown his true colors. And so what if he is so young and so talented “with a with a long long way and a big future ahead”? What kind of future could this turncoat senator give our country? Are you still hoping that you’re not wrong in your belief about him? Sorry to tell you but you’re hoping against hope. This person is nothing more than a traditional politician. We don’t bank our hopes on such types. What’s more is that your perception about the (Filipino) people “seem to be still fast asleep and can’t lift a finger to help in a cause for a change”, is incorrect. We, the regular bloggers at Ellen’s blog are indeed actively involved in keeping the anti Arroyo sentiment alive and stronger. We do not have a defeatist attitude. We will continue to propagate the truth until this present administration falls. I do believe in my heart it will. And when it does, how sweet it is.
I’ll post the news item on that interview. I have not given up on Sen. Cayetano yet but the public must be vigilant for any attempt to give us another snowjob, just like what Sen. Joker Arroyo did when he was the Blue Ribbon committee chairman.
I agree with desensitizerman.
I have watched the interview and I believe Peter Cayetano was just misquoted.
Dito po sa ating bansa kapag ikaw ay inapi patayin mo na lang ang umapi sa iyo kapag hindi mo kaya manahimik ka na lang at mag-paapi ng magpaapi. Wala pong hustisya sa ating bansa. Welga pag napukpok ka ng mga pulis sa ulo hinto ka na may kaso ka pa. wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang na pagdating ng araw pati bansa natin ay hindi na atin.
If we resort to cruel and inhuman acrts that our oppressor do to us, then we become like them. Then they triumph over us. We should not allow them to destroy us. We are better than them.
Our Senator are not blind…they only pretend to be blind…and that’s more dangerous than being really blind.