Skip to content

Paniningil ng mga magsasaka sa mga Arroyo

Nagkandarapa ang mga guwardiya sa Malacañang noong Martes nang biglang nagprotesta ang mga magsasaka sa harap ng gate ng Malacañang sa pamamagitan ng mga nakasulat na mensahe sa kanilang katawan.

Mahigpit kasi ang security sa paligid ng Malacañang. Parang pier na nga ang Malacañang sa dami ng cargo vans na nakaharang doon. Takot sa taumbayan si Gloria. Bigla tuloy nag- red alert sa paligid ng Malacañang.

Ang ginagawa ng mga 20 na magsasaka na miyembro ng “Task Force Mapalad” na galing pa sa negros Occidental ay sumakay sa jeepney na pumapasok sa barangay San Miguel sa paligid ng Malacañang. Naglakad sila na relax lang patungong St. Jude church. Pagtapat sa gate ng Malacañang, sabay-sabay inalis ang mga damit at ipinakita ang kanilang mensahe na nagpu-protesta sa panloloko sa kanila ng bayaw ni GMA na si Rep. Ignacio Iggy Arroyo.

Mag-iisang linggo na nagpu-protesta ang mga magsasaka sa harap ng Deaprtment of Agrarian Reform sa Quezon City para isulong ang pagpatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa 157 na ektarya ng Hacienda Bacan sa Negros Occidental na pag-aari ni Iggy Arroyo.

Sa batas kasi na pinirmahan ni Pangulong Aquino noong 1987, ang mga agricultural land ay ibabahagi sa mga magsasaka at ang may-ari na hindi naman mismo magsasaka ay maiiwanan lamang ng kaunti. Hindi ako sigurado, pitong ektarya lang yata.

Sa artikulo na ginawa ni Jessica Hermosa at Johana Sisante para sa Vera Files, lumabas na naiwasan ni Iggy ang CARP sa pamamagitan ng pagpalit ng classification ng kanyang hacienda sa agro-industrial para raw sa produksyon ng ethanol.

Maala-ala nating na noong 2001, inanunsyo ni Arroyo na bilang ehemplo raw sa mga kapwa nilang mga mayayaman, ipamahagi nila sa mga mahihirap na magsasaka ang 1,000 ektarya sa kanilang lupain kasama na ang Hacienda Bacan.

Lumabas sa pananaliksik ni Hermosa at Sisante na libing pala sa utang ang Hacienda Bacan. Nang congressman na si Arroyo ay biglang naiba ang classification ng Hacienda Bacan. Naging agro-industrial. Ibig sabihin, hindi na siya kasama sa CARP.

Malaki ang kikitain ni Arroyo kapag ginamit ang kanyang hacienda sa produksyon ng ethano na binebenta na P32 hanggang P35 isang litro. Nasaan ang pangako ni Arroyo sa mga magsasaka?

Isa pa: ang conversion ng agricultural land katulad ng Hacienda Bacan para sa produksyon ng ethanol ay isang rason bakit tayo nagkakaroon ng krisis sa bigas. Kumukunti ang mga lupang tinataniman ng palay dahil mas gusto ng mga haciendero katulad ni Iggy ang malaking mapagkaperahan.

Nag-order si Arroyo na itigil ang conversion ng mga lupa. Dapat kasama ang Hacienda Bacan. Dapat ibahagi na yan sa mga magsasaka.

Published inrice crisisWeb Links

7 Comments

  1. May naniniwala pa ba burot na Gloria Dorobo na iyan? Migod, mula pa noon sinungaling na ang walanghiya. Kunyari lang iyong ibibigay ang lupain nila na puro utang pala. Nang makabawi, ini-lease na sabi ng mga taga-Negros sa intsik para doon sa balak na ipa-finance sa mga intsik iyong sinasabing biofuel factory nila. Gutom lalo ang aabutin ng mga taga-Negros niyan.

    Sa totoo lang, nakakakulo ng dugo iyong nagyayabang si Gloria Dorobo ng improved economy at first class nothing ng Pilipinas bago daw mag-2010 bago biglang kambyo 20 years daw ang kailangan, pero maraming mga NGOs overseas ang humihi hanggang ngayon ng abuloy para sa mga nagugutom sa Negros.

    Ano ba talaga ha, Gloria? Kailan ka ba magkakaroon ng hiya at bababa?

  2. Valdemar Valdemar

    10 hectares on the Ilocos sand dunes encroached by the Malacanan of the North and the nearby golf course and adjacent or upon it are the large newly erected convention hall and a hotel. I went to question at the DAR why it was CARped just recently. The registered owners on the lone title are the heirs of 9 of our ancestors. Told them they need to learn how to read english properly. On the way out, I visited the farmer habitues outside the fence before they marched away to many places. Told them I am against CARP because of what happened to the miserable 22 square meters supposedly my only share on the surface of the earth. Naging bato pa.I pointed at their streamer on the Arroyo land and told them the extention of CARP will not prosper because the President wont certify the bill as urgent until 2010.

  3. norpil norpil

    i have always thought that in pinas the law is only for the poor, like lambat is only for small fish.

  4. Gabriela Gabriela

    Ang galing anman nitong mga farmers. Nalusutan ang mga PSG ni Arroyo, even for a few minutes.

    Dapat ganoon ang gawin ng mga protesters. More creative forms of protest. Lalong ninerbyusin yang illegal Malacanang occupant.

  5. patria adorada patria adorada

    katatanggap ko lang ng text mula sa katiwala ko sa bahay na dumating na raw ang sampung sako ng palay.Anihan na pala sa amin.Ibinigay ko na lang sa kanila dahil talagang nakakaawa sila.Ang mga tenants namin sa lupa sila lang ang nakikinabang sa copra.Pag alam nilang nasa bahay ako ,minsan may dumarating para magbigay ng pera mula sa copra.Kadalasan,pati share ko nagagalaw nila.Ayaw ko na manggipitin yong taong,isang tingin mo lang alam mong gipit na gipit na.Kawawa talaga itong mga magsasaka na walang sariling lupa.

  6. andres andres

    Ang may kasalanan kung bakit tayo may rice shortage ay si Arroyo din! Sa dahilang pinayagan niya ang pag-import ng mga produktong pang agrikultura, sapagka’t malaki ang kita ng pamilya niya, partikular na si Big Mike at Mikey sa pamamagitan ng smuggling ng bigas at iba pang produkto.

    Dahil dito sa talamak na importation at smuggling ng bigas at iba pang produkto ay unti-unting pinatay ang sektor ng agrikultura. Kawawa naman ang mga magsasaka at mga nasa sektor ng agri.

    Ganyan ang pamilya Arroyo, walang konsensya, dibale ng maghirap ang mga Pilipino sa pagpatay ng agri sektor, basta’t kumita si Big Mike at Mikey the askal ay ok lang sa kanya!

    Bayan, hanggang kailan natin matatanggap ang ganitong kawalang hiyaan???

  7. Anong biofuel-producing plants ang itatanim ni Iggy? Ang alam ko marijuana lang alam itanim niyan.

Comments are closed.