Skip to content

Takot sa imbestigasyon

Bakit ba kailangan pumila ang mahihirap ng anim na oras para makabili ng dalawa o tatlong kilong bigas?

Hindi ito makatarungan at gusto alamin ng Senado ang ugat ng krisis sa bigas. Ngunit ayaw ng Malacañang. Hindi lang ‘yun. Ang mga senador pa ngayon ang may kasalanan sa krisis ng bigas. Sabi ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol, “”Tigilan na nila. Tumulong naman sila. Stop investigating, start helping…Namemerwisyo na ang Senado.
“Pag tumulong sila, wala nang price crisis… Kaso ginugulo nila… Wala na ba silang pagtingin sa bayan?”

Kaya nga imbestigahan para malaman kung bakit nagka-krisis para makahanap ng tototoo at pangmatagalang solusyon. Hindi katulad ngayon na parang tapal-tapal lang ang ginagawang solusyon. Hindi natin alam sa ginagawa ni Arroyo ngayon para maiwasan ang galit ng tao sa kanya, ibinabaon niya sa utang lalo ang taumbayan.

Bakit takot sila sa imbestigasyon? Mas maraming Jocjoc Bolante ba ang mabuking? Takot ba sila malaman ng taumbayan kung paano kinurakot ang pera na dapat ay tulong sa pagsasaka? Takot ba sila malaman na ang nagnenegosyo ng NFA rice ay mga kaibigan rin ng tauhan ni Arroyo?

Katulad nitong sumbong ng isang empleyado ng rice trading company. Hindi ko na ibibigay ang kanyang tunay na pangalan. I

“Ako ay empleyado ng isang malaking rice trading company, involved sa smuggling. Inilapit ko na po ito sa ilang kinauukulan na halos naging kapalit ng aking buhay at ito ay napatunayan ng ilan kawani ng NFA na nag inspection sa aming warehouse na matatagpuan sa Km, 21 Mac Arthur highway sa Marilao, Bulacan, sa likod ng SM.

“May 25 na warehouse na may lamang 60,000 bags bawat warehouse. Kumpleto po kami ng kagamitan. Mayroon po kaming remilling, na binuboo ng rice color sorter, rice whitening, rice polishing, ang mga makinaryang ito ay ginagamit napang remill ng mga NFA rice.

“Ito po ang tanong ko, sa kabila ng katunayan ang aming warehouse ay hindi authorized warehouse NFA bakit hindi nila kinumpiska ang mga bigas o nailabas sa media ang mga ebidensya. Bakit hindi man lamang po kinasuhan ang mga namumuno ng kumpanyang ito?

“Sa aking pagkaka-alam, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng remilling dahil ito ay maaring dahilan ng pandaraya o gamitin para gawin commercial ang NFA rice. Dahil dito, ang maari lang isubo dito ay bigas hindi palay. Sa rice mill ay palay ang isinusubo.

“Hindi lang po dito sa warehouse sa Marilao, Bulacan nangyayari ang ganoong kalokohan. Mayroon din sa mga warehouse nila sa Talavera, Ecija Ecija. Naka-resack na para ibenta bilang commercial rice.”

Published inrice crisisWeb Links

49 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    He should be called Apostle Sergio instead of Sergio Apostol.
    He’s acting as if he’s Christ’s 13th Apostle. If we have this idiot and the other idiot Raul Gonzalez, we don’t need an opposition to destroy Malacanang. Being a lawyer and knows what constitutional laws are, Apostol should know that the Senate functions independently from the Judiciary and Legislative. Idiot!

  2. rose rose

    Si Apostol is a serious apostle of Gloria..to work for her, to serve her..and watanassheis..Is he a Christian? a catholic?..meriam siraulo apostol..ang tatlong discipulong tunay ni goria…
    ..Just a thought..Pope Benedict XVI just spoke at the UN assembly and with direct statement to all the leaders of the world..he called on justice..to stop extra judicial killings…I just wonder..and I am sure there are representatives of the Phil..Mr. Davide did you hear him? Ms. Abalos (she is with the Phil. Mission at UN) did you hear him? and please tell your boss..Salamat!

  3. hKofw hKofw

    On April 9 on CNN’s political programme, its commentator, Jack Cafferty made a harsh remark on the Chinese Government saying they are a “bunch of goons and thugs”.

    He made a big mistake. Chinese people were up in protests as they defended their Goverment. Why? Because they owe to their goverment their country’s present splendid economy and standard of living they enjoy today. He should made this comment to Gloria Arroyo’s Government. People of the Philippines will even praise him.

    As Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar V. Cruz said in his article in The Daily Tribune “…People of the Philippines have nothing more than a criminal syndicate simply masquerading as a government”…

    http://www.tribune.net.ph/commentary/20080422com6.html

  4. hKofw hKofw

    I’m sure Gloria Korap felt a sigh of relief when Jack Cafferty didn’t use those bullets in his double-barreled gun to her government. He surely would not miss.

  5. luzviminda luzviminda

    As Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar V. Cruz said in his article in The Daily Tribune “…People of the Philippines have nothing more than a criminal syndicate simply masquerading as a government”…

    Tama si Archbishop Oscar Cruz sa description niya sa ating pekeng gobyerno. Ewan ko nga ba kung bakit ang ibang miyembro ng CBCP ay nabubulag din sa mga pamudmod ng Arroyo syndicate. Our country is being run like Mafia-style. At syempre ang ‘Godfather'(or aptly Evilfather) ay walang iba kundi si Mike Pidal Arroyo. Mga kriminal ang nagpapatakbo ng ating gobyerno at wala talagang kakayahan paunlarin ang bansa. Inagaw nila ang pagkapangulo para pagsamantalahan ang bayan at pagnakawan ang kaban. Puro peke at ‘doctored’ ang mga statistics na pinalalabas dahil mga sanay sa dayaan. At siyempre pa malaki ang kanilang ‘private army’. Ang ating AFP ay ginawa na nilang private army dahil hawak nila si Esperon na isang napakalaking kasiraan sa ating military organization. Kaya dapat lamang na ituloy ang laban ng mga matitinong sundalo para maibalik ang paggalang sa ating military organization. Pero may katapusan din ang lahat ng iyan. At pati kaluluwa nila ay nakalista na sa impyerno!

  6. Rice shortage exacerbated by corruption hurts the poor even more especially when well connected rice hoarders are able to get away with their criminal activity.

  7. Ang sarap ng Apostol na iyan, pero bakit naman dapat na sumunod sa kaniya ang mga Senador na walang magawa sa ginagawang panggagagong ito ni Gloria Dorobo na ginagamit ang rice crisis na ito kuno para (1) itabi ang imbestigasyon sa kinasasangkutang nila ni Mr. Fatsong ZTE/NBI scandal, (2) gawing pang-ulol sa mga pilipino sa pagtataas ng rating niya sa pamamagitan ng pag-huhugas ng kaniyang kamay na itong rice crisis ay hindi niya kasalanan kundi kasalanan ng NFA at kung sinu-sino pang pinagtuturo niyang may kasalanan, (3) gutumin ang mga pilipino para kunyari sya ang tanging tagapagsalba nila.

    Pero bilib ka pa rin sa mga pilipino, ginugutom na divided pa rin ba sila gaya ng pinapakalat ni Dorobong dahilan kung bakit hindi siya mapapababa, keep them divided so she can continue to rule?

    Just for how much longer will they leave this creep oppressing them? Sobra nang pagtititis iyan a. Tama na, puede ba?

  8. ..Ang sarap murahin ng Apostol na iyan…

  9. chi chi

    Takot si Korap Gloria sa imbestigasyon dahil lalabas na kaya mayroong krisis sa bigas ang Pinas ay dahil sa mga kababuyan niyang ginawa sa budget ng agrikultura. Kadaming Jocjoc na lalabas!

    Takot rin ang impakta sa rice traders dahil lalabas din ang maraming Miking smugglers!

    There is nothing SHORT of Korap Gloria that is a personification of evil.

  10. parasabayan parasabayan

    Kung hindi ninakaw ang mahigit pitong bilyon na para sa patubig, pataba at binhi, hindi sana tayo kapos sa bigas. Kaya dapat lang tuntunin ng senado kung sino sino ang nakinabang sa perang nawawala para sa agriculture.

    Rice importation is a source of “tongpats”. Ang hindi lang nakalkula ng mga magnanakaw ay ang kakulangan ng bigas sa mga bansang pinagaangkatan! Ayan, sa katakawan, nawalan!

  11. Earlier, it was just a PRICE crisis. A lot of rice varieties were available albeit at runaway prices. What was lacking was the NFA inventory of masa-priced rice.

    A month later, we still have expensive mid to high-end rice in abundance, but the NFA supply is fast dwindling, the gov’t has no choice but to import increasingly expensive Thai and Viet rice and sell at pre-crisis prices. This ensures the pResident Evil that food riots from the hungry masses will not happen.

    But the middle class is bearing the brunt of the steadily increasing price of non-NFA rice. Gov’t says it will flood the markets with US rice at P25/kg. hoping to bring the rest of the market to a cheaper level. What if it does not? Pretty soon, Gloria will start to also subsidize the chaos-potent middle class lest she wants to invite mayhem to her constantly-threatened throne.

    Import, import, import. Exhausting most of our available “surplus” budget for rice importation alone laps up almost all of the P70B extra income gov’t generated from the EVAT. Gloria’s P50B package for rice this year almost wiped it out.

    Do we now see another round of tax increases because of this incompetent handling of our food secutiry programs? Will Gloria bury us further in debt for her own survival? Will she continue to play the “victim” role in all these futile attempts at hiding her incompetence and greed?

    Or is she just stirring this up to portray herself as the masa heroine who saved them from this monstrosity that is hunger, for whatever political ends?

  12. parasabayan parasabayan

    As the food shortage worsens, lalong dadami ang krimen at riots! Siguro nga ito na ang rason para mapatalsik ang evil bitch!

  13. parasabayan parasabayan

    Tongue, more like the latter…she wants to be like Erap, maka-masa kuno! My ass!

    As far as I am concerned, she is the “CORRUPT QUEEN”!

  14. chi chi

    Sabi nila ay merong shortage ng bigas sa Asia. Maaring totoo pero bakit sa Pinas lang merong pilang pagkahaba-haba at ginugulo ng pekeng presidente ang rice shortage issue?!

    Ang sagot ay nasa sinabi ni Tongue. The bitch is just drumming up this “monstrosity that is hunger” to make herself look good, politically dead na kasi ang Miphista impakta tianak na bruha!

  15. Dr.Kwak Dr.Kwak

    Sigi guluhin ninyo ang bayan, sigi gutomin ninyo ang mga tao, sigi magdivide-and-rule kayo. Pasasaan ba haharapin din ninyo ang inyong mga pinaggagawa sa takdang panahon. Siguro marami na sa inyo na tanggap nang sa impierno ang kanilang bagksak dahil hindi ninyo puweding abutan ng lagay si San Pedro.

  16. Chi:

    May crisis din ang mga pilipino sa dinig ko sa isda. Matagal nang problema iyan sa totoo lang. Wala nang makuhang isda dahil na rin sa kalokohan at kaburaraan ng mag-asawang baboy. Pinakakakalkal sa mga dagat ng Pilipinas sa mga intsik, et al, langis na nag-leak hindi nililinis kahit na iyong mga tae, dumi, etc. sa Manila Bay halimbawa, etc. pang mga dahilan ay hindi isinasaayos dahil akala ng ungas takbo lang siya sa mga intsik, et al, matatambakan ng ang Pilipinas ng mga pagkain, etc. na babayaran ng mga pilipino ng mahal gayong puede namang sila ang magbenta sa iba kung hindi siya palpak na economist daw.

    About a few years ago, we made a documentary on some fishermen who survived being stranded in the Pacific Ocean for 49 days and how they survived. Mga mangingisda sila mula sa Camarines Norte na napipilitang dumayo sa malayo dahil wala na raw isda sa Pilipinas gawa ng pollution, wrong government policies, etc. pang dahilan. Nakakaawa sila sa totoo lang. Ang masama nasalba ang mga mangingisda sa pamamagitan pa ng pagmamagandang loob ng mga magdadagat ng Taiwan. Hindi mga pilipino daw na nata silang palutang-lutang sa dagat, imbes na tulungan sila, pinatawanan pa raw sila.

    Ganyan ang attitude nitong si Apostol. Bakit hindi iyan mapatanggal? Sa amin iyan, pinasisibak ang mga ganyang inutil!

  17. Isang halimbawa. Noong isang araw nga umamin na iyong dating Minister of Defense namin na tumanggap siya ng bribe na isang malaking kasalanan dito. Ngayon ang ibig patunayan sa hukuman ay kung magkano talaga ang tinanggap niya. At saka sa detention house na doon siya napipiit ay mahigpit ang bantay na hindi siya makakapagtangkang magpakamatay dahil isang pagtakas din iyon sa kaniyang legal responsibility sa kasalanang ginawa niya.

    Sana may ganyang mga mayroong konsensiyang opisyal diyan, huwag na iyong magpakamatay sila para mabawasan naman ang mga inutil at makapal ang mga mukhang katulad ni Gloria Dorobo, et al. na hindi natitinag. Golly, ang yabang pa ng dating ng animal. Ang sarap ipahiya sa totoo lang.

  18. PSB:

    Si Gloria makamahirap? Ubod nga ng matapobre ang inutil na iyan sa totoo lang gaya ng nanay niya. Kung iyong mga kapatid sa ama ang trato ng animal sa kanila yagit, iyon pang mga hindi niya kaano-ano? Para lang naman sa mga photo-op niya iyong mga payakap-yakap doon sa mga lola kuno na binibigyan ng bigas at pabuya.

    Sayang din iyong 500 pesos na pabuya di ba? May libreng bigas at noodle pa na binili with padded bills.

  19. I heard so, Yuko. We are down to 10% of the normal fish stock. Will probably take 5 – 10 years to undo.

    What then? No rice, no fish, all hell breaks loose!

    Gloria will probably announce which kind of backyard-grown grass is edible. Her technocrats may even show us soil that can be cooked. Who knows?

  20. Btw, Chi, others, get off banks’ stocks and other financials. The crash has not bottomed out yet. Even almighty Bank of America’s net income is 77% off last year’s. Just when everybody thought the bears are over.

    Ditto Morgan Chase and Citigroup.

  21. chi chi

    Thanks, Tongue. Short nga ang laro ko ngayon.

  22. Ano iyan, Tongue? Daig pa iyong may guerra sa Pilipinas. Frankly, I never heard from my mother how they learned to eat grass during WWII dahil kahit papaano daw may pandingding sila sa Ilocos. Mababait naman daw iyong mga hapon doon sa probinsiya basta hatian lang daw ng ani. Kaya malaya daw silang nakakapagtanim.

    Ako naman, natutunan kong maghanap ng puedeng kaining dahon: damo, etc. sa biyenan kong babae. Iyong daw ang kinakain nila noong guerra. Masarap iyong tinatawag naming “Nira” na isang uri ng damo at masarap haluan ng itlog o igisa sa atay. Dapat iyan ang itinuturo ng mga bugok at bugak na mga adviser daw ni Boba na sa totoo lang ay mga wala din namang alam.

    Ano nga ba ang malalaman ng mga kaibigan nilang mga landgrabbers, et al. kundi ang magnakaw lang!

  23. Tongue, Chi:

    Katatanggap ko lang ng tawag mula sa bangko ko. Pinaaalis na ang mga stocks ko dahil mawawala na raw ang mga stock certificates mula sa isang taon. Hindi ko pa nga natse-check ang mga stock funds ko sa Tate. Baka mapauwi tuloy ako doon soonest possible. Tatawagan ko nga ang kapatid ko para i-check. May balita ba kayo?

  24. walker walker

    apostol???? sayang ka iginagalang sa atin ang mga kapatid mo pero ikaw ay napakawalang hiya mo… ikinahihiya ka namin na mga taga burauen leyte…… kwarta la haim it importante dire nimo iton madara ha lobong

  25. Eggplant Eggplant

    Ngayon pa lang kumikilos ang pamahalaan para itaas ang production ng palay at bigas. Style n’yo bulok. Ngayon ultimong mga preso at penal colony ang pinagdidiskitahan ng gobierno para sa pagsasaka at mapunan ang pagkukulang ng bigas. Kung iyong mga pambili ng abuno ay hindi sana dinugas sa pamamagitan ni Joke-Joke Bulate, kahit papaano e natulungan sana ang mg magsasaka na paunlarin ang produksiyon ng palay at bigas. Corruption iyan ang sabihin ninyo kung bakit nahihirapan ang mga magsasaka na paunlarin ang kanilang pagsasaka.Ngayon may gana pa itong basang sisiw (wet-wet sa wiwi) na si Mr. Wetness, na mang-asar. Sino ang niluloko ng damatan na ito? Shut up!

  26. Valdemar Valdemar

    We are in a democracy. Equality is democracy. How come a crisis card will now separate some Filipinos away from the NFA rice that cost 18.25 pesos. We buy rice with everybody’s money yet not everyone will share sa paglamon ng rice na yan. To hell if the govt bungles but it should not make those people suffer for it. Apostol, et al and the church know that its wrong to choose who will eat. They should scrap that card.

  27. Etnad Etnad

    Una ang sabi problema daw ay ang shortage ng bigas. Tinaas nila ang presyo ng mga primera klaseng bigas. Nataranta ang mga tao. Nagkatulakan para lang makabili ng murang NFA rice. Tapos sasabihin nila na wala namang shortage ng bigas pero naitaas na nila ng presyo nong mga primera klaseng bigas. Tapos sabay nagtaasan ng mga ibang bilihin. Ngayon naman ay sobra na daw ang dami ng populasyon ng ating Bansa. Tapos siyempre parating na ang Labor Day …. tataasan niya ngayon ng suweldo ng mga manggagawa. Babango na naman siya ng ilang paligo. Ano na naman kaya ang isusunod niyang isyu para mapagtakpan lang ang mga pagnanakaw na ginawa niya at ang kanyang pamilya. Sana huwag natin kalimutan yong ZTE, yong 500T na ipinamudmud niya sa mga tuta niya, fertilizer scam at marami pang iba. Alam natin na tumataas lahat dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo pero mas lalo tayong maghihirap kung patapusin pa natin ang termino ng mga tangnang mandurugas.
    Nagmamaka-awa na sila sa Senado na tigilan na nila ng mga pang-iimbestiga dahil alam nila na ang oras nila ay umiiksi na. Wala na silang oras na makakurakot pa. Wala silang pinag-iba sa mga langgam.

  28. chi chi

    Nice post, Valdemar. It’s the same policy of Korap Gloria with the soldiers to avoid temper tantrums from them.

    The impakta and her church say no to family planning program outside the “pigiling manggigil” policy, and now they also get to choose who will eat.

    No rice, no fish, no money, no jobs. Makikipagunahan ang pinoy sa baka, kabayo, kalabaw para sa damo sa malapit na hinaharap.

    Hey, Valdemar. I asked my hubby to look for the ‘Soylent Green’ cd, intrigue kasi ako. It’s scary but I agree with you, magso-soylent green na ang pinoy if the bitch stays in power for more years.

  29. Etnad Etnad

    Sana hindi natin sayangin ang sakripisyo ni Gng. Lozada at ang kanyang pamilya. Huwag natin hayaan na makawala yang mga buhong na yan sa mga pinaggagawa nila sa sambayanan. Matapos man o hindi ang termino dapat magbayad sila kulong man o ang buhay nila. Para sa mga susunod na mamamahala sa ating Gobyerno ay alam na ang pagseserbisyo sa mga tao ay hindi para magpayaman kundi sakripisyo.

  30. Etnad Etnad

    Ang ginawa nila Glorya at ang kanyang asawa ay para silang Tag Team sa Wrestling. Yong babae ang bahala sa pamamahala at yong lalake ang bahala sa pangungurakot. Nung hindi na niya kayang lumuwas papunta sa China para sa pirmahan ng kontrata .. tag niya si Glorya … o di ba????? Kakahiya.

  31. bitchevil bitchevil

    Off topic: Enough is Enough! Stop, Da Lie Lama!

    The world instinctively favors the underdog, and China’s size and stature has certainly made it the envy of many.
    Bimbos like Richard Gere have become the poster boy of Tibet’s so called fight for independence. Similar type airheads have alluded to China’s takeover in 1949 or thereabouts. What they are ignorant of, or are purposely evading, is the fact that Tibet has always been part of Chinese territory since more than 500 years ago, with Britain as a witness to the contract.

    This is more than twice the number of years that the USA had laid claim to its many colonies abroad. No one is inciting the Native Americans to reclaim their natural habitats from the Anglos.

    We don’t see the U.S. being pressured to give up California, which they had annexed in more recent times than China’s Tibet–nor any of the so called U.S. owned states as far flung as Hawaii and Alaska.

    Hello, Ms. South Carolina, have a look at the world map and figure out if the USA has more right to Guam and Hawaii than China has to Tibet, which is right smack in what had, for hundreds of years, been Chinese territory.

    But even more hypocritical is French president Sarkozy who thinks that his threat to boycott the Olynpics would even make anyone in Beijing flinch. Monsieur, no one would give a merde (French for Chinese excrement! Get off your high horse, you America schmoozer. And shut your alcohol stinking mouth. Go back and kiss more Gringo asses in the U.S. Congress. China would probably miss your bombshell first lady, especially sans clothes, but definitely not you, you slick limousine driver.

    Irony but irony, your pin-up silicon chested stripper wife seems to have more brainpower than you, Monsieur Sarcasm, or whatever your freaking name is.

    Obviously, some sinister forces have orchestrated all these world protests to happen just before China hosts the Olympics, to blackmail China just when the world spotlight is on her. How do you account for all these protests to occur simultaneously in 20 missions around the world? And the U.S. media has certainly played up these one sided stories in a sensational wave of China bashing. Guess these propanda mongerers are quaking in their China made boots realizing that it is only a matter of time before China buys up CNN and turns it into the China News Network. Why are they not reporting the concerted unprovoked attacks against Chinese residents in Tibet by the rebels? And in the interest of fair reporting, shouldn’t U.S. networks be airing the footages of wanton looting and arson and havoc in the ethnic Chinese sections of Tibet?

    How should the authorities in a country react when such riots occur? I was working in the U.S. when American cops would go on a rampages inflicting police brutality on African American students in Virginia Beach, and sporadically in different cities in the South.

    The hypocritical U.S. media have turned an internal affair into a world event. How can such a vast country– with such a huge population– maintain order if it were to allow these acts of lawlessness to go unchecked? China needs to rule with an iron fist especially at this delicate stage of her sovereign development.

    Let he who is without sin cast the first stone. The French have no right to criticize. Look at their own record with their own colonies, i.e. in Africa. What the French need are more baths…and more personal hygiene. Bring out the breath fresheners.

    For these hypocritical Machiavellian leaders to use the Olympics as a platform for their political designs is most deplorable. Politics and sports just don’t mix. If only France had the money, and the facilities to host an Olympic event..they would end up with egg on their faces as the protestors give them a dose of their own medicine.
    That’s why the city of Nice is pronounced ‘nees’–In France… there is just no French word for nice.

  32. eddfajardo eddfajardo

    Filipinos have nothing to blame for the current crisis in our government other than themselves. We have shown to the whole world that we are a country abused by its leaders and tolerating the evils of corruption, deceit, lying, cheating and worse, naked use of brute force in covering up criminal acts of this government. When are we going to act? Do we need another Ninoy to sacrifice and wake up the seemingly sleeping kababayans? Gising na kayo mga kababayan. Time to act. We need results not reasons.

  33. rose rose

    new meanings…SC previously meant Supreme Court of the Phil..Now.. SC means Syndicated Criminals: Syndicated Corruptors…
    Ombusman…now means naubosman..ang bigas; ang pera; ang katarungan; ang fertilizers;
    Hell to the Cheat of Staff: Hell to the Fake President!

  34. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Takot ang mga alipores ni Gloria sa imbestigastion dahil halatang may anomalya. Halos 14 pesos ang tongpats sa retokeng NFA rice dahil ang bentahan ay 32 pesos/kilo- commercial rice. Kumikita sila ng 700 pesos/50kg sack. Pera ng taumbayan galing ang NFA rice subsidy. Gini-gisa nila tayo sa ating sariling mantika. Malapit ang Marilao,Bulacan sa Maynila. Imposibleng hindi alam ni Sec.Yap ang tambakan ng retokeng NFA rice.

    B

  35. chi chi

    Peke yata pati rice shortage sa Pinas.

    Ernesto Maceda in his Tribune column today says: Palay is rotting in farmers’ houses in Nueva Ecija because rice millers and NFA are not buying it. It had to take Karen Davila’s TV story to get Agriculture Secretary Arthur Yap himself to order Cabanatuan NFA to buy the palay, not at P17 per kilo but only at P14.

    With NFA buying another 500,000 metric tons of rice from abroad, there’s something wrong with NFA not buying all the palay harvest in Central Luzon.
    ***

    Ah, commission is thy name!

  36. Valdemar Valdemar

    Chi,
    I attended the whole night to our ex-stray cat big on the tummy.Its due. Wont stay in the lower bin of my cabinet. It wants to stay on the master papag. I’ll experiment what I can do with the little ones. I am sure its better than the soylents for now. Got to rush to queue at the Veterans Med for my re-extention of life. Hope its still there. Heard they are selling it for more rice. Why dont they just give away the 25 peso NFA rice free to the supposed card holders who would rather use their money for the gin and the jueteng and leave the 18.25 to the rest.

  37. parasabayan parasabayan

    Even my sister says there really isn’t any rice shortage in the province. Gusto lang ng mga galamay ni evil bitch kumita ng pera kaya may “rice shortage” kuno.

  38. I just talked to a friend who used to trade rice. He says millers are afraid of buying from the farmers because they fear either the NBI, or the PASG, or Task force this and that would just confiscate their stocks. He told me he feels this is being orchestrated to punish rice traders who have been too “independent”, if you know what I mean.

    “Independent” millers and traders are now not allowed to keep inventories even if it means they will have to lay-off employees during months that there are no harvests because they don’t have stocks to attend to.

    Either that or face hoarding charges from DOJ.

    That’s Irreplaceable Genius Gloria’s food security, price stability and jobs generation programs for you. All working in reverse!

  39. chi chi

    You’re funny but malaman, Valdemar. 🙂

  40. UGN UGN

    san na yung pinagmamalaki ni GMA na paglakas ng ekonomiya?

  41. More gutom ang aabutin ng Pilipinas with Gloria staying permanently at Malacanang na pangarap ng boba.

  42. hello friends, i really love the mediocrity of our supposed public servants.. hahahaha!! only in the pilipens..hehehehe!!! bastat may right connection.. tira ng tira sa katarantaduhan.. in our community where they are distributing NFA access card to buy low-priced rice it is being cornered by the persons na close to the political fence so sorry na lang kaming mga walang connection.. turo dito turo doon ..point point kung kanino ka kukuha ng card para makabili ka ng 3 kilos of rice na mura.. sus giataw!!! lintegen man talaga kining buhay ta.. antax ni apo nya kadaku!!!

  43. There is no war in the Philippines (or is there?) Why the need for cards for basic staple food? Katarantaduhan iyan. Pero bakit hindi pumipiyak ang mga pilipino? Sa amin iyan, hindi iyan titigilan lalo na ng media na batikosin hanggang sa magpakamatay ang gunggong na pasimuno.

    Dapat magalit din ang mga pilipino doon sa mga gunggong na sundalong nakaumang ang mgabaril sa mga pila ng bigas. Oppression iyan! Di ba nila alam iyan? The presence of those soldiers with their guns and tanks is indication enough that Filipinos up until now have not learned discipline, at parang mga savages pa rin.

    Kawawang bansa talaga!

  44. Sabi ko, “The presence of those soldiers with their guns and tanks is indication enough that Filipinos up until now have not learned discipline, at parang mga savages pa rin.”

    Apparently, iyan ang gustong ipalabas ni Gloria Dorobo. Patalsikin na iyan!

  45. chi chi

    Ayan, meron ng namatay sa heat stroke sa napakahabang pila sa murang bigas ng NFA. Ilan pang mahirap na pinoy ang mamatay dahil sa sobrang pakulo ni Korap Gloria sa rice shortage?
    ***

    CAGAYAN DE ORO CITY — Si Henry Valle, 58, may-asawa, ang kauna-unahang biktima ng pila sa bigas matapos itong ideklarang dead-on-arri­val sa Northern Mindanao Medical Center. (source: Abante)

  46. parasabayan parasabayan

    Chi, walang kuwenta ang isang buhay kay evil bitch! Yun ngang extrajudicial killings eh malapit ng mag-isang libo bale wala lang.

    This rice crises may be her way of making more money for her cronies from importation. It is also her way of releasing early money for the 2010 elections. May ombudsman daw kuno para sa agriculture pero kung ang ombudsmen na ito eh puro clone lang ni Merceditas, forget about accountability.

  47. Kawawa naman iyong na-heatstroke. I can just imagine iyong init.

    Dito nga pag summer, mainit din pero hindi kasing sakit ng sinag ng araw sa Pilipinas. In fact, iyan ang dahilan kung bakit atubili akong bumalik sa Pilipinas.

    Noong maliit kasi ako pirmi akong may sakit pag summer na hindi ko na-experience sa Japan o sa Tate lalo na sa SFO. Malamig kasi doon lalo na doon sa Daly City na palaging may fog.(Sabi ni Tongue sabay-sabay kasing magsaing ang mga noypi doon.) Walang sinabi ang lamig sa Baguio sa totoo lang.

    Dito kasi sa Japan, para kang nasa sauna kung walang aircon ang bahay mo pag summer. Problema, allergic din ako sa aircon lalo na kung hindi malinis ang pinagdaraanan ng hangin. Iba pa rin ang tunay na lamig.

  48. Dapat sinasabihan iyong mga pumipila na magdala ng sombrero o payong dahil talaga namang mga negligent ang opisyal diyan na hindi man lang isipin ang kapakanan ng mga taumbayan. Dito nga sa Japan, nakapila ang mga tao sa Consulate sa kalye, rain or shine, snow or no snow. Dito iyan idedemanda ang gobyerno sa neglect na ganyan.

    Wala bang mga volunteer lawyers diyan sa Pilipinas na puedeng magsampa ng kaso para doon sa mga naaapi?

  49. Yung Rice Ration Card (ano bang tamang tawag?) ng DSWD, preparasyon yan para ma-identify yung mga mahihirap sa urban centers. Para saan?

    Para sa eleksiyon sa 2010! Ipapuputol ko leeg ng kapitbahay ko kung mali ako!

Comments are closed.